Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Liksyon 3 para sa ika-16 ng Enero, 2021
Mapanganib na panahon. Isaias 7:1-2
Naniwalang matatatag. Isaias 7:3-9
Humingi ng tanda. Isaias 7:10-13
Ang tanda: isang birhen at isang bata. Isa. 7:14
Emmanuel, “sumasa atin ang Dios”. Isa. 7:14
Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ni Haring Ahaz. Mahina ang iyong kaharian, at may isang mas malakas na kahariang nakipagsanib pwersa sa isangkaharian upang makipagdigmaan sa iyo. Anongmagagawa mo?
Ang mundo ni Ahaz ay babagsak na, kaya kailanganniya ng makapangyarihang kakampi upangmapgtagumpayan ang mapanganib na sitwasyongito. Sino ang maaari niyang pagtiwalaan?
SIRIA
ISRAEL
JUDA
Damascus
Samaria
DAGAT NG MEDITERANEA
“At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakipsa Ephraim. At ang puso niya'y nakilos, at ang puso ng kaniyang bayanna gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin.” (Isaias 7:2)
Iyon ay hindi magandang panahon sa kaharian ng Juda. Binabagabag sila ng mga Edomita at Filisteo (2Cr. 28:17-18). Maliban doon, ang mga hari ng Israel at Siria ay nagsanib pwersa upang ibagsak si Ahaz at koronahan ang anak ni Tabel (Is. 7:6).
Ginawa nila iyon dahil nagiging banta sa kanila ang Asiriaat palakas ito ng palakas. Pinapalakas nila ang kanilangmga sundalo sa pamumuno ni Tiglath-Pileser III.
HARING PEKAH
ng Israel
HARING REZIN
ng Siria
TIGLATH-PILESER III Hari ng Assyria
Hiniling ng masamang si Haring Ahaz ang tulong ng Asiria. Mukhangmabuting ideya iyon sa simula, ngunitsumira sa kanila ang planong ito (2K. 16:9; 2Chr. 28:20).
Bakit hinayaan ng Dios na makaranas ang Juda ng maraming paghihirap (2Cr. 28:5, 19)?
Pinalala ni Ahaz ang kanyang kasamaan. Siyaang unang hari ng Juda na naghandog ng sarilinganak sa mga diosdiosan (2K. 16:3). Hinayaan ng Dios ang mga kahirapang iyon upang mapansinniya ang kanyang matinding kasamaan.
Dinalaw ni Isaias si Ahaz kasama ng kanyang anak na si Shear-Jashub. Nagbigay siya ng mensahe ng pag-asa sa hari at nakiusap sa kanya na magtiwala sa kapangyarihan ng Dios (Isaias 7:3-4).
Iyong mga mapanganib na hari (Peka at Rezin) ay gaya lang ng usok sa Dios. Kung nagtiwala si Ahaz sa Dios, makakatayo ang kanyang kaharian (Isaias 7:5-7, 9).
“‘Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. Nguni't sinabini Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.’” (Isaias 7:11-12)Ang kapangyarihan ng Dios ay nasa pagpasya ng isang masamang tao, “Humingi ka sa ganang iyo”. Handa ang Dios na ibigay kay Ahaz anumang hilingin niya, dahil naisNiyang liwanagan ng pananampalataya ang kanyang puso upang magbalik siya saKanya.
Ngunit ayaw ni Ahaz na tulungan siya ng Dios. Sinarado niya ang kanyang puso sa pananampalataya.
Dahil tinanggihan n ani Ahaz ang Dios, itinigil na ni Isaias ang pagsasalitatungkol sa “iyong Dios.” Hinarap niya siAhaz dahil sa pag-abala sa “aking Dios” (Is. 7:11, 13).
Itinakwil ng hari ng Juda ang Dios, ngunit hindi itinakwil ng Dios ang Kanyang bayan.
ANG TANDA: ISANG BIRHEN AT ISANG BATA“Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng
tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake […]” (Isaias 7:14)
Pinili ng Dios mismo ang tanda. Sa dalawang taon (bagomaisilang ang bata, at magkamalay na upmakakilala na ng mabuti at masama), dalawang kalabang hari ang maglalaho (Isaias 7:14-16).
Ang salitang “birhen” na ginamit sa talatang ito ay hindinagpapahayag ng sekswal na pagkabirhen, ngunitkabataan. Kaya ang pinakamalapit at panghinaharap nakatuparan ng propesiyang ito ay malinaw:
Ang ina: Pinakamalapit: asawa ni Isaias (Is. 8:3-4)
Hinaharap: Maria (Mt. 1:20-23)
Ang anak: Pinakamalapit: Maher-Shalal-Hash-Baz (Is. 8:1,18)
Hinaharap: Jesus (Lk. 1:31)
“Ang pangalang Emmanuel ay tanda na pangalanginordinahan ng Dios upang magpatotoo sa Kanyangpakay sa Juda sa panahong ito […] Ang tanda ng Emmanuel ay magpapatotoo sa presensya ng Dios nagagabay, mag-iingat, at magpapala sa Kanyang bayan.”(SDA Bible Commentary,
sa Isaias 7:14).
Ang parehong Dios na kasama ni Jacob sa kanyag kabagabagan (Gn. 32:24-30) at ng tatlong kabataang Hebreo sa apoy(Daniel 3:23-27) ang nangakong sasamarin sa atin.
Sa kabila ng pinakamalapit at panghinaharap na kaganapan ng propesiya, itorin ay pansanlibutang pangako: Palaging kasama natin ang Dios, kahitnakakaranas tayo ng mahihirap na panahon.
“‘Emmanuel, sumasa atin ang Dios.’
Napakahalaga nito sa atin. Anong lawak
ng pundasyong inilalatag nito para sa
ating pananampalataya! Anong laking
pag-asa ng imortalidad ang inilalagay
nito sa mananampalatayang kaluluwa!
Ang Dios ay sumasa atin kay Kristo
Jesus upang samahan tayo sa bawat
habang ng ating paglalakbay patungo sa
langit.”
E.G.W. (God’s Amazing Grace, July 12)