10
Liksyon 4 para sa ika - 24 ng Abril, 2021

Liksyon 4 para sa ika-24 ng Abril, 2021 - Fustero

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Liksyon 4 para sa ika-24 ng Abril, 2021

Ang pangalan ng Dios:

YHWH, ang Isang Walanghanggan‘El Shaddai, Makapangyarihang Dios

Ang pangalan ng tao:

Abram/Abraham

Ang tipan:

Mga baitangMga obligasyon

Ang tipan ay kontrata sa pagitan ng dalawang partido. Ang Walanghanggang Tipan ay kasunduan sa pagitan ng Dios at sangkatauhan. Pinagtibay din ng Dios ang tipang ito sa mganatatanging tao gaya ni Noe, Abraham, Isaac, Jacob.

Ang tipan o kontrata ay naglalaman ng mga pangalang naglalagdanito. Kaya, mahalagang malaman ang pangalan ng mga kabilang napartido.

Mahalaga rin na malaman ang mga kasunduan sa kontrata, at ang mga obligasyon ng bawat partido.

“At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.”(Exodo 3:14)

Ang “AKO NGA” ay pangalan ng Dios. Binubuo ito ng apat ng letra sa Hebreo: YHWH. Karaniwan itong sinasalin bilang “Yahweh” o “Jehovah”, bagaman ang orihinal napagbigkas ay hindi na alam.

Isinalin ni apostol Juan ito na “sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating” (Apoc. 1:4). Yun ay, ang isang WALANGHANGGAN. Ang pangalan ng Dios ay kumakatawan sa Kanyang pag-exist, Kanyangpagkawalanghanggan, at Kanyang pamamahala sakasaysayan.

Ginamit ni Moises ang pangalang ito nang ikwento nya ang unang pag-uusap ni Abram at ng Dios (Gn. 15:7).Hinihikayat tayong alamin ang pangalan ng Dios at ang kahulugan nito, upang malubos ang ating pagtitiwala sa Kanya (Awit 9:10; 91:14).

“Ang ibig sabihin ng AKO NGA ay walanghanggang

presensya; ang nakaraan, kasalukuyan, at

hinaharap ay pareho sa Dios. Nakikita Niya ang

pinakamalayong pangyayari sa kasaysayan at ang

malayo pang hinaharap na kasinlinaw ng mga bagay

na nakikita nating nagaganap araw-araw. Hindi

natin alam ang nasa hinaharap, at kung alam natin,

hindi ito makakatulong sa ating walanghanggang

kapakanan. Binibigyan tayo ng pagkakataon ng

Dios na sanayin ang pananampalataya at

pagtitiwala sa dakilang AKO NGA.”

E.G.W. (That I May Know Him, January 6)

Nang pinagtibay ng Dios ang Kanyang tipan kay Abram, ipinakilala Niya ang Kanyang sarili bilang Dios naMakapangyarihan sa lahat [‘El Shaddai] (Gn. 17:1). Hindi magkaroon ng anak si Abram dahil sa kahinaan at karupukanng likas ng tao. Gayun pa man, ang Isang Makapangyarihan ay may sapat na kapangyarihang gawin itong posible (Gn. 17:6).Binasbasan ni Isaac si Jacob sa pangalan ng ‘El Shaddai (Gn. 28:3), at nagoakita ang Dios kay Jacob gamit ang pangalang ito (Gn. 35:11). Ginamitdin ni Jacob ang kaparehong pangalan upang pagpalain ang iba (Gn. 43:14;

48:3; 49:25).Ang Dios ay Makapangyarihan sa lahat, at mayroon din Syang di-mabilang na kayamanan. Handa Syang magkaloob mula sa mgakayamanang ito sa lahat na naghahanap nito namay pananampalataya at pagsunod (Fil. . 4:19).

Kinakatawan ng pangalan ng Dios ang Kanyang katangian. Sa ganun ding paraan, ang mga pangalan ng tao sa lumangmundo ng silangan ay kumakatawan sa kanilang karakter.

Kung may malaking pangyayari sa buhay ng isang tao, maarinilang palitan ang kanilang pangalan:

Genesis 32:28

• Jacob/Israel

• “Nakipagbuno sa Dios”

Genesis 41:45

• Joseph/Zaphnath-paaneah

• “Tagapagpahayag ng mga lihim”

Ruth 1:20

• Naomi/Mara

• “Mapait”

Daniel 1:7

• Daniel/Belteshazzar

• “Iniingatan ni Bel ang kanyangbuhay”

Binago ng Dios ang pangalan ni Abram sa Abraham upang i-highlight ang pagtupad sa pangako ng tipan. Mula sa sandalling iyon, kikilalanin siyang“Ama ng karamihan”. Ito ay nagpatibay sapananampalataya ni Abraham.

“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka saiyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sabahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturoko sa iyo.’” (Genesis 12:1)

Sinelyohan ng Dios ang Kanyang tipan kay Abraham ng tatlong baiting na may tatlong bahagi bawat isa:

PAGLAPIT“Sinabi ng Panginoon

kay Abram”

UTOS“Umalis ka sa iyong

bayan”

PANGAKO“Pagpapalain kita”

PAGLAPIT“Ako ang

Panginoon”

UTOS““Dalhan mo ako ng

dumalaga…”

PANGAKO“Ibinigay ko ang lupangito sa iyong mga inapo”

PAGLAPIT“Ako ay Dios na

Makapangyarihan sa lahat”

UTOS“Bawat batang lalaki

ay tutulin”

PANGAKO“Ibiibigay ko sa iyo […] ang

lupa kung saan ikaw ay dayuhan”

Itinatag ng Dios ang tipangito kay Abraham at sakanyang mga inapo ng direkta, ngunit sakop din nito ang lahat ng mga tao(Gn. 12:3; 22:18; Gal. 3:16, 29).

Genesis 12:1-3 Genesis 15:1-21 Genesis 17:1-14

Ito ay tipan ng biyaya. Iyon ay pagkukusa ng Dios, at iniaalokNiya na gawin ang hindi natin kaya. Gayunpaman, hindi iyonsarilinang tipan.

Silang mga tumatanggap ng tipan ng Dios ay dapat gumawang kanilang bahagi. Ang tipan ay masisira kung atingsusuwayin ang Dios. Ngunit huwag kayong mamali sa pag-unawa. Hindi tayo niligtas

ng Dios dahil sinunod natin Sya. Nililigtas Niya tayo dahil lamangsa biyaya (Eph. 2:8). At ang ating pagsunod sa Kanyang Utos ay sumasalamin ng ating pagtugon ng pananampalataya at pag-ibig(Santiago 2:17). Ginagamit ng Dios ang ating pagsunod upangmaganap ang mga pangako ng Kanyang tipan sa atin.

“At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito angmagiging tanda ng aking tipan sa inyo.” (Genesis 17:11)

Ano ang layunin ng pagtutuli bilang tanda ng tipanan?

Upang makilala ang binhi ni Abraham mula sa mga Hentil (Eph. 2:11)Upang ipagpatuloy ang alaala ng tipan (Gn. 17:11)

Upang paunlarin ang dalisay na kabutihan (Dt. 10:16)Upang kumatawan sa katuwiran sa pananampalataya (Rom. 4:11)

Upang katawanin ang pagtutuli ng puso (Rom. 2:29)Upang magpauna sa Kristyanong ritwal ng bautismo (Col. 2:11-12)

Bakit hindi na tanda ng tipanan ang pagtutuli?Matapos ang ilang panahon, namali ang pakahulugan sa tandang itobilang paraan ng kaligtasan, kaya nawala ang orihinal na kahulugannito. Kay Jesus, ang pagtutuli ay napalitan ng pananampalataya nagumagawa sa pag-ibig, isang bagong nilalang, at sumusunod sa mgautos (Gal. 5:6; 6:15; 1Co. 7:18-19).

“Kung ang prinsipyo ng pag-ibig ay

maitanim sa puso, kung naibalik ang tao sa

wangis ng naglikha sa kanya, ang bagong-

tipanan ay naganap, ‘Ilalagay ko ang aking

mga kautusan sa kanilang puso, At

isusulat ko rin naman sa kanilang

pagiisip.’ Hebreo 10:16. At kung ang

kautusan ay naisulat sa puso, hindi ba nito

huhubugin ang buhay? Pagsunod—ang

paglilingkod at katapatan ng pag-ibig—ang

tunay na tanda ng pagiging katiwala.”E.G.W. (Steps to Christ, cp. 7, p. 60)