Upload
others
View
8
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Liksyon 7 para sa ika-15 ng Pebrero, 2020
Isang sakdal na tao. Daniel 6:1-5
Isang inusig na tao. Daniel 6:6-9
Isang mapanalangining tao. Daniel 6:10
Isang iniingatang tao. Daniel 6:11-23
Isang taong napawalangsala. Daniel 6:24-28
Si Daniel ang ikatlong pinuno sa kaharian ng Babilonia. Siya ay hinirangbilang isa sa tatlong gobernor sa Babilonia sa ilalim ni Dario na taga Media.
Siya noon ay walumpong taong gulang, at siya ay kasing tapat sa Dios noongdinala siya upang maging bihag sa Babilonia (Daniel 1).
“Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila
nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapatsiya, walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya.” (Daniel 6:4)
Napansin ni Dario ang katapatan ni Daniel, kaya nag-isip siya na gawin siyang pinuno sakaharian.
Iyon ang dahilan kung bakit nainggit ang ibanggobernador (ang kasalanan na nagpabagsakkay Lucifer), dahil gusto nila ang posisyon naibinigay kay Daniel.
Ginamit nila ang kanyangkatapatan upang atakihin siya. Alam nila na tatayo siya at mananatiling tapat sa utos ng Dios kaysa sa batas ng kaharian.
Nang imbestigahan si Daniel, Nakita nilang siya’y mabutingmangasiwa. Siya ay matuwid, masipag, hindi nasusuhulan, mapagkakatiwalaan, matapat, totoo at loyal, at walangmasamang bisyo.
Upang maging mas mabisa ang pamamahala, nagtalaga ang hari ng 120 na mga satrapa. Isa sa mgapanganib ng organisasyon na iyon ay pwedeng gamitinng sinuman sa kanila ang kanilang kapangyarihanupang pabagsakin ang hari.
Nagmungkahi sila na, bilang pagsiguro sa katapatanng lahat na pinuno, lahat na kahilingan ay dapatdumaan sa hari sa loob ng ilang panahon.
Sinama din nila ang mga hiling sa mga diosdiosan. Ito ay isang hakbang pabor sa kayabangan ng hari(hindi siya sanay na maging kinatawan ng mgadiosdiosan) at atake laban kay Daniel.
Kung maselyohan na ang batas, hindi na itomababago. Nahatulan na si Daniel … at magkakaroon na ng hapunan ang mga leon.
Sa kabila ng kautusan ng hari, hindi sinubukang itagoni Daniel ang kanyang pananalangin. Nagpatuloylang syang manalanging nakaharap sa Jerusalem tulad ng lagi niyang ginagawa (2 Chr. 6: 20-40).
Ang pangunahing punto ng labanan ay sa pagitan ng mabuti at masama. Sino at paano tayo sasamba?
Ano ang ating gagawin kung magkakasalungat ang ating paniniwala sa Dios at pagsunod sa bansa?
Ang mapipili nating desisyon ay basi sa ating ugali ngayon.
Nananalangin ba ako sa Dios araw-araw? Itinatalagako ba ang Sabado upang sumamba sa Dios? Kumustaang pang-araw-araw ko na relasyon kay Jesus?
“Nang marinig nga ng hari ang mgasalitang ito namanglaw na mainam, at inilagak ang kaniyang puso kayDaniel, upang iligtas siya; at kaniyang pinagsikapan hanggang sapaglubog ng araw na iligtas siya.” (Daniel 6:14)Ipinakilala ng mga gobernador si Daniel bilang isang bihagna dayuhan na sumusuway sa utos ng hari. Sinadya nilangtanggalin ang mga dakila nyang katangian.
Sa panahong ito, hindi nahulog sa patibong ang hari. Naramdaman nyang may masamang balak ang mgagobernador.
Gumugol siya ng isang araw upang mailigtas si Daniel sakamatayan, ngunit hindi nya magawa (Juan 19:12).
Tumatak sa hari ang katapatanni Daniel na nasabi nyang: “Ang iyong Dios na pinaglilingkuranmong palagi, ay siyangmagliligtas sa iyo.” (v. 16)
At ipinadala ng Dios ang Kanyang
anghel upangingatan si Daniel
Pagkatapos ng gabing hindi sya nakatulog, ay pumunta ng madaling araw sa yungib ang hari. Buhay pa kaya si Daniel?
Nagbayad na si Daniel sa kanyang “krimen” ayon sa batas. Pagkatapos, binalingan niDario ang mga tunay na kriminal (mga seloso, sinungaling at traydor).
Ang mabilis nilang kamatayan ay sumalungatsa himalang pagkaligtas ni Daniel.
Napawalangsala ni Dario si Daniel at pinagtibay ang kanyang posisyon. Naglingkodsi Daniel sa posisyong iyon hanggang saikatlong taong paghahari ni Ciro.
Kaniya ring ipinagtanggol ang Dios ni Daniel. Simbolo ito ng huling pagsasanggalang, kung saan lahat ng mga tuhod ay luluhod sa harapng Hari ng mga hari.
“Bagaman siya [Daniel] ay taong may damdamin ding
tulad sa atin, ang panulat ng inspirasyon ay
nagpapakilala sa kanya bilang katauhang walang
dungis. Ibinigay ang kanyang buhay sa atin upang
maging maliwanag na halimbawa kung ano ang
mararating ng tao, kahit sa buhay na ito, kung
gagawin niyang kalakasan ang Dios at matalinong
papalaguin ang mga oportunidad at pribilehiyo sa
kanyang naaabot… Naramdaman niya ang
pangangailangan na sariwain ang kanyang kaluluwa
ng panalangin, at bawat araw ay nagdadala sa kanya
sa masugid na panalangin sa Dios. Hindi siya
mawawalan ng pribilehiyong ito bagaman merong
yungib ng leon na bukas upang tanggapin siya kung
magpapatuloy siyang manalangin…”
“Minahal ni Daniel, ginalang, at sinunod ang Dios.
Ngunit hindi siya lumayo sa sanlibutan upang
maiwasan ang nakakasirang impluwensya nito. Sa
pangangalaga ng Dios siya ay mabubuhay sa
sanlibutan ngunit hindi para sa sanlibutan. Sa
lahat ng tukso at mga nakakamangha sa buhay
korte na pumapalibot sa kanya, tumayo siya sa
dangal ng kanyang kaluluwa, kasing tibay ng bato
ang kanyang pagsunod sa prinsipyo. Ginawa
niyang kalakasan ang Dios at hindi siya
pinabayaan ng Dios sa panahon ng pinakamalaki
niyang pangangailangan.”
E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 4, cp. 56, p. 569)