Lisang Mensahe Lamang Tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    1/36

    Iisang Mensahe Lamang

    1

    Iisang

    Mensahe

    Lamang

    Dr. Naji I AlDr. Naji I AlDr. Naji I AlDr. Naji I Al----ArfajArfajArfajArfaj

    Isinalin sa Tagalog mula sa Arabe ni:

    Saminodin ManshawieSaminodin ManshawieSaminodin ManshawieSaminodin Manshawie

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    2/36

    Iisang Mensahe Lamang

    2

    PATUNGKOL

    Para sa mga nagsasaliksik ngkatotohanan nang buong puso't

    katapatan.

    Para sa mga bukas ang kaisipan at maymalawak na pang-unawa.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    3/36

    Iisang Mensahe Lamang

    3

    MGA NILALAMAN

    Mga Tanong Bago Magbasa.

    Diretso sa Paksa.

    Ang Nag-iisang Dios sa Lumang

    Tipan ng Biblia.

    Ang Nag-iisang Dios sa Bagong

    Tipan ng Biblia.

    Ang Nag-iisang Dios sa Banal na Qur-an.

    Ang Pagbubuod.

    4

    5

    19

    1

    3

    5

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    4/36

    Iisang Mensahe Lamang

    4

    MGA TANONG BAGO MAGBASA:

    1. Ano ba itong "Iisang MensaheLamang"?

    2. Ano ba ang sinasabi ng Biblia tungkoldito?

    3. Ano ba ang sinasabi ng Qur-antungkol dito?

    4. Ano ang iyong palagay tungkol dito?

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    5/36

    Iisang Mensahe Lamang

    5

    Ang tunay na Dios ay nag-iisalamang. Tanging Siya lamangang dapat sambahin, at sundinang Kanyang mga kautusan.

    DIRETSO SA PAKSA:

    Pagkaraan ng pagkalikha kayAdan, iisa lamang ang orihinal namensahe ang paulit-ulit na ipinapadalasa sangkatauhan, sa buong kasaysayanng salinlahi.

    Para paalalahanan angsangkatauhan sa mensaheng ito atibalik sila sa tuwid na landas, ipinadalang nag-iisang tunay na Dios ang mgaPropeta at mga Sugo tulad nila Adan,Noah, Abraham, Moises, Hesus atMuhammad, upang ipahayag ang isangmensahe, ito ay:

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    6/36

    Iisang Mensahe Lamang

    6

    Ang Tunay na Dios, Ang Tagapaglikha

    Sinugo: Para ipahayag angmensaheng ito:

    ---Noah Iisa ang Dios

    ---Abraham Iisa ang Dios

    ---Moises Iisa ang Dios

    ---Hesus Iisa ang Dios

    ---Muhammad Iisa ang Dios

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    7/36

    Iisang Mensahe Lamang

    7

    Ipinadala ng tunay na Dios angmga pangunahing Sugo at iba pa sakanila na nalaman natin at hindi natinnalaman para ipatupad ang mgamahahalagang pakay, kasama na rito:

    1) Tanggapin ang kapahayagan atipamahagi ito sa kanilang mganasasakupan at mga tagasunod.

    2) Turuan ang mga tao tungkol sakaisahan ng Dios at dalisayin angpagsamba para sa Kanya.

    3) Maging mabuting halimbawa sasalita at sa gawa, para sila'y sundin ngsangkatauhan sa kanilang daan tungo

    sa nag-iisang Dios....

    4) Pangaralan ang kanilang mgatagasunod ng pagkatakot sa Dios,pagsamba sa Kanya at pagsunod saKanyang mga kautusan.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    8/36

    Iisang Mensahe Lamang

    8

    5) Turuan ang kanilang mga tagasunodng mga tuntuning pangrelihiyon at mgamabubuting asal.

    6) Ituwid ang mga nagkasala, mgasumasamba sa mga diyus-diyusan at ibapang mga tao.

    7) Ipaalam sa mga tao na silay mulingbubuhayin pagkatapos nilang mamatay,sila'y huhusgahan sa araw ngpaghuhukom mula sa kanilang mgaginawa, sinuman ang sumampalatayasa nag-iisang Dios (Allah) at nagsagawang mga kabutihan ay gagantimpalaansiya ng Paraiso, sinuman ang

    magtambal sa Dios at sumuway (sa mgakautusan Niya) ang kanyangkahahantungan ay sa Impiyerno.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    9/36

    Iisang Mensahe Lamang

    9

    Tunay na yaong mga Propeta atmga Sugo ay mga nilikha at sila'yipinadala ng nag-iisang Dios. Angsansinukob at mga nilalaman nitongmga nilikha ay nagpapatunay na may

    Panginoon na Tagapaglikha atnagpapatotoo sa Kanyang kaisahan, siAllah ang Tagapaglikha ngsandaigdigan at mga nilalaman nitongmga tao, mga hayop at mga bagay. Siyaang Naglikha ng kamatayan at ngbuhay na pansamantala at buhay nawalang-hanggan.

    Tunay na ang mga kapahayagansa mga Hudyo, sa mga Kristiyano at sa

    mga Muslim ay lahat nagpapatunay namay Panginoong Dios at nag-iisangdapat sambahin.

    Ang taong nagsasaliksik ngkatotohanan, kapag pinag-aralan niyasa Biblia at sa Banal na Qur-an ang

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    10/36

    Iisang Mensahe Lamang

    10

    tamang pagkakilala sa Dios ng maytunguhin at pagkamatapat aymakakaya niyang ibukod ang mganatatanging katangian na nauukollamang sa tunay na Dios, at hindi Siya

    rito maaaring tambalan ng ibang mgadiyus-diyusan. At ito ang ibang mgakatangian:

    Ang Tunay na Dios ay Tagapaglikhaat hindi nilikha.

    Ang Tunay na Dios ay Nag-iisa atwala Siyang katambal, hindi dumarami,hindi nanganganak at hindiipinanganak.

    Ang Tunay na Dios ay malayo sa mgapagsasalarawan ng mga nalikha at hindiSiya maaaring makita dito sa mundo.

    Ang Tunay na Dios ay walang wakas,walang kamatayan, hindi nagbabago,hindi naglalaho at hindi nagkakatawanng Kanyang mga nilikha.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    11/36

    Iisang Mensahe Lamang

    11

    Ang Tunay na Dios ay nanatili saKanyang katayuan at sarili, walangpangangailangan sa Kanyang mganilikha at hindi Niya sila kailangan, walaSiyang ama at ina, walang asawa at

    anak, hindi Siya nangangailangan ngpagkain at inumin, hindi Siyanangangilangan ng tulong mula kaninoman bagkus ang mga nilalang na nilikhang tunay na Dios ang maypangangailangan sa Kanya.

    Ang Tunay na Dios ay bukod-tangi saKanyang mga katangian na Siya angPinakadakila, ang walang-kapintasan atang nagmamay-ari ng napakagandang

    katangian na walang maaaringtumambal at tumulad sa Kanya kahit isaman sa Kanyang mga nilikha, walaSiyang kahalintulad na kahit katiting nabagay.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    12/36

    Iisang Mensahe Lamang

    12

    Maaaring maibigan ng ibangmga Kristiyanong palatanong:

    malinaw at tiyak na nag-iisalamang ang tunay na Dios, atkami'y naniniwala sa isang

    Dios.

    DI ANO ANG PUNTO?

    Maaari nating gamitin ang mgapamantayan at mga katangiang ito (atganun din ang ibang mga katangiangSiya lamang ang nagmamay-ari) sa pag-susuri at pagtatatwa sa lahat ng

    pinaniniwalaan at nag-aangkin ngpagka-Dios.

    Ngayon, hayaan ninyo akongbalikan at saliksikin ang isang mensahena nabanggit sa itaas at suriin ang ibangmga talata sa Biblia at sa Banal na Qur-an na nagpapatunay sa kaisahan ngDios. Ngunit bago iyan, nais ko sainyong ibahagi ang palaisipang ito:

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    13/36

    Iisang Mensahe Lamang

    13

    Ang katunayan nito, sakasalukuyan ng aking pag-aaral atpagbuhos ng buong pag-iisip sapagbabasa tungkol sa Kristiyanismo atsa maraming pakikipagtalakayan sa

    mga Kristiyano, natagpuan ko na angtunay na Dios sa kanila ay (ayon sapagsasalarawan ng iba sa kanila) aysumasaklaw sa mga sumusunod:

    1) Dios Ama.2) Dios Anak.3) Dios Espiritu Santo.

    Ang mababaw na pag-unawa atmatuwid na pangangatwiran aymagpapatibay sa isang mananaliksik ngpaksa sa pamamagitan ng mga tanongsa mga Kristiyano:

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    14/36

    Iisang Mensahe Lamang

    14

    Ano ang ibig sabihin ng pagsasabininyo ng "Isa ang Dios" subalit angtinutukoy ninyong Dios ay tatlo?

    Ang Dios ba ay nagiging Isa sa Tatloo ang Tatlo ang nagiging Isa (1 sa 3 or 3sa 1)?

    Karagdagan pa riyan, ayon sapaniniwala ng mga Kristiyano, angtatlong dios na ito ay may iba't ibangmga gawain na ginagampanan atpagkakakilanlang katangian at larawantulad ng sumususnod:

    1) Dios Ama: Tagapaglikha

    2) Dios Anak: Tagapagligtas

    3) Dios Espiritu Santo: Tagapayo

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    15/36

    Iisang Mensahe Lamang

    15

    Ang pag-aangkin na ang Kristo ayanak ng Dios o kaya'y siya mismo ayDios o kaya'y bahagi siya ng tunay naDios, ay sumasalungat mismo sa mgasinasabi ng Lumang Tipan at Bagong

    Tipan, nasasaad na ang tunay na Diosay hindi makikita at hindi maririnigninuman ang Kanyang boses:

    Kailan ma'y hindi ninyo narinig angKaniyang tinig, ni hindi man ninyonakita ang Kaniyang mukha. (Juan 5:37)

    Na di nakita ng sinumang tao, omakikita man.(1 Kay Timoteo 6:16)

    Hindi maaaring makita Ako ng tao at

    mabuhay.(Exodo 33:20)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    16/36

    Iisang Mensahe Lamang

    16

    Batay sa mga talatang ito at iba pana nasasaad sa Biblia, ako'y lubusangnagtataka at napapatanong nang buongkatapatan at pagtitiwala, kung paanonatin pagtutugmain ang kanilang

    sinasabi na si Hesus ay Dios, datapuwa'tang mga talata sa Biblia ay mariingtinitiyak na walang sinumang nakakitasa Dios ni walang nakarinig sa Kanyangtinig?!

    Hindi baga nakita ng mga Hudyoat pamilya ni Hesus at mga tagasunodniya si Hesus sa kanilang kapanahunan,Hindi ba nila nakita si Hesukristo (angDios anak ayon sa kanilang paniniwala)

    at narinig ang kanyang boses?Paano sinasang-ayunan ng

    Lumang Tipan at Bagong Tipan na angDios ay walang sinumang nakakita atnakarinig sa Kanya, tapos maymatatagpuan tayong tao na naniniwa-

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    17/36

    Iisang Mensahe Lamang

    17

    Di ano ang totoo? Pakiusapbasahin ang mga naunangtalata ng paulit-ulit at pag-

    isipan ng malalim.

    lang si Hesus ay nasaksihan angkanyang pagkatao at narinig angkanyang tinig, siya ba ang Dios o anakng Dios? Mayroon bang lihim nanakatago sa katotohanan ng Dios?

    Ngunit ang Lumang Tipan aymariing tiniyak na ito'y salungat diyanayon sa pagsasaling salita ng Dios naKanyang sinabi: Tunay na Ako angPanginoon at doon ay walang dios naiba. At tunay na Ako'y hindi nagsalitang lihim at hindi Ko inilihim ang Akinghangarin tunay na Ako ang Dios atAko'y nagsasalita ng katotohanan atAking ipapahayag ang katotohanan.(Isaiah 45:19)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    18/36

    Iisang Mensahe Lamang

    18

    Bilang pag-iingat sa nasabing paksa,aking ilalahad ang mga katibayan

    nang walang anumang pagdaragdagna sariling kuru-kuro, sana'y unawain

    ito bilang pagpapahalaga atpagtatalakay nang walang halonghaka-haka o paghuhusga.

    Tayo ngayon ay maglakbay tungosa pagsasaliksik tungkol sa katotohananng Dios, sa Biblia at sa Qur-an.Hangaring malaman sa akingpaglalahad ang inyong mga mungkahi

    at palagay pagkatapos unawain angmga talata at mga basehan, pagkataposmabasa ang buklet na ito ng maytunguhing pagbabasa at maymakatwirang pagtatalakay.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    19/36

    Iisang Mensahe Lamang

    19

    ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOSSA BIBLIA (Lumang Tipan):

    Dinggin mo, oh Israel: angPanginoon nating Dios ay isangPanginoon. (Deutoronomio 6:4)

    At di baga ang nag-iisang Dios aylumikha para sa atin ng espiritu ngbuhay at tayoy Kaniyangbinibiyayaan? (Malakias 2:15)

    Upang inyong malaman atmagsisampalataya kayo sa Akin, atinyong matalastas na Ako nga angsiyang Dios, walang dios na inanyuan nauna sa Akin, o magkakaroonpagkatapos Ko. Ako sa makatuwidbaga'y Ako, ang Panginoon, at liban saAkin ay walang tagapagligtas. (Isaias 43:10-11)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    20/36

    Iisang Mensahe Lamang

    20

    May naaalala ka bangibang mga talata na

    tulad nito?

    Ako ang una, at Ako ang huli; atliban sa Akin ay walang dios. Sino angkatulad Ko? (Isaias 44:6)

    Hindi baga Ako ang Panginoon atwalang ibang dios liban sa Akin?Bumaling sa Akin, at mangaligtas, atdoo'y wala ng iba. (Isaias 45:21-23)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    21/36

    Iisang Mensahe Lamang

    21

    ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOSSA BIBLIA (Bagong Tipan):

    Lumapit sa kanya ang isa, atnagsabi, mabuting guro, ano angmabuting bagay na gagawin ko upangako'y magkaroon ng buhay na walanghanggan? At sinabi niya (Hesus) sakaniya, bakit mo ako tinatawag namabuti? Walang ibang mabuti malibansa nag-iisa, siya ang Dios. (Mateo 19: 16-17)K.J.V.

    At ito ang buhay na walanghanggan, na Ikaw ay makilala nila,Ikaw ang tanging Dios na tunay na nag-iisa Ka, at si Hesukristo ang Iyongsinugo. (Juan 17: 3)

    Sambahin ninyo ang tunay na Diosna inyong Dios at Siya lamang anginyong paglilingkuran. (Mateo 4:10)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    22/36

    Iisang Mensahe Lamang

    22

    Makakaya mo bangmaalala ang iba pang mga

    katibayan na nagpapatunay

    na iisa lamang ang Dios?(AT HINDI TATLO!)

    Pakinggan mo, oh Israel; angPanginoon nating Dios, ang Panginoonay iisa ang Dios ay iisa at walang ibaliban sa Kanya.(Marcos 12:29)

    Sapagka't may isang Dios at mayisang tagapamagitan sa Dios at sa mgatao, ang taong si Hesukristo.(1 Kay Timoteo2:5)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    23/36

    Iisang Mensahe Lamang

    23

    ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOSSA QUR-AN:

    Sabihin!!!! Siya si Allah, ang bukodtanging nag-iisa, si Allah, ang sandiganng lahat, ang walang hanggan at walangkapintasan, hindi Siya nagkaanak athindi Siya ipinanganak at Siya aywalang katulad.(112: 1-4)

    Walang sinumang Dios maliban saAkin, kayat sambahin ninyo Ako. (21:25)

    Katotohanan, hindi sumasampala-taya ang mga nagsabing "si Allah ay isasa tatlo (trinidad)" datapuwa't wala ngiba pang dios maliban sa nag-iisang Dios(si Allah). At kung sila ay hindi titigil sakanilang sinasabi, katotohanan, angisang kasakit-sakit na kaparusahan aysasapit sa mga hindi sumasampalatayasa kanila. (5:73)

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    24/36

    Iisang Mensahe Lamang

    24

    May iba pa bang dios bukod kayAllah? Karamihan sa kanila ay hindinakakaalam. (27:61)

    May iba pa bang dios bukod kayAllah? Mataas si Allah sa kanilang mgaitinatambal sa Kanya. (27: 63)

    May iba pa bang dios bukod kayAllah? Sabihin! Ipakita ang inyongkatibayan kung kayo ay nagsasabi ngkatotohanan.(27: 64)

    Ang katotohanan na nasamensaheng ito ay ang

    "KAISAHAN NI ALLAH"Ito ang pangunahing paksa

    sa Banal na Qur-an.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    25/36

    Iisang Mensahe Lamang

    25

    ANG PAGBUBUOD

    Tunay na ang mga talatang ito atkasama ng iba pang mga daan-daangmagkakatulad na batayan sa Biblia atsa Qur-an ay nagpapatunay na walanganumang pag-aalinlangan na ang Diosay iisa lamang at walang ibang diosliban sa Kanya, ayon sa sinasabi ngBiblia, "Dinggin mo, Oh Israel; angPanginoon nating Dios, ang Panginoonay iisa ang Dios ay iisa at walang ibaliban sa Kanya. (Marcos 12:28-33)

    At binabanggit din ng Banal naQur-an ang pag-uutos ni Allah, sa

    Kanyang sinabi: Sabihin: Siya si Allah,ang nag-iisa. (112:1)

    Ang Biblia ay hindi lamangnagpapatotoo na ang Dios ay iisa,bagkus pinapatotohanan na si Allah angSiya ring Tagapaglikha at Tagapag-

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    26/36

    Iisang Mensahe Lamang

    26

    ligtas na tanging nag-iisa Upanginyong malaman at Ako'ysampalatayaan, at inyong matalastas naAko nga ang siyang Dios, walang diosna inanyuan na una sa Akin, o

    magkakaroon pagkatapos Ko. Ako samakatuwid baga'y Ako, ang Panginoon,at liban sa Akin ay walangtagapagligtas. (Isaias 43: 10-11)

    At dahil dito, nagiging malinaw naang salitang pagka-dios tulad ngEspiritu Santo, at nina Hesus, Brahma,Vishnu, Shiva, Krishna, Buddha at ibapa ay walang pinagmulan, walangkatibayan, wala silang pag-aaring ano

    pa man na bagay, sila'y hindi mga diosat hindi bilang paglalantad sa tunay naDios o pagkakatawang dios opaglalarawan sa Kanya. Wala Siyang(Allah) kahalintulad na bagay tulad ngnabanggit sa Biblia at Qur-an.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    27/36

    Iisang Mensahe Lamang

    27

    At nagalit si Allah sa mga Hudyodahil sa kanilang pagkaligaw at mgapagsamba sa mga diyus-diyusan bukodsa Kanya Nagsiklab ang galit ngPanginoon sa kanila. (Mga Bilang 25:3) at

    winasak ni Propeta Moises ang kanilangsinasambang guya na gawa sa ginto.

    Sa kabilang dako, ang Essenes, isasa mga sektang Kristiyanismo noongunang kapanahunan ay dumanas ngkaparusahan at kalupitan dahilnaniwala sila sa nag-iisang Dios, attinanggihan nila ang pagpapalit sa aralni Hesus na pagsamba sa nag-iisangDios, at kanilang kinamuhian ang

    Trinidad na pagbabagong aral ni Pabloat ang kanyang mga kasamahan.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    28/36

    Iisang Mensahe Lamang

    28

    Ang tunay na Dios ay nag-iisa

    lamang. Tanging Siya lamang angdapat sambahin, at sundin angKanyang mga kautusan.

    Sa madaling salita, ipinadala niAllah si Adan, Noah, Abraham, Moises,Hesus, Muhammad at lahat ng Propetaat Sugo (sumakanilang lahat nawa angpagpapala at kapayapaan) upang

    ipamahagi sa sangkatauhan angpananampalataya kay Allah atpagdalisay ng pagsamba para sa Kanyana nag-iisang walang katambal atkapantay, Siya ay malayo sa lahat nguring kasamaan. At ito ang IisangMensahe ng mga Propeta at mga Sugo :

    At kung gayon na ang mensahe ngmga Propeta at mga Sugo ay iisa, samakatuwid ang kanilang relihiyon ay

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    29/36

    Iisang Mensahe Lamang

    29

    iisa. Kung ganun ano ang relihiyon ngmga iyon?

    Ang pinakadiwa ng kanilangmensahe ay binubuod ng"PAGPAPASAKOP" sa nag-iisang Dios(Allah) at ang salitang ito aynangangahulugan sa salitang Arabic na"Islam".

    At mariing tiniyak ng Banal naQur-an na ang Islam ay RelihiyongTunay ng lahat ng mga Propeta at mgaSugo ni Allah, at maaaring subaybayanang makatotohanang ito sa Banal naQur-an at ganun din sa Biblia. ating

    tatalakayin ang makatotohanang ito saBiblia sa buklet na darating, ipagkaloobnawa ni Allah!

    Bilang panghuli, kailangan paramakamtan ang kaligtasan ay tanggapinang Mensaheng ito at sampalatayaan itong buong katapatan at taimtim.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    30/36

    Iisang Mensahe Lamang

    30

    NGUNIT ANG GAWAING ITOAY HINDI SAPAT! Datapwa'tkailangan din nating sampalatayaanang lahat ng mga Propeta at mga Sugoni Allah (nasasaklaw ito ng paniniwala

    kay Propeta Muhammad (sumakanyanawa ang pagpapala at kapayapaan),sundin ang kanilang pamamaraan atisabuhay ito. Iyan ang daan sa buhay nawalang hanggang kasiyahan.

    Kaya sa mga taimtim nanagsasaliksik ng katotohanan atnagnanais ng kaligtasan, baka sakalinginiisip mo rin ang bagay na ito at

    ngayon ay inaasam-asam, bago pamahuli ang lahat at bago pa dumatingang biglaang kamatayan! Sino angnakakaalam nito kung kailan?

    Mayroon pang isang bagay

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    31/36

    Iisang Mensahe Lamang

    31

    Pagkatapos basahinang isang mensaheng itong malalim na pagbabasaat pag-unawa aymaaaring maitanong ngmga taong matapat atmasikap

    BILANG HULING PAG-IISIP!

    Ano ang katotohanan?Ano ang dapat gawin?

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    32/36

    Iisang Mensahe Lamang

    32

    ASH-HADU ALL ILHAIL-LALLH WA ASH-

    HADU AN-NAMUHAMMADANRASLULLH.

    (Ako'y sumasaksi na walangibang tunay na dios liban kay

    Allh lamang at ako'ysumasaksi na si Muhammad

    ay Sugo ni Allh).

    Kaya mong manampalataya ngtapat sa iyong Tunay na Dios (Allah), atmaniwala sa Kanyang huling isinugo, atbanggitin ang mga katagang ito:

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    33/36

    Iisang Mensahe Lamang

    33

    Oo, Kaya mo yan!

    Ang pagsasaksing ito ang siyangpangunahing hakbang patungo sa daanng masayang buhay na walang hangganat ito ang tunay na susi ng mga pintuanng paraiso.

    Kung sang-ayon ka ng kunin angdaang ito, maaari kang humingi ngtulong sa iyong kaibigan o kapit-bahayna Muslim o sa malapit na Masjid oIslamic Center o ako'y parangalanan sapamamagitan ng iyong pagtawag opakikipagsulatan sa akin, lubos ko itongikagagalak.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    34/36

    Iisang Mensahe Lamang

    34

    MGA TALASALITAANG ISLAMIKO:

    AllahAng wastong pangalan ng nag-iisang Dios,ang Tagapaglikha. Si Allah ang tunay naPanginoon ng sangkatauhan, (Muslim,

    Kristiyano, Hudyo, Hindu atbp.).MuhammadAng huling Sugo ng nag-iisang tunay naDios (Allah).

    IslamPagsuko sa kagustuhan ng Tagapaglikha,ang tunay na Dios (Allah). Maaari lamangmakamtan ng isang tao ang tunay nakaligayahan at katiwasayan sapamamagitan ng pagsuko at pagsunod sa

    tunay na Dios.MuslimAng taong sumusuko sa kagustuhan ngtunay na Dios (Allah) ang Tagapaglikha.

    Qur-anAng salita ng Dios na inihayag kay PropetaMuhammad.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    35/36

    Iisang Mensahe Lamang

    35

    MGA NAISULAT AT IBANG MGAGAWAIN NG MAY-AKDA

    Una: Pagkakahanay ng pagsasaliksik tungkol sakatotohanan. (Pagsasaliksik ng kaalaman tungkol sa"Comparative Religion" at paglalahad ng mgakagandahan ng Islam)

    1. Sino Siya?

    2. Ang Dios sa Kristiyanismo, Ano ang Kanyang Likas?3. Iisang Mensahe Lamang.

    4. Ano ang Katotohanan?

    5. Ano ang Kamalian?

    6. Kagandahan ng Islam!

    7. Alpabeto ng Islam.

    8. Ano ang Susunod?

    Pangalawa: Mga susunod na Isusulat:

    Mga Susi sa Tagumpay at Walang HanggangKasiyahan.

    Liham kay Janet! Bakit "Tayo"?Pangatlo: Mga Ibang Gawain:

    Lingguhang Palatuntunan sa Telebisyon. T.V. Episodyo sa "Video" at "Audio tapes". Pampublikong mga panayam tungkol sa Islam.

  • 8/6/2019 Lisang Mensahe Lamang Tagalog

    36/36

    Iisang Mensahe Lamang

    36

    Para sa karagdagang impormasyon, mgakatanungan, mga mungkahi at puna,huwag pong mag-atubiling ipaalam sa

    may-akda:

    Dr. Naji Arfaj

    E-mail: [email protected]

    [email protected]

    Website: www.abctruth.net

    Cel. +966505913113

    P.O. Box 418

    Hofuf Ahsa 31982 KSA

    Mga kapaki-pakinabang na website sa Islam:

    www.sultan.org

    www.islamworld.net

    www.islamway.com