Upload
ana-gonzalgo
View
650
Download
13
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Separada Script
Citation preview
MADULANG DAYALOGOSEPARADA
Dondi: O, maaga ka yata. Paalis na sana ako eh.
Melissa: San ka pupunta? Sa kerida mo? Dondi, totoo ba? Totoo ba?
Dondi: Melissa, magpapaliwanag muna ako.
Melissa: (Nagwala) Hmp! Hmp!
Dondi: Melissa sandali.
Melissa: Paano mo nagagawa sa akin ‘to. Asawa mo ako… may mga anak tayo!
Dondi: Melissa, hayaan mo akong magpaliwanag.
Melissa: Papano mo ipapaliwanag? Ano yun? Isang araw na lang nagising ka na mayroon ka ng
ibang mahal? Na hindi mo sinasadya? Meron ka bang naisip na… magandang dahilan
para… hindi mo man lang ako masyadong masaktan?
Dondi: Noon ko pa gustong sabihin sayo, ayaw lang kitang saktan.
Melissa: Walang hiya ka! Sinasaktan mo na ako. Ano pa ba ang ginagawa mo sa akin?
Dondi: Melissa, its useless trying to talk to you.
Melissa: Lahat ginawa ko… Lahat ng kailangan mo.. Sabi nila, hindi mo raw pwedeng
pagsabayin ang career at ang marriage…Pero ginawa ko. (umiiyak) Ikaw, ano ang
ginawa mo? Ginawa mo akong tanga… Ang tanga-tanga ko (tumitindi ang iyak) Hindi ko
alam kung paano mo nagawa sa akin ‘to. Saan ba ako nagkulang? Ano pa ba ang di ko
ginawa? Ano ba ang kasalan ko?
Dondi: Hindi ko alam…. Basta na lang nangyari.
Melissa: Dondi, nakikiusap ako sa’yo. Maawa ka sa akin. Lalo na sa mga anak mo. Huwag mo
lang kaming iwan. Mangangako ako sayo, lahat gagawin ko, para mag-improve lang ako.
Huwag mo lang kaming iwan. Kailangan ka ng mga anak mo. (Humahagulgol)
Dondi: Kailangan kong gawin Mel.
Melissa: Sige, iwan mo kami. Get out of my house. Oo, bahay ko ‘to. Bahay ko ‘to dahil ako ang
gumagastos dito. Ako ang nagbabayad ng ilaw, ako ang nagbabayad ng tubig. Get out of
my house. I don’t need a parasite!
Dondi: And I don’t need a part-time wife.
Melissa: Dondi…