Mag-PCOS Tayo

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    1/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    2/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    3/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    4/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    5/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    6/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    7/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    8/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    9/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    10/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    11/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    12/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    13/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    14/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    15/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    16/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    17/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    18/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    19/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    20/22

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    21/22

    Q&AAno ang Automated Elections System?Ang automated elections system o AES aypanibagong sistema ng pagboto na guma-gamit ng teknolohiya para sa mabilisang

    pagbilang, pagsama-sama at paghahatid ngmga resulta ng halalan at iba pang mgaelektoral na proseso.

    Paano naiiba ang AES sa manualelections?

    Una, hindi na kailangang isulat ng botan-te ang pangalan ng mga kandidato sabalota. Ito ay naka-imprenta na at kaila-ngan na lamang piliin sa pamamagitan

    ng pag-itim sa bilog katapat ng panga-lang ng napipisil na kandidato.

    Ang mga boto ay hindi na bibilangin ngBoard of Election Inspectors (BEI). Ma-babawasan ang papel na gagampananng tao sa pagbilang at pag-canvass ngmga boto.

    Mabilis na malalaman ang resulta ngeleksyon.

    Kailan ang araw at oras ng pagboto?Ang botohan ay magaganap sa ika-10 ngMayo 2010, mula ika-7 ng umaga at magsa-sara ng ika-6 ng gabi. Subalit kung may mgataong hindi pa rin nakakaboto at tanaw saloob ng tatlumpung (30) metro sa harap nglugar ng botohan, sila ay papayagan. Angpoll clerk ay maghahanda ng isang listahanng mga nasabing botante. Isa-isang tatawa-

    gin ng poll clerk ang mga pangalan sa listaupang bumoto. Kung wala ang botante sasandali ng pagtawag, hindi na siya papaya-gan pang bumoto sa ibang pagkakataon.

    Saan maaaring bumoto?Ang mga botante ay maaaring bumoto samga polling places na itinalaga ng COME-LEC. May mga karatulang naglalaman ngClustered Precint Numberna ipapaskil mala-

    pit sa pinto ng lugar ng botohan. Tandaan naang mga presinto ay clustered o pinag-kumpol-kumpol kung kayat maaring mag-ibaang silid na dating nakasanayan. Ang mgapresinto na may botanteng senior citizen,

    may kapansanan o buntis ay inilipat din samas mababang palapag upang hindi mahi-rapan sa pagboto.

    Sino-sino ang maaring bumoto?Lahat ng mga rehistradong botante nanakalista sa Posted Computerized Voters

    List (PCVL) o Election Day ComputerizedVoters List (EDCVL), o mga tao na angrekord ng pagrerehistro ay hindi kanselado odeactivated ay maaaring bumoto sa halalan.

    Ano ang mga karapatan ng mga botante?Karapatan ng mga botante na hamunin angsinumang boboto na hindi rehistrado, guma-gamit ng ibang pangalan, o diskwalipikado.

    Karapatan ng mga botante na hamunin angsinumang nag-aalok sa kanyang boto kapalitang anumang halaga o pangako, o tumatayasa magiging resulta ng eleksyon.

    Karapatan ng botante na ilihim ang kanyangboto.

    Anu-ano ang mga patakaran sa pagboto?

    Ang mga botante ay boboto ayon sa

    pagkakasunod-sunod ng kanilang pag-dating.

    Walang pollwatcher ang maaaring puma-sok sa lugar ng botohan.

    Walang tao na may dalang armas opatalim, liban sa mga pinahintulutan ngCOMELEC, ang maaaring pumasok salugar ng botohan.

    Iwasang mapuno ng botante at ang di

    maayos na pag-uugali sa loob ng lugarng botohan.

    Ang ballot box ay dapat manatilingkandado sa panahon ng pagboto.

    Sino-sino ang mga taong maaaringmanatili sa lugar ng botohan?Tanging mga kasapi ng BEI, pollwatchers,kinatawan ng COMELEC, technical supportstaff, mga botanteng bumoboto, mga botan-

    teng naghihintay bumoto at iba pang pina-hintulutan ng COMELEC ang mga maaaringmanatili sa lugar ng botohan.

  • 8/9/2019 Mag-PCOS Tayo

    22/22

    Anu-ano ang mga dapat iwasan sapagboto?

    Mahigpit na pinagbabawal ang:

    Pagdala ng balota, ballot secrecy foldero panulat sa labas ng lugar ng botohan.

    Pakikipag-usap sa sinumang hindi nara-

    rapat habang nasa silid ng botohan. Paghahanda ng balota hindi gamit angballot secrecy folder o pagpapakita ngnilalaman nito.

    Pagpahintulot sa ibang tao na punan angkanyang balota, liban sa kaso ng taonghindi marunong magbasa o may kapan-sanan.

    Pagbura sa kahit anong nakalagay sabalota, o pagmarka ng balota na maaring

    tumukoy sa botante. Paggamit ng carbon o parafin paper o

    ibang paraan ng pagkopya ng nilalamanng balota, kabilang ang paggamit ngdigital camera, cellphone o halintulad naaparato.

    Sadyang pagpunit o pagsira sa balota.

    Pagsira sa PCOS machine.

    Anu-ano ang mga dapat dalhin sa arawng pagboto?Mainam na magdala ng ID o iba pang mgadokumentong magpapatunay sa katauhanng botante sakaling magkaroon ng tanongukol dito.

    Paano makakaboto ang taong hindi maru-nong magbasa o may kapansanan?Ang taong hindi marunong magbasa o may

    kapansanan ay maaaring tulungan ng iba sapaghahanda ng kanyang balota. Pili lamangang pinapayagan. Una ay ang kamag-anakng botante hanggang sa ikaapat na agwat sadugo o sa kasal. Ikalawa ay sinumang pinag-kakatiwalaan ng botante na nakatira rin saparehong bahay. Ikatlo ay sinumang kasaping BEI. Lahat ng tutulong ay dapat nasawastong gulang.

    Ang nasabing botante ay maaari ring tulu-ngan sa pagpasok ng kanyang balota saPCOS machine. Dapat tiyakin ng taong uma-alalay na ang laman ng balota ay hindi ma-

    Walang tao ang papayagang tumulong saiba ng hihigit sa tatlong (3) beses, liban nalang sa mga kasapi ng BEI.

    Paano ang paraan ng pagboto?Gamit ang ballot secrecy folder at panulat na

    bigay ng COMELEC, pupunan ng botanteang kanyang balota sa pamamagitan ngpag-itim ng bilog sa kaliwa ng pangalan ngmga kandidato na kanyang pipiliin. Sundinang tamang bilang ng mga kandidatongmaaring iboto. Halimbawa, isa lamang angpuwedeng iboto para sa party-list.

    Matapos punan ang balota, lalapit ang bo-tante sa PCOS machine para ipasok ang

    balota ng pahaba sa puwang nito. Maghintayhanggang ang balota ay mahulog sa loob ngballot box. May mensahe na lalabas sascreen ng PCOS machine kung tagumpayang pagpasok ng boto o hindi.

    Ibalik ang ballot secrecy folder at panulat saBEI chairman. Lalagyan naman ng BEIchairman ng indelible ink ang kanang kukosa hintuturo ng botante, o ibang kuko sadaliri kung walang kuko sa hintuturo. Itata-tak ng botante ang kanyang kanang thumb-mark sa kaukulang puwang sa EDCVL.

    Ang mga botante ay dapat umalis sa lugarng botohan agad-agad pagkatapos bumoto.

    Ano ang mangyayari sa kung hinditanggapin ng makina ang balota?

    Kung sakaling hindi tanggapin ng PCOSmachine ang balota bagamat initiman na ngmaigi ang mga bilog o kayay ilang ulit ngnaisalang sa ibat-ibang paraan, ibabalik ngbotante ang nasabing balota sa BEI chair-man. Mamarkahan niya ito ng REJECTEDat lalagdaan naman ng lahat ng kasapi ngBEI. Ang nasabing balota ay pupunitin sagitna at ilalagay sa dalawang sobre para samga tinanggihang balota.