18
Maging Handa Natatandaan mo pa ba ang araw noong ikaw ay mag- pasimulang mag-aral na bumasa? Hindi ba't ikaw ay nahi- rapan? Noong una, wala kng alam sa pagbabasa. Pagka. tapos, tinuruan ka at natutuhan mong basahin ang mga unang titik ng abakada. Hindi nagtagal, nakabasa ka ng salita, pagkatapos, ay pangungusap. Unti-unti, patuloy ka sa pag-aaral hanggang sa ngayon, anupa't naging kara- niwan na sa iyo ngayon ang bumasa. Maaaring naaalaala mo pa nang ikaw ay sinasanay para sa iyong gawain. Hindi mo kaagad-agad natutuhan ang lahat ng bagay sa loob ng isang araw lamang. Ikaw ay natuto nang unti-unti, at ginagawa mo ang iyong natutu- han, hanggang sa maayos mo nang nagagawa ang iyong gawain. Ganyan din naman sa iyong pagsaksi bilang Cristiano. Napakaraming bagay ang dapat mong matutuhan upang patuloy mong maibahagi si Cristo sa iba. Sa Aralin l napag-alaman natin ang plano ng Dios na ibahagi ang ma- buting balita sa mga lalaki at babae. Ngayon ay titingnan natin ang uri ng paghahanda upang mahikayat ang mga tao kay Cristo.

Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

MagingHanda

Natatandaan mo pa ba ang araw noong ikaw ay mag-pasimulang mag-aral na bumasa? Hindi ba't ikaw ay nahi-rapan? Noong una, wala kng alam sa pagbabasa. Pagka.tapos, tinuruan ka at natutuhan mong basahin ang mgaunang titik ng abakada. Hindi nagtagal, nakabasa ka ngsalita, pagkatapos, ay pangungusap. Unti-unti, patuloyka sa pag-aaral hanggang sa ngayon, anupa't naging kara-niwan na sa iyo ngayon ang bumasa.

Maaaring naaalaala mo pa nang ikaw ay sinasanaypara sa iyong gawain. Hindi mo kaagad-agad natutuhanang lahat ng bagay sa loob ng isang araw lamang. Ikaw aynatuto nang unti-unti, at ginagawa mo ang iyong natutu-han, hanggang sa maayos mo nang nagagawa ang iyonggawain.

Ganyan din naman sa iyong pagsaksi bilang Cristiano.Napakaraming bagay ang dapat mong matutuhan upangpatuloy mong maibahagi si Cristo sa iba. Sa Aralin lnapag-alaman natin ang plano ng Dios na ibahagi ang ma-buting balita sa mga lalaki at babae. Ngayon ay titingnannatin ang uri ng paghahanda upang mahikayat ang mgatao kay Cristo.

Page 2: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging HarukJ 23

sa araling ito ay pag-aaralan mo ang ...

Pag-aralang makilala si CristoMapuspos ng Espiritu Santo

Kailangan mo ang kapangyarihanKailangan mo ang pamamatnubay

Gwnamit ng Pinakamahusay na KasangkapanAng Espada ng EspirituAng Pangalan ni Jesus

Ang araling ito ay makatutulong sa iyo na ...

• Maunawaan ang pangunahing pangangailangan upangmaihanda ang iyong sarili sa ebanghelismo personal.

Page 3: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

24 Ebanghelismo Personal

PAG-ARALANG MAKILALA SI CRISTO

Layunin l. Ipaliwanang kung paano natin lalong maki-kilala si Jesus.

Ikaw at ako ay iniligtas sa isang layunin. Tayo ay tina-wag upang maging saksi, at ibahagi ang ginawa ng Pangi-noon sa ating buhay. Subalit bago tayo maging saksi niCristo, una sa lahat kailangang makilala muna natin Siyanang personal. Upang Siya'y makilala, kailangang mag-bigay tayo ng panahon sa Kanya. Sapagkat paano tayomakapagsasabi ng tungkol sa isang hindi natin kilala?lkaw ba ay tatawagin ng hukuman na tumayong saksi saisang usapin na hindi mo naman nalalaman?

Totoo na isinugo ni Jesus ang Kanyang mga alagad sabuong sanlibutan upang ikalat ang mabuting balita.Subalit sinabi rin Niya na sila'y maghintay hanggang saganap silang maging handa. At ang paghahandang ito aymay katagalan.

Maaaring hindi matagal ang magsaulo ng ilang talatamula sa Biblia o mag-aral ng mga paraan sa paglapit satao. Ang pagmamasid sa ibang manggagawa kung paanonila inaakay ang tao kay Cristo ay maaaring hindi mata-gal. Subalit ang pag-aaral upang makilala si Cristo, at angKanyang pagkabuhay na mag-uli, at ang lalim ng Kan-yang pag-ibig, ay nangangailangan ng iyong buong buhayna pag-aaral sa Panginoon mismo. Lagi tayong nagnanaisna makilala pa Siya nang higit kapag tayo'y gumagawapara sa Kanya.

Ito ay isinulat ni apostol Pablo sa iglesia sa Corinto.Ang sinabi niya, "Ipinasya kong wala akong pahahalaga-

Page 4: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 25

han sa piling ninyo maliban kay Cristo at ang Kanyangpagkamatay sa krus" (ICorinto 2:2).

Ang mga alagad ay nagkaroon din ng panahon ngpag-aaral. At ang panahon ng pag-aaral na ito ang lihimna susi ng kanilang tagumpay sa pagpapakalat ng ma-buting balita ni Cristo, ang kanilang Panginoon. Walangpag-aalinlangan sa aking isipan na nang araw na yaon natinawag ni Cristo ang Kanyang mga alagad, sila'y sumam-palataya sa Kanya. nang sandali lamang ang kailanganupang sumampalataya sa Kanya at tanggapin Siya.Subalit kagaya ng isang sanggol na di-makalakad agad-agad sa loob lamang ng isang araw, ang mga alagad aykinailangang gumugol ng maraming panahon upangmakilala si Jesus. Kinailangan ang buong buhay!

Page 5: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

26 Ebanghelismo Personal

Ating nabasa sa Biblia na ang tubig ay ginawangalak ni Jesus doon sa isang kasalang naganap. Nangito'y makita ng Kanyang mga alagad, sila'y sumam-palataya sa Kanya. Nang Siya'y magsalita sa hanginat sa nagngangalit na dagat, tumigil sa paghihip anghangin at pumayapa ang dagat. Ang Kanyang mga ala-gad ay namangha at nag-usap-usap, "Sino kaya ito?"(Marcos 4:41). Nang araw ding yaon, Siya'y higit nilangnakilala. Nakita nila ang Kanyang kapangyarihan. Angkaalamang ito tungkol sa walang hanggang kapangyari-han ng kanilang Panginoon ang nagbigay sa kanila ngkapayapaan.

Pagkaraan nito, sinasabi ng Kasulatan, nang si Jesusay malapit nang magtapos ng Kanyang gawain sa lupa,Siya'y iniwan ng maraming alagad. Subalit hindi ng 12 nanakakilala sa Kanya nang mabuti. Si Pedro ay nagsalitasa Panginoon sa kapakanan ng mga alagad, ''Panginoon,kanino po kami lalapit? Kayo lamang ang may salita ngbuhay na walang hanggan" (Juan 6:68). Ang kaalamangito ang pumigil sa kanila at sila'y nanatili sa kanilangPanginoon.

Si Tomas, isa sa mga alagad ay ganap na nabigla sapagkamatay ni Jesus, Siya na kanyang sinampalatayanan.Bigla siyang nagbago, naging isang tulirong mapag-a1inla-ngan. Tinanggihan niyang tanggapin ang katotohanang siJesus ay bumangon mula sa mga patay. Subalit nangipakita ni Cristo ang Kanyang sarili kay Tomas, siya aynagpatirapa at nagsabi, ''Panginoon ko at Dios ko" (Juan20:28). Ang kaalamang personal na yaon ang nagbunsodsa kanya na maging malapit sa kanyang Panginoon.

Nakita ni Pedro ang buong kaluwalhatian ni Jesusdoon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29).

Page 6: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 27

Ipinahayag ng Dios sa kanya ang tunay na kalikasan ngKanyang Anak na si Jesus. Tatlong ulit na siya'y inutu-san ni Jesus na tulungan ang ibang mananampalataya. SiPedro ay nagsalita na may kapangyarihan at kapama-halaan tungkol sa pangalan ni Jesus. Gayon pa man hindiniya nalaman ang kalawakan at kadakilaan ng Pag-ibig ngDios. Hindi niya nalaman na ang pag-ibig ng Dios ay parasa lahat ng tao, anuman ang kanilang lahi o kulay. Nahi-rapan ang Dios na papuntahin si Pedro sa bahay ni Cor-nelio. Noon na lamang napagkilala ni Pedro na ang paki-kitungo ng Dios sa bawat isa ay pantay-pantay (MgaGawa 10:34).

Kaya nga maliwanag na sa pamamagitan ng kanilangpatuloy na karanasan ng pagsama kay Jesus, ng pakikinigsa Kanya, ng pakikipag-usap sa Kanya, na ang mga alagaday tunay na nakakilala sa Kanya. Sa gayon ding paraan,kailangang makilala muna natin Siya bago natin maiba-bahagi Siya sa iba.

~,::;:========================:=/"'~ Gawin Mo Ito

1Bilugan ang titik ng mga tamang sagot sa tanong naito: Ano ang pinakamabuting paraan upang makilalasi Jesus?a. Gumugol ng maraming oras na kasama Siya.b. Magsaulo ng mga talata.k. Tingnan kung paanong Siya'y gumagawa sa buhay

ng mga tao.d. Makinig sa Kanya.e. Makipag-usap sa Kanya.g.. Mag-aral ng mga paraan ng pakikípag-usap sa mga

tao.

Page 7: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

28 Ebanghelismo Personal

2Ano ang dalawang bagay na natutuhan ng mga alagadhabang kanilang nakikilala si Cristo?

Natutuhan nila ang tungkol sa Kanyang __________ at Kanyang _

3Gaano katagal para sa isang tao na makilala si Cristonang lubusan? _

Tingnan kung tama ang iyong mga sagot.

MAPUSPOS NG ESPIRITU SANTO

Layunin 2. Ipaliwanag kung paanong ang Espiritu Santoay makatutulong sa iyo sa ebanghelismo per-sonal.

Kailangan Mo ang Kapangyarihan

Upang ating makita ang bunga ng ating personal napaglilingkod kay Cristo, ikaw at ako ay kailangang mag-karoon ng kapangyarihan. Bago nagpasimula ng Kanyanggawain, si Cristo ay binigyan muna ng kapangyihan ngEspiritu Santo. (Tingnan ang Lucas 4:18). Nalalaman niCristo na ang Kanyang mga alagad ay makararanas ngpaghihirap at mangangailangan ng kapangyarihan. BagoNiya iniwan sila upang bumalik sa Kanyang Ama, sinabiNiya: "Ngunit pagdating sa inyo ng Espiritu Santo,tatanggap kayo ng kapangyarihan, at sasaksi kayo tungokol sa Akin" (Mga Gawa 1:8).

Page 8: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

.Maging Handa 29

Ang Espiritu Santo ay isinugo Niya upang tayo'y big-yan ng kapangyarihan at katapangan. Siya'y tutulong saatin, sa ating pagsaksi kay Cristo araw-araw.

Noong 1965, nang ako'y isa pa lang estudyante sakolehiyo, ang aming bansa ay nakaranas ng dakilang pag.babagong~uhay. Tuwing magtatapos ang linggo, lumala-bas kami upang magpatotoo. Nakita namin ang mara-ming iglesia na lumago at maraming gawain ang nabuk-san. Ito ay nangyari dahilan sa kapangyarihan ng EspirituSanto.

Page 9: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

30 Ebanghelismo Personal

Marahil itatanong mo, ''Paanong ako'y mapupusposng Espiritu Santo?" Buksan mo lamang ang iyong pusosa Panginoon, sabihin mo sa Kanya ang iyong kahinaan,at ang iyong pagnanais na maibahagi ang Kanyang mabu-ting balita sa iba. Pupuspusin ka Niya ng Kanyang Espi-ritu at kapangyarihan, at iyong makikilala ang kagalakanng pagiging tunay na kasangkapan para sa gawain. Angpangakong ito ay para sa lahat ng sumasampalataya kayCristo-Jesus. (Tingnan ang Mga Gawa 2:1-4, 39)

Gawin Mo Ito

Sa mga pagsasanay na ito, piliin ang tamang sagotmula sa dalawang nasa loob ng panaklong, at isu-lat ang sagot sa puwang.

4 Ang normal na ibinubunga ng kapuspusan ngEspiritu Santo ay ang ating pagtanggap ng_____ (kapangyarihan/mabuting balita),at tayo'y nagiging mga (apostol!saksi).

5 Sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad na mag-hintay hanggang sa sila'y mapuspos ng EspirituSanto. Ginawa Niya ito sapagkat Kanyang nalala-man na sila'y magkakaroon ng (mga_bagay na dapat na matutuhan/ mga suliranin), atmangangailangan sila ng _(aklat/ tulong).

Tingnan kung tama iyong mga sagot

Page 10: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 31

Kailangan Mo ang Pamamatnubay

Ang utós ni Jesus ay humayo sa buong sanlibutan.Ang Kanyang bukirin ay napakalawak. Upang maiwasanang pag-aaksaya ng panahon, ikaw at ako ay kailangangpatnubayan ng Espiritu. Tiniyak ni Jesus sa Kanyangmga alagad na kapag Siya, ang Espiritu Santo, ay duma-ting, Siya ang papatnubay sa kanila sa lahat ng katoto-hanan (Juan 16:13).

Ang lahat ng tao saanmang dako ay gustong mapatnu-bayan. Ang iba ay bumabaling sa kanilang mga patay naninuno para tumanggap ng patnubay. Ang iba naman aynagsisikap na makasumpong ng direksiyon mula sa mgabituin, araw, o buwan. Subalit sa ating paghahanap ngdako upang paglingkuran Siya, ang ating patnubay aynagmumula sa Dios. Saanman Niya tayo patnubayan,ating nalalaman na ito ay tama, sapagkat Siya ang Daan.Kung paanong ang eroplano ay maaaring patnubayan sakadiliman at makapal na ulap hanggang sa ito'y maka-baba, tayo'y papatnubayan Niya sa tamang tao satamang panahon.

Si Felipe ay inakay ng Espiritu na kausapin ang isangnagugutom at nagsasaliksik na lalake sa ilang (Mga Gawa~·29). Ang apostol na si Pablo ay pinatnubayan ng Espi-ritu sa tamang dako upang kanyang marinig ang panana-wagan ng lalaking taga-Macedonia na nangangailangan ngtulong (Mga Gawa 16:9).

Noong 1921, ang Dios, sa pamamagitan ng KanyangEspiritu, ay pumatnubay sa unang misyonero ng Assem-blies of God sa West Africa sa bansa ng Siera Leone.Mula doon sila'y tumawid sa Guinea sa mga taong ang

Page 11: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

32 Ebanghelismo Personal

wikang ginagamit ay Pranses, dumaan sila sa Mali, at sapinakapusod ng West Africa, hanggang marating nila angaming bansa ng Upper Volta.

Kung ang Espiritu Santo ay hindi nanguna sa mgamisyonerong ito, maaaring tumigil sila sa alin mang ban-sang dinaanan nila. Subalit sa dahilang sila'y sumunod sapamamatnubay ng Espiritu, maraming mga tao sa UpperVolta ang sumampalataya at tumanggap kay Jesus. At sapamamagitan ng mga bagong Cristiano ay kanilang íkína-lat ang mabuting balita ni Jesus sa kanilang bansa at mgakaratig bansa.

Hilingin sa Espiritu Santo na patnubayan ka sa maki-kinig sa iyo habang ikaw ay nagbabahagi ng mabutingbalita tungkol kay Cristo sa kanila. Ako'y nagagalak napinatnubayan ng Dios ang mga lalaki sa aming bansabago pa man ako'y isilang upang ako ay makakilala rinkay Jesus.

Gawin Mo Ito

Sagutin ang mga tanong na ito ng OO o HINDI.a. Ang atin bang namatay na ninuno ay maka-

tutulong upang malaman natin kung ano anggagawin natin sa buhay?

b. Dapat ba nating pag-aralan ang mga bituinpara bigyan tayo ng direksiyon kapag maymga desisyon na gagawin?

k. Ang Espiritu Santo ba ay laging papatnubaysa atin kapag ating hihilingin sa Kanya?

Page 12: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 33

7 Tinalakay natin ang tatlong magkakahiwalay napagkakataon na pinayagan ng mga taong sila'ypatnubayan ng Espiritu Santo. Ano ang ibinungang mga ito? _

Tingnan kung tama ang iyong sagot.

GUMAMIT NG PINAKAMAHUSAY NAKASANG KAPAN

Layunin 3. Ipaliwanag ang uri ng kasangkapan na kaila-ngan upang malabanan ang diablo at maiba-hagi ang mabuting balita tungkol kay Jesus.

Ang Espada ng Espiritu

Sa aming bayan ay may kawikaan na nagsasabi,"Hindi mo mapapatay ang ahas ng basta kamay lamang."Tayo ay hindi isinugo ni Jesus na walang kasangkapan sasanlibutan. Binigyan Niya tayo ng kasangkapan para ma-gamit sa paggawa. Ang gawain ay napakalaki at ito ayhindi nating magagawa sa sariling lakas lamang.

Page 13: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

34 Ebanghelismo Personal

Mayroong isang nagsisikap na tayo'y pigilan sa pag-babahagi ng mabuting balita ni Cristo. Siya ay angdiablo. Una sa lahat, pinigil niya si Adan, ang unang tao,sa pagsunod sa kalooban ng Dios. Pinigil niya ang bayangIsrael sa pagsunod sa Dios. Maging si Cristo ay sinikapniyang pigilan sa pagbabahagi ng pag-ibig ng Dios sa tao.Siya'y nilabanan ni Jesus at si Jesus ay nagtagumpaylaban sa kanya. Ano ang ginamit ni Jesus laban sa Dia-blo? Ginamit Niya ang Salita ng Dios, na tinatawag na"Espada ng Espiritu." Kapag ginamit natin ang Espadang Espiritu, magtatagumpay rin tayo laban kay Satanas.Sa Hebreo 4:12 ay ating mababasa:

"Ang Salita ng Dios ay buhay at mabisa, at mas mata-las kaysa alinmang espadang magkabila ang talim. Tuma-tagos ito hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu,at sumusuot maging sa kaloob-looban ng buto. At naki-kita nito pati ang mga kaisipan at nilalayon ng puso."

Si Jesus ay gumamit ng Espadang iyan nang Siya'ytuksuhtn sa ilang (Mateo 4:4).

Si Esteban ay gumamit din ng ganyang Espada na 00-nagaht at ikinahto ng kanyang mga tagausig (Mga Gawa7:54).

SI Pablo ay sumulat sa mga Taga-Efeso at sila'y tina-gubilman na Isuot ang buong kasangkapang panlaban ngDIOS.Ang pakikipagdigma laban kay Satanas ay napaka-laki Tayo ay nakikibaka hindi laban sa tao kundi labansa masasamang lakas espintual. Ibinigay ni Pablo anglarawan ng isang sundalo na suot ang buong kasangka-pang pandigma na siyang nag-iingat sa kanya laban sakaaway. Isinulat niya ang mga kasangkapang pandigmasa Efeso 6: 14-17 . Ito 'y ililista natin dito:

Page 14: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 35

KASANGKAPAN NGEBANGHELYO NG

KAPAYAPAANNG DIOS

Page 15: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

36 Ebanghelismo Personal

Katotohanan •• SinturonKabanalan ---4 •• BalutiPagiging Handa upang ibahagi

ang ebanghelyo ---4 •• SapatosPananampalataya • PananggaKaligtasan • HelmetSalita ng Dios • Espada ng

Espiritu

Nang tinanggap mo si Jesus bilang iyong Tagapag-ligtas iyong tinanggap ang helmet ng kaligtasan. Angiyong bagong buhay ay malinis at dalisay. Ito ang iyongbaluti ng kabanalan. Ang iyong sapatos ay ang iyong pag-nanais na ibahagi ang ebanghelyo ni Cristo. Ang Biblia ayiyong Espada ng Espiritu. Kapag isinuot mo ang buongkasangkapang ito. ikaw ay magtatagumpay sa digmaan!

Ang Pangalan ni Jesus

Huwag mong kalilimutan na ikaw ay binigyan ngkarangalang ibahagi ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Hindika nagsasalita para sa lyong pangalan, subali't sa Kan-yang pangalan. Ang isang ambasador ay hindi nagsasalitapara sa kanyang sarili. Siya ay nagsasalita sa pangalan ngkanyang bansa.

Page 16: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 37

Ang pangalan ni Jesus ang nagliligtas. Uban sa Kan-yang pangalan ay walang kaligtasan. Kapag tayo'y luma-lapit sa Dios sa pamamagitan ng kahanga-hangang Panga-lang yaon, tutugunin niya tayo at pakikinggan Niya angating mga daing. Hindi tayo iniwanan ni Jesus ng pilak oginto. Subalit mayroon Siyang iniwan sa atin na hindimabibili ng salapi. Iniwan Niya sa atin ang Kanyangkahanga-hangang Pangalan! Kaya nga't hindi kataka-takana hbu-libong Cristiano sa buong sanlibutan ang umaawitsa Pangalang Jesus "May kahanga-hangang bagay saPangalang iyan!"

"At ang Kanyang pangalan ay tatawagingKamangha-mangha, Tagapayo, MakapangyarihangDios, Walang Hanggang Ama, Pangulo ng Kapaya-paan" (Isaias 9:6).

~~ ~ Gawin Mo Ito

8 Anong kasangkapan ang ginamit ni Jesus upangsawayin and diablo sa pagpigil nito sa Kanyanggawain? _

9 Ano ang katangi-tanging kasangkapan ang iniwansa atin ni Jesus?

Page 17: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

38 Ebanghelismo Personal

10 Ipagpalagay nang hindi mo isinuot ang buongkasangkapang pandigma ng Dios. Ano ang mang-yayari sa iyo?a. Napakadali para sa diablo na ikaw ay pigilin

sa pagsunod sa Diosb. Ang diablo ay hindi makapipigil sa iyo sa

pag-sunod sa Dios

11Lagyan ng X ang puwang upang ipakita kungsuot mo o hindi ang kasangkapang pandigma,

OO HINDI

Sinturon .Baluti . .Panangga .Helmet .Espada .

Ako'y umaasa na ikaw ay nasiyahan sa íka-Z aralin.Bago ka magpatuloy ng iyong pag-aaral, ibig kong ikaway mag-isip ng Isang tao na nais mong tulungan na maka-sumpong kay Cristo. Manalangin sa Dios na tulungankang maibahagi ang iyong karanasan sa taong ito upangtanggapin niya si Cristo bilang sariling Tagapagligtas.Isulat ang -ringalan ng taong yaon dito at síya'yípana-langu,

Ngayon ay tingnan kung tama ang lyong mga sagotat sagutin ang iyong talaan ng mag-aaral bago magpa-tuloy sa ika-3 Aralin.

Page 18: Maging Handa - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L02.pdf · doon sa bundok ng pagbabagong-anyo (Lucas 9:29). Maging Handa 27 Ipinahayag

Maging Handa 39

~Tingnan kung Tama ang Iyong Mga Sagot

l. a Tamab Malik Tamad Tamae Tamag Mali

2. Kapangyarihan, pag-ibig3. Buong buhay4. Kapangyarihan, saksi5. mga suliranin, tulong6. a Hindi

b Hindik Oo

7. Inakay nila ang mga tao kay Cristo8. Ang Salita ng Dios.9. Ang Kanyang Pangalan

10. a) Napakadali para sa diablo na ikaw ay pigilin sapagsunod sa Dios.

11. Kung hindi mo malalagyan ng X ang lahat ng nasailalim ng OO sa mga kasangkapang pandigrnangito, humingi ngayon ng tulong mula sa Dios namaisuot ang lahat ng kasangkapang panlaban.