18
Magozwe Lesley Koyi Wiehan de Jager Arlene Avila Tagalog Level 5

Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Magozwe

Lesley Koyi Wiehan de Jager Arlene Avila Tagalog Level 5

Page 2: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Sa mataong lungsod ng Nairobi, malayo sa mgatahanang mapagmahal, may mga batang walangmatuluyan. Sila ang mga batang kalye. Lahat sila aylalaki at tanggap nila kung ano man ang hatid ngaraw sa kanilang buhay. Pagkagising sa umaga,nililigpit nila ang banig pagkatapos matulog samalamig na bangketa. Sinisindihan nila ang basurapara mabawasan ang ginaw. Kasama nila saMagozwe, ang pinakabata.

2

Page 3: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Limang taon pa lang si Magozwe nang mamatayang kanyang mga magulang. Tumira siya sakanyang tiyo na walang pakialam sa kanya. Hindiniya pinapakain ng mabuti si Magozwe atbinibigyan niya ito ng mahihirap na trabaho.

3

Page 4: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Bugbog ang inaabot ni Magozwe kung siya aynagtatanong o nagrereklamo. Bugbog uli anginabot niya nung banggitin niya ang tungkol sa pag-aaral, “Hindi ka matututo kasi tanga ka.” Lumayas siMagozwe pagkatapos ng tatlong taong paghihirapat siya ay sumama sa mga batang kalye.

4

Page 5: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Mahirap ang buhay at lahat sila nagkukumahogmakahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli silang pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walangnag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit.Umaasa lang sila sa maliit na kita sa pagpapalimosat pangangalakal. Lalo silang naghihirap pagnanghahamon ng away ang ibang grupo ng batangkalye, makuha lang ang gustong teritoryo.

5

Page 6: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Isang araw, nakakita si Magozwe ng gula-gulanit nalibro sa basura. Nilinis niya ang libro at nilagay iyonsa kanyang sako. Araw-araw, tinitingnan lang niyaang mga larawan sa libro sapagka’t hindi siyamarunong magbasa.

6

Page 7: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Kinuwento ng mga larawan ang buhay ng isangbatang lalaki na naging piloto at pinangarap niMagozwe maging piloto. Minsan, iniisip niya na siyaang bata sa libro.

7

Page 8: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Isang malamig na araw, nakatayo si Magozwe sakalye namamalimos nang lumapit sa kanya angisang mama. “Magandang umaga. Ako si Tomas.Malapit lang dito ang pinagtatrabahuhan ko atnamimigay kami ng libreng pagkain.” Tinuro niyaang dilaw na bahay na may asul na bubong. “Sanamakadaan ka doon.” Tiningnan lang ni Magozweang mama at ang bahay. “Titingnan ko,” sabi niyasabay talikod.

8

Page 9: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Unti-unting nasanay ang mga batang kalye kayTomas. Mahilig makipagkuwentuhan si Tomas sakanila. Gusto niyang marinig ang istorya ngkanilang buhay. Pasensiyoso, seryoso at magalang–ganun si Tomas. Nagsimulang pumunta ang ibangbata sa dilaw at asul na bahay tuwing oras ngtanghalian.

9

Page 10: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Isang araw, nakaupo si Magozwe sa bangketahabang nakatingin sa kanyang libro. Tumabi siTomas, “Ano ang kuwento ng libro?” tanong niya.“Tungkol sa isang bata na naging piloto,” sagot niMagozwe. “Anong pangalan niya?” tanong niTomas. “Hindi ko alam, e. Hindi ako marunongmagbasa,” sabi ni Magozwe.

10

Page 11: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Sinabi ni Magozwe ang kuwento ng kanyang buhaykay Tomas. Kinuwento niya ang tiyo at kung bakitsiya naglayas. Tahimik lang na nakinig si Tomas salahat ng sinasabi ni Magozwe. Naging madalas angkuwentuhan nila. Isang araw, nag-usap sila habangkumakain sa loob ng bahay na dilaw at asul.

11

Page 12: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Sa ika-sampung kaarawan ni Magozwe, binigyansiya ni Tomas ng bagong libro. Ito rin ay puno nglarawan at ang kuwento ay tungkol sa isang batangtaga-nayon na naging tanyag na manlalaro ngsoccer. Madalas pinapabasa ni Magozwe kay Tomasang libro kaya sabi ni Tomas, “Panahon na paramatuto kang magbasa. Kailangan mo na pumasoksa eskuwela. Ano sa palagay mo?” Dinagdag niTomas na may mga bahay na tumatanggap atnagpapa-aral sa mga batang kalye.

12

Page 13: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Nag-isip si Magozwe nang matagal. Paano kungtama ang sabi ni tiyo? Paano kung totoo ngangbobo siya? Paano kung mabugbog siya uli? Natakotsi Magozwe. “Mas ok na siguro ako dito sa kalye,”sabi niya sa sarili.

13

Page 14: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Nabanggit niya kay Tomas ang kanyang mga takot.Tinulungan siya ni Tomas na magtiwala uli at umasana magiging maayos ang lahat.

14

Page 15: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Isang araw, lumipat na nga si Magozwe sabay ngdalawang batang lalaki sa isang bahay na berdeang bubong. Sampu lahat ang mga batang alaga niTita Cissy at asawa nito. Meron din silang tatlongaso, isang pusa at isang matandang kambing.

15

Page 16: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Nagsimulang mag-aral si Magozwe at sa unamedyo nahirapan siya. Naisipan niya minsan nasumuko. Pero naaalala niya ang piloto at ang soccerplayer sa libro at nabubuhayan siya uli ng loob.

16

Page 17: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Isang araw, nakaupo si Magozwe sa harap ngbahay nagbabasa ng libro. Dumating si Tomas,“Ano ang kuwento ng libro?” “Tungkol sa isang batana naging titser,” sagot ni Magozwe. “Ano’ngpangalan ng bata?” tanong ni Tomas. “Magozwe,”sagot ni Magozwe na may ngiti.

17

Page 18: Magozwe · makahanap lang ng makakain. Minsan hinuhuli sila ng pulis, minsan naman ay nabubugbog. Walang nag-aalaga sa kanila pag sila’y nagkakasakit. Umaasa lang sila sa maliit

Storybooks UKglobal-asp.github.io/storybooks-uk

MagozweWritten by: Lesley Koyi

Illustrated by: Wiehan de JagerTranslated by: Arlene Avila

This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) and is broughtto you by Storybooks UK in an effort to provide children’s stories in UK’s manylanguages.

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.