20

Majo ito

Embed Size (px)

Citation preview

Istruktural na Kahulugan

• ang pang-abay ay makikilala dahil

kasama ito ng isang pandiwa, pang-

uri o isa pang pang-abay na bumubuo

ng parirala.

Pansemantikang Kahulugan

• ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri

o sa iba pang pang-abay.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga

katagang lagging suusunod sa unang salita ng

kayariang kinabibilangan.

• ba daw/raw pala man

• kasi din/rin tuloy muna

• kaya naman nga pa

• na yata lamang/lang

Halimbawa :

• Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa

minahan?

• Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring

sakuna.

• Kumain muna sila bago umalis.

• Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa

atin.

Pang-abay na Salita o Parirala

1.Pang-abay na Pamanahon

2. Pang-abay na Panlunan

3. Pang-abay na Pamaraan

4. Pang-abay na Pang-agam

5. Pang-abay na Kundisyunal

6. Pang-abay na Panang-ayon

7. Pang-abay na Pananggi

8. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat

9. Pang-abay na Kusatibo

10. Pang-abay na Benepaktibo

11. Pang-abay na Pangkaukulan

Pang-abay na Pamanahon

• Nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

• Pamanahong may pananda

• Halimbawa :

• Kailangan ka bang pumasok ng araw-araw?

• Kung araw ng Sabado siya nagtutungo sa lalawigan.

• Tuwing Pasko ay nagtitipun-tipon silang mag-anak.

. Pang-abay na Panlunan

• Tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihano pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.

Halimbawa :

• sa + pangngalang pambalana

Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

• sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao

Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNC tungkol sa wika

Pang-abay na Pamaraan

Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o

magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa o

ng isang kayariang hango sa pandiwa.

Halimbawa :

• Kinamayan niya ako nang mahigpit.

• Natulog siya nang patagilid.

• Bakit siya umalis na umiiyak?

Pang-abay na Pang-agam

• Ang tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ngdi-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa :

• Marami na marahil ang nakabalita tungkol sadesisyon ng sandiganbayan.

• Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo saPilipinas.

• Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

Pang-abay na Kundisyunal

• Nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos naisinasaad ng pandiwa.

Halimbawa :

• Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan parasa bayan kung buong-puso tayong makikipagtulungansa mga maykapangyarihan.

• Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapagnakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin.

• Maraming dolyar ang papasok sa pilipinas kapagnakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.

Pang-abay na Panang-ayon

• Nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa

ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga,

atb.

Halimbawa:

• Opo, susundin ko po ang utos ninyo.

• Tunay, na maganda siya.

Pang-abay na Pananggi

• Yaong pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi.

Halimbawa:

• Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na

kanser.

• Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa

pagsisigarilyo.

Pang-abay na Panggaano o

Pampanukat

• Yaong nagsasaad ng timbang o sukat.

Halimbawa :

• Tumaba ako ng limang libra.

• Dinagdagan niya ang biniling lansones nang

apat na guhit.

• Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.

Pang-abay na Kusatibo

• Nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilo ng

pandiwa.

Halimbawa :

• Nagkasakit si Vianing dahil sa pagpapabaya sa

katawan.

• Napapaniwala ko siya dahil dito.

Pang-abay na Benepaktibo

• Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao

dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o

layunin ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa :

• Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.

• Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa

matrikula mo.

Pang-abay na Pangkaukulan

• Pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.

Halimbawa :

• Nagplano kami tungkol sa gagawin nating

pagdiriwang.

• Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang

pagiging magnobyo.

Inihanda ni:

Marjorie Magpantay

BEEd III-AM