Mapalad Si Boking

Embed Size (px)

DESCRIPTION

chart

Citation preview

Mapalad si BokingTaga-Romblon sina lola Ro-sing ang ina ni mama. Tuwing bakasyon ay umuuwi kami. Gustong-gusto kong makinig sa mga kwento ni lola. Isa sa kwento niya ang tungkol kay Boking.Noong hindi pa marami ang tao sa Romblon, may mag-asawang Pedro at Tekla. Nagkaaanak sila ng isang napakaliit na sanggol na hindi masabi kung itoy tao o isang bagay na parang walang buhay.Ang anak nilang ito ay tina-wag nilang Boking. Simula ng isilang si Boking, ikinahiya na ito ng kanyang mga magulang dahil sa kalagayan niya. Itinago nila ang kanilang anak sa kabundukan upang malayo sa kabihasnan.Lumipas ang maraming taon, hindi parin lumalaki si Boking. Matanda na ang kanyang mga magulang at mahina na. Napilitan si Boking na magha-nap ng pagkain. Isang araw, naghanap siya ng masasakyan. Nakita niya si kalabaw at dali-daling sumakay dito. Dahil sa nabigla ang hayop sa pagsakay ni Boking, biglang tumakbo ito hanggang makarating sa kabi-lang nayon. Pinigil ito ng mga tao hanggang may nakita silang bumababa rito. Hindi nila malaman kung ano ang bagay na iyon. Kaya hinabol nila si Boking na dagling naka-pagtago sa isang bato. Hindi nila nahuli si Boking kaya iniwan na nila ito.Nagpatuloy si Boking sa paghahanap ng makakain. Sa isang dako ay may nakita siyang babaeng nakahandusay sa lupa. Marami itong galos sa katawan. Pinilit niyang dalhin ito sa isang punongkahoy upang gamutin. Hindi nalau-nan ay natauhan na ang babae at nagpakilalang anak ng isang hari at naligaw sa kagubatan. Nabigla man si Boking ay hindi ito nagpahalata sa prinsesa. BIlang pasasalamat ay binig-yan ng prinsesa si Boking ng isang panyo na may anting-anting. Nabigla si Boking nang biglang maglaho ang prinsesa.Nang umuwi si Boking, nagu-lat siya nang matagpuan doon ang napakaraming pagkain. Isang araw, nagpapahinga na si boking nang tawagan siya ng mga magulang. May naghahanap daw sa kanyang dalawang kawal at ipinatata-wag siya sa palasyo.Nang dumating sila sa kaha-rian, sinabi sa kanya na siya ang napili ng mahal na prinse-sa na maging kabiyak niya. Itoy dahil sa kaniyang gina-wang tulong sa kagubatan. Simula noon, tumira na si Boking at kanyang mga magulang sa palasyo.

Pagtatalakay:1. Bakit itinago ng mga magulang sa bundok si Boking?2. Bakit napilitang maghanap ng pagkain si Boking?3. Bakit hinabol siya ng mga tao?4. Paano niya natulungan ang prinsesa? 5. Paano siya naging mapalad sa kamay ng prinsesa.Pagtukoy sa mga Pangyayaring Bumubuo sa Kuwento:1. Tagpuan ng Kuwento (lugar at panahon ng pangyayari)2. Simulang Pangyayari3. Papataas na aksyon4. Kasukdulan5. Pababang Aksyon6. Wakas

Pagsasanay:Basahin ang kuwento. Tukuyin ang mga pangyayaring bumubuo sa kuwento.Mahirap lamang sina Ruding. Siya ang panganay sa pitong magkakapatid. Nang makata-pos sa mataas na paaralan, siya ay pinatigil sa pag-aaral. Hindi na raw siya kayang pag-aralin ng kanyang ama.Isang araw ay dumating sa kanila ang tiyuhing namama-sukan sa isang talyer sa May-nila. Inalok nitong sumama si Ruding. Kailangan daw nila ng katulong sa talyer. Mababa nga lamang ang sweldo ngunit naisip ni Ruding na kung siya ay magtitipid, makapagpapa-tuloy siya ng pag-aaral sa gabi.At nagsikap nga siya kaya nakapagpatuloy siya sa pag-aaral. Nakatapos si Ruding ng abogasya sa loob ng sampung taon. Ngayon, siya ay isa nang mahusay na abogado na nag-tatanggol lalo na sa mahihirap na minsan ay katulad niya.

1. Tagpuan ng Kuwento _____________________2. Simulang Pangyayari_____________________3. Papataas na aksyon_____________________4. Kasukdulan_____________________5. Pababang Aksyon_____________________6. Wakas_____________________Pagtataya:Basahin at unawaing mabuti and kuwento. Tukuyin ang mga pangyayaring bumubuo nito.Namamalantsa ng damit si Valerie nang marinig ang tawag sa ibaba. Mabilis siyang dumungaw sa bintana. Laki ng kanyang katuwaan nang makita ang kanyang matalik na kaibigan. Matagal din silang hindi nagkita mula nang umu-wi itosa probinsiya. Dali-dali siyang bumaba. Tuloy-tuloy ang kuwentuhan at halakha-kan nilang magkaibigan nang may marinig silang malakas na pagputok sa taas ng bahay. Mabuti na lamang at nakita agad ng mga kapitbahay na may nasusunog pala kaya dali-dali silang tumulong sa pag-apula ng apoy.1. Tagpuan ng Kuwento _____________________2. Simulang Pangyayari_____________________3. Papataas na aksyon_____________________4. Kasukdulan_____________________5. Pababang Aksyon_____________________6. Wakas_____________________Takdang Aralin:Humanap ng kuwento sa inyong aklat. Isulat ang mga pangyayaring bumubuo sa sagutang papel.1. Tagpuan ng Kuwento _____________________2. Simulang Pangyayari_____________________3. Papataas na aksyon_____________________

4. Kasukdulan_____________________5. Pababang Aksyon_____________________6. Wakas_____________________