8
Pinakamamahal na Reyna: Mga aral tungkol kay Maria Ang Queenship of Mary ay ipinagdiriwang ng ating simbahan tuwing August 22, walong araw matapos ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Maria at hindi po nalalayo ang mensahe ng bawat isa. Tayo ay magbalik tanaw mula noong isang linggo, sa ibig sabihin ng kapistahang ito. Muli, sinasabi sa atin na bagama’t ang buhay natin ay puno ng mga pagsubok at paghihirap, ang pag-akyat ni Maria sa langit ay nagsasabing -- iisa lang ang ating patutunguhan (katulad ng anod ng ilog na papunta sa dagat) kung saan ating makakamtan ang tunay na kaligayahan at kapayapaan. Ating naunawaan na ang kamatayan ay hindi katapusan ngunit ito ay isang simula sa buhay na walang hanggan. Kumbaga, katulad ng araw, ang buhay natin ay lumulubog sa isang parte ng mundo, ngunit sumusikat naman sa kabila. Amen po ba? At atin rin pong natutunan na sa ating paglalakbay sa buhay na ito, lagi nating kasama at kaagapay si Maria. Maaari tayong tumingin sa kanya upang tayo ay kanyang matulungan suungin ang buhay na ito upang lalong mapalapit kay Hesus, katulad ng ginawa niya. Amen po ba? At atin pong pag-aaralan ngayong gabi ang mga nabanggit na katotohanang ito tungkol kay Maria o Dogmas (Perpetual Virginity, Assumption of Mary, Divine 1 | Page

MARIA Reynang Pintakasi

Embed Size (px)

DESCRIPTION

by SICC

Citation preview

Page 1: MARIA Reynang Pintakasi

Pinakamamahal na Reyna: Mga aral tungkol kay Maria

Ang Queenship of Mary ay ipinagdiriwang ng ating simbahan tuwing August 22, walong araw matapos ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Maria at hindi po nalalayo ang mensahe ng bawat isa. Tayo ay magbalik tanaw mula noong isang linggo, sa ibig sabihin ng kapistahang ito. Muli, sinasabi sa atin na bagama’t ang buhay natin ay puno ng mga pagsubok at paghihirap, ang pag-akyat ni Maria sa langit ay nagsasabing -- iisa lang ang ating patutunguhan (katulad ng anod ng ilog na papunta sa dagat) kung saan ating makakamtan ang tunay na kaligayahan at kapayapaan. Ating naunawaan na ang kamatayan ay hindi katapusan ngunit ito ay isang simula sa buhay na walang hanggan. Kumbaga, katulad ng araw, ang buhay natin ay lumulubog sa isang parte ng mundo, ngunit sumusikat naman sa kabila. Amen po ba?

At atin rin pong natutunan na sa ating paglalakbay sa buhay na ito, lagi nating kasama at kaagapay si Maria. Maaari tayong tumingin sa kanya upang tayo ay kanyang matulungan suungin ang buhay na ito upang lalong mapalapit kay Hesus, katulad ng ginawa niya. Amen po ba?

At atin pong pag-aaralan ngayong gabi ang mga nabanggit na katotohanang ito tungkol kay Maria o Dogmas (Perpetual Virginity, Assumption of Mary, Divine Motherhood, Immaculate Conception) at kung ano nga ba ang ibig sabihin ng Queenship ni Maria at kahalagahan nito sa ating buhay. Sa ating pagdarasal sa Glorious Mysteries ng Santo Rosaryo, sa ika-apat na misteryo ay ang Assumption ni Maria at ang kasunod nito ay ang reflection sa kanyang coronation bilang Queen of heaven and earth. At ang

1 | P a g e

Page 2: MARIA Reynang Pintakasi

ating paniniwala nga po ay siya ay kinoronahan pagkatapos siya iakyat sa langit ng body and soul.

Sa apostolic letter ni Pope John Paul II na “Rosarium Virginis Mariae” nakasaad po sa fifth Glorious mystery, “Si Kristo’y umakyat sa kaluwalhatian sa kanan ng Ama, at nakamit rin ni Maria ang kaparehong kaluwalhatian nang siya ay iakyat noong Assumption, ito ay espesyal na pribelehiyo na itinakda lamang para sa Anak at kay Maria. At sa huling misteryo ng Santo Rosaryo, si Maria ay kinoronahan ng kaluwalhatian bilang Reyna ng Langit at ng Lupa, at lahat ng darating at nasasakupan nito.”

At ipinapakita nga po dito na si Maria ay itinampok muli na bukod tangi sa lahat ng nilalang na mas mataas sa lahat kabilang ang mga santo at mga anghel. Bilang ina ni Hesus, na tunay na tao at tunay na Diyos. Siya ay isang larawan na ang lahat ng nananampalataya ay maaari ring magkamit ng kaluwalhatian katulad niya. Amen po ba? Palakpakan po natin ang Panginoon!

Biblical Passage

Ang doktrina ng Queenship ni Maria ay base sa vision na ibinigay ni Maria kay San Juan, ang beloved apostle. At nakasaad nga po sa Pahayag 12:1-5

“Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaeng nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap. Isa pang tanda na lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng

2 | P a g e

Page 3: MARIA Reynang Pintakasi

kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.”

Ang babae sa pagbasa na ito ay walang iba kundi si Maria, at ang batang sanggol ay si Hesus. Sinasabi dito na si Maria ay may koronang 12 bituin na ang ibig sabihin ay ang 12 tribes of Israel (na kanyang mga ninuno) at ang 12 apostol (ang pundasyon ng simbahan, na itinuturing siya bilang ina). At makikita nga po natin dito ang pagdating ni Hesus at ang kanyang paghahari at tagumpay sa lahat ng kasamaan, at si Maria na ginamit, at patuloy na ginagamit, bilang instrumento sa pagdating niya. Amen po ba? Palakpakan natin ang Panginoon!

Popes on the Queenship of Mary

In 1954, Pope Pius XII declared the Feast of the Queenship of Mary, 4 years after the declaration of Feast of the Assumption of Mary in 1950. Sa dokumentong Ad Caeli Reginam (On Proclaiming the

Queenship of Mary), nakasaad na:

“Si Hesus ay hari magpakailanman dahil sa kanyang katangian bilang Diyos at sa kanyang tagumpay laban sa kasamaan. Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sumusunod sa kanya – si Maria ay Reyna bilang napupuno ng grasya, dahil sa kanyang divine relationship kay Hesus, sa pagtagumpay laban sa kasalanan, at sa pagpili ng Diyos Ama. At ang kanyang

3 | P a g e

Page 4: MARIA Reynang Pintakasi

pinaghaharian ay kasing lawak ng sa Anak ng Diyos, dahil walang isinasantabi kabilang dito ang Purgatoryo.”

At sa Second Vatican council, nakasaad sa Lumen Gentium (Dogmatic Constitution on the Church) ni Pope Paul VI noong 1964:

“Let the entire body of the faithful pour forth persevering prayer to the Mother of God and Mother of men. Let them implore that she who aided the beginnings of the Church by her prayers may now, exalted as she is in heaven above all the saints and angels, intercede with her Son in the fellowship of all the saints. May she do so until all the peoples of the human family, whether they are honored with the name of Christian or whether they still do not know their Savior, are happily gathered together in peace and harmony into the one People of God, for the glory of the Most Holy and Undivided Trinity.”

Kaya’t nakita natin sa doktrina at sa mula sa ating mga Santo Papa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan, ang pagtatangi kay Maria bilang ating Ina at Reyna.Mary, our Queen

At tulad ng ating nasabi noong nakaraang linggo, si Maria, bilang ating Reyna ng Langit at Lupa, ay walang ibang hinahangad kundi ang makapiling natin siya kasama ng kanyang pinakamamahal na Anak sa buhay na walang hanggan. At ginagawa niya ang parte ng kanyang misyon upang maihatid din tayo sa kaluwalhatian. Habang nandito sa lupa, binigyan niya ng inspirasyon ang mga banal upang maghatid ng balita ng ating kahihinatnan at mga pamamaraan na makakatulong sa ating kaligtasan. Ang mga bagay na ito ay naganap sa kanyang mga aparisyon sa mga Santo at sa mga banal.

Bilang Reyna, kanyang pinamumunuan ang Matagumpay na Iglesya o Church Triumphant sa langit at pinamumunuan rin ang mga Simbahang Mapanlaban o Church Militant dito sa lupa. Bilang ating Reyna at nagmamahal na ina, lagi niyang tinitingnan ang

4 | P a g e

Page 5: MARIA Reynang Pintakasi

ating kapakanan. Kaya nga’t sa tuwing siya ay may gusting sabihin o ipahatid na balita sa mga to sa lupa, siya ay bumababa mula sa langit at nagpapakita sa mga taong banal upang maging tagapaghatid rin ng balita sa mga tao. Ito ay nangyari sa iba’t ibang mga aparisyon na resulta rin kung bakit marami ang tawag sa kanya sa iba’t ibang pangalan at lugar.

Sa Lourdes, kanyang kinausap ang isang batang babae, si Bernadette. Sa Fatima, kanyang kinausap ang mga 3 pastol na bata, Jacinta, Francisco at Lucia. Sa Guadalupe, siya ay nagpakita kay Juan Diego. At nagpakita rin kay Santo Domingo de Guzman, sila ay iilan lamang sa mga taong kinakausap ng ating Mahal na Ina upang maghatid ng kanyang mensahe para sa ating lahat. Ang ating ina ay nagpapakita rin sa atin mga ordinaryong tao na nagsusumikap na maging banal. Ang ating ina ay nangungusap sa atin sa kanyang sariling pamamaraan upang tayo ay tulungan sa ating pang-araw-araw na buhay at sa ating buhay pananampalataya. At sa lahat ng kanyang mga aparisyon, ay iisa lamang ang kanyang mensahe – walang iba kundi pray, pray, pray the Holy Rosary. To consecrate ourselves in her Immaculate Heart and Sacred Heart of Jesus and to pray for everyone including all the souls in Purgatory who needs help.

At bilang Reyna, hindi lamang sa Langit at Lupa ang kanyang dominion… ating nabanggit kanina na ang kanyang nasasakupan ay kasing laki ng sa kanyang Anak na walang hangganan. Ibig sabihin, si Maria ay nakakapunta rin sa Purgatoryo upang tulungan ang mga kaluluwa na nangangailangan. Sa ating talk about Mary sa CLSS, binabanggit po dito ang kahalagahan ng ating pagdadasal ng Santo Rosaryo, kalakip ang mga pangako sa pagdarasal nito. Nabanggit din po doon na si Maria ay binubuksan ang Pintuan ng Langit upang papasukin ang mga kaluluwa sa kalangitan…. At inilalawit niya ang Santo Rosaryo sa Purgatoryo,

5 | P a g e

Page 6: MARIA Reynang Pintakasi

at kung sinuman ang nakakakilala dito ay kumakapit upang kanyang dalhin paakyat sa langit.

Kaya nga po’t napakapalad natin mga taong kumikilala sa ating Mahal na Ina at kumikilala sa kanyang kapangyarihan bilang ina natin at reyna ng sanlibutan. Amen po ba? Palakpakan natin ang ating Panginoon!

At sa pagkakataon po ngayon, patuloy nating pagnilayan ang ginampanan ng ating Mahal na Ina sa ating kaligtasan. Tumayo po tayong lahat at magbigay galang sa Mabuting Balita.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ni San Lucas 1:26-38

Manatili po tayong nakatayo at bigyang papuri ang ating Mahal na Ina!

SONG – Ave Maria

6 | P a g e