4
Mensahe sa Ika-7 Pambansang Kongreso ng Anakbayan Mula kina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon May 10, 2014 Malugod na binabati namin ang Anakbayan sa inyong ika-7 Pambansang Kongreso. Hangad namin ang lubos na tagumpay nito. Nagpapasalamat din kami sa pagkakataong magbahagi ng ilang palagay sa mga tungkulin ng Anakbayan. Bilang pangunahing progresibong organisasyon ng kabataan, kritikal ang papel ng Anakbayan sa pagmomobilisa ng kabataan at buong sambayanan sa nagaganap na malalaking labanan kaugnay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at rebalancing ng US sa Asia, free trade chacha at panibagong opensiba ng imperyalistang globalisasyon, korupsyon at pork barrel, rehabilitasyon pagkalipas ng Yolanda, kabiguan ng reporma sa lupa, tumitindi pang militarisasyon at pasismo ng Oplan Bayanihan, at paglaban at pagpapatalsik sa papet at reaksyunaryong rehimeng US-Aquino. Ang mga ito ay bumubuo ng istorikong komprontasyong nakataya ang kinabukasan ng bansa at bayan. Lahat ng makabuluhang pwersang pulitikal at makauri ay obligadong humanay at tumindig nang malinaw sa mga labanang ito. Ang tatakbuhin at ibubunga ng mga labanang ito ay iimpluwensya nang malaki sa sitwasyon at mga relasyon ng mga pwersa sa darating pang mga taon. Tampok na nagtutulak ng malakihang banggaan ang EDCA na pailalim na pinirmahan ng gobyernong US at papet na rehimeng Aquino. Layon ng EDCA na ibukas ang teritoryo ng bansa sa prepositioning, mga maniobra at mga operasyon ng mga tropa, barko at eroplanong pandigma at iba pang kagamitang militar ng US para maging pangunahing outpost ng pivot/rebalance ng US sa Asia. Nagsabwatan ang amo at papet para labagin ang Konstitusyon, soberanya at teritoryal na integridad ng bansa at ibalik ang pagbabaseng militar ng US. Sinasagkahan ang alitan sa South China Sea laban sa Tsina para bigyang-matwid ang walang kahihiyang pangangayupapa sa Imperyalistang US. Kasabay din ang panibagong tulak ng denasyunalisasyon, free trade globalization at mas maigting pang pagpiga sa yamang likas at paggawa ng bansa. Ipinipilit ang chacha para alisin ang natitira pang mga legal na sagka sa dayuhang pagkontrol at pag-aari sa mga lupain, katubigan, mina at lahat ng tipo ng negosyo. Ang atrasadong kalagayan ng ekonomya ay tinutukoy na dahilan para ibigay ang lahat ng pang-eengganyo sa dayuhang pamumuhunan kabilang ang sagad na paghuthot sa murang lakas paggawa at pangangamkam sa mga mgsasaka, minorya at iba pang maliit. Samantala, ang labis na pagkabulok ng estadong papet ay pinatitingkad lalo ng walang patumanggang pangungulimbat at kurupsyon sa pork barrel ng mga mambabatas. Garapal na namamayani sa sentro ng reaksyunaryong kapangyarihan ang kasakiman, imoralidad at kawalan ng pakundangan sa kapakanan ng bansa at mamamayan.

Message From Tiamzons for 7th National Congress

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Message From Tiamzons for 7th National Congress

Mensahe sa Ika-7 Pambansang Kongreso ng Anakbayan

Mula kina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon

May 10, 2014

Malugod na binabati namin ang Anakbayan sa inyong ika-7 Pambansang Kongreso.

Hangad namin ang lubos na tagumpay nito. Nagpapasalamat din kami sa pagkakataong

magbahagi ng ilang palagay sa mga tungkulin ng Anakbayan.

Bilang pangunahing progresibong organisasyon ng kabataan, kritikal ang papel ng

Anakbayan sa pagmomobilisa ng kabataan at buong sambayanan sa nagaganap na malalaking

labanan kaugnay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at rebalancing ng US sa

Asia, free trade chacha at panibagong opensiba ng imperyalistang globalisasyon, korupsyon at

pork barrel, rehabilitasyon pagkalipas ng Yolanda, kabiguan ng reporma sa lupa, tumitindi pang

militarisasyon at pasismo ng Oplan Bayanihan, at paglaban at pagpapatalsik sa papet at

reaksyunaryong rehimeng US-Aquino.

Ang mga ito ay bumubuo ng istorikong komprontasyong nakataya ang kinabukasan ng

bansa at bayan. Lahat ng makabuluhang pwersang pulitikal at makauri ay obligadong humanay

at tumindig nang malinaw sa mga labanang ito. Ang tatakbuhin at ibubunga ng mga labanang

ito ay iimpluwensya nang malaki sa sitwasyon at mga relasyon ng mga pwersa sa darating pang

mga taon.

Tampok na nagtutulak ng malakihang banggaan ang EDCA na pailalim na pinirmahan ng

gobyernong US at papet na rehimeng Aquino. Layon ng EDCA na ibukas ang teritoryo ng bansa

sa prepositioning, mga maniobra at mga operasyon ng mga tropa, barko at eroplanong

pandigma at iba pang kagamitang militar ng US para maging pangunahing outpost ng

pivot/rebalance ng US sa Asia. Nagsabwatan ang amo at papet para labagin ang Konstitusyon,

soberanya at teritoryal na integridad ng bansa at ibalik ang pagbabaseng militar ng US.

Sinasagkahan ang alitan sa South China Sea laban sa Tsina para bigyang-matwid ang walang

kahihiyang pangangayupapa sa Imperyalistang US.

Kasabay din ang panibagong tulak ng denasyunalisasyon, free trade globalization at mas

maigting pang pagpiga sa yamang likas at paggawa ng bansa. Ipinipilit ang chacha para alisin

ang natitira pang mga legal na sagka sa dayuhang pagkontrol at pag-aari sa mga lupain,

katubigan, mina at lahat ng tipo ng negosyo. Ang atrasadong kalagayan ng ekonomya ay

tinutukoy na dahilan para ibigay ang lahat ng pang-eengganyo sa dayuhang pamumuhunan

kabilang ang sagad na paghuthot sa murang lakas paggawa at pangangamkam sa mga

mgsasaka, minorya at iba pang maliit.

Samantala, ang labis na pagkabulok ng estadong papet ay pinatitingkad lalo ng walang

patumanggang pangungulimbat at kurupsyon sa pork barrel ng mga mambabatas. Garapal na

namamayani sa sentro ng reaksyunaryong kapangyarihan ang kasakiman, imoralidad at kawalan

ng pakundangan sa kapakanan ng bansa at mamamayan.

Page 2: Message From Tiamzons for 7th National Congress

Upang pwersahang pasunurin ang mamamayan at supilin ang mga lumalaban, lalong

pinaiigting ang militarisasyon at pasismo ng Oplan Bayanihan. Isinasailalim sa terorismo at bata-

batalyon at briga-brigadang pwersa ng AFP ang buo-buong mga baryo, bayan at probinsiya sa

iba’t ibang panig ng bansa. Laganap ang ilegal na pag-aresto, ilegal na paghalughog, tortyur,

pagdukot at targeted na pamamaslang sa mga rebolusyoanryo, gayundin sa mga lider at

aktibista ng mga organisasyong bayan.

Papalawak at papatindi ang diskuntento ng masa ng sambayanan sa papet, reaksyunaryo

at bulok na paghahari ng rehimeng Aquino. Ang mga pagtatakip at pagtatambol ng corporate

media ay nawawalan ng bisa habang lumalaon at hindi na maitago ang patuloy na pagsahol ng

pamumuhay. Higit ding natatambad at tumitindi ang mga paksyunal na pagkakahati-hati at

alitan sa loob ng naghaharing reaksyunaryong paksyon at sa hanay ng mga reaksyunaryo sa

kabuuan.

Tungkulin ng mga progresibong pwersa na pamunuan at pangunahan ang

pagpapalawak at pagpapalakas ng mga pakikibakang bayan laban sa anti nasyunal, anti

mamamayan at anti demokratikong mga pakana at paghahari ng imperyalismong US at lokal na

papet na malalaking kumprador-asendero-burukrata, dapat mapangahas na abutin ang milyun-

milyong mamamayan, buuin ang pinakamalawak na pambansang nagkakaisang hanay, at

isulong ang pukpukang pakikipaglaban sa iba’t ibang larangan. Ang progresibong kabataan ay

dapat matatag na magmartsa sa unahan ng pambansang hanay na ito. Dapat palakasin ang

sariling hanay at humanda sa ubos-kayang pakikipaglaban.

Ang kilusang kabataan ay batayang kilusang masa sa kalunsuran at kanayunan.

Pangunahing bahagi, isang haligi ito ng bawat kilusan, alyansa o pag-oorganisa na naglalayong

buo at solidong masaklaw ang isang lokalidad, probinsya o buong bansa. Esensyal ang tuluy-

tuloy at sistematikong gawaing pampulitika sa hanay ng kabataan laluna para sa kilusang

naglalayon ng pundamental na pagbabago ng lipunan at nakahanda sa puspusan at

matagalang pakikibaka sa lahat ng larangan para makamit ito.

Ang progresibong kilusang kabataan, ang Anakbayan sa partikular, ay dapat maging

tagapagtanggol ng buong bansa at buong sambayanan. Ang kabataan bilang isang sektor ng

lipunan ay may mga partikular na isyu at interes. Pero ang progresibong kilusang kabataan ay

makatutupad ng akmang tungkulin nito at magiging epektibo at makabuluhang pwersa lamang

kung mulat na maninindigan para sa buong bansa at buong sambayanan at ilalagay ang sarili sa

unahan ng pakikibaka ng bansa at sambayanan habang pinaguukulan ng karampatang pansin

ang mga partikular na sektoral na isyu at interes ng kabataan.

Alinsunod dito, ang progresibong kilusang kabataan ay dapat magpanatili ng

pinakamahigpit, di-mapuputol at sari-saring kuneksyon sa kilusang manggagawa at magsasaka.

Ang kabataang manggagawa at kabataang magsasaka ang bumubo ng lawak at lalim ng

kilusang kabataan sa mga komunidad, baryo at pabrika.

Page 3: Message From Tiamzons for 7th National Congress

Higit pa, ang progresibong kilusang kabataan ay dapat palaging mag-ukol ng partikular

na pansin sa pagsapol at pagtataguyod sa tamang pambansa-demokratikong linyang

pampulitika. Dapat matamang asikasuhin ang gawaing propaganda at gawaing pampulitika sa

hanay ng kabataan at sambayanan sa kabuuan upang patuloy na mapataas ang kanilang

pampulitikang kamulatan at praktika.

Dapat ding bigyang-prayoridad ang edukayson sa rebolusyonaryong teorya. Dapat

engganyuhin, gabayan at organisahin ang pag-aaral sa rebolusyonaryong teorya ng mga

kabataang interesado at may kakayahang mag-aral sa teorya. Dapat may sistematikong mga

kolektibo at indibidwal na pag-aaral sa teorya (mga kurso at programa sa pagbabasa, mga

porum at publikasyon) upang mapataas ang antas sa teorya ng progresibong kilusang kabataan,

at magsanay ng malaking bilang ng mga kabataang kadre na mahusay ang sapol sa teorya at

may kakayahang makitunggali sa mga ideolohiyang reaksyunaryo, papet, repormista,

rebisyunista at oportunista. Kailangan ito para maging epektibong pangunahing pwersa sila sa

progresibong kilusang propaganda at pangkultura.

Ang kilusang estudyante ay may ispesyal na lugar sa progresibong kilusang kabataan

dahil sa konsentrasyon ng kabataan sa mga eskwelahan at natatanging papel ng kabataang

estudyante sa kilusang propaganda at pangkalahatang kilusang bayan sa kalunsuran. Tamang

bigyang prayoridad ang gawaing pampulitika sa mga eskwelahan. Hindi rin problema kung sa

maraming sentrong lungsod ay mas nauuna ang pag-oorganisa sa mga kabataang estudyante

kaysa sa mga kabataan sa komunidad. Karaniwang ang lakas ng naipundar sa mga eskwelahan

ang nagsisilbing binhi para sa pagpapalawak sa mga kabataan sa kalapit na mga komunidad,

baryo at pabrika.

Mulat ang Anakbayan sa mahigpit na pangangailangang magpalawak at magpalakas sa

organisasyon. Maliit at limitado pa ang ilampung libong kasapian ng Anakbayan kung

ihahambing sa milyun-milyung kabataang dapat pang maabot, maorganisa at

maimpluwensiyahan. Matagal na ring natukoy ang problema sa pagpapalawak, pagpapalakas at

pagsusustini ng mga balangay. Inaasahang ang paglalagom ng mga karanasan dito ay

magbubunga ng mas mahusay at mas mabilis na mga resulta.

Para maging makapangyarihang kilusan, ang progresibong kilusang kabataan ay

kinakailangang magpaunlad ng maraming baseng eskwelahan, komunidad, baryo at pabrika.

Ang pag-unlad mula pag-ugnay at pagpapalawak tungong baseng lakas ng isang saklaw ay

kailangan ng mapangahas at pagkamapanlikha at kahandaan sa kumplikado at mahirap na

proseso ng pagpapalakas sa mga progresibong pwersa, pagbigo sa mga atake at panunupil ng

mga reaksyunaryo at pasista, at pagkabig sa mga panggitna. Kailangan ang masaklaw at

malayong pananaw, gayundin ang optimismo, sipag at pagbibigay-pansin sa mga detalye.

Kailangang matutong umabante nang hakbang-hakbang, ngunit may pananaw sa mabilis na

pagsaklaw sa malawak, magpakahusay sa isang yugto upang palitawin ang mga pwersa at

kundisyong paborable sa pagsulong sa susunod na mas mataas na yugto. Magpalawak batay sa

konsolidasyon. Magpalawak para makapagkonsolida at magkonsolida para makapagpalawak

nang mas mabilis at mas masaklaw. Huwag mag-asam at huwag umasa sa mga pag-abanteng

Page 4: Message From Tiamzons for 7th National Congress

hindi pinaghirapan habang handang sumunggab sa mga paborableng sitwasyon para mapabilis

ang pagsulong.

Ang mga anyo ng pagkilos at mga anyo ng organisasyon ay kinakailangang ilapat nang

maigi sa mga aktwal na kundisyon at maging lubhang pleksible at nag-iiba-iba laluna sa harap

ng tumitinding panunupil at pasismo. Ang AnakBayan ay dapat ikumbina sa iba pang anyo ng

mga organisasyon ng mga relatibong sulong na seksyon. Ang mga relatibong sulong na

organisasyon ay dapat magbuo ng pinakamalawak at sari-saring eksternal na kuneksyon para

maugnayan, maabot at masapol ang tunay na malawak na masang iba-iba ang antas ng

kamulatan, praktika at kahandaan.

Mabigat na tungkulin ang pagsusulong ng progresibong kilusang kabataan. Pero sa

pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap at paulit-ulit na paglalagom at pagkakatuto sa

mga karanasang positibo at negatibo, tiyak na aabante, lalong lalaki at lalakas ang AnakBayan at

progresibong kilusang kabataan.

MABUHAY ANG ANAKBAYAN!

MABUHAY ANG KABATAANG PILIPINO!

ISULONG ANG PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PAKIKIBAKA HANGGANG TAGUMPAY!