2
1-3 Sa mga members ng churches sa Galatia, si Paul to. Kumusta kayo dyan? Kinukumusta din kayo ng mga kasama ko dito. Sana okay kayo at nararanasan nyo ngayon ang sobrang kabaitan ng Diyos Ama at ng Lord Jesus Christ. Hindi lang karaniwang tao ang pumili o nagpadala sa akin. Pinili akong maging apostle ni Jesus Christ at ng Diyos Ama na syang bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan. 4 Sinunod ni Jesus Christ ang ating Diyos Ama at sinacrifice nya ang sarili nya para sa mga kasalanan natin. Ginawa nya yun para maligtas tayo mula sa kasamaan ngayon ng mundo. 5 Purihin ang Diyos magpakailan man! Amen. 6 Sobrang nashock ako sa inyo. Ang dali nyo namang tina- likuran ang Diyos. Imagine, sob- rang bait nya at pinadala nya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa inyo, tapos ngayon, inentertain nyo ang ibang gospel?! 7 Sa totoo lang, wala naman talagang ibang gospel, yung mabuting balita tungkol kay Christ. Pero may ibang tao dyan na binabago yun at ginugulo kayo. 8 Parusahan sana ng Diyos kung sino man silang magpreach ng gospel na iba sa prineach na namin sa inyo. Wala akong pakialam kung kasamahan namin yun o angel galing sa langit. 9 Sinabi ko na dati sa inyo at uulitin ko ngayon: Parusahan sana ng Diyos kung sino man ang magpreach ng ibang gospel. 10 Sino ba ang piniplease ko, ang tao ba o ang Diyos? Syempre ang Diyos! Kung tao nga, di ako deserving maging servant ni Christ. 11 Mga kapatid, gusto kong malaman nyo na hindi gawa-gawa ng simpleng tao yung gospel na prineach ko. 12 Di din to binigay o tinuro sa akin ng kung sino man. Si Jesus Christ mismo ang nagbigay ng gospel nung nireveal nya sa akin to. 13 Narinig nyo naman siguro yung buhay ko dati nung panatiko pa ako ng Jewish religion. Sobrang pinahirapan ko nun ang church ni God. Gusto ko talaga itong wasakin. 14 Kung Jewish religion din lang ang pag-uusapan, walang mas gagaling sa akin sa mga kaedad ko. Talagang sinunod ko lahat ng sinabi ng ancestors ko. 15 Imagine, kahit ganun ako, ang bait pa din ng Diyos! Pinili pa din nya akong makapagserve sa kanya bago pa ako pinanganak. 16 At noong nireveal ng Diyos sa akin ang anak nya para ipreach ko ang gospel sa mga Gentiles, hindi ako humingi ng advice kahit kani- no. 17 Ni hindi nga ako pumunta sa Jerusalem para makipagkita sa mga apostles na nauna sa akin. Dumeretso agad ako sa Arabia, at pagkatapos bumalik sa Damascus. Holy Spirit sa buhay nyo tapos ngayon aasa kayo sa sarili nyong lakas?! 4 Balewala ba lahat ang naranasan nyo? Alam ko hindi. 5 Bini- gay sa inyo ng Diyos ang Holy Spirit at gumawa sya ng mga mira- cles sa inyo. Dahil ba yun sa pagsunod nyo sa Jewish Law o dahil naniwala kayo sa narinig nyo tungkol kay Christ? 6 Tingnan nyo ang sinabi ng Scriptures tungkol kay Abraham. “Nagtiwala sya sa Diyos at dahil dun, tinanggap sya ng Diyos.” 7 Kaya dapat maintindihan nyo na ang mga taong nagtitiwala sa Diyos ang mga tunay na anak ni Abraham. 8 At kahit di pa man nangyayari ay sinabi na sa Scriptures na tatanggapin ng Diyos ang mga Gentiles dahil sa kanilang pagtitiwala. Kaya noon pa, sinabi na ng Diyos kay Abraham ang magandang balita, “Ibi- bless ng Diyos ang lahat ng mga bansa dahil sa iyo.” 9 Nagtiwala si Abraham kaya tinanggap nya ang blessing ng Diyos. Gaya ni Abraham, ibibless ang lahat ng nagtitiwala sa Diyos. 10 Pero sinumpa ang lahat ng umaasang tatanggapin sila ng Diyos dahil sa pagsunod nila sa Jewish Law. Sabi nga sa Scrip- tures, “Sinumpa ang sino mang hindi sumusunod sa lahat ng na- kasulat sa Law of Moses.” 11 Kung ganun, maliwanag na walang sino man ang tatanggapin ng Diyos dahil sa pagsunod sa Jewish Law. Sabi kasi sa Old Testament, “Mabubuhay ang taong tinang- gap ng Diyos dahil sa kanyang pagtitiwala.” 12 Pero hindi ibig sa- bihin na pag sumusunod ka sa Jewish Law ay nagtitiwala ka na sa Diyos. Sabi nga sa Scriptures, “Nakasalalay ang buhay mo sa Jewish Law kung yun ang sinusunod mo.” 13 Sa Jewish Law, tayo dapat ang sinumpang parusahan. Pero niligtas tayo ni Christ dahil sya ang hinatulan para sa atin. Sabi sa Scriptures, “Sinumpa ang sino mang hinatulan na mamatay sa cross.” 14 Kaya dahil kay Jesus Christ, matatanggap din ng mga Gentiles ang pangakong blessing na binigay ng Diyos kay Abraham. At matatang- gap din natin ang Holy Spirit na ipinangako ng Diyos dahil sa pagti- tiwala natin sa kanya. 15 Mga kapatid, may example ako para sa inyo. Kapag may dalawang tao na pumirma sa kasunduan, di na yun pwedeng balewalain o dagdagan pa. 16 Gaya nun, nangako ang Diyos kay Abraham at sa descendant nya. Di naman sinabi sa Scripture na “maraming descen- dants”. Ang sinabi, “sa iyong descendant”. Isa lang ang ibig sabihin nun, si Christ yun. 17 Ganito ang gusto kong sabihin. Nakipagkasundo ang Diyos kay Abraham at nangako siyang tutuparin nya yun. Pero, ang Jewish Law dumating lang pagkatapos ng 430 years, at di nun kayang balewalain ang pangako ng Diyos kay Abraham. 18 Ngayon, kung kailangan munang sumunod sa Jewish Law para matanggap ang blessings galing sa Diyos, di na yun base sa pangako ng Diyos. Pero dahil sa pangakong yun, ibinigay ng Diyos kay Abraham ang blessing. Ang bobo nyo talaga mga Galatians!!! Hindi kayo nag-iisip!!! Nakulam ba kayo?! Di ba ang linaw-linaw naman na namatay si Jesus Christ sa cross?! 2 Sagutin nyo nga ako, paano nyo tinanggap ang Holy Spirit? Sa pagsunod nyo ba sa Jewish Law o dahil narinig nyo at naniwala kayo sa message ng gospel? 3 Mga bobo ba talaga kayo?! Nasimulan nyo na ngang maranasan ang kapangyarihan ng Pagtitiwala kay Christ 18 Three years pa bago ako pumunta sa Jerusalem para maka- usap si Peter. Two weeks kaming magkasama dun. 19 Nakita ko din dun si James, ang kapatid ng Panginoon. Bukod sa kanilang dalawa, wala ng ibang apostle dun. 20 Totoo lahat ang sinusulat ko. Hindi ako nagsisinungaling. Alam ng Diyos yan! 21 Tapos, pumunta ako sa Syria at Cilicia. 22 Hindi pa talaga ako personal na nakikita ng mga members ng churches sa Judea. 23 Narinig lang nila na yung dating nagpapahirap sa kanila ay nag- pipreach na ngayon. Tapos yung pinipreach pa nya ay tungkol kay Christ na gusto nya dating wasakin. 24 At dahil sa akin, nagpuri sila sa Diyos. Gospel Ang Nag-iisang Jewish Law o Ang Jewish Law at P aano naging Apostle si P aul After 14 years, bumalik ako sa Jerusalem kasama si Barnabas at si Titus. 2 Nireveal kasi sa akin ng Diyos na dapat pumunta ako dun. At sa isang private meeting, inexplain ko sa mga leaders sa Jerusalem ang gospel na pinipreach ko sa mga Gentiles. Ayaw ko kasing mawalan ng kwenta yung mga nagawa ko na at yung mga gagawin ko pa. 3 Ang kasama ko ngang pumunta dun na si Titus, Greek yun ha, pero di nila pinilit magpacircumcise. 4 Meron kasing mga sumali sa grupo namin para magspy. Kunyari mga believers sila. Yun pala, gusto lang nilang malaman kung bakit hindi na slaves ng Jewish Law ang mga taong na kay Christ. Malaya na tayo! Gusto nilang maging slaves pa rin kami, 5 pero hindi talaga kami pumayag sa gusto nilang mangyari. Iniingatan namin ang totoong sinasabi ng gospel para hindi yun mawala sa inyo. 6 Wala namang nadagdag ang mga kinikilalang leaders sa Jerusalem sa message na pinipreach ko. (Di importante kung sino sila. Wala namang paborito ang Diyos.) 7 Nirecognize pa nga nila na pinagkatiwalaan ako ng Diyos para ipreach ang gospel sa mga Gentiles, at si Peter naman ang pinagkatiwalaang magpreach sa mga Jews. 8 Pareho kaming pinili ng Diyos na maging apostle. Ako sa mga Gentiles, si Peter naman sa mga Jews. 9 Nirecognize nina James, Peter at John na binigay talaga sa akin ng Diyos ang ministry na to. Silang tatlo yung mga kinikilalang church leaders. Kinamayan pa nga nila kami ni Barnabas bilang sign na partners nila kami sa ministry. Napagkasunduan din na kami ni Barnabas ang para sa mga Gentiles at sila naman sa mga Jews. 10 Request lang nila na wag naming kalimutan ang mga mahirap na believers sa Jerusalem. Dati ko pa naman talagang ginagawa yun. 11 Nung bumisita si Pe- ter sa Antioch, pinagalitan ko talaga sya sa harap ng mga tao. Mali kasi sya. 12 Pano ba naman, nung ang Pangako ng Diyos Ganito din ang gusto kong sabi- hin: habang bata pa ang isang taga- pagmana, halos wala syang pinag- kaiba sa mga slaves kahit sya naman talaga ang may-ari ng lahat. 2 Kasi may mga taong nag-aalaga at nag- aasikaso sa kanya hanggang sa takdang panahon na sinabi ng tatay nya. 3 Gaya nung bata, inalipin tayo ng iba’t ibang kapang- yarihan sa mundo nung di pa tayo nagtitiwala kay Christ. 4 Pero nang dumating na ang tamang panahon, pinadala ng Diyos ang Anak nya. Gaya ng lahat, pinanganak sya ng nanay nya. Lumaki syang sumusunod sa Jewish Law, 5 para mapalaya ang mga naging slaves nito at para maituring tayong mga anak ng Diyos. 6 Dahil mga anak kayo ng Diyos, pinadala nya sa puso natin ang Spirit ng Anak nya na taimtim na tumatawag sa Diyos na, “Tatay, Tatay ko!” 7 Kaya ngayon, di na kayo mga slaves, mga anak na kayo ng Diyos. At dahil dun, mamanahin nyo ang lahat ng ibibigay ng Diyos sa mga anak nya. CHAPTER 1 CHAPTER 2 Si P aul at ang I bang mga Apostles di pa dumadating yung mga taong pinapunta ni James dun, ku- makain pa sya kasama ng mga Gentiles. Pero nung dumating na sila, lumayo sa kanila si Peter. Natakot kasi sya na baka kung ano pa ang isipin nung mga Jews na yun. Sila yung mga Jews na nag- rerequire pa din ng circumcision sa mga Gentiles. 13 Gumaya tuloy sa kaplastikan ni Peter ang ibang mga Jews, pati si Barnabas gu- maya na din. 14 Di consistent yung ginagawa nila sa totoong mes- sage ng gospel. Kaya nung nakita ko yun, pinagalitan ko talaga si Peter sa harap nilang lahat. Sabi ko nga, “Kung ikaw nga para kang Gentile, e Jew ka naman talaga. Gentiles sila, bakit mo sila pinipilit na mabuhay na parang Jew?” 15 Ipinanganak kaming mga Jews. Hindi kami mga Gentiles na tinatawag nila na ‘mga sin- ners’. 16 Pero alam namin na tatanggapin ng Diyos ang tao dahil nagtitiwala sya kay Jesus Christ at di dahil sumusunod sya sa Jewish Law. Kaya, tinanggap kami ng Diyos dahil nagtiwala kami kay Jesus Christ. 17 Pero sa pagsisikap naming matanggap ng Diyos, nagtitiwala kami kay Christ. E kaso, para sa Jewish Law makasalanan kami. So, ang ibig bang sabihin nun si Christ ang promotor ng kasalanan? Hindi kaya!!! 18 Kung pagpipilitan ko pa ding itayo yung mga bagay na winasak ko na, ibig sabihin nagkamali nga talaga ako nung una. 19 Kung Jewish Law lang ang pag-uusapan, di na ako nabubuhay para dun, wala nang epekto yun sa buhay ko. Hindi na kasi yun ang basis para matanggap tayo ng Diyos. Ngayon, pwedeng-pwede na akong mabuhay para sa Diyos. Namatay na yung dating ako kasama ni Christ sa cross. 20 Hindi na ako ang may hawak ng buhay ko, si Christ na ang nabubuhay sa akin. At nabubuhay ako ngayon na nagtitiwala sa Anak ng Diyos. Minahal nya ako at binigay nya ang buhay nya para sa akin. 21 Sino ako para tanggihan ang sobrang kabaitan ng Diyos? Kung may makakapagsabing pwede syang tanggapin ng Diyos dahil sumusunod sya sa Jewish Law, walang kwenta ang pagkamatay ni Christ. P inagalitan ni P aul si P eter Tinanggap Sila dahil Nagtiwala Sila kay Jesus Christ 19 Kung ganun, ano ang purpose ng Jewish Law? Ibinigay yun para malaman ng tao kung nagkakasala na sya. Pero yun ay hanggang di pa dumadating ang sinasabing descendant ni Abra- ham. Sa descendant ibinigay ang pangako at galing mismo yun sa Diyos. Pero yung Jewish Law dumaan pa sa mga angels bago makarating kay Moses, at sya naman ang nagbigay ng Jewish Law sa mga tao. 20 Kailangan ng mediator kung dalawang tao ang kasali sa kasunduan. Pero ang iisang Diyos mismo ang nangako kaya di na kailangan ng mediator. 21 Ibig sabihin ba nun magkasalungat ang Jewish Law at ang pangako ng Diyos? Hindi kaya!!! Hindi mabibigay ng Jewish Law ang tunay na buhay. Kasi kung ang Jewish Law ay nagbibigay ng tunay na buhay, e di sana tatanggapin na ng Diyos ang mga tao kapag sinunod nila ito. 22 Pero mababasa sa Scriptures na gusto laging magkasala ng lahat ng tao. Kaya ang mga nagtitiwala lang kay Jesus Christ ang makakatanggap ng pangako ng Diyos. 23 Noon, parang bilanggo tayo ng Jewish Law. Pero ngayon, nareveal na sa atin na tatanggapin tayo ng Diyos kung mag- titiwala tayo sa kanya. 24 Ang Jewish Law ang nagdisiplina sa atin hanggang sa pagdating ni Christ. Dinisiplina tayo para tang- gapin tayo ng Diyos dahil sa pagtitiwala natin kay Christ. 25 At ngayong natutunan na nating magtiwala kay Christ, di na natin kailangan ang pagdidisiplina ng Jewish Law. 26 Dahil sa pagtitiwala nyo kay Jesus Christ, kayong lahat ay anak ng Diyos. 27 Nakipag-isa kayo kay Christ nung nabaptize kayo. At ngayon, suot nyo na ang buhay ni Christ na parang isang damit. 28 Sa pakikipag-isa ninyong lahat kay Jesus Christ, wala ng pinagkaiba ang Jews sa Gentiles, ang slave sa di slave, ang lalake sa babae. 29 At dahil nagtitiwala kayo kay Christ, mga apo na kayo ni Abraham at tatanggapin nyo ang pangako ng Diyos. CHAPTER 3 CHAPTER 4

mga Apostles - testweb.bible.org.phtestweb.bible.org.ph/wp-content/uploads/2017/07/PINOYGALATIANS-CRC.pdf · ginugulo kayo. 8 Parusahan sana ng Diyos kung sino man silang magpreach

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: mga Apostles - testweb.bible.org.phtestweb.bible.org.ph/wp-content/uploads/2017/07/PINOYGALATIANS-CRC.pdf · ginugulo kayo. 8 Parusahan sana ng Diyos kung sino man silang magpreach

1-3 Sa mga members ng churches sa Galatia, si Paul to. Kumusta kayo

dyan? Kinukumusta din kayo ng mga kasama ko dito. Sana okay kayo at nararanasan nyo ngayon ang sobrang kabaitan ng Diyos Ama at ng Lord Jesus Christ.

Hindi lang karaniwang tao ang pumili o nagpadala sa akin. Pinili akong maging apostle ni Jesus Christ at ng Diyos Ama na syang bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan.

4 Sinunod ni Jesus Christ ang ating Diyos Ama at sina crifice nya ang sarili nya para sa mga kasalanan natin. Ginawa nya yun para maligtas tayo mula sa kasamaan ngayon ng mundo. 5 Purihin ang Diyos magpakailan man! Amen.

6 Sobrang nashock ako sa inyo. Ang dali nyo namang tina-likuran ang Diyos. Ima gine, sob-

rang bait nya at pinadala nya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa

inyo, tapos ngayon, inentertain nyo ang ibang gospel?! 7 Sa totoo lang, wala naman talagang ibang gospel, yung mabuting balita tungkol kay Christ. Pero may ibang tao dyan na binabago yun at ginugulo kayo. 8 Parusahan sana ng Diyos kung sino man silang magpreach ng gospel na iba sa prineach na namin sa inyo. Wala akong pakialam kung kasamahan namin yun o angel galing sa langit. 9 Sinabi ko na dati sa inyo at uulitin ko ngayon: Parusahan sana ng Diyos kung sino man ang mag preach ng ibang gospel.

10 Sino ba ang piniplease ko, ang tao ba o ang Diyos? Syempre ang Diyos! Kung tao nga, di ako deserving maging servant ni Christ.

11 Mga kapatid, gusto kong malaman nyo na hindi gawa-gawa ng simpleng tao yung gospel na

prineach ko. 12 Di din to binigay o tinuro sa akin ng kung sino man. Si Jesus Christ mismo ang nagbigay ng gospel nung nireveal nya sa akin to.

13 Narinig nyo naman siguro yung buhay ko dati nung panatiko pa ako ng Jewish religion. Sobrang pinahirapan ko nun ang church ni God. Gusto ko talaga itong wasakin. 14 Kung Jewish religion din lang ang pag-uusapan, walang mas gagaling sa akin sa mga kaedad ko. Talagang sinunod ko lahat ng sinabi ng ancestors ko.

15 Imagine, kahit ganun ako, ang bait pa din ng Diyos! Pinili pa din nya akong makapagserve sa kanya bago pa ako pinanganak. 16 At noong nireveal ng Diyos sa akin ang anak nya para ipreach ko ang gospel sa mga Gentiles, hindi ako humingi ng advice kahit kani-no. 17 Ni hindi nga ako pumunta sa Jerusalem para makipagkita sa mga apostles na nauna sa akin. Dumeretso agad ako sa Arabia, at pagkatapos bumalik sa Damascus.

Holy Spirit sa buhay nyo tapos ngayon aasa kayo sa sarili nyong lakas?! 4 Balewala ba lahat ang naranasan nyo? Alam ko hindi. 5 Bini-gay sa inyo ng Diyos ang Holy Spirit at gumawa sya ng mga mira-cles sa inyo. Dahil ba yun sa pagsunod nyo sa Jewish Law o dahil naniwala kayo sa narinig nyo tungkol kay Christ?

6 Tingnan nyo ang sinabi ng Scriptures tungkol kay Abraham. “Nagtiwala sya sa Diyos at dahil dun, tinanggap sya ng Diyos.” 7 Kaya dapat maintindihan nyo na ang mga taong nagtitiwala sa Diyos ang mga tunay na anak ni Abraham. 8 At kahit di pa man nangyayari ay sinabi na sa Scriptures na tatanggapin ng Diyos ang mga Gentiles dahil sa kanilang pagtitiwala. Kaya noon pa, sinabi na ng Diyos kay Abraham ang magandang balita, “Ibi-bless ng Diyos ang lahat ng mga bansa dahil sa iyo.” 9 Nagtiwala si Abraham kaya tinanggap nya ang blessing ng Diyos. Gaya ni Abraham, ibibless ang lahat ng nagtitiwala sa Diyos.

10 Pero sinumpa ang lahat ng umaasang tatanggapin sila ng Diyos dahil sa pagsunod nila sa Jewish Law. Sabi nga sa Scrip-tures, “Sinumpa ang sino mang hindi sumusunod sa lahat ng na-kasulat sa Law of Mo s es.” 11 Kung ganun, maliwanag na walang sino man ang tatanggapin ng Diyos dahil sa pagsunod sa Jewish Law. Sabi kasi sa Old Testament, “Mabubuhay ang taong tinang-gap ng Diyos dahil sa kanyang pagtitiwala.” 12 Pero hindi ibig sa-bihin na pag sumusunod ka sa Jewish Law ay nagtitiwala ka na sa Diyos. Sabi nga sa Scriptures, “Nakasalalay ang buhay mo sa Jewish Law kung yun ang sinusunod mo.”

13 Sa Jewish Law, tayo dapat ang sinumpang parusahan. Pero niligtas tayo ni Christ dahil sya ang hinatulan para sa atin. Sabi sa Scriptures, “Sinumpa ang sino mang hinatulan na mamatay sa cross.” 14 Kaya dahil kay Jesus Christ, matatanggap din ng mga Gentiles ang pangakong blessing na binigay ng Diyos kay Abraham. At matatang-gap din natin ang Holy Spirit na ipinangako ng Diyos dahil sa pagti-tiwala natin sa kanya.

15 Mga kapatid, may example ako para sa inyo. Kapag may dalawang tao na pumirma sa kasunduan, di na yun pwedeng balewalain o dag dagan pa. 16 Gaya nun, nangako ang Diyos kay Abraham at sa descendant nya. Di naman sinabi sa Scripture na “maraming descen-dants”. Ang sinabi, “sa iyong descendant”. Isa lang ang ibig sabihin nun, si Christ yun. 17 Ganito ang gusto kong sabihin. Nakipagkasundo ang Diyos kay Abraham at nanga ko siyang tutuparin nya yun. Pero, ang Jewish Law dumating lang pagkatapos ng 430 years, at di nun kayang balewalain ang pangako ng Diyos kay Abraham. 18 Ngayon, kung kailangan munang sumunod sa Jewish Law para matanggap ang blessings galing sa Diyos, di na yun base sa pangako ng Diyos. Pero dahil sa pangakong yun, ibinigay ng Diyos kay Abraham ang blessing.

Ang bobo nyo talaga mga Galatians!!! Hindi kayo nag-iisip!!! Nakulam ba kayo?! Di ba ang linaw-linaw naman na namatay si Jesus Christ sa cross?! 2 Sagutin nyo nga ako, paano nyo tinanggap ang Holy Spirit? Sa pagsunod nyo ba sa Jewish Law o dahil narinig nyo at naniwala kayo sa message ng gospel? 3 Mga bobo ba talaga kayo?! Nasimulan nyo na ngang maranasan ang kapangyarihan ng

Pagtitiwala kay Christ

18 Three years pa bago ako pumunta sa Jerusalem para maka-usap si Peter. Two weeks kaming magkasama dun. 19Nakita ko din dun si James, ang kapatid ng Panginoon. Bukod sa kanilang dalawa, wala ng ibang apostle dun. 20 Totoo lahat ang sinusulat ko. Hindi ako nagsisinungaling. Alam ng Diyos yan!

21 Tapos, pumunta ako sa Syria at Cilicia. 22 Hindi pa talaga ako personal na nakikita ng mga members ng churches sa Judea. 23 Narinig lang nila na yung dating nagpapahirap sa kanila ay nag-pipreach na ngayon. Tapos yung pinipreach pa nya ay tungkol kay Christ na gusto nya dating wasakin. 24 At dahil sa akin, nagpuri sila sa Diyos.

GospelAng Nag-iisang

Jewish Law o

Ang Jewish Law at

Paano naging Apostle si Paul

After 14 years, bumalik ako sa Jerusalem kasama si Barnabas at si Titus. 2 Nireveal kasi sa akin ng Diyos na dapat pumunta ako dun. At sa isang private meeting, inexplain ko sa mga leaders sa Jerusalem ang gospel na pinipreach ko sa mga Gentiles. Ayaw ko ka sing mawalan ng kwenta yung mga nagawa ko na at yung mga gagawin ko pa.

3 Ang kasama ko ngang pumunta dun na si Titus, Greek yun ha, pero di nila pinilit magpacircumcise. 4 Meron kasing mga sumali sa grupo namin para magspy. Kunyari mga believers sila. Yun pala, gusto lang nilang malaman kung bakit hindi na slaves ng Jewish Law ang mga taong na kay Christ. Malaya na tayo! Gusto nilang maging slaves pa rin kami, 5 pero hindi talaga kami pumayag sa gusto nilang mangyari. Iniingatan namin ang totoong sinasabi ng gospel para hindi yun mawala sa inyo.

6 Wala namang nadagdag ang mga kinikilalang leaders sa Jerusalem sa message na pinipreach ko. (Di importante kung sino sila. Wala namang paborito ang Diyos.) 7 Nirecognize pa nga nila na pinagka tiwalaan ako ng Diyos para ipreach ang gospel sa mga Gentiles, at si Peter naman ang pinagkatiwalaang magpreach sa mga Jews. 8 Pareho kaming pinili ng Diyos na maging apostle. Ako sa mga Gentiles, si Peter naman sa mga Jews. 9 Nirecognize nina James, Peter at John na binigay talaga sa akin ng Diyos ang ministry na to. Silang tatlo yung mga kinikilalang church leaders. Kinamayan pa nga nila kami ni Barnabas bilang sign na partners nila kami sa ministry. Napagkasunduan din na kami ni Barnabas ang para sa mga Gentiles at sila naman sa mga Jews. 10 Request lang nila na wag naming kalimutan ang mga mahirap na believers sa Jerusalem. Dati ko pa naman talagang ginagawa yun.

11 Nung bumisita si Pe-ter sa Antioch, pinagalitan

ko talaga sya sa harap ng mga tao. Mali kasi sya. 12 Pano ba naman, nung

ang Pangako ng Diyos

Ganito din ang gusto kong sabi-hin: habang bata pa ang isang taga-pagmana, halos wala syang pinag-

kaiba sa mga slaves kahit sya naman talaga ang may-ari ng lahat. 2 Kasi may mga taong nag-aalaga at nag- aasikaso sa kanya hanggang sa takdang panahon na sinabi ng tatay nya. 3 Gaya nung bata, inalipin tayo ng iba’t ibang kapang-yarihan sa mundo nung di pa tayo nagtitiwala kay Christ.

4 Pero nang dumating na ang tamang panahon, pinadala ng Diyos ang Anak nya. Gaya ng lahat, pinanganak sya ng nanay nya. Lumaki syang sumusunod sa Jewish Law, 5 para mapalaya ang mga naging slaves nito at para maituring tayong mga anak ng Diyos. 6 Dahil mga anak kayo ng Diyos, pinadala nya sa puso natin ang Spirit ng Anak nya na taimtim na tumatawag sa Diyos na, “Tatay, Tatay ko!” 7 Kaya ngayon, di na kayo mga slaves, mga anak na kayo ng Diyos. At dahil dun, mamanahin nyo ang lahat ng ibibigay ng Diyos sa mga anak nya.

CHAPTER 1

CHAPTER 2Si Paul at ang Ibang

mga Apostles

di pa dumadating yung mga taong pinapunta ni James dun, ku-makain pa sya kasama ng mga Gentiles. Pero nung dumating na sila, lumayo sa kanila si Peter. Natakot kasi sya na baka kung ano pa ang isipin nung mga Jews na yun. Sila yung mga Jews na nag-rerequire pa din ng circumcision sa mga Gentiles. 13 Gumaya tuloy sa kaplastikan ni Peter ang ibang mga Jews, pati si Barnabas gu-maya na din. 14 Di consis tent yung ginagawa nila sa totoong mes-sage ng gospel. Kaya nung nakita ko yun, pinagalitan ko talaga si Peter sa harap nilang lahat. Sabi ko nga, “Kung ikaw nga para kang Gentile, e Jew ka naman talaga. Gentiles sila, bakit mo sila pini pilit na mabuhay na parang Jew?”

15 Ipinanganak kaming mga Jews. Hindi kami mga Gentiles na tina tawag nila na ‘mga sin-ners’. 16 Pero alam namin na tatanggapin ng Diyos ang tao dahil nagtitiwala sya kay Jesus Christ at di dahil sumusunod sya sa Jewish Law. Kaya, tinanggap kami ng Diyos dahil nagtiwala kami kay Jesus Christ.

17 Pero sa pagsisikap naming matanggap ng Diyos, nagtitiwala kami kay Christ. E kaso, para sa Jewish Law makasalanan kami. So, ang ibig bang sabihin nun si Christ ang promotor ng kasalanan? Hindi kaya!!! 18 Kung pagpipilitan ko pa ding itayo yung mga bagay na winasak ko na, ibig sabihin nagkamali nga talaga ako nung una. 19 Kung Jewish Law lang ang pag-uusapan, di na ako nabubuhay para dun, wala nang epekto yun sa buhay ko. Hindi na kasi yun ang basis para matanggap tayo ng Diyos. Ngayon, pwedeng-pwede na akong mabuhay para sa Diyos. Namatay na yung dating ako kasama ni Christ sa cross. 20 Hindi na ako ang may hawak ng buhay ko, si Christ na ang nabubuhay sa akin. At nabubuhay ako ngayon na nagtitiwala sa Anak ng Diyos. Minahal nya ako at binigay nya ang buhay nya para sa akin. 21 Sino ako para tanggihan ang sobrang kabaitan ng Diyos? Kung may makakapagsabing pwede syang tanggapin ng Diyos dahil sumusunod sya sa Jewish Law, walang kwenta ang pagkamatay ni Christ.

Pinagalitan ni Paul si Peter

Tinanggap Sila dahil Nagtiwala Sila kay Jesus Christ

19 Kung ganun, ano ang purpose ng Jewish Law? Ibinigay yun para malaman ng tao kung nagkakasala na sya. Pero yun ay hanggang di pa dumadating ang sinasabing descendant ni Abra-ham. Sa descen dant ibinigay ang pangako at galing mismo yun sa Diyos. Pero yung Jewish Law dumaan pa sa mga angels bago makarating kay Moses, at sya naman ang nagbigay ng Jewish Law sa mga tao. 20 Kailangan ng mediator kung dalawang tao ang kasali sa kasunduan. Pero ang iisang Diyos mismo ang nangako kaya di na kailangan ng mediator.

21 Ibig sabihin ba nun magkasalungat ang Jewish Law at ang pangako ng Diyos? Hindi kaya!!! Hindi mabibigay ng Jewish Law ang tunay na buhay. Kasi kung ang Jewish Law ay nagbibigay ng tunay na buhay, e di sana tatanggapin na ng Diyos ang mga tao kapag sinunod nila ito. 22 Pero mababasa sa Scriptures na gusto laging magkasala ng lahat ng tao. Kaya ang mga nagtitiwala lang kay Jesus Christ ang makakatanggap ng pangako ng Diyos.

23 Noon, parang bilanggo tayo ng Jewish Law. Pero ngayon, nare veal na sa atin na tatanggapin tayo ng Diyos kung mag-titiwala tayo sa kanya. 24 Ang Jewish Law ang nagdisiplina sa atin hanggang sa pagdating ni Christ. Dinisiplina tayo para tang-gapin tayo ng Diyos dahil sa pagtitiwala natin kay Christ. 25 At ngayong natutunan na nating mag tiwala kay Christ, di na natin kailangan ang pagdidisiplina ng Jewish Law.

26 Dahil sa pagtitiwala nyo kay Jesus Christ, kayong lahat ay anak ng Diyos. 27 Nakipag-isa kayo kay Christ nung nabaptize kayo. At ngayon, suot nyo na ang buhay ni Christ na parang isang damit. 28 Sa pakikipag-isa ninyong lahat kay Jesus Christ, wala ng pinagkaiba ang Jews sa Gentiles, ang slave sa di slave, ang lalake sa babae. 29 At dahil nagtitiwala kayo kay Christ, mga apo na kayo ni Abraham at tatanggapin nyo ang pangako ng Diyos.

CHAPTER 3

CHAPTER 4

Page 2: mga Apostles - testweb.bible.org.phtestweb.bible.org.ph/wp-content/uploads/2017/07/PINOYGALATIANS-CRC.pdf · ginugulo kayo. 8 Parusahan sana ng Diyos kung sino man silang magpreach

ang kalayaan nyo para mag lingkod sa iba dahil mahal nyo sila. 14 Kasi pwedeng isummarize ang buong Jewish Law sa isang utos, “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” 15 Pero kung sinasaktan at pinapahirapan nyo ang isa’t isa, naku, di kayo magtatagal! Magkakaubusan kayo!!!

16 Ito ang sinasabi ko sa inyo: kung gina -

gabayan kayo ng Holy Spirit hindi nyo susundin ang mga luho ng katawan nyo. 17 Laging magkalaban ang luho ng katawan at ang gusto ng Holy Spirit. At ang gusto ng Holy Spirit ay la-ban sa luho ng katawan. Di talaga sila magkasundo kaya di nyo magagawa ang gusto nyong gawin. 18 Pero kung ang Holy Spirit ang gumagabay sa inyo, wala na kayo sa control ng Jewish Law.

19 Ang mga luho ng katawan ay sexual immorality, malalas-wang pag-iisip at mahalay na pamumuhay. 20 Ganun din ang idolatry at witchcraft. Kasama din ang pagkamuhi sa kapwa, pakikipag-away, pag-iinggitan, pagkakagalit-galit, pagkasakim, pagkakawatak-watak, pagkakampihan, 21 pagka-inggit, pagla-lasing, mga orgies at iba pang mga kagaya nito. Binalaan ko na kayo at uulitin ko, kung sino man ang gumagawa ng mga bagay na ito, di kayo pwedeng makasama sa kaharian ng Diyos.

22 Pero ang buhay na sinuko sa Spirit ay nagbubunga ng pag-mamahal, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabuti-han, katapatan, 23 pagiging gentle at pagpipigil sa sarili. Walang batas na nagbabawal sa mga ito. 24 At kung sino man ang sumu-sunod na kay Jesus Christ, tinalikuran na nila ang luho ng kata-wan kasama ang lahat ng mga pagnanasa nito. 25 Dahil ang Spirit ang nagbigay ng buhay sa atin, dapat lang na Spirit din ang masu-sunod sa buhay natin. 26 Di tayo dapat nagyayabang o nang-iinis, o nag-iinggitan.

6 Dapat ishare nyo ang magagandang bagay na meron kayo sa taong nagtuturo sa inyo ng Salita ng Diyos.

7 Wag nyong lokohin ang mga sarili nyo, hindi nadadaya ang Diyos. Kung ano ang tinanim mo, yun din ang aanihin mo. 8 Kung luho ng katawan ang itatanim mo, siguradong aani ka ng kapahamakan. Pero kung sumusunod ka sa Holy Spirit, buhay na walang hanggan ang aanihin mo. 9 Wag tayong mapapagod sa paggawa ng mabuti. Kasi kung hindi tayo magsasawa, darating ang panahon na maganda yung aanihin natin. 10 Kaya dapat lagi tayong maging mabuti sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon, lalung-lalo na dun sa mga kasama nating nagtitiwala kay Christ.

11 Ako mismo ang sumulat nito sa inyo. Tingnan nyo, ang laki ng pagkakasulat ko dito.

12 Yung mga taong nagpupumilit magpacircumcise kayo, nag-yayabang lang sila. Ginagawa nila yun para di sila mapersecute kung magpipreach sila tungkol sa cross ni Christ. 13 E kahit nga yung mga nagpacircumcise, di naman talaga nila sinusunod ang Jewish Law. Gusto lang nilang magmayabang na nagpacircum-cise din kayo tulad nila. 14 Pero ako, isang bagay lang ang ipag-mamalaki ko at yun ay ang kamatayan ng ating Lord Jesus Christ sa cross. Dahil sa cross ni Christ, wala nang kwenta para sa akin ang mga interes ng mundo. At ganun din, di na ako nabubuhay para sa mga interes ng mundo.

15 Di na mahalaga kung circumcised ka o hindi. Ang mahalaga ay nabago ka na.

16 At dun sa mga sumusunod sa principle na to, panalangin kong bigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan at maranasan nyo ang kabaitan nya, ganun din para sa lahat ng mga sumusunod sa Diyos.

17 Kaya mula ngayon, wag nyo nang dagdagan ang paghihirap ko. Kita nyo naman siguro ang mga peklat sa katawan ko, dahil yan sa paghihirap ko para kay Jesus.

18 Mga kaibigan, panalangin kong maranasan nyo ang kabaitan ng ating Lord Jesus Christ. Amen.

Galatians, Pinoy Version © PBS 2012

Tulungan nyo ang Isa ’t-isa

Mga Huling Warnings

8 Dati nung di nyo pa kilala ang Diyos, inalipin kayo ng mga diyos-

diyosan. 9 Pero ngayong nakilala nyo na ang Diyos, actually, ngayong kinilala na kayo ng Diyos, bakit gusto nyo pa ulit maging sunud- sunuran sa mga walang kwentang diyos-diyosan? Talaga bang gusto nyong maging slaves nila uli? 10 Ang gagaling nyo pang sumunod sa mga religious holidays! 11 Nagwoworry tuloy ako, para kasing nag- aksaya lang ako ng panahon sa inyo.

12 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo. Gayahin nyo ko. Pero ac-tually, ako ang naging kagaya nyo. Di na Jewish Law ang basis ko para tanggapin ako ng Diyos. Wala kayong ginawang masama sa akin. 13 Alam nyo naman na dahil sa sakit ko kaya ako unang nag-preach ng gospel sa inyo. 14 At kahit naging pabigat ako sa inyo dahil sa sakit ko, di nyo ako tinalikuran o tinanggihan. Tinanggap nyo ako kagaya ng pagtanggap nyo sa isang angel ng Diyos. Tinanggap nyo pa nga ako kagaya ng pagtanggap nyo kay Jesus Christ! 15 Sobrang excited kayo dati, anong nangyari? Walang duda na gagawin nyo lahat para sa akin noon. Sa totoo nga, kung pwede nyo lang dukutin ang mga mata nyo at ibigay sa akin, gagawin nyo talaga. 16 Tapos ngayong sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, kaaway nyo na ako?!!

17 Yung mga taong binabago ang gospel, kunyari lang na intere-sado sila sa inyo. Pero sa totoo lang, meron silang masamang balak. Gusto nila kayong ilayo sa akin para sila naman ang kampihan nyo. 18 Dapat naman talagang lagi kayong gumagawa ng mabuti, hindi lang tuwing kasama nyo ko. 19 Hay naku mga anak ko! Sobrang na-hihirapan ako dahil sa inyo! Para tuloy akong nanay na naghihintay manganak! Naghihintay akong makita ko si Christ na nabubuhay sa bawat isa sa inyo. 20 Kung pwede lang sana na personal ko kayong makausap, hindi sana ganito ang tono ng message ko. Sa totoo lang, sobrang worried talaga ako sa inyo.

21 Kayong mga gustong sumunod sa Jewish Law, sabihin nyo sa akin, naiintindihan nyo ba talaga ang sinasabi nun? 22 Sinasabi dun na merong dalawang anak na lalaki si Abraham. Yung isa, anak nya sa isang slave at yung isa naman ay sa di slave. 23 Tulad ng ibang mga bata, pinanganak sa normal na pangyayari ang anak ni Abra-ham sa slave. Pero di ganun ang nangyari sa anak nya sa di slave. Pinangako kasi yun ng Diyos sa kanya.

24 May malalim na meaning yun: ang dalawang babae ay sym-bol ng dalawang kasunduan. Ang mga pinanganak sa slavery ay galing kay Hagar. Sya ang symbol ng kasunduan na ginawa sa Mt. Sinai. 25 Slave si Hagar at ang mga anak nya. Sya ang symbol ng Mt. Sinai na nasa Arabia, at ng Jerusalem ngayon. 26 Pero di slave ang nanay natin. Sya ang symbol ng Jerusalem na nasa langit.

Hagar at SarahAng Kwento tungkol kay

Malaya na tayo. Pinalaya tayo ni Christ! Kaya maging matatag kayo at wag nyong hayaan na maging slaves ulit kayo. 2 Makinig kayong mabuti sa akin! Ako mismong si Paul ang nagsasabi sa inyo na kapag pumayag kayong magpacircumcise, binabalewala nyo ang ginawa ni Christ para sa inyo. 3 Uulitin ko, kapag pu-mayag kayong magpacircumcise dapat nyo ding sundin ang lahat ng sinasabi ng buong Jewish Law. 4 Kayong mga nagpupumilit na tanggapin ng Diyos dahil sa pagsunod sa Jewish Law, hiniwa-lay nyo na ang mga sarili nyo kay Christ at sa sobrang kabaitan ng Diyos. 5 Pero dahil sa Holy Spirit, umaasa kami sa pangako ng Diyos na tatanggapin nya kami, kasi nagtitiwala kami kay Christ. 6 Kung sumusunod tayo kay Christ, di na mahalaga kung circum-cised ka o hindi. Ang importante, ang pagtitiwala natin kay Christ ay nakikita sa pag-ibig natin sa ibang tao.

7 Kumbaga sa isang karera, sobrang okay na yung pagtakbo nyo. Sino ba ang pumigil sa inyong sumunod sa katotohanan? 8 Sigurado akong hindi ang Diyos yun. Sya kasi ang tumawag sa inyo para lumapit sa kanya. 9 May kasabihan nga na, “Konting yeast lang ang kailangan para umalsa ang tinapay.” 10 Naniniwala pa rin akong iisa ang pananaw natin sa bagay na ito dahil pareho tayong nagtitiwala kay Christ. At siguradong paparusahan ng Diyos ang sino mang nanggugulo sa isip nyo.

11 Mga kapatid, kung pinipreach ko na kailangan pa din ang circumcision, di na nila dapat ako pinepersecute. Di na sila dapat naiinsulto sa message ng pagkamatay ni Christ sa cross. 12 Sa mga nanggugulo sa inyo, bakit hanggang circumcision lang? Tuloy na nila. Magpacastrate na sila!!!

13 Mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos para maging malaya. Pero wag nyo namang gawing dahilan ang kalayaan nyo para masunod lang ang mga luho ng katawan. Instead, gamitin nyo

Mga kapatid, kung merong isa sa inyong nagkasala, kayo mismong ginagabayan ng Holy Spirit ang dapat na mag correct sa kanya. Pero gawin nyo yun sa magandang paraan. At mag-ingat kayo kasi baka kayo naman ang matuksong mag kasala. 2 Magtulungan kayo sa mga problema nyo. Pag ginawa nyo yun tinutupad nyo ang utos na binigay ni Christ.

3 Kung meron man sa inyong nagmamagaling, pero sa totoo lang, wala naman talagang sinabi, niloloko nya lang ang sarili nya. 4 Dapat suriin ng bawat isa ang mga ginagawa nya. Kung mabuti yun, dapat matuwa sya. Wag nyo na icompare ang mga ginagawa nyo sa iba, 5 kasi may kanya-kanya naman kayong pasanin.

Nagworry si Paul

Ang Spirit ng Diyos at ang mga Desires ng Tao

Manatiling Malaya

para sa mga Galatians27 Sinasabi sa Scriptures:

“Magsaya ka, babaeng baog! Sumigaw ka sa tuwa, ikaw na di nakaranas ng hirap sa panganganak.

Dahil mas marami ang anak ng babaeng iniwan ng asawa kesa dun sa babaeng may asawa.”

28 Ngayon, mga kapatid, gaya ni Isaac, mga anak kayo ng Diyos dahil sa pangako nya. 29 Kung dati pinapahirapan ng anak ni Hagar yung pinanganak dahil sa Spirit ng Diyos, ganun pa din ngayon. 30 Pero ano nga ba ang sinasabi sa Scriptures? “Palayasin mo ang babaeng slave at ang anak nya. Walang parte sa mana ang anak ng slave. Ibibigay nang buong-buo ang mana sa anak ng di slave.” 31 Kaya mga kapatid, dun sa dalawang nanay, mga anak tayo ng di slave. at Greetings ni Paul

UN Avenue BibleHouse890 United Nations Avenue1000 Manila, PhilippinesTel: (632) 5215792 (632) 5215785 (632) 5267777Fax: 5215803 * 5215788Sta. Mesa BibleHouseTel: (632) 7142424Fax: (632) 7137058

Visit us at: www.bible.org.ph

Cebu BibleHouseTel: (032) 2545571TeleFax: (032) 2547298Dau BibleHouseTel: (045) 6240310

Ang babasahing ito ay ipinamamahagi nang walang bayadsa kagandahang-loob ng ating mga tagapagtangkilik.

CHAPTER 5

CHAPTER 6