Upload
chic-guevarra
View
2.489
Download
67
Embed Size (px)
Citation preview
Mga Bahagi ng Pahayagan
Inihanda ni G. Aaron Laylo
mga bahagi ng pahayagan:balitaeditoryalopinyonlathalain
mga bahagi ng pahayaganbalita (panlabas, pambansa, rehiyonal, probinsiyal,
panglungsod, pampalakasan, business)editoryal at opinyonlathalain (entertainment, sports, culture, reviews)
Balita
Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari
Headline
Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa.
Newspage
Editoryal Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan.
Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.
Editorial cartoon
Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlongbahagi:
a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg.
b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan.
c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.
Opinyon
Paglalahad ng sariling saloobin at paninindigan tungkol sa isang isyu
Lathalain (Feature Story) Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na
naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan.
Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews, entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.