3
MGA IBON SA LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST Nanganganib (endangered) na uri ng mga ibon ayon sa DENR-AO 09-19 Scientific Name: Loriculusphilippensis Common Name: Philippine Hanging Parrot Local Name: Colasisi, Kosi Size: 14-15cm Conservation Status: Critically Endangered; Endemic-Uncommon Ang pinakamaliit na parrot sa bansa. Ang mga lalaki ay karaniwang pula ang noo, kulay dilaw ang korona, at pula ang leeg, dibdib, puwitan, at buntot. Ang mga babae ay may maberdeng korona na nababahiran ng konting dilaw. Ang mga sisiw ay kahalintulad sa kulay ng mga babae. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga kabundukan at batawan. Scientific Name: Anas luzonica Common Name: Philippine Duck Local Name: Gamaw, Patoilahas, Itik, Papan Size: 48-58 cm Conservation Status: Endangered; Endemic-Common Ang bukod tanging katutubong pato sa bansa. Kapag ito ay lumipad, may makikitang manipis na linyang kulay puti sa gilid ng kanyang mga pakpak. Ang mga sisiw nito ay malamlam ang mga balahibo. Sa Leyte Sab-a Peatland Forest, ito ay makikita sa mga damuhan and palayan. Sa kasalukuyan, ito ay tinatawag na “Pato – ilahas” at patuloy ang pagbaba ng bilang ng populasyon nito dahil sa panghuhuli and pangbibitag ng mga tao. Uri ng mga ibon na hindi pa naitatala sa Leyte Sab-a Peatland Forest Scientific Name: Ardeolabacchus Common Name: Chinese Pond Heron Local Name: Dugwak Size: 42-52 cm Conservation Status: Migrant-Rare Ito ay maliliit at pandak na puting tugak. Ito ay kadalasang namamataan sa mga katubigan, ilog, bakawan, tuyong damuhan, at mga palaisdaan. Ito ay dumarayo sa Pilipinas tuwing panahon ng taglamig. Scientific Name: Gallicrexcinerea Common Name: Watercock Local Name: Togtog, Tubtub Size: 42-43 cm Conservation Status: Resident-Uncommon Ang mga nag-aanak na lalaki ay may magkahalong itim at mala-abong kulay ng katawan na may kulay-kapeng guhit sa likod. Madilaw ang tuka nito and pula ang harap na umaabot hangang sa ulo. Ang mga babae ay may kulay-kapeng balahibo. Mapusyaw ang gilid nito na mayroong matingkad na guhit at baricada. Ang mga matatanda ay may kulay-kapeng balahibo. Ang lalaki ay mas malaki kumpara sa babae. Ang mga sisiw ay katulad ng itsura ng mga babaeng tubtub. Scientific Name: Streptopeliatranquebarica Common Name: Red Turtle-dove Local Name: Tukmo Size: 30-33 cm Conservation Status: Resident-Uncommon Ang kulay ng ulo ng mga lalaki ay malabughaw na kulay-abo. Ang batok naman nito ay may itim na tubong habang ang baba ay kulay-abo at ang leeg ay kulay-rosas. Ang itaas na katawan at pakpak ay mamula-mula at ang buntot ay malabughaw. Ang mga babae naman ay kulay-abo ang noo at kayumanggi ang ibabang bahagi ng katawan. Ang itaas na bahagi hanggang puwetan ay kulay-abo at may matingkad na kulay-kapeng mga pakpak. Ang mga sisiw ay may pagkakahawig sa mga babae ngunit walang tubong sa leeg. Ang kanilang mga paa ay matingkad na pula. Sa Leyte Sab-a Basin, sila ay madalas makikita sa palayan and sa mga masusukal na damuhan nito. Developed by: LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST INITIATIVE *Ayon sa Republic Act No. 9147, ang mahuhuling pumatay, nanakit, sumira ng tahanan, humuli, maghakot, o magbenta ng mga nanganganib na hayop ay paparusahan ng pagkakulong ng hanggang apat na taon at magmumulta ng hanggang Php50,000. **Ang mga paglalarawan ay hango sa librong: Photographic Guide to the Birds of Negros, Panay and Cebu ni Jakosalem et al., 2019

MGA IBON SA LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST...Ito ay mga di-katutubong uri ng mga ibon na matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay kadalasang namamataan sa mga siyudad at mga bayan. Kayumanggi

  • Upload
    others

  • View
    41

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • MGA IBON SA LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST

    Nanganganib (endangered) na uri ng mga ibon ayon sa DENR-AO 09-19

    Scientifi c Name: Loriculusphilippensis Common Name: Philippine Hanging ParrotLocal Name: Colasisi, Kosi Size: 14-15cmConservation Status: Critically Endangered; Endemic-Uncommon

    Ang pinakamaliit na parrot sa bansa. Ang mga lalaki ay karaniwang pula ang noo, kulay dilaw ang korona, at pula ang leeg, dibdib, puwitan, at buntot. Ang mga babae ay may maberdeng korona na nababahiran ng konting dilaw. Ang mga sisiw ay kahalintulad sa kulay ng mga babae. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga kabundukan at batawan.

    Scientifi c Name: Anas luzonica Common Name: Philippine DuckLocal Name: Gamaw, Patoilahas, Itik, Papan Size: 48-58 cmConservation Status: Endangered; Endemic-Common

    Ang bukod tanging katutubong pato sa bansa. Kapag ito ay lumipad, may makikitang manipis na linyang kulay puti sa gilid ng kanyang mga pakpak. Ang mga sisiw nito ay malamlam ang mga balahibo. Sa Leyte Sab-a Peatland Forest, ito ay makikita sa mga damuhan and palayan. Sa kasalukuyan, ito ay tinatawag na “Pato – ilahas” at patuloy ang pagbaba ng bilang ng populasyon nito dahil sa panghuhuli and pangbibitag ng mga tao.

    Uri ng mga ibon na hindi pa naitatala sa Leyte Sab-a Peatland Forest

    Scientifi c Name: Ardeolabacchus Common Name: Chinese Pond HeronLocal Name: Dugwak Size: 42-52 cm Conservation Status: Migrant-Rare

    Ito ay maliliit at pandak na puting tugak. Ito ay kadalasang namamataan sa mga katubigan, ilog, bakawan, tuyong damuhan, at mga palaisdaan. Ito ay dumarayo sa Pilipinas tuwing panahon ng taglamig.

    Scientifi c Name: Gallicrexcinerea Common Name: WatercockLocal Name: Togtog, Tubtub Size: 42-43 cm Conservation Status: Resident-Uncommon

    Ang mga nag-aanak na lalaki ay may magkahalong itim at mala-abong kulay ng katawan na may kulay-kapeng guhit sa likod. Madilaw ang tuka nito and pula ang harap na umaabot hangang sa ulo. Ang mga babae ay may kulay-kapeng balahibo. Mapusyaw ang gilid nito na mayroong matingkad na guhit at baricada. Ang mga matatanda ay may kulay-kapeng balahibo. Ang lalaki ay mas malaki kumpara sa babae. Ang mga sisiw ay katulad ng itsura ng mga babaeng tubtub.

    Scientifi c Name: Streptopeliatranquebarica Common Name: Red Turtle-doveLocal Name: Tukmo Size: 30-33 cmConservation Status: Resident-Uncommon

    Ang kulay ng ulo ng mga lalaki ay malabughaw na kulay-abo. Ang batok naman nito ay may itim na tubong habang ang baba ay kulay-abo at ang leeg ay kulay-rosas. Ang itaas na katawan at pakpak ay mamula-mula at ang buntot ay malabughaw. Ang mga babae naman ay kulay-abo ang noo at kayumanggi ang ibabang bahagi ng katawan. Ang itaas na bahagi hanggang puwetan ay kulay-abo at may matingkad na kulay-kapeng mga pakpak. Ang mga sisiw ay may pagkakahawig sa mga babae ngunit walang tubong sa leeg. Ang kanilang mga paa ay matingkad na pula. Sa Leyte Sab-a Basin, sila ay madalas makikita sa palayan and sa mga masusukal na damuhan nito.

    Developed by:LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST INITIATIVE

    *Ayon sa Republic Act No. 9147, ang mahuhuling pumatay, nanakit, sumira ng tahanan, humuli, maghakot, o magbenta ng mga nanganganib na hayop ay paparusahan ng pagkakulong ng hanggang apat na taon

    at magmumulta ng hanggang Php50,000.

    **Ang mga paglalarawan ay hango sa librong: Photographic Guide to the Birds of Negros, Panay and Cebu ni Jakosalem et al., 2019

  • MGA IBON SA LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST

    Mga uri ng ibon na mababa na ang populasyon sa Pilipinas

    Scientifi c Name: Ardeapurpurea Common Name: Purple heronLocal Name: Lapay, Dapay, Dugwak Size: 78-90 cmConservation Status: Resident-Common

    Ang nasa gulang na lapay ay may dilaw na guhit sa mata, puting leeg, itim na guhit sa kanyang tuka, at kulay rosas na mga binti. Ang mga sisiw ay karaniwang kayumangi. Kulay itim ang itaas na panga nito at dilaw na kahel ang ibaba; kulay puti rin ang leeg na may mga itim na guhit. Kadalasang naghahanap ng makakain ang mga lapay sa mga baybayin, tubig-tabang, palaisdaan, ilat, at mga bukid na lubog sa tubig.

    Scientifi c Name: Gerygone sulphurea Common Name: Golden-belled Gerygone (fl yeater)Local Name: Tamsi, Dalawidaw Size: 9.5-10.4 cm Conservation Status: Resident-Common

    Ang kanyang kakaibang liit, tuwid na tuka, at ang kakulangan ng puting kulay sa tagiliran at sa magkabilang balaybay ng buntot ang kaibahan nito sa kilalang Olive – backed sunbird. Ang mga sisiw ay katulad ng mga may gulang na tamsi subalit ang kanyang itaas na bahagi ay bahagyang maputla. Malimit itong naririnig kaysa nakikita. Maraming makikitang tamsi sa gubat, baybayin, mga kakahuyan, tirahan ng mga tao, at sa mga hardin. Sa Leyte Sab-a Basin, makikita sila sa mga palayan.

    Scientifi c Name: Hirundorustica Common Name: Barn swallowLocal Name: Sayaw, Balinsasayao, Talimbabatang Size: 17-19 cm Conservation Status: Migrant-Common

    Ang buntot nito ay magkahiwalay na may mga puting marka. Ang leeg nito ay mamula-mula at meron itong itim na tubong sa dibdib. Mamula-mula din ang kanyang tiyan, tagiliran, at kloeyka. Ang mga sisiw ay kulay-kape at ang likod nila matingkad na asul ang kulay. Ang mga talimbabatang ay kadalasang makikita sa mga damuhan, ilat, and baybayin. Ito ay dumadapo sa malalaking kuyog ng damuhan, kawad ng kuryente, alambre, at kawayan. Sa Leyte Sab-a Basin, sila ay malimit na makikita sa palayan at mga damuhan.

    Scientifi c Name: Passer montanus Common Name: Eurasian tree – sparrow Local Name: Gorion, Maya bungol Small Size: 14-15 cm Conservation Status: Introduced-Common

    Ito ay mga di-katutubong uri ng mga ibon na matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay kadalasang namamataan sa mga siyudad at mga bayan. Kayumanggi ang puwetan nito at may mga itim na marka sa kanyang mga pakpak. Ang buntot ay kulay kape at ang binti ay kulay rosas. Ang sisiw ay maihahalinulad sa may mga gulang na ngunit mapusyaw ang kulay nito at merong kulay abong tuka.

    Developed by:LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST INITIATIVE

    **Ang mga paglalarawan ay hango sa librong: Photographic Guide to the Birds of Negros, Panay and Cebu ni Jakosalem et al., 2019

  • MGA IBON SA LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST

    Mga uri ng ibon na mababa na ang populasyon sa Pilipinas

    Scientifi c Name: PycnonotusgoiavierCommon Name: Philippine Yellow – vented bulbul Local Name: Pago, Pirok-pirok, Dikol, Parago,Pitlago, Ul-ulSize: 19-20.5 cm Conservation Status: Endemic-Common

    Ito ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, maliban sa Palawan. Ito ay kilala sa kanyang kakaibang dilaw ng puwetan, kulay kapeng korona, at malapad na dibdib. Ito rin ay may maputi at malapad na kilay, matingkad na guhit sa mata, at kayumangging batok at kapa. Ang mga sisiw ay mahahalintulad sa matatanda ngunit bahagyang maputla sila na may kulay rosas na tuka. Ang mga pago ay matatagpuan sa mga hardin, nilinang lupa, mga punongkahoy, at sa mga parke o plaza. Sa Leyte Sab-a Basin, sila ay matatagpuan sa gilid ng mga buod.

    Scientifi c Name: RostratulabenghalensisCommon Name: Greater painted – snipe Local Name: Manurok, Po-ok, TalingtinganMedium Size: 23-28 cmConservation Status: Resident-Common

    Ito ay may mahabang tuka na kulay rosas. Ang mukha at leeg nito ay mapusyaw na kayumanggi at maliliit na puting batik na nakapiligid sa mata. Ang mga lalaki ay kayumanggi at mala-kulay abo ang itaas na bahagi ng katawan samantalang ang mga babae ay ay may puting ibabang bahagi ng katawan. Ang mga binti nito ay mahaba at mapusyaw na kulay berde. Nakatira ang mga manurok sa mga tubig-tabang na maraming halaman, mga inabandonang palaisdaan, bana, at batis.

    Scientifi c Name:SpilornisholospilusCommon Name: Philippine Serpent-eagleLocal Name: DapayFamily: AccipitridaeLarge Size: 47-53 cmConservation Status: Endemic-Common

    Hugis pamaypay ang galugod nito at kulay dilaw ang mukha at mga mata. Kulay kape ang itaas na bahagi ng katawan nito at kayumanggi ang ibabang bahagi. Ito rin ay may dilaw na mga marka sa dibdib at tiyan at ang buntot ay may puting linya sa gitna. Ang pakpak nito ay may puti at dilaw na kulay habang ang gilid ay kulay itim. Ang mga sisiw ay puti ang ibabang bahagi ng katawan at may malapad na guhit sa mga mata. kumakain ito ng mga ahas, butiki, at palaka. Nakikita ang mga dapay sa mga gubat at mga plantasyon.

    Scientifi c Name:TodiramphuschlorisCommon Name: Collared Kingfi sherLocal Name: Tikarol, SalaksakanSize: 23-25 cmConservation Status: Resident-Common

    Ang katawan at korona nito ay kulay asul at itim na guhit sa may mata. Kulay puti ang leeg at batok nito. Itim ang tuko nito at kulay abo ang mga binti. Ang mga babae ay matingkad na berde ang kulay. Ito ang pinka-karaniwang klase ng kingfi sher na matatagpuan sa mga gubat, bakawan, at mga palayan. Kumakain ito ng mga isda, crustaceans, mollusc, at iba pang mga hayop na walang gulugod.

    Developed by:LEYTE SAB-A PEATLAND FOREST INITIATIVE

    **Ang mga paglalarawan ay hango sa librong: Photographic Guide to the Birds of Negros, Panay and Cebu ni Jakosalem et al., 2019