Upload
pinkandpurple18649
View
2.272
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
For filipino 2 finals
Citation preview
MGA PAGKAING KINAHIHILIGAN NG MGA UNANG TAON NA KUMUKUHA NG KURSONG NARSING SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS AT ANG
DULOT NITONG SUSTANSYA
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino II,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ng
BSN I – 11
Asuncion, SarinaBanquil, Kimberly
Baseleres, Patrick JosephBassig, Agustus CzarBaylon, Amparo TriciaTan, Karl Harley Amber
Marso 19, 2010
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino
2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na
pinamagatang Mga Pagkaing Kinahihiligan ng mga Unang Taon na
Kumukuha ng Kursong Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at ang
Dulot Nitong Sustansya ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa BSN I-11 na binubuo nina:
Sarina Asuncion Kimberly Banquil
Agustus Czar Bassig Patrick Joseph Baseleres
Amparo Tricia Baylon Karl Harley Amber Tan
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at
Syensya, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Aissa Abegail Jiménez
Propesor sa Filipino 2
PASASALAMAT
Kami ay nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan
sapagkat sila ay nakatulong sa pagtatapos ng pamanahong papel na ito:
- sa aming mga pamilya na nagbigay suporta sa amin, lalo na sa aming mga
magulang na pinag-aaral kami sa isang magandang unibersidad at sa
pagpapahintulot samin na gawin ang pamanahong papel na ito.
- sa Panginoong Diyos, na nagbigay samin ng magandang kalusugan habang
ginagawa ang pananalisik na ito.
- sa aming propesor na si Bb. Aissa Abegail Jiménez, na ginabayan kami sa
pagbuo ng mga ideya para sa pananaliksik na ito.
- sa mga awtor ng libro at mga artikulo na nagamit namin sa pag-aaral at
paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa paksa namin.
- sa aming mga respondente dahil sa pagbibigay nila ng panahon sa pagsagot
ng aming sarbey,
- at sa aming mga kaibigan na nakatulong sa pagtatapos ng pamanahong papel
na ito.Pinasasalamatan din namin ang aming mga laptop, ang Internet at mga
iba pang kagamitan na ginawang madali ang komunikasyon at paghahanap ng
impormasyon.
Muli maraming-maraming salamat po.
- Mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
1. Introduksyon 1
2. Layunin ng Pag-aaral 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 2
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3
5. Depenisyon ng mga Terminolohiya 3
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 6
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 9
1. Disenyo ng Pananaliksik 9
2. Mga Respondente 10
3. Instrumentong Pampananaliksik 10
4. Tritment ng mga Datos 10
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 11
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 14
1. Lagom 14
2. Kongklusyon 14
3. Rekomendasyon 15
Listan ng mga Sanggunian 16
Apendiks
A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot ng Pagsasarbey 17
B. Sarbey 18
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
A. Grap 1: Porsyento ng mga Estudyante na Gumagamit 11
ng mga Pagkain at Inumin
B. Grap 2: Porsyento ng Iba’t Ibang Inumin at Pagkain
12
Ayon sa Sarbey
C. Grap 3: Iba Pang Pagkain at Inumin (11%)
13
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
I. Introduksyon
Ano nga ba ang mga pagkain na nagbibigay ng lakas at nagpapabilis
ng pag-iisip? Nakakatulong nga ba ang mga ito sa pangkalahatang
kalusugan?
Hindi maisasantabi ang kahalagahan ng pagkain sa katawan ng tao.
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahin na pangangailangan ng tao upang
mabuhay. Ngunit hindi lamang ito ay nagbibigay lakas, ang ibang klase ng
pagkain ay nagbibigay ng iba’t-ibang benepisyo sa katawan.
Ang mga pagkain ay ang unang pinanggagalingan ng lakas at
enerhiya ng tao upang makapagtrabaho ng maayos. Ang iba ay tinatawag na
“brain boosters” na higit na kinakailangan ng mga estudyante. Ang mga “brain
boosters” ay ang sinasabing nagbibigay ng karagdagang enerhiya upang
lumiksi ang pag-iisip at tumaas ang memorya ng isang tao. Bilang resulta ng
pagtaas ng aktibidad ng utak, nagkakaroon din ng biglaang pagtaas ng
enerhiya ng tao o ang tinatawag na “energy rush.”
Ang bawat estyudante ay dumadaan sa mga gabing walang tulugan.
Masasabi na ito ay isa ng parte ng kultura ng isang estyudante. Ang mga
gabing ito ay ginagamit upang makagawa ng mga proyekto sa iba-ibang mga
asignatura at walang estyudante na nakakatakas dito. Lahat ng mag-aaral, sa
kahit ano mang antas ng pag-aaral, ay dumadaan sa ganitong proseso at
nakakaranas ng ganito. Nagsisimula ito sa mataas na paaralan at umaabot
hanggang kolehiyo. Ngunit paano nakakaya ng mga estyudante na kulang
ang kanilang tulog sa gabi, at kayanin na magising sa susunod na araw
upang pumasok at matuto? Nagagawa ito sa tulong ng mga inumin o pagkain
na kanilang ginagamit upang tulungan silang magkaroon ng karagdagang
lakas.
II. Layunin ng Pag-aaral
Ang layon ng papel na ito ay ang mga sumusunod:
1. Matuklasan ang mga iba-ibang mga pagkain o inumin na
ginagamit ng mga estyudante upang makatulong sa kanilang
pagaaral.
2. Malaman kung aling mga inumin o pagkain ang maaring
makatulong sa mga estyudante upang mas mahigitan pa ang
kanilang proseso ng pagiisip at makatulong sa kanilang pagaaral.
3. Mapatunayan na nakatutulong nga ang mga ito.
4. Makapagrekomenda ng iba pang alternatibo sa mga pagkain at
inumin na ito.
5. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pagkain at inumin na
makakabuti sa kalusugan ng bawat estudyante.
III. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pangunahing makakagamit ng papel na ito ay ang mga
estyudante. Ito ay makatutulong sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa
mga iba’t ibang epekto sa kalusugan, mabuti man o masama, ng mga
pagkain at inumin na ipinapasok sa katawan ng isang estudyante.
Makatutulong ang papel na ito sa kanilang pag-aaral sa araw-araw upang
mas madalian sila sa pag-iintindi ng kanilang pinag-aaralan. At, maktutulong
din maiwasan ang paghina ng memorya at maiwasan ang sakit at problema
sa utak.
Ang ikalawang gamit ng papel na ito ay sa mga cafeteria at mga
magulang. Mabibigyan ang mga cafeteria at mga magulang ng ideya kung
aling mga pagkain ang makakabuti sa pagaaral ng mga estyudante at
malaman nila kung aling mga pagkain o inumin ang maaring pumatok sa mga
estyudante.
Bukod dito, magagamit din ito ng mga nagtatrabaho sapagkat, ang iba
ring trabaho ay nangangailangan ng bilis ng pag-iisip at minsan din ay
nangangailangan ng pagpupuyat, lalong-lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga
call centers.
IV. Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa mga estudyanteng nasa
unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing. Sinasaklaw
lamang ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasabi.
Nilililimitahan ng pag-aaral na ito sa mga pagkain at inumin lamang na
kinakain at iniinom ng mga nasabing estudyante. Hindi nito sakop ang iba
pang taon o kolehiyo ng unibersidad. Hindi rin nito sakop ang iba pang
gawain na ginagawa ng estudyante upang makamtan ang parehong resulta
ng mga pagkain na mababanggit sa pag-aaral na ito.
V. Depenisyon ng Terminolohiya
Ang pagbibigay ng mga sumusunod na depenisyon ng mga
terminolohiya ay naglalayon na mas mapadali ang pagkaintindi ng mga
mambabasa sa papel na ito.
Ang addictive ability ay ang abilidad ng mga pagkain, inumin at iba pang
substances na makahilana ng mga gumagamit nito na inumin pa ng higit sa
kailangan sa paulit-ulit na pangyayari.
Ang binge drinking ay ang paminsanang pag-inom ng marimi ng
alcoholic beverages. Ito ay pangkaraniwang ginagawa sa mga kasiyahan ng
mga estudyante sa kolehiyo.
Ang blood glucose ay ang concentration ng asukal sa dugo ng isang
tao.
Ang brain foods ay mga pinaniniwalaag mga pagkain na nagbibigay
ng talino sa isang tao, sapagkat ang mga ito ay nagbibigay ng nutrisyon sa
utak.
Ang caffeine ay isang brain stimulant na nagbibigay na
pansamantalang enerhiya sa isang tao.
Ang carbohydrates ay mga pagkain na pangunahing nagbibigay ng
enerhiya sa mga tao. Ito ay pangkaraniwang nakikita sa kanin at tinapay.
Ang cholesterol ay isang klase ng fats na nagbibigay din ng enerhiya,
ngunit pagsobra sa kailangan ay nagiging dahilan ng mga sakit sa puso.
Ang mga coping abilities ay ang mga estilo ng tao upang magampanan
ng maayos ang kanilang mga resposibilidad. Ang mga ito ay nagiiba depende sa
sitwasyon at tao na gumagamit nito.
Ang mga fats ay mga pagkain na pumapangalawa sa carbohydrates sa
pagbibigay ng enerhiya sa katawan. Ang mga ito ay tinatawag na reserved
energy sapagkat nagagamit lamang ang mga ito pag naubusan na a
carbohydrates ang katawan.
Ang hyperactivity ay ang pagkakaroon ng karagdagang enerhiya at
pagiging maliksi na resulta ng pagkain na nagbibigay ng enerhiya na kinain ng
isang tao.
Ang mga neurotransmitters ay mga chemicals na inilalabas ng utak na
nagiging daan para sa komunikasyon at koordinasyon ng buong katawan.
Ang stress ay ang mga sitwasyon o mga bagay na nararanasan ng isang
tao na nagdudulot ng sobra o ng kulang na emosyon sa isang tao.
Ang mga whole foods ay mga pagkain na nagpapanatili ng sa maayos na
memorya ng utak at tumutulong din sa tamang pagdaloy ng dugo sa ating
katawan.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Nagkaroon na ng iba’t-ibang pag-aaral patungkol sa nutrisyon at stress.
Ngunit, ang popularidad at malaking atensyon ng mga paksa na ito ay naging
dahilan upang lumabas ang mga bagong pag-aaral at libro patungkol dito. Ayon
kay Belloc at Breslow (1972) pumapangalawa ang pagkain ng wasto sa pagtulog
sa listahan ng pitong kaugalian upang mapanatili ang kalusugan at pagtanggal
ng stress (Romas at Sharma, 2010). Dahil ang mga estudyante ay karaniwang
nakakaranas ng stress ang wastong pagkain ay nakakatanggal ng karagdagang
problemang dala ng hindi pagkain, sobrang pagkain at nakakaulong din itong
palaguin pa ang coping abilities ng katawan.
Ang ating utak ay may neurotransmitter na tinatawag na acetycholine, ito
ang tumutulong sa atin upang maalala natin ang mga bagay bagay. Sa ating
pamumuhay, ang ating utak ay gumagawa ng memory transmitter galling sa
ating enzyme na tinatawag na choline, na meron talaga tayo sa katawan . Sa
pag sasaliksik ng mga doctor na tuklasan nila na may problema ang katawan ng
tao sa pag gawa ng choline, habang ang tao ay tumatanda, mas kumokonti ang
pag gawa ng katawan natin ng choline. Kaya pinayuhan nila tayo na kumain na
lamang ng pagkain na nag tataglay ng lecithin, ang lecithin ay isa sa mga
pagkain na pwede natin kainin na makakatulong sa ating katawan upang
makagawa ng choline. Ang pinakamagandang pagkain na may lecithin ay ang
mga sumusunod, soy, liver, egg yolks at mani. Pero ang mga pagkain na ito
naman ay nagtataglay ng mataas cholesterol. Kaya naman ang mga tao ay
dapat limitahan ang pagkain ng mga ganitong pagkain sapagkat ang mga ito rin
ay may masamang resulta kapag kinain ng sobra sa kailangan (Blei at Odian,
1999).
Maaring narinig na natin na ang isda at pagkaing dagat ay nakakatulong
sa atin upang tumaas ang ating mental na abilidad dahil sa mga bitamina na
tinataglay nito. Isa dito ay ang Tuna, ang tuna ay nag bibigay ng bitamina B, ang
bitamina B ay tumutulong sa atin upang mahasa ang ating cognitive pag-iisip at
memorya. At ang zinc naman ay tumutulong sa atin para maiwasan ang
pagkawala ang ating mga memorya, ang zinc ay nag mumula sa mga oyster
(Blei at Oldan, 1999).
Sa pag-aaral naman sa pag-aaral ni Torres (2010), ang mga ‘whole foods’
ay nakakatulong sa pag-iisip. Ang mga pagkain ay tinawag na whole foods
sapagkat ang mga ito ay nagpapanatili sa maayos na memorya ng utak at
tumutulong din sa tamang pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Ang mga
pangunahing halimbawa ng mga ito ay ang mga whole grain na pagkain, ang
mga gulay, at ang mga unprocessed meat.
Ayon naman kay Hatney (2008), ang sigarilyo, alcoholic drinks, at ang
mga ipinagbabawal na gamot, na karaniwang gingamit kapag stressed ang isang
tao ay hindi lamang nakakadagdag ng stress, ngunit ang mga ito rin ay may mga
masamang epekto dahil sa kanilang addictive ability. Sumasang-ayon naman
dito ang pag-aaral na ang mga estudyante sa kolehiyo na lumalahok sa ‘binge
drinking’ o ang paginom ng maraming alcoholic drinks na lagpas sa normal ay
binababa ang oras ng reaksyon ng katawan, at pinapahina ang kakayahang
mag-isip (Romas at Sharma, 2010).
Ang mga kape, tsaa, soft drinks at energy drinks ay naglalaman ng
caffeine. Ang mga ito ay karaniwang iniinom ng mga estudyante lalung-lalo na
kapag sila ay nagpupuyat. Ito ay itinuturing na isang stimulant at epektibong
pampagising. Ngunit ito rin ay may addictive ability katulad ng mga sigarilyo,
alcoholic drinks at drugs at dahil dito may mga masasamang epekto rin ito sa
katawan. Kasama na rito ang pagiging addicted sa kape, na kadalasang
nagbibigay ng sakit ng ulo at paghina ng normal na paggana ng katawan (Romas
at Sharma, 2010). Ito rin ay inaantala ang kapaguran kaya sa katagalan ay
naiipon ito at mas kapaguran ang mararamdaman ng isang tao (Grosvenor,
2006).
Samantala, maraming pagkain naman ang kailangan kainin ngunit sa
katamtaming dami lamang. Ang mga ito ay katulad ng mga fats, carbohydrates,
at sodium and potassium. Ang mga nasabing food groups ay itinuturing na
importante upang maayos na gumana ang katawan, ngunit kapag sobra o konti
ang porsyento nito sa katawan ay may mga masamang epekto rin ang mga ito
(Romas at Sharma, 2010).
Ang asukal at mga produkto na matamis ay popular din sapagkat ang mga
ito ay kaugnay ng hyperactivity sa mga bata. Ang mga ito ay nagbibigay ng
karagdagang lakas dahil sa pagtaas ng blood glucose (Smolin, 2006).
At panghuli, mayroon din naming mga kaugalian na pinaniniwalaang
nagpapaganda rin ng kagaliangan ng isang estudyante sa paaralan. Isa na rito
ang pagkain ng agahan sa pagtanggal ng pagkagutom ito raw ay nagbibigay
lakas sa mga bata. Ang pagkain din ng agahan ay nagbibigay nutrisyon at
enerhiya sa utak (Thompson, 2009).
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
I. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng sarbey upang makakuha ng
mga datos tungkol sa pag-aaral. Ang sarbey na ito ay magbibigay ng mas
malalim na pagkakaintindi tungkol sa kinakain at iniinom ng mga estyudante.
Hindi sapat ang pananaliksik sa mga libro o internet dahil iba-iba ang mga datos
mula sa iba-ibang mga lugar. Ang mga datos na maaring nakalap sa ibang lugar
ay may mga pagkakaiba sa mga datos sa maaring makuha mula sa Unibersidad
ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Nursing. Ang pagkakaibang ito ay nagmumula sa
pagkakaroon ng iba-ibang mga grupo ng mga tao sa pinagkukuhanan ng mga
datos.
Hindi din sapat ang paggamit ng isang interbyu dahil masyadong makitid
ang impormasyong makakalap. Sa isang interbyu, isang tao lang ang
pinagkukuhanan ng datos. Hindi ito sapat upang irepresenta ang lahat ng nais
aralin sa papel na ito. Kulang ang mga datos na nagmumula sa isang tao.
Tama lang na sarbey ang gamitin dahil ang pag-aaral ay tungkol sa mga
kinakain at iniinom ng mga first year sa Kolehiyo ng Nursing. Kailangan na hindi
lamang ang pananaw ng isang tao ang kukunin. Kailangan ang pananaw ng
lahat ng tao sa grupo na iyon. Sa ganitong paraan, mas malawak ang mga
impormasyong makukuha at mas mapapatibay.
Pagkakuha ng impormasyon mula sa mga estyudante, aaralin ang mga
impormasyong ito upang malaman kung aling mga datos ang importante para sa
pagbuo ng papel. Hindi lahat ng datos ay mayroong importansya o gamit.
Kailangang aralin kung alin ang may gamit at kung alin ang wala.
II. Mga Respondente
Ang mga respondente ng papel na ito ay ang mga magaaral sa First Year
ng Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi lahat sa First
Year ay mabibigyan ng sarbey. Ang sarbey ay ibibigay sa sampung na sekyon
na may sampung kalahok sa bawat isang seksyon lamang.
III. Instrumentong Pampananaliksik
Ang ginamit na paraang pampanaliksik sa pag-aaral na ito ay ang
pagsasarbey. Gumawa ang grupo ng sarbey-kwestyoneyr na may layunin na
makuha ang mga pangkaraniwang kinakain at iniinom ng mga mag-aaral habang
nag-aaral.
Bukod dito, nagsagwa rin nang pangangalap ng datos at impormasyon
ang mga mananaliksik sa iba’t ibang medyum katulad ng mga libro, magazine,
dyaryo at marami pang iba.
IV. Tritment ng datos
Ang pamanahong papel na ito, ay ginagamit lamang ang pagta-tally ng
datos na nakuha mula sa sarbey. Ang pagta-tally pagkuha ng porsyento ang
kailangan lamang ng mga mananaliksik upang makabuo ng kanilang konklusyon.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Dahil na rin sa pagsasarbey, nakuha ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod na datos at impormasyon:
Ang unang tanong sa sarbey ay patungkol kung umiinom at kumakain ba
ang mga respondete ng mga pagkain na pinaniniwalaan nilang nakakatulong sa
kanilang pag-aaral. Sa isang daang responderte ay siyamnapu’t tatlo o 93% ang
nagsabi na sila ay uniinom at kumakain ng mga pagkain na ito, at pito o 7%
lamang ang nagsabi na hindi sila umiinom o kumakain ng mga ito. Tinglan na
lamang ang grap:
Grap 1
Ang sumonod naman na gawain sa sarbey ay ang pagtsek nila ng mga
pagkain at inumin na nilista ng mga mananaliksik, upang malaman kung ano ang
pinakapopular na ginagamit ng mga mag-aaral. Ito ang resulta ng sarbey:
Grap 2
Dalawampu’t apat (24%) sa mga respondete ang nagsabi na kumakain
sila tsokolate bago o habang nag-aaral. Hindi naman nalalayo ang kape sa
dalawampung (20%) porsyento. Kaugnay naman ng tsokolate, ang chocolate
drink ay pumapangatlo sa labing-anim (16%) na porsyento. Pantay naman sa
sampung porsyento (10%) ang mga energy drink at tea. Ang pinakamababa
naman ay ang bubblegum sa siyam na porsyento (9%) lamang. Ang iba pang
pagkain at inumin na wala sa listahan ay nagkaroon ng labing-isang prsyento
(11%).
Ang labing isang porsyento (11%) na ito ay binubuo ng iba’t ibang klase
ng pagkain na ipinapakita sa susunod na grap.
Grap 3
Makikita sa grap na ito na ang gatas ay isa ring popular na opsiyon sa
mga mag-aaral. Ngunit ayon na rin sa mga pag-aaral, ang mainit na gatas ay
malakas na pampatulog, kaya hindi rin ito nirerekomenda sa mga estudyante na
may kagustuhang magpuyat. Sumusunod lamang sa gatas ang mani, na
pinanininiwalaan ng marami na pampatalino. Ang sumunod naman sa mani ay
ang mga junkfood na sinasabi na nakakasama sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Lumabas din ang mga multivitamins at mansanas, na may tig-isang tala.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
I. Lagom
Ang pamanahong papel na ito ay mayroong layunin na pag-aralan
kung ano ang mga iba ibang pagkain at inumin na ginagamit ng mga
estyudante upang matulungan ang kanilang pag-aaral. Gumamit ang
papel na ito ng isang sarbey na nagtanong kung anong mga posibleng
inumin ang gagamitin nila. Isang daang estyudante ang binigyan ng
sarbey at mula sa kanila galing ang impormasyon. Gumamit din ang papel
na ito ng deskriptiv na paraan upang mapag-aralan ng mas mabuti.
II. Kongklusyon
Ayon sa mga datos, ang kongklusyon na makukuha ay ang mga
sumusunod:
a. Maraming mga estyudante ang gumagamit ng mga inumin o
pagkain na makakatulong sa kanilang pagaaral. Makikita ito sa
rasyon ng mga estudyante na gumagamit sa hindi gumagamit. 93
na estyudante ang gumagamit ng mga inumin at pagkain na
nakakatulong sa pag-aaral. Siyam lamang ang hindi gumagamit.
b. Ayon sa impormasyong nakalap, makikita na ang pinakapopular
nakinakain ay ang mga tsokolate, kung saan 24% ng mga
estudyante ang gumagamit nito.
c. Ayon sa impormasyon, ang pinaka kaunti sa mga binigay na
pagpipilian ay ang bubblegum.
d. Ayon din sa impormasyon, ang bawat estyudante ay umiinom o
kumakain ng 1.53 o dalawang inumin o pagkain bawat araw.
e. Mahahango rin sa resulta ng sarbey, ang isang inumin na
ginagamit din ng mga estyudante na hindi kasama sa mga choices
ay ang gatas.
III. Rekomendasyon
Ang mga mananaliksik ay makapagbibigay ng mga rekomendasyon
mula sa datos na:
a. Gamitin ng cafeteria ang impormasyon upang mas mabigay nila
ang mga pangangailangan ng mga estyudante.
b. Kailangang matutong magkontrol ang mga estyudante sa
kanilang mga inumin at pagkain dahil ang sobra nito ay maaring
makasama sa kanila. Katulad na lamang kapag nasobrhan ang
tsokolate, ito ay kaakibat ng sakit na diabetes mellitus.
c. Malaman ng mga magulang kung aling mga inumin o pagkain
ang kailangang pansinin at kontrolin sa paginom at pagkain ng
kanilang mga anak.
d. Ang paaralan ay maaring magbigay ng impormasyon ukol sa
kung anong mga inumin o pagkain ang maaring gamitin ng mga
estyudante upang makatulong sa kanilang pag-aaral. Kailangan
din masama dito kung pano makakasama ang sobrang pagkain
o paginom nito.
e. Para naman sa mga hindi gumagamit ng mga inumin o pagkain,
maaring malaman nila ang mga inumin o pagkain na maaring
nilang ikonsider upang makatulong din sa kanilang pagaaral.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Caffeine. (2010) Retreived on February 27, 2010, in http://www.faqs.org/nutrition/Ca-De/Caffeine.html
Grosvenor, M.B. & Smolin, L.A. (2006). Nutrition: everyday choices (1st ed). USA: Wiley & Sons, Inc.
Hartney, E. (2008). Stress management for teachers. London: Continuum International Publishing Group.
Kaufman, M. (2007). Nutrition in promoting the public’s health: Strategies, principles, and practice. Boston: Jones and Bartlett Publishers.
Mason, P. (2007). Dietary supplements (3rd ed.). USA: Pharmaceutical Press.
Pillitteri, A. (1999). Maternal & child health nursing: Care of the child bearing and childbearing family (3rd ed.). USA: Adele Pillitteri.
Romas, J.A. & Sharma, M. (2010). Practical stress management: A comprehensive workbook for managing change and promoting health (5th ed.). San Francisco, CA: Pearson Education, Inc.
Smolin, L.A. (2006). Nutrition: Science and application. USA: John Willrey & Srome, Inc.
Thompson, J. (2009). Nutrition: An applied approach. San Francisco, CA: Pearson Education, Inc.
Timberlake, K.C. (2007). General, organic & biological chemistry: Structures of life (2nd ed.). Jurong, Singapore: Pearson Education, Inc.
Torres, F. (2009). Energizing your brain - top 3 whole foods that can stimulate your brain. Retrieved on January 12, 2010, in http://ezinearticles.com/?Energizing-Your-Brain---Top-3-Whole-Foods-That-Stimulate-Your-Brain&id=2013178
APENDIKS A
Marso 9, 2010
Asso. Prof. Glenda A. Vargas, M.A.N.
Dekana, UST Kolehiyo ng Nursing
Espana, Maynila
Mahal na Dekana Vargas:
Magandang araw.
Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng I-11 na nagsasagawa ng isang pananaliksik papel sa kursong Filipino. At ito po ay may paksang Mga Pagkain at Inuming Kinahihiligan ng mga Mag-aaral at ang Dulot nitong Sustansya. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapag-sarbey sa mga piling mag-aaral mula sa sampung klase ng unang taon. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay itatapat sa aming bakanteng oras gayundin pos a mga mapipiling mag-aaral.
Kalakip po ng liham na ito ay ang kopya ng survey sheet, talaan ng napiling mga klase at bilang ng mga respondenteng mag-aaral. Umaasa po kami sa inyong pagpayag para sa ikakatagumpay ng aming pananaliksik papel.
Lubos na gumagalang,
Amparo Tricia D.R. Baylon
Pinuno ng Pangat 1 (I -11)
Binigyang-pansin
Bb. Aissa Abegail Jimenez
Propesor sa Filipino 2
APENDIKS B
Mahal na kamag-aral,
Kami ay mga mag-aaral sa unang taon, klase ng I -11 na nagsasagawa ng isang pag-aaral sa kursong Filipino. An gaming pag-aaral ay may paksang Mga Pagkain at Inuming Kinahihiligan ng mga Mag-aaral at ang Dulot nitong Sustansya. Hinihiling na basahing mabuti ang mga panuto at matapat na sagutin ang mga tanong na nakatala. Ang sagot na makukuha naming mula sa iyo ay
lubos na kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. At asahan na aming iingatan ang anumang impormasyon na ipagkakatiwala mo sa amin.
Maraming salamat sa iyong kooperasyon.
Lubos na gumagalang,
MGA MANANALIKSIK
1. Umiinom at kumakain ka ba ng mga pagkain na nakatutulong sa iyong pag-aaral?
Yes ___ No___
2. Sa isang araw, ilang beses mo ito iniinom o kinakain?
Total ___
3. Lagyan ng tsek ang mga inumin at pagkain na iyong iniinom o kinakain. Ibigay din ang oras kung kalian ito iniinom o kinakain katabi ng opsiyon. (Madaling-araw, Umaga, Tanghali, Hapon, Gabi)
___ Kape
___ Tsokolate
___ Chocolate drink
___ Energy Drink
___ Tea
___ Bubblegum
___ Kung wala sa opsiyon, paki tala
________________________