9
MGA PILIPINANG MAHUHUSAY SA KANI-KANILANG LARANGAN a. Pangalan: LEAH SALONGA Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga o kilala bilang si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang- aawit at aktres. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989. b. PINAG-ARALAN: Nakapagtapos ng elementarya at sekondarya ng may pinakamataas na karangalang banggit sa O.B. Montesorri, Philippines Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika kung saan naglalayong magsanay ng mahuhusay na mga bata sa musika at paggalaw sa entablado. Nag-aral din siya ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila University. Umasa siyang magiging doktor siya ngunit pinigilan siya ng kaniyang kasikatan. c. PAMILYA 1. Ama Feliciano Genuino Salonga and 2. Ina María Ligaya Alcantara Imutan 3. Asawa Robert Charles Chien 4. Anak Nicole Beverly d. MABUTING NAGAWA 1. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna- unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim.

Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ARALING PANLIPUNAN

Citation preview

Page 1: Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

MGA PILIPINANG MAHUHUSAY SA KANI-KANILANG LARANGAN

a. Pangalan: LEAH SALONGA

Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga o kilala bilang si Lea Salonga-Chien(ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres.   Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989.

b. PINAG-ARALAN: Nakapagtapos ng elementarya at sekondarya ng may pinakamataas na karangalang

banggit sa O.B. Montesorri, Philippines Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika

kung saan naglalayong magsanay ng mahuhusay na mga bata sa musika at paggalaw sa entablado. Nag-aral din siya ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila University. Umasa siyang magiging doktor siya ngunit pinigilan siya ng kaniyang kasikatan.

c. PAMILYA1. Ama Feliciano Genuino Salonga and 2. Ina María Ligaya Alcantara Imutan3. Asawa Robert Charles Chien4. Anak Nicole Beverly

d. MABUTING NAGAWA1. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng

parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim.

2. Siya rin ay nakilalang bilang unang Asyanong gumanap na Eponine at Fantine sa musikal na Les Miserables sa Broadway.

3. Si Lea Salonga ang nagbigay ng boses para sa mga prinsesa sa Disney na si Princess Jasmine sa sineng Aladdin Mulan noong 1992 at sa sineng Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Siya ang kauna-unahang Filipino na nataguriang Disney Legend sa buong mundo.

4. Sa kasalukuyan siya ay aktibo sa pagtulong bilang Ambassador of Goodwill ng United Nations.

Page 2: Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

a. PANGALAN: CORY AQUINO

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

b. PINAG-ARALAN

Elementarya at Mataas na Paaralan St. Scholastica College Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia, Estados Unidos Kumbentong paaralan ng Notre Dame sa New YorkKolehiyo Batsilyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953) Doctor of Humanities, honoris causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent, New York;

Pamantasan ng Ateneo de Manila at pamantasan ng Xavier sa Pilipinas Doctor of Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng

Fordham, pamantasan ng Waseda (Tokyo), Pamantasan ng Far Eastern at Pamantasan ng Santo Tomas, Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachusetts)

c. PAMILYA1. Ama Jose Cojuangco2. Ina Demetria Sumulong3. Asawa Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.4. Anak Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina

d. MABUTING NAGAWA1. Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New People’s Army

at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.2. Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.3. Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa

Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.

Page 3: Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

a. PANGALAN: SOCORRO C. RAMOS

Si Socorro C. Ramos ang ina ng pinakamalaking bilihan ng mga aklat at iba pang babasahin sa Pilipinas – ang National Book Store. Mula sa isang maliit na tindahan, napalago niya ang kaniyang negosyo, na siyang pinupuntahan ng mga propesyunal at estudyante para sa mga gamit teknikal at pampaaralan. Makailang-ulit nang nabigyan ng parangal si Ramos dahil sa kanyang malaking tulong kasama ng National Book Store sa pagpapalaganap ng edukasyon at pagbabasa sa bansa.

b. PINAG-ARALAN Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang working

student habang siya ay nag-aaral sa Arellano High School.

c. PAMILYA1. Ama Jose Cancio2. Ina Emilia Cancio3. Asawa Jose Ramos4. Anak

d. MABUTING NAGAWA1. Naging isang inspirasyon ang tagumpay ng National Bookstore sa maraming mga

Filipino na nagnanais magsimula ng negosyo. Kaya naman, ang husay ni Nanay Coring ay ilang beses na ring nagbigyan ng pagkilala at noong 1991, tinaggap niya ang Agora Award ng Philippine Marketing Association. Kasunod nito, taong 1988, tinanggap niya ang Gintong Ina Award for the Business and Industry Sector mula kay dating Pangulong Corazon C. Aquino.

2. Kabilang din sa kaniyang mga natanggap na parangal ay ang mga sumusunod: Legacy Award na iginawad ng Book Development Association of the Philippines noong 2004, Maverick Awards ng Association of Accredited Advertising Agencies noong 2002. Iginawad din sa kaniya ng The Book Development Association of the Philippines noong taong 2000 ang Millennium Plaque of Appreciation at ang kaniyang asawa na si Jose T. Ramos ay tumanggap naman ng post-humous award.

3. Noong taong 2004, binigyang parangal siya ng Ernst and Young bilang Entrepreneur of the Year Philippines at Woman Entrepreneur of the Year. Noon namang 2006, iginawad sa kaniya ng Ateneo de Manila University ang Doctor of Humanities (honoris causa) degree – isang tagumpay para sa isang babae na nakatapos lamang ng hayskul.

Page 4: Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

a. PANGALAN: TANDANG SORA / TANDANG SORA

Walungpu at apat (84) na taon na si "Cabezang Melchora" (mas kilala ngayon bilang "Tandang Sora") nang naging buhay na testigo siya sa Sigaw ng Balintawak, sa pagpupunit ng manghihimagsik na Katipunero ng mga sedula. Nakasalamuha niya at pinatuloy sina Supremo at iba pang mga Katipunero nang dumating sa Balintawak ang mga manghihimagsik. Ang kanyang kamalig ang naging lugar kung saan binuo ang Panghimagsikang Pamahalaan mula sa tagong samahan ng Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan. Masasabing ang Katipunan na yugto ng buhay ni Melchora Aquino ay nagsimula noong bandang kalagitnaan ng Agosto 1896 nang pumunta ang mga pinuno ng Katipunan sa Kangkong, Balintawak at pinatawag dito ni Supremo Andres Bonifacio ang mga jefes generales ng Hukbo ng Katipunan, kabilang sina Mariano Llanera, Manuel Tinio, Aurelio Tolentino, Valentin Diaz, at Miguel Malvar.

b. PINAG-ARALAN

Siya hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral subalit siya ay biniyayaan ng mabuting kalooban. Siya ay relihiyoso at magaling makisalamuha sa kapwa . Siya rin ay pinagkalooban ng kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay laging tinatanghal bilang Reyna Elena ng kanilang lugar.Halos lahat ng kabinataan ay nabibighanisa kanyang tinataglay na kagandahan.

c. PAMILYA1. Ama Juan Aquino2. Ina Valentina de Aquino3. Asawa Fulgencio Ramos4. Anak Juan, Estefania, Romualdo, Simon, Saturnina, at Juana.

d. MABUTING NAGAWA1. Naging napakamakabayan at matulungin ni Melchora Aquino kahit na matanda na

siya. Marami ang nakakaalam ngayon na nagpakain, nagpatuloy, nagbigay damit, at tumulong manggamot si Tandang Sora sa mga Katipunero/a. Itinago rin niya ang mga Katipunero/a sa mga kaaway na Kastila. Ayon kay Hen. Santiago Alvarez, si Cabesang Melchora ay naging kasing mapagbigay katulad ni Samson. "Like him, she also opened her granary and had plenty of rice pounded and animals slaughtered to feed us, " sinulat ni Alvarez.

2. Bukod pa sa mga nabanggit, si Tandang Sora ay sumali sa mga pulong ng Katipunan. Nagpupunta siya mismo sa katabing Kangkong para sa mga pulong at upang magbigay na rin ng mga pagkain at ibang pangangailangan ng manghihimagsik. Sa pagbubukas niya ng pinto kina Supremo Bonifacio, sa manghihimagsik na Katipunan, naging makasaysayan din ang kanyang kamalig sa tala ng ating pagkabansa.

Page 5: Mga Pilipinang Mahuhusay Sa Kani

a. PANGALAN: MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon

b. PINAG-ARALAN

Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng high school sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong abogasya.Sa UP, nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Dalawang beses ding siyang nakatanggap ng "Vinzons Achievement Award for Excellence in Leadership". Kinilala din siya ng Rotary bilang "most outstanding graduate ng U.P."Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Nagtapos siya bilang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bilang cum laude.

c. PAMILYA

1. Ama: District Judge Benjamin A. Defensor 2. Ina: Dean Dimpna Palma Defensor.3. Asawa Narciso Santiago, Jr.4. Anak Alexander Robert Santiago, Narciso Santiago III

d. MABUTING NAGAWA1. Siya ay isang dating hukom at isang propessor ng konstitusyon at tagakomisyon ng

PBID noong 1988 at naging sekretarya ng DAR. Tumanggap siya ng Ramon Magsaysay Award sa kanya pamumuno noon

2. Pinakamaraming bills sa Senado na naipasa at naging batas sa kasalukuyan.3. nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang

tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo siya parangal saMagsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.