4
Taon 35 Blg. 13 Ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon (B) — Luntian Setyembre 26, 2021 Linggo ng mga Manlalayag N iyanig ng salot na CoViD-19 ang buong mundo. Siyamnapung porsiyento ng mga pandaigdigang kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng dagat. At sino ang nagpapakilos at bumubuhay sa “blue economy” na ito? Mga seafarer! Naging malaking bahagi na ng ating buhay ang Online shopping. Sino ang naghahatid ng ating mga parcel? Mga seafarer! Tumigil ang pagsasahimpapawid ng ating mga eroplano, ngunit hindi tumigil ang paglalayag ng ating mga barko. At sino ang tumatao sa mga barkong ito? Mga seafarer! At sino ang naglalagay ng masasarap na isda’t lamang dagat? Mga mangingisda! Ang nasabing dalawang uri ng mga tao ay tunay ngang mga essential workers sa kasalukuyang panahon. Kalimitang buwanan ang trabaho ng mga seafarer upang mapangalagaan din ang kanilang pisikal, emosyonal, pisyolohikal, at kalusugang pangkaisipan. Subalit pagtama ng pandemya, ang siyam na buwan na kontrata ay naging dalawampu. Dulot nito ang matinding pasakit para sa mga seafarer sampu ng kanilang mga pamilya. Humigit kumulang 400,000 na manggagawa ay tila “naipit” at “nakulong” sa mga barko sa iba’t ibang dako ng mundo, isang-katlo dito ay mga seafarer. Mula pa 1996, pinangungunahan na ng lokal na Simbahan sa Pilipinas ang National Seafarers’ Day at ang National Maritime Week, na tuwinang tumatapat sa huling Linggo at mga araw ng Setyembre (P.D. 1094). Saad sa simula ng Unang Pagbasa, “ang Panginoon ay bumaba sa anyo ng ulap at kinausap nga si Moises.” Sa simula ng pandemya, nadama natin kung paano maging wala: kung paano mabuhay nang walang kasiguraduhan at puno ng pangamba. Tila ba tulad tayo ni Moises na humihingi ng gabay sa Panginoon upang ligtas tayong makarating sa dalampasigan. Wala itong pinag-iba sa ating mga kapatid na seafarer at mangingisda, at kanilang mga pamilya. Sa sulat naman ni Santiago, pinaalalahanan tayong may katapusan ang lahat maging ang pandemyang ating dinaranas. Sinumang naka-ugat sa Panginoon, “iyan ang kayamanang inimpok nila para sa mga huling araw.” Mayroon ding banta para sa mga umaabuso’t nananamantala sa mga seafarer at mangingisda, “umabot sa langit, sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat, ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!” Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na “ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.” Kailangan nating sama- samang labanan ang pandemyang ito, na parang mga manlalayag sa barko. Minumulat tayo ng katotohanan ng CoViD-19 na isa ngang small village ang mundo, na tayo’y may malapit na ugnayan sa isa’t isa. Dapat nating alagaan ang mundong ito. United we stand, divided we fall. Ang Diyos ang parolang sa ati’y gagabay. Tunay ngang nakagagaan ng kalooban ang sinasabi ng ating salmo responsorio: “Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang, ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay.” Nawa’y asamin ng ating mga puso ang kaligayahan ng Panginoon. Buong tapang tayong maglayag patungo sa daungang ating hahantungan. Salamat, mga seafarer at mangingisda! Gabayan at pangalagaan nawa kayo ng ating Inang si Maria, Tala sa Karagatan! alamat, MGA SEAFARERS at mga S Fr. Paulo Prigol, CS MANGINGISDA !

MGA SEAFARERS MANGINGISDA

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA SEAFARERS MANGINGISDA

Taon 35 Blg. 13 Ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon (B) — Luntian Setyembre 26, 2021Linggo ng mga Manlalayag

Niyanig ng salot na CoViD-19 a n g b u o n g m u n d o .

Siyamnapung porsiyento ng mga pandaigdigang kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng dagat. At sino ang nagpapakilos at bumubuhay sa “blue economy” na ito? Mga seafarer! Naging malaking bahagi na ng ating buhay ang Online shopping. Sino ang naghahatid ng ating mga parcel? Mga seafarer! Tumigil ang pagsasahimpapawid ng ating mga eroplano, ngunit hindi tumigil ang paglalayag ng ating mga barko. At sino ang tumatao sa mga barkong ito? Mga seafarer! At sino ang naglalagay ng masasarap na isda’t lamang dagat? Mga mangingisda!

Ang nasabing dalawang uri ng mga tao ay tunay ngang mga essential workers sa kasalukuyang panahon. Kalimitang buwanan ang trabaho ng mga seafarer upang mapangalagaan din ang kanilang pisikal, emosyonal, pisyolohikal, at kalusugang pangkaisipan. Subalit pagtama ng pandemya, ang siyam na buwan na kontrata ay naging dalawampu. Dulot nito ang matinding pasakit para sa mga seafarer sampu ng kanilang mga pamilya. Humigit kumulang

400,000 na manggagawa ay tila “naipit” at “nakulong” sa mga barko sa iba’t ibang dako ng mundo, isang-katlo dito ay mga seafarer.

Mula pa 1996, pinangungunahan na ng lokal na Simbahan sa Pilipinas ang National Seafarers’ Day at ang National Maritime Week, na tuwinang tumatapat sa huling Linggo at mga araw ng Setyembre (P.D. 1094).

Saad sa simula ng Unang Pagbasa, “ang Panginoon ay bumaba sa anyo ng ulap at kinausap nga si Moises.” Sa simula ng pandemya, nadama natin kung paano maging wala: kung paano mabuhay nang walang kasiguraduhan at puno ng pangamba. Tila ba tulad tayo ni Moises na humihingi ng gabay sa Panginoon upang ligtas tayong makarating sa dalampasigan. Wala itong pinag-iba sa ating mga kapatid na seafarer at mangingisda, at kanilang mga pamilya.

Sa sulat naman ni Santiago, pinaala lahanan tayong may katapusan ang lahat maging ang pandemyang ating dinaranas. Sinumang naka-ugat sa Panginoon, “iyan ang kayamanang inimpok nila para sa mga huling araw.” Mayroon ding banta para sa mga

umaabuso’t nananamantala sa mga seafarer at mangingisda, “umabot sa langit, sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat, ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!”

Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na “ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.” Kailangan nating sama-samang labanan ang pandemyang ito, na parang mga manlalayag sa barko. Minumulat tayo ng katotohanan ng CoViD-19 na isa ngang small village ang mundo, na tayo’y may malapit na ugnayan sa isa’t isa. Dapat nating alagaan ang mundong ito. United we stand, divided we fall. Ang Diyos ang parolang sa ati’y gagabay.

Tunay ngang nakagagaan ng kalooban ang sinasabi ng ating salmo responsorio: “Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang, ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay.” Nawa’y asamin ng ating mga puso ang kaligayahan ng Panginoon. Buong tapang tayong maglayag patungo sa daungang ating hahantungan. Salamat, mga seafarer at mangingisda! Gabayan at pangalagaan nawa kayo ng ating Inang si Maria, Tala sa Karagatan!

alamat,MGA SEAFARERS

at mga S

Fr. Paulo Prigol, CS

MANGINGISDA !

Page 2: MGA SEAFARERS MANGINGISDA

ng espiritu, tulad ng ibinigay niya kay Moises. Sila’y napuspos ng kapangyarihan at nagpahayag noon ngunit hindi na nila inulit.

May naiwang dalawang ma-tandang lalaki sa kampamento: Eldad ang pangalan ng isa at yaong isa’y Medad. Tinawag silang kasama ng pitumpu ngunit hindi sumama. Gayunman, bina-haginan din sila ng espiritu ng Panginoon kaya sila’y nagpaha-yag na roon. Nakita pala sila ng isang binata at patakbo itong nagpunta kay Moises. Sinabi niya, “Sina Eldad at Medad ay nagpapahayag sa kampo.”

Dahil dito, sinabi ni Josue na anak ni Nun at katulong ni Moises, “Bakit di ninyo sila sawayin?” Ngunit sinabi ni Moises, “Nangangamba ka bang ako’y mababawasan ng karangalan? Mas gusto ko ngang maging propeta ang lahat ng Israelita at mapuspos ng espiritu ng Panginoon.”—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 18)

T—Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.

1. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,/ ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;/ yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,/ nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan. (T)2. Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,/ isang banal na tungkulin na iiral na parati;/ pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,/ kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay. (T)3. Ang utos mo, Panginoon, sa alipin mo at lingkod,/ ay mayroong gantimpala kapag aking sinusunod./ Walang taong pumupuna sa gawa n’yang hindi

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P—Manalangin tayo (Tumahimik)Ama naming makapangyari-

han, ang iyong pinakadakilang magagawa ay magpatawad at ang iyong laging ipinakikita ay pagkahabag. Padaluyin mo sa aming walang humpay ang kagandahang-loob mong sa ami’y inilaan upang sa pagkakamit namin sa pangako mong bigay kami’y gawin mong kasalo sa ipagkakaloob mo sa kalangitan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOSUnang Pagbasa (Blg 11:25–29) (Umupo)

Nagagalak si Moises nang baha-ginan ng Diyos ng kanyang espiritu ang pitumpung matatanda at maging ang dalawa pang matatandang naiwan sa kampamento.Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

NOONG mga araw na iyon, ang Panginoon ay bumaba sa anyo ng ulap at kinausap nga si Moises. Ang pitumpung matatanda ay binahaginan niya

PASIMULAAntipona sa Pagpasok (Dan 3: 32, 29, 30, 43, 42)(Basahin kung walang pambungad na awit.)

Lahat ng iyong ginanap ay makatarungang lahat, yamang kami’y sumalungat parusa’y ‘yong inilapat. Hiling namin ay patawad.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus.)

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumainyo rin.

Paunang Salita(Maaaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.)

P—Ang pagliligtas ni Hesus ay parang ulang bumubuhos sa lahat—mabuti man o masama—na walang itinatangi. Kung paanong tinatanggap at inililigtas ng Diyos ang lahat sa sanlibutan, sikapin din nating tanggapin ang lahat ng tao bilang kaloob ng Diyos.

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Pambansang Araw ng mga Manlalayag. Ingatan nawa sila ng Diyos sa tuwina at maparam ang kanilang kalungkutan at pangungulila sa pamilya. Ipana-langin nating manatili silang tapat sa kayamanan ng tradisyong Pilipino at maibahagi rin nawa nila ang pananampalatayang Kristiyano sa lahat ng kanilang nakakasalamuha sa ibayong dagat.

Pagsisisi

P—Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib ng angkan ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad nang lubos. (Tumahimik)

P—Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi: Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.P—Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi: Kristo, kaawaan mo kami.B—Kristo, kaawaan mo kami.P—Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami: Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.P—Kaawaan tayo ng makapang-yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.B—Amen.

E. C. Marfori

3

4

sana

D'yos.

ay

ngbino

god

lo

luti ha'tka butingA

E♭

FmA♭

B♭

E♭7E♭B♭7

Page 3: MGA SEAFARERS MANGINGISDA

Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P—Taglay ang pagtitiwala, lumapit tayo sa mapagpala nating Ama upang matamo n a t i n a n g g ra s ya t u n g o s a pag l ago s a buhay a t pananampalataya. Ipanalangin din natin ang lahat ng ating mga kababayang seafarers at mangingisda, sampu ng kanilang mga pamilya. Taimtim tayong manalangin:

T—Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

L—Patuloy nawang gabayan ng Espiritu Santo ang mga pinuno ng Simbahan at ang Pontifical Council for the Apostleship of the Sea sa kanilang pagkalinga at pagbibigay suporta sa mga manlalayag. Manalangin tayo: (T)

L—Pangalagaan nawa ng pamahalaan ang interes ng manggagawa at iba pang sektor ng lipunan nang walang pagkiling sa pamumulitika. (T)

L—Makakita nawa ng pag-asa ang mga may sakit, mga nangungulila, at mga biktima ng karahasan sa tulong ng pamayanan at pamahalaan. Manalangin tayo: (T)

L— Hilumin nawa ng Panginoon sa lalong madaling panahon ang mga kapatid naming tinamaan ng CoViD-19. Makatagpo nawa sila ng pag-asa sa mga taong kumakalinga sa kanila. Manalangin tayo: (T)

L—Sa binyag, minarapat mong kami’y maging mga Anak mo. Patuluyin mo nawa sa iyong

sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin. Sinasabi ko sa inyo: sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo’y kay Kristo ay tiyak na gagantimpalaan.

“Mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin. Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay kaysa may dalawang kamay na mahulog ka sa impiyerno, sa apoy na hindi mamamatay. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang paa kaysa may dalawang paa na mahulog ka sa impiyerno. At kung ang mata mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo! Mabuti pa ang pumasok ka sa kaharian ng Diyos nang bulag ang isang mata kaysa may dalawang mata na mahulog ka sa impiyerno. Doo’y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at hindi mamamatay ang apoy.”

—Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B—Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayagng Pananampalataya (Tumayo)

B—Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa

angkop,/ kaya ako ay iligtas sa lihim na gawang buktot. (T)

4. Ang lingkod mo ay iligtas sa hayag na kasalanan,/ at h’wag mo pong itutulot na ako ay pag-harian;/ mamumuhay akong ganap na wala nang kapintasan,/ ako’y lubos na lalaya sa kuko ng kasalanan. (T)

Ikalawang Pagbasa (Sant 5:1–6)

Ipinaaalala ni Apostol Santiago sa mga mapang-api at mapang-abuso na hindi nalilingid sa Diyos ang daing ng kanilang mga inaapi, at may naaangkop na hatol para sa pananamantalang ito.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

PAKINGGAN ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng tanga ang inyong mga damit. Kinain na ng kalawang ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na uubos sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. Sumisigaw laban sa inyo ang upa na hindi ninyo ibinigay sa mga gumapas sa inyong bukirin. Umabot sa langit, sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat, ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi! Nagpakalayaw kayo at nagpasasa dito sa lupa. Nagpataba kayong parang mga hayop na papatayin. Hinatulan ninyo at ipinapatay ang mga matuwid; hindi sila lumaban sa inyo.

—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Aleluya (Jn 17:17b, a) (Tumayo)

B—Aleluya! Aleluya! Amang D’yos ni Hesukristo, ang salita mo’y totoo, kami ay pabanalin mo. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Mc 9:38–43, 45, 47–48)

P—Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.B—Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon,

Page 4: MGA SEAFARERS MANGINGISDA

ng aming nilalahukan sa tiniis na kamatayan na amin ngayong ipinahayag sa ginanap na pag-diriwang sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

PAGTATAPOSP—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P—Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Ilayo nawa kayo sa lahat ng makapipinsala at pagpalain nawa kayo ng bawat mabuti at ganap na kaloob ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan.B—Amen.P—Pamalagiin nawa niyang nananahan ang kanyang Salita sa inyong kalooban at puspusin nawa niya kayo ng kaligayahang walang hanggan.B—Amen.P—Patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagtahak sa kanyang landas upang lagi ninyong mabatid kung ano ang tama at marapat samantalang kayo ay naglalakbay patungo sa kalangitan na kanyang pamana magpasawalang hanggan.B—Amen.

P — Pa g p a l a i n k a y o n g makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B—Amen.

Pangwakas

P—Tapos na ang ating pagdi-r iwang. Humayo kayong taglay ang pag-ibig upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.B—Salamat sa Diyos.

sa sangkatauhan ang Espiritu Santo’y unang aning bigay ng Anak mong naglagak sa amin ng katiyakang nakalaang mabuhay kami sa piling mo kailanman.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:B—Santo, Santo, Santo Pangi-noong Diyos ng mga Hukbo napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang napa-ririto sa ngalan ng Panginoon Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B—Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay. Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.

PAKIKINABANGAma Namin

B—Ama namin...P—Hinihiling naming...B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu-rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P—Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B—Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Slm 119:49–50)

Ang pangako mo sa akin nga-yo’y iyong gunitain. Pag-asa kong tatanggapin kahit aba sa ‘yong tingin ang pagsamo ko’t dalangin.

Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo)

P—Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

ang aming banal na pakikinabang ay magdulot nawa ng kagalingan sa aming katauhan upang kami’y makatambal sa kaluwalhatian

Kaharian ang mga kapatid naming yumao. Manalangin tayo: (T)

L—Sa ilang sandali ng kata-himikan itaas natin sa Diyos ang ating personal na kahilingan gayundin ang mga taong lubos na nangangailangan ng ating panalangin (Tumahimik). Mana-langin tayo: (T)

P—Mapagpala naming Diyos, dinggin mo ang mga pagsusu-mamo ng iyong bayan. Tulungan mo kaming magdamayan sa pamamagitan ng pagbabahaginan upang maging ganap sa amin ang pag-ibig mo at ni Hesukristong anak mo at aming Panginoon.B—Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P—Manalangin kayo...B—Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Samba-yanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P—Ama naming Lumikha, loobin mong ikalugod ang aming paghahandog at ito nawa ay siyang magkaloob ng iyong pagpapalang sa ami’y umaagos sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

Prepasyo Karaniwang Panahon VI

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.P—Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B—Itinaas na namin sa Panginoon.P—Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B—Marapat na siya ay pasala-matan.P—Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.

Nasa iyo ang aming buhay, pag-kilos at pag-iral. Sa pamumu-hay namin araw-araw tinatamasa namin ang iyong pagmamahal. Sa pag-ibig mong ipinunla

BE A PRIEST OR A BROTHER OF MASS MEDIA

If you are a Grade 12 student, a college student, or a young

professional, male, single, and interested to become a priest or a

brother involved in the apostolate of social communication, we invite you

to journey with us.

Visit our websites:ssp.ph or stpauls.phTel: (02) 8895-9701