17
Talambuhay ni Apolinario Mabini Kahit ka may kapansanan, maaari ka ring maging bayani ng bayan. Ito ay isang katotohanang naganap sa buhay ng isang paralitiko sa katauhan ni Apolinario Mabini. Si Apolinario ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap lang ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Kahit na libre sa pag- aaral, kailangan din niyang bumili ng pagkain, uniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa. Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa Court of First Instance at klerk sa Intendencia General. Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga Filipina" noong 1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya. Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa propaganda, nakuha pa ring matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya noong 1895. Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng napakataas na lagnat si Apolinario na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit na may sakit, nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo. Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman, maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.

Mga Talambuhay at Alamat July 2013

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ilang talambuhay ng ating mag bayani at ilang piling alamat

Citation preview

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Kahit ka may kapansanan, maaari ka ring maging bayani ng bayan. Ito ay isang katotohanang naganap sa buhay ng isang paralitiko sa katauhan ni Apolinario Mabini.

Si Apolinario ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap lang ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Kahit na libre sa pag-aaral, kailangan din niyang bumili ng pagkain, uniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.

Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.

Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga Filipina" noong 1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya.

Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa propaganda, nakuha pa ring matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya noong 1895.

Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng napakataas na lagnat si Apolinario na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit na may sakit, nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.

Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman, maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.

Matapos palayain, pansamantala siyang nanirahan sa Laguna upang maglunoy paminsan-minsan sa maligamgam na mga batis ng Los Banos.

Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang artikulo para sa mga lider rebolusyonaryo. Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan nilang dalawa. Sa husay ng mga paliwanag ay ipinasundo ni Pangulong Aguinaldo si Apolinario at ginawa niya itong tagapayo.

Isa sa mga mahuhusay na payo ni Apolinario kay Pangulong Aguinaldo ay ang pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, naging rebolusyonaryo ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad, hukuman at pulisya.

Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.

Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong bansa.

Dalawa sa mga mahahalagang dokumentong naiambag ni Apolinario ang El Verdadero Decalogo at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo ay naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong susundin ng mga Pilipino upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga mamamayan.

Nang matuloy ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa Cuyapo, Nueva Ecija kung saan nasundan siya ng mga Amerikano. Dalawang taon din siyang naging bihag pandigmaan.

Matapos palayain, tumira ang Dakilang Paralitiko sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila. Sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El Liberal ang matalinong abugado. Ang mga makabayang opinyon niya ang naging dahilan upang ipatapon si Apolinario sa Guam.

Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinibigay kay Apolinario ng Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran ito ng Dakilang Paralitiko. Minarapat niyang mamalagi sa kaniyang munting dampa na malaya kahit maralita.

Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 na isang dakilang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo.

TALAMBUHAY NI  GAT JOSE MERCADO RIZAL

Lahat ng sásabihin tungkól sa dakilang Bayaning itó ay nasabi na ng mga lalong Pantás at mga Dalubhasang tao ng sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatangi siyá ng gayón na lamang sa lahát ng Bayaning sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabilang sa mga dakilang Bayani ng sangkatauhan.

Lahát ng paraán ay sinikap ng kanyáng mga kapanahón upáng siyá'y manatili sa pusò ng madlâ.

Sa lalong mababang halagáng selyo, ang kanyáng larawan ay nároroón upáng ang kanyáng aláala ay huwag máliblib sa lalong katagutaguang nayon at kaabáabaang buhay na dî makapagingat ng isáng larawan niyáng nakapagbibigay siglá sa mga pusong lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang Lupà.

Si Gat Rizal ay pinarangalán din ng Pámahalaán natin na taglayin ng salaping papel na dadalawahing piso ang kanyáng larawan, upáng magpalipatlipat sa mga kamáy ng lahát ng naninirahan dito sa ating lupain at sa labás man, na makapagingat ng salaping yaón na nákikilala sa tawag na «isáng Rizal».

MgFa aklát na násusulat halos sa lahát ng wikà ang iniukol sa kanyang karangalan. Isáng malaking bantayog na pinaggugulan ng salapî ng ating Pámahalaán ang sa gitnâ ng Luneta ay nagpápaalala ng kanyáng kagitingan. Ang kanyáng pangalan ay kilalá ng lahát ng pilipino, pinipintuhò at pinarárangalan sa ating Kapuluán ng banyagà at kababayan man, ng batà at ng matandâ, ng Pantás at ng hangál; ng puhunan at ng paggawâ; at sa ibang lupaín ay pinaúunlakán din ng lahát ng pilipino sa kanyáng dakilang araw, sa araw na ang kanyáng buhay ay kinitil ng kalupitan.

Sumilang si Gat José Rizal niyaóng iká 19 ng Hunyo ng taóng 1861, sa bayan ng Kalambâ, Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni Gng. Teodora Alonso.

Anák sa bayang Tagalog at liping Tagalog na tunay, kayá't ang pagibig sa Tinubuang Lupà ay kalangkáp ng kanyáng pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng mga magulang na nagnasang magmulat ng kanyáng bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng murang bait ang gulang na siyam na taón pa lamáng ay makalikhâ na ng isáng dulà na kinagiliwan ng Kápitan sa bayan.

Sa kanugnóg na bayan ng Binyáng ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamang ng iláng buwan ay walâ nang máiturò sa kanyá ang Gurong Bayan, yamang nátutuhan na niyáng lahát ang nálalaman noón kayá't nang Hunyo, ng taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, nguni't dî siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán ng mga Hesuita hanggáng sa tinamó niyá ang katibayan ng pagká «Bachiller en Artes».Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng magáral ng «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yamang nápansín niyáng hindî mabuti ang tingín sa kanyá ng mga Guró doón, at sa payo ng kanyáng mga kaibigan, niyaóng Mayo ng taóng 1882 ay lumayag siyáng patungo sa Europa, pagkatapos niyáng tamuhín ang katibayang pagká «Agrimensor».

Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatungo sa Barselona na kinakilalanan niyá sa mga kalupaíng

dóroón. Tumungo siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá ng pagáaral ng «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ng pagáaral niyá ng mga karunungang nábangít ay dî niyá napaglabanan ang hilig ng kanyáng diwà sa sining, kayá't nagáral din siyá ng Paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng lápis at ng kulay na lubhâ niyáng ikinatangî.Pagkátapos niyáng tamuhin ang mga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng taóng 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng kinátagpuán sa mga kalupaing Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng makinyíg ng mga bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang itó niyá tinapos ang waláng kamatayang «Noli».Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng mga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ating Rizal, ng isáng mabutíng kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa bayang itó ay napatungo siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog ang «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.

Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng wikà, at itó ang sanhî ng kanyáng pagliklík sa lahát halos ng mga Pangulong bayan sa Europa, at nang siyá'y dumatíng dito sa ating lupaín, upáng harapín ang panggagamót ay nagsásalitâ na siyá ng halos lahát ng wikáng lináng sa Europa at Asia.

Noóng 1888 ay ninasang mulíng maglakbáy sa mga ibáng dako ng sansinukob at siyá'y dumaán sa Hongkóng na kanyáng kinátagpuán sa dakilang Tagalog doón na si Ginoóng José Basa; pagdaán sa Hapón, upáng pagáralan sa sariling lupà ang wikang Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa bayang itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà ang Kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng ikinabantóg sa panitikan.Iká 9 ng Nobyembre ng taóng 1887 nang sulatin ni Profesor Blumentritt ang páunang salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal.Sa pánitikan ay may isá siyáng mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bilang páuná ng kanyáng panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang ang kanyáng gulang nang sumulat ng isáng dulà na noón pa ma'y kinábakasán na ng dì karaniwang indayog ng kanyáng diwà. Niyaóng 1887 na magdaos ng isáng Timpalák ang «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan ng lubháng maraming mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang kanyáng tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahunang si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparangál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá ng isáng dulà na pinamagatán niyáng «Junto Al Pasig», na lubháng kinágiliwan ng nangagsipanoód na pawang dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparangál sa ikáapat na raang taóng ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng ibáng himíg ang kanyáng mga sulat at dito na nga nábunyáng ang tunay na pagibig sa Tinubuang Lupà.Ang kanyáng «Noli» ay sinimulán niyáng sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng 1891.

Hulyo iká 3 ng taóng 1892 nang nagpulong sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang Ilaya blg. 176 Tundó tungkól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng Hulyo ng 1892 nang ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago.

Niyaóng iká 11 ng Pebrero ng 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang «Liga Filipina» isáng kapisanang pilipino na pinagukulan ni Mabini ng gayaríng katagâ: «Nang makitang ang lahát ng sikáp ay waláng tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatang wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang Liga Filipina».Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô ng Páaralán sa mga tagaroón; kahit iisang igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng iniukol sa kabutihan ang kanyáng mga gawâ. Ang mga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng isáng waláng bayad na Manggamot.

Samantaláng siyá'y nároroón ay isáng amerikanong nagngangalang Taufer na kasama ng isáng anakanakan na nagngangalang Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng ipagamót ang mga matáng hindî makákita at pinasiyahán na ng mga ibang Manggagamot ng waláng lunas, ang Josefinang itó ay siyáng naging kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.

Ang mga kahilingan ni Dr. Rizal upáng siyá ay patawarin ay hindî diningig ng mga makapangyarihan, nguni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá ang pagasa, at sa gayóng kalagayan ay tumanggáp siyá ng isáng sulat ng matalik niyáng kaibigang austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng hilingíng sa Pamahalaáng siyá'y makaparoón sa Kuba bilang Manggagamot ng mga kawal na kastilà doón, at ang gayóng kahilingan ay pinakinggan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâláng siyá'y waláng masamáng nágawâ kangino man na titigatig sa sariling budhî, kasama ni Josefina at ng kanyáng pamangking si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng palad, nang silá'y dumaóng sa luók ng Maynilà ang sasakyáng patungo sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay nangapilitang maghintáy ng panibagong sasakyáng lálayag, na dî iba't ang «Castilla». At si Rizal ay tumulak na nga, nguni't ang Hímagsíkang pinangunguluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng walâ sa panahón at isáng pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja ang tinanggap, nang ang «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong sa Barselona ang ating kababayan upáng ipiit doón.

Pagkaran ng iláng araw ay ilinulan siyáng mulî upáng ihatid sa Pilipinas. Nang idaán sa Hongkóng ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan ng «Habeas Corpus» nguni't hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang kanyáng banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.

Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag ng «Liga Filipina» at pagtataguyod ng Himagsikan, at hindî siyá pinahintulutang makapagtanggól máliban sa siyá'y pinapamili sa mga Pámunuáng doón ay nátitipon. Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng marangál na kastilang nagtanggól sa kanyá ng ubos kaya, nguni't hindî diningig at hinatulan siyáng barilín sa Liwasan ng Bagumbayan.

Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang máitatawad. Masasabi nang waláng alinlangan, na ang kanyáng panitik ang siyáng lumikhâ ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nating tinatamasa at siyáng nagpayanig ng matibay na Pámahalaán ng kastilà na mahigit ng tatlóng daang taóng sa atin ay naghari.

Ang dakilang Bayaning itó na pinagúukulan namin ng ulat ngayón, ay siniíl ng kalupitán nang dî malilimutang Henerál Polavieja at niyaóng ika-30 ng Disyembre ng taóng 1896 sa lawak ng Bagumbayan ay pinapagdanak ang kalinislinisáng dugô ng isáng banál na anák ng Pilipinas.

Ang hagunót na hálakhakan ng kanyáng mga kaaway ay nariringig pa halos nang dumating ang hatol ng tadhanang matapos ang kalupitán ng mga kastilà rito sa atíng lupaín at niyaóng Mayo ng 1898 ang makapangyarihang bayang amerikano, sa likhà ng mga pangyayari ay nagpadalá rito ng kanyáng mga sasakyáng pandigmâ, upáng sa pamamagitan ng mga punglóng ibinúbuga ng mga kanyón sa Hukbó ng dating Panginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ating lupaing mapagkalingà ng mga dî mahulilip nakalupitán.

Lapu-lapu (1491-1542)

Si Lapu-lapu ay nakatira sa Pulo ng Mactan kung saan siya ang Datu/Rajah sa kanilang balay. Ang kanyang asawa ay si Prinsesa Bulaklak at ang kanyang katawagan dito ''Prinsesa Juana'' . Nagkaroon sila ng isang anak. Ang kanyang kapatid ay si Datu/Rajah Zulla pero ito'y kanyang kaaway. Nung oras na napadako ang mga dayuhan galing sa Spainsa Pulo ng Homonhon kung saan nakita ni Ferdinand Magellan ang unang pulo ng Pilipinas. Dito nakipagsanduguan siya kay Datu Kulambo (unang pilipinong nakipagsanduguan kay Ferdinand Magellan). Naging kaibigan rin niya si Rajah Humabon. Nagtagumpay man si Magellan sa paghihikayat sa ilang pangkat sa bansa, naging mahirap naman para sa kanya ang paglupig sa Pulo ng Mactan na pinamumunuan ni Lapu-lapu. Hindi pumayag si Lapu-lapu na magbigay ng buwis at mapasailalim ang nasasakupang pulo sa kapangyarihan ng Spain. Sinikap ni Magellan na mamagitan sa sigalot nina Zulla at Lapu-lapu sa pamamagitan ng pagpapadala g ilang emisaryo upang humukin ang huli na sumailalim na sa kapangyarihan ng Spain. Subalit hindi sinang-ayunan ni Lapu-lapu ang nais ng mga dayuhan. Noong Abril 27 1521 naganap ang labanan ni Lapu-lapu at Magellan natalo man si Magellan ngunit meron pa rin siyang nagawa na magandang dulot sa pulo. Pagkatapos mamatay ni Ferdinand Magellan nakipaglaban si Lapu-lapu sa pangkat ni Rajah Zulla kung saan pinatay siya sa pamamaraang pagbiti sa dalawang kamay at dalawang paa upang kaladkarin ng kalabaw para maputol ito. 

Ang mga magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu.Si Lapu-lapu ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Si Lapu-lapu ay talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay na rito ang pagtanggi niya sa mga magagandang alok ni Magellan. Ang pagbibigay ng magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu ang ilan lamang sa mga alok ni Magellan ngunit kapalit nito ay ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang masasakupan. Ngunit katulad ng aking nabanggit ito ay kanyang tinanggihan na siyang ikinagalit ni Magellan sa mga anak na lalaki ni Datu Zulu ay kaaway ni Lapu-lapu. Itong nakipagkasundo kay Magellan. Dito binuo nila ang paglusob sa bayan ng Mactan. Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magellan kasama ang kaniyang mga kapanalig na higit pa sa isang libo ay naglayag upang sakupin ang Mactan. Si Lapu-lapu ay nakahanda rin sa paglusob ni Magellan, kasama rin ang 1500 na mga mandirigma. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Natalo ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli ay pinatay ni Lapu-lapu si Magellan. Walang nakaaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas

Si Gat Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho

Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.

Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.

Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.

Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.

Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito: “Andres Bonifacio Matapang na Tao”.

Melchora Aquino-Ramos (Tandang Sora)

Si Melchora Aquino-Ramos na mas kilala sa bansag na Tandang Sora ay hinahangaan at nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero.Kahitsiya’ymay edad na  buong puso pa rin siyang  tumulong nong panahon ng himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.Si Melchora ay isinilang sa Banlat,Caloocansa National Capital Regionnoong Enero 6,1812.Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino.Siya hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral subalit siya ay biniyayaan ng mabuting kalooban. Siya ay relihiyoso at magaling makisalamuha sa kapwa . Siya rin ay pinagkalooban ng kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay laging tinatanghal bilang Reyna Elena ng kanilang lugar.Halos lahat ng kabinataan ay nabibighanisa kanyang tinataglay na kagandahan.Si Melchora ay nagkaroon ng napakaraming manliligaw.At isa sa kanyang masigasig na manliligaw  si Fulgencio Ramos na kanyang naging kabiyak.Ang kanilang pagsasama ay naging mabunga. Nakaroon sila ng anim na anak na pinangalanang Juan, Simon, Estefania, Saturnino, Romualdo, at Juana. Si Fulgencio ay isang cabesa de barangay. Ngunit ito’y pumanaw rin noong pitong taong gulang pa lamang ang kanyang bunsong anak. Tinaguyod ni Tandang Sora ang kanyang anim na anak.Siya ay nakaranas ng kunting hirap sa pagtataguyod sa kanyang mga anak.Si Tandang Sora ay tumulong sa himagsikan. Kinukupkop niya ang mga katipunerong nakatakas sa mga kastila. At nang ito’y natugunan ng mga kastila siya ay ipinatapon sa pulong Marianas. Bumalik siya sa Pilipinas nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Siya ay nagmistulang pulubi dahil siya ay matandang-matanda naat wala ng nalalabing ari-arian. Namatay siya sa karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak. Inilibing siya sa Musoleo ng mga Belerano ng Rebolusyong Pilipino sa Cementerio del Norte.

SAAN NANGGALING ANG UNANG AHAS

SA ISANG NAYON SA KATAGALUGAN, MAY NANINIRAHANG ISANG MAG-INA. ANG BIYUDANG SI ALING SIMA AT ANG KANYANG ANAK NA SI MASUNG. BAGAMA'T..MALAKI ANG PANGANGATAWAN NI MASUNG AY SOBRA NAMAN ANG KANYANG KAWALANGHIYAAN. SA HALIP NA MAKATULONG SIYA SA INA AY PABIGAT PA SIYA RITO.

"Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama. Sayang na lang ang pagpapalaki kosa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak," ang wika ni Aling Sima.

"AYAN NA NAMAN KAYO. PAGOD AKO AT HUWAG NINYANG ISUSUMBAT SA AKIN ANG IBINIBIGAY NINYONG PERA SA AKIN DAHIL SA TUNGKULIN NINYONG BIGYAN AKO NG PERA!" ANG SAGOT NI MASUNG.

WALANG NAGAWA SI ALING SIMA KUNDI ANG TUMAHIMIK. ALAM NIYANG WALANG PATUTUNGUHAN ANG PAG-UUSAP NILANG MAG-INA DAHIL SA MALING KATUWIRAN NG ANAK. HINDI LANG UBOD NG TAMAD SI MASUNG SIYA AY UBOD PA NG TAKAW. HIRAP NA HIRAP NA ANG KANYANG INA SA BUKID SAMANTALANG SIYA AY NAROON AT TIYESONG-TIYESO SA PAGTULOG. TAMAD NA NGA SIYA AY BASAGULERO PA.

Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si Masung at naghahanap ng gulokdahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para lamang mapigil sapakikipagaway si Masung. Marami nang sinaktang tao si Masung kapag ito ay nagwawala kaya't siya ay kinatatakutan.

MINSAN, WALA SIYANG INABUTANG PAGKAIN SABAHAY. GUTOM NA GUTOM PA NAMAN SIYA. GALIT NA GALIT NA PINUNTAHAN NIYA SA SILID ANG KANYANG INA AT PABULYAW NA NAGSABING. "BAKIT HINDI NINYO AKA IPINAGHANDA NG PAG_KAIN?"

"ANAK MAYASAKIT AKO. WALA AKONG LAKAS."

"KAYO MAY SAKIT? ARTE LANG NINYO IYAN. SIGE BUMANGON KAYO RIYAN AT IPAGLUTO NINYO AKONG PAGKAIN!"

"ANAK, PARANG AWA MO NA. IKAW NA MUNAANG MAGHANDA NG IYONG MAKAKAIN," ANG LUMULUHANG SABI NI ALING SIMA.

"Ako...magluluto..ano ako babae. Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!" ang bulyaw ni Masung na sabay sipa saina.

SA KAWALANGHIYAANG INASAL NG ANAK AY HINDI NA NAKAPAGTIMPI PA SI ALING SIMA AT NAGWIKA NG, "WALANG UTANG NA LOOB, LAPASTANGAN NA ANAK, IKAW NA UBOD NG TAPANG AY GAGAPANG SA LUPA AT KAILANMAN AY HINDI KA NA MAKAKATAYO SAPAGKA'T HABANG BUHAY KANG GAGAPANG. MANANATILI ANG IYONG KABAGSIKAN AT LALO KANG KATATAKUTAN NG MGA TAO."

TINAWANAN LAMANG NI MASUNG ANG SINABI NG INA LUMAYAS SIYA AT SA PAGLALAKAD NIYA SA BUKID AY BIGLA SIYANG NALUGMOK. HINDI NIYA MAITAYO ANG KANYANG MGA PAA. NARAMDAMAN

NIYANG UNTI-UNTING HUMAHABA AT PUMAPAYAT ANG KANYANG KATAWAN HANGGANG SA TULUYANG MAWALA NA ANG KANYANG MGA PAA'T KAMAY. HULI NA NANG MAGSISI SIYA.

SA MANTALA, ANG KANYA PALANG KAAWAY AY LIHIM SIYANG SINUSUNDAN. NASAKSIHAN NIYA ANG PAGBABAGO SA KATAWAN NI MASUNG. NAGDATINGAN PA ANG IBANG TAO. NAKITA NILA ANG MAHABANG HAYOP SA LUPA NA GUMAGAPANG SA DAMUHAN. NANG MAKITA NIYA ANG MGA TAO AY UMAKMA SIYANG MANUNUKLAW AT SA TAKOT AY NAGPULASAN NG TAKBO ANG MGA TAO. MAGMULA NGA NOON AY NILAYUAN NA NG MGA TAO ANG DAMUHANG IYON SA TAKOT NA MATUKLAW SILA NI MASUNG...ANG TAONG NAGING AHAS...ANG UNANG AHAS.

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog.Mayroon siyang kaisa-isang anak na dalaga, si Daragang Magayon na angibig sabihin ay Dalagang Maganda.

KILALANG-KILALA ANG KAGANDAHAN NG PRINSESA HANGGANG SA MALALAYONG POOK. MARAMI SIYANG MANLILIGAW AT ISA NA RITO SI PAGTUGA, ISANG MAYAMAN, BANTOG NA MANDIRIGMA NGUNI'T MASAMA ANG UGALI PAGDATING SA KAYAMANAN.

NAKARATING SA KATAGALUGAN ANG USAP-USAPAN TUNGKOL SA MAGANDANG DALAGA, NABALITAAN ITO NI GINOONG ALAPAAP NA ANAK NG ISANG LAKAN. MAGANDA ANG KANYANG TINDIG, MATALINO AT MAGALANG. IBIG NIYANG MAPATUNAYAN ANG KAGANDAHAN NI DARAGANG MAGAYON KUNG KAYA'T SIYA AY NAGLAKBAY PATUNGONG BIKOL.

MATAGAL NA NAGMASID SI ALAPAAP SA ILOG NA AYON SA NAGSABI SA KANYA AY DOON MADALAS MALIGO SI DARAGANG MAGAYON. NAGBUNGA NAMAN ANG KANYANG PAGSISIKAP. MINSAN AY NALIGONG MAG-ISA SI DARAGANG MAGAYON SA ILOG, NGUNI'T SA KASAMAANG-PALAD AY NA DUPILAS ANG DALAGA AT NAHULOG SA TUBIG NA MAY KALALIMAN. MABILIS NA TUMALON SA TUBIG SI ALAPAAP UPANG ILIGTAS ANG BABAE.

"SINO KA?" TANONG NG DALAGA. "ANO ANG GINAGAWA MO RITO?"

"HUWAG PO NINYONG IKAGAGALIT. ISA PO AKONG HAMAK NA TAGALOG BUHAT PA SA MALAYONG LUGAR UPANG MASILAYAN LAMANG ANG IWI MONG KAGANDAHAN. IBIG KO SANANG MAKASAMA KA HABANG-BUHAY," MAGALANG NA TUGON NI AIAPAAP.

"BAKA NANGANGARAP KA?" ANG NAKANGITING TUGON NG DALAGA.

SA MAIKLING KUWENTO AY NAGKAIGIHAN ANG DALAWA. NAGKASUNDO SILANG PAKASAL, UMUWI SI ALAPAAP UPANG" SUNDUIN ANG KANYANG MGA MAGULANG. NABALITAAN NI PAGTUGA ANG BALAK NG DALAWA KAYA'T GUMAWA SIYA NG PARAAN UPANG SAGKAAN ITO. TINIPON NIYANG LAHAT ANG KANYANG MGA TAUHAN AT BINIHAG SI RAHA MAKUSOG. SINABIHAN NIYA SI DARAGANG MAGAYON NA PAKAKAWALAN LAMANG ANG KANYANG AMA KUNG SIYA AY PAPAYAG NA PAKASAL KAY PAGTUGA. NAPILITANG SUMANG AYON ANG DALAGA ALANG-ALANG SA KALIGTASAN NG AMA.

SAMANTALA, HINDI ITO NALINGID KAY ALAPAAP SIYA SAMPU NG KANYANG MGA TAUHAN AY LUMUSOB BAGO NAISAKATUPARAN ANG KASALA NINA DARAGANG MAGAYON AT PAGTUGA. NAPATAY NI ALAPAAP SI PAGTUGA NGUNI'T SA KASAMAANG-PALAD AY TINAMAAN NANG HINDI SINASADYA SI DARAGANG MAGAYON. SA PAGTULONG NI ALAPAAP KAY DARAGANG MAGAYON, SIYA AY NAHAGIP DIN NG ISANG SAKSAK NG TAUHAN NI PAGTUGA. ANG TATLO AY SABAY-SABAY NA NAMATAY SINA DARAGANG MAGAYON, ALAPAAP AT PAGTUGA. SILANG TATLO AY SABAY-SABAY DING INILIBING SA GITNA NG MALAWAK NABUKID. LAHAT NG HIYAS AT KAYAMANAN NI DARAGANG MAGAYON AY KASAMA SA HUKAY NIYA PATI NA ANG MGA REGALO SA KANYA NI PAGTUGA.

Pagkalipas ng tatlong gabi, nagulat ang mamamayan sa lakas ng lindol sabay ng tunog ng malalakas nakolog at kidlat. Kinabukasan ay nagisnan nilang tumaas ang ipinaglibingan ni Daragang Magayon at ng dalawa niyang mangingibig. Tumaas nang tumaas ang puntod natila isang bundok. Nagkaroon ito ng magandang hugis

at naging bulkan. Ayon sa pari ang magandang bulkan ay si Daragang Magayon ang maitim na usok ay ang maitim na budhi ni Pagtuga nalabis ang kasakiman sa kayamanan. Naroon pa siya at gustong bawiin ang mga iniregalo kay Daragang Magayon. Maganda ang bulkan nguni't ito'y pumuputok at nag-aapoy sa galit kapag naaalala nito ang kasakiman ni Pagtuga. Unti-unting pumapayapa ito kapag nararamdaman niyang nasa piling niya si Alapaap at patuloy na nagmamahal sa kanya.

Mula noon ang bulkan ay tinawag na Mayon. Ang bayan na kinatatayuan ng bulkan ay tinawag na Daraga bilang pag-alaala kay Daragang Magayon.

Alamat Ng Macopa

Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan atpagkamadasalin.

Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.

Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!

Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.

Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon.

Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal.

Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.

Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon.

Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.

"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.

"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.

Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming kopa, doon sa makopa."

Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.