Upload
jomark-baynado
View
380
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Karapatang ari ni Jomark M. Baynado, 2012
Citation preview
Mga Talulot ng Liwanag
Ni Jomark M. Baynado
Inilathala ni Jomark M. Baynado, 2012
Karapatang ari
Closing
tapos na ang isang taon ng pagtatanghalsubalit ang layon ay hindi papanandaliang isasara ang kurtinaupang makapagbihis at makapaghandang sa ganoon sagad ang ligayang mga tutunghay na siyang gagawa ng mga eksenaat ang entabladong hiniramsa pagdating ng panahonay ipapamana sa kanila.....
Dahon
marahang marahang ang pagdaong ng dahon sa aking paladkasabay hagikhikan ng nakatunghay na kawayankukuyumin na sana nang magmakaawa ang sapana ihulog ko ito sa kanyang dibdibsino ba ako upang 'di magpalaya?pumapatak na lamang ang aking luhahabang sinusundan kita ng tinginna dahan-dahan inilalayo ng agos.
Hiya at suklam
yumuyukod ang rosastuwing ako'y dumaraanwari ba'y nahihiyao kaya 'y nasusuklam
yumukod ako tuwing sa rosas dumaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam
yumuyukod sila
tuwing tayo'y magdaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam
yumuyukod tayotuwing sila'y magdaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam
Icarus, sa iyong pagbulusok
to travel is better than to arrive
---- unknown
ibinihis mo na ang kayumangging pakpakhanda na itong kumampay at lumipadbumulong na ng sagradong orasyon ang hangin at napigtas na ang tanikala ng panahonpumapaimbulog at bumubulusok ang iyong dibdibkasabay ng iyong pamamaalam sa mga dahonaakayin ka ng hanging mangingibigmula sa papawirin hanggang sa pagdaongngunit taksil ito at biglang nang-iwandumaudos ka at bumulusok sa marahas na bisig ng mga alon
tumututol ang iyong kayumangging pakpak subalit anong lakas mo sa kalawakan ng tubig-dagat?wala, yaposin ang sariling giniginaw at hubadat matapos ang malalakas na salpukanitataboy ka nitosa pinakamalapit na dalampasigan, at doon ka na mag-uugat.
M16 ng ikasa ang M16nanginig ang mga madreng putok ito sa irenaglamay ang mga pari
Sapot
dahil nais kitang mabuhaysasaputin kitang aking hibla kahit magpumiglas kaiikutan kita ng iikutan itatago kita sa kanilaat 'di kanila makikita.
kagabi nagsimula ng rosaryo ang mga balatinakpan ko ang iyong tengatinakpan ko ang iyong mataat sinapot kita ng paulit-ulitupang di ka tablan ng balanalanta ang mga dahon sa kapal ng pulbura
at naiwan sa lupa ang mga luha at pulang mantsa
napagod na sa paghalakhak ang armalite anakguguputin ko ang sinapot kong hiblapagkat tayoy malaya nasubalit ano itodi ka nga namatay sa giyeranapatay naman kita.
-----------------------sa mga ina ng WW2
Gagamba
At nangyari ngang ang kamay ay naging matadila, at taynga.Mabilis na sinakmal ang lahat ng kurbasinapot ang kahubdanhanggat 'di na makagalawsaka lulurayinat lulusawinng lason mong laway.
Paninda pag gabi sa Plaza Quezon
Dinailang nabubulokBasag na itlog na bugokPatay na Costang linalanggam at inuoodPinaghalo-halo sa isang wasak at tagiptiping plato't mga bubog.
Linggo ng Awa
Tulad ng sinasabi ng maramiang katapusan ay simula.At ngayon nga ay simulang paglalakbay ng puting lobong pinalayasubalit kumapit muna sa duklay ng talisay.Minamasdan ang huling patak ng luhaat huling pagtawagbago tuluyang kumawala,at pumaimbulog sa kalawakan.Lingo ngayon ng awakaya tinapos na ng sepultureroang pagsambulat ng kirot at hapdi.
Binuksan at sinarhan na ang kwebang lagusan sa kaluwalhatian.Linggo ngayon ng awa.Linggo ngayon ng awa.
Sa Pagbubukas ng Sardinas
Sasaksakin kita,gigilitan ng leegat patitiin ang dugo.Dudukutin ko ang lamang loob,,dudurugin ang pugot-ulo mong kaluluwa,bubudburan ng sili at asinat walang patumanggang lalantakan.Ganyan ako kalupit!Subalit bago ko pa magawa ang lahat ng ito una mo na kong nahiwa.
-----------------------------pasintabi ka Huli
Abril
INaglalaro na ng bahay-bahayanang mga mayatiyak dadami ang bilang nila.
II
Namumukadkad na ang tabing ilog at dagatng mga paatiyak ang hagikhik at pagtawa.
III
Nagugulo ang tahimik na pagdaloyng sapatiyak ang paglirip sa hiwaga ng umaga.
Pagtakas
Tulad ng bulagdadamhin ko ang rosasgamit ang mga daliri,at kung sakaling matusok itolaging 'di sinasadya at aksidente lamang.
Paalala
Huwag mong alalahaninang iyong alalahanin.Ipapaalala ko sa iyoitong paalaala.Ang pait ng alaalang inaalalaay enerhiyang nakakamtan ng umaalala.
Bukal at disyerto
Mayroong bukalsa mukha ni amana pag El Niño lamang dumadaloy,upang pumalis ng uhawat paliguan namin.
Ayaw ko ng ganoon! Mas titiisin ko ang tuyong dilaat limang pulgadang libagsa disyertong kandungan ni InaSaplot ang di mabilang na buhanginng kanyang pag-irog.
Ritwal
Isa, dalawa, tatlo.Kasabay ng putok
nagsitakbuhang mananakbo sa malaking ovalang aking alaala,pabalik sa yugtong iyon.Di ko alam kung saan ako tatakbo at tatagoupang linlangin ang mga balana nais maging bahagi ng aking katawan.Isang sagradong ritwal na aking tinakasanPatawad, hindi pa pala ako handa.
Balinsayawan
Tulad ng mga musmos na naglalaro sa damuhanPumapaimbulog
at bumubulusok ang balinsayawan.Walang kapaguran ang pakikipaghabulansa mga tutubi at gamu-gamo.Paikot-ikot. Paawit-awit.Subalit nasagi ag lambat ng kalupitanat napasakuyom na paladGinupit ang pakpak at di na pinalipad.
Kattrin
Kung ang pag-akyat sa bubongat paghambalos dito nang paulit-ulit
ang pagligtas sa sangkatauhan,aakyatin ko rin ang aming bubongat walang patumanggang hahambalusinkahit na magkabutas-butasat palayasin ako ni Nanay.
Pagsamo ni Persephone
I
Bumabalong ng luha ng kasiyahanang gabi sa munting siitsa pagsibol ng munting dahonat pagbati nito sa inang sanga.
IIBumalik na si Persephone kay Demeter.
IIINagliliparan na ang mga anghel na buto.(Siguradong malayo ang lalakbayin nila).
Cinquain
Inaymasipag, maalaganagluluto, naglalaba, nagtuturo
palagi siyang nakangitiItay
Itaymaunawain, mapagmahalnagtatrabaho, naglilinis, namamalantsayakap lagi akoInay
Buhangin
Susugatan mo ang aking paladhabang ipinangsasaplot kitasa mga kalansay na tore.
Dudugo iyon at hayok na hayok mong sisipsipin.
Papasok ka sa aking matahabang sinasala ko ang iyong birtudna magpapatibay sa kalansay na tore.
Di ko alam kong may nakikita ka samantalang wala akong makita.
Ako ang unibersiya
Libong mata ang sa aki'y nakatigin(pero hindi ako sa Araneta at CCP)
Lahat sila ay kaakit-akitNa nais kong isa-isang titigan.(Hindi sila artista o mga babae)Maswerte ako dahil sa libong taon na paglalakbay(Hindi sila nag-LRT o nag- jeep)babatiin nila ako ng kanilang ngiti(kahit wala silang labi)Hah! Ngayong gabi kaniig ko ang kalawakanAt ako ang unibersiyang kanilang iniikutan.
Artista
tulad ng bida sa pelikulaang una kong ipapakita ay ang aking paaang mataas na takongang nakakasilaw na kintab ng sapatos.
muli-muli kakapalan ko ang make-upupang di mo makilalaang multong sisindak sa'yo.
May magagawa kayo
Habang kam'iy pasinghap-singhap na nalulunodsa aming sariling luha at pawisang mga mata ninyo ay nakatitiis.
Pinalaki na namin ang aming tinigdahil hindi ninyo marinigsubalit ang tugon ninyo ay blangkong titig.
Paparahin pa kami sa liblib na daanng mga bakunawang makasalananat sasakmalin ang pitakang kalansing ang laman.
Mamatay kaming walang laman ang tiyanat nagpapasalamat na di ninyo tinulungan.
Lucky Nine
Ngayong gabi libong bituinang nakaadorno sa iyong buhok
ang swerte ko palasa libong taon na kanilang paglalakbaysa buhok pa ng irog ko sila sasakay.
Sikolo Humingi ako ng paliwanag sa damo
Ukol sa hiwaga ng buhay at kamatayanAt ito ang kanyang piping kasagutan:
` PagsibolPamumulaklak
PagkagalirangPagkagalirang
PamumulaklakPagsibol
Damo
Susugatan mo ang tigang na lupaUpang makawala sa rehas ng karimlan.Yayakapin mo ang hibla ng liwanagAt makikipagsuyuan ka sa hamogPero darating ang isang tag-arawNa ika’y magagalirang upang mahilomAng nalikha mong sugat.
Sa pagsulat ng tula Tititigan ko ang blankong papelHangang ito’y masugatan.Pagkaraa’y papatuluin ditoAng dugo ng aking panulat.
Lumbay at Pag-iisa Kasabay ng pag-ikot ng washing machineAng mabilis na pag-inog ng kanyang paligid.Pagkaraha’y lumaya sa kanyang bibig
Ang malapot na laway Na dagliang hinugas ng bulaing tubig. Lihim siyang napangiti. Inaaninaw ng kanyang nanlalabong paninginAng mga mantsahing puting damitNa naglalaro ng tagu-taguan sa mga pinong bula.Inilapit niya iyon sa ilong. Di pa rin nahuhugas ng sabonAng samyo ng mga nakaraang gabi. Ng maabot ng umiikot na knob ang zeroLabis ang paginginig ng makina, Tila nag-aagaw buhay.At bago pa man ito tuluyang pumayapa.Mabilis niyang kinuha ang puting T-shirt at yinakap,Maingat niya itong brinushAt binanlawan ng mga alaala at luha.Pagkaraa’y sinampayupang tuyuin ng mga puting talulot ng araw. Muling nagdilim ang kanyang paninginPagkat nagbabalik ang mga petalyong ikinalat niyasa huling sinakyan ng kanyang irog. Pabulong niyang aanasin: May iniwan ka sa akin mahal…
Ecdysis Magigimbal ang pusikit na karimlanSa biglang pagkapunit ng iyong damitAt paglaglagan nito sa nabubuok na lupaKasabay ng pagkawasak ng iyong lamanAy ang pag-usli ng mga buto at pangil,At pagtulo ng malapot na laway sa bibig.Pilit mong tatakpan ang kahubdanNg iyong dalawang nanginginig na kamayUpang itago ang mga hayok at nanlilisik na matangBahagi na ng iyong luray na katawan.Iyuyuko mo ang iyong uloHabang yapos ang sariling tila giniginawDahan-dahan kang tatayoAt iindayog sa saliw ng mga kutya ng gabi at bilog na buwanLalaya ang garalgal na tinig ng orasyon at halakhakGugulong ito sa lupaAt sasakop sa mga kanto ng nanangis na daigdig.Sa una’y mabini ang iyong galawPagkaraa’y mawawala ka sa sarili.Guguhit sa madilim na langitAng mga ugat ng apoy at kuryenteAt mamatay ang lahat ng ilawKasabay ng dapyo ng nangingig na hanginPapaimbulog ang katakot-takot na tili …. Balita: Isa na naman ang natagpuang patay Wakwak ang tiyan at nawawala ang ari.