13
Colina, Jhe-Rico Sam S. Geopolitics MWF 1:00-2:00 AB Political Science Prof. D. E. Nolasco MICRONATION (Split-Nation Theory) PANIMULA Ang “geopolitics” ay naging isang termino o pagaaral upang ipaliwanag ang relasyon ng heograpiya o lokasyon ng isang bansa sa kanyang ideyolohiyang pampulitika at ekonomiya, estruktura ng pamahalaan at relasyon sa kanyang mga kalapit bansa. Ang pag-aaral ng “geopolitics” ay nagbibigay ng posibilidad sa imahinasyon ng tao na makita ang mundo na namumuhay ng nagkakaisa o ng isang kabuuan. Nagpatunay dito ang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, maraming mga bansa tulad ng Espanya at Portugal ng Europa na sinikap pagaralan ang mga bansa sa Asya, Gitnang Silangan, patungong Latin Amerika. At sa panahon ng modernong imperyalismo, dito sumiklab ang mga labanan upang mapalawig ang teritoryong nasasakupan ng mga malalakas na

Micro Nation

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Micro Nation

Colina, Jhe-Rico Sam S. Geopolitics MWF 1:00-2:00

AB Political Science Prof. D. E. Nolasco

MICRONATION

(Split-Nation Theory)

PANIMULA

Ang “geopolitics” ay naging isang termino o pagaaral upang ipaliwanag

ang relasyon ng heograpiya o lokasyon ng isang bansa sa kanyang ideyolohiyang

pampulitika at ekonomiya, estruktura ng pamahalaan at relasyon sa kanyang mga

kalapit bansa.

Ang pag-aaral ng “geopolitics” ay nagbibigay ng posibilidad sa

imahinasyon ng tao na makita ang mundo na namumuhay ng nagkakaisa o ng isang

kabuuan. Nagpatunay dito ang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, maraming

mga bansa tulad ng Espanya at Portugal ng Europa na sinikap pagaralan ang mga

bansa sa Asya, Gitnang Silangan, patungong Latin Amerika. At sa panahon ng

modernong imperyalismo, dito sumiklab ang mga labanan upang mapalawig ang

teritoryong nasasakupan ng mga malalakas na bansa tulad ng Amerika, Alemanya,

Frances at ang bansang Hapon. Binago nito ang usapin ng kalayaang pambansa at

ekonomiya sa bawat nasakop na mga bansa. Matapos ang ilang taong tunggalian sa

usapin ng teritoryo ay sumiklab naman ang digmaan sa panahon ng nagtutunggalian ng

ideyolohiya; ang Komunistang pananaw ng Silangan at Kapitalistang pananaw ng

Kanluran. Makaraan ng ilang taon, ang mga labanan na ito ay nagresulta sa

pagkakabuo ng mga organisayong internasyonal at alyansa sa pagitan ng mga bansa

upang maprotektahan ang kanilang mga nasasakupan at magkaroon ng kapayapaan.

Page 2: Micro Nation

Pagkatapos ng panahon ng tunggalian sa territoyo at kapangyarihan,

iginugol ng mga bansa ang kanilang pansin sa pagpapaunlad at pagmomodernisa ng

kanilang ekonomiya. Nagbukas ang pakikipagugnayan sa merkado ng maraming bansa

na nagpaunlad sa ideya ng kapitalismo. Dahil sa umaangat na ekonomiya, produksyon t

modernisasyon ng maraming mga bansa, nagresulta naman ito sa pagkakapinsala sa

likas ng yaman ng kalikasan. Dahil sa kakulangan sa nakukuhang likas na yaman at

pagkakasira ng kalikasan, sinikap ng maraming bansa na tuunan ng pansin ang

kalusugan at kalikasan.

Pagrereporma sa politika, ekonomiya, pagmomodernisa ng teknolohiya

(ecofriendly), pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan, at pagbuo ng local at

internasyonal na mga organisasyon ang naging solusyon upang mapalawig ang

paglaban sa problema ng kalusugan, mabilis na pagbabago ng panahon at sa

kalikasan.

Nabanggit ko sa aking ikatlong talata na dahil sa konsentrasyon ng mga

bansa sa pagpapaunlad ng ekonomiya, nabuo ang maraming kasunduan at nagpaunlad

sa ideya ng kapitalismo. Marahil ito ang naging basehan ni Francis Fukuyama na,

“Kapitalismo ang katapusan ng kasaysayan”. Kapitalismo na nga ba ang katapusan ng

kasaysayan? Ito na nga ba ang huling pananaw para maabot ang pagunlad?

Maaaring ito ang maging pinto para sa bagong panahon, panahon upang

makita ang tunay na pagunlad, ang pagkakapantay-pantay sa iba’t ibang larangan.

Marahil ang mismong problema ng kahirapan at pagkakapantay-pantay ay ang usapin

ng teritoryo, ang sukat ng lupain ng bawat bansa, ang kakayahan ng mga mamamayan,

kalagayan ng kalikasan (likas na yaman) at syempre ang walang kamatayang sistema

sa politika.

Mula sa sinaunang panahon ay nais ng bawat isang indibidwal na

makapagmay-ari ng mas malaking teritoryo at kapangyarihan na higit pa sa nararapat.

Nais ng papel na ito na baguhin ang pananaw ng mundo sa usapin ng teritoryo at

kapangyarihan. Paano kung hahatiin natin sa mas maliliit na rehiyon ang bawat bansa,

at magkakaroon ng sariling kalayaan? Ang mundo nga ba ay mas magiging organisado

Page 3: Micro Nation

at maunlad paghinati ang mga bansa sa mas maliliit na estado? Ang matagal na

problema bas a pagkakapantay-pantay ay nareresolba? Ang kapitalismo nga ba ang

katapusan ng kasaysayan?

DISKUSYON

PAGBABALIK TANAW

Noong unang panahon, teritoryo ang naging sukatan o batayan ng

kapangyarihan at kayamanan ng isang tao o grupo ng mga tao (na tinatawag nating

“Tribu”). Mas malaking teritoryo, mas malaki ang tirahan at ang populasyon ng mga

naninirahan dito. Ang pagpapalawak ng nasasakupang teritoryo ay nagbubukas ng

maraming opurtunidad para sa pangkabuhayan ng mamamayan tulad ng; pagsasaka,

pagaalaga ng hayop at pagmimina. Dahil sa pananaw ng mga sinaunang tao tungkol sa

kapangyarian ng malawak na teritoryo, nagsalin-salin ito hanggan sa modernong

panahon.

Panahon ng monarkiya kung saan namumuno ang mga Hari at Reyna. Ang

pagkakaroon ng malawak na teritoryo ang nagdikta sa kanilang kapangyarihan

kapalaran. Kilala ang Europa sa pagkakaroon ng malalaking kaharian at malalawak na

lupain. Tulad ng mga bansang tulad ng Espanya, Portugal, Britanya at Englatera, na

mayroong iba’t ibang kaharian. Mga kilalang bansa sa Asya tulad ng bansang Hapon,

Tsina at Korea, na kung saan makikita ang iba’t ibang kaharian na pinamumunuuan ng

tinatawag nating mga emperor. Ang bansang Russia’y mayroon ding iba’t ibang

emperor at duke sa bawat distrito ng bansa. Sa aking mga nabanggit na mga bansa,

lahat ng ito ay hindi nakilala bilang isang buong bansa noong unang panahon. Sila ay

nahahati sa mas maliliit na rehiyon at may mga sariling namumuno. Iba’t iba ang

kanilang paraan ng pamumuhay at estilo ng pagpapatakbo ng gobyerno. Bukas din ang

mga kaharian sa usapin ng pakikipagkalakalan upang masuportahan ang kani-kanilang

mamamayan. Sa pagaasam ng kapangyarihan, kayamanan at pagpapalawig ng lupain

Page 4: Micro Nation

ay nabuo ang iba’t ibang labanan sa pagitan ng iba’t ibang kaharian sa loob ng mga

bansa. Ito ang nagresulta sa pagkakabuo at pagkilala sa mga kaharian bilang isang

buong bansa.

Nang pumasok ang kolonyalismo at imperyalismong panahon ay sinikap ng mga

bansa na magpalawig pa ng mga teritoryo at maghanap ng mapagkukunan ng yaman

upang suportahan ang kanilang mga bansa. Nanguna at kinilala ang mga bansang

Espanya at Portugal sa pagaaral at pagmamapa ng mundo sa pamamagitan ng

explorasyon. Naging daan ang explorasyon upang mabuksan ang mga pintuan sa

pagnanakop sa iba’t ibang mga bansa. Sa modernong panahon ng imperyalismo noong

ika-18 hanggang ika-20 siglo ay umusad ang mga kilalang bansa tulad ng Amerika,

Alemanya, Frances at Hapon sa pagpapalawig ng kanilang kapangyarihan upang

maprotektahan ang interes ng kanikanilang mga bansa na nagresulta sa una at

ikalawang pandaigdigang digmaan. Noong World War II ay nagkaroon ng mga alyansa

upang masugpo ang iba’t ibang pananaw ng mga bansa sa usapin ng kapangyarihan

sa pagitan ng tinatawag na Allies at Axis na kinabibilangan ng mga Amerika, Soviet

Union, Hapon at Alemanya. Matapos ang mahabang panahon ng tunggalian upang

masugpo ang kapangyarihan ng mga bansang Aleman at Hapon, ay naging sentro ng

tunggalian ang pananaw sa ekonomiya at political. Nanguna ang Amerika at Soviet

Union sa usapin na ito na humati sa mundo sa dalawang panig, ang mga kapitalista ng

Kanluran at mga komunista ng Silangan. Ang mga tensyon na ito ay sumentro halos sa

mga bansa sa Europa ngunit nakaapekto din sa iba’t ibang mga bansa. May mga

kilalang digmaan sa humati sa pananaw ng isang bansa tulad ng Vietnam, kung saan

kapanalig ng Hilagang bahagi sa komunistang pananaw at ang Timog na suportado ng

Amerika. Ang bansang Korea na nahati dahil din sa dalawang nagtutunggaliang

pananaw. Marami pang mga rebulusyon o digmaan ang sumiklab sa mga panahon na

ito ngunit nanaig padin ang kapitalistang pananaw at pwersa ng Amerika at kanyang

mga kaalyansang bansa (NATO).

Ngunit ramdam padin ang anino ng Cold War sa makabagong panahon dahil sa

mga butas sa ekonomiya at mga kilusan na nakapaloob sa iba’t ibang mga bansa.

Page 5: Micro Nation

PAGBABAGO

Nagbukas ang maraming bansa sa usapin ng pakikipagkalakalan upang

magkaroon ng rehabilitasyon sa mga nasirang instruktura sa mga bansa at nagsentro

sa pagpapaunlad ng kanikanilang ekonomiya. Nabuo ang mga organisasyon sa usapin

ng pandaigdigang batas, paglaban sa kahirapan na idinulot ng digmaan at mga usapin

sa bukas na kalakalan ng mga bansa.

Produkto ng labanan ang pagkakabuo ng mga estado at pagkakahati ng ilang

mga bansa na nakaapekto sa kanilang ekonomiya. Tulad ng Amerika, na kinilalang

pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo, dahil sa paglaki ng kanyang teritoryo

ay nagresulta sa pagangat ng kanyang ekonomiya. Ito ang nagbukas sa mas

malawakang kalakalan at pagpapautang sa pagitan ng mga bansang. Ang mga pautang

na ito ang tumulong upang makabangon ang iba pang mga bansang naapektuhan ng

pandaigdigang digmaan. Nabuksan ang malayaang kalakalan sa mga pribado at

pampublikong merkado. Sa paglipas ng mahabang panahon ay nakamit ng ilang mga

bansa ang pagunlad at pagmodernisa ng kanikanilang ekonomiya. Tulad ng Alemanya,

Amerika Canada, Frances, Hong Kong at Bansang Hapon. Kinilala ang mga bansang

ito bilang mga pangunahing bansa na tumangkilik sa ideya ng kapitalismo at naging

sentro ng mga kalakalan ng produkto at serbisyo sa buong mundo. Sa kasalukuyan,

ang bansang Tsina, na itinuturing na komunistang bansa ay sinalin o ihinalo ang ideya

ng kapitalismo upang mapaunlad ang kanilang ekonomiya. Ngunit ang usapin ng

kapitalismo ay hindi naging kasiguraduhan ng mga pagbabago sa pagunlad ng iba pang

mga natititrang bansa sa mundo.

Nang dahil sa mga pagbabago at modernisasyon ng mga bansa ay nagresulta

ito sa pagkakaroon ng kakulangan sa likas na yamang pinagkukunan ng mga

materyales sa pagbubuo ng mga produkto. Nagkaroon ng mga hindi inaasahang

pangyayari sa usapin ng kalusugan at mga unos na nakapinsala sa iba’t ibang panig ng

mundo. Naging sentro ng konsentrasyon ng bawat bansa ang kalusugan at kalikasan.

Mula sa pagbubuo ng mga organisasyon patungkol sa usapin ng kalikasan, pagbuo ng

mga batas at kasunduan upang maprotektahan ang kalikasan. Ang mga usapin na ito

ay nagpapatuloy padin hanggang sa kasalukuyan.

Page 6: Micro Nation

KAPITALISMO at KASALUKUYAN

Nakikita natin sa makabagong panahon kung paano nakaapekto ang

kapitalismo sa pagunlad ng maraming mga bansa. Ito ang naging batayan ni

Francis Fukuyama na ang “Kapitalismo ang katapusan ng kasaysayan”.

Makikita ang mga pagbabago sa maraming mga bansang yumakap sa

ideyolohiya ng kapitalismo. Ang pagunlad at pagtaas ng pamumuhay ng ilang mga tao.

Malaya ang mga tao sa kanilang mga hangarin, nabigyan sila ng pagkakataong pumili

at magpahayag. Sa mga benepisyong ito ng kapitalismo ay marami din ang nagdusa sa

mga butas sa sistema na ito. Sa madaling salita, ang pag-angat ng isang indibidwal o

ng isang korporasyon ay naging dahilan din upang bumaba ang kalidad ng pamumuhay

ng iba pang indibidwal. Hindi ko sinasabing mali ang ideya ng kapitalismo, ngunit

ayokong tanggapin ang argumento na ito na ang huling pananaw na kung saan

makikita natin ang paulit-ulit o paikot-ikot, pagtaas at pagbaba sa ekonomiya, at

problema sa pagkakapantay-pantay.

Matapos ng mahabang pagpapakilala ng iba’t ibang pangyayari at perspektibo sa

geopolitics ay nais ko ng simulan ang maaaring kinabukasan ng henerasyon. Kung

paano natin mawawakasan ang mga butas at makausad palabas mula sa mundo ng

kapitalismo.

MICRONATION

Ang bawat bansa ay nahahati sa iba’t ibang rehiyon. Ang mga rehiyon ay

kinabibilangan ng iba’t ibang uri ng mamamayan na sumusuporta sa ekonomiya ng

bansa. Sa populasyon, likas na yaman at kakayahan ng isang rehiyon ang sukatan ng

bansa upang suportahan ang mga ito. Ngunit sumesentro lamang ang bansa sa

kanyang kapital na rehiyon kung saan di nabibigyan ng pagkakataon ang natitira pang

mga rehiyon para sa kanilang pagunlad.

Sa kasalukuyang panahon ay makikita natin ang kahirapan sa bawat sulok ng

mundo. Marahil magtataka tayo kung bakit sa mga yaman na nakapaloob sa mga

bansang ito ay nakakaranas padin sila ng kahirapan. Marahil ilan sa mga dahilan nito

Page 7: Micro Nation

ay ang teritoryo na nasasakupan ng isang bansa. Nang dahil sa pagbibigay pansin ng

mga bansang ito sa kanilang kapital na bayan, kung saan nagaganap ang mga

transaksyon o pakikipagkalakalan, ay hindi nabibigyan ng pansin ang natitirang mga

rehiyon. Ang mga isyu sa usapin ng kapitalismo kung saan nawawalan ng

pagkakapantay-pantay sa pagaari at a kultura na ninanais ng isang estado na

magbibigay sa kanila ng sarili nilang pagkakakilanlan.

Pagbabasihan ko ang mga pangyayari sa Pilipinas upang mas madaling

maunawaan ang teorya na nais kong iparating.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang tumatangkilik sa ideya ng kapitalismo, mas

marami ang pagmamay-ari ng mga pribadong sektor kaysa sa gobyerno. Nang dahil sa

mga pangyayari sa nakaraan, ang mga ariarian ay napunta lamang sa mga limitadong

tao, kung saan di nabibigyan ng pagkakataon ang iba pang mas maliliit na tao (Isa sa

mga butas ng kapitalismo). Ang sentro ng ekonomiya o trabaho ay nasa isang rehiyon

lamang kung saan makikita ang kaptial ng bansa, ang Manila. Ang mga

pagmomodernisa at pokus ay nasa isang lugar lamang, marahil ay binibigyan din ng

pansin ang ibang rehiyon ngunit, hindi nagagamit ang buong potensyal ng rehiyon.

Dahil dito ay hinihiling ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) ang paghihiwalay ng

Mindanao sa Pilipinas o gawin itong “substate” upang mabigyan sila ng pagkakataon

upang mapaunlad ang kanilang rehiyon. May mga panawagan din kung saan, ang

Cebu, isa sa malaking syudad sa Visayas, ay nais ding humiwalay o magkaroon ng

sariling pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sa pagtingin sa mga

pangyayari sa bansang Pilipinas, maaari natin itong isagawa sa iba pang panig ng

mundo.

Ang makabagong panahon ay umuunlad ngunit hindi nagkakaroon ng tamang

alokasyon ng ilang mga pagbabago sa iba’t ibang rehiyon. Walang tama o pantay na

distribusyon ng pagkakataon sa mga rehiyon dahil sa malakas na impluwensya ng

kapitalismo.

Subukan nating ibahin ang pagtingin sa mundo mula sa isang buo patungong

mas maliliit na rehiyon.

Page 8: Micro Nation

Sa kasalukuyan, nahahati ang mundo sa iba’t ibang mga bansang may malalaki

at maliliit na teritoryo. Ang mga bansang nagmamay-ari ng malalaking lupain ay

nakakaranas ng mas malaking pursyento ng kahirapan, bukod sa mga bansang

nagtataglay lamang ng maliit na teritoryo. Ang mga bansa sa Europa tulad ng Italy,

Germany, France, at Switzerland ay nagtataglay ng maliit na teritoryo ngunit nagamit

ang buong potential upang mapalago ang kanilang ekonomiya. Nakilala din ang

bansang South Korea, sa makabagong panahon, bilang isa sa mga maunlad na bansa

sa Asya na mayroon lamang maliit na teritoryo ngunit naging isa sa mga malaking

distribyutor ng mga kilalang produkto at serbisyo. Mula sa larangan ng teknolohiya

hanggang sa produksyon ng sasakyan, South Korea lamang ang natatanging maliliit na

bansa sa Asya na tumapat sa kakayahan ng mas malalaking at kilalang mga bansa.

Ang Singapore, isang maliit na bansa na mayroon lamang isang malaking isla at

limampung maliliit na isla ngunit kilala sa mataas na ekonomiya at makabagong

kagamitan. Ang bansang Singapore at South Korea ay kilala bilang pinakadisiplinadong

mga bansa sa Asya.

Kung pagbabasihan ang mga nasabing bansa bilang modelo upang makamit ang

pagunlad ng kabuhayan ng tao, mapapatunayan natin na mas madali ang pamumuhay

ng tao paghinati ang mga bansa sa mas maliliit na rehiyon dahil sa mas mabibigyan ng

pansin ang kakayahan ng likas na yaman at kakayahan ng mga mamamayan.

Ang mga bansa sa mundo ay mahahati sa mas maliliit na rehiyon kung saan

sesentro sila sa kakayahan ng kanikanilang estado. Sa pagkakataong ito ay mawawala

ang sentralisasyon sa isang lugar at mababaling sa mas malaking kakayanan ang mga

bansa. Maaaring mabuo ulit ang mga bansang nahati ngunit bilang isang

nagkakasundong mga estado. Sa usapin ng gobyerno o pulitika ay magkakaroon ng

mga batas na magpapalawig sa pagtingin ng pagkakapantay-pantay.

Page 9: Micro Nation

PANGWAKAS (PANGWASAK)

Ang pagunlad ay hindi nakikita sa laki o liit ng isang teritoryo ng isang bansa

ngunit sa kung paano natin gagamitin ang mga likas na yaman at kakayahan ng bawat

mamamayan.Isang paglalarawan lamang ang isang maliit na bansa para sa mas

madaling pagkakataon upang mabago at mapaunlad usapin sa pagkakapantay

pantay, politika, ekonomiya at disiplina.

Ang sinabi ni Francis Fukuyama na, “Capitalism is the end of History”, dahil sa

dominanteng panahon ng kapitalismo ay hindi na niya/nila makita ang mga maaaring

pagbabago sa mundo. Ngunit ito ang magbubukas sa ating isipan kung paano natin

babaguhin ang kinabukasan. Ayon sa aking nabasa sa librong “Engaging Geopolitics” ni

K.E. Braden at F. M. Shelley, “geography is not obsolete, it is evolving into a fresh way

of looking at spatial relations. To believe that there is a new geopolitics; one must

embrace a new geopolitics”. Maging bukas lamang tayo sa pagbabago at makikita natin

na hindi pa ito ang katapusan ng kasaysayan.

Nais ko rin isama ang isa sa nagpatibay ng aking naisip na perspektibo ay ang

sinabi ni Kenichi Ohmae (1993) na, “The ultimate goal to emanate from capitalism is to

raise the standard way of living for everyone”. (Hindi ako nangopya sir ng perspective,

nabasa ko lang to pagkatapos ko ng ma.draft ang term paper ko. :D)

Marahil naging malabo ang aking papel sa pagpapaliwanag kung paano tatakbo

ang aking bagong perspektibo, ngunit nais ko lang ipakita na, marami pa ang

posibilidad na magbago ang panahon sa usaping politika. At hindi ito magtatapos sa

ideya ng kapitalismo.