14
Ateneo Entablado presents its 30th Season Opener: Mutya Ateneo ENTABLADO (Enterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan at DiyOs) opens its 30 th Season with the production Mutya, featuring a twinbill of Tomas Remigio’s “Mga Santong Tao” and Al Santos’ “Ang Sistema ni Propesor Tuko,” both comedies, at the Rizal Mini Theater from July 4 to July 20, 2012. As ENTABLADO’s celebrates its 30 years of producing socially relevant productions and projects, it restages these two classic comedy productions that played a big part in Ateneo ENTABLADO’s history. Mga Santong Tao is a play about the couple Titay and Ambrosio and their plan to deceive the three powerful men in the society—the kura, the sakristan mayor, and the piskal for money. The story would unfold into the realization of Titay’s plan by using their desires to her own advantage. Ang Sistema ni Propesor Tuko is a comedy play that criticizes the rustic educational system in the Philippines. It is set in the classroom of Propesor Tuko where his four students, Bubbles, Ningning, Bonjing and Kiko try to learn despite Propesor Tuko’s decrepit and dictatorial teaching methods. The story would show how the students would work together to put a stop to Propesor Tuko’s “system that has been tested for years.” Mga Santong Tao (People As Saints) is a drama in one act, written by Tomas Remigio in 1901. It was staged in 1975 by the Tanghalang Kabataan under the direction of Tony Mabesa, in 1977 by the University of the Philippines (UP) Kompanyang Samutsari under the direction of Jorge Hernandez, in 1983 and in 1990 by the UP Anak-Tibawan under the direction of Rene Arambulo at the Little Theater of the Rizal Hall. This play in 17 tagpo or scenes tells the story of a couple in their comic revenge on the powerful men in town. The wife was falsely accused by these powerful men because she refused to their desire on her. The couple agreed on a plan of revenge. The wife made each of these powerful men pretend as a saint in their room as she hid each of them from the husband which was a part of their plan to revenge. Ang Sistema ni Propesor Tuko (Professor Gecko's Way) is a play in one act, written by Al Santos in 1980. It was first staged on 7 Feb 1980 by the Philippine Educational Theater Association (PETA) at the Dulaang Raha Sulayman in Front of Santiago, Manila. The original Filipino version was published in

Mutya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mutya

Ateneo Entablado presents its 30th Season Opener: Mutya Ateneo ENTABLADO (Enterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan at DiyOs) opens its

30th Season with the production Mutya, featuring a twinbill of Tomas Remigio’s “Mga Santong Tao” and Al Santos’ “Ang Sistema ni Propesor Tuko,” both comedies, at the Rizal

Mini Theater from July 4 to July 20, 2012.

As ENTABLADO’s celebrates its 30 years of producing socially relevant productions and projects, it restages these two classic comedy productions that played a big part in Ateneo

ENTABLADO’s history.

Mga Santong Tao is a play about the couple Titay and Ambrosio and their plan to deceive the three powerful men in the society—the kura, the sakristan mayor, and the piskal for

money. The story would unfold into the realization of Titay’s plan by using their desires to her own advantage. Ang Sistema ni Propesor Tuko is a comedy play that criticizes the rustic educational system in the Philippines. It is set in the classroom of Propesor Tuko where his

four students, Bubbles, Ningning, Bonjing and Kiko try to learn despite Propesor Tuko’s decrepit and dictatorial teaching methods. The story would show how the students would work together to put a stop to Propesor Tuko’s “system that has been tested for years.”

Mga Santong Tao (People As Saints) is a drama in one act, written by Tomas Remigio in 1901. It was

staged in 1975 by the Tanghalang Kabataan under the direction of Tony Mabesa, in 1977 by the

University of the Philippines (UP) Kompanyang Samutsari under the direction of Jorge Hernandez, in

1983 and in 1990 by the UP Anak-Tibawan under the direction of Rene Arambulo at the Little Theater of

the Rizal Hall.

This play in 17 tagpo or scenes tells the story of a couple in their comic revenge on the powerful men in

town. The wife was falsely accused by these powerful men because she refused to their desire on her.

The couple agreed on a plan of revenge. The wife made each of these powerful men pretend as a saint in

their room as she hid each of them from the husband which was a part of their plan to revenge.

Ang Sistema ni Propesor Tuko (Professor Gecko's Way) is a play in one act, written by Al Santos in

1980. It was first staged on 7 Feb 1980 by the Philippine Educational Theater Association (PETA) at the

Dulaang Raha Sulayman in Front of Santiago, Manila. The original Filipino version was published in the

PETA-KE Script Series 2 in 1983. The English translation was published in Nicanor G. Tiongson

(ed), Modern ASEAN Plays: Philippine , Manila: ASEAN COCI, 1992.

This light dramatic and spirited humor play portrays the system and absurd techniques of a professor who

reveals colonial mentality as he adores Sharespeare and views history through Western eyes. The story

is stressed on the attack on imperial powers and the oppressive. Thus, this play ends in a disagreement

of the students and teachers who want to help this professor improve and update his absurd system.

Page 2: Mutya

Review of Ang Sistema ni Propesor Tuko: the perils of unbridled   improvisation Ang Sistema ni Propesor Tuko (Professor Gecko’s Way) is a one-act play written by

Alfredo Santos in 1980. This hybrid of a dramatic and spirited humor play portrays the

system and techniques of a professor who unconsciously revels in his colonial mentality,

adoring Shakespeare and viewing history through Western eyes brought about by his

obsolete college education. His four students, Kiko, Babols, Ningning and Bondying are

caught in the wall-less classroom of Propesor Tuko learning from their teacher and in

turn teaching their professor a lesson he’ll never forget.

The play attacks imperial powers and the oppressive system that is pervasive in the

education during the 80s. However, despite it being written thirty years ago, the play

remains relevant; it unfailingly inspired chuckles from the audience not only for the

slapstick but also for the  subtle and obvious bitter parody of the Philippine educational

system.

http://johnryanrecabar.wordpress.com/tag/ang-sistema-ni-propesor-tuko/

Ang Sistema ni Propesor Tuko--Sa Punto de Bista ng Isang Dayuhan

Para sa mga dayuhan, palaging mahirap at nakakatuwang karanasan ang panonood ng isang dulang inilabas sa wikang lokal. Mahirap dahil hindi masyadong naintindihan ang mga idyoma at biro na pinagtawanan ng mga lokal; nakakatuwa dahil maaaring matuklasan ang mga bagay na di-maaaring matuklasan ng mga lokal, kung manood sa kakaibang punto de bista bilang isang dayuhan.

Kuhang larawan ng Ang Sistema ni Propesor Tuko

Page 3: Mutya

Sa katotohanan, kung walang mga nakakatawang usapan at mapagmalabis na pagpapalabas ng

mga tauhan; kung walang mga basura at karton na bumubuo ng tagpong parang kaiskwateran; kung

hindi natatangi ang kanya-kanyang katangian nina Propesor Tuko, Ningning at Bondyin, ang dulang

ito ay sigurong isa pang istiryotipo hinggil sa tunggalian sa pagitan ng mga estudyante at guro na

walang pag-aalinlangang natapos sa pagpapalit ng mga estudyante ang lumang sistema ng guro.

Dahil sa elementong nakakatawa, ilohikal at ridikuloso, tila masyadong kaakit-akit ang dating

karaniwang kuwento. Sinasabing ito ang pamamaraang ginagamit ng mandudula upang makamit

ang "estranging" o "defamiliarizing" ng realidad sa loob ng paaralan.

Ang sistema ni Propesor Tuko ay isang sagisag ng lumang relasyon sa pagitan ng guro at mga

estudyante. Sa sistemang ito, ang mga estudyante ay purong tagatanggap ng anumang sinasabi ng

guro. Wala silang kalayaang pumili kung ano ang gusto nilang aralin; wala rin silang kapangyarihang

ipinahayag ang sariling isipang kakaiba. Inaapi sila sa harap ng manlulupig o guro na siyang

tinataguriang "necrophilic" ng ilang dalubhasa, na ang ibig sabihin ay ang mga kaalaman na

natuturo ng mga guro ay patay na at di-bagay sa makabagong panahon at kapaligiran. Ngunit kung

may pagkaapi, palaging may paghihimagsik. Sa wakas, binasag ng mga estudyanteng sina

Ningning ang sistema ni Propesor Tuko sa kanilang sariling paraan. Pero sa tunay na pamumuhay,

hindi gaanong madaling nababago ang lumang sistemang pang-edukasyon ng isang bansa kasi

nag-uugat ito sa kultura at ideolohiya nang matagal. Halimbawa ay sa Tsina, noong nakaraang ilang

dekada, "examination-oriented" ang sistemang pang-edukasyon na kinaligtaan ang pag-unlad ng

praktikal na kakayahan ng mga estudyante. Marami ang ginawa ng pamahalaan upang palitan ito ng

"quality-oriented" na sisitema. Pero pagkatapos ng dekadang pagsikap ay hindi pa lubos na

naganap ang iyong pagpaplit.

Ang lahat na panitikan ay historikal kasi ang pagkakasulat at pagkakabasa nito ay di-maiwasang

may kaugnayan sa kasaysayan. Kaya may dobleng perspektibo sa pag-unawa ng panitikan: sa

kasaysayan ng pagkakasulat nito at sa kasaysayan ng pagkakabasa nito. Ang dulang ito ay sinulat

ni Al Santos noong 1980 kung kailan namahala si Marcos sa bansa sa pamamagitan ng Batas

Militar. Naging tahimik ang panitikan dahil mahigpit ang sensura. Samantala'y umusbong rin ang

kamalayang panlipunan at nasyonalismo na siyang nakikita sa itong dulang absurdo. Mula kay

Propesor Tuko ay natuklasan ang naiiwang kaisipang kolonyal sa panahon ng mga Amerikano

sapagkat hinangaan niya ang mga akda ni Shakespeare at tiningnan niya ang kasaysayan sa

perspektibong kanluranin. Inatake ang ganitong kaisipang kolonyal ng mga estudyante na siyang

larawan ng mandudula mismo at iba pang kabataang manunulat na tinawag na Modernista sa

panahong iyon. Sinulat nila ang mga akda katulad ng Ang Sistema ni Propesor Tuko upang ipakita

Page 4: Mutya

sa madla ang mga problemang panlipunan at ang solusyon nito. Subalit umiiral pa rin ang mga

problema sa lipunan sa kasalukuyan at lalo pa lang pinalubha. Sa isang banda, lubos na kanluranin

ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas ngayon; naniniwala ang mga edukadong Pilipino na

mas mahusay ang panitikan sa Ingles at pakikipag-usap gamit ang wikang ito. Sa ibang banda, unti-

unting nawawala ang kahalagahan ng pambansang wika at iba pang wika; marhinalisado ang mga

panitikang palipat-dila na ang ilan ay naghihingalo o namamatay na. Kaya mayroon pa ring

kabuluhang monood ng dulang ito sa kasalukuyan para sa mga kabataan sa Pilipinas.

Kuhang larawan ng TV drama "Hudhud"

Kuhang larawan ng dulang "Darangen"

May isang sasabihin sa Tsina, "of the nation, of the world." Hindi ko sinabi na maling-mali ang

pagtanggap ng Pilipinas ng mga materyal at kaisipan mula sa kanluran; may kapakinabangan nga

ang mga ito. Ngunit bilang isang dayuhang nag-aaral ng Filipino at kultura ng Pilipinas, nabigo ako

sa realidad na hindi gaanong pinahalagahan ang katutubong wika at kultura ng mga Pilipino. Sinabi

ng marami na ang Tagalog na ginamit ko ay mas malalim kaysa sa kanila; sabi rin nila na hindi nila

alam kung ano ang Hudhud, Darangen at iba pang pamana ng mga katutubong ninuno na siyang

Page 5: Mutya

dapat tunay na ipagmalaki ng bawat Pilipino. Sayang! Nasaan sina Ningning at Bondying? Sino ang

babasag ng lumang sistema? Maghihintay ako at makikita ito.

http://filipino.cri.cn/501/2009/08/10/2s82101.htm

ANALYSIS PARA SA FIL 11 (tumblr)MGA SANTONG TAO ni Tomas Remigio                                            

Ang dulang ito ay nailimbag nang taong 1901. Medyo matatagal na panahon na rin, mahigit kumulang 111 taon na ang nakalipas. Kung pagbabasehan natin ang kasaysayan ng may-akda, masasabing ideyal ang dula. Unang-una, ito ay dahil, nasa working class si G. Remigio. At alam naman natin na ang mga burges ang siyang nagpasimula at nag paglaganap ng konsepto ng modernong kasulatan. Medyo may kababawan nga lang na basehan ang nasabi, sapagkat hindi lang nama ang burges ang may karapatan magsulat. Pero, para sa akin, kung di mo papanooring ang dula at alam mo lamang na nasa working class si G. Remigio, masasabi mong ideyal ang kanyang mga gawa. Base na rin sa aking pananaliksik, si G. Remigio ay isang dating Katipunero, kaso nga lang, siya ay kumalas dahil sa di pagkakaunawaan at tumamatag ng sariling grupo na tinawag niyang Binhi ng Payapa. Dahil naman dito ay maiuugnay sa liberal ang kanyang mga kaisipan, na siyang magsasabi na moderno ang pagkakalahad ng kanyang dula. Sa kabila nito, masyadong payak na kadahilanan ang pinanggalingan ni G. Remigio para masabi kung ideyal o moderno ang kanyang dulang Mga Santong Tao.Sa kabuuan ang dulang Mga Santong Tao ay nagpapakita ng parehong element ng romantisismo at modernong istraktura.

Unahin natin ang ideyal:

Mahirap lamang sina Titay at Bosiong ngunit masaya sila. Ito ay isang manipestasyon ng kagandahan ng buhay kahit mahirap lamang sila. Pareho sila nagsisikap at pareho silang masaya sa kalagayan nilang dalawa. Kahit anong hirap ang danasin nila, malalampasan nila ito.

Ang mga salitang ginagamit nila ay kung baga, perpekto at hindi baku-bakong tagalog o ingles. Gumagamit sila ng malalalim na salitang Filipino. Pwede nating masabi na ipinapakita dito na sumusunod siya sa mga itinakdang standards, katulad na lamang ng mga tradisyunal na tula na may sakong sukat, tugma, atbp.

Dinakila sa dula ang pag-ibig. Mahal na mahal ni Titay ang kanyang asawa na si Bosiong at hindi niya ito kailanman pagtataksilan. Kaya pareho sila gumawa ng paraan para matakasan ang 3 manliligaw ni Titay. Na siyang naging matagumpay. At sa kahulihulihan ay nagtagumpay sila at masaya silang lahat. All that’s well, ends well, ika nga sa Ingles.

Para naman sa liberal:

Ipinakita sa dula ang pagtatagumpay ng isang babae. Ayon na rin kay G. Tenorio, isa itong manipestasyon ng pagiging moderno nang dula. Karaniwan kasi lalake ang namamayani sa huli. Siya ang malakas at magaling. Sa dulang ito ay ipanakita ang katusuhan at katalinuhan ng pangunahing tauhan na si Titay, na siyang nagdala ng tagumpay sa dalawa.

Page 6: Mutya

Ipinapakita dito ang katotohanan na may mga anomalyang nangyayari sa simbahan. Ang kura ay bumabawas sa pondo ng simbahan at ginagamit ito sa pansariling interes.

Sa kabubuuan, para sa akin, mas lumalabas ang tradisyunal na mga element ng dula kaysa sa moderno. Yun lang. Bow.

ANG SISTEMA NI PROPESOR TUKO ni Al Santos

Sa dulang ito, kagaya ng nauna, ipinapakita din ang parehong aspeto ng moderno at tradisyunal na tula. Makikita ang pagiging tradisyunal nito sa pa mga manipestasyon na:

Binigyan ng mga isteryotipiko ang mga mag-aaral. Si Kiko, isang nerd at teacher’s pet. Si Bodying, isang bobong estudyante. Si Bubbles, isang bully. Si Ningning, di ako sigurado. Haha. Makikita naman sa Propesor ang pagiging tradisyunal niya mismo. 32 taon niya nang ginagamit ang bulok niyang sistema na hindi umuubra.

Sa modernong konteksto naman

Taong 1980 nang nagawa ang dula. Masasabi natin gamit ito, na may halo nang liberal na kaisipan ang akda. Sa tingin ko ay saklaw parin ito ng Martial Law, at pilit na kumakalas ang mamamayan sa control ng president.

May pagka-casual ang salitang ginamit sa dula. Halong ingles rin at Filipino ang ginamit na wika sa kabuuan ng pagtanghal. Ito ay halos kabaliktaran ng nauna na “perpektong” ayos ng wika ang ginamit.

Sa huli ng dula ay ipinakita ang pagkawala ng samahan sa sistema na pilit na itinataguyod ni Propesor Tuko. Isang katangian ng liberal na akda ang paglaya sa kung anumang pumipigil sa kanya. Ipinakita ito sa dula at siyang nagbibigay dito ng liberal at modernong konteksto.

SA KABUUAN

Mas lumilitaw ang modernong kaisipan sa pangalawang dula, at tradisyunal naman sa unang dula. Sa kabila nito, pareho silang nagpapakita ng elemento ng isa’t isa

http://www.tumblr.com/tagged/enta30#enta30

PLOT NG MGA DULA (tumblr)

Mga Santong Tao (ni Tomas Remigio):

Ang unang dula na ito ay sumasailalim sa modernong uri ng panitikan.

PLOT:

Page 7: Mutya

Sa pagnanais ni Titay na maka-angat sila ng kanyang asawang si Ambrosio(na isang iskulptor ng mga istatwang santo), napag-isipan niyang gamitin ang maitim na pagnanais sakanya ng ilang makapangyarihang mga katauhan sa lipunan kinabibilangan ng kura, sacristan mayor at piskal upang makakuha ng salapi.

Makikita natin na sa daloy ng kwento ay ipinapakita ang realidad ng…

-Kahirapan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila

-Karahasan at kababaan ng moralidad ng mga tao sa lipunan.

(e.g. Pagkuha ng kura ng koleksyon ng simbahan para ipambayad kay Titay, pagbenta ni Titay ng kanyang sarili, panloloko ni Titay sa kura, sakristan mayor at piskal, pagpayag ni Ambrosio sa balak ni Titay)

-Kapangyarihan ng salapi sa lipunan; minsan ay mas mahalaga pa ang salapi kaysa sa moralidad, dahil sa hirap ng buhay.

TEMA:

Feminismo, karahasan at kahirapan

-Nagtapos ang dula sa paghalakhak ni Titay. Batay sa ating talakayan sa klase, ito ay isang allusion sa “Medusa’s Laugh”, na nagging hudyat ng feminismo sa lipunan.

-Modernong panitikan ang dula sapagkat ipinamulat na may kapangyarihan din ang kababaihan sa lipunan sapagkat may kakayahan silang sumamantala ng kabastusan ng kalalakihan.

-Moderno rin ito sa kadahilanang, totoong nangyayari na ang kalalakihan ay nagiging “mahina” dahil sa babae.

-Malaking salik ang kahirapan sa daloy ng kwento ng dulang ito. Masasabing pumasok ang modernismo ng tula dahil ipinakita nito na dahil sa kahirapan ay bumaba ang moralidad ni Titay.

Ang Sistema ni Propesor Tuko (ni Al Santos):

Sumasailalim pa rin sa modernong uri ng panitikan.

PLOT:

Umiikot ang dula sa klase ng 4-BLUE ni Propesor Tuko. Ito ay isang dulang katatawanan. Ang mga pangunahing tauhan ay sina Bubbles, Bonjing, Kiko at Ningning, na bagama’t mga pasaway sa klase ay nais lamang makasundo ang guro upang mabago ang bulok niyang sistema. Sa katapusan ng dula ay naabot ang layunin ng kabataan.

-Ipinakita sa dula ang kahirapan ng buhay kung saan ay sa liit ng sweldo, ang propesor ay napilitang mamasukan sa higit sa isang trabaho.

-Hindi ipinalabas sa dula ang tipikal na ideyalistikong mag-aaral, ipinakita ang tunay na mga iba’t ibang uri ng mga mag-aaral.

Page 8: Mutya

-Naipakita rin sa dula na ang mga guro at administrasyon ng isang paaralan ay hindi naman palaging nagkakasundo.

(e.g. Maging si Propesor Tuko ay sang-ayon na sayang lamang sa oras ang pagpunta sa paliparan upang sumalubong ng mga dayuhan)

SET/TAGPUAN:

Sa isang silid-aralan na aakalain mong nasa loob ng isang dump site

-May eksaherasyon ang karumihan ng silid-aralang nagsilbi bilang tagpuan nila, ngunit isa itong symbolismo na representasyon ng bulok na pamamalakado sistema ni Propesor Tuko. Ngunit kahit pa eksaherasyon ang  ipinakita sa dula, sa totoong buhay ay tunay na mayroong mga silid-aralang hindi maayos. Sa ilang mga pampublikong paaralan ay kulang kulang ang mga upuan o kung di kaya ay sira. Marami rin, lalo na sa mga probinsya, ang mga silid-aralang na madalas masira dahil sa mga bagyo at baha. Ito ay nagpapakita ng modernismo: hindi lahat ng silid-aralan ay idealistiko para sa pag-aaral.

http://www.tumblr.com/tagged/enta30

#enta30

Tradisyunal ba o moderno ang dalawang dula? Patunayan gamit ang mga elemento ng naratibo at pagtatanghal.Ang dalawang dulang pinanood ay ang “Mga Santong Tao” ni Tomas Remigio at “Ang Sistema ni Propesor Tuko” ni Al Santos. Maraming maaring pag-basehan para sabihin kung moderno ba o tradisyunal ang isang akda. Para sa dalawang dulang ito, tinignan ko ang tagpuan, tauhan, ang tema, at ang mismong balangkas ng kwento.

Sa unang dula (Mga Santong Tao), kapansin-pansin ang pagka-tradisyunal ng tagpuan (set), kasuotan at pangalan ng tauhan ng dula. Pati na rin ang paraan nila ng pagsasalita, ay masasabing tradisyunal dahil sa kaayusang taglay ng kanilang mga linya. Ngunit sa pag-usad ng kwento ng dula, unti-unti kong napansin ang pagka-moderno ng pag-iisip ng bidang babaeng si Titay. Para sa akin, ang mga pangyayari sa dula ay mas nagpakita ng modernong pag-iisip kaysa sa tradisyunal, dahil sa pagiging ‘liberated’ ni Titay at pati na rin ng kanyang mga manliligaw. Sa pagkakaalam ko, hindi katanggap-tanggap ang ganoong kalibog na pag-uugali noong unang panahon. Noong unang panahon kasi, mahigpit ng lubos ang matatanda at ang lipunan. Tradisyunal man ang panahong ginamit sa dula, ang pag-iisip ay masasabing moderno. Ang pagtatrabaho ni Ambrosio para sa kanila ni Titay, pati na rin ang mga kasangkapang ginamit sa dula, ay di-mapagkakailang isang tradisyunal na aspeto. Ngunit sa kadulu-duluhan, ay masasabi ko parin na moderno ang kabuuang ideya ng dulang ito, dahil na din sa nangyari sa may wakas na tila paglilinlang ni Titay at Ambrosio sa tatlong matatandang babae na bumisita sa kanilang tahanan.

Sa pangalawang dula naman (Ang Sistema ni Propesor Tuko), ay naramdaman ko naman ang kabaliktaran. Ang silid-aralan kung saan naganap ang buong dula, ay isang pangkaraniwang silid-aralang nakikita na sa panahon ngayon, at ang kanilang pagsasalita ay angkop na din sa panahon natin ngayon. Pati na rin ang kasuotan at pangalan ng mga tauhan ay makabago na, di tulad ng sa unang dula. Sa pag-usad ng

Page 9: Mutya

kwento nito, ay napansin ko naman na higit na tradisyunal ang sistema ni Propesor Tuko. Ang gusto ni Propesor Tuko ay ang mga ideyal at klasiko, tulad nalang ni Shakespeare at iba pang romantikong “lite~RA~ture”. Pati na din ang mga parusang inihahatol si Propesor Tuko sa kaniyang mga estudyante ay tradisyunal. Kasama na rin sa tradisyunal na aspeto nito ang kapansin-pansing colonial mentality ni Propesor Tuko. Di man ito galing sa higit na makalumang panahon, masasabi paring tradisyunal ang mga paraan ng pagututuro ni Propesor Tuko. May kaunting aspeto na rin ng pagiging patriyarkal ang kwento dahil sa pagdodomina ni Propesor sa kaniyang mga estudyante.  Ang mga estdyanteng sina Bubbles, Kiko, Ning-ning, at Bonjing naman, ay moderno ang pag-iisip. Gusto nila ng makanibagong pagtuturo at Gawain sa eskwela, at higit silang naniniwala sa demokrasya.

http://fil11.tumblr.com/

ANALYSIS PARA SA FIL 11 (tumblr)

Noong Hulyo 18, 2012, ako ay nanuod ng dula na nangangalang Mutya para sa Filipino. Ang Mutya ay nahahati sa dalawang dula: “Mga Santong Tao” ni Tomas Regio at “Ang Sistema ni Propesor Tuko” ni Al Santos. Masasabi kong nagpapakita ng parehong tradisyunal and modernong aspeto ng panitikan ang dalawang dula.

Sa unang dula, “Mga Santong Tao,” mapapansin na ito ay isang pangyayari sa panahon ng Kastila. Para sa akin, ito ay isang tradisyunal na anyo ng panitikan  hindi lamang sa panahon ng kinasasaklawan ng dula, kundi ang mga ibang elemento rin tulad ng pananalita ng mga tauhan sa dula at ang kanilang mga kasuotan (konserbatibo). Patula manalita ang mga tauhan sa dula, gaya nina Titay, Ambrosio atbp. Gumamit sila ng mga iilang salawikain/sawikain sa kanilang pag-uusap. Tradisyunal din ito dahil sa pagpapahalaga sa babae, lalo na kay Titay. Siya ay binibigyan halaga dahil siya ay mayroong kapangyarihang mangimpluwensiya ng mga lalaking tauhan sa dula. Siya ay nakakakuha ng pera dahil dito. Ngunit, ito rin ay nagtataglay ng modernong pag-iisip o aspeto. Si Titay ay gumagawa ng sarili niyang desisyon at ito ay nagpapakita ng malayang pag-iisip. Noong unang panahon, ang mga babae ay hindi ganito umasta at sila’y sumusunod lamang sa dapat nilang gampanan bilang babae noong panahon na iyon. Isa pang bagay

na mayroong modernong aspeto ay ang “humor” nung dula. Moderno na ang “humor” na ipinakita ng dula kaya masasabing nabibilang din iyon sa aspeto na iyon. Ang unang dula, “Mga Santong Tao,” ni Tomas Regio ay tradisyunal na may halong modernong aspeto ng panitikan.

Sa ikalawang dula, “Ang Sistema ni Propesor Tuko,” hindi maikakala na ito nga ay isang modernong anyo ng panitikan. Ang panalita ng mga tauhan ay may halong Ingles at mayroon din silang malayang pag-iisip. Gaya ng sabi ni Propesor Tuko, na puwede sila maghayag ng nais nilang sabihin sa klase. Ito rin ay moderno dahil ang mga usapin ng mga tauhan sa kwento ay tungkol sa modernong panahon, tulad ni Charice Pempengco, atbp. Noong sinaunang panahon, hindi pa pinag-aaral ang mga babae at sa dulang ito, makikita na mayroon nang mga babaeng mag-aaral; isang elemento na nagpapakita ng pagka moderno nito. Ngunit, gaya noong unang dula, may halo rin itong tradisyunal na aspeto ng panitikan. Doon sa pisara, may nakadikit na “Cleanliness is next to Godliness,” at ito ang “motto” ni Propesor Tuko sa kaniyang mga estudyante. Lagi rin niya tinitignan kung malinis pa

ang mga kamay ng kaniyang estudyante. Nagpapakita ito ng ideyal na perspekto at pagtingin sa buhay dahil nais lagi ni Propesor Tuko na maayos ang lahat ng bagay at ganun ang kaisipan na ideyal. Meron din kakaunting pagpapakita ng pagka romantiko sa pamamagitan ng pagbahagi ng iilang linya sa “Romeo at Juliet” ni William Shakespeare. Ang

Page 10: Mutya

pangalawang dula, “Ang Sistema ni Propesor Tuko,” ni Al Santos ay isang modernong uri ng panitikan na may halong tradisyunal na aspeto ng panitikan. 

Marami akong natutunan sa dalawang dula ng Mutya, at mas lalo ko nang naiintindihan kung ano nga ba ang tradisyunal at modernong panitikan. 

http://athousandgoldensuns.tumblr.com/

Mutya: Romantiko o Realistiko?“Ang Santong Tao” ni G. Tomas Remigo ay mayroong element ng romantiko and realistiko panitikan. Naipaghalo niya ang mga katangian ng dalawang uri ng panitikan. Sa aspeto ng romantikong panitikan, pinakita ng dula ang ideyal na buhay nung panahon ng Kastila kung saan naniniwala sila na ang lalaki ang dapat sumuporta sa pamilya. Ang tradisyunal na pagiisip na ang lalaki ang bubuhay sa pamilya ay makikita sa katauhan ni Ambrosio ang asawa ng bidang babae na si Titay. Nagtapos din ang kwento na nakamit nina Titay at Ambrosio ang kanilang planong biguin ang tatlong manliligaw ni Titay. Sa aspeto ng realistikong panitikan, ang kapangyarihan ni Titay sa mga tauhan ng dula at ang kanyang huling tawa sa katapusan ng dula ay sumisibolo sa liberasyon ng kababaihan at ipinapakita ang bagong kaisipan na ang babae ay singpantay sa mga lalaki. Ang pagplano ni Titay na dayain ang kanyang manliligaw para malutas nila ang problema nila sa pera ay pinapakita na kaya ng babae gawin ang mga tungkulin ng lalaki. Isang katotohanan din na malinaw na itinanghal ay ang ugali ng mga kura, sakristan at piskal noon. Lalo lalo na ang kura, sa panahon ng Kastila, ay nagpakita ng  maling kaugalian sa mga babae saan paraan ng hindi pagrespeto dahil naniniwala sila na mas makapangyarihan sila sa mga babae.

Kagaya ng unang dula, “Ang Sistema ni Propesor Tuko” ni Al Santos ay mayroon din element ng romantikong panitikan  at realistikong panitikan. Nakita sa dula ang kahirapan ng mga estudyante gamit ang disenyo ng set at sa mga kwentong inilahad ng mga tauhan. Hindi lang ang estudyante ang nakaranas ng kahirapan, pati na rin ang kanilang strictong guro na si Propesor Tuko ay kailangan magtrabaho ng dalawang trabaho para mabuhay. Makikita din natn ang bulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas kung saan hindi nagiiba ang tinuturo ng mga guro at ang kakulangan ng kwalipikadong mga guro na may abilidad na turuan ang mga bata. Ang mga rason na ito ay ang dahilan kung bakit ang mga estudyante ay nahihirapan kapag mas tumatanda sila at epekto nito ay ang kahirapan nila makaintindi o makakuha ng trabaho. Ito ang mga realistikong situwasyon na ipinapakita ng dula ngunit mayroon din na makikita na sitwasyon kung saan papasok ang romantikong pagiisip. Ang mga bidang tauhan ay dumaan sa kahirapan na dinulot ni Propesor Tuko ngunit sa huli ay natagumpay din sila na baguhin ang istilo ng pagtuturo ni Propesor Tuko. Nag tapos ang lahat sa masayang katapusan.

Ang dalawang dula ay talagang naipaghalo ang mga katangian ng romantiko at realistiko na panitikan.

http://www.tumblr.com/tagged/para-kay-sir-jet-tenorio

Page 11: Mutya

ANALYSIS PARA SA FIL 11 (tumblr)Ang Mutya ay binubuo ng dalwang dula, kasama na dito ang Santong tao   at ang Sistema ni Propesor tuko. Ayon sa sanggunian mula WikiPililinas(2012), ang Santong tao ay dula na ginawa ni Tomas Remegio noong 1901 habang ang Sistema ni Propersor Tuko ay kay Al Santos noong 1980. Galing dito pa lang, ay magagawan na ng  konlusyon na ang anyo nito ay napapagilid sa tradisyunal at modernong panitikan ayon sa pagkabanggit.

Sapagkat, ang tradisyunal na panitikan ay sa aspektibong pandaigdig ay napapaloob sa panahon bago sa rebolusyon. Kung kailan  ang isip ng tao ay naayon sa patriyarkal at romatiko. Sa madaling salita, ang mga babae ay itinuturing na iba sa lipunan. Kung ihahawig natin sa Santong Tao, si Titay bilang asawa ni Ambrosio ay ginawa lamang bilang isang kasangkapan upang magawa ang kanilang gusto. At lalong pinalala ito sa Gawain sapagkat napapalibot ito tungkol sa pagtatalik at magmamalandi ng mga iba’t ibang santong tao at kapalit naman nito ay pera. Ngunit ito ay isang bitag lamang, hindi pa rin mapapabayaan ang punto kung saan itinuturing lamang ang babae bulang isang laruan. Bukod dito, ay may naipapakita rin ang mag-asawa ukol sa pagpapahalaga sa romantiko. Kung ito’y pag-isipan, ay sa halip na sila’y makipaglabanan sa isa’t isa, naghanap sila ng paraan na nakakbuti sa kanilang dalawa at sa proseso ay mahuhuli din ang mga santong tao. Dito naipapakita ang anyong tradisyunal sa dualng ito.

Samantala, ang Sistema ni Propesor Tuko ay mas nakakalapit sa modernong anyo. Ito’y, sa una una nilikha sa taong 1980, ibig sabihin, na ito’y nangyari sa panahong transisyon sa gitna ng rebolusyon kay Marcos at daan papunta sa bagong lipunan sa ilalim ni Ninoy Aquino. Ngunit kung isiping muli, ay ang batayan ng rebolusyon ay ang digmaang Espanya-Amerika. Sa kahulihan ay ang kaisipan sa panahong ito ay nakakapalibot na sa isipiang kalayaan. Kung pag-aralan natin ang nangyari sa dula, ay si Propesor Tuko ay maihahawig sa simula bilang diktador na hindi nakikinig sa kanyang mga estudyante dahil ang isip niya ay siya ang palaging tama. Ngunit, sa bandang huli, naghanap ang mga estudyante ng paraan upang mapakita kay Propesor Tuko ang kanyang mali. Pero ang pinakamahalagang kaisipan dito ay ang sistema ng imperyalismo patungo sa pag-aalsa ng mga estudyante.

Ang nakaganda din sa mga dulang ito’y ang pagpapakita ng pagkataong mga aralin. Subalit an agn unang dula ay medyong may pagkabastos, pinapakita ang kasabihang: “If there’s a will, there’s a way”. Ang nakalagay na pelikula na nakasama sa textong ito ay isa sa mga maikling pelikula na  ginawa ko bilang pagpapahalaga sa mga panitikan.

http://www.tumblr.com/tagged/mga+santong+tao