9
EDITORYAL M istulang inendorso ni Pres. Rodrigo Duterte ng GRP ang sama- samang mga pagkilos kamakailan ng mga magsasaka at mang- gagawang bukid para angkinin ang kanilang lupa nang magban- ta siya sa mga "oligarko" na, kung matapos nang tatlong buwan ay hindi sila magbabayad ng buwis, mananawagan siya sa bayan na sakupin ang kanilang mga lupain. Nasa kay Duterte ang pagpapa- tunay na hindi hungkag ang kanyang mga salita. Dapat niyang isagawa ang kongkretong mga hakbang upang ipakita na hindi siya sumasakay la- mang sa hinaing at hangarin ng ba- yan. Sa harap ng kabi-kabilang mga pakikibakang magsasaka sa buong bansa, dapat niya itong pangatawa- nan hindi matapos ang tatlong bu- wan kundi kaagad-agad. Dapat pangalanan at tukuyin ni Duterte ang binabatikos niyang mga oligarko at ang mga lupang pampub- liko na iligal nilang sinasakop. Dapat rin niyang matanto na ang usapin ng tunay na reporma sa lupa ay hindi nalilimita sa mga pampublikong lupa. Ito ay usapin ng pagpapalaya sa milyun-milyong magsasaka mula sa pang-aaping pyudal at malapyudal sa pamamagitan ng pagbabaklas ng mga monopolyo sa lupa ng malala- king asyenda at plantasyon. Karami- han sa mga ito'y hindi lupang pam- publiko kundi mga malalawak na lu- paing agrikultural na pwersahang inagaw mula sa masang magsasaka. Sa ngayon, hindi nakikita ng ma- sang magsasaka na ginagamit ni Du- terte ang kanyang kapangyarihan para kongkretong tulungan ang ka- WALUMPU'T APAT na armas ang nakumpiska ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula sa mga ak- syong militar nito sa nagdaang dalawang linggo sa mga prubinsya ng Quirino, Cagayan, Iloilo, Bu- kidnon at sa Davao City. Sa Davao City, tatlong mag- kakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng 1st Pulang Ba- gani Battalion (PBB) ng BHB- Southern Mindanao Region noong Abril 29 laban sa mga armadong tauhan at pasilidad ng pangino- ong maylupa-kumprador na pa- milyang Lorenzo. Inatake ng mga Pulang man- dirigma bandang alas-2 ng mada- ling araw ang dalawang pabrika at isang rantso ng Lapanday Foods Corporation. Tatlumpu't siyam na baril ang nakuha mula sa tatlong target na ito, bukod sa iba pang kagamitang militar. Unang inatake ng 1st PBB ang box plant ng Lapanday Foods Corp. sa Brgy. Mandug. Halos ka- sabay nito ay ang pag-atake din ng isa pang yunit ng 1st PBB sa Macondray Plastic Plant na pag- mamay-ari rin ng pamilyang Lo- renzo sa Brgy. Bunawan. Sinila- ban ng mga operatiba ng BHB ang dalawang gusali at mga pasilidad ng Lapanday. Pasado alas-3 nang umaga, nireyd ng isa pang yunit ng 1st PBB ang rantso at planta- syon ng mga Lorenzo sa Brgy. Pangyan sa Calinan District. Ayon kay Ka Rigoberto Sanchez ng BHB-SMR, ipinatupad ng 1st PBB ang hakbangin laban sa kumpanya ng pamilyang Lo- renzo na mahaba na ang rekord

ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

EDITORYAL

Tomo XLVI I I Blg.9

Mayo 7, 2017

www.phi l ippinerevolution. info

Paigtingin ang mgapakikibakang magsasaka

Mistulang inendorso ni Pres. Rodrigo Duterte ng GRP ang sama-samang mga pagkilos kamakailan ng mga magsasaka at mang-gagawang bukid para angkinin ang kanilang lupa nang magban-

ta siya sa mga "oligarko" na, kung matapos nang tatlong buwan ay hindisila magbabayad ng buwis, mananawagan siya sa bayan na sakupin angkanilang mga lupain.

Nasa kay Duterte ang pagpapa-tunay na hindi hungkag ang kanyangmga salita. Dapat niyang isagawaang kongkretong mga hakbang upangipakita na hindi siya sumasakay la-mang sa hinaing at hangarin ng ba-yan. Sa harap ng kabi-kabilang mgapakikibakang magsasaka sa buongbansa, dapat niya itong pangatawa-nan hindi matapos ang tatlong bu-wan kundi kaagad-agad.

Dapat pangalanan at tukuyin niDuterte ang binabatikos niyang mgaoligarko at ang mga lupang pampub-liko na iligal nilang sinasakop. Dapatrin niyang matanto na ang usapin ng

tunay na reporma sa lupa ay hindinalilimita sa mga pampublikong lupa.Ito ay usapin ng pagpapalaya samilyun-milyong magsasaka mula sapang-aaping pyudal at malapyudal sapamamagitan ng pagbabaklas ngmga monopolyo sa lupa ng malala-king asyenda at plantasyon. Karami-han sa mga ito'y hindi lupang pam-publiko kundi mga malalawak na lu-paing agrikultural na pwersahanginagaw mula sa masang magsasaka.

Sa ngayon, hindi nakikita ng ma-sang magsasaka na ginagamit ni Du-terte ang kanyang kapangyarihanpara kongkretong tulungan ang ka-

. . . sundan sa pahina 3

84 na armas,nasamsam ng BHBWALUMPU'T APAT na armas angnakumpiska ng Bagong HukbongBayan (BHB) mula sa mga ak-syong militar nito sa nagdaangdalawang linggo sa mga prubinsyang Quirino, Cagayan, Iloilo, Bu-kidnon at sa Davao City.

Sa Davao City, tatlong mag-kakasabay na armadong aksyonang inilunsad ng 1st Pulang Ba-gani Battalion (PBB) ng BHB-Southern Mindanao Region noongAbril 29 laban sa mga armadongtauhan at pasilidad ng pangino-ong maylupa-kumprador na pa-milyang Lorenzo.

Inatake ng mga Pulang man-dirigma bandang alas-2 ng mada-ling araw ang dalawang pabrikaat isang rantso ng LapandayFoods Corporation. Tatlumpu'tsiyam na baril ang nakuha mula satatlong target na ito, bukod sa ibapang kagamitang militar.

Unang inatake ng 1st PBB angbox plant ng Lapanday FoodsCorp. sa Brgy. Mandug. Halos ka-sabay nito ay ang pag-atake dinng isa pang yunit ng 1st PBB saMacondray Plastic Plant na pag-mamay-ari rin ng pamilyang Lo-renzo sa Brgy. Bunawan. Sinila-ban ng mga operatiba ng BHB angdalawang gusali at mga pasilidadng Lapanday. Pasado alas-3 nangumaga, nireyd ng isa pang yunitng 1st PBB ang rantso at planta-syon ng mga Lorenzo sa Brgy.Pangyan sa Calinan District.

Ayon kay Ka RigobertoSanchez ng BHB-SMR, ipinatupadng 1st PBB ang hakbangin labansa kumpanya ng pamilyang Lo-renzo na mahaba na ang rekord

Page 2: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

Mayo 7 , 2017 ANG BAYAN2

pang inagaw sa kanila tulad saHacienda Looc at Yulo King Ranch.Dapat isulong ang pakikibaka sa mgalupang may “bungkalan” para igiitang kanilang karapatan sa lupa.

Sa mga lugar na nasa ilalim ngkapangyarihan ng demokratikonggubyernong bayan, ipagpapatuloy ngmga rebolusyonaryong pwersa angpagtupad sa minimum at maksimumna programa sa reporma sa lupa. Bi-nubuo sa lahat ng lugar sa kanayu-nan ang Pambansang Katipunan ngmga Magbubukid (PKM) upang buk-lurin ang mga walang lupa o kulangsa lupang mga mahihirap at pang-gitnang magsasaka. Ang PKM at mgakaanib nitong organisasyon ang pa-ngunahing pwersa ng kilusan para satunay na reporma sa lupa. Kasamang Bagong Hukbong Bayan (BHB)inilulunsad nila ang rebolusyong ag-raryo upang ibagsak at wasakin angkapangyarihang pyudal ng mga des-potikong panginoong maylupa at pa-tuloy na itayo at palaganapin angdemokratikong gubyernong bayan saantas baryo, interbaryo o munisipal,distrito pataas.

Bahagi ng pagsusulong ng re-bolusyong agraryo ang paglulunsadng mga armadong hakbangin labansa mga despotikong panginoongmaylupa at mandarambong atmang-aagaw ng lupang mga burge-syang kumprador, katulad ng ini-lunsad ng BHB laban sa mga Lo-renzo. Layunin ng gayong mga hak-bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa angginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala atpang-aapi sa mga magsasaka,manggagawang bukid at mgamanggagawa. Hangga't kakayanin,ilulunsad ng BHB saanman ang mgahakbangin laban sa malalaking des-potikong panginoong maylupa atburgesyang kumprador bilang pag-suporta sa pakikibaka ng masangmagsasaka.

Ipagpapatuloy ng demokrati-kong gubyernong bayan ang pagpa-patupad ng programa sa tunay nareporma sa lupa bilang pagtugon sapangunahing kahilingan at panga-

Editoryal: Paigtingin ang mgapakikibakang magsasaka sa ilalim ngrehimeng Duterte 1

76 na armas, nasamsam ng BHB 1

Pagtanggal kay Gina Lopez, binatikos 4

Dalawang POW, pinalaya 4

Lapanday, salot sa mamamayan 5

Trabaho, disenteng sahod at pabahay 6

Pananakop ng imperyalismo 7

6 na sibilyan, pinaslang ng AFP 8

Kaarawan ni Karl Marx 9

Tomo XLVI I I Blg. 8 | Mayo 7, 2017

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

nilang mga pakikibaka. Hindi pa siyanakikitang nagbibigay ng mapagpa-syang suporta pabor sa mga magsa-saka laluna sa pagharap nila sa mganagmamatigas na malalaking pangi-noong maylupa at may-ari ng plan-tasyon na sumakop sa kanilang lu-pa. Ito ay kahit pa mayroon nangutos ng korte o ahensya ng GRP naisailalim ito sa reporma sa lupa atipamahagi ito sa mga magsasaka.

Nito lamang nagdaang mga ling-go, naging tampok ang inilunsad namga aksyong masa sa mga planta-syong hawak ng Lapanday ng mgaLorenzo sa Davao Norte at saHacienda Luisita ng mga Cojuangco(kasosyo rin ang mga Lorenzo) saTarlac. Kapwa sa Luisita at Lapan-day, hawak ng mga magsasaka atmanggagawang bukid hindi lamangang katwiran, kundi maging ang mgaligal na papeles ng GRP na sumusu-porta sa pag-angkin nila sa lupa.

Nabigo ang mga magsasaka ngLuisita at Lapanday na makapwestosa kanilang lupa. Dismayado sila sakulang na kulang na suporta ni Du-terte. Sa Lapanday, tumunganga la-mang ang lokal na pulis at walang

ginawa sa harap ng 700 armadonggwardya na ginamit ng mga Lorenzopara pigilan silang angkinin ang ka-nilang lupa, kahit pa kasama na nilasi Sec. Paeng Mariano ng DAR. Mgaarmadong gwardya rin ng RCBC anghumahadlang sa pagpasok ng mgamagsasaka at manggagawang bukidsa kanilang lupa sa Barangay Baletesa Hacienda Luisita.

Idinidiin lamang ng mga kara-nasang ito na dapat pag-ibayuhinpa ng masang magsasaka ang kani-lang pakikibaka para sa tunay nareporma sa lupa sa ilalim ng rehi-meng Duterte. Nananawagan angPartido sa masang magsasaka napaigitingin ang kanilang mga paki-kibaka para igiit ang pagbabaklas ngHacienda Luisita at lahat ng iba pangmga asyendang pyudal at mga plan-tasyon. Dapat ring paigtingin angkanilang kolektibong paglaban upangibasura ang lahat ng tinaguriang"agribusiness venture agreement" atiba pang mga iskema na humahad-lang sa mga magsasaka na pusisyu-nan, kontrolin at pakinabangan angkanilang lupa. Dapat rin silang ma-kibaka upang makabalik sa mga lu-

ANG

prwc_info

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

facebook.com/philrevwebcentral

[email protected]

Page 3: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 3

ngailangan ng masang magsasaka. Ang pagsasakatupa-ran ng tunay na reporma sa lupa ang pangunahing dahi-lan kung bakit patuloy na lumalapad at lumalalim angsuporta ng masa sa kanilang rebolusyonaryong gubyer-no. Sa ilalim ng programa sa reporma sa lupa, isinasaka-tuparan ang mga hakbangin para sa libreng pamamahaging lupa saan man ito kakayanin pati na ang pagtatang-gol sa lupaing ninuno ng katutubong mamamayan. Ipi-natutupad rin ang patakaran para ibaba ang upa sa lu-pa, ibaba ang interes sa pautang, itaas ang produksyonat kita ng mga magsasaka. Kaakibat din isinasagawa ang

mga programa para sa literasi at edukasyon, kalusuganat iba pang serbisyong pampubliko.

Ang usapin rin ng tunay na reporma sa lupa at pam-bansang industriyalisasyon ay kabilang sa mga pangu-nahing programa na iginigiit ng NDFP sa pakikipag-usa-pang pangkapayapaan sa GRP. Iginigiit ng mga rebolu-syonaryong pwersa na mabuo ang isang kasunduangmaglalaman ng komun na programa para sa repormangagraryo at mga repormang sosyo-ekonomiko na ipatu-tupad nang magkahiwalay o magkasama sa kani-kan-yang saklaw ng kapangyarihang pampulitika.

ng pang-aagaw sa lupa ng mgamagsasaka at Lumad, at pagsasa-mantala sa mga manggagawa. Nag-kamal ng yaman ang mga Lorenzomula sa matinding pagsasamantalaat pang-aagaw ng lupa sa maramingpanig ng bansa. Ang rantso nito aykanlungan din mga tauhang sangkotsa mga pagpatay sa mga mangga-gawa sa plantasyon.

Nitong Abril 21, binayaran ngmga Lorenzo ang 700 armadong tau-han at kinasabwat ang lokal na puli-sya upang harangin ang ilandaangmagsasaka na kumilos para bawiinang 145-ektaryang lupaing inagawng mga Lorenzo sa Brgy. Madaum,Tagum City. Noong Disyembre 12,2016, pinagbabaril ng mga tauhanng pamilyang Lorenzo ang nagpo-protestang mga magsasaka.

Dagdag pa ng BHB-SMR, walangpakundangang sinisira ng mga kum-panya ng pamilyang Lorenzo angkapaligiran. Inirereklamo ng mgakomunidad sa palibot ng mga plan-tasyon ang talamak na paggamit ngLapanday ng aerial spray at nakala-lasong mga kemikal.

Humingi naman ng paumanhinang BHB-SMR sa pamilya ni LarryBuenafe, ang manininda ng isda naaksidenteng tinamaan sa isina-gawang ambus ng BHB sa nag-respondeng mga sundalo. Naka-handa ang BHB-SMR na magbigayng indemnipikasyon sa pagkamatayni Buenafe.

Sa Mati City, Davao Oriental,walong armas ang nasamsam ngBHB mula sa mga gwardya ngmapaminsalang kumpanyang OroMining Corp. sa Brgy. Macambol

noong Mayo 6, ala-6 ng umaga.Nakuha ang dalawang karbin atanim na shotgun. Kinumpiska atsinira din ng mga Pulang mandi-rigma ang siyam na heavy equip-ment ng kumpanya.

Sa Maddela, Quirino, 10 barilang nasamsam ng BHB sa mata-gumpay na reyd sa municipalstation ng Philippine National Policesa naturang munisipyo noong Abril30, bandang alas-10 ng gabi. Na-matay sa labanan ang upisyal sapaniktik na si PO2 Jerome Cardena.

Sa ulat ng Venerando VillacilloCommand, anim na ripleng M16 atapat na pistolang 9mm ang nakum-piska ng mga Pulang mandirigma.

Anim na sandata naman angnasamsam ng BHB-Cagayan Valleysa pagreyd sa sub-station ng PNPsa Brgy. Annafatan sa bayan ngAmulung West, Cagayan nitongMayo 4, 5:15 ng hapon. Madalingnasukol ng BHB ang walong pulis nanasa detatsment sa mga oras naiyon. Makataong tinrato ng mgaoperatiba ng BHB ang dalawang pu-lis na sumuko at hindi na pinaputu-kan ang mga tumalilis. Nakumpiskang mga Pulang mandirigma ang tat-long M16, isang M14 at dalawangpistolang 9mm.

Sa Bukidnon, dinis-armahan ngBHB-South Central Bukidnon (SCB)-North Central Mindanao Region angDasia Security Agency sa Purok 17,Hindangon, Poblacion sa ValenciaCity noong gabi ng Mayo 3. Nakum-piska mula sa ahensya ang dalawangAK-47, isang M16, tatlong shotgun attatlong .38 kalibreng pistola.

Habang isinasagawa ang reyd,nagtsekpoynt ang isa pang yunit ng

BHB-SCB sa kalsada. Nakakumpiskadito ng isang pistolang 9mm mula saisang pulis.

Noong Abril 28, pitong myem-bro ng paramilitar ang sumuko saSection 5 SCB. Dala nila ang pitongarmas na kinabibilangan ng isangimprovised M79 at mga bala nggrenade launcher, dalawang M14,isang Garand, dalawang shotgun atisang improbisadong M16.

Kinabukasan 7:30 ng gabi, dini-sarmahan naman ng Section 3-SCBang magkapatid na Edgar at ErickOrdinisa sa Nakabuklad, San Fer-nando, Bukidnon. Nakumpiska mulasa kanila ang dalawang karbin at is-ang shotgun. Ang magkapatid aymga tauhan ni Valentine Ordinisa atginagamit ang mga baril sapananakot sa mga magsasakang du-madaan sa lupain ng kanilang amo.

Maliban dito, hinaras din ngparehong yunit ng BHB-NCMR angnag-ooperasyong 60th IB noongAbril 23 sa Brgy. Bonacao, SanFernando.

Matagumpay ding nireyd ngBHB-Comval-Davao East Coast Sub-regional Operations Command angdetatsment ng 67th IB at 72nd IB saBrgy. Aliwagwag, Cateel, Davao Ori-ental noong Abril 26. Isinagawa angreyd bandang ala-5 ng umaga. Isangelemento ng CAFGU ang namatay attatlo ang nasugatan sa labanan.Isang ripleng M14 ang nakumpiskang BHB.

Sa Panay, tatlong magkakasunodna taktikal na opensiba ang inilunsadng Napoleon Tumagtang Commandlaban sa mga yunit ng kaaway nanasa ilalim ng 3ID. Nitong Mayo 3,1:15 ng madaling araw, inatake ng

"50 armas. . . , " mula sa pahina 1

Page 4: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 4

2 POW, magkasunod

na pinalaya

MAGKASUNOD NA pinalaya samagkahiwalay na okasyon ang da-lawang natitirang bihag sa digma(prisoner of war o POW) sa Min-danao nitong huling mga araw ngAbril.

Pinalaya ng Bagong HukbongBayan-North Central Mindanaonoong Abril 29 si PO2 AnthonyNatividad sa Dominorog, Talakag,Bukidnon. Tinanggap siya ng peaceand order council ng Region 10 sapamumuno ni Mayor Oscar More-no ng Talakag at iba pang tagapa-magitan sa pangunguna ni BishopFelixberto Calang. Nadakip ng mgaPulang mandirigma si Natividad saisang tsekpoynt sa Bukidnonnoong Enero 29.

Pinalaya rin ng BHB-North-eastern Mindanao si Pfc. ErwinSalan sa Brgy. Camam-onan, Gi-gaquit, Surigao del Norte noongAbril 29. Daan-daang mamama-yan ang dumalo sa programakung saan ipinasa siya sa mga lo-kal na upisyal ng prubinsya at kayBishop Rey Timbang ng IglesiaFilipina Independiene. Ang pag-papalaya kay Salan ay pinangu-nahan ni Kasamang Rey Calaste(Ka Oto), tagapagsalita ng FrontCommittee 16 ng BHB-NEMR.

Dinakip ng BHB si Salannoong Enero 29 habang nagsasa-gawa ng operasyong kombat saBrgy. Budlingin, Alegria sa pare-hong prubinsya.

Ang pagpapalaya sa mgaPOW ay noon pang Pebrero idi-neklara ng Partido bilang pagsu-porta sa usapang pangkapayapa-an sa pagitan ng NDFP at ng GRP.Subalit dahil sa tuluy-tuloy naoperasyong kombat ng ArmedForces of the Philippines (AFP) atpagtangging magdeklara ng sus-pensyon ng operasyon, naantalanang naantala ang proseso parasa ligtas na pagpapalaya sa mgaPOW.

Pagtanggal kay Gina Lopez, umani ng batikos

UMANI NG kabi-kabilang batikos ang pagbasura ng Commission on Ap-pointments ng Kongreso sa pagkakatalaga kay Regina Lopez bilang kalihim ngDepartment of Environment and Natural Resources (DENR). Gumamit angmalalaking kumpanya sa pagmimina ng milyun-milyong piso at impluwensyasa kongreso para tiyaking hindi maipagpapatuloy ang kanyang mga maka-ka-likasan at maka-mamamayang patakaran sa DENR.

Ang pagbabasura ay resulta ng ilang buwang kampanya ng mga kumpan-ya sa pagmimina para tanggalin siya sa pwesto. Kabilang sa mga ipinalaga-nap ng mga upisyal at propagandista nito ang kunwa'y pagkalugi ng mga lokalna gubyerno kung isasara ang mga mina at pagkawala ng trabaho ng libu-li-bong manggagawa sa mga minahan. Magugutom diumano ang milyong ma-mamayang nakaasa sa pagmimina at gagastos lamang ng malaki ang gubyer-no dahil tiyak na makikipagpukpukan sa korte ang mga kumpanya sapagmimina sa korte laban sa mga kautusan ni Lopez.

Ang mga pagdadahilan na ito ay paulit-ulit nang napabubulaanan ngmismong mga estadistika ng gubyerno. Maliit, kundiman di-signipikante, angnaiaambag ng pagmimina sa pambansang produksyon at empleyo. Mas malakipa ang naiaambag ng mga sektor na sinasalanta nito, tulad ng agrikultura atturismo. Gayundin, walang katotohanang may naiaambag ang mga ito sa ka-ni-kanilang mga lokalidad sa pagkontra sa kahirapan. Isang halimbawa angkontribusyon ng Surigao Chamber of Commerce and Industry na ipinagma-malaking umaabot sa 32.5% ng lokal na GDP. Pero ayon sa pananaliksik ngIbon Foundation, ang halagang ipinapasok nito sa lokal na gubyerno ay hindinagbunsod ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mamamayan. Katuna-yan, ang CARAGA, na may pinakamaraming minahan, ang pangalawa sa maypinakamaraming naghihirap sa buong bansa. Umaabot sa 40% ng mamama-yan rito ang maituturing na naghihirap.

Sa pagkakatanggal kay Lopez sa DENR, nawalan ang mamamayan at re-bolusyonaryong kilusan ng isang kaibigan sa GRP na handang ipagtanggol angkalikasan at kabuhayan ng mamamayan. Gayunpaman, habang ipinagpapa-tuloy ang laban para rito, magiging kaibigan siya ng mamamayang Pilipino atng pambansa-demokratikong kilusan.

Tinitiyak ng PKP sa mamamayan na magpapatuloy ito at ang BagongHukbong Bayan sa pagtatanggol sa mamamayan at kapaligiran na sinasalantang mapangwasak na pagmimina.

mga Pulang mandirigma ang punonghimpilan ng Bravo Coy ng 12th IB saBrgy. Pitogo, San Joaquin, Iloilo.

Bago nito, noong Mayo 1, pasa-do alas-12 ng hatinggabi, inatake rinng isa pang yunit ng BHB-NTC angpatrol base ng Charlie Coy ng 82ndIB sa Sityo Insobrehan, Brgy. Igca-bugao, Igbaras, Iloilo. Inatake rinng BHB-NTC ang isang kampo ng82nd IB sa Brgy. Igtalongon, Igba-ras pasado alas-12 ng hatinggabinoong Abril 30.

Sa harap ng magkakasunod ngmga opensiba ng BHB, sinabi niNDFP Chief Political Consultant Ka

Jose Maria Sison na "kailangangdepensahan ng mamamayan at mgarebolusyonaryong pwersa angkanilang mga sarili at mag-opensibasaanman at kailanman maaari."

Dagdag pa, sinabi ni Ka Joma nahigit na nagiging mahalaga angpagpapatuloy ng usapang pangka-payapaan. Mas makabubuti aniya namag-usap at buuin ang interim jointceasefire agreement kaugnay ngComprehensive Agreement on theSocial and Economic Reforms atamnestiya sa mga bilanggong pu-litikal.

Page 5: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 5

Lapanday, salot sa mamamayan

Hindi pa man napapawi ang usok mula sa tinupokna mga kasangkapan at gusali ng Lapanday

Foods Corporation (LFC) sa Brgy. Mandug, Davao Citynoong Abril 2, kaliwa’t kanan ang ginawang pagkun-dena ng mga naghaharing uri sa inilunsad na aksyonng 1st Pulang Bagani Battalion (PBB) laban sa mgapasilidad at ari-arian ng pamilyang Lorenzo.

Pinagtatakpan nila ang ilangdekadang pagpapasasa ng pamil-yang ito sa pawis at dugo ng daan-libong magsasaka at manggagawaupang palakihin ang kanilang mgakumpanya. Noong 2011, kumamkamng P127 milyong netong kita angLapanday mula sa mga plantasyonnito sa Mindanao.

Kasuklam-suklam ang pang-aa-gaw ng LFC sa lupa ng mga magsa-saka na itinuring ng GRP na"benepisyaryo" sa ilalim ng CARP saMadaum, Tagum City. Nasa Maynilangayon ang mga magsasakang na-kapailalim sa Madaum AgrarianReform Beneficiaries, Inc. (Marbai)para igiit kay GRP Pres. Rodrigo Du-terte ang kagyat na pagbibigay sakanila sa lupa. Labis na mapang-apiat mapagsamantala sa Marbai angkontrata sa pagtatanim sa pagitannila at ng Lapanday. Bukod saobligado silang bilhin ang lahat ngbinhi at pestisidyo sa Lapanday,lubhang binabarat ang pagbili ngkanilang produkto. Ang 13-kilongkahon ng saging na naibebenta ngLapanday sa mga dayuhang kliyentesa mahigit P600 ay binibili saMarbai ng P101 lamang nanagreresulta sa napakababang kitang mga magsasaka.

Hindi nalalayo ang kaaba-abangkalagayan ng mga manggagawa samga pasilidad ng Lapanday. Halim-bawa, sa mga planta nito sa Brgy.Mandug, Davao City, kumita angkumpanya ng netong P105 milyonnoong 2015. Mayorya o 69% ng mgamanggagawa rito ay kontraktwalkahit pa man lahat ng trabahongkanilang ginagawa ay esensyal saoperasyon ng kumpanya. Sa nga-yon, malaking kasosyo na rin ang

mga Lorenzosa HaciendaLuisita napagmamay-ari ng mgaCojuangco.

Noong 2011, ang kabuuangpagmamay-ari ng Lapanday ayumabot ng P5 bilyon. Bilang dam-buhalang kumpanya sa Pilipinas nanagluluwas na pagkain, may sariliitong laboratoryo at pasilidad sapananaliksik at pagpapaunlad.Dagdag pa, may sarili itong mgapribadong daungan at bodega parasa mga kliyente nito sa Singapore,Hongkong, Korea, China and Russia,Australia, New Zealand at sa MiddleEast.

Marahas na paghahariGaya ng lahat ng malalaking

panginoong maylupa at kumprador,dalubhasa ang pamilyang Lorenzosa paggamit ng dahas upang pana-tilihin ang kanilang kontrol sa libu-libong ektarya ng mga magsasaka atseguruhin ang kanilang dambuha-lang tubo sa kapinsalaan ng kani-lang mga manggagawa.

Noong Mayo 11, 2008, inarestong BHB si MSgt. Jose Manero, nanoo’y hepeng upisyal pangseguridadng Lapanday Foods Corp. Sampungmatataas na kalibreng armas angnasamsam ng mga Pulang mandi-rigma sa naturang aksyon. Habangbihag ng digma ng BHB, ibinunyag niManero ang laganap na pamamas-lang ng Lapanday sa mga mangga-gawa at magsasaka sa kanilang mgaplantasyon. Sa kabila ng kundisyonng pagbayad ng danyos sa kanilangmga biktima para sa pagpapalayakay Manero, walang ni isang biktima

ang binayaran ng pamilyang Lo-renzo.

Lason sa komunidadat kapaligiran

Noong taong 2000, ibinunyag ngisang pag-aaral na ang paggamit ngLapanday Development Corp.(LADECO) ng mga nakalalasong ke-mikal ay nagresulta sa pagkamatayat pagkakasakit ng 150 pamilyangManobo sa Brgy. Kamukhaan, Ha-gonoy sa Davao del Sur. Mula panoong 1981, walang lubay na gu-mamit ang LADECO ng iba’t ibangpestisidyo na lumason sa lupa attubig at pumatay sa mga pananim,mga hayop at isda.

Ipinamamarali ng reaksyunar-yong estado, laluna ng mga puliti-kong sagad-saring tagapagtanggolng naghaharing uri, na ang mga mili-tanteng pag-aaklas ng mga magsa-saka at taktikal na opensiba ng BHBay nakapipinsala sa kapakanan mis-mo ng mga magsasaka at mangga-gawa. Ikinukubli nila ang katotoha-nan na sa harap ng ilang dekadangpagyabong ng mga kumpanyang tu-lad ng Lapanday, atrasado pa rin angpambansang ekonomya at kabuhayanng masa. Ang pinagmamayabang nilana hindi makatitinag ang aksyongpamamarusa ng BHB sa yaman ngpamilyang Lorenzo ay higit na patu-nay sa nakaririmarin na sukat ng ka-nilang pagsasamantala sa uringmagsasaka at manggagawa.

Page 6: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 6

Sigaw sa Mayo Uno 2017

Trabaho, disenteng sahodat pabahay

Tinatayang 100,000 manggagawa at maralitang lunsod ang bumuhos salansangan sa iba't ibang syudad at bayan sa okasyon ng ika-113

Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno. Sa pangunguna ng Kilu-sang Mayo Uno, iginiit ng mga raliyista ang pagtatakda ng pambansangminimum na sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon at pamamahagi nglibreng pabahay sa maralita. Ipinaabot din nila ang matinding pagkadismayasa mga patakarang neoliberal ng rehimen.

Iginigiit ng mga manggagawa namakatarungan ang kanilang hinihi-nging pagtatakda ng pambansangminimum na sahod na P750/arawpara sa mga manggagawa sa priba-dong sektor at P16,000/buwan parasa pampublikong sektor. Alinsunodsa pananaliksik ng Ibon Foundation,ang gayong umento ay katumbas ngP447 bilyon o 27% ng kabuuang kitang lahat ng mga negosyo ang hinihi-ngi ng mga manggagawa. Nasa P1.63trilyon kada taon ang kinita ng pina-kamalalaking 1,000 korporasyon saPilipinas.

Ang pagtatakda ng minimum nasahod ay mangangahulugan ng dag-dag na P8,332/buwan sa kasa-lukuyang sahod ng mga mang-gagawa o P108,316/taon, kasamaang 13th month pay. Kailangang-kailangan ang halagang ito paramaibsan ang kahirapan nila at ngkanilang mga pamilya.

Kasabay ng paggunita sa ika-113 Araw ng Paggawa, ginunita rinng mga manggagawa ang sentenar-yo ng Rebolusyong Oktubre ng Rus-

sia na nagluwal ng pinakaunang so-syalistang estado sa pamumuno ngproletaryado. Ipinagdiwang din ngKMU ang ika-37 taong anibersaryong pagkakatatag nito. Naitatag angsentro ng paggawa sa isang pagti-tipon ng 30,000 manggagawa saQuezon City sa ilalim ng diktadu-rang Marcos noong 1980.

Sa Metro Manila, umabot sa50,000 mamamayan ang nagtiponsa Liwasang Bonifacio para saprogramang dinaluhan ng mga ki-natawan ng progresibong partido sakongreso at myembro ng gabinete.Kabilang sa mga lumahok ang mgamaralita mula sa iba't ibang bahaging Metro Manila. Sumama rin angmalaking bilang ng mga maralitamula sa Bulacan na nagsagawa ngokupasyon ng mga bakanteng bahaysa Pandi noong nakaraang buwan.Lumahok din ang 200 magsasakamula sa Madaum, Tagum City nanakikipaglaban para sa kanilangkarapatan sa sariling lupa.Tumungo ang mga demonstrador saembahada ng US para kundenahin

ang mga patakarang neoliberalna ipinapataw ng US sa bansa,partikular ang pleksibilisasyon at

liberalisasyon sapaggawa.

Bandanghapon,tumungoang mga

rali-

yista sa Mendiola, harap ng Ma-lacañang.

Sa Bicol, mahigit 15,000myembro ng KMU at iba pang pam-bansa-demokratikong organisasyonang nagmartsa sa mga sentronglunsod ng Albay, Catanduanes, Ca-marines Sur, Camarines Norte, Sor-sogon at Masbate.

Sa Davao City, umabot sa 10,000manggagawa, kabilang ang mgadelegasyon mula sa iba't ibang lugarng Mindanao, ang tumungo sa Peo-ple's Park para kausapin si Pres. Rod-rigo Duterte ng GRP. Binalak nilangihapag ang mga kahilingan ng KMU atmasang manggagawang Pilipino.

Sa Crossing Calamba, Laguna,nagtipon ang 10,000 manggagawamula sa iba’t ibang engklabo ngpaggawa sa rehiyon sa pamumunong Pamantik-KMU. Bago ang prog-rama, naglunsad ng mga pagkilos saSta. Rosa, Cabuyao, Los Baños atCalamba para manawagan sa mgaresidente na dumalo sa pagtitipon.

Sa Baguio, pulang-pula angnagkakaisang hanay ng manggagawaat mamamayan sa paglaban sa mganeoliberal na atake sa paggawa. SaAngeles City, libu-libo ang nag-martsa mula sa Clark Air Base tungosa sentro ng syudad. Nagkaroon dinng mga pagkilos sa Tacloban, Cebu,Iloilo, Aklan, Bacolod, Cagayan deOro, Butuan, Surigao at GeneralSantos City.

Noong Abril 30, may 7,000 ma-ralita mula sa Bulacan ang hinarangng PNP sa Balintawak. Bumibyahesila noon patungong Metro Manilapara lumahok sa kontra-ASEAN napagkilos sa araw na iyon at sa pag-kilos sa Mayo Uno kinabukasan.

Noong Abril 30, naglunsad ngpiket ang mga manggagawa sa harapng embahada ng US kasabay sa ika-30 pagpupulong ng mga lider ngAssociation of Southeast Asian Na-tions o ASEAN. Pangunahing adyen-da ng ASEAN ang pagbubuo at pag-pasa ng Regional ComprehensiveEconomic Partnership na magtutulakng dagdag na liberalisasyon sa mgalokal na ekonomya at iba pang neo-liberal na patakaran.

Page 7: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 7

Pananakop ng imperyalis-mo sa buong daigdig

Katangian ng imperyalismo ang pananakop. Kung salumang kapitalismo ay malawakan ang eksport ng

mga kalakal, sa panahon ngayon ng imperyalismo, omonopolyong yugto ng kapitalismo, mas karaniwan angeksport ng kapital, at nagbubunsod ito ng paghahati-hati ng daigdig sa pagitan ng malalaking monopolyongkorporasyon at sa pagitan ng mga imperyalistang ka-pangyarihan.

Sa akda ni Lenin na Imperyalis-mo, ang Pinakamataas na Yugto ngKapitalismo, isinulat niyang “angsobrang kapital ay gagamitin hindipara sa pagpapataas ng istandardng pamumuhay ng masa sa isangbayan, dahil mababawasan ang tubong mga kapitalista, kundi sa pagpa-palaki ng tubo sa pamamagitan ngpag-eksport ng kapital sa mga atra-sadong bayan. Sa mga bayang ito,madalang ang kapital, mura anglupa, hilaw na materyales at lakas-paggawa.

Nagbabagu-bago ang paghahatibatay sa lakas ng bawat monopol-yong korporasyon at sa bayang ku-makatawan sa kanila. Halimbawa,noong 1884 hanggang 1914, samerkado ng internasyunal na kartelng asero, lumiit ang bahagi ng GreatBritain mula 66% tungo 53.5%, sa-mantalang lumaki ang Germany mu-la 27% tungo 28.8%, at Belgium mu-la 7% naging 17.67%. Bandang huliay nabahaginan ang France, atnoong 1905 ay nakibahagi pa angUnited States Steel Corporation niJ.P. Morgan, ang pinakamalakingkorporasyon ng asero sa US.

Paraan din ng eksport ng kapitalang pagpapautang. Ang kapital naipinauutang ng mga monopolyo ka-pitalista ay nakatakda kung saangagamitin. May kasabay itong mgakontrata tulad ng pagbili ng armas,teknolohiya, makinaryang gagami-tin, o mga pangkonsumong kalakalmula lamang sa nagpautang na ban-sa o korporasyon, o kaya’y doon din

magsusuplay ng hi-law na materyales.Kaya’t habang tumatabong tubo mula sa utang, ku-mikita pa ang mga monopolyokapitalista mula sa pagbenta ng mgaprodukto nito.

Noong 1910, ang dalawang da-ting imperyalistang bayan, Englandat France, kasama ang dalawangumuusbong na imperyalistang ba-yan, United States at Germany, angnagmamay-ari ng halos 80% ng ka-pital sa pinansya ng buong mundo.Wari ba’y sila ang usurero ng buongdaigdig.

Lalo pa itong tumingkad pagka-tapos ng Ikalawang Digmaang Pan-daigdig (WWII) nang itayo angInternational Monetary Fund, nakontrolado ng mga imperyalistangbayan, para masistematisa ang pag-papautang sa mga atrasadong ba-yan. Sa bawat pautang ay nagtakdaito ng napakasahol at napakabigat namga kundisyon sa mismong estado ngpinauutang na bayan.

Paghahati ng mundo sa pagitan ngmakapangyarihang mga bayan

Kinokontrol ng bawat monopol-yong kumbinasyon ang lahat ng pag-kukunan ng hilaw na materyalesupang maipagkait ito sa kanilangkakumpitensya, laluna ang mganauubos na likas na yaman tulad nglangis, mina, karbon at lupa. Hina-hawakan nila hindi lamang ang mgadati nang natuklas na rekurso, kundipati ang mga potensyal pa, dahil na-

pakabilis ng pag-unlad ng teknolohi-ya. Para sa kanila, ang ngayongwalang silbi ay maaaring mapakina-bangan bukas, mabuhusan lang ngteknolohiya at kapital. Garantiya itolaban sa anumang panggigipit ng ka-kumpetensya, kabilang na ang pag-bubuo ng mga batas na nagtatatagng monopolyo ng estado.

Kung mawalan ng kasarinlangpulitikal ang atrasadong bayan atmamamayan, tiyak na madulas angpaghuthot ng tubo. Ipinakikita ito sapaglitaw at paglaganap ng mga ko-lonya, na tuwirang hawak ng imper-yalistang estado, at ng mga mala-kolonya, mga bansang nagpapakila-lang “nagsasarili” ngunit sa katoto-hanan ay sakal ng imperyalistangestado sa ekonomya, pulitika at kul-tura. Sa pagtatayo ng isang tutanggubyerno, binabansot ng imperya-lista ang ekonomya, dinarambongang likas na yaman, pinipiga angmurang lakas-paggawa ng uringanakpawis, at binubulok ang kaisi-pan ng mamamayan upang tangga-pin ang kanilang paghahari.

Mula 1884-1900 ang matindingpananakop ng pangunahing mga ba-yan sa Europe. Noong 1900 ay na-kolonisa na ang 90.4% ng Africa,98.9% ng Polynesia, 56.6% ng Asia,27.2% ng America (hilaga hanggangtimog), at ang buong Australia.

(Ito ang ikalawang bahagi ng artikulong "Balik-tanaw saKritika sa Imperyalismo ni Lenin". Basahin ang unangbahagi sa nakaraang isyu ng Ang Bayan.)

Page 8: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

Mayo 7 , 2017 ANG BAYAN8

6 na sibilyan, pinatay ng AFPsa Masbate at ComVal

Limang magsasaka, kabilang ang dalawang bata, ang pinatay ng mga nag-ooperasyong sundalo ng 9th ID sa dalawang insidente sa prubinsya ng

Masbate noong Abril 15 at 20. Samantala, isang aktibistang Lumad ang mulingpinaslang ng mga reaksyunaryong sundalo sa Compostela Valley.

Noong Abril 20, walang habasna pinagbabaril ng mga sundalo ng3rd Scout Ranger Company sa pa-mumuno ni Lt. Karlito John Cabilloang mga kabahayan sa Sityo Lubi-gan, Brgy. Panan-awan, Cawayanmatapos silang magtamo ng mgakaswalti nang maka-engkwentroang isang yunit ng BHB sa karatigna lugar. Namatay sa naturang pa-

mamaril ang 71 taong gulang na siLita Villamor Pepito, at dalawa ni-yang apo na sina Reden Luna, 9 , atRechillen Luna, 11. Malubhang na-sugatan naman ang asawa ni Lolitana si Paulino, 72 taong gulang.

Ayon kay Paulino at sa mga na-kasaksi, buhay pa sana ang kanyangasawa matapos tamaan, ngunit ni-lapitan ito ng mga sundalo at tulu-

Sa panahong ito rin sinaklot ng US ang Pilipinas, sapamamagitan ng isang digmang mapanakop na pumataysa halos sangkanim (1/6) ng populasyong Pilipino. Na-ging maingay ang pagtutol rito ng mamamayang Ameri-kano, bagay na pinansin ni Lenin kung kaya nabanggitniya ang Pilipinas sa kanyang akda.

Simula pa lamang ng siglong 1900, naubos na ang“bukas” na teritoryo sa hibang na pananakop ng oligar-kiya sa iba’t ibang bayan. Sa panahon ng imperyalismo,ganap na ang pagkakahati-hati ng daigdig. Nagbabagolamang ang pagkakahating ito kapag naaagaw ng isa angteritoryong “pagmamay-ari” ng iba.

Ang imperyalismo ay katumbas ng digmaanAng dominasyong sinisikap ng mga imperyalistang es-

tado ay umaabot pati sa pinakaindustriyalisadong mgarehiyon. Hindi lang ito para sa sariling pagpusisyon, kundipara pahinain at bakuran ang kakumpitensya at makamitang hegemonya. Ipinakita ni Lenin na pang-ekonomyangdominasyon ang batayan ng imperyalismo, ngunit sistemaitong sumasaklaw maging ng pulitika at kultura, at militarna pagpusisyon sa buong daigdig. Ang paligsahang ito pa-ra sa dominasyon ay nagtutulak sa walang tigil na pakiki-digma o paghahanda para makidigma.

Isang digmaan ng mga imperyalista ang Unang Dig-maang Pandaigdig noong 1914-1918. Isa ito sa pinaka-marahas at mapaminsalang digmaan sa kasaysayan ngEurope at ilang taon lang matapos ay sinundan pa ngWWII noong 1939-1945 kung saan nasaklaw ang Pilipi-nas. Pagkatapos ng digmaan, lumaki ang teritoryo ng US.

Ang binansagang Cold War matapos ang IkalawangDigmaang Pandaigdig, ang mga digmang agresyon saVietnam at Korea, hanggang sa mga gerang proxy nga-yon sa Syria, Afghanistan, Iraq, Sudan, at marami pangbayan sa Africa ay mga gera para sa muling hatian ng

mga teritoryong imperyalista. Naglulunsad ng iba’tibang tipo ng hayag at tagong gera ang mga imperyalis-tang estado para sa dominasyon sa mundo. Maliban sadati nang mga imperyalistang kapangyarihan tulad ngGreat Britain, France, Germany at US, pumasok na rin saeksena ang mga bagong kapangyarihang Russia atChina. Gumastos ang mga ito sa militar ng $1,686 bilyonnoong 2016, kung saan pinakamalaki ang US na $611bilyon.

Ayon sa US Department of Defense noong 2016,maliban sa mga nanggegerang sundalo sa Afghanistan,Iraq, Iran, Kuwait at Syria, may 150,560 tauhang mili-tar ang US sa labas ng kanilang bansa. Sa datos din ngUS Joint Chiefs of Staff, nakikialam o nandirigma angspecial operations forces sa 134 bayan.

Imperyalismo ang kaaway ng buong daigdigLabis ang pang-aapi’t pagsasamantala ng imperya-

lismo hindi lang sa manggagawa sa sariling bayan kundisa mamamayan sa mga kolonya at malakolonya. Angpaglilinaw ni Lenin sa katangian ng imperyalismo na pi-natunayan ng tagumpay ng Rebolusyong Oktubre ay na-nanatiling makabuluhan sa lahat ng nagsisikap lumayamula sa kuko ng imperyalismo sa kasalukuyang panahon.Ang kinasasadlakang krisis ng kapitalistang daigdigngayon dulot ng walang-kabusugang kasakiman ng mgamonopolyong kapitalista, ang paghihirap at kapinsala-ang dulot nito sa mamamayan, ay nagpapatunay na na-nanatiling makabuluhan at mahigpit na panawagan ngpanahon ang pagrerebolusyon bilang natatanging landassa paglaya. Sa inspirasyon ng Rebolusyong Oktubre ng1917, tungkulin ng manggagawa at mamamayan sabuong daigdig na muling padaluyungin ang kilusang anti-imperyalista laban sa naghihingalong kaaway.

yang pinatay. Iligal ding inarestoang ilang residente at gabi na nangpinalaya.

Noon namang Abril 15, brutalna pinaslang ng 2nd IB ang magka-patid na sina Titing at BongbongTagalog, kapwa magsasakang na-katira sa San Carlos, Milagros,Masbate. Pinatay sa bugbog si Ti-ting habang tadtad naman ng balasi Bongbong.

Ayon pa sa mga residente,nagdudulot ng takot sa kanila angwalang habas na pagpapaputok ngmga sundalo. Karamihan sa mgaresidente ay umalis na sa lugar da-hil sa takot. Noong Abril 16, ban-dang alas-10 ng umaga, isang sibil-yan ang sinita ng mga sundalo, atpinatakbo papalayo habang pina-

Page 9: ndfp.org · bangin ang idiin sa mga tulad ni Lo-renzo na may katapat na parusa ang ginagawa nilang walang pakunda-ngang paglupig, pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka, manggagawang

ANG BAYAN Mayo 7 , 2017 9

Paggunita sa ika-200kaarawan ni Karl Marx

Ipinananawagan ng Partido Komunista ng Pili-pinas ang pagsisimula ngayong Mayo 5 ng

isantaong paggunita at pagdiriwang sa ika-200taong kaarawan ni Karl Marx sa Mayo 5, 2018.Ayon sa PKP, “Dapat itanghal ng buong rebolu-syonaryong kilusan ang dakilang papel ni Karl Marxat ng Marxismo sa kasaysayan at nagpapatuloy napandaigdigang pakikibaka para sa paglaya ng pro-letaryo at ng buong sangkatauhan.”

Gagamiting pagkakataon angpagdiriwang na ito para mag-aral ngMarxismo at gamitin iyon para suriinang kasalukuyang kalagayan at krisisng bansa at daigdig. Panawagan ngPartido na magpalaganap ng mga lib-ro, artikulo at iba pang babasahinginakda ni Marx, maging ng iba pangmga dakilang komunistang guro. Sasusunod na taon, regular na maglu-lunsad ng mga seminar, klase at mgatalakayan para mag-aral ng Marxis-mo. Ipinanawagan ding magluwal ngbagong Marxistang mga pananaliksikat pagsusuri sa kasalukuyang sitwa-syon ng bansa at daigdig at sa mgatungkulin ng uring manggagawa paraisulong ang sosyalistang rebolusyonsa iba’t ibang dako ng mundo.

Si Marx ang pinakaimportantengsosyalistang pilosoper dahil sa mgateorya niyang yumanig at bumago sakapitalistang daigdig. Pangunahin samga ito ang diyalektikong materyalis-tang pilosopiya, materyalistang pag-unawa sa kasaysayan, at tunggalianng mga uri.

Isinabuhay ni Marx ang idineklaraniyang “dati ay sinikap ng mga piloso-per na ipaliwanag ang mundo. Ngunitang punto ay kung paano ito babagu-hin.” Siniyasat at pinag-aralan niyaang buhay ng mga manggagawa saEngland at Germany at doon niya na-tuklasan ang batas ng paggalaw ngkapitalistang moda ng produksyon. Sakabila ng panggigipit sa kanya ng iba’tibang estado, ipinundar ni Marx angUnang Internasyunal (InternationalWorkingmen’s Association), na nag-bukas ng landas para sa walang katu-lad sa kasaysayan na paglawak at

paglakas ng kilusang manggagawa salahat ng bayan sa daigdig at pagka-katatag ng mga partidong sosyalistasa kani-kaniyang bayan.

Ang Manipesto ng Partido Komu-nista na magkasama nilang isinulat niFrederick Engels noong 1848 ang na-ging gabay ng kilusang komunista sabuong daigdig. Gamit ang materyalis-mong diyalektiko at istorikal, at pag-sapol sa tunggalian sa mga uri, ma-tingkad na inilarawan ng Manipestoang bagong pag-unawa sa daigdig.Inilahad nito ang pandaigdigang-pangkasaysayang papel ng prole-taryado bilang tagapaglikha ng ba-gong komunistang lipunan. Ditounang inilahad ang panawagang:“Manggagawa sa lahat ng bayan,magkaisa! Walang mawawala sa inyokundi ang inyong mga tanikala!”

Sa kanyang panahon, siya ang pi-nakakinasusuklaman at kinukundenang burgesya. Pinatalsik siya ng iba’tibang gubyerno—Germany, Belgium atFrance—mula sa kanilang teritoryo, atnag-uunahan ang burgesya sa pani-nira sa kanya. Nang mamatay siyanoong Marso 14, 1883, ipinagluksasiya ng milyun-milyong rebolusyonar-yong manggagawa mula Siberiahanggang California at lahat ng ba-hagi ng Europe at America nanagmahal at nagdakila sa kanya.

Wika ng komunistang lider na siFrederick Engels sa libing ni Marx,“kahit marami siyang katunggali,halos wala siya ni isang personal nakaaway. Ang kanyang pangalan aymananatili sa mahabang panahon,gayundin ang kanyang mga ginawa.”

puputukan.Iniulat naman ng mga re-

sidente sa katabing baryo ngTigbao ang pagnanakaw ngmga sundalo ng 2nd IB ng mgaalagang kambing at manok.

Sa Compostela Valley,pinatay ang aktibista at lider-Lumad na si Federico “Pandi”Plaza noong Mayo 3, alas-4 nghapon sa Brgy. Poblacion,Maragusan. Si Plaza ay aktibosa mga kampanyang agraryobilang kasapi ng Hugpong saMag-uuma sa Walog Com-postela (HUMAWAC). Bilanglider-Lumad, naging aktibo siyasa matagumpay na pagpa-palayas ng PDOP sa kanilanglugar.

Ayon sa Karapatan-South-ern Mindanao Region, si Plazaang ika-21 biktima ng mga pa-mamaslang sa mga aktibista sarehiyon. Itinuturong salarinang mga sundalo ng ArmedForces of the Philippines natumatarget sa mga lider-mag-sasaka na aktibo sa mga paki-kibakang masa.

Samantala, naglabas ngmga pagbabanta sina DavaoCity Mayor Sara Duterte atVice Mayor Paolo Duterte labansa mamamahayag ng Radyo niJuan na si Dodong Solis.

Personal na mga atake angtugon ng magkapatid naDuterte sa mga komentaryo niSolis hinggil sa tunggaliangagraryo sa pagitan ng mgamagsasaka at ng LapandayFoods Corp. at ng aksyong mil-itar ng BHB laban sa pamilyangLorenzo.

Nagpahayag ng pagkaba-hala dito ang National Union ofJournalists of the Philippines.Ayon sa grupo, nakakaalarmaang mga atake at pagbabantang mga Duterte lalupa't mayrekord si Sara ng pananakit atpagpapahiya sa publiko.