9
I bayong pandarambong, malalang kahirapan at pinatinding kaba- ngisan ng panunupil ang hinaharap ng mamamayan sa darating na taon. Mabilis na pinalalalim ng pasistang rehimeng US-Duterte ang libingan nito sa patuloy na pag-alipusta at pagpapahirap sa nagagalit nang mamamayan. Isang taong batas militar sa saklaw ng Mindanao ang inaasahang solusyon ni Duterte sa krisis na ki- nakaharap ng kanyang rehimen. Sa pagpapatuloy ng batas militar, higit na mandarahas ang AFP at lubos na gagamitin ng estado ang Human Security Act (HSA) laban sa kalaya- ang sibil at demokratikong karapa- tan ng mga tumutunggali sa kanyang pasistang paghahari. Maipagpapa- tuloy at palalawakin pa ang panga- nganyon at pambobomba mula him- papawid sa mga komunidad sa kana- yunan, ang pagsakop ng mga sunda- lo sa mga bahay, eskwelahan at gu- saling sibilyan, sapilitang ebakwa- syon, blokeyo sa pagkain, pangha- halughog, pang-aaresto at pama- maslang. Maisasagawa at mapati- tindi ang pasistang teror laban sa progresibo at demokratikong kilu- sang masa sa kalunsuran na ma- lisyosong inuugnay sa rebolusyo- naryong kilusan para bigyang-kat- wiran ang malawakang panggigipit sa kanilang hanay. Bagamat sa papel ay Mindanao lamang ang sakop ng batas militar, ang totoo'y marami nang pasistang IPAGDIRIWANG ANG ika-49 anibersaryo ng muling pagtata- tag ng PKP sa Disyembre 26. Magsisilbi na rin ito bilang pag- sisimula ng isantaong pagdiri- wang sa ika-50 anibersaryo ng Partido. Mula sa iilang abanteng ak- tibistang nagmula sa uring manggagawa, petiburges at mga kabataang-estudyante na unang bumuo nito, sinuong ng napa- kaliit at napakabatang Partido ang mabangis na panunupil ng iba't ibang reaksyunaryong re- himen upang mapalaki at ma- palakas ang sarili. Binuo at pi- namunuan nito ang hukbong bayan at ang pambansang nag- kakaisang prente, pinaunlad ang mga ito at natuto ng digmaan sa pamamagitan ng pakikidigma. Pagkatapos ng kalahating siglo, patuloy nitong pinamumunuan ang isa sa pinakamatagal nang armadong pakikibaka sa Asia, ang pinakamalaki at pinakama- lakas na hukbong bayan sa ka- saysayan ng Pilipinas, at ang patuloy na lumalawak at luma- lalim na rebolusyonaryong ba- seng masa sa saklaw na hindi inabot maging ng dating Kati- punan. Kaya't sa harap ng pinatin- ding atake ng kaaway sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte, malaki ang ipinagbubunyi ng buong rebolusyonaryong kilusan sa ika-50 anibersaryong ito. Ka- tatampukan ng pagdiriwang ang EDITORYAL

ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLVI I I Blg. 24

Disyembre 21, 2017

www.phi l ippinerevolution. info

Ibayong pandarambong, malalang kahirapan at pinatinding kaba-ngisan ng panunupil ang hinaharap ng mamamayan sa darating nataon. Mabilis na pinalalalim ng pasistang rehimeng US-Duterte ang

libingan nito sa patuloy na pag-alipusta at pagpapahirap sa nagagalitnang mamamayan.

Isang taong batas militar sasaklaw ng Mindanao ang inaasahangsolusyon ni Duterte sa krisis na ki-nakaharap ng kanyang rehimen. Sapagpapatuloy ng batas militar, higitna mandarahas ang AFP at lubos nagagamitin ng estado ang HumanSecurity Act (HSA) laban sa kalaya-ang sibil at demokratikong karapa-tan ng mga tumutunggali sa kanyangpasistang paghahari. Maipagpapa-tuloy at palalawakin pa ang panga-nganyon at pambobomba mula him-papawid sa mga komunidad sa kana-yunan, ang pagsakop ng mga sunda-

lo sa mga bahay, eskwelahan at gu-saling sibilyan, sapilitang ebakwa-syon, blokeyo sa pagkain, pangha-halughog, pang-aaresto at pama-maslang. Maisasagawa at mapati-tindi ang pasistang teror laban saprogresibo at demokratikong kilu-sang masa sa kalunsuran na ma-lisyosong inuugnay sa rebolusyo-naryong kilusan para bigyang-kat-wiran ang malawakang panggigipitsa kanilang hanay.

Bagamat sa papel ay Mindanaolamang ang sakop ng batas militar,ang totoo'y marami nang pasistang. . . sundan sa pahina 3

Pagdiriwang

sa ika-50

anibersaryo ng

PKP, sisimulan naIPAGDIRIWANG ANG ika-49anibersaryo ng muling pagtata-tag ng PKP sa Disyembre 26.Magsisilbi na rin ito bilang pag-sisimula ng isantaong pagdiri-wang sa ika-50 anibersaryo ngPartido.

Mula sa iilang abanteng ak-tibistang nagmula sa uringmanggagawa, petiburges at mgakabataang-estudyante na unangbumuo nito, sinuong ng napa-kaliit at napakabatang Partidoang mabangis na panunupil ngiba't ibang reaksyunaryong re-himen upang mapalaki at ma-palakas ang sarili. Binuo at pi-namunuan nito ang hukbongbayan at ang pambansang nag-kakaisang prente, pinaunlad angmga ito at natuto ng digmaan sapamamagitan ng pakikidigma.Pagkatapos ng kalahating siglo,patuloy nitong pinamumunuanang isa sa pinakamatagal nangarmadong pakikibaka sa Asia,ang pinakamalaki at pinakama-lakas na hukbong bayan sa ka-saysayan ng Pilipinas, at angpatuloy na lumalawak at luma-lalim na rebolusyonaryong ba-seng masa sa saklaw na hindiinabot maging ng dating Kati-punan.

Kaya't sa harap ng pinatin-ding atake ng kaaway sa ilalim ngpasistang rehimeng Duterte,malaki ang ipinagbubunyi ngbuong rebolusyonaryong kilusansa ika-50 anibersaryong ito. Ka-tatampukan ng pagdiriwang ang

EDITORYAL

Buong tatag na labananat ibagsak ang pasistangrehimeng US-Duterte

Page 2: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

Disyembre 21 , 2017 ANG BAYAN2

sa trabaho. Nagpapatuloy ang pina-kamasasahol na porma ng kon-traktwalisasyon at nakapako pa rin sapinakamababa ang arawang sahod.Halos 6,000 manggagawang Pilipinoang nangingibang-bayan araw-arawdahil sa kawalan ng trabaho sa loobng bansa. Ayon sa mga estadistikamismo ng gubyerno, aabot sa 784,000mga trabaho ang nawala sa unanghati pa lamang ng taon.

Laganap ang kawalan ng lupa,disenteng tirahan at serbisyongpanlipunan. Samantala, lalupangyumaman ang mga burgesya-kum-prador sa ilalim ng panunungkulanni Duterte. Para sa taong 2017,umaabot na sa $74 bilyon angpinag-isang halaga ng 50 pinaka-mayayamang indibidwal sa Pilipinas.

Lalong lumilinaw sa hinaharapna kalagayan na makatarungan attumpak ang digmang bayan. Walangibang maaasahang solusyon angmamamayan para sa kanilang pag-ginhawa at kasaganahan kundi angmagkaisa at hawakan sa sarilingkamay ang kapalaran.

Sa matagalang digmang bayan,dapat maglunsad ang BHB ng papa-raming taktikal na opensiba na ma-husay na napagpaplanuhan gamitang mga prinsipyo ng gerilyang pa-kikidigma, nakasalig sa malalim atmalawak na baseng masa, at ipina-tutupad ng mga Pulang mandirig-mang may mataas na diwang ma-panlaban. Walang magagawa angpinagmamayabang na mga hi-techna armas sa hukbong bayan na ma-higpit na sinusuportahan ng mama-mayan at tinatanggap bilang sarilingtagapagtanggol.

Dapat patuloy na mag-organisaat kumilos ang masa sa kanayunanat kalunsuran, sa armado at hindiarmadong paglaban para sa sarilingmga kahilingan.

Ang mamamayan sa mga rebolu-syonaryong base ay dapat patuloy namaglunsad ng rebolusyong agraryo atsumapi sa hukbong bayan. Magbuo ngmga milisya na magpapalawak sasaklaw ng mga taktikal na opensiba ngmga regular na pwersa ng BHB. Mag-tayo ng mga network ng paniktik paramabigo ang mga operasyon ng kaa-

Editoryal: Buong tatag na labanan atibagsak ang pasistang rehimengUS-Duterte 1

Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1

Mga POW, hindi napalaya 3

Pamamaslang at panggigipit 4

Pork barrel at dagdag na buwis 5

Mga drone laban sa mamamayan 6

Negosyong "gera kontra-terorismo" 7

Rali kontra pasismo 8

Jerusalem, kapital ng Palestine 9

Tomo XLVI I I Blg. 24 | Dsyembre 21, 2017

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

hakbang ang sumasaklaw sa buongbayan. Sa buong bansa, naghahari-harian na si Duterte na parang dikta-dor at sa maraming lugar ay nama-mayagpag ang berdugong AFP. Gaanoman kabaho o kawalang-katwiran angkanyang mga panukala ay pinagtiti-bay ng kongreso na kontrolado niya,at patuloy siyang gumagawa ng hak-bang para ikonsolida ang paghawaksa korte suprema at ombudsman.

Itinakdang layunin ng pasistangdiktadurang US-Duterte na duduru-gin ang Partido Komunista ngPilipinas at Bagong Hukbong Bayanbago magtapos ang 2018, una sapagpulbos nito ng pwersa sa Minda-nao at pagkatapos ay isusunod angLuzon at Visayas, gamit ang mga ba-gong armas na ipinautang ng amonitong imperyalistang US. Pinagsisi-kapan ni Duterte na busalan ang pi-nakamatatag na mga kumokontra sakanyang mga plano at pagpapatupadng interbensyong US sa Pilipinas.Minamaniobra nito ang pagbabagong konstitusyon sa tabing ng pede-ralismo upang walang hanggang ipa-sok sa Pilipinas ang mga baseng mili-tar at lubos na ipadambong ang ya-

man ng bayan sa pamumuhunan atpagmamay-ari ng dayuhang kapital,at bigyang laya rin ang pagkamal ngtubong korapsyon ng kanyang pa-milya at mga kroni.

Kasabay nito, ganap na inaali-pusta ni Duterte ang mga hinaing ngmamamayan para sa mga batayangrepormang sosyo-ekonomiko na lu-lutas sa lumalalang karalitaan, ka-walang-hanapbuhay, kawalang-lu-pang sakahan, di-nakabubuhay nasahod, at tumataas na mga presyong bilihin. Sa kabila ng mga reklamong ilang kongresista mismo, isina-gasa niya nitong Disyembre 19 angTax Reform for Acceleration andInclusion (TRAIN) na nagpapatawng dagdag na buwis sa mamamayan.Isinagasa rin nito ang badyet parasa 2018 na batbat ng korapsyonpara sa kanyang mga alipures saburukrasya sibil at mga pwersangpanseguridad.

Nananatiling naghihikahos angmamamayan. Nasa 22 milyong Pi-lipino ang dumaranas ng matindingpaghihirap at nabubuhay nang walapa sa P60/araw. Mahigit 11 milyongPilipino ang walang trabaho o kulang

ANG

instagram.com/prwc.official

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

fb.com/philrevwebcentral

[email protected]

Page 3: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2017 3

way at mga grupong sapper na tutukoyat mangwawasak sa mga kagamitangmilitar ng kaaway, lalo na ang mga ma-kabagong ekwipment.

Sa kalunsuran, dapat ipagpatuloyng mga demokratikong pwersa angpaggiit sa kanilang makatarungangmga kahingian sa karapatang sibil atpangkabuhayan, sa papalaking bilangng mga kilos-masa.

Sa harap ng pananalasa ng pasis-tang teror, dapat pamunuan ng Parti-do ang malapad na pagkakaisa ng ma-sang manggagawa, magsasaka, kaba-taan, kababaihan, taong simbahan,propesyunal, mga patriyotikong nego-syante at iba pang demokratikonggrupo at indibidwal upang labanan angpasistang teror ng rehimeng Duterte.Maaaring himukin maging ang mgapatriyotikong sundalo at pulis, lalo naang mga nagmula sa mga batayang uri,na ayaw maging pambala sa kanyon atinstrumento ng panunupil sa kanilangkapwa mahirap.

Tulad ni Marcos, ang gaya-gayangbutangerong si Duterte ay lubos nasumasandig sa among imperyalistanito habang nagsasagawa ng higit nagarapalang korapsyon at marumingpamumuhay at mas malupit na panu-nupil sa mamamayan. Ngunit hinditulad ni Marcos, mas malalim ang kri-sis pang-ekonomya ngayon dulot ngilan nang dekadang pananalasa ngmga neoliberal na patakaran, at masmalawak na ang rebolusyonaryong ki-lusang natuto ng mahahalagang aralmula sa mas matagal na nitong paki-kibaka.

Sa huli'y walang nagawa ang dik-tadurang Marcos sa pagtatagpo ngiba't ibang pwersang pampulitika saisang malapad na nagkakaisang pren-te. Wala ring magagawa ang pasistangrehimeng US-Duterte sa mamamayangnagpasya nang lumaban.

paglikha ng mga bagong awitin, sayaw at iba't ibang tra-disyunal at modernong anyo ng sining, masigla at malaga-nap na pag-aaral sa kasaysayan ng Partido, panrehiyongmga paglalagom ng karanasan at pag-aaral ng mga lokalna kasaysayan, muling paglilimbag ng mga tampok na ak-da na may kabuluhang pangkasaysayan, at pagpapalaga-nap ng mga batayang dokumento ng Partido mula sa una

at ikalawang kongreso.Dagdag sa mga panrehiyong pagdiriwang, maglala-

bas din ang Ang Bayan ng serye ng mga artikulo bilangambag nito sa selebrasyon.

Inaasahang ibayong magpapalakas sa pagkakaisa atkapasyahang lumaban ng Partido at buong rebolusyo-naryong kilusan ang pagdiriwang na ito.

"Pagdiriwang. . . , " mula pahina 1

Mga POW sa NEMR,hindi napalaya

Mariing kinundena ng National Democractic Front-North EasternMindanao Region at ng BHB sa rehiyon ang hindi pagsunod ng

AFP sa panawagan nito na “stand down” o pansamantalang tigil-putu-kan sa ilang baryo sa loob ng anim na araw para bigyang-daan angpagpapalaya sa dalawang bihag-ng-digma (prisoner-of-war o POW).Nakatakda sanang palayain ng BHB-NEMR sina PO2 Jhon Paul M.Doverte at PO2 Alfredo L. Degamon ng Philippine National Police-Placer noong Disyembre 5. Hindi natuloy ang pagpapalaya dahil sa tu-luy-tuloy na operasyon ng AFP.

Masahol pa, patraydor nainatake ng AFP ang yunit ng BHBna nag-aalaga sa mga bihag atinilagay sa panganib ang buhayng mga ito. Dahil dito, nag-kontra-atake ang mga pwersa ngBHB na nagresulta sa dalawangsagupaan sa pagitan nito at mgapwersa ng AFP noong Disyembre5 at isa pa sa sunod na araw.Ligtas na nakaatras ang lahat ngyunit ng BHB. Ayon kay MariaMalaya, tagapagsalita ng NDF-NEMR, lalong matatagalan angpagpapalaya sa dalawang POWdahil sa pagtatraydor at kawa-lang kooperasyon ng AFP at PNP.Ginarantiya niya sa mga pamilyang mga ito na tinitiyak ng custo-dial unit ng BHB ang kaligtasanng dalawang pulis.

Kasabay nito, kinundena rinni Maria Malaya ang Proclamati-on 374 na nagdedeklara sa PKPat BHB bilang mga "teroristangorganisasyon." Aniya, lalo nitongpalalalain ang mga paglabag samga karapatang-tao sa bansa.Partikular sa NEMR, tiyak namadadagdagan pa ang 10 bikti-ma ng pampulitikang pamamas-lang. Madaragdagan din ang ma-higit 35 biktima ng iligal na

pag-aresto at detensyon sa ga-wa-gawang kasong kriminal. La-long dadami ang bilang ng mgamagsasaka at Lumad na magba-bakwit dulot ng militarisasyon atagresibong pagpapalawak ngmga minahan at plantasyon.Kung noong nakaraang taon namay mga unilateral na tigil-pu-tukan, inokupa na ng AFP ang 70baryo sa rehiyon, lalo pang na-gawan ng kadahilanan ang kani-lang okupasyon sa ilalim ngmartial law.

Sa ngayon, nagdagdag na ngdalawa pang batalyon ang AFP sarehiyon para puksain diumano angBHB. Naglulunsad ng tuluy-tuloyna operasyong militar ang 401st at402nd IBde mula nang ilabas angproklamasyon at gamit ang mgapang-atake at pangsarbeylans nadrone ay naghahasik ng teror samga sibilyang komunidad. Kinum-bina nila ang mga ito sa mga hu-wad na “peace caravan” at pekengpagpapasurender. Ipinagmalaki panila ang mga nasamsam diumanonilang mga armas ng BHB at pag-gapi sa isang abandonadong kam-po ng BHB. Ang totoo, wala niisang pormasyon ng BHB ang na-wasak.

Page 4: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

Disyembre 21 , 2017 ANG BAYAN4

Pamamaslang at panggigipitsa ilalim ng martial law

Tiyak ang pagtindi ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng muling pi-nalawig na martial law. Magpapatuloy ang pamamaslang, panggigipit,

iligal na pang-aaresto at militarisasyon na isinasagawa ng reaksyunaryonghukbo. Lalupang dadami ang mga biktima ng karapatang-tao lalupa’t nag-banta si Duterte na gagamitin niya sa “target practice” ng kanyang mga ba-gong helikopter ang mga yunit ng BHB. Sa nakaraan, hindi ang BHB ang tina-tamaan ng kanyang mga bomba kundi mga sibilyang komunidad.

Pamamaslang. Noong Disyem-bre 17, natagpuan ng Karapatan-Southern Mindanao ang bangkay niJeanni Rose Porras, 39, myembro ngCompostela Farmers Association(CFA) sa punerarya ng Nabunturan,Compostela Valley. Bago nito, nag-u-lat ang anak ni Porras na mula pa Di-syembre 15 ay nawawala na angkanyang ina. Ayon pa sa anak, noongDisyembre 14, nagpaalam ang kan-yang ina na may kakausapin ito, su-balit lumipas ang maghapon na hindiito umuwi at wala ring kontak sa sel-pon. Si Porras ay masigasig na taga-pagtaguyod ng kalikasan laban samapaminsalang pagmimina at orga-nisador ng mga magsasaka sa lugar.Matagal nang target ng pagpatay,iligal na pag-aresto at harasmentang mga myembro ng organisasyonni Porras dahil sa mga anti-militari-sasyon, anti-mina at repormang ag-raryong kampanya ng mga ito.

Noong Disyembre 9, natagpuanang bangkay ni Bernardo Clarion,24, sa Barangay Callawa, DavaoCity isang araw matapos i-reyd ngmga reaksyunaryong tropa ang ba-hay ng kanyang dinadalaw na kai-bigan. Sugatan ang nasabing kai-bigan ni Clarion at nawawala rinang kanyang kapatid. Ang mag-kapatid na Clarion ay mga myembrong organisasyong Sulong Kultura.

Sa Sorsogon, noong Disyembre12, pinagbabaril ng mga elementong 31st IB at 508th PNP PublicSafety Company sina Jonel PaneloNuñez at Jun Ventura Gigantones saBarangay Somagongsong, Bulan.

Noon namang Disyembre 8,alas-5 ng umaga, binaril-patay ngmga di nakilalang armadong kalala-

kihan si Aldrin Sese, organisador ngPamalakaya ng Barangay Lagundi,Batuan, Masbate.

Iligal na pang-aaresto atpanggigipit. Noong Disyembre 19,inaresto ng mga myembro ng PNP-San Mariano sa Isabela si ElmeritoPagulayan, tagapangulo ng Dang-gayan Dagiti Mannalon Iti Isabela(DAGAMI)-San Mariano. Sinampa-han si Pagulayan ng gawa-gawangkaso ng bigong pagpatay.

Noong Disyembre 16, pinasok ng22 nakasuot-sibilyang mga sundalong 88th IB ang training center ngBuffalo-Tamaraw-Limus (BTL) saField 1, Musuan, Maramag, Bukid-non. Hinahanap nila ang tagapangu-lo ng BTL na si Winnie Loable. Isangaraw bago nito, pumunta rin angtatlong ahenteng militar sa lugar athinanap naman si Ebaristo Forten,tagapangulo ng Limus.

Noong Disyembre 13, iligal nainaresto ng Marine Battalion Lan-ding Team 7 ang walong DulanganManobo sa Sityo Blanga, BarangayNalilidan, Kalamansig, Sultan Ku-darat, alas 4:30 ng hapon. Kinilalang Karapatan-Soccsksargen angmga biktimang sina Kuya Ganta-ngan, Anto Gantangan, JonardGantangan, Dodo Gantangan, DinkyGumpay, Palut Saglang, Kasio Cianoat Jitre Gantangan. Mga myembrosila ng Kesasabanay Dulangan Ma-nobo (Keduma), lokal na organisa-syon na mariing tumututol sa pla-nong pagpapalawak at pangangam-kam ng lupaing ninuno ng David M.Consunji, Inc (DMCI).

Noong Disyembre 16, namataysa trauma si Joshua Gantangan, 2taong gulang, matapos pasukin ng

MBLT 7 ang kanilang bahay sa SityoTinagdanan, Barangay Hinalaan,Kalamansig. Isinugod siya sa ospitalpero patay na nang dumating.

Noong Disyembre 12, inarestong mga pulis ng Bangued, Abra siSherwin De Vera, manunulat ngNorthern Dispatch Weekly at akti-bistang makakalikasan. Ayon sa mgapulis, si De Vera ay may warrant ofarrest sa kasong rebelyon na isi-nampa noong 2014.

Nakatanggap naman ng mgamapagbantang mensahe sa selponnoong Disyembre 18 si Kath Cortez,mamamahayag ng Radyo ni JuanNetwork-Davao dahil sa kanyaumanong pagbatikos sa gubyerno atpagpanig sa mga komunista.

Sa Western Samar noong Di-syembre 10, inaresto ng mga sun-dalo ng 14th IB ang dalawangmagsasaka at myembro ng Asosa-syon han Kablas nga Parag-uma nasina Doydoy Edusma at Hosep Ha-rumay. Hindi pa natutukoy kungsaan dinala ang dalawa bagamanmay mga nakakita na kasama sila ngmga sundalo sa Barangay Tula, Pa-ranas. Sa panahong iyon, nakasuotumano si Edusma ng uniporme ngsundalo samantalang si Harumay aymay dalang isang sakong bigas nadapat sana ay dadalhin nito sa kubonila nang araw na iyon.

Bago nito, noong Disyembre 6,alas 11:30 ng umaga, pinuntahanng mga pinaghihinalaang ahentengmilitar ang bahay ni Reylan Verga-ra, lider ng organisasyon ng kara-patang-tao sa Panay. Umalis la-mang ang mga ahente nang lumabassa bahay ang byenan ni Vergara.

Sa Bukidnon noong Disyembre 3,inaresto ang dalawang lider-magsa-saka. Sa Don Carlos, inaresto nangwalang mandamyento sina Welhilmi-no Espinar, pangalawang tagapa-ngulo ng Kahugpongan ng mga Mag-uuma sa Bukidnon, at Jocelyn Palpa-gan, taga-Maramag, lider ng KADA-MAY-NMR.

Page 5: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2017 5

Mga niratsadang batas

Pork barrel at dagdag na buwis

Kasabay ng muling pagpapalawig sa batas militar, magkasabay napinirmahan ni Rodrigo Duterte ng GRP ang dalawang panukalang batas

na naglalarawan ng sukdulang kabulukan at katangiang kontra-mamamayanng kanyang rehimen.

Nitong Disyembre 19, nagingbatas na ang General Appropri-ations Act o ang pambansang bad-yet para sa 2018 at ang TRAIN, angunang pakete sa reporma sa buwisng kanyang rehimen.

Badyet para sa korapsyonTulad ng ibang pahayag ni Du-

terte, isang malaking kasinungali-ngan ang pahayag niyang siya ay“kontra-korapsyon.” Gamit angpondo ng mamamayan, kaliwa't ka-nan ang panunuhol niya sa kanyangmga alipures sa kongreso at senado.

Malinaw ito sa ipinasang pam-bansang badyet para sa 2018 nabatbat ng “pork barrel” o pondongnakalaan para sa personal na mgaproyekto ng mga kongresista at se-nador sa anyo ng mga “insertion” omga aytem na isiningit sa huling pa-sada ng badyet. Paghahanda ito ngmga alipures ni Duterte para saeleksyon sa 2018.

Sa taya ng mga progresibongpartido, umaabot sa P46 bilyon sabadyet ang maituturing na “porkbarrel” sa ipinasang P3.7 trilyongpambansang badyet. Kabilang ditoang mahigit P11 bilyong dag-dag sa badyet ng De-partment of PublicWorks andHighways, isasa pinakakorapna departa-mento ng esta-do. Dahil dito,umaabot saP637.9 bilyonang kabuuangbadyet para sa2018. Isiningit din ang P1.5 bil-yong pondo para sa konstruksyon ngmga kalsada sa Department ofAgriculture, kaya nasa P53.3 bilyonna ang badyet nito. May mga isini-

ngit rin na alokasyon sa mga ahen-syang matagal nang ginagamit ngmga kongresista para sa kanilangpangangampanya. Halimbawa nitoang Department of Social Welfareand Development na nadagdagan ngP4.8 bilyon at Department ofHealth, na nadagdagan ng P2.4 bil-yon.

Sa kabilang banda, bilyun-bilyonang kinaltas sa badyet sa iba panglabis na kinakailangang serbisyongsosyal. Binawasan ng P33 bilyon angbadyet para sa Department ofEducation, badyet na nakalaan parasa pagtatayo ng mga bagong klas-rum at gusali. Kinaltasan din ng P6.6bilyon ang Commission on HigherEducation sa kabila ng pagkakapasang batas kaugnay sa libreng matri-kula sa mga pampublikong unibersi-dad at kolehiyo.

Binawasan rin ang Departmentof Transportation nang P8.2 bilyonpara sa sistema ng pampublikongtransportasyon. Sa kabila ng pa-ngako ng libreng irigasyon, bina-wasan ng rehimen ang badyet ngNational Irrigation Authority nangP978 milyon. Kinaltasan din ang

badyet para sa mga de-partamento ng Environ-ment and Natural Reso-

urces, Trade and Industryat Information and Commu-

nications. Dagdag pa dito angnapakalaking pondong ini-

laan ni Duterte parasa sarili sa anyo

ng discretionary funds ng upisinang presidente. Dati nang binatikosng mga progresibong grupo angkawalan ng pondo para sa murangpabahay at repormang agraryo.

Dagdag na pasaninSamantala, paspasang ipinasa

sa Kongreso at Senado ang anti-mamayang reporma sa buwis. SaKongreso, iniratsada ito kahitwalang korum ang mga kongresista.Sa aktwal, 10 kongresista lamangang nasa loob ng bulwagan nangipasa ang panukala, ayon sa ACTTeachers Party.

Kabilang sa pinakamasasaholna probisyon na inaprubahan angdagdag na buwis sa mga produk-tong petrolyo. Ayon sa IBONFoundation, nangangahulugan itong pagtaas ng gasolina nangP6/litro sa unang taon ng imple-mentasyon at sa diesel nangP1.75/litro. Tataas din ang aviationjet fuel (ginagamit sa mga eroplano)nang P4/litro at ang LPG nangP1/litro. Apektado nito hindi la-mang ang gastos sa transportasyon(pamasahe) kundi pati ang gastossa kalakalan. Ibig sabihin, itataasnito ang presyo ng mga hilaw namateryales at pinrosesong pagkainat iba pang bilihin.

Ipapataw din ang buwis nahanggang P100 kada metriko tone-lada sa coal na magreresulta samas matataas na singil sa kuryente.Matutuloy rin ang dagdag na buwissa inasukalang inumin nang hang-gang P10/litro.

Sa taya ng IBON, magbabayadnang hanggang P341.6 bilyon angmamamayan dulot ng mga dagdagna buwis na ito. Ito ay habangmalilibre sa buwis ang pinakama-yayamang Pilipino nang hanggangP944 bilyon kada taon.

Pinakatatamaan nito ay ang 60%pinakamahihirap na Pilipino nadati nang nabubuhay sa napaka-babang sahod at sweldo.

Page 6: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

Disyembre 21 , 2017 ANG BAYAN6

Paggamit ng mga drone

sa mamamayang lumalaban

Muling pinalawig ng teroristang rehimeng US-Duterte ang batas militarsa Mindanao. Pinalaki pa ang badyet ng AFP para sa taong 2018 upang

bigyang daan diumano ang modernisasyon ng AFP. Patuloy na naglulustay ngbilyun-bilyong pondo ng mamamayan si Duterte para bumili ng bagong kaga-mitan sa kanyang among US.

Pangunahing target nito ang re-bolusyunaryong kilusan, partikularang Pulang hukbo. Inaasahang ma-giging tampok ang paggamit ng mgadrone o unmanned aerial vehiclesystem, mga kagamitang militar nawalang sakay na piloto at pinaa-andar gamit ang remote control okompyuter, bilang karagdagang ar-mas laban sa BHB.

Ginagamit ang mga drone sapaglikom ng intelidyens, sarbeylansat pag-atake sa mga tukoy na target.Kalakhan ng mga tipo nito ay tuma-tagal hanggang 17 oras sa ere. Maykakayahan itong agarang makapag-padala ng mga larawan sa kompyu-ter o sa nag-oopereyt nitong tropao yunit-militar.

Matagal nang ginagamit angdrone sa Pilipinas. Noong 2002, maybumagsak na Predator drone sa ka-ragatan ng Zamboanga. Isang ero-planong pang-espiya naman angbumagsak sa Mount Tumatangis,Jolo noong 2005.

Sa pamamagitan ng noo'y JointSpecial Operations Command ngUS na nakabase sa Zamboanga,malayang nakapagpapalipad ngmga drone ang US mula sa mgakampo militar ng AFP. Naiulatnoong 2006 na nagpakawala ngHellfire missiles ang Predator dro-ne ng US para diumano’y targetinang binansagan nitong terorista nasi Umar Patek na nasa Jolo, Sulu.Bigong mapatay si Patek, habangnasawi naman ang mga kasama ni-to. Matinding takot sa mga komu-nidad ng Moro ang dala ng mgapambobombang ito.

Noon pang 2012 may gamitnang drone ang AFP sa kanilangoperasyon. Ginamit nito ang Rap-tor, Knight Falcon at TUAV drone

noong 2013 nang gapiin nito angmga armadong grupong Moro saZamboanga at tukuyin ang lokasyonng Moro National Liberation Front.

Taong 2015, bumili ang AFP ng12 pang-atakeng drone at anim napangsarbeylans na drone. Kabilangdito ang 15 Scan Eagle drone na gi-nagamit sa gawaing sarbeylans.Mayroon na ring drone na mayroongelectronic surveillance equipment.Ibig sabihin, ginagamit ito paramalaman ang presensya at kapal ngmga elektronikong signal mula sagubat o isang erya na saklaw ngsarbeylans. Kabilang dito angelectronic signal ng selpon, internet,kompyuter, radyong transceiver atiba pa.

Sa gera sa Marawi, ginamit ngtropang militar ang P3 Orion spyplane at Predator drone sa kanilangmga airstrike. May ilang larawangnakuha na pinapalipad at inoopereytang mga ito ng tropang militar ng USat mga sinanay nitong mga yunit ngAFP. Namataan ring pinapalipad ang

mga ito sa mga komunidad ng Caga-yan de Oro at Iligan at kanlurangbahagi ng Misamis Oriental at Lanaodel Sur noong nakaraang buwan.

Sa Marawi, pinapaniwala ngrehimeng Duterte at ng lumilikhang mga drone na ‘risk-free’ at masmagiging epektibo’t eksakto angkanilang mga pag-atake sa pagga-mit nito. Sa totoo, ang drone aymaibibilang sa mga sandata samalawakang pagpatay dahil hindinito napag-iiba ang kombatant sasibilyan. Sa loob ng unang dekadang paggamit ng US ng drone mula2001, halos 4,000 tao ang namataysa humigit kumulang 420 "targetedkilling operations.” Noong 2010,inamin ng CIA sa isang ulat na sahalos 2,500 Pakistani na pinatay sapamamagitan ng drone, 35 lamangang tunay na target. Ang iba aymga pinagdududahan lamang naterorista.

Bago pa man ideklara ni Dutertena "terorista" ang rebolusyonar-yong kilusan, walang humpay naang paggamit ng kanyang pasistangtropa ng mga attack helicopter atdrone laban sa mamamayan atPulang hukbo. Nitong nakaraangbuwan, nag-ulat ang BHB-SMR na

Page 7: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2017 7

"Gera kontra-terorismo,"isang malaking negosyo

Noong nakaraang linggo, buong-yabang na ipinagmalaki ni RodrigoDuterte ang pagbili niya ng mga bagong helikopter na ipambobomba

diumano niya sa BHB. Abot langit ang kanyang tuwa, kasama ng kanyangmga heneral, sa animo'y bukas-palad na pagbebenta ng US matapos si-yang mag-astang galit dito.

Ang mga armas na ito ay ipi-nalalabas nilang “ibinibigay” onakadiskwento pero sa aktwal aybinabayaran ng mamamayang Pi-lipino. Bilyun-bilyon na ang ginas-tos para sa diumano'y “moderni-sasyon” ng Armed Forces of thePhilippines na ginagamit nito samga gerang panunupil ng estado.

Mula 2010, bumili ang Pilipinasng tatlong lumang barkong pandig-ma, 17 pang-atakeng helikopter atdalawang cargo plane sa ilalim ngunang bahagi ng AFP Modernizati-on Act. Umabot sa P90 bilyon anginilaang pondo para rito.

Mula 2018 hanggang 2022,tatakbo na ang pangalawang ba-hagi ng modernisasyon ng AFP nanagkakahalaga ng P600 bilyon.Kabilang rito ang ipinagmamalakini Duterte na 23 pang-atakenghelikopter na “inutang” niya mulasa US at kailangang bayaran saloob ng 25 taon. Alinsunod sa lis-tahan ng AFP, ang nais nitong bil-hin ay ang Bell 309 KingCobra nagawa ng Amerikanong kumpan-yang Bell Helicopters. Nagkaka-halaga ng $11.1 milyon ang kadaisa nito noong 1995. Bago nito,bumili ang AFP ng apat na Hermes900 Kochav (Star) na drone nanagkakahalaga ng $42 milyon

(P2.1 bilyon) kada isa mula saElbit Systems, isang Amerikanongkumpanya na nakabase sa Israel.Dagdag pa rito ang balak na bilhinni Duterte na mga bagong helmetat vest, mas marami pang kaga-mitan para sa pakikipaglaban sagabi at gamit pangkomunikasyon.

Noong Hunyo, dumating sabansa ang apat na M134 masing-gan, 300 M4 at 100 grenadelaunchers sa ilalim ng programa"kontra-terorismo" ng US.

Malaking bahagi ng bagong-biling armas ay nanggagaling samga kumpanyang US at sala-sala-bat nilang mga subsidyaryo saiba't ibang bahagi ng mundo.Umaabot sa 75% ng lahat ng ar-mas ng AFP ay gawa ng mga kum-panyang ito. Bago maupo sapwesto si Donald Trump bilangpresidente, kalakhan ng mga pag-bili ay sa pamamagitan ng ForeignMilitary Financing (FMF) ng US.Pinakamatataas ito noong 2015(P50 bilyon) at 2016 (P40 bilyon).Ang FMF ay paraan ng US paramaibenta ang kanilang lumangmga armas, barko at eroplano.Gamit ang pondong ito, obligadoang mga malakolonya na bilhin angmga pinaglumaan nitong kagami-tan, pinaaayos at ina-upgrade

kasabay ng pagdating ng papalakingpwersang militar sa mga komunidad,gabi-gabing may umiikot na kulayputing mistulang drone sa kanilangerya. Magsisimula ito nang alas-6 nggabi hanggang alas-4 nang madalingaraw. Naiulat din ng isa pang yunit ngBHB na ginamit ng kaaway ang dronepara tukuyin ang pusisyon ng Pulanghukbo. Anila, bago pa makita sahimpapawid, nakarinig sila ng ugongna bahagyang mas mahina sa attackhelicopter. Sa layong 200-300 metronakita ng tropa ng BHB ang isangquad drone—may apat na paa at taasna 2-3 sq.ft. Inikot nito ang tereyn saloob ng 7-10 minuto.

Walang kinikilala ang mga dronekundi ang nagpapatakbo rito, atmaaaring maging kumpyansa angnagkokontrol rito sa pag-atake dahilmalayo sila sa aktwal na labanan.Dagdag pa, maraming pagkakataongbumabagsak ito dahil sa mga proble-mang teknikal. Sa nagdaang dekada,naitala ang higit 400 na mga droneang bumagsak.

Dahil reaksyunaryo, mersenaryo atwalang suporta mula sa masa, masumaasa ang AFP at tulad nitong mgapasistang hukbo sa mamahaling mgakagamitang militar na binibili gamitang kaban ng bayan. Ang pinagmama-laking spy drone ay walang iba kundimekanisadong impormer na mas mala-yo ang abot ng tanaw at mas mabilismakapagpapaabot ng impormasyon sahandler nito. Tulad ng karaniwangmaniniktik, hindi nito nakikita ang si-numang tao na nakakubli sa likod ngbato, dingding na kahoy, malaking pu-no, makapal na gubat, kahit pa nga salikod lamang ng salamin o aluminumfoil kung hindi nakadikit ang katawandito sa nasabing mga bagay. Ang dronena pang-atake naman ay naiiba lamangsa eroplanong pandigma dahil walaitong piloto na maaaring mabaril ngkalaban. Sadyang ginagawa ng estadona "nakamamangha" ang bagong ka-gamitan upang makadagdag na pana-kot sa mamamayan.

Kailangang pag-aralan ang iba'tibang paraan para kontrahin ang ka-pasidad ng mga drone na pangsarbey-lans at pang-atake. Kailangang alamin

kung saan nakapondo ang mga dronena ginagamit at ang ground controlsystem ng mga ito para mabira. Tu-luy-tuloy na pag-aralan at magpaun-lad ng mga pamamaraan para iwa-san, biguin o isabotahe ang mga ito.

Magagamit nang palatandaanang paglipad ng mga drone paramataya ang planong operasyon ngkaaway at posibleng mga peligro sa

mga himpilan at yunit ng BHB. Gu-mawa ng mga angkop na hakbangsa pagkilos at komunikasyon.

Dapat maagap na iulat ng mgayunit ng BHB at mga lokal na sa-ngay ng Partido ang paglipad ngmga pangsarbeylans na drone sakani-kanilang mga saklaw at angginawang mga hakbang para biguinang mga layunin nito.

. . . sundan sa pahina 8

Page 8: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

Disyembre 21 , 2017 ANG BAYAN8

Rali kontra pasismosa Araw ng Karapatang-tao

Malalaking protesta ang inilunsad ng demokratikong kilusang masanoong Disyembre 10 sa iba't ibang bahagi ng bansa para kundena-

hin ang tumitinding paniniil, pandarahas at walang humpay na pagpas-lang sa hanay ng nakikibakang mamamayan na isinasagawa ng pasistangrehimeng US-Duterte. Samantala, naglunsad ng serye ng mga protestaang kabataang-estudyante para ipanawagan ang pagpapatalsik sa papetat pasistang rehimen.

Sa NCR, pinangunahan ng Ka-rapatan at Bagong Alyansang Ma-kabayan (Bayan) ang malaking ralisa Bonifacio Shrine sa syudad ngMaynila. Nilahukan ang rali ngmahigit 8,000 aktibista. Lumahokdito ang bagong tayong alyansang mga nasa midya at artista napinangalanang LODI o Let's Orga-nize for Democracy and Integrity.Nagpadala naman ng ng mensahebilang pakikiisa si Chief JusticeLourdes Sereno.

Sa gabi, nagmartsa ang mgaraliyista patungo sa Mendiola ta-ngan ang libu-libong sulo. Sinunognila sa paanan nito ang malakinglarawan ni Duterte na mistulangdemonyo.

Sa Bicol, mahigit sa 15,000ang naglunsad ng rali sa anim naprubinsya. Sa Sorsogon, binarika-dahan ng mga raliyista ang Gen.Escudero Provincial Headquartersng PNP. Nilahukan ito ng mga ka-sapi ng Sorsogon People's Orga-nization (SPO). Sa Naga City,naglunsad ng programa ang mgaaktibista sa Plaza Rizal. Nagkaro-on din ng mga rali sa mga syudadng Legazpi at Masbate.

Sa Panay, mahigit 1,000 angnagrali sa sentro ng Jaro, Iloilo sapangunguna ng Movement Aga-inst Tyranny-Iloilo.

Sa Negros, daan-daan angnagmartsa sa sentro ng BacolodCity kung saan sinunog nila angeffigy ng dalawang-mukhang Du-terte. Bago nito, hinarang ngPNP-Escalante ang People's Ca-ravan na dadalo sa protesta ngInternational Human Rights Dayupang iantala ang byahe nito pa-

puntang Bacolod. Sa Cebu, ini-lunsad ang rali sa harap ng kapi-tolyo ng syudad.

Naglunsad din ng iba't-ibangmga porma ng pagkilos sa iba'tibang lugar ng Northern Luzontulad ng Ilocos Sur, Isabela, atBaguio.

Sa Mindanao, nagkaroon ngrali sa limang prubinsya. SaSoccsksargen, pinangunahan ngKaluhhamin, Karapatan at Bayanang piket-protesta sa harap ngkampo ng 27th IB sa Tupi, SouthCotabato.

Sa Zamboanga del Sur, daan-daan ang nagrali kasama ang mgaobispo ng Iglesia Filipina Inde-pendiente at Karapatan-WestMindanao tungong Pagadian City.

Sa Davao, nagtungo sahedkwarters ng Eastern MindanaoCommand sa Panaon, Davao Cityang mga aktibista. Sa Cagayan deOro, nagrali ang mga aktibista sasentro ng syudad.

Samantala, nagkaroon din ngmga pagkilos sa Hayward sa Ca-lifornia, The Hague sa Nether-lands, Hongkong at New York.

Nitong Disyembre 18,inilunsad ng KMP-Soccsksargenang isang piket-protesta parakundenahin at papanagutin ang33rd IB at 27th IB sa ginawangpagmasaker ng mga sundalo sawalong Lumad noong Disyembre 3sa Barangay Ned, Lake Sebu,South Cotabato. Ipinanawagandin nila kay Gob. Daisy Fuentes ngCotabato na imbestigahan angmga militar sa pagbibigay protek-syon ng mga ito sa mga kapi-talistang nagmimina ng karbon.

mula sa sariling bulsa at binabaya-ran ang transportasyon ng mga itomula sa US. Naitatambak ng US angmga luma na nitong armas, kumikitapa ito sa pagpapaganda. Noong2016, tanda ng kahungkagan ng mgakontra-US na buladas ni Duterte,lumaki pa ang ayudang militar nito.Ayon sa mga ulat, umabot sa $127milyon ang ibinigay ng US mulaOktubre 2015 hanggang Setyembre2016. Ayon sa embahada ng US, $50milyon nito ay FMF, $1.9 milyon parasa pag-aaral ng mga sundalo, $42milyon para sa mga aktibidad pan-dagat, at $33.2 milyon para sa mga“inisyatiba kontra-terorismo. ”Parasa 2018, naglaan ng $5.7 bilyon angUS para sa FMF nito. Tulad ng ibangmga tuta ng US, todo ang panga-ngayupapa ni Duterte para maam-bunan ng pondo mula rito.

Industriya ng geraAng US ang nananatiling pina-

kamalaking tagabenta ng armas sabuong mundo. Nitong nakaraangdekada, dumoble ang naibenta ni-tong armas, kasabay ng pag-arang-kada ng mga "gera kontra-teroris-mo" sa Middle East at Asia. Pinaka-malaki ito noong 2011, kung saanumabot sa $66.3 bilyon ang nai-bentang armas ng mga kumpanyangUS, tatlong kapat ng pangkabuuangbenta ng buong mundo. Malakingbahagi nito ay napunta sa SaudiArabia at iba pang mga alyado nitosa rehiyon. Bumili ang mga bansangito ng mamahaling mga eroplanongpandigma at misayl na pinambombasa mga grupong ISIS o maka-ISISsa mga karatig nilang bansa.

Habang nagtutuloy-tuloy angmga gerang ito, patuloy din angmataas na kita ng US. Noong 2015,nasa $46 bilyon ang benta habangnasa $40 bilyon ito noong 2016.Noong 2016, P33 bilyon ng benta aysa Saudi Arabia pa lamang. Ginamitng Saudi ang mga bagong-biling ar-mas nito sa Yemen, kung saan buu-buong prubinsya ang pinupulbos ni-to sa ngalan ng “gera kontra-tero-rismo.”

"Gera kontra-terorismo". . . mula pahina 7

Page 9: ndfp.org · mabigo ang mga operasyon ng kaa-Editoryal: Buong tatag na labanan at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte 1 Pagdiriwang sa ika-50 taon ng PKP 1 Mga POW, hindi napalaya

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2017 9

Kapital ng Palestine ang Jerusalem,

hindi ng Israel—ILPS

Mahigpit na naninindigan ang International League of Peoples'Struggles, kaisa ng mamamayang Palestino, sa pagkilala sa Jeru-

salem bilang kabisera ng Palestine. Kinundena nito ang deklarasyon ngpresidente ng US na si Donald Trump na kapital ng Israel ang naturangsyudad at paglilipat niya sa embahada ng US dito mula sa Tel Aviv.

Ayon sa ILPS, ipinamalas ng deklarasyong ito ang kawalang-respe-to ng US sa internasyunal na mga tuntunin at batas. Kinundena ng la-hat ng mga bansang Arabo, maging ng ultra-reaksyunaryo at maka-USna bansa tulad ng Saudi Arabia, ang naturang deklarasyon.

Itinuturing ng Popular Front for the Liberation of Palestine (PLFP)ang deklarasyon bilang deklarasyon ng digma laban sa mamamayangPalestino. Nanawagan ang PFLP sa kanilang mamamayan na magkaisaat kolektibong tugunan ang deklarasyon sa pamamagitan ng mga ak-syon at pagpapabwelo ng kilusang masa. Hangad nila ang bagong in-tifada o pag-aalsa.

Noon pang 1980 idineklara ng United Nations (UN) ang Jerusalembilang bahagi ng Palestine. Inilabas ng UN Security Council ang Resolu-syon 478, isa sa pitong resolusyon nito na kumundena sa okupasyon ngIsrael sa East Jerusalem mula pa 1967. Sinalungat din nito ang ipinasang Israel na “Jerusalem Law” na nagtatakda sa syudad bulang “lubosat nagkakaisa” na kapital nito. Sa kabila nito, nagtayo pa rin ng kaba-hayan ang Israel sa East Jerusalem. Hanggang ngayon, itinuturing itong UN na “okupadong teritoryo."

Sa ngayon, mahigit 200,000 pamilyang Israeli ang iligal na nakatirasa gitna ng mga Palestinong komunidad sa Jerusalem. Noong 2000,nagtayo ng pader ang Israel para palibutan ang mga okupadong teri-toryo at mahigpit itong binabantayan ng mga armadong pwersangIsraeli. Ayon sa mga rekord ng UN, mahigit 20,000 Palestinong kaba-hayan ang giniba nila para magawa ito. Matatagpuan sa Jerusalem,partikular ang silangang bahagi nito, ang mga banal na lugar ng Judais-mo, Kristyanismo at Islam.

Lalo pang palalakasin ng deklarasyon ni Trump ang mga Zionista(marahas at maka-Israeli na mang-aagaw ng teritoryo) na gumawa ngmas marami pang paglabag sa mga karapatan ng mamamayang Palesti-no, ayon pa sa ILPS.

Sigaw ng kabataan-estudyante:Patalsikin si Duterte

Noong Disyembre 16, nat-ransporma sa isang kilos-protestaang taunang parada ng mga parolsa University of the Philippines(UP)-Diliman sa Quezon City nangiparada ng mga aktibista ang isangeffigy ni Duterte na mukhang hali-maw na nakasuot-militar at nama-maril ng mga estudyante ng UP.Nagkaroon naman ng raling-iglap saUP-Visayas.

Noong Disyembre 13, nag-walk-out ang mga estudyante mulasa kani-kanilang eskwelahanhabang nagaganap ang espesyal nasesyon ng Mababa at Mataas naKapulungan ng Kongreso para pa-lawigin ang batas militar sa Min-danao. Ang ilan sa mga estudyanteay sumama sa piket ng Bayan saBatasan Road sa harap ng kongre-so. Ang mga estudyante naman ngUST ay nagtirik ng kandila saEspaña Avenue.

Bago nito, ginawang tema sataunang Oblation Run sa UP-Dilimanang panawagan para itigil ang mgapamamaslang at iba pang karahasanng estado. Sa UP-Manila, pinara-ngalan sa Oblation Run ang namartirna estudyante nitong si JosephineLapira.

Noong Disyembre 9, nag-walkout ang mga organisasyon ngestudyante mula sa kanilang mgakampus laban sa walang humpay napagpaslang, pananakot at pagsikilsa kanilang mga karapatan. Anila,nagmimistulang martial law sa loobng mga kampus dahil sa presensyang PNP at AFP sa loob at mga pali-gid nito. Naganap ang mga walk-outsa UP-Diliman, UP-Manila, UST atiba pang mga unibersidad. Kinaha-punan, nagtungo ang mga estud-yante sa Mendiola.

Nagpiket din sa Mendiola angmga bakwit na estudyanteng Lumadsa ilalim ng Save Our Schools Net-work noong Disyembre 9. Sa Caga-yan de Oro, nagraling-iglap namanang mga kasapi ng Anakbayan at LFS-Northern Mindanao Region sa harap

ng kampo ng 4th ID.Noong Disyembre 14, naglunsad

ng protesta ang Anakbayan-Cordillera para kundenahin ang ini-labas na kautusan ng CHED-UnFASTna RA10931 na nagsisilbi sa interesng mga kapitalistang edukador.

Dahas ang sagot ng pamunuanng Unibersidad ng Cordillera sapamamagitan ng pagbuwag ng mgagwardya ng eskwelahan sa kanilanghanay, katuwang ang mga pulis ng

Cordillera.

Pagkilos ng mga manggagawaNaglunsad ng kilos-protesta ang

mga manggagawa sa ilalim ng LigaCavite ng Timog Katagalugan sa ha-rapan ng Department of Labor andEmployement sa Intramuros Manila.Ipinanawagan nila na agad magde-sisyon ang DOLE sa kalagayan ngmga kontraktwal na manggagawa ngSan Miguel Yamamura.