24
, CABINET REPORT SA TELERADYO WITH PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE SECRETARY MARTIN ANDANAR AND GUEST CABINET SECRETARIES BY LEO PALO KAAGAPAY NG BAYAN, RADYO PILIPINAS JANUARY 6, 2018 (11:08 12:02 P.M.) LEO: Magandang umaga Pilipinas… Luzon, Visayas, Mindanao. Ito po si Leo Palo III… SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar at ito ang… Cabinet Report sa Teleradyo LEO: Cabinet Report sa Teleradyo. SEC. ANDANAR: Magandang, magandang, magandang, magandang umaga po sa buong Pilipinas Luzon, Visayas, Mindanao… at ang ating mga kababayan po naman na nakikinig every Saturday. Ngayon po ay ang unang araw ng Cabinet Report sa Teleradyo ngayong 2018. Actually unang… unang sigwada natin ito Leo ‘no, kaya nga maraming salamat po sa mga nakatutok sa atin sa Cabinet Report sa Teleradyo, sa 738 Radyo Pilipinas Uno, and of course lahat po ng nakatutok sa atin sa pamamagitan ng Facebook live ng Radyo Pilipinas Uno. Live din po tayo sa Facebook page ko… LEO: Sa Facebook page mo, naka-live ka… Hindi pa, hindi pa? SEC. ANDANAR: Wala pa, wala… Naka-live ba tayo sa Presidential Communications? Ah, naka-live din po ba tayo doon… sa PCOO live ba tayo, sa Facebook page? Oo, okay… So magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig sa atin, nanonood sa Facebook page. LEO: ‘Ayan… sa lahat ng Facebook page – sa PIA, PNA, RTVM actually… ‘ayun nakapunta rin doon… Republic of the Philippines Presidential Communications Office NEWS AND INFORMATION BUREAU PCOO-NIB Building, Malacañang Compound, Malacañang, Manila Telephone Number: 734-3829

NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

,

CABINET REPORT SA TELERADYO

WITH PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SECRETARY MARTIN ANDANAR

AND GUEST CABINET SECRETARIES

BY LEO PALO – KAAGAPAY NG BAYAN, RADYO PILIPINAS

JANUARY 6, 2018 (11:08 – 12:02 P.M.)

LEO: Magandang umaga Pilipinas… Luzon, Visayas, Mindanao. Ito po

si Leo Palo III…

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar at ito ang… Cabinet

Report sa Teleradyo

LEO: Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR: Magandang, magandang, magandang, magandang umaga po

sa buong Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao… at ang ating mga kababayan po naman na

nakikinig every Saturday. Ngayon po ay ang unang araw ng Cabinet Report sa Teleradyo

ngayong 2018. Actually unang… unang sigwada natin ito Leo ‘no, kaya nga maraming

salamat po sa mga nakatutok sa atin sa Cabinet Report sa Teleradyo, sa 738 Radyo Pilipinas

Uno, and of course lahat po ng nakatutok sa atin sa pamamagitan ng Facebook live ng

Radyo Pilipinas Uno. Live din po tayo sa Facebook page ko…

LEO: Sa Facebook page mo, naka-live ka… Hindi pa, hindi pa?

SEC. ANDANAR: Wala pa, wala… Naka-live ba tayo sa Presidential

Communications? Ah, naka-live din po ba tayo doon… sa PCOO live ba tayo, sa Facebook

page? Oo, okay… So magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig sa atin, nanonood sa

Facebook page.

LEO: ‘Ayan… sa lahat ng Facebook page – sa PIA, PNA, RTVM

actually… ‘ayun nakapunta rin doon…

Republic of the Philippines

Presidential Communications Office

NEWS AND INFORMATION BUREAU PCOO-NIB Building, Malacañang Compound, Malacañang, Manila

Telephone Number: 734-3829

Page 2: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Nilahat mo na…

LEO: Oo nilahat ko na, para hindi na…

SEC. ANDANAR: Para hindi sayang ang buwis… oo, para mapanood ng lahat, oo.

LEO: Ang tanong dito Secretary, bakit ba—ano itong programang ito

na inilunsad natin?

SEC. ANDANAR: Well ito po ay binuo natin Leo, ito pong Cabinet Report sa

Teleradyo para malaman ng ating mga kababayan na mga update na nangyayari... of course,

sa Executive Branch ng gobyerno. At alam naman natin na ang ating mga miyembro ng

cabinet, mga gabinete po ay talagang piling-pili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. And of

course, we try to do our best to give all our listeners, lalong-lalo na iyong mga members ng

Malacañang Press Corps ng mga bagong update for the weekend or every weekend. Every

Saturday, oo, para mayroon silang mai-report ‘pag Linggo.

LEO: Anyway baka hindi mo alam, eh itong sa Biyernes, Sabado’t

Linggo, para talaga sa iyo ito eh. Kaya iyong Malacañang Press Corps ay naka-monitor na

ngayon…

SEC. ANDANAR: Ah, ganoon ba…

LEO: Ay nakahanda na rin mga questionnaires para sa iyo (laughs)…

SEC. ANDANAR: Aba, marami na rin… Uy, mayroon tayong mga guests din na—

oo, mamaya na puwede rin silang maghanda ng kanilang mga tanong.

LEO: Hindi lang mamaya, sa mga susunod pa rin na pagkakataon eh

live na po silang makikita dito, ang ating mga Secretaries dahil ito nga po ay Cabinet Report.

Actually, ito iyong mga… sila itong mga kilala talaga ng Pangulo, napagkakatiwalaan ng

Pangulo… siyempre pa para sa kanilang mga gagawing trabaho na maayos at malinis para sa

ating mga kababayan, sa mga… every ‘Juan Dela Cruz’ na sinasabi.

Dito ninyo po eh, malalaman po ng lahat ng mga proyekto, mga

accomplishments ng bawat ahensiya ng pamahalaan at dito rin mapapakinggan ang mga

update mula mismo sa ating gabinete, sa inyo Secretary Andanar. At anumang issue,

anumang mga usapin na maari nating pag-usapan dito ng mga ahensiya ng pamahalaan,

dito, lilinawin po natin sa Cabinet Report.

Page 3: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: At aabangan natin ang ating mahal na Kalihim mula sa

Department of Trade and Industry, Ramon Lopez na makakausap natin. Sapagka’t alam mo

kasamang Leo, nagsara ang Philippine Stock Exchange noong December 30, 2017 na record

high – 8,558 points. Tapos, ito po ay nagsimula ngayong 2018 sa 8700 at nagtapos kahapon,

all-time high ulit na sa bilang na 8,770.

LEO: ‘Yan, iyan iyong isa sa mga dapat nating ipaliwanag kay ‘Juan

Dela Cruz,’ doon sa ordinaryong mamamayan. Ano ba ‘to? Hindi nakakain ito eh. Ano ba ito?

Pasok ba ito sa tiyan namin? Eh iyan ang issue diyan eh.

SEC. ANDANAR: At bakit patuloy na tumataas itong Philippine Stock Exchange

Index, at bakit nagse-celebrate iyong mga kasapi ng Philippine Stock Exchange, iyong mga

negosyante…

LEO: Iyong mga negosyante, oo…

SEC. ANDANAR: Ano ba ang kahalagahan nito sa negosyo, and what drives the

increase of the Philippine Stock Exchange Index, iyong mga numero? Ano ba iyong

pinagbabasehan ng pagtaas nito? Ito ba’y maganda? Ito ba’y hindi maganda? Ito ba ay dahil

sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito? Kaya ipapaliwanag sa

atin ‘yan ni Secretary Mon Lopez.

LEO: Oo, isang ekonomista. Siyempre, pagdating po sa trade ‘yan,

number one. At siguro, masisingit na rin natin iyong mga pagtaas at ano ba ang epekto ng

TRAIN, itong batas na naipasa at nalagdaan ng Pangulong…

SEC. ANDANAR: Naku… parang ekonomiya naman ang pinag-usapan the whole

week, about TRAIN. Kinakailangan maipaliwanag nang husto sa mga kababayan natin na

itong tax reform na ito ay, ang mahalaga ho dito ay ang binubuwisan talaga iyong mga mas

nakakalamang sa buhay.

LEO: Nakakalamang…

SEC. ANDANAR: Oo, iyong mga mayayaman.

LEO: Sabihin natin, iyong mga may kaya… oo.

SEC. ANDANAR: May kaya. Ah kumbaga, iyong mga may kaya ay sila talaga iyong

magbabayad. Pero sa mga kasama natin, mga kababayan natin na majority na tamang-tama

lang… from poor to middle class, sila po ang makikinabang dito dahil karamihan, more than

80% ay hindi na po magbabayad ng income tax.

Page 4: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

LEO: ‘Yan…

SEC. ANDANAR: ‘Yun…

LEO: Eh dito rin, maipapaliwanag na rin Secretary iyong mga

pangamba ng… itong grupo ng Makabayan bloc diyan sa Kongreso, iyong mga

nagrereklamo at dadalhin daw nila ito sa Korte Suprema, at kanilang… kumbaga eh, sila po’y

nabale-wala daw doon sa mga debate na nagawa at nangyari, at mukhang minadali daw.

Dito mapapaliwanag nang husto ang issue na ‘yan, dito po sa Cabinet Report.

SEC. ANDANAR: ‘Ayun… sa Cabinet Report. Of course kasama naman sa proseso

talaga ‘yan Leo, sa Kongreso puwedeng magreklamo, puwedeng idulog doon sa Judiciary,

doon sa Korte Suprema… kasi sila naman talaga iyong nag-i-interpret ng mga…

LEO: Ng ating batas…

SEC. ANDANAR: Batas… So kasama sa proseso ‘yan, hindi naman tayo—hindi

masama ang loob natin. In fact we encourage discourse ‘no, public discourse lalo na sa mga

ganitong klaseng—

LEO: Hindi nga—kumbaga ang gobyerno ito, hindi kokontra doon

sa…

SEC. ANDANAR: Ah, hindi kontra…

LEO: Doon sa karapatan na paghahayag, ‘yan iyong isa sa mga nais ng

Pangulo, at hindi ‘yan iwinawaksi ng gobyerno.

SEC. ANDANAR: Sabi nga ni Presidente eh, kung gusto mong magprotesta…

sige, gusto mong magmartsa… sige, kahit ilang araw.

LEO: Eh, buong taon nga sabi niya ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Buong taon magmartsa ka, buong taon kang magprotesta…

aba siguraduhin mo lang na walang maaabala sa traffic.

LEO: ‘Yan…

Page 5: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi alam mo naman eh masikip ang kalye dito sa Metro

Manila, at nakapakadaming sasakyan at maraming motorista. Para hindi tayo makaabala, eh

maghanap tayo ng open field, doon tayo magprotesta.

LEO: Correct.

SEC. ANDANAR: Oo, kung gusto ninyong magprotesta.

LEO: ‘Di ba… ganoon kaluwag kung titingnan mo, hindi katulad ng

mga nakaraang administrasyon—huwag na nating banggitin, eh bawal – hanggang

dalawang oras ka lang, may permit pa eh.

SEC. ANDANAR: O ito partner, ready na ang ating…

LEO: Speaking of…

SEC. ANDANAR: Pangunahin o pinakauna nating pangunahing mai-interview dito

sa kauna-unahan, the first…

LEO: Napakasuwete naman ni Secretary… (laughs)

SEC. ANDANAR: Alam mo si Secretary, talagang ano ito eh… maaasahan talaga

ito sa lahat ng biyahe ng ating Pangulo. Mula noong nagsimula tayo more than 17 months

ago, eh si Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry ay talagang

maaasahan pagdating sa communication.

LEO: Ah, ganoon lang iyon… Itong taong ito, very approachable

ito… akala mo nga hindi secretary.

SEC. ANDANAR: Oo nga eh, alam mo napakayaman nito sa ano ha, totoong

buhay ha…

LEO: Ah, ganoon?

SEC. ANDANAR: Oo, milyonaryo ito…

LEO: Hindi ko alam iyon ah. Sayang, lagi kong nakakausap ito eh…

(laughs)

SEC. ANDANAR: Galing ito sa pribadong sektor, mga Concepcion Group of

Companies. Oo napakayaman nito, talagang limpak-limpak ang salapi. Pero dahil sa gusto

Page 6: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

niyang magbigay uli, maibalik sa lipunan iyong kaniyang talento… eh iyon, nagpa-appoint

kay Pangulong Duterte. Pumayag siya na i-appoint, oo. Okay without further ado partner…

LEO: ‘Ayan… DTI Secretary Mon Lopez, magandang umaga. Happy

New Year at welcome sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. LOPEZ: Ah, magandang umaga po. Happy New Year din po sa inyong

lahat, Sec. Mart at iyong… sorry po hindi ko nakuha—

LEO: Si Leo po ito… Leo Palo, oo.

SEC. LOPEZ: Ah, Mr. Leo… opo. Good morning po.

LEO: Good morning.

SEC. ANDANAR: Kasi ganito Secretary Mon, nagtapos iyong taon ng 2017 na

napakataas po ng ating Philippine Stock Exchange Index, nasa 8,558. Nagsimula naman ang

taon, nasa bilang na 8,700. Tapos kahapon, eh nagtala ulit ng isang record high, all-time

high… nasa 8,770. Ano bang ibig sabihin nito Secretary Mon?

SEC. LOPEZ: Siguro sa madaling salita, ah… we’ve been hitting itong mga

nakaraang walong araw na yata ito na sunud-sunod na pagtaas. Kaya bawat pagtaas, record

level eh ‘no, so panibagong ano natin ito, level… At ibig sabihin ho nito talaga ay, iyong

confidence ho noong mga investors sa atin ay tuluy-tuloy. Ito mabanggit ko lang ano, hindi

lamang investors sa stock market na sinasabi nilang mabilis gumalaw ito papasok talaga…

pati rin iyong investor na hard investment, mga mamumuhunan na nagpapasok ng pera para

magtayo ng mga manufacturing plants for example, at mag-invest dito – pareho hong

tumataas, record level. Iyon nga hong mga ni-register natin sa BOI ay record level po kami na

617 billion pesos na never achieved…

SEC. ANDANAR: Wow…

SEC. LOPEZ: We never achieved in the 50-year history. At balikan natin doon

sa stock market, 8,770… pumalo pa ng 8,800 ‘yan within the day. Ang ibig sabihin po, iyong

confidence noong mga investor na kumikiliti doon sa mga kumpanya, sa public division

company, ang ini-expect po nila ay gaganda pa ang takbo ng mga kumpanya dito dahil sa

magandang takbo ng ekonomiya. So kasi, ‘pag bumibili ka ho sa mga stocks ng mga… diyan

sa stock market, ibig sabihin ay bumibili ka, para kang stockholder na noong mga company

na iyon dahil inaasahan mo iyong price nila per share ay tuluy-tuloy magtataas pa kaysa sa

presyo na binili mo ngayon. So ganoon ang confidence sa mga bumibili ng mga—sa stocks

po natin ngayon.

Page 7: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

At saan naman nanggaling iyong confidence nila, ay siguro po

makikita naman natin, pati nakikita rin nila iyong confidence sa ekonomiya natin. Iyong tuluy-

tuloy na paglago sa GDP, na sinabi nga kanina 3rd Quarter 6.9%, iyong manufacturing, never...

record uli tayo ng 9.4% growth – na ibig sabihin ay napupunta ito sa manufacturing at mga

planta. Lumalaki rin iyong production capacity, dumarami iyong employment… ibig sabihin

may pera iyong tao kasi may employment, may pambili iyong tao. So consumer activity

lumalakas at tuluy-tuloy na naman. May consumer activity, may investment na naman, may

trabaho na naman, so virtuous cycle.

SEC. LOPEZ: Isa pa hong nakikita nilang naging magandang movement

ngayon, iyong reform natin sa tax, iyong tax reform na iyong TRAIN na nakikilala ngayon na

napirmahan na po ng ating Pangulo. Kaya ibig sabihin ho niyan, ang isang maganda ho diyan

ay magde-develop—mag-ge-generate po ito ng mga additional 90 to 100 billion peso na

revenue, pangdagdag sa budget na gagamitin naman sa imprastraktura. So iyong

imprastraktura ho, ibig sabihin din noon iyong mga kalye, tulay, airport at iba-iba pa,

railway… outside Metro Manila ibig sabihin, dumadami rin iyong economic activity, mga

regional growth center outside Metro Manila. ‘Pag maraming imprastraktura, bumababa

producion cost, dadagdag na naman ang investment kasi maeengganyo na naman sila. So

iikot na naman nang iikot iyong positibo na, virtuous cycle na tinatawag.

SEC. ANDANAR: Virtuous…

SEC. LOPEZ: Oo. So ang isa pa hong magandang part diyan sa TRAIN, na

mararamdaman din kaagad ng ating mga kababayan, iyong tax exempt po pinataas na

iyong—ibig sabihin, iyong 250 thousand na ngayon and below ay tax exempt. So iyong

kumikita ng mga 21 thousand per month, gross, ay imbes na binabayad nila sa tax iyong

porsiyento noon, ay ngayon ay maigagamit na nila. Sa kanila na iyon, additional… either

panggastos, disposable income or pang-savings nila. So, ang ganda ho noong nangyayari,

dahil considering—ito ho, magbe-benefit nito 80 to 90 percent ng mga nagtatrabaho,

ganoon kadami, milyon-milyon! So milyon-milyon, ibig sabihin, ng mga Pilipino ang may

dagdag kita, net take home. So ‘yan po—

LEO: Secretary, maputol kita doon. Secretary, maputol lang kita… Ah

kasi itong mga… sabihin na natin ano, mga Makabayan bloc at iyong mga kontra actually

doon sa TRAIN na nalagdaan na ng Pangulo, eh parang may sinasabi sila na hindi—on the

long run, hindi daw nakakatulong ang TRAIN, bagkus ay mas magpapahirap ‘di ba Secretary?

Anong mga… ano doon?

Page 8: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. LOPEZ: Iyong ganoon hong mga remarks ho kasi, I would say mga

rhetoric siguro – iyong parati nilang sinasabi kahit walang basehan. Dahil kung pag-aaralan

naman iyong laman talaga noong TRAIN... ito nga iyong ini-explain natin, economic logic po

ay ibig sabihin, kung reasonable na tao tayo, maintindihan natin na—ang iyong benepisyo.

We just have to be objective, at tingnan ang numero, kailangan data-based tayo, numbers-

based… hindi lamang salita na qualitative ano, na—o maghihirap tayo, madaling sabihin… o

magugutom mga kababayan natin.

Pero sa lakas noong ekonomiya na umiikot ngayon, actually ho

ang advise natin parati dahil sa DTI po, tinuturo trabaho/negosyo… kailangan sa paglago ng

ekonomiya, you have to participate – kung hindi, maiiwan kayo. You have to participate in

the economic activity – either maghanap ka ng trabaho para umasenso ka, ma-promote ka o

lumaki iyong kumpanya mo at kasama ka sa paglaki, or magnegosyo ka… kasama ka rin sa

paglaki noong ekonomiya kasi may taya ka. Pero kung tayo po ay nasa gilid lamang, bench-

heater, pa-comment-comment… kawawa ho tayo, maiiwan tayo sa—ano bang tawag doon?

Mahuhuli tayo sa pansitan ‘no…

So kailangan ho talaga may taya tayo, sumali tayo dahil iyong—

itong nararanasan na confidence sa administrasyon po ni Presidente Duterte, iyong mga

nangyayari ngayon na high growth at high stock exchange at marami pang iba-ibang bagay,

ay samantalahin po natin confidence dahil ang magbe-benefit ho dito taumbayan – iyong

magkakatrabaho sila, magkakanegosyo sila.

SEC. ANDANAR: So sa madaling salita po Secretary Mon, iyong 8 days na tuluy-

tuloy na pagtaas nitong Philippine Stock Exchange Index, at nagtapos nga kahapon na all-

time high, ito po ay dulot ng confidence ng mga negosyante, ng mga consumers and of

course, ito po ay dahil din doon sa mga bagong polisiya ng ating gobyerno tulad ng tax

reform.

SEC. LOPEZ: Opo. Iyong reforms pong ‘yan, magdudulot pa ng mas

masaganang ikot ng ekonomiya. Ibig sabihin ay very positive cycle, dahil dumami ang pera

ng mga kababayan natin, iyong take home pay nila – marami silang panggastos, iikot na

naman sa ekonomiya ‘yan ano.

LEO: So assurance natin sa ating mga kababayan, sa ating mga

ordinaryong mamamayan na itong TRAIN, eh sadyang para ito sa inyo.

Page 9: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. LOPEZ: Para ho sa kanila, lalo na iyong mga maliliit. Ito po ay pro-poor

dahil ang nakinabang hong malaki dito, iyong mga minimum wage earner na ngayon ay may

extra income sila, mas malaki ang take home pay nila.

LEO: Correct.

SEC. LOPEZ: Ngayon babanggitin ko lang iyong mga ibang pinapakalat din

noong mga nega… na dapat ma-correct ho natin iyon, na iyong tatama daw sa presyo ng

bilihin. At iyon po napruwebahan na po ito, na iyong excise tax sa fuel for example, base ho

sa—in the history noong 2 years ago nagtaas ang presyo ng diesel, nadoble halos… pero

ang presyo ng bilihin, hindi ho gumalaw. At ngayon din dito sa excise tax sa… iyong 2.50 per

liter, noong kino-compute ho natin ‘yan… kailangan numbers-based tayo, kino-compute ‘yan

8% lang or 7% lang iyong increase sa presyo ng diesel. Eh kung noon ngang 2 years ago na

kinukuwento ko halos magdoble, 80% ang increase noong diesel – pero hindi gumalaw ang

presyo.

SEC. ANDANAR: ‘Ayun…

SEC. LOPEZ: Eh ngayon pa, 7% lang. Eh base sa computation namin… specific

na tayo ‘no, hindi lang ito qualitative at bola ‘no. Sa 14 pesos na delata ng sardinas, ang

kuwenta ho namin diyan ay singko sentimos lamang ang itataas sa production cost. So iyong

singko sentimos ay, normally bale-wala ‘yan kasi idini-discount nga lang ‘yan ng mga

manufacturer at mga tindahan eh. Kasi experience ho namin, 2 days ago nag-ikot din ho kami

sa mga grocery, iyong P14.50 na SRP, suggested retail price, eh minsan binibenta pa ng P14 –

50 centavos lower.

SEC. ANDANAR: Dini-discount, oo…

SEC. LOPEZ: Oo. Iyong 50 centavos binibigay lang ‘yan as discount, eh ano pa

iyong singko sentimos?

SEC. ANDANAR: ‘Ayun naman pala…

SEC. LOPEZ: ‘Di ano lang ‘yan… bale-wala ‘yan eh. Hindi ‘yan para igalaw ng

presyo. At another data-based po ito na nagtanong din kami, “Oh iyong mga manufacturer,

sino ang mag-a-announce ng SRP change or pag-increase…” Wala hong nagsa-submit, dahil

usually ho ‘pag magpapalit ng SRP 30 days before, susulat ka na. Pero ngayon, walang

nagsa-submit – ibig sabihin, walang planong magtaas ang mga SRP, suggested retail prices

Page 10: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Aba…

LEO: Iyon naman pala.

SEC. ANDANAR: Iyon naman pala… Siguro hingi kami ng kopya Secretary Mon,

noong inyong mga calculation ng presyo, iyong mga standard retail price at iyong sinasabi

ninyo na singko sentimos itataas supposed to be. Alam mo… kasi pagka 21 thousand ang

suweldo mo, wala ka nang babayarang buwis eh… or income tax.

LEO: Correct. Iyon ang sinasabi ko Secretary Andanar at Secretary

Lopez, na parang… katulad ng sinabi ninyo kanina, ito iyong mga rhetoric siguro na move ng

ayaw dito sa TRAIN. Kasi para bagang iyong datos na hawak nila ay mukhang kakaiba doon

sa datos na hawak ninyo.

SEC. LOPEZ: Oho. Marami lang ho ang talagang kumukontra. Sana huwag

hikayatin iyong mga kababayan natin, kasi para umasenso ang buhay ho nila, kailangan ma-

encourage sila, mag participate imbes na makontra. Dahil kung walang nega, mas mataas pa

iyong growth rate natin, hindi lamang sa ten percent, ano.

LEO: Alright Secretary, maraming salamat muli sa pagkakataong ito.

Actually, sa susunod na episode ng Cabinet Report ay mas comprehensive… detalyahin

natin lahat ito…

SEC. ANDANAR: Ihahanda natin iyong ating mga graphics ‘no…

LEO: Oo. And with that siyempre, kami po’y nagpapasalamat

muli…Hindi lang ito ang kauna-unahang guesting mo rito, live ka dito sa susunod. Tama ba

ako, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Eh oo naman…

SEC. LOPEZ: Opo…

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, huwag mong ibababa ang telepono dahil kukunin ni

Weng iyong detalye doon sa mga presyo na nabanggit ninyo, iyong mga pag-increase para

magawan namin ng graphics dito sa Radyo Pilipinas.

Page 11: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. LOPEZ: Ah, opo… opo.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, maraming salamat.

LEO: Maraming salamat sa pagkakataon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo. Mabuhay po kayo, sir…

SEC. LOPEZ: Kayo rin po, maraming salamat.

LEO: Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: ‘Ayun…

LEO: Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry.

SEC. ANDANAR: Abangan si Secretary Año ng DILG…

LEO: Ang bagong talaga ng Pangulo…

SEC. ANDANAR: Sa pagbabalik ng… Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO: Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR: Hello, hello. Magandang umaga po. Ito ang kauna-unahang

episode ng Cabinet report sa Teleradyo. Ako po si Secretary Martin Andanar.

LEO: Ako po si Leo Palo III.

SEC. ANDANAR: At ito po ang susunod nating panauhin. May bago na pong OIC

ang Department of Interior Local Government, siya ay dating Chief of Staff ng Armed Forces

of the Philippines. Kahapon lang inanunsiyo ng Palasyo ang pagtatalaga sa OIC ng DILG na si

General Eduardo Año, si General Año po o Secretary Año ay miyembro ng Philippine Military

Academy Class ’83. Makulay ang military career ni General Año kung saan pinangunahan niya

ang ilang operasyon laban sa mga rebelde at drug lords. Tinawag nga siya ni Pangulong

Rodrigo Roa Duterte na ‘rebel hunter’.

LEO: Rebel hunter ba? Aba si Secretary Año ay nariyan na sa linya

natin, Secretary.

Page 12: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Pero bago siya naging Chief of Staff ng AFP, nagsilbi muna

siyang Commanding General ng Philippine Army at masasabi nating highlight ng career ni

General Año close to his retirement ang pagsugpo sa Maute group na naghasik ng gulo sa

Marawi noong nakaraang taon.

LEO: At ngayon nga eh tatayo na siya bilang OIC ng Department of

Interior Local Government. Maski retired, at sa unang episode po ng Cabinet Report sa

Teleradyo, makakausap po natin ang OIC mismo na Secretary siyempre, Eduardo Año. Nasa

linya na ba natin? Ready to go na? Iyan Buena mano tayo kay Secretary Año. Magandang

umaga, Secretary Año.

SEC. ANDANAR: Good morning.

SEC. AÑO: Magandang umaga naman, Secretary Martin and Leo.

LEO: Magandang umaga, sir.

SEC. AÑO: Magandang umaga rin sa ating mga nakikinig at televiewers.

LEO: And congratulations!

SEC. ANDANAR: Congratulations, sir.

SEC. AÑO: Salamat at maraming salamat sa mga nag-congratulate.

Nagpapasalamat din ako sa ating Pangulo sa pagbibigay ng tiwala sa akin na

makapagserbisyo ulit sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Marami ang gustong magtanong para kay Secretary Año.

Maraming mga questions.

LEO: Maraming questions—

SEC. ANDANAR: Isa diyan ay ‘Ano ba ang direksiyon ng DILG under Secretary

Eduardo Año? Ano po ang magiging direksiyon ninyo sir, ngayong 2018 for the Department

of Interior and Local Government?

SEC. AÑO: Well unang una susundin natin iyong mga programa ng Pangulo

natin, iyong kaniyang mga objectives. Unang una, iyong paano natin labanan iyong

korapsiyon. So nakita naman natin na dito sa local government, kailangan magkaroon ng

magandang sistema para labanan natin iyong korapsiyon. At papaano natin mapagsama-

Page 13: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

sama iyong lahat ng bureau at ahensiya sa ilalim ng DILG para labanan iyong drugs,

terorismo, kasama na rin iyong CPP-NPA. Maalala kasi natin iyong ating kapulisan, i-mo-

modernize natin at pagagandahin pa natin iyong image, malaking challenge ito pero

tinatanggap ko iyong challenge.

Itong ating Bureau of Fire, tataasan natin iyong kanilang

kapasidad na—kagabi nagkaroon ng sunog dito sa Cebu, noong isang linggo dito sa Davao

iyong NCCC Mall. So natutuwa ako dahil noong huling meeting namin sa Davao with the

President, which about I think 3 days ago ay inaprubahan niya iyong additional na 1 billion

para sa pagbili ng kagamitan ng ating mga bumbero para makapantay din tayo sa kanilang

niche—katulad ng mga world class fire fighters. So iyon lang ang gagawin natin, simple lang

naman iyong gusto ng ating Presidente, ang maibigay ang serbisyo sa mga mamamayan at

magkaroon ng tunay na governance.

LEO: Secretary, siyempre ito hindi nawawala ito, maging si Secretary

Andanar noon, noong pumasok siya sa PCOO. Eh laging tinatanong ng isang mamahayag ito

eh, katulad ko. Eh isa iyong tinatanong ko lagi sa pagpasok mo diyan sa DILG, marami pong

mga negatibo diyan. Eh papaano mo po gagawin ito? Magkakaroon ba ng mga pagbabago

diyan? Mgachanges? Magre-rigodon ka ba? Mayroon bang masisibak? Mayroon bang

mananatili? Iyong mga ganoon!

SEC. AÑO: Ilalagay lang naman natin iyong tamang tao sa tamang posisyon

at tamang kalagyan para maging epektibo siya. Sa dalawang buwan na nagseserbisyo ako sa

DILG, bilang Undersecretary ng Peace and Order and Public Safety, nakita ko naman iyong

kuwalidad ng ating namumuno at mga kawani ng DILG at nakita ko naman na hindi ako

mahirapan dahil maganda iyong pagsalubong, maganda rin iyong teamwork. Ang gagawin

ko lang naman diyan bilang kanilang OIC, sisiguraduhin ko na iyong kaalaman ng bawat isa ay

mailagay sa tamang kalagyan. And we’ll make sure na lahat sila ay susunod doon sa mga

panuntunan na maipatupad natin iyong lahat ng programa ni Pangulo. Alam din naman nila

iyan—

LEO: At kapag hindi?

SEC. AÑO: Kapag hindi tatanggalin natin. Alam naman natin diyan eh,

katulad noong sa military organization, kapag ka hindi ka nauukol diyan at talagang wala ng

puwedeng paggamitan sa iyo, well it’s time to—

LEO: Say good bye.

SEC. AÑO: Say goodbye to the government service. Kasi ano ito eh,

vocation ito eh, it’s a sacrifice, i-sarifice mo iyong—personal sacrifice.

Page 14: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Sec. Ed Año, kayo po ay kilala sa Armed Forces of the

Philippines na napakagaling po sa intelligence. Iyon po iyong talagang expertise ninyo at

kayo ay naging Chief of Staff at naging sterling ang inyong career sa AFP. Lalong lalo na, you

capped it with the defeat of the Maute. Ngayon po alam natin sa DILG, ang isyu ng illegal na

sugal. So papaano mo gagamitin ang inyong expertise sa intelligence para talagang

masugpo na ito, matapos na iyong illegal gambling sa ating bansa?

SEC. AÑO: Well unang-una ang PNP ay mayroong programa sa anti-illegal

gambling at nakita ko sa mga reports nila, marami rin silang accomplishments. Pero sa

ngayon nandiyan pa rin iyong mga illegal gambling. So we have to exert more effort and isa

iyan sa unang utos na ibinigay ko kay Chief PNP at ng mga Regional Directors na hindi natin

ito-tolerate at hindi natin poprotektahan iyong mga illegal gambling. Nag-usap na kami ng

PCSO Manager, si General Balutan, iyon ang tutulungan natin, ito iyong STL. Ito kasi iyong

authorize eh, ito iyong nagbabayad ng tax at nagbabayad ng kaukulang mga dapat bayaran

sa ating pamahalaan. So sa tulong din nila, nag-usap kami ni General Balutan, paigtingin

namin iyong intelligence operations para ma-identify natin, iyong mga kung saan nagaganap

pa itong mga illegal gambling na... itong mga numbers game, kasama na rin iyong mga local

government officials na sumusuporta diyan at nagpoprotekta diyan, ang ating kapulisan na

involve diyan. Wala tayong patatawarin diyan.

LEO: Actually, Secretary may tanong dito si—ang aming Malacañang

Press Corps President si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo. Sabi niya: Kumusta daw ang

feedback at report ng PNP sa Palasyo although—ito iyong isa ‘no, unahin ko lang itong isa na

sinabi niya. ‘Ano daw ang plano ninyo sa PNP para mabago iyong negative impression ng

publiko lalo na daw sa drug war?’

SEC. AÑO: Mahabang proseso ito, kasi hindi mo ito mababago overnight

eh. Kailangan pag-aralan mo iyong papaano na-develop iyong kultura or kagawian na bakit

may mga pulis na gumagawa ng illegal at nawawala sa landas. Pero nung tiningnan ko iyung

statistics, alam mo 180,000 iyong kapulisan natin eh kung iko-compare mo talaga iyong mga

gumagawa ng kalokohang, napakaliit na porsiyento, pero dapat wala talaga, kasi iyon iyong

sinumpa nating tungkulin eh. So,dapat ang parusa doon sa mga pulis na gumagawa ng

ganiyan, doble iyong parusa kasi binigyan ka ng mandato para ipatupad ang batas tapos

ikaw iyong lalabag. Napag-aaralan natin mula doon sa pag-recruit, iyong training niya, iyong

deployment niya at iyong kaniyang mga orientation ay pag-aaralan din natin lahat iyan. Pero

nakuha ko naman iyong statement ng PNP leadership, na magsisimula tayo mula sa basic.

Siguraduhin natin iyong PNP ay magiging isang institusyon na nirerespeto, minamahal ng

taong bayan. Katulad noong mga pagsisikap na ginawa namin sa AFP, hindi naman kaagad

namin nakuha iyong tiwala ng mga tao sa AFP. Mahaba iyong pinagdaanan namin—

Page 15: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

LEO: Ano po—

SEC. AÑO: Halos nakuha ko na nga iyong sentiment nitong mga kapulisan

natin. I-improve natin iyong image niyan para makuha natin iyong tiwala ng tao.

SEC. ANDANAR: Ano po ang mensahe ng isang Secretary Ed Año sa mga pulis, sa

mga pulitiko na nananatili doon sa listahan ng drug war ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte,

iyon pong nasa—

LEO: Narcolist—

SEC. ANDANAR: Narcolist. Ano po ang mensahe ng isang Secretary Año?

SEC. AÑO: Well sa akin mayroon pang pagkakataon na magbago sila at

tumulong para labanan itong drugs at itong mga tao na ito, mayroon naman tayong listahan

niyan. Ito iyong tamang pagkakataon na i-give up nila at the same time tumulong sa

kampanya kasi wala naman tayong sasantuhin dito eh, kapag hindi sila sumunod sa ganiyan

ay talagang hindi lang sila matatanggal sa serbisyo o sa puwesto, talagang sisiguraduhin

natin na makukulong sila. Ito iyong number one kalaban natin sa society ngayon eh, iyong

drugs.

At maganda iyong—sabi ko nga noong bumisita ako sa PNP,

maganda iyong mga naging usapan namin doon at hindi lang diyan pati iyong ating

kampanya ay aayusin na natin katulad noong paggamit ng body camera, iyong pagtatalaga

ng unit na magka-conduct ng anti-drug operations, hindi lahat ay mai-involve. At lahat ng

operation ay magiging officers’ led at accountable lahat all the way up, up to the Regional

Director para siguraduhin natin na walang abusong mangyayari. Nakakahiya sa ating

Pangulo eh, ang ganda ng mga suporta niya pero pati siya nahihirapang ipagtanggol iyong

mga pulis na talagang gumawa ng kalokohan. Hindi naman natin ipagtatanggol dun sa

kalokohang niyang ginawa.

LEO: Alam mo kasi Secretary, related to that question. 2019, comes

2019 is election although may mga issues na ‘No-El’ pero mamaya na iyan. Iyong kay—

darating ang election, mayroon ba kayong nakikita o nasa inyo na ba ngayon ang listahan

noong mga pulitiko na nandiyan sa drug list ng Pangulo?

SEC. AÑO: Ang ahensiya na may hawak ng drug list na involve iyong

politician ay PDEA—

LEO: PDEA?

Page 16: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. AÑO: Kasi ang ahensiya talaga na mandato diyan, ang trabaho ng

ibang ahensiya katulad ng DILG, AFP, PNP, NBI ay para i-validate iyong listahan na iyan

kung—and then doon sa mga validations natin, masasabi nating supported iyan ng evidence,

ito naman ay kuwento lang, ito naman ay pulitika lang. So sisiguraduhin natin na bawat

pangalan diyan ay tama iyong impormasyon para magawa natin ang tamang

rekomendasyon whether mag-undergo siya ng investigation, file-an ng kaso or tanggalan ng

deputation. Hindi kasi pupuwede na isang nakaupo ay may deputation siya pagkatapos

nagpo-protect siya o involve siya sa drugs.

LEO: Correct. Eh lalong lalo na sa mga barangays dahil ‘di ba

Secretary iyong mga barangays ay appointed na lang dapat ng Pangulo. Eh hindi naman

nagkaroon ng election sa barangay. O hindi ba? Eh kayo—nasa inyo pala iyong powers of

that to recommend kung sino itong dapat mawala diyan sa local government?

SEC. AÑO: Yes, kasama kami sa kinukunsulta ng mga ahensiya sa

pangunguna ng PDEA sa pagka—through the recommendation of this inter-agency na

validation, interagency committee, doon na papasok iyong iba’t ibang recommendation.

Halimbawa ay tatanggalan siya ng deputation, sa NAPOLCOM iyon pupunta, kung siya

naman ay may nakuha tayong ebidensiya at tatanggalin natin sa puwesto, iyon ay ire-

recommend natin sa Presidente, kasi Presidente lang naman ang mayroong authority

magtanggal sa mga elected sa official. At iyong kinakailangan namang file-an ng kaso, sa

Ombudsman naman natin gagawin iyon. May tamang proseso na doon.

LEO: So hindi ito panawagan? Warning ito! So lahat ng mga pulitiko

lalo na iyong mga tatakbo. Alam ninyo na.

SEC. AÑO: Ngayon pa lang dapat ang ating government officials. Mga

government officials, it’s the time ‘no. If you believe na somehow nag-tolerate kayo, nag-

protect kayo, come out and then we will help you, we will help each other. At kung hindi

naman talaga involve eh [unclear]. We will not protect... consider any sacred cow.

LEO: Well with that, Secretary, kami po ay nagpapasalamat muli sa

pagkakataon na ipinagkaloob ninyo sa amin. Actually ito po ang kauna-unahang Cabinet

Report sa Teleradyo dito po sa RP1 at kayo po ay naririnig all over the Philippines at sa ibang

bansa, sa ating mga kababayan na nanonood ngayon sa pamamagitan ng Facebook live.

Hindi lang ito siguro unang pagkakataon, Secretary Andanar na—sa susunod live na ha

Secretary Año.

SEC. AÑO: Okay, Leo.

LEO: Siguro that time, Secretary ka na talaga.

Page 17: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. AÑO: Okay lang naman tayo. We’re not conscious sa title naman eh.

SEC. ANDANAR: Alam mo si Secretary Ed Año, 17 months kong nakatrabaho iyan,

talagang no non-sense, kaya pag sinabi niyang warning, naku—

LEO: Noong nandoon ka sa Marawi ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Iyon oo. Tatahimik lang pero hindi mo alam kung anong nasa

isipan eh.

LEO: Ibang klase.

SEC. ANDANAR: Eh iyon pala wala na patay na iyong mga kalaban. [laughs].

Congratulations po, Secretary Ed Año. Mabuhay po kayo, sir. Salamat po.

SEC. AÑO: Thank you, Secretary Martin and thank you, Leo. Mabuhay kayo.

LEO: Mabuhay din po kayo, Secretary Eduardo Año ng Department of

Interior and Local Government. Well, babalik po tayo mamaya maya lamang. At ilang mg

questions coming from Malacañang Press Corps ay sasagutin mo, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Ay sasagutin natin iyan.

LEO: Magbabalik po kami ilang sandali lang.

LEO: Alright balik na tayo, ito po si Leo Palo III.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar. At ito po ang

(overlapping voices)—

LEO: Cabinet Report sa Teleradyo. Iyan at ilang minuto na lang,

parang ang ikli ng panahon, Secretary para sa ating dalawa iyong isang oras.

SEC. ANDANAR: Ganiyan talaga kapag nag-e-enjoy ka sa trabaho mo.

LEO: Hindi ganoon talaga yata at lalong lalo na kapag mga ganoong

mga resource persons. Para bagang lahat na lang yata ay may detalye doon sa bawat tanong

natin, eh talagang ganoon. Well this time around mga kababayan, mga katoto, mga ka-DDS,

Page 18: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

lahat ng mga nanonood ngayon, maraming salamat kay Boss Maki Dencio at kay Sir Edrey

Arrieta.

SEC. ANDANAR: Ayon.

LEO: Shine-share na nga ito.

SEC. ANDANAR: Ang daming nanonood.

LEO: Napuno na naman tayo doon sa Facebook live. Hindi po namin

mababasa lahat pero anyway unahin ko muna po, Secretary. Ikaw ngayon ang nasa hot seat.

SEC. ANDANAR: Ay sige na.

LEO: Magtatanong muna itong—

SEC. ANDANAR: Kasi malamig na sa loob.

LEO: Malamig ba? [laughs]. Giniginaw na pala iyong—

SEC. ANDANAR: Congratulations kay Portadera, ang ganda ng studio namin ha.

LEO: Eh iyong dito lang sa likod ko wala na kayong masasabi eh.

SEC. ANDANAR: Sabi nga ng anak ko eh parang BBC ah.

LEO: Ah talaga?

SEC. ANDANAR: Butuan Broadcasting Corporation [laughs].

LEO: Naisahan mo ako doon ah. [laughs]. Anyway si Lei Baguio, from

Brigada News FM, if I’m not mistaken

SEC. ANDANAR: Bira! Bira brigade!

LEO: Secretary Martin Andanar sabi niya: Ano daw ang mga

ikinokonsidera ni Pangulong Duterte sa pagtanggap niya sa resignation—ito iyong

tinatanong mo eh ni Pulong bilang Vice Mayor ng Davao?

SEC. ANDANAR: Alam mo hindi ko nakausap ang Pangulo tungkol diyan so I will

have to ask him tomorrow—ah sa Monday.

Page 19: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

LEO: Monday.

SEC. ANDANAR: Okay so hindi ko masasagot iyan.

LEO: Hindi muna, Lei ha. Iyan, itanong mo sa akin puwede akong

sumagot.

SEC. ANDANAR: O sige itanong ko sa iyo.

LEO: [Laughs] Alright from Leila Salaverria of the Inquirer. Question

daw niya: What does the Palace think of concerns that the country is headed toward

dictatorship with the scenarios of no election and term extension being floated?

SEC. ANDANAR: Alam mo iyong mga nagsasabi niyan of course mga critics na in

terms of politics in our country. Kitang kita naman natin sa body language, mga sinasabi

mismo ni Presidente literally na number one na talagang hindi niya ginustong maging

Pangulo ng bansa. Number two, kung maipasa na iyong federalism ay handa na siyang

bumaba sa puwesto. At paulit-ulit sinasabi iyan ni Presidente Duterte at ako ay naniniwala na

talagang gagawin niya iyon. Bababa siya sa puwesto once na ang federalism ay ma-

implement na sa bansa natin, mabago iyong ating form of government. Ito po ang tandaan

natin, ano po ba iyong mga pangako ni Pangulong Duterte noong kampanya noong 2016.

Unang-una, linisin ang mga kalye at lansangan, alisin ang droga, criminality, kita naman natin

bumagsak na ang supplies ng drugs sa bansa. Ang ating crime rate ay bumaba ng 30

percent—34 percent. Pangako din ng ating Pangulo iyong korapsiyon at marami na hong

tinanggal ang ating Pangulo, in-announce niya rin iyong pagkasibak ng MARINA—

LEO: MARINA, kahapon lang.

SEC. ANDANAR: And this is really beyond the junket that we are talking about.

Ang talagang mensahe dito corruption eh – na huwag abusuhin ang posisyon para sa mga

bagay na mga junkets, etc. So it’s not junket, it’s really the corruption na tuluy-tuloy… nire-

remind ng ating Pangulo sa halos lahat ng mga speeches niya, iyong drugs and corruption.

Number three, ano ba iyong pangako ni Pangulong Duterte?

Iyong ibaba iyong poverty rate ng bansa natin, from 24% to 14%. Nakita natin, 21% na iyong

poverty rate ng ating bansa. At pinirmahan ng ating Pangulo iyong SUC na batas, na libre po

iyong tuition ng mga estudyante sa state universities and colleges. Pinirmahan ng ating

Pangulo itong TRAIN o itong tax reform, na batas na hindi na po nag-oobliga sa ating mga

kababayan na sumusuweldo ng beinte-uno mil pababa na magbayad ng income tax – so

Page 20: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

zero. So 80% of the country’s workforce will no longer be paying income tax – ‘yan ay very

pro-poor. So sinusunod po… ‘ayun, nagtagumpay po si Pangulo diyan.

Nandiyan din po iyong Build, Build, Build infrastructure na

maglilikha ng maraming trabaho. At pang-apat, iyong peace and order ng ating bansa – at

kita naman natin.

LEO: Iyong BBL hindi ba, malapit na rin.

SEC. ANDANAR: Malapit na rin ‘yan… So—at panglima, iyong federalism! Now,

kapag naging batas na ‘yan, at nagbago na iyong porma ng ating gobyerno, sinabi ni

Presidente bababa na siya – apat na po sa mga pangako ng Pangulo ay naipatupad niya. Isa

na lang ang hindi –

LEO: Iyon na lang…

SEC. ANDANAR: Federalism.

LEO: Kapag natupad ito… actually hindi naman lingid sa kaalaman ng

karamihan, maging ang mga nasa abroad, mga OFWs, mga nagtatrabaho, mga Pinoy doon

gusto talaga nila federalism.

SEC. ANDANAR: Oo…

LEO: Kasi gusto nila ipakita iyong kanilang… example, diyan sa amin

sa Misamis Oriental, diyan sa amin sa Davao… eh makikita ninyo po, gusto namin kasing

malaman ng buong mundo na ito ang produkto namin. Nandito kami… akala ninyo ang

Maynila ang bumubuhay sa Pilipinas – kami.

SEC. ANDANAR: Alam ninyo mga kababayan, ano ba itong federalism, kailan ba

ito nagsimula? Nag-ikot ang Pangulo noong 2014 or ‘15 if I’m not mistaken, at siya po ay nag-

advocate ng federalism, bakit ho? Kasi ang problema ho namin sa Mindanao at iba pang mga

probinsiya na malayo sa National Capital Region, ay hindi po kami nabibiyayaan nang husto.

Kumbaga, ang aming kontribyusyon—

LEO: Iyong output namin, iyong produkto namin…

SEC. ANDANAR: Na binigay sa national government, hindi po bumabalik sa amin.

LEO: At—so, parang walang halaga sa kanila. Parang ganoon…

Page 21: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Oo. Masyadong centralized iyong gobyerno, na masyadong

imperial Manila na kailangan maging malapit ka doon sa kalan, sa kusina para ika’y biyayaan.

Ngayon with a decentralized form of government which is a federalism, ay mas mabibigyan

po ng tiyansa ang bawat rehiyon na mahihirap sa labas po ng National Capital Region na

umasenso – iyon ang buod doon eh. Iyon ‘yun, iyon ‘yun eh…

LEO: Iyon iyong pinaka-purpose noon. Alright, with that ano…

related diyan. Sabi ni—nagtanong uli si Leila: “What can the Palace do to guarantee there will

be no dictatorship?”

SEC. ANDANAR: Alam ninyo, you just have to trust. You just have to trust your

congressmen. You have to trust your senators. Alam ninyo ang magdi-decide naman ng

federalism, unang-una mayroong Constitutional Commission ‘di ba, gagawin iyong batas na

iyon.

LEO: Yes, oo…

SEC. ANDANAR: Ito po ay magiging—Constitutional Commission, na ang mga

miyembro ay mula sa iba’t ibang sektor, pribadong sektor, mga dating Chief Justice ‘no,

ganoon. And ito po ay babalangkasin pa sa Kongreso, tapos pagbobotohan pa ito through a

plebiscite. So ‘yan po ang guarantee, that we will go through a process… na nasa batas.

LEO: Pero ipagpalagay nating ganoon… if and when—iyong thinking

kasi ng iba is ganito eh, iyong sa dictatorship issue. When the President move to stop his

allies from doing this, kung saka-sakali… doon sa pag-workout. Will the President daw ba

move to stop his allies from doing this? Iyong—the Congress kasi, siya iyong magwo-work to

shift towards federalism, it’s up to the lawmakers nga to propose the postponement of

election and term extension.

SEC. ANDANAR: But… ang sabi ni Presidente, kapag pumasa ang federalism

magre-resign siya.

LEO: Oo, malinaw iyon…

SEC. ANDANAR: Base sa kaniya, ano pa ba ang gusto natin? Ano pa bang

assurance ang gusto natin? Sinabi na ni Presidente na bababa na siya sa puwesto once na

pumasa ito bilang batas at pagbago ng ating porma ng gobyerno.

LEO: Oo. Sabi ni Joepel Peleño: “May info daw ba ang Palasyo, kung

may mga mambabatas na kaalyado ha ng admin na nagpaplanong amyendahan ang

Constitution para pigilan ang 2019 elections to give way sa pinag-uusapan nating federalism?”

Page 22: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

SEC. ANDANAR: Wala kaming impormasyon at hindi kami nakikialam sa mga

desisyon o gawain diyan sa Lower House at Upper House.

LEO: ‘Ayun, wala. “Kumusta ang feedback…” ito, malayo na ito…si

Reymund Tinaza muli. Kumusta daw ang mga feedbacks at report ng PNP sa Palasyo

kaugnay sa Traslacion sa Martes. Kuntento ba ang Palasyo sa security preparation ng mga

awtoridad?

SEC. ANDANAR: Alam mo Leo, mga kababayan… ilang taon na itong ginagawa

sa Maynila. Ang ating mga barangay captain, barangay tanod, ating Kapulisan ay sanay na po

sila diyan sa Traslacion. At tuwing taon dumadami ‘no, kasi ito talaga ay nagbibigay ng

milagro sa maraming mga kababayan natin na humihingi. Alam mo minsan kasi ang mga

kababayan natin, talagang iyon ang kinakapitan nila eh, halos lahat…

LEO: Correct…

SEC. ANDANAR: Kaya dumadami nang dumadami. And because of the

phenomenon nga na every time na may pumupunta doon at nahahawakan iyong lubid, ay

gumagaling iyong sakit…

LEO: Gumagaling lahat…

SEC. ANDANAR: Or nawawala iyong problema—

LEO: And that’s their faith eh…

SEC. ANDANAR: Faith iyon eh. It takes a leap of faith, and… basta assurance lang

po, sanay na po iyong ating mga local government units diyan. So, just observe and pray

during that day.

LEO: Secretary, matagal mo nang kakilala si Presidente – siya ba ay

deboto ng Itim na Nazareno?

SEC. ANDANAR: Ang ating Pangulo po ay… binabanggit naman niya sa kaniyang

speeches na siya ay naniniwala na mayroong Diyos.

LEO: ‘Ayun… malinaw. Baka kako magpunta doon eh (laughs).

SEC. ANDANAR: Ha? Alam ko si Kabayan… saka si ano, si Senator Erwin Tulfo lagi

namang nandoon.

Page 23: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

LEO: Ah, si Senator Erwin… talaga naman oh (laughs)…

SEC. ANDANAR: Eh kaya nga uuwi na si Erwin eh, kasi siguro…

LEO: Pinahihirapan si Weng dito… sa programa.

SEC. ANDANAR: Oo… ah ganoon ba?

LEO: (Laughs) Hindi pa umuuwi… Well iyon nga sabi natin, ‘yan po

ang… narinig ninyo po ang mga accomplishment ng ating—ilan sa ating mga Secretaries. At

ito po ang kauna-unahan pa lang naman, patikim pa lang ho ito…

SEC. ANDANAR: Patikim pa lang…

LEO: Dito po sa aming Cabinet Report sa Teleradyo. At sa susunod na

linggo, marahil… ibang ahensiya o anumang mga ahensiyang ating matututukan…

SEC. ANDANAR: Marami silang aabangan…

LEO: Marami silang aabangan sa programang ito.

SEC. ANDANAR: Good morning sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

At good morning din sa lahat ng mga nanonood sa Facebook. Ang dami, ang daming

nanonood sa Facebook ‘no.

LEO: Oo… Puwede ba isang minuto lang? ‘Ayan, babati lang tayo

nang konti… May ano ka ba diyan, baka mamaya magtampo sa iyo ‘yan.

SEC. ANDANAR: Oh, si Arlene Abrenica(?)… hello. Saka si JC Tan, hello good

morning. Si [Shaytelle?] Villas, ang dami… Senator Erwin, kasama ‘to si Senator Erwin Tulfo –

nasa number 12 ‘yan ha.

LEO: Number 12…

SEC. ANDANAR: Uy congratulations, kasi alam mo nasa ika-dose si Senator

Erwin. Ibig sabihin ho niyan ay marami talagang nakikinig sa Radyo Pilipinas at maraming

nanonood sa PTV.

Page 24: NEWS AND INFORMATION BUREAUpcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/20180106-Cabinet_Report_sa_Teleradyo_with...sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito?

LEO: ‘Eto sabi ni Patria Borres Perucho, “Basta kaming mga OFWs

laging nakabantay, laging nagmamahal sa ating Pangulo. Thank you sa inyo Secretary

Andanar.”

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po.

LEO: ‘Ayan… maraming-maraming salamat. Again, that’s our first

episode, unang siguwada…

SEC. ANDANAR: Marami pa…

LEO: ng Cabinet Report sa Teleradyo…

SEC. ANDANAR: Marami pa (laughs)…

LEO: At siyempre, mapapanood ninyo po kami sa lahat ng PCOO

platform…

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa ating Executive Producer, si Weng

Hidalgo… Secretary Panelo, good afternoon at lahat po ng ating production staff… hindi ko

na papangalanan ang dami nila dito…

LEO: Well again, ito po muli si Leo Palo III…

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito po ang

Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO: Cabinet Report sa Teleradyo.

###