3
NOW YOU KNOW: SINGKONG DULING Bakasyon, walang pasok. Nakatambay lang sa bahay si Paolo at walang magawa habang naglilimahid sa pawis dahil sa sobrang init ng panahon. Parang nasa loob ng oven ang buong bahay dahil sa mababa ang kisame. Gusto niyang bumili ng isang malamig at katakam- takam na ice cream sa katabing tindahan ni Mang Joey, ngunit pagbunot sa bulsa ay walang nakuha ni singkong duling. Nakita ang pobreng pamangkin na si Robyn na naglalaro ng kanyang alkansiya. Binigyan ng biskwit na “tiger” ang bata at walang kamalay-malay na dinampot pala ni Paolo ang kanyang mumunting alkansiya at saka inupakan. Nakadenggoy ng P120 na puro tig-25 sentimo ang magaling na tiyuhin at sabay diretso kay Mang Joey na halos malalag na ang shorts sa bigat ng mga barya. Pagdating sa tindahan, “pabili nga po ng isang pint ng Selecta” sabay latag ng mga barya sa harap ni Mang Joey na nagkahulugan pa ang iba.

Now You Know Singkong Duling

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Now You Know Singkong Duling

NOW YOU KNOW: SINGKONG DULING

Bakasyon, walang pasok. Nakatambay lang sa bahay si Paolo at walang magawa habang naglilimahid sa pawis dahil sa sobrang init ng panahon. Parang nasa loob ng oven ang buong bahay dahil sa mababa ang kisame.

Gusto niyang bumili ng isang malamig at katakam-takam na ice cream sa katabing tindahan ni Mang Joey, ngunit pagbunot sa bulsa ay walang nakuha ni singkong duling. Nakita ang pobreng pamangkin na si Robyn na naglalaro ng kanyang alkansiya. Binigyan ng biskwit na “tiger” ang bata at walang kamalay-malay na dinampot pala ni Paolo ang kanyang mumunting alkansiya at saka inupakan.

Nakadenggoy ng P120 na puro tig-25 sentimo ang magaling na tiyuhin at sabay diretso kay Mang Joey na halos malalag na ang shorts sa bigat ng mga barya.

Pagdating sa tindahan, “pabili nga po ng isang pint ng Selecta” sabay latag ng mga barya sa harap ni Mang Joey na nagkahulugan pa ang iba.

Page 2: Now You Know Singkong Duling

Binaba ang antipara, binilang ang barya at sinabi, “Hindi ko tatanggapin to, this is not a legal tender.” “Ha? hindi ho peke to, totoong pera po ‘to,” sabay kamot sa ulo na wari ay nagtatanong. “Totoong pera yan, pero hindi yan legal tender. Lagpas ng 100 pesos,” paliwanag ng matanda at lumakad palabas ng tindahan papunta sa loob ng kanyang bahay. Kunot ang noong at umalis si Paolo at dumeretso na lang sa computer shop para maglaro ng DOTA kasama si Asol, malamang doon ay tatanggapin ang kanyang mga barya. Tama ba si Mang Joey na tinanggihan niya ang mga barya ni Paolo?

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 537, ang baryang 25 sentimo pababa ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P100. At ang baryang 10 piso pababa (5 piso at piso) ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P1,000. Ano ba ang legal tender? Ito ay ang currency na maaring ipambayad sa pampubliko o pribadong utang at dapat tanggapin.

Page 3: Now You Know Singkong Duling

So kung hindi legal tender ang ipambabayad, maaring itong tanggihan ng babayaran mo. Isipin mo nalang, may utang ako sayo ng P1,000 tapos ipambabayad ko ay isang sakong saging. Payag ka ba? Kaya kung may dala kang isang sakong barya galing sa pa-jueteng ng tatay mo at dadaan ka ng Louis Vuitton para bumili ng bag, e baka mapahiya ka kung hindi ito tanggapin ng manager ng tindahan kung nabasa niya ang post na ito. Pero sa totoo lang, pera pa rin yan kahit barya, kaya tanggapin muna. Yung isang sakong saging ay kunin mo na rin at ilaga. Kaso ilang linggo ka rin constipated. Yun lang po.

Isang walang kabuluhang impormasyon na naman mula kay Tito Boy.

Ang init, bili muna ako ng ice cream sa 711. —————–

“Whoever said money can’t buy happiness simply didn’t know where to go shopping.” – Bo Derek