16
NAKAKASAKAL NA PAGBABAGO Pamagat

NSTP-Research1.doc

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NSTP-Research1.doc

NAKAKASAKAL NA PAGBABAGO

Pamagat

Page 2: NSTP-Research1.doc

NAKAKASAKAL NA PAGBABAGO

Pamagat

Lam Harvey Cruz

Charlene Del Rosario

Angel Renacido

Stephanie Lopez

Tricia Domingo

Anne Therese Mayor

Alliah Del Pillar

Alexxi San Pedro

Bernadeth Guillermo

Pangalan ng mga Mananaliksik

Mam. Regina Dela Cruz

Pangalan ng Tagapagturo

BSBA-BE-1E

Kurso, Taon at Seksyon

BULACAN STATE UNIVERSITY

2016

Page 3: NSTP-Research1.doc

Introduksyon:

Marami siguro sa atin, lalong-lalo na ang mga estudyanteng nakuhanan ng

I.D ang inis na inis sa pagpapatupad ng mga batas na sadyang napakababaw

para bigyang pansin ng mga gwardyang nagbabantay sa tatlong gate na

dinaraanan ng mga estudyante. Nariyang harangin ang mga babaeng nakasuot

ng sandals o ripped jeans, dahil daw mahigpit na pinagbabawal ang pag susuot

ng ganoong kasuotan. Kung ikaw man siguro ang nasa ganoong sitwasyon ay

mapapamura ka na lamang sapagkat hindi naman ganoon kalaswa ang

pagsusuot ng sandals o ripped jeans. Mabuti pa nga ay may nasusuot ang mga

estudyante sa pagpasok.

Naglabas rin ng mga hinanakit ang mga estudyante sa ibang social media

ng kani- kanilang saloobin sa mga dahilan ng pagkakuha ng I.D nila.marami ang

nakukuhanan ng I.D dahil lamang sa mga simpleng bagay gaya ng hindi leather

ang sapatos, sandals o ripped jean ang pantaon na suot. Ano naman ang

masama kung ganoon lamang ang suot ng estudyante? Sadyang pambihirang

patakaran kumbaga, hindi ito makatarungan. Nakakaawa ang mga estudyanteng

kailangang humabol sa kanilang klase ngunit hindi magawa dahil hinaharang na

sila sa gate pa lang. Pwede naman na kuhanin na lang ang I.D para makapasok

man lang sila sa klase nila. Pero ang ginagawa ng mga gwardiya ay pinapauwi

ang ilang estudyante.

Page 4: NSTP-Research1.doc

Ayon sa mga posts na nakikita namin sa social media, nagsisimula ng

magsurvey ang ilan sa mga estudyante kung dapat ba o hindi na ipagpatuloy ang

bagong patakaran. At kung sakaling marami ang sumang-ayon na huwag

ipagpatuloy ang patakaran. Kakausapin nila ang nakakataas sa ating unibersidad

upang malinawan sa mga bagong patakan na pinapatupad.

Pero bago pa malinawan ang mga estudyante mas lumalala pa ang suliranin

sa ating unibersidad hindi lamang sa main kundi pati sa iba pang kampus. Dahil

nga sa mga posts ng mga estudyante sa Social Media kumalat na ito. At

maraming estudyante ang nagshare ng iba’t ibang hinanaing tungkol sa mga

pagbabago sa Unibersidad. Para na raw itong isang pribadong paaralan. Parang

walang kalayaan na tuloy ang mga estudyante sa mga batas na ito.

At dahil nga sa kahigpitan ng Unibersidad may isang estudyante na sinagot-

sagot ang isang may katungkulan sa Unibersidad. At may nakakuha ng isang

video dito at pinost sa Social Media. Sa sobrang dami ng share at views nito,

napukaw ang atensyon ng isang nagbabalita sa telebisyon. At ngayon nagkaroon

na ng pagpupulong ang iba’t ibang colleges dahil sa nangyari.

Masyado na nga sigurong mahigpit ang ating presidente. Ang ilang may

katungkulan sa ating Unibersidad na kapwa natin mag-aaral ay walang kaalam-

alam sa pagpapatupad ng bagong batas, dahil may nabasa ako sa isang posts

ng kapwa mag-aaral ko na gumawa siya ng open letter, siya ay may katungkulan

Page 5: NSTP-Research1.doc

sa Unibersidad natin. Nawawalan na daw sila ng karapatan na magpatupad ng

batas dahil nilalalabas na lang ito bigla ng presidente ng walang konsulta sa

kanila.

Maiintindihan naman naming mga mag-aaral ang pagbabago sa

Unibersidad kung ipapaliwanag lang ng maayos sa amin. Marami nga ang

nagbibigay ng idea na magkaroon ng isang assembly para bigyang linaw ang

mga patakarang pinapatupad ngayon sa ating unibersidad.Upang malinawan na

din ang lahat ng estudyante ukol dito at maiiwasan na ang paglabag sa mga ito.

Sa ganoong paraan ay maiiwasan ang kaguluhan at hindi na rin tayo mababalita

sa isang sikat na balitaan kung mabibigyang katarungan lamang ang lahat ng

mga suliraning kinakaharap ng bawat isa

Paglalahad ng Suliranin

Hindi maiwasan ng mga estudyante ang pagproprotesta at maglabas ng

hinanakit dahil sa mahigpit na patakaran na ipinapatupad ng ating Unibersidad.

Ginusto nating makawala sa mga patakaran noong sekondarya na unti-unting

nauulit ngayon na siyang nagbibigay inis at poot sa mga estudyante.

Sandamukal na I.D ang nakuha ng gwardiya sa Gate 2 ang aming nakita

matapos rin naming masaksihan ang pagpasok ng mga mag-aaral na nakasuot

ng sandals. Hindi na lamang sila makapalag sapagkat masasayang lamang ang

Page 6: NSTP-Research1.doc

boses at laway na kanilang ilalabas kung wala rin namang mangyayari. Nakuha

pang manglaban ng isang estudyanteng nakuhan ng I.D sa kadahilanang

nakasuot ito ng ripped jeans. Nakakaawang tingnan ang mga mag-aaral na

walang kamuwang-muwang sa mga bagong patakaran na pinapatupad. Tila

nakuhanan sila ng isang bagay na sadyang mahirap ikawalang bahala lamang.

Hindi na talaga tama ang ginagawa sa atin bilang isang estudyante sa

BulSU. Hindi naman siguro magrerebelde ang ilan kung nasa wasto ang kanilang

mithiing pagpapaganda sa Unibersidad. Isa itong pasakit. Pasakit na sadyang

nakakasakit.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Sa kasalukuyang panahon, importante ang edukasyon. Importante ang

makapagtapos ng pag aaral, Mahalaga ang pag aaral na ito upang bigyan pansin

ang kasalukuyang pinapatupad na mga batas sa ating eskwelaha.

Ginawa din itong pag aaral na ito upang maging kompotable ang mga

estudyante sa kanilang kasuotan at matutukan ang kanilang pag-aaral. Upang

hindi ito maging dahilan para hindi sila makapag-aral at makapasok sa kanilang

klase. Bibigyang aksyon ng pag aaral na ito ang mga estudyanteng masyado ng

nasasakal dahil sa batas na pinapatupad ng ating presidente. At upang bigyan

Page 7: NSTP-Research1.doc

aksyon ang mga suliranin na maaaring magdulot sa Unibersidad ng hindi

magandang imahe at hindi magagandang komento na galing sa mga

estudyanteng nakukuhanan ng I.D at nasita dahil sa kanilang kasuotan.

Maaaring ang mga reklamo ang siyang makakasira sa pangalan ng ating

pinaakamamahal na Unibersidad, dahil sa maraming nakakakita nito sa Social

Media. Upang maiwasan ang malalang kaguluhan sa ating Unibersidad, dapat

bigyang kalayaan ang bawat mag-aaral na isuot ang anumang naisin nila pwera

sa mga malalaswang kasuotan.

Saklaw at Limitasyon ng pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga nakakasakal na batas na

ipinapatupad sa kasalukuyang administrasyon. Saklaw nito ang kabuuan na 60

na respondante ang binigyan ng mga tatanungin na pinasagot sa mga random

na mag aaral sa iba’t ibang kolehiyo.

Ang pag-aaral ay nais sana na gawing saklaw ang buong populasyon ng

Kolehiyo. Ang pananaliksik ay kasalukuyang nagaganap sa naturang paaralan.

Ang pananaliksik ay nag-umpisa ng ikalawang semester ng unang taon sa

kolehiyo taong dalawang libo’t labing anim.

Page 8: NSTP-Research1.doc

Kaugnayang Literatura:

Kaugnay na Pag-aaral:

Maaring iugnay ang aming pag-aaral sa kasaysayan dahil masyadong

mahigpit ang pamamahala noon sa ating bansa. Narito ang dalawa sa mahigpit

na namahala sa Pilipinas.

*Marcos

Tila nabuhay ulit ang dating nakaraan na kinatatakutan ng karamihan.

Maaaring iugnay kay Marcos ang ganitong uri ng pamamahala. Pinalibutan tayo

ng kahigpitan sa ating pinakamamahal na paaralan.

Kung tayo'y magbabalik tanaw sa nakalipas na panahon, isang hindi

malilimutang mga batas ang nakabaon na sa ating mga isipan. Ang Martial Law

na ipinatupad sa ating bansa na sadyang nakakasakal para sa ating mga

kababayan.

Page 9: NSTP-Research1.doc

*Heneral Luna

Tila naulit muli sa panahong ito ang mga suliraning kinababahala ng

nakakarami, ito ang “kamay na bakal” kung tawagin ng nakakarami. Si Heneral

Luna ay sobrang higpit sa kanyang mga sundalo isang salita lamang nya ay

napapasunod na niya agad ang kanyang tauhan niya. Parang sa aming

unibersidad wala kang ibang pipiliin kung hindi sundin ang pamamahala nila.

Kasi sa huli ikaw rin ang malalagot.

Balangkas ng Konseptual:

Maging malinaw sa amin mga estudyante kung bakit pinapatupad ang mga

batas. At para mas maging masaya ang mga mag aaral na pumasok sa

unibersidad. Hindi yung pinoproblema pa nila yung dapat at hindi dapat suotin

kapag sila ay pumapasok. Mas maganda kasi na komportable sila sa suot nila

pero hindi masasagwang tignan ang mga damit.

Hypothesis

Ang mga estudyante na hindi sinunod ang patakaran ay hindi

makakapasok ng unibersidad. Paano kung may exam ang estudyanteng hindi

Page 10: NSTP-Research1.doc

pinapasok? Paano nalang yung mga grades at pinang bayad sa tuition Kung

pauuwiin lang ng guard, hindi ba nila naiisip na nasa BSU kana tapos pauuwiin

ka pa. Ang magulang nag hihirap para sa pang bayad para makapag aral hindi

yung dahil lang sa pag ka kamali ay pauuwiin agad. Paano kung may

mangyaring masama dahil di sila pinapasok di manlang naisip ng mga guard yun

at ang alam ng magulang Ay pumasok sila. Hindi ba pwedeng sa unang pag ka

kamali ay bigyan muna ng warning hindi yung paalisin agad. Sa mga

pangyayaring ganun hindi natin alam Baka mapahamak ang mga estudyante.

Assumption

-Walang maidudulot na mabuti ang masyadong kahigpitan ng nakakataas na

posisyon.

- Upang malinawagan ang mga estudyante sa pabago-bagong batas sa

Unibersidad.

- Maging komportable ang mga estudyante sa pagpasok sa ating Unibersidad.

-Upang bawasan ang mga estudyante sa pagliban saa Unibesidad dahil lamang

sa kanilang kasuotan.

Page 11: NSTP-Research1.doc

I. Methodology:

Ang aming ginamit na pamamaraan ay pagkuha ng survey sa kapwa naming

mag-aaral sa BulSU. Nagpakalat kami ng tanong na sumasagot sa oo o hindi at

dahilan nila kung bakit nila ito nasabi. Animnapu ang aming napasagot sa aming

survey. Ang ginamit naming survey ay kwantitibong pamamaraan.

II. Paglalahad at Pagpapakahulugan ng mga Datos:

Ayon sa aming nakalap na survey karamihan sa estudyante

ay nakukuhanan ng I.D dahil sa hindi pagsusuot ng black pants

kapag nakasuot ng NSTP Shirt, pagsusuot ng ripped jeans, at hindi

pagsusuot ng leather shoes samantalang ang napag usapan ay

kahit anong black shoes pero dahil nga sa bagong pamamahala.

Page 12: NSTP-Research1.doc

Presentation of FCR( Findings, Conclusion, and Recommendation )

Page 13: NSTP-Research1.doc

Mabigyan ng magandang dahilan ang mga bagong patakaran. Uapng maiwasan

angdi pagkakaunawaan ng mga estudyante at gwardiya. At para mapaayos at

gumanda ang unibersidad.

References:

Internet, facebook, twitter, estudyante

https://www.facebook.com/groups/OverheardatBulSU/

https://www.facebook.com/BulSUCapture/

https://twitter.com/iemneg

https://twitter.com/rsquaredpi_