2
Zion-Grace C. Rosareal X-Newton Hunyo 27, 2016 Aral. Pan. Gawain 5: Open Ended Story (p 32) 1.) Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahilan sa walang mabiling gasolina na ginagamit upang mapaandar ang mga planta ng koryente. Ang mga petrolyong parikit (fossil fuels) ay isa sa mga di- napapalitang yaman sa mundo - kabilang na dito ang mga krudo, gasolina at karbon. Sapagkat limitado ang mga pinagkukunang yaman para dito, hindi maiiwasan na magkaroon ng kakapusan sa mga tao. Subalit, kahit na di-napapalitan ang mga gasolina, kinakailangan pa rin ito sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Isa sa mga gamit ng gasolina ay ang pagpapaandar ng mga planta ng koryente. Sa Barangay Madilim, nagkakaroon sila ng suplay ng koryente mula sa mga planta na ginagamitan ng gasolina. Maraming kakompetensya sa paggamit ng gasolina ang mga plantang ito kaya’t malaki ang posibilidad na maubusan sila ng mga negosyo ng langis (Petron, Seaoil, Caltex) sa limitadong yaman na ito. Dahil na rin sa pagbabago ng presyo sa World Trade Market, nagtataas-baba ang mga presyo ng mga langis na inaangkat pa mula sa Middle East. Sa mabilis na pagtaas at matagal na pagbaba ng presyo, naapektohan hindi lamang ang mga negosyong langis at planta na gumagamit nito kundi pati na rin ang mga konsumer na umaasa sa gasolina. Tulad din ng mga hindi inaasahang brownout tuwing summer dahil sa pagtuyo ng mga dam na pangunahing kinukunan ng kuryente sa ibang probinsya, nagkakaroon din ng brownout sa mga lugar kung saan walang maiprodyus na koryente sapagkat walang coal o di kaya’y gasolinang magagamit sa pagpapaandar dito. Limitado lamang ang gasolina kaya’t hindi ito mabisa na gawing enerhiya sa pagpapailaw ng isang buong lugar kabilang na ang mga barangay. Isa sa maaring magawa ng mga taga Barangay Madilim ay magpalit ng pangunahing pagkukunan ng kuryente. Maari silang gumamit ng Hydro-electric power plant kung malapit sila sa mga

Open Ended Story

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Araling Panlipunan - Ekonomiks (page 32) Lagyan ng maikiling katapusan ang kwento. Iugnay ang kuwento sa surilanning panlipunan na nagaganap dahil sa kakapusan. 1.) Nagkaroon ng brownout sa Brgy. Madilim dahilan sa walang mabiling gasolinana ginagamit upang mapaandar ang mga planta ng koryente.

Citation preview

Page 1: Open Ended Story

Zion-Grace C. Rosareal X-Newton Hunyo 27, 2016 Aral. Pan.

Gawain 5: Open Ended Story (p 32)

1.) Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahilan sa walang mabiling gasolina na ginagamit upang mapaandar ang mga planta ng koryente.

Ang mga petrolyong parikit (fossil fuels) ay isa sa mga di-napapalitang yaman sa mundo - kabilang na dito ang mga krudo, gasolina at karbon. Sapagkat limitado ang mga pinagkukunang yaman para dito, hindi maiiwasan na magkaroon ng kakapusan sa mga tao. Subalit, kahit na di-napapalitan ang mga gasolina, kinakailangan pa rin ito sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Isa sa mga gamit ng gasolina ay ang pagpapaandar ng mga planta ng koryente.

Sa Barangay Madilim, nagkakaroon sila ng suplay ng koryente mula sa mga planta na ginagamitan ng gasolina. Maraming kakompetensya sa paggamit ng gasolina ang mga plantang ito kaya’t malaki ang posibilidad na maubusan sila ng mga negosyo ng langis (Petron, Seaoil, Caltex) sa limitadong yaman na ito. Dahil na rin sa pagbabago ng presyo sa World Trade Market, nagtataas-baba ang mga presyo ng mga langis na inaangkat pa mula sa Middle East. Sa mabilis na pagtaas at matagal na pagbaba ng presyo, naapektohan hindi lamang ang mga negosyong langis at planta na gumagamit nito kundi pati na rin ang mga konsumer na umaasa sa gasolina.

Tulad din ng mga hindi inaasahang brownout tuwing summer dahil sa pagtuyo ng mga dam na pangunahing kinukunan ng kuryente sa ibang probinsya, nagkakaroon din ng brownout sa mga lugar kung saan walang maiprodyus na koryente sapagkat walang coal o di kaya’y gasolinang magagamit sa pagpapaandar dito. Limitado lamang ang gasolina kaya’t hindi ito mabisa na gawing enerhiya sa pagpapailaw ng isang buong lugar kabilang na ang mga barangay.

Isa sa maaring magawa ng mga taga Barangay Madilim ay magpalit ng pangunahing pagkukunan ng kuryente. Maari silang gumamit ng Hydro-electric power plant kung malapit sila sa mga talon na pangunahing lumilikha ng ganitong klaseng mga enerhiya o di kaya’y gumamit ng Wind Energy kung malapit sila sa dagat sapagkat mas epektibo ang mga Wind Turbines sa ganitong mga lugar. Kung mayroon namang malaking budget ang pamahalaan ng Brgy. Madilim, maari silang gumawa ng mga Solar Power Plants na aasahan nila sa pang-araw araw na konsumo ng koryente. Sa ganitong mga paraan, ang limitadong pinagkukunang yaman (gaya ng langis at gasolina) ay ma k-konserba at magagamit sa mas makabuluhang mga bagay. Sa paggamit din ng mga power plants na hindi umaasa sa mga likas-yaman ay makakasiguro tayo na pangmatagalan ang paggamit ng mga enerhiya na nagmumula dito.

Dahil ang siyensya at ang mundo ay patuloy na lumalago at nagbabago, may mga bagay na hindi masyadong ginagamit noon ay mauubos ng henerasyon natin ngayon. Kung patuloy lamang tayo sa pag-abuso ng mga limitadong yaman natin ngayon, bukas o sa makalawa, baka wala na tayong aasahan pa mula sa kalikasan; at ang mga susunod na henerasyon ay wala nang pang-araw araw na pangangailangan na pagkukunan.