Upload
lythuy
View
253
Download
16
Embed Size (px)
Citation preview
Our Toronto – Volume 6, Isyu 2
May espasyo pa rin na maaring magamit para sa mga programang pan‐libangan
ngayong tag‐init.
Ang Toronto ay may mga programa na magagamit upang tulungan ang mga bata at
mga kabataan tamasahin ang panahon ng tag‐init.
Mga tag‐init na kampo
Ang lungsod ay nag‐aalok ng mataas na kalidad na mga kampo sa buong panahon ng
tag‐init na nagbibigay na isang masaya, ligtas at kapana‐panabik na karanasan na may
makatiwarang presyo. Ang mga kampo ay maaring gamitin ng may edad tatlo
hanggang 15 taon gulang at nag‐aalok ng isang malawak na hanay ng mga aktibidad at
pambihirang karanasan, tulad ng i‐sport, sining, musika, sayaw, dula, himnastiko,
kalikasan, musika, kompyuter at iba pa. Ang mga kampo ay idinisenyo upang maging
angkop sa mga iba’t‐ibang mga interes, pangangailangan at kakayahan.
Kasiyahan sa tubig
Mga salbabida, paglusong na palanguyan at mga palanguyan ay mahusay sa
pagpapalamig. Ang Lungsod ay may mga ilan na mga palanguyan at paglusong sa
buong lungsod. Lahat ng panlabas na drop‐in na palanguyan ay libre. May mga
mahusay na mga palanguan sa tabing‐dagat na nasa buong lungsod ng Toronto, na
walo ay mga iyon ay nakakuha ng Blue Flags.
Matutong lumangoy
May mga aralin sa paglangoy na ligtas at abot‐kaya na makukuha para sa lahat ng mga
edad na malapit sa bahay, panloob at panlabas. Ang mga tagapag‐turo ay lubos na
sinanay at sertipikado. Matuto ng isang mahalagang kasanayan sa buhay, mag‐
ehersisyo at maging masaya.
Mga tulong sa pananalapi mula sa pamahalaan ay magagamit ng mga residente na may
mababang kita para sa mga paglangoy, mga kampo, at lahat ng mga programang
panlibangan.
Lahat ng mga programa ay tinalaga sa mga likas sa lokasyon, kaya kung maaari lamang
paki‐bisitahin ang aming web page para sa mga karagdagang detalye at upang
malaman ang paraan ng pagrehistro.
toronto.ca/parks
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Ang “Toronto Animal Services” ay dinala sa lansangan ang pagmicro‐chipping sa
mga alagang hayop.
Nais ng “Toronto Animal Services” na ang mga nawawalang alagang hayop ay
magkaroon ng paraan upang makabalik sa kanilang mga amo, at ang “microchip” ang
pinakamahusay na paraan upang matiyak na ito ay mangyari.
Sa huling bahagi ng 2012, ang “Toronto Animal Services” ay binuo Ang Chip Trak(The
Chip Truck) – murang klinika ng “microchip” na lumilibot para sa mga may‐ari ng
aso’t pusa. Ang Chip Trak ay nag‐aalok ng “microchip” at lisensya para sa mga hayop
sa halagang $25 lamang bawat pusa at $35 bawat aso. Kung ang iyong alagang hayop
ay mayroon ng lisensya, ang isang “microchip” ay nagkakahalaga lamang ng $10
(kailangan ang katibayan ng kasalukuyang lisensya ng mga alagang hayop mula sa
Lungsod ng Toronto).
Ano ang microchip?Ang microchip ay isang maliit na aparato (mga kasing‐laki ng
isang butil ng bigas) na tinatanim sa ilalim ng balat ng isang hayop, sa pagitan ng mga
paypay. Ito ay isang simpleng pamamaraan, ginagawa ng beterinaryo, na walang
kailangang pampamanhid. Ang mga “microchip” ay nagbibigay sa mga may‐ari upang
mabilis na matagpuan si Fluffy o Fido kung kinakailangan. May natatanging bilang ng
pagkakilanlan na nakakabit direkta sa may‐ari na lumalabas kapag ang “microchip” ay
na i‐scan.
Ang mga taga‐kupkop ng hayop, taga pag‐alaga ng mga hayop at mga “control
officers” at beterinaryo ay halinhinang naghahanap ng mga “microchip” upang mabilis
na maibalik ang mga nawalang alagang hayop sa mga may‐ari. Ang “Toronto Animal
Services” ay naglalagay ng mga microchip sa lahat ng mga pusa, aso at kuneho na
inampon sa mga “shelters”.
Lahat ng tao ay nagmamahal sa Ang Chip Trak ...
Noong nakaraang taon, ang mga pagtitipon ng Chip Trak ay matagumpay, at ngayong
taon ay magkakaroon ng dalawang pagtitipon kada buwan simula Abril hanggang
Oktubre upang matugunan ang mga pangangailangan. Tingnan ang aming pahina sa
web para sa mga petsa at oras sa buong lungsod. Ang Chip Trak, ay murang klinika ng
“microchip” na lumilibot para sa mga may‐ari ng aso at pusa, ito ay bukas para sa lahat
at hindi kailangang makipag‐“appointment”. Ang mga aso ay dapat nakatali at mga
pusa ay dapat nasa maayos na lalagyan. Mangyaring magdala ng larawan ng
pagkakakilanlan na nagpapakita ng inyong tirahan.
toronto.ca/animal_services
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Ang Green Bin ay umabot sa mga bagong kasukdulan
Ang Lungsod ng Toronto ay nag‐aalok ngayon ng libreng koleksyon ng “Green Bin
organics” sa lahat ng mga “apartment” at Condo na tumatanggap ng serbisyo ng
Lungsod.
Sa ngayon, mahigit 2,000 na mga “apartment” at Condo ang matagumpay na
nakikilahok sa programang Green Bin sa pamamagitan ng paglalabas ng mga “organic” (mga tirang prutas at gulay, tuwalyang papel, giniling na kape, lampin, atbp) para sa
hiwalay na koleksyon kasama ng mga basura at recycling.
Halos 44 porsiyento ng bigat ng mga basura ng mga kasambahayan ay “organic”
materyal. Kapag ang basurang organic ay hiniwalay sa basura at recycling at ilagay sa Green Bin, ito ay magiging kapaki‐pakinabang na abono para sa mga sakahan, hardin at mga parke ‐ sa halip na nasa landfill. Ang paghihiwalay ng mga organic ay
nangangahulugan rin na ang mga gusali ay maaaring makatipid ng kanilang mga
gastos sa pamamahala ng basura, dahil walang babayaran para sa koleksyon ng organic
o recycling.
Ang Lungsod ay nagbibigay sa mga gusali na nasa programa ng libreng “indoor in‐
unit” na lalagyanan ng mga organic (mga pansalo sa kusina). Ang paglahok ay madali
lamang:
• Ilinya ang lalagyan na pang‐kusina na merong supot na plastic (walang
“biodegradable” na mga supot)
• Ipilipit o itali ng maluwag ang supot na plastik (walang taling nakapilipit)
• Dalhin ito sa lugar ng koleksyon ng Green Bin ng inyong gusali
Kung ang inyong gusali ay may programang Green Bin, mangyaring lumahok at
tumulong na mapanatili na hindi mapunta ang mga hindi kinanakailangan na basura sa
landfill. Kung kayo ay walang koleksyon para sa mga organic, makipag‐ugnayan sa
iyong Tagapamahala o Tagamahala ng Ari‐arian at hikayatin sila makipag‐ugnayan sa
Lungsod.
toronto.ca/recycle/multi
311
Skybox
Ang imahe na nasa kanang tuktok sa may sulok ng paunang pahina ay ang sangay ng
Mount Dennis sa Publikong Aklatan ng Toronto (Toronto Public Library), na muling
binuksan sa publiko noong Marso 11. Ang aklatan ay kinumpuni upang magkaroon ng
isang magagamit, nakakaengganyang kapaligiran na may pinahusay na serbisyo sa
kostumer at mas mahusay na paggamit sa teknolohiya at mga koleksyon.
torontopubliclibrary.ca
Mensahe ng Mayor
Tayo ay nakatira sa isang mahusay na lungsod. Ang Toronto ay may isang mahusay na
kasaysayan, at may maasahan na kinabukasan. Ang mga residente ng Toronto ay
masipag na manggagawa, at pinapahalagahan nila ang kanilang mga pamilya.
Maraming mga tao ang piniling manirahan dito dahil kami ay bumuo at patuloy na
bumubuo ng isang makulay na lungsod. Ang pag‐aayos ng fiscal house ng City Hall ay
tumutulong sa amin na makabuo para sa kinabukasan. Ako ay nagsusumikap upang
mapabuti ang mga serbisyo, babaan ang ating mga utang at panatilihin ang mga buwis
na abot‐kaya upang ang Toronto ay patuloy na maging isang magandang lugar na
maaring tirhan, pagtrabahuhan at mamuhunan.
Noong 2012, ang Lungsod ng Toronto ay nagtamo ng sobrang kita na umabot sa $
248,000,000. Ang sobrang kita na ito nagmula sa mga pagtitipid na natagpuan sa loob
ng aming mga dibisyon, pangasiwaan at mga ahensya. Ayon sa kaugalian, ang taunang
sobrang kita ay ginagamit upang punan ang mga pagkukulang sa badyet sa
pagpapatakbo ng Lunsod. Ngayon, kami ay gumagawa ng mga bagay na naiiba – na
nagpaplano para sa kinabukasan. Ang bagong Patakaran sa Pamamahala ng Kalabisan
ng Lungsod ay nag‐utos na ang 75 porsiyento ng anumang mga taunang sobrang kita
ay dapat pondohan ang aming mga pangangailangan sa pamumuhunan at ang
natitirang 25 porsiyento ay ilagay muli sa reserba ng Lungsod upang makatulong sa
pagpondo ng mga haharaping pananagutan.
Ang ekonomiya ng Lungsod ay patuloy na lumalaki sa unang bahagi ng 2013. Ang
kabuuang mga trabaho sa lungsod ay nadagdagan ng 14,300 noong 2012. Ang Toronto
ay nakaranas ng positibong paglago ng trabaho sa loob ng tatlong taon na patuloy‐
tuloy (2010‐2012), na may 38,400 mga trabaho na nilikha sa panahon na iyon. Ang
lungsod ay nakaranas din ng 1.1 porsiyento na pagtaas sa mga trabaho nitong
nakaraang taon, nalampas ng 1 porsiyento sa paglago ang Canada at ang paglago ng 0.4
bahagdan ng Ontario. Karamihan ng paglago ay naganap sa pang‐opisinang trabaho,
na umabot sa 72 porsiyento na pagtaas base sa neto noong 2012.
Ang industriya na batay sa tabing ng Toronto (pelikula, telebisyon, komersyal at
animation) ay nakaranas ng napakalaking tagumpay noong 2012. Direktang gastusin ng
produksyon ay umabot ng $ 1.2 bilyon na pumarehas sa pinakamataas na antas na
nakamit sa lungsod mula noong 2000. Direktang gastusin ng produksyon ay 5.9
porsiyento mataas sa 2011 nagastos ng produksyon at ito pumapangalawa sa
magkakasunod na taon na ang nagastos ay humigit sa bilyong dolyar na antas. Ang
huling pangyayari na ang industriya ng pelikula ay nakaabot sa antas na ito ay noong
2002.
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Ang skyline ng Toronto ay kasalukuyang dumadaan sa kakaiba at makasaysayang
pagbabago. Tayo ay magiging isang skyscraper na lungsod. Ang kamakailang data
mula sa internasyonal “Council on Tall Buildings and Urban Habitat” ‐ CTBUH ay
nagpakita ng 25 na mga gusaling mataas sa 100 metro ay kasalukuyang nasa ilalim ng
konstruksiyon at nakatakdang makumpleto sa susunod na tatlong taon, karamihan ay
nasa sa kabayanan ng Toronto.
Sa 2016, ang bilang ng mga skyscraper sa Toronto ay madagdagan ng 40 porsyento. Sa
kasalukuyan may 63 skyscraper sa Toronto, ayon sa bilang ng CTBUH. Iyon ay 65
porsyento ng pagtaas sa bilang ng mga skyscraper sa paglipas ng anim na taon, na may
higit sa 25 porsyento ng kasalukuyang 63 skyscraper na nakumpleto simula noong
2010. Ang Toronto ay bumubuo ng higit pang mga skyscraper kaysa sa anumang
lungsod sa Kanlurang mundo at may mas mataas na mga gusali na nasa ilalim ng
konstruksiyon kaysa sa anumang iba pang mga lungsod sa Hilagang Amerika.
Mas maaga sa taong ito, ang Konseho ng Lungsod (City Council) ay pinanukala ang
bagong planong para sa pang‐ekonomiyang pag‐unlad na tinatawag na
Pakikipagtulungan para sa Pataasan (Collaborating for Competitiveness) ‐ Isang Plano
ng Estratehiya upang maging Mabilis ang Paglago ng Ekonomiya at Paglikha ng
Trabaho sa Toronto. Ang plano ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng mga trabaho
sa Toronto at nangangako na pagtutugmain ang mga patakaran / gawain ng Lungsod
ng Toronto at mga ahensya nito upang matulungan makalikha ng isang mas kaakit‐akit
na klima para sa negosyo at pamumuhunan.
Ang Toronto ay hindi lamang isang magandang lugar na pang‐nenegosyo kundi ito ay
isang ring magandang lugar upang manirahan ‐ lalo na sa mga buwan ng tag‐init. Mula
sa simula ng Mayo hanggang sa huling araw ng Se tyembre, maraming mga
kaganapang pampalakasan, pista at mga parke na tamasahin ng mga residente.
Hinihikayat ko ang lahat ng tao na samantalahin ang dakilang mga bagay na inaalok ng
Toronto.
Ang mundo ay gustong bisitahin ang Toronto dahil sa anomang inaalok namin:
mahusay na kainin, magagandang pasyalan at ligtas, malinis na lungsod. Tangkilikin
ang hapunan sa isang lokal na patyo o magpalipas ng araw sa Toronto Islands. Kung
ang panlabas na teatro ay isang bagay na iyong ikinasisisya, siguraduhin na tingnan
ang Shakespeare sa High Park. Mga pamilya rin ay pwedeng bisitahin ang Toronto Zoo
sa susunod na limang taon upang makita ang dalawang higanteng panda (na hiniram
ng limang‐taong mula sa China).
Hinihikayat ko ang lahat ng mga residente na magkaroon ng oras ngayong tag‐araw na
maranasan ang lahat ng mga inaalok ng aming mahusay na lungsod.
Marami kaming nagawa sa huling dalawa at kalahating taon, at marami pa ang
pwedeng gawin. Kami ay patungo sa pagbubuo ng lungsod at ng pamahalaan na aking
ipinangako noong una ako ay inihalal.
toronto.ca/mayor_ford Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Pagbabawas ng red tape para sa mga residente
Bilang Ombudsman ng Lungsod ng Toronto, ako ay naandito upang protektahan ang
iyong mga karapatan bilang mga residente ng lungsod na ito upang makatanggap ng
patas at karampatang mga pampublikong serbisyo. Ang Ombudsman ay isang opisina
na huling mapupuntahan. Ang mga residente ay dapat makipag‐ugnay muna sa
kinakaukulang dibisyon o tumawag sa 311. Makipag‐ugnay sa Ombudsman lamang
kapag lahat na mga dapat lapitan ay naubos na.
Ang ilan sa mga tanong na maaaring tanungin sa iyong sarili kapag mayroon kang
problema: Ako ba ay nakakakuha ng agarang serbisyo? Ang mga tauhan na ng
Lungsod ay malinaw nakipag‐ugnayan? Ang mga patakaran ba ay malinaw? Ang mga
desisyon ba ay maayos na ipinaliwanag sa akin?
Kahit na hindi ka pumunta sa aking tanggapan na may problema, ang aming mga
pagsisiyasat ay pinabuti ang serbisyo na makakuha mo mula sa City Hall. Maaaring
hindi mo nakikita ang mga epekto nito sa iyong personal ngunit ang mga ito ay nasa
sistema ng ng pinabuting tiket na paradahan, mas patas na proseso para sa hindi
maipaliwanag na bayarin sa tubig o pagpapabuti kung paano ang Lungsod ay
sumasagot sa iyong katanungan. Habang ang mga pagbabago ng sistema ay upang
mapabuti ang mga proseso ng Lungsod at mga serbisyo para sa lahat, ang Ombudsman
ay sumasagot rin sa mga indibidwal na mga reklamo.
Hinihikayat ko ang mga residente ng Toronto na pumunta at makipag‐ugnayan kung
hindi naayos ang iyong mga problema sa City Hall. Ang aming mga serbisyo ay libre at
kumpidensyal. At kung gusto mo ang Ombudsman ay magpulong sa iyong pangkat o
asosasyon, tumawag lamang.
Fiona Crean, Ombudsman
ombudstoronto.ca
416 392 7062
[email protected] Formatted: Spanish (Spain-TraditionalSort)
Mga Pixel para sa mga Baril (Pixels for Pistols)
Noong Pebrero 2008, sa unang pagkakataon sa kanyang ika‐100 taong kasaysayan, ang
isa sa mga tindahan ng kamera ni Henry’s ay naging target ng isang armadong
pagnanakaw. Sa kabutihang palad, walang nasaktan at ang mga may kasalanan ay
nahuli at nahatulan.
Determinado gawing mas ligtas ang Toronto, ang Henry’s ay nakipagsosyo sa mga
Serbisyo ng Toronto Police at ang Lungsod ng Toronto upang bumuo ng isang
natatanging programang na nakatuon sa komunidad ang Amnestya ng Baril (Gun
Amnesty). Ang programa ay inilunsad sa Toronto at papalawakin sa lalong madaling
panahon sa iba pang mga lungsod sa Canada. Ang 2013 programa ng Toronto ay
tatapusin hanggang sa katapusan ng Hunyo 2013.
Ang programa ay nagbigay sa mga residente ng Toronto ng pagkakataon na
ipagkatiwala ang mga baril sa Toronto Police at makatulong na mapanatiling ligtas ang
kanilang lungsod. Bilang bonus, sila din ay nakatanggap ng isang Olympus VG‐160
Digital kamera mula sa bagong ka‐sosyo ng Pixels for Pistols’, ang Olympus Canada,
Ipinagpapatuloy ng Henry’s ang kanilang malakas na suporta sa programa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo kard sa Paaralan ng Imaging ng Henry’s
(na nagkakahalaga ng $ 175).
Sama‐sama, ang mga kasosyong korporasyon ay tumutulong upang gawin ang Toronto
bilang isang mas mahusay na lungsod upang manirahan, magtrabaho at maglaro. Kung
ang iyong kumpanya ay interesado sa pakikisosyo sa Lungsod ng Toronto, pakibisita
ang toronto.ca/top/index.htm or tumawag sa telepono bilang 416‐392‐6121.
henrys.com/pixelsforpistols
Ang mga residente ng Toronto ay tumulong upang makumpleto ang ika‐tatlong
pagbibilang at pagsisiyasat ng mga walang tahanan.
Ito ay ginawa ng higit sa 1,000 mga boluntaryo, mga lider ng pangkat at tauhan ng
Lungsod, mga ahensya ng komunidad, mga ospital, mga bilangguan at mga
panlalawigan ministeryo upang matagumpay na makumpleto ang “City’s Street Needs
Assessment” sa Abril 17. Ang mga pagsisiyasat at ang sensus ng punto‐ng‐oras ay
magsisimula mula sa saligan na kung nais mong malaman ang tungkol sa mga walang
tahanan, dapat mo talagang tinungin ang isang taong walang tirahan.
Mga 50 porsyento lugar sa lungsod ay nasakop, at halos lahat ng tirahan ay siniyasat.
Ang layunin ay upang mapabago ang impormasyon at data upang matiyak na ang mga
karapatang mga serbisyo ay maihatid at makatulong sa mga tao na makahanap at
mapapanatiling permanenteng tirahan.
Ang mga boluntaryo ay nagbigay ng kanilang oras sa Lungsod na umabot ng hanggang
anim at kalahating oras, na paglalakad sa 294 lugar na pag‐aaralan sa lahat ng bahagi
ng lungsod, o nakipagtrabaho sa mga taong walang tahanan na nasa mga
emerhensiyang na tahanan upang gawin ang 13‐tanong pagsisiyasat.
At ano ang natutunan nila tungkol sa kawalan ng tahanan? Marami.
ʺAko ay walang ideya na ang isang isyu na ito ay mahirap unawain at
maraming hamon,ʺ sabi ng isa boluntaryo. “Marami sa mga taong
aking nakilala ay nais ng pabahay, ngunit hindi makakuha ang mga
ito. At hindi ito tungkol sa pera.”
ʺHindi mo pwedeng ipagpalagay ang anumang bagay,ʺ sabi ng isa pa.
ʺMay mga tao na may full‐time na trabaho na hindi pa rin kayang
makabili ng mga pabahay sa ating lungsod; at mayroon naman na
may kaya sa buhay na walang pabahay. Ang kawalan ng tahanan ay
hindi partikulaar sa anumang bahagi ng lungsod.ʺ
ʺ Kaya ito ay mahalaga upang panatilihin sinusubukang hikayatin at
talagang makinig kung ano ang kailangang sabihin ng mga may
karanasan na kawalan ng tahanan.ʺ
ʺTayong lahat ay nasa isang hakbang, isang sahod, malapit sa
kasawian sa pagiging kawalan ng tahanan.ʺ
ʺKaramihan sa mga tao na walang tahanan ay nais ibahagi ang
kanilang kuwento. Ito ay isang pribilehiyo upang makatulong.ʺ
Isang pansamantalang ulat ay ilalathala ngayong tag‐init. Isang panghuling ulat ay
mapupunta sa Konseho sa tag‐lagas. Buong resulta mula noong 2006 at 2009 ng mga
pagsisiyasat ay makukuha sa pahina ng aming sa web.
toronto.ca/housing
Tubig saanman at kailanman
Ang “tap water” ng Toronto ay patuloy na pinaghuhusay upang maging ligtas para sa
iyo at sa iyong pamilya. Mas mababa pa sa isang sentimo bawat litro, ito din ay isang
matalinong pagpipilian.
Ang tubig ay ang pinakamahusay na inumin upang sugpuin ang uhaw. Kumuha ng
nakakapreskong “tap water” ng Toronto kapag magtutungo ka sa trabaho, paaralan o
maglaro ‐ punan ang iyong ginagamit na bote upang kumuha ng “tap water”kahit saan
ka man pumunta!
Mga tip tungkol sa tubig mula sa Toronto Public Health
‐Uminom ng maraming tubig bago, habang at pagkatapos ng pisikal na aktibidad
‐ Ang tubig ay tamang‐tama na pamalit sa mga likidong nawala para sa mga pinaka‐
aktibong mga tao. Magdala ng boteng may tubig at uminom ng madalas upang
maiwasan ang pag‐ubos ng tubig sa katawan.
‐Kapag mainit sa labas, uminom ng dagdag na tubig, ngunit hindi yung sobra na sa
tingin mo hindi ka na komportable.
‐Uminom ng sapat na tubig sa sa gayon ang iyong ihi ay may karaniwang dami at ito ay
maputla ang kulay
Ang Pagpapatibay ng Lungsod ng Toronto sa isang balangkas na Panlipunang
Prokyurment.
Kamaikailan lamang, ang Konseho ng Lungosd ay nagpatibay ng isang balangkas para
sa Panlipunang Prokyurment. Gagamitin ng Lungsod ang nasabing balangkas mula sa
taong 2013 hanggang 2015, upang maisulong ang kanyang pangmatagalang
istratehikong layunin. Ang sukdulang layunin ay makabuo ng isang polisiyang
prokyurment na panglipunan sa Toronto na batay sa mga edidensya.
Ang panlipunang prokyurment ay naghihikayat na gumamit ng proseso sa pagbili para
sa mga kalakal at serbisyo upang umusad ng positibo ang ekonomiya, pangkat ng
manggagawa at resulta ng mga panlipunang pag‐unlad. Ang panlipunang
prokyurment ay gumagarantiya na ang pagpapasya sa pagbili ng sektor publiko ay
nababatay sa mga sumusunod:
1. Isang pangako na bibilhin ang pinakamahusay na serbisyo at mga produkto sa
pinaka‐sulit na presyo; at
2. Isang pangako sa paggamit ng mga pampublikong mapagkukunan upang
makamit ang istratehikong resulta sa pagpapaunlad ng lungsod.
Isang serye ng mga pangunahing proyekto ay isasagawa upang mabuo ang karanasan
ng Lungsod. Ang mga layunin ng balangkas ay ang mga sumusunod:
upang gamitin ang kapangyarihan sa pagbili ng Lungsod, upang mapalaki ng
lubusan ang ekonomiya, pag‐unlad ng mga manggagawa at mga benepisyong
panlipunan sa mga residente at mga negosyo na maghahatid ng mga kontrata sa
lungsod; at
upang pantayan ang mga oportunidad sa mga negosyo upang
makipagkumpetensya para sa mga kontrata ng Lungsod.
Ang Pampublikong prokyurment na naaayon sa panlipunang responsibilidad ay
magdududlot ng higit pa sa pagpaparami ng trabaho o oportunidad na makalikha ng
trabaho para sa mga “disadvantaged” na grupo at ito ay may mas malalim na epekto sa
pagsusulong ng mga ʺdisenteng trabahoʺ kabilang na ang makatarungang sahod,
pagsulong sa pagsunod sa lipunan mga karapatang panlipunan o pang‐manggagawa,
at pagsuporta sa pagsasama na panlipunan.
toronto.ca/citybusiness/social_procurement.htm
Pagpapaunlad ng serbisyo para mga residenteng mababa o bawas na kapasidad.
Ang Lungsod ng Toronto at ang Sentro para sa Pagkagumon at Kalusugang
Pangkaisipan (Centre for Addiction and Mental Health [CAMH]) ay nagsanib upang
lumikha ng isang rebolusyonaryong programa sa pagsasanay para sa mga serbisyong
pang‐kostumer ‐ ang una sa uri nito ay para sa Lungsod at para sa CAMH. Ang
pagsasanay ay magtuturo sa mga tauhan ng Opisina ng Klerk ng Lungsod na
makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga indibidwal na may bawas o
mababang kapasidad o pangkaisipang na kalusugan.
Sa kadahilanan na ang Lungsod ay hindi makahanap ng mga handa nang programa,
kinonsulta nito ang CAMH, ang pinakamalaking ospital para sa pagkalulong at
kalusugang mental sa buong Canada. Dahil nalaman na ang ganitong mga uri ng
espesyal na edukasyon para sa serbisyo sa kostumer ay nawawala na sa mga
pampubliko at organisasyong komersyal, masaya ang CAMH na makipagtambal ang sa
Opisina ng Klerk ng Lungsod.
Ang isang tauhan ng CAMH ay nakipanayam sa mga tauhan ng Lungsod na nagsisilbi
sa mga service counter, mga pampublikong pagpupulongat mga lugar para sa pagboto
upang makatiyak na ang mga nilalaman ng kurso ay sumasalamin sa mga tunay na
sitwasyon ng buhay.
Ang programa ay inilunsad noong unang bahagi ng 2013 at ang ilang mga sesyon ng
pagsasanay ay nakumpleto na. Ang kabuuang 16 na mga sesyon ay gaganapin sa taong
2013 at pito pa sa 2014. Makapaglalahok ito ng higit sa 400 empleyado ng Opisina ng
Klerk ng Lungsod at nagpahayag na rin ng interes sa pagsasanay ang iba pang dibisyon
o opisina sa Lungsod para sa kanilang mga tauhan.
Ang inisyatibang ito ay sumusuporta sa kagustuhan ng Lungsod ng Toronto na maging
isang Lungsod na madaling malapitan.
toronto.ca/accessibility
Maging handa na alisin ang inyong mga alulod
Ang pag‐alis ng inyong mga alulod mula sa sistema ng paagusan ng Lungsod ay
ipinag‐uutos na ngayon sa buong Toronto. Ang mga tuntunin ay magkakabisa sa
tatlong bahagi. Ang mga may ari‐arian sa Phase 1 ay nararapat na nakpag‐alis na ng
mga alulod; ang lugar na sakop ng Phase 2 kinakailangan alisin sa Disyembre 3, 2013.
Mga benepisyo sa pag‐alis ng alulod
Ang pag‐alis ng inyong mga alulod ay makakatulong sa pagbawas ng mga tubig ulan
(o natunaw na niyebe) na aagos sa mga paagusan. Mas kaunting tubig ulan sa sistema
ng agusan ay maaari makatulong bawasan ang panganib ng pagbaha sa mga silong at
pagtapon ng maduming tubig sa ating mga daanan ng tubig..
Ano ang kailangan mong isaalang‐alang bago mag‐alis ng alulod
Mahalaga na ang trabaho ay ginagawa na ligtas at maayos. Isaalang‐alang ang mga
sumusunod ng mga mahalagang alintuntunin:
Tiyakin na ang tubig palabas mula sa iyong alulod ay masisipsip ng lupa ‐ at
hindi ito pupunta sa mga bangketa o kalapit na ari‐arian.
Tiyakin na ang tamang “grading” sa paligid ng iyong tahanan ay tutulong na
i‐direkta ang tubig palayo sa pundasyon.
Palawakin ang iyong alulod palayo sa pader ng pundasyon ng mga gusali.
Sa sandaling ikaw ay nakapag‐alis na ng alulod, tiyaking matakpan ang
paagusan (ang bukas na tubo kapag ang alulod ay naalis na). Pinipigilan nito ang
tubig at kung anu mang bagay na pumasok sa tubo. Mapipigilan din nito ang
pagbagsak ng mga hayop sa nasabing butas.
Panatilihin ang iyong mga alulod na walang mga dahon at iba pang mga bagay
upang masiguro na ito ay gumagana nang maayos.
Hindi magawang tanggalin ang alulod?
Hindi lahat ng mga alulod ay maaaring matanggal. Kung nagawa mo na lahat ng
paraan at nakita mo na ito ay hindi maari pang magawa o kung ito ay makakalikha ng
mga mapanganib na kundisyon, mag‐aplay sa Lungsod sa pamamagitan ng aplikasyon
para hindi makasama sa Sapilitang Pagtatanggal ng mga Alulod.
toronto.ca/water
311
Mga Alituntunin ng “Biodiverse Green Roof” ‐ isa pang una para sa Toronto
Kamakailan‐lamang, ang Toronto ang naging unang lungsod sa Hilagang Amerika na
nakapaglabas ng mga alituntunin na humihikayat na gawin ang mga “green roofs” na
disenyo at isaalang‐alang ang “biodiversity”. Sinusundan nito ang pagpapakilala ng
Toronto noong 2010 sa unang batas sa North America na nauukol sa “Green Roof” na
mag‐oobliga sa pagtatayo ng mga “green roofs”.
Ang paglikha ng isang mas naiibang kapaligirang natural sa mga bubungan ay
maktutulong na mapalitan ang mga tirahang nawala bilang resulta ng urbanisasyon at
upang makapagbigay na din ng espasyo para sa mga halaman, mga insekto, mga
bubuyog, mga paru‐paro at mga ibon.
Ang mga kondisyon sa bubungan ay mas malupit kaysa sa mga nasa lupa na may mas
matinding init at hangin, ngunit marami pa ring maaring magawa upang mapahusay
ang mga bubungan upang makapagbigay ng mas malaking gawaing ekolohikal. Ang
mga Alituntunin ng Biodiverse Green Roof ay nagbibigay ng simpleng estratehiya,
kabilang na ang isang malawakang listahan ng mga angkop na mga halaman,
rekomendadong malagong kailaliman at komposisyon, at mga ideya para sa paglikha
ng tirahan para sa mga iba pang hayop.
Ang mga alituntuning ito ay makadadagdag sa mga umiiral na Alituntunin sa
Pamantayan sa Pagagawa ng mga Berdeng Bubong, at ay inilaan upang magbigay ng
inspirasyon sa mga tagalikha ng berdeng bubungan upang mag‐disenyo para sa lahat
ng mga naninirahan sa lungsod. Lalo na naglalayong para sa mga arkitekto at sa mga
tanawin arkitekto, ang mga alituntuninito ay makapagbibigay ng interes kahit kanino
para intindihin kung bakit ang mga berdeng bubong at isa nang bahagi ng mas
malawak na “urban ecosystem”.
Ang mga kopya ng Alituntunin para sa Biodiverse Green Roofs at impormasyon
tungkol sa mga batas para sa Berdeng Bubong ay makukuha sa aming pahina sa web.
toronto.ca/greenroofs
Ang baha sa mga silong ay papataas. Huwag mong hayaan na ang silong mo na ang
sumunod.
Sa pagsasama‐sama, maaari natin mahinto ang malalakas na ulan, mga natutunaw na
niyebe at takas na tubig na humantong sa iyong silong. Sa Lungsod, ginagawa namin
ang aming bahagi sa pamamagitan ng patuloy na pag‐update at pagpapanatili sa
kumplikadong tubo sa ilalim ng lupa, paagusan at saluhan ng tubig ng Toronto. Kayo
naman ngayon.
Narito ang ilang mga tip upang matulungan kang iiwas sa baha ang iyong bahay
Ayusin ang mga basag sa iyong pundasyon.
Linisin ang mga labi mula sa mga alulod.
Magkabit ng isang sapa balbula upang maiwasan ang tubig at dumi sa
alkantarilya na kumatig.
Tiyakin na ang dalisdis ng lupa ay palayo sa iyong bahay.
Magkabit ng isang sump pump upang alisin ang labis na tubig.
Ilihis ang iyong alulod palayo sa pundasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpatibay sa baha ang iyong bahay,
bisitahin ang toronto.ca/water o tawagan ang 311.
Plano para sa mga Parke, 2013‐2017
Ang Plano para sa mga Parke ng Lunsod 2013‐2017 ay naaprubahan na ng Konseho ng
Lungsod noong Mayo 7, 2013.
Ang Plano para sa mga Parke ay nagsusulong ng mga estratehiya upang mapabuti ang
paggamit, pamahalaan ang paglago at protektahan ang integridad sa sistema ng mga
parke. Ito ay nagbubuo mula sa umiiral na pagawain at nagtatakda ng mga prayoridad
sa susunod na limang taon na magbibigay alawm para sa paggawa ng mga polisiya at
dsesisyon at matukoy ang isang programa sa pamumuhunan.
Ang Plano para sa mga Parke ay resulta ng pampublikong pakikipag‐ugnayan,
konsultasyon, pananaliksik at pag‐unlad na kinasasangkutan ng mga residente at mga
stakeholder. Bisitahin ang pahina ng web sa ibaba para sa isang kopya ng Plano para sa
mga Parke at Ulat ng Kawani.
toronto.ca/parks/engagement/parksplan/index.htm
Mga mahahalagang pagawaing pangkalsada, maisasagawa sa lungsod sa 2013
Ang proyektong pagpapanatili ng maayos at pagkukumpuni sa mga imprastraktura sa
lungsod ay nagpapatuloy. Itong taon, ang Lungsod ay mamumuhunan ng higit sa $ 155
milyon upang mapabuti ang kalidad ng mga kalsada at tulay ng Toronto. Ang Lungsod
ay gagastos din ng ng karagdagang $17 milyon sa mga pag‐aayos ng istruktura at mga
pagpapabuti ng kaligtasan ng Gardiner Expressway sa 2013.
Sa kabuuan, ang Lungsod ay magkukumpleto ng pagsasaayos ng 100 kilometrong
kalsada. Kasama sa binabalak na malalaking pagawain sa kalsada para sa 2013 ay ang
Albion Road, mula Steeles hanggang Highway 27; Keele Street, mula Falstaff Avenue
hanggang Arrowsmith Avenue; Leslie Street, mula sa York Mills Road hanggang
Lawrence Avenue, at mula Steeles Avenue hanggang Finch Avenue; Wilson Avenue,
mula sa Allard Avenue hanggang Avenue Road; at Kingston Road, mula sa Queen
Street hanggang Birchmount Road.
Bilang isang mapagkukunan upang mas mapadali para sa mga nagmamaneho ang
makahanap ng mga daan paikot sa Toronto, ipinakilala ng Lungsod ang T.O. INview,
isang mapa na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang malalaking
pagawain sa mga kalsada sa buong lungsod. Ang bagong site ay maaaring makita sa
toronto.ca / inview. Bilang karagdagan, makikita mo sa pahina ng web ng Lungsod na
toronto.ca / torontostreets ay kinikilala ang emerhensiyang kalsada na ginagawa, mga
espesyal na kaganapan at mga kundisyon sa paglalakbay sa mga kalsada ng Lungsod.
toronto.ca/inview
toronto.ca/torontostreets Formatted: Font color: Black
Bagong ulat sa grado ng mga katubigan ng Toronto
Bilang bahagi ng malawakang pagsusuri ng Ontario Conservation sa buong lalawagin
para sa katayuan ng mga katubigan ng Ontario, ang Toronto at Rehiyon ng
Konserbasyon (TRCA) ay nagbigay ng siyam na report cards na nagtutuos ng katayuan
ng bawat katubigan sa rehiyon ng Toronto. Ito ang kauna‐unahang pagkakataon na ang
siyam na report card ay nailabas ng sabay‐sabay, na naglalarawan ng katayuan ng mga
katubigan sa rehiyon ng Toronto.
Sa pangkalahatan, ang siyam na mga katubigan ay nakatanggap ng isang
pangkaraniwang ʺmahinangʺ grado na D, na nagpapakita na ang patuloy na pagsisikap
at pamumuhunan ay nangangailangan na mangyari upang mapabuti ang kalusugan ng
mga katubigan.
Ang TRCA ay titignan ang mga lugar na kailangan ang pag‐sasaayos, at sa mga
kasosyo nito, ay magpapatupad ng proteksyon para sa mga katubigan at estratihiya sa
pagkukumpuni. Bilang karagdagan, ang mga residente ay binibigyan ng listahan ng
mga aksyon na gawin na makakatulong sa mga katubigan kung saan sila ay
naninirahan at mapabuti ang kamalayan sa kapaligiran.
Ang pamamahala ng tubig ulan ay ang pinakamalaking problema; 35 porsiyento
lamang ng mga maunlad na siyudad na nasa loob ng sinasakupan ng TRCA ang
mayroong kalidad ng tubig at bilang ng may kabuuang kontrol sa lugar. Ang TRCA at
mga munisipyo ay patuloy na tututok sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mga lawa ng tubig ulan na itatayo sa lahat ng mga bagong development at sa
pamamagitan ng paghihikayat sa paggamit ng mga mababang epektong development
kontrol tulad rain gardens, berdeng bubong at tagusang loteng paradahan, upang
makatulong na mabawasan ang sobrang tubig sa mga watercourses.
Ang siyam na mga ulat ay sinakop ang mga sumusunod na tubigan at waterfront:
Etobicoke Creek
Mimico Creek
Humber River
Don River
Rouge River
Highland Creek
Petticoat Creek
Duffins Creek
Formatted: Font color: Black
Carruthers Creek
72 linear kilometro ng Lake Ontario waterfront.
Ang report cards ay nagbibigay ng isang pamamahala at kasangkapang pagsusuri
upang sukatin ang pagbabago ng kapaligiran, at ipatupad ang proteksyon sa mga
patubigan at estratehiya sa pagkukumpuni. Ang mga report cards ay pinapaalam rin sa
mamayan na naninirahan sa rehiyon ang tungkol sa mga kondisyon ng lokal na
kapaligiran, at mabigyan ang mga residente ng tiyak na solusyon upang gumawa ng
isang pagkakaiba at mapabuti ang kamalayan sa kapaligiran.
trca.on.ca/reportcards
2013 “Live Green Toronto Awards”
Limang mga nanalo ang inihayag sa 2013 “Live Green Toronto Awards”. Ang Pinaka‐
Luntiang kabataan, indibidwal, grupo, maliit na negosyo at korporasyon sa Toronto ay
tinutukoy sa pamamagitan ng mga sikat na boto sa taong ito. Sa pangkalahatan, ang
mga kalahok na video ay nakatanggap ng higit sa 220,000 views at mga boto. Alamin
kung sino ang nagpapaluntian sa Toronto. Kilalanin ang mga panalo at tingnan ang
kanilang mga video sa
http://awards.livegreentoronto.ca/.
Bagong tanggapan ng bayan ay tumutulong sa mga pamilya sa pangangalaga ng bata
at mga pangangailangan sa trabaho
Noong Abril 10, ang bagong tanggapan ng pinagsamang Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho
at Panlipunan / Mga Serbisyo sa Bata ng Lungsod ng Toronto ay opisyal na binuksan sa
pangunahing palapag ng Metro Hall. Ang mga residente ng Toronto ngayon ay
makakagamit sa parehong pangangalaga ng bata at mga serbisyo ng trabaho na nasa
iisang maginhawang lugar sa bayan. Ang kawani ng Lungsod na nasa isang bago,
maaliwalas at maayos na lokasyon ay maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa
mga parating na workshops sa trabaho, at mga tulong na salapi ng pamahalaan para sa
pangangalaga ng bata at mga espesyal na serbisyo para sa mga batang may mga
kapansanan, pati na rin ang impormasyon sa ibaʹt ibang mga programa sa trabaho.
Ang bagong pinagsamang mga serbisyo ng tanggapan ay nagbukas na rin sa 325 Milner
Avenue, ika‐9 na palapag, sa Progress Avenue. Mga residente sa silangan dulo ng
Toronto ay makakagamit sa pangangalaga ng bata at mga serbisyo ng trabaho sa
bagong lokasyon na ito.
toronto.ca/children
toronto.ca/employmentandsocialservices
Ang City Planning ay tumutulong upang matuklasan ang iyong kapaligiran
Interesado ka ba malaman kung ano ang mga bagong nangyayari sa inyong lugar? Ang
City Planning Division ay maaaring makatulong.
Ang Application Information Centre ay pinapapakita sa lahat ang pag‐apruba ng
aplikasyon ng pag‐unlad sa isang mapa. Maaari kang tumingin sa lahat ng mga
aktibong mga aplikasyon ng pag‐unlad o tignan lamang kung ano ang bago sa iyong
lugar.
Sa ngayon, kapag nakatanggap ka ng isang abiso ng Konsultasyon Pagpupulong sa
Komunidad sa pamamagitan ng koreo,madaling mo itong makikita sa pagtingin sa
ipinanukalang aplikasyon sa online. Kung hindi ka maaaring dumalo sa konsultasyong
pagpulong ng komunidad, maaari ka magbigay ang iyong mga komento sa online.
Kung nais mo ng higit pang mga detalye tungkol sa isang aplikasyon, maaari kang
makipag‐ugnayan sa City Planner nakalista sa website.
Ang Application Impormasyon Centre ay nagbibigay sa iyo ang pagsasalarawan ng
panukala, mga petsa ng pagpupulong at ang katayuan ng lahat ng may kaugnay sa
aplikasyon, kabilang ang mga link sa iba pang mga pahina ng web ngsa Lungsod
upang tingnan ang mga ulat ng kawani at mga kaugnay na aktibidad sa lisensya sa
pagbubuo ng gusali.
Kapag nakita mo ang isa sa mga karatula ng ʹPanukala para sa Pag‐unladʹ ng lungsod,
alamin na maaari mong tingnan ang impormasyon sa online at matuklasan ang iyong
mga kapitbahayan.
toronto.ca/planning/developmentapplications
Ang City Planning ay pinapapakilala ang “Chief Planner Roundtable Series”
Noong Pebrero ng taong ito, ang “Chief Planner Roundtable Series” ay inilunsad. Ang
roundtable ay isang talakayang pagtitipon na nakatutok sa mga ibaʹt‐ibang mga tema
ng pagbubuo ng gusali sa lungsod.
Ang roundtable ay pagtitipun ng mga ibaʹt ibang mga dalubhasa, kawani ng lungsod at
mga nakikipagsapalaran sa malawak na talakayan tungkol sa mga hamon at
pagkakataon na hinaharap sa bawat tema. Ang layunin ay upang makiisa sa masiglang
talakayan batay sa mahahalagang isyu ng pagpapatayo ng mga gusali sa lungsod na
haharapin ng Toronto.
Ang mga paksa sa petsa ngayon ay kabilang angmga sumusunod:
Ang Pabrika ng Lungsod: Pagdidisenyon at Paglilikha ng mga Publikong Lugar
Ang Matibay na Lungsod,
Ang Susunod na Henerasyon ng Bayan.
Ang mga roundtable ay nakaayos sa tatlong bahagi: Pag‐aayos ng Entablado,
Pagrerepaso ng Pangunahing Mga Tanong at Pag‐aayos ng Pagbabago. Ang layunin ng
bawat bahagi ay makabuo ng mga serye ng mga gagawing aksyon na makilanlan
kaagad ang mga hakbang at maitakda ang mga dapat gawin para sa mga susunod na
hakbangin.
Tatlong karagdagang mga roundtable ay binabalak para sa tag‐lagas, na may layuning
na mayroon anim sa bawat taon sa mga kasunod pang mga na taon. Ang tema para sa
sumusunod na mga talakayan ay nagmula sa resulta ng nakaraang pulong.
Ang mga roundtable ay naka live‐stream sa website ng Rogers TV. Ang mga hindi
nakarating ay maaari rin sumubaybay sa Twitter sa pamamagitan ng paggamit ng
hashtag # CProundtable. Sa kasalukuyan ang mga roundtable ay mayroong 1,000 mga
tao ang nakatuon sa mga talakayan.
toronto.ca/planning/chiefplannerroundtable
Ang Enterprise Toronto ay itinayo para mga kabataang negosyante upang
magtagumpay
Ang Enterprise Toronto ay tumutulong sa mga kabataang negosyante na makakuha ng
panimulang puhunan at paggabay mula sa Canadian Youth Business Foundation
(CYBF).
Sa pamamagitan ng isa‐sa‐isa na konsultasyon, ang tagapagpayo ng maliit na negosyo
ng Enterprise Toronto ay tinutulungan ang mga kabataang negosyante na maghanda
ng epektibong aplikasyon para panimulang pananalapi. Ang mga plano ng negosyo ay
detalyadong sinusuri, ang mga daloy ng salapi at pagsisimula gastos( start‐up costs)at
mga pahayag ng kinikita (income statements) ay sinisiyasat ng mabuti para sa
posibilidad na mabuhay.
Mula noong Nobyembre 2012, ang Enterprise Toronto ay nakatulong sa mga kabataan
na may edad na 18‐39 upang makamtan ng isang kabuuang $ 200,000 sa sinumulang
puhunan. Ginagamit ng mga negosyante ang pondong ito upang ilunsad ang mga
negosyo sa internasyonal import / export, disenyo ng web, paglathala, serbisyo sa
pagkain at mga aplikasyon ng web.
Ang programa ng Summer Company ay isa pang programa ng negosyo ng kabataan na
inihahatid ng Enterprise Toronto sa pakikipagtulungan ng Ontario Ministry of
Economic Developement, Trade and Employment.
Ang Summer Company ay nagbibigay ng hands‐on na pagsasanay sa negosyo at
pagpapayo, kasama ang mga parangal ng hanggang sa $ 3000, upang makatulong ang
mga mag‐aaral na may edad na 15‐29 upang makapagsimula at magpatakbo ang isang
negosyo sa tag‐araw. Ang mga negosyante ng Summer Company ay dumalo sa hindi
lalagpas ng 12 oras na pagsasanay sa negosyo at regular na makipagkita sa bihasang
tagapagturo ng negosyo. Mula ng ito ay nabuo noong 2001, ang programa ng Summer
Company ay sinuportahan ng libu‐libong mga maliliit na negosyo sa Ontario, na
nagbibigay ng trabaho tuwing tag‐araw sa mga mag‐aaral habang nagkakandili ng
pagkamalikhain at makabagong ideya.
toronto.ca/enterprisetoronto
Ang Konseho ng Lunsod ay nagbunsod ng pinansyal na pagsuporta para sa sining at
kultura sa Toronto
Noong Abril, inaprubahan ng Konseho ng Lungsod ang $6 milyon na mga kita, dating
kinolekta mula sa Third Party Sign Tax, na ilalapat sa ibaʹt ibang mga programa ng
Lungsod sa mga sining City at kultura sa 2013.
Itong $ 6 milyon ay isang bagong puhunan na nagbibigay ng mas malawak na suporta
para sa sektor ng sining at kultura ng Toronto, dagdag sa $35 milyon na inilaan sa
pamamagitan ng Economic Development and Culture.
Ang konsultasyon sa pampublikong at isang online na pagsisiyasat ay humihiling ng
opinyon kung paano at kung saan ilalapat ang mga karagdagang mga kita. Sa 2016, ang
mga kontribusyon ito ay makakamit ang ipinahayag na matagalang layunin ng
Konseho upang maabot ang $ 25 per capita na pamumuhunan sa sining at kultura.
2013 Mga Araw ng Paligiran ng Komunidad (“Communiy Environment
Days”):Muling Paggamit, Recycle at Ligtas na Pagtapon
Bawat taon, humigit‐kumulang 44 Mga Araw ng Paligiran ng Komunidad ay
ginaganap mula Abril hanggang katapusan ng Setyembre, isa sa bawat purok, sa buong
lungsod. Ang mga kaganapan ay tumatanggap ng maraming uri ng mga donasyon
mula sa sambahayan para sa muling paggamit (mga sining at kagamitan pang‐
kasanayan, mga lumang damit at gamit sa bahay na nasa mabuti pang kalagayan).
Maaari mo rin ihulog ang mga mapanganib na basura mula sa kabahayan (tulad ng
mga baterya, mga bombilya, propane silindro at tangke) at elektroniks para sa muling
paggamit o pagtapon ng ligtas. Isang listahan ng mga tinanggap na mga bagay at ang
2013 iskedyul ng kaganapan ay nakalagay sa pahina ng web ng Lungsod sa ibaba.
toronto.ca/environment_days.
Eksibisyon sa Market Gallery ay nagpapakita ang kauna‐unahang City Hall ng
Toronto
Ang Market Gallery ay tinanghal ang ʺPagbuo ng Lungsod: Mga tao, Lugar at Buhay sa
Toronto, 1845‐1899ʺ, isang eksibisyon na pinapakita ang sinaunang kasaysayan ng
Toronto sa site ng orihinal noong ika‐19 na siglo sa kapulungan ng Konseho ng
Lungsod ng Toronto sa South St Lawrence Market.
Ang eksibisyon ay ipinapakita ang mga tao at mga lugar na ibahin ang anyo ng Toronto
sa panahon ng napakalaking pagbabago.Makasaysayang mga mapa, larawan at
orihinal na kuwadrong larawan na gawa sa sining ng pagpipinta ay nasa koleksyon ng
Lungsod na itinayo noong 1850s ay itinampok sa mga ipinapakita.
Mga bisita ay maaaring malaman ang tungkol sa mga kritikal na isyu na apektado ang
24,000 residente ng lungsod noon 1845 kabilang ang mga pampublikong kalusugan,
sunog at seguridad, mga riles at ang aplaya. Mga debate sa mga isyu tulad ng
pananalapi, Landfill at transportasyon ay may kaugnayan pa rin sa paglaon ng mahigit
150 na taon.
Ang eksibisyon ay tumatakbo hanggang Setyembre 14.
toronto.ca/culture/the_market_gallery
Mga tip sa kaligtasan ng mga Bata
Mga magulang at tagapag‐alaga ay may mahalagang papel sa pagtuturo sa mga bata
tungkol sa kaligtasan. Ang pag‐aaral na ito ay maaaring magsimula kaagad habang ang
bata ay nagisimulang lumabas ng bahay para maglakad. Upang tulungan ang mga
magulang at tagapag‐alaga, ang Toronto Public Health ay inilunsad ang isang
kampanya para sa kaligtasan ng bata na naglalayong magbigay ng mga tip sa
kaligtasan sa apat na pangunahing mga kategorya:
1. Pagkatuto kung paano ang pinsala ay maaaring mangyari habang ang mga bata
ay lumalaki
2. Paglikha ng mas ligtas na lugar para sa mga bata
3. Pagbabantay ng maayos sa mga bata
4. Paglikha at pagsunod sa mga patakaran ng kaligtasan ng pamilya
Ang kampanya ay maaaring makita sa opisina ng mga doktor at sa Toronto Public
Health website. Bilang bahagi ng kampanyang ito, ang mga magulang at tagapag‐alaga
ay hinihikayat na magrehistro para sa isang LIBRENG buwanang pahayagang sa email.
Ang pahayagang ay nag‐aalok ng mga tip sa kaligtasan na ang mga paksa ay para sa kaligtasan sa tubig, kaligtasan sa gulong at kaligtasan sa kotseng upuan.
toronto.ca/health
Tag‐init sa lungsod
Kapag tag‐araw ay puspusan na, ang mga kalye ng Toronto ay umapaw sa mga
kapana‐panabik na pagdiriwang, mga kaganapan at atraksyon.
Nag‐iisip kung saan pupunta? Bisitahin ang www.toronto.ca/eventcalendar upang
magplano ng isang araw sa Toronto sa lalong madaling panahaon na mo malilimutan!
Magplano para sa mga ito!
Kung naghahanap ka ng musika, sayawan, pagkain o mga paputok, ang Lungsod ng
Toronto ay gumagawa ng isang malawak na hanay ng mga kaganapan para sa lahat
upang tamasahin.
Ang Canada Day sa Mel Lastman Square ay maguumpisa sa pamamagitan ng
mga gawain pampamilya (5‐8 ng hapon), na susundan ng isang konsyerto na
tinatampok ang She King at Juno‐award winner na si Derek Miller (8:00), at
isang kamangha‐manghang palabas ng mga paputok (10:00 ng gabi).
Sunday Serenades ay isang libreng seryeng konsyerto na nagaganap sa Mel
Lastman Square na nagtatampok ng live na musika at sayawan sa ilalim ng mga
bituin (Hulyo 7 ‐ Agosto 18).
Sariwang Miyerkules (Hulyo 10 ‐ Agosto 28) at Masarap na Huwebes (Hulyo 11 ‐
Agosto 29), ay gaganapin sa Nathan Phillips Square simula sa tanghali. Itong
mga lingguhang mga kaganapan ay tamang‐tama para sa mga naghahanap ng
live na musika, sariwang ani o pagkain na maiinit kakailis sa ihawan.
Summerlicious na tinatanghal ng American Express (Hulyo 5–21), ay nagbibigay
ng perpektong paraan upang masiyahan sa masarap na pagkain sa mababang
halaga. Ang mga mahilig sa pagkain ay matutuklasan ang mga bagong
paboritong lugar upang kainan na mayroong 196 fine‐dining mga restawranna
nagbibigay ng tatlong‐kurso, prix‐fixe menus sa buong lungsod.
Ang Fort York National Historic Site ay punong‐abala sa maraming mga kapana‐
panabik na mga kaganapan nitong tag‐init sa kanyang bagong lugar na Garrison
Common na mayroong 13‐ektaryang kaganapang panlabas na espasyo:
Toronto Urban Roots Festival (Hulyo 4‐7)
Food Truck Eats: ʺAwesTRUCKʺ (Hulyo 20)
Mad Decent (Hulyo 26)
Grove Music Festival (August 3) at Riot Fest (Agosto 24)
ang taunang pagdiriwang Simcoe Day ng Fort sa Agosto 5
toronto.ca/eventcalendar
toronto.ca/summerlicious
toronto.ca/culture/museums/featured‐events.htm
Ang dalawang‐taong pagbibilang sa Pan American/Parapan American mga Laro
Sa Hulyo 10 ay mamarkahan ang dalawang‐taong pagbibilang sa pagsisimula ng ng
2015 Pan American/Parapan American Games. Sa 10,000 atleta, coaches at mga opisyal
mula sa 41 bansa sa buong Americas at Caribbean, ang Pan American/Parapan
American Games ay ikatlong pinakamalaking kaganapan ng maramihang isport sa
mundo. Bilang Lungsod na opisyal na punong‐abala sa 2015 Pan American/Parapan
American Games, ang Lungsod ng Toronto ay sasalubungin ang pagdating ng
tinantyang 250,000 mga bisita. Ang mga residente at mga negosyonte ng Toronto ay
hinihikayat na makisangkot ‐ kung bilang manonood, boluntaryo, mga service
provider, sponsor o mga tagasuporta ‐ at upang makatulong na ipagdiwang at ipakita
ang pambihirang pagkakaiba‐iba sa ating lungsod, dynamiko at mabuting pakikitungo
sa panahon ng Mga Laro.
Ang Mga Laro ay magbibigay ng mga bagong pamana at mga bagong kagamitang
pampalakasan sa buong Toronto. Ang mga bago at pinahusay na pasilidad para sa
paglilibang ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
‐the primera klaseng Toronto Pan Am Sports Centre sa Scarborough;
‐pinaghusay na Olympium Etobicoke;
‐isang bagong BMX kurso sa Etobicoke;
‐pinaghusay na Centennial at Birchmount parke; at
‐pagsasaayos ng Toronto Track at Field Centre sa York University.
Iba pang mga pasilidad sa Toronto na tinayo para sa Mga Palaro ay kasama ang isang
bagong istadyum para sa palakasan sa York University at isang bagong complex na
hockey field sa kampus ng University of Toronto na nasa bayan.
Isang bahagi ng komunidad ng West Don Lands ay gagamitin bilang Nayon ng Toronto
2015 Pan / Parapan Amerikano Mga Laro ng Mga Atleta. Pagkatapos ng laro, ang nayon
ay babaguhin bilang masayang magkakahalong kabahayan na nag‐aalok ng isang
hanay na mga pabahay para sa lahat ng uri tao at mga antas ng kita.
Ang Pan American American Games ay gaganapin mula Hulyo 10‐26, 2015 at ang
Parapan American Games ay tatakbo mula sa Agosto 7‐14, 2015. Kasama ng Toronto,
ang laro ay kakalat sa higit sa isang dosenang mga munisipyo at mga kampus ng
tatlong unibersidad.
Magkita tayo sa mga laro!
toronto.ca/panam2015
Kami Ay Naghihintay sa Iyo
‘Maligayang Pagdating sa Toronto ... Kami ay Naghihintay sa Iyo ʹ[ʹWelcome to
Toronto…Weʹve Been Expecting Youʹ (WBEY)] ay isang programa na maramihang‐
aspeto ng mahusay na ospitalidad na kabilang ang pagbibigay ng libreng industriyang
pagsasanay para sa mga nakikipag‐uganayan sa mga bisita sa Toronto. Mula sa
paglunsad noong 2011, mahigit sa 1,000 mga tao mula sa 144 mga organisasyon ay
lumahok sa pagsasanay kung saan sila ay natuto kung paano ang Toronto ay maging
mas bukas‐kamay na lugar sa pagsalubong sa mga bisita. Ang pagsasanay ay isinasama
ang mga prinsipyo ng serbisyo sa kustomer na ang impormasyon ay may mga
mapagkukunan habang naghihikayat sa mga kalahok na ibahagi ang kanilang
pagmamalaki sa lungsod sa mga bisita.
Ang Art Gallery ng Ontario (AGO) ay isa sa maraming mga organisasyon na kalahok.
ʺAng Art Gallery ng Ontario ay patuloy nagsusumikap para sa kahusayan sa karanasan
ng mga bisita, at ang kautusan ng WBEY na serbisyong handa, positibo,
maipagmamalaki at maagap na suporta at nagpapalakas sa aming maayos na
pansariling pagsusumikap,ʺ sabi ni Alicia Vandermeer, Direktor ng Visitor Experience
ng AGO.
Ang WBEY ay nakatanggap ng parangal ng Konseho ng Mga Nagpaunlad sa
Ekonomiya ng Ontario (Economic Developers Council of Ontario ‐ EDCO) sa
kategoryang Pag‐unlad ng Produkto / Pag‐unlad ng Manggagawa sa taong ito. Ang
mga parangal ng EDCO ay iniharap sa mga samahan ng Ontario na bumuo ng
nauunang batayan, makabagong mga programa sa pangangalakal, o pinatupad mga
bagong hakbangin upang pagyamanin ang pag‐unlad ng ekonomiya. Mga residente o
mga negosyante ay hinihikayat na makipag‐ugnay sa tauhan sa WBEY para sa
karagdagang impormasyon sa mga programa o upang malaman ang tungkol sa mga
paparating na mga sesyon ng pagsasanay.
toronto.ca/wbey
Isang higanteng pagkakataon para sa konserbasyon
Pagkatapos ng 28 taon, ang mga higanteng panda ay bumalik! Ang Karanasan sa
Higanteng Panda ng Toronto Zoo ay nagbibigay ng isang bihira at hindi malilimutan
na karanasan sa natatanging dalawang higanteng mga panda sa Canada. Ang
pinaparaming pares, Er Shun at Da Mao, ay itatanghal mula 2013‐2018, muling
nagkukumpirma sa kasunduan ng Toronto Zoo sa pang‐matagalang konserbasyon ng
pagsososyo sa pagitan ng Tsina at Canada. Ang bagong eksibisyon, na binuksan noong
Mayo 18, kasama ang isang state‐of‐the‐art Interpretive Centre na may temang ʹAng
Eating Bambooʹ, ʹThreats sa mga Higanteng Pandaʹ, at ʹPag‐ligtas sa mga Higanteng
Pandaʹ. Ang eksibisyon ay bukas sa buong taon at ay kasama sa regular na bayad sa
pagpasok sa Zoo.
Mga Nakakatuwang Katotohanan tungkol sa Giant Panda
1. Ang panda ay kailangang kumonsumo ng isang medyo malaking halaga ng
pagkain ‐ 12‐38 kg ng kawayan sa bawat araw ‐ upang makuha ang lahat ng
mga pagkaing pampalusog. Nangangahulugan ito na ang panda ay dapat
gumastos ng 10‐16 oras sa isang araw sa paghahanap at pagkain. Ang natitirang
bahagi ng araw ay ginugol sa pagtulog at pamamahinga.
2. Hindi Malalaman kung ang isang higanteng panda ay lalaki o babae hanggang sa
ito ay apat na taong gulang.
3. Ang tawag ng Intsik sa mga higanteng panda ay “Malaking Pusang Oso” (ʺBig
Bear Catʺ). Ito ay dahil ang kanilang mga mata ay may patayong guhit na tulad
sa pusa, hindi bilog na balintataw tulad ng isang oso.
torontozoo.com
Ang Pampublikong Kalusugan ng Toronto ay nais na ikaw ay maging isang “Savvy
Diner”
Ang Torontonians ay kumakain ng higit pa kaysa sa dati at mga pag‐aaral ay ipinakita
na ang mga kumakain ay hindi inaalintana ang mga calorie at sodium sa kanilang
pagkain sa restawran. Dahil walang paraan upang malaman kung ano ang nakukuha
mo kung walang impormasyon tungkol sa nutrisyon, ang Pampublikong Kalusugan ng
Toronto ay hinihikayat ang Ministry ng Kalusugan at Pangmatagalang Pangangalaga
na bumuo ng batas na nangangailangan na ang restawran chain ay maglagay ng mga
bilang ng ng mga Calorie at sodium sa kanilang mga menu.
Ang pagkain sa restawran ngayong ay naglalaman ng mahigit sa kalahati ng mga
calorie at isa‐at‐kalahating beses na sodium na kailangan ng karaniwang matanda sa
isang buong araw. Ang malawak na pagkakaiba‐iba ng mga calorie at sodium,
malaking sukat na bahagi at ang mapanligaw sa pangangalakal ay maaaring gawin
upang mahirapan ang mga taong makapamili ng masustansyang makakain sa labas.
Pagkakaroon ng mahusay na mga pagpipilian ay maaaring mag‐ambag upang
mabawasan ang pagtaas ng presyon ng dugo at labis na katabaan.
Bagamat mahirap mamili ng mga masustansyang pagkain sa mga restawran, ang
paglagay ng etiketa sa menu ay maaaring makatulong. Ang mga pag‐aaral ay
nagpapakita na ang paglagay ng etiketa sa menu ay ginagamit ng mga kumakain
upang maging batayan sa pagpili ng masustansyang makakain at naghihikayat sa mga
restawranna lumikha ng mga masustansiyang mapagpipilian.
Ang kampanya ng Savvy Diner sa pamamagitan ng Pampublikong Kalusugan ng
Toronto ay ibabalita sa publiko ang tungkol sa paglagay ng etiketa sa menu sa
restawran sa publiko. Ipakita ang iyong suporta at gumawa ng pagkakaiba sa
pamamagitan ng pagbisita sa aming website.
savvydiner.ca