8
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ni Andres Bonifacio 1 Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. 2 Ulit-ulitin mang basahin ng isip At isa-isahing talastasing pilit Ang salita’t buhay na limbag at titik Ng sangkatauhan ito’y namamasid. 3 Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal Sa tapat na puso ng sino’t alinman, Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang, Nagiging dakila at iginagalang. 4 Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat; Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Kalakhan din niya’y isinisiwalat. 5 Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop: Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot- lagot. 6 Bakit? Alin ito na sakdal nang laki Na hinahandugan ng buong pagkasi? Na sa lalong mahal nakapangyayari At ginugugulan ng buhay na iwi? 7 Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, Siya’y ina’t tangi na kinamulatan Ng kawili-wiling liwanag ng araw Na nagbigay-init sa lunong katawan. 8 Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap Ng simoy ng hanging nagbibigay- lunas Sa inis na puso na sisinghap- singhap Sa balong malalim ng siphayo’t hirap. 9 Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal Mula sa masaya’t gasong kasanggulan Hanggang sa katawa’y mapasalibingan. 10 Ang nangakaraang panahon ng aliw, Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin, Liban pa sa Bayan saan tatanghalin? 11 At ang balang kahoy at ang balang sanga Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya, Sukat ang makita’t sasaalaala Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya. 12 Tubig n’yang malinaw na anaki’y bubog, Bukal sa batisang nagkalat sa bundok, Malambot na huni ng matuling agos, Na nakaaaliw sa pusong may lungkot. 13 Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala’t inaasam-asam Kundi ang makita’y lupang tinubuan. 14 Pati ng magdusa’t sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa Bayan At lalong maghirap, O! himalang bagay, Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. 15 Kung ang Bayang ito’y nasasapanganib At siya ay dapat na ipagtangkilik,

Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa (Poem)

  • Upload
    secret

  • View
    450

  • Download
    20

Embed Size (px)

DESCRIPTION

(Poem)

Citation preview

Pag-ibig sa Tinubuang LupaNi Andres Bonifacio1Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa tinubang lupa?Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.2Ulit-ulitin mang basahin ng isipAt isa-isahing talastasing pilitAng salitat buhay na limbag at titikNg sangkatauhan itoy namamasid.3Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukalSa tapat na puso ng sinot alinman,Imbit taong-gubat, maralitat mangmang,Nagiging dakila at iginagalang.4Pagpupuring lubos ang palaging hangadSa bayan ng taong may dangal na ingat;Umawit, tumula, kumathat sumulat,Kalakhan din niyay isinisiwalat.5Walang mahalagang hindi inihandogNg may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod,Buhay may abuting magkalagot-lagot.6Bakit? Alin ito na sakdal nang lakiNa hinahandugan ng buong pagkasi?Na sa lalong mahal nakapangyayariAt ginugugulan ng buhay na iwi?7Ay! Itoy ang Inang Bayang tinubuan,Siyay inat tangi na kinamulatanNg kawili-wiling liwanag ng arawNa nagbigay-init sa lunong katawan.8Sa kaniyay utang ang unang pagtanggapNg simoy ng hanging nagbibigay-lunasSa inis na puso na sisinghap-singhapSa balong malalim ng siphayot hirap.9Kalakip din nitoy pag-ibig sa BayanAng lahat ng lalong sa gunitay mahalMula sa masayat gasong kasanggulanHanggang sa kataway mapasalibingan.10Ang nangakaraang panahon ng aliw,Ang inaasahang araw na daratingNg pagkatimawa ng mga alipin,Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?11At ang balang kahoy at ang balang sangaNg parang nyat gubat na kaaya-aya,Sukat ang makitat sasaalaalaAng inat ang giliw, lumipas na saya.12Tubig nyang malinaw na anakiy bubog,Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,Malambot na huni ng matuling agos,Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.13Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!Gunita may laging sakbibi ng lumbay,Walang alaalat inaasam-asamKundi ang makitay lupang tinubuan.14Pati ng magdusat sampung kamatayanWari ay masarap kung dahil sa BayanAt lalong maghirap, O! himalang bagay,Lalong pag-irog pa ang sa kanyay alay.15Kung ang Bayang itoy nasasapanganibAt siya ay dapat na ipagtangkilik,Ang anak, asawa, magulang, kapatidIsang tawag niyay tatalikdang pilit.16Dapwat kung ang bayan ng KatagaluganAy nilapastangan at niyuyurakanKatuwiran, puri niyat kamahalanNg sama ng lilong taga-ibang bayan.17Di gaano kaya ang paghihinagpisNg pusong Tagalog sa puring nilait?Aling kalooban na lalong tahimikAng di pupukawin sa paghihimagsik?18Saan magbubuhat ang paghinay-hinaySa paghihigantit gumugol ng buhayKung wala ding iba na kasasadlakanKundi ang lugami sa kaalipinan?19Kung ang pagkabaon nyat pagkabusabosSa lusak ng sayat tunay na pag-ayop,Supil ng panghampas, tanikalang gaposAt luha na lamang ang pinaaagos?20Sa kaniyang anyoy sino ang tutunghayNa di aakayin sa gawang magdamdam?Pusong naglilipak sa pagkasukabanAng hindi gumugol ng dugo at buhay.21Mangyayari kaya na itoy masulyapNg mga Tagalog at hindi lumingapSa naghihingalong Inang nasa yapakNa kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?22Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?Bayay inaapi, bakit di kumilosAt natitilihang itoy mapanuod?23Hayo na nga kayo, kayong nangabuhaySa pag-asang lubos na kaginhawahanAt walang tinamo kundi kapaitanHayo nat ibigin ang naabang Bayan.24Kayong natuyan na sa kapapasakitNg dakilang hangad sa batis ng dibdib,Muling pabalungit tunay na pag-ibigKusang ibulalas sa Bayang piniit.25Kayong nalagasan ng bungat bulaklak,Kahoy nyaring buhay na nilantat sukatNg bala-balakit makapal na hirap,Muling manariwat sa Bayay lumiyag.26Kayong mga pusong kusang napapagalNg daya at bagsik ng ganid na asal,Ngayon ay magbangot Bayan ay itanghalAgawin sa kuko ng mga sukaban.27Kayong mga dukhang walang tanging lasapKundi ang mabuhay sa dalitat hirap,Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunasPagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.28Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,At hanggang may dugoy ubusang itigisKung sa pagtatanggol, buhay ay mapatidItoy kapalaran at tunay na langit.

ISANG LAHIKung ang tinig mo`yDi naririnigAno nga bang halagaNg buhay sa daigdigDarating ba ang isa ngayonAt magbabago ang panahonKung ang bawat pagdaingAy laging pabulongAanhin ko pa,Dito sa mundoAng mga matang nakikita`yDi totooMay ngiti't luha ang likuranAt paglayang tanong ay kailanBakit di natin isabog ang pagmamahalChorus:Sundan mo nang tanaw ang buhayMundo ay punan mo ng saya't gawing makulayIisa lang ang ating lahiIisa lang ang ating lipiBakit di pagmamahal ang ialay moPang-unawang tunay ang siyang nais koAng pag-damay sa kapwa`y nandiyansa palad moDi ba't ang gabiay mayroong wakasPagkatapos ng gabi ay may liwanagAraw ay agad na sisikatIilawan ang ating landasNang magkaisa bawat nating pangarapChorus (2x)sa palad mo...

Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New EraElementary School)Lakandiwa:Minamahal naming mga kamag-aralMga magulang, mga guro at prinsipalMga panauhing pinagpipitagananNaririto ngayon sating paaralan.Magandang umaga po, ang bating marangalAng Buwan ng Wika ating ipagdiwangIkalimang baitang ang amin pong alayIpagmamalaki, isang balagtasan.Wikang Filipino ay sariling wikaAt ang wikang English ay wikang banyagaKapwa ginagamit ng may pang-unawaHigit na mahalaga, alin na nga kaya?Sa umaga pong ito, aking ipinakikilalaDalawang mahusay, maganda at batikang makataSa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanilaMasigabong palakpakan pasalubungan natin sila.Sa wikang Filipino ang mangangatuwiranSi Bb. Irish ng Grade V- EmeraldAt sa wikang English ang makakalabanBb. Lariza ng Grade V- Section one.

Wikang Filipino:Sa puso at diwa, akoy PilipinoMgandang Pilipinas ito ang bayan koMay sariling wika, wikang FilipinoNa syang nagbubuklod sa sambayanan ko.Wikang Filipino ay wikang panlahatAng ilaw at lakas ng tuwid na landasSa pagkakaisa naipahahayagMabisang kalasag tungo sa pag-unlad.

Wikang English:Alam nating itong English, isang wikang pandaigdigSa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamitAng mga asignaturangScience, English at MathematicsPaano mo ililiwat, di malirip, di maisip.Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansinAng dating A B K D ngayon ay A B C D naMay computer, may internet, Facebook at may Google plus paItoy mga pagbabagong Wikang English ang simula.

Wikang Filipino:Alam nating sating mundo marami ng pagbabagoMakabagong teknolohiya patuloy sa pag-asensoMentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimunoNgunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.Sariling wika ay salamin nitong ating pagkataoMatibay na pundasyon ng ating pagka-PilipnoIsang wikang kinagisnan minana pa sa ninunoNararapat alagaan, itaguyod nang lumago.

Wikang English:Sapagkat itong English isang wikang unibersalWikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasanSa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhanUpang itong mga bansa ay magkaunawaan.Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaralKung mahusay kang mag-English sacall centerka mag-applySiguradong matatanggap at kikita rin kaagadKaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.

Wikang Filipino:Sa mahal kong katunggali na kapwa ko PilipinoHuwag nating kalimutan, dapat nating isapusoItong wikang kinagisnan, ang Wikang FilipinoGamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.

Wikang English:Hindi ko nalilimot na ako ay PilipinoMahalaga rin ang English at yan ay nababatid moLalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungoAng pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.

Lakandiwa:Tama na, sukat na, mahuhusay na makataAng pagtatalo nyo ay hwag nang palawigin paSa madlang nanonood kayo na po ang magpasiyaAlin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?Kaming tatlo ay narito, sa inyoy nagpapasalamatMahal naming kamag-aral, mga guro at magulangTaos pusong bumabati, maligayang pagdiriwangAng hiling po namin, masigabong palakpakan.

PIYESA NG BALAGTASAN :)DAPAT BA O HINDI DAPAT PALITAN NG F ANG P SA PILIPINAS ?Ni : Bb. Winnaflor G. GasparPambansang Paaralang Sekundarya ng Batasan Hills

Lakandiwa :Isang magandang araw pagbati ko sa inyomga kaibigang sa tanghalay nariritosumandaling makinig, ilaan ang tainga nyosa isyung pagtatalunan nitong mga panauhin ko.

Kamakailan kasiy sumabog sa tananIsyung kayliit kung ating titingnanAnot sa dami ng pwedeng pagtalunanHayat isang letray kanya-kanyang angilan

Dapat ba o di dapat na ating palitanAng ngalan ng bansang ating nakamulatanGawing F ang P ng Pilipinas sa palabaybayanIsyung gumugulo panahon pa ni Magellan

Kayat upang matugunan ang ating agam-agamDalawang ekspertoy aking inimbitahanipagmamatigas kanilang pinapaniganKung F ang gagamitin o letrang Py pananatilihin

Itong aking katoto sa gawi kong kananPilit sinasalungat itong kasaysayanDi raw dapat ipilit ang ayaw ng sambayananPanatilihin ang letrang P na nakasanayan

Sa aking kaliway kanyang ipinagpipilitanMungkahing palitan ng F ang pangalanPagkat sa ortograpiyay naroroon namanUpang bumagay sa panahong kasalukuyan.

Kayat bago pa magdilim itong ating tanghalanSa tindi ng pagsabog ng mga katwiranPingkian ng galing atin nang subukinTawagin ang panauhit magpakilala sa atin

Sang-ayon:Magandang araw mga kabaro kong naniniwala sa pagbabago________________ ang sa inyoy sumasaludoSumasang-ayong palitan ang P sa Pilipinas na ispelingF ang nararapat na ating gamitin

Di-sang-ayon:Isang mapagpalang umagang may ngiti sa aking labi_______________ ang sa inyoy bumabatiLetrang F ay di ko nais ipalitSa letrang P ng Pilipinas, akin itong igigiit

Lakandiwa:Di pa man naglalaoy tila sili sa anghangPagpapakilala pa lang ay agad ang singhalanPaano pa kaya kapag tagisay sinimulanHuwag sanang delubyo umabot sa tanghalan

At upang mapakinggan unang tindig ng sa kananPanig ng sang-ayon sa pagpalit ng pangalanKanyang ipagtatanggol umabot man sa kung saanAtin siyang patindigin sa matunog na palakpakan!

Sang-ayon:Noong taong 1548 bansa natin ay pinangalananKastilang si Villalobos, orihinal niyang binansaganFilipinas ay kinilala, sunod sa hari ng EspanyaKasaysayang walang duda, katotohanang talaga

Taong 1565 nang dumating naman si LegaspiHanggang sa panahon ng bayaning si MabiniPatuloy itong ginamit upang ating makamitKalayaang minimithi sa nang-aaliping lahi

Unang republika rin dito sa asya ay ginayaFilipinas opisyal na tawag nilaBansang nangunguna sa kaunlaran bagaBakit di makita ang kanyang halaga?

Sinasabing ang wika ay buhay at nagbabagoKaya ngat alpabeto ay tila taoBakit gagamit ng abakada ni loloKung sa ortograpiyay higit kang aasenso?

Sa abakaday walang hiram na letraSa gramatika at panitikang ating binabasaLimitadong-limitado sa kaalaman sanaNa magbubuklod sa atin sa kasaysayang sinta

Kayat mga tagapakinig, inyo nang susuganLetrang F sa Pilipinas, tanggapin nang lubusanTandaan walong letra ginagamit na natinFilipinas ang siyang dapat tangkilikinDi-sang-ayon:Mga kaibigan huwag nyo siyang pakingganUtak niyay nahaluan na ng pagkadayuhanPilit niyang tinatangkilik mga letrang hiniramKasaysayan ang dahilan, sapat nga bang batayan?

Nakasanayan na nating bigkasin ang ngalang PilipinasBakit kailangan pang baguhin ang bigkasFifilifitin ba natin ang bawat igkasNg dilang di magkandatuto sa salitang Filipinas?

Pinanghahawakan moy datos lamang ng kasaysayanNoong panahon ng kastila at himagsikanLope K. Santos di bat bahagi rin namanNa siyang unang nag-ayos ng abakadang tinuran

Ang baybay F sa Pilipinas mong ipinangalanWala sa Abakada nong panahon mong pinangangalandakanKayat minarapat ni Santos na itoy palitanPagkat nagugunita lamang sa kastilay kaapihan.

Lakandiwa :Mukhang nagkakainitan na ang dalawa nating matikasMga ideya nilay tila ginawang panghimagasPaalala lang sa inyo mga ginoong magigilasItoy isa lamang tagisan sa dulas

Muli nating pakinggan kanilang sinususuganBawat isay handang katwiray ipaglabanKaibigang sang-ayon iyo nang simulanBaka mo pa malimutan punto mo sa katagalan

Sang-ayon :Di bat nagiging kumplikado at katawa-tawaPatuloy na paggamit ng P sa Pilipinas bagaGayong ang sinasabi ng konstitusyong 1973Filipinong F ang makapangyayari

Bakit sa gayon Filipino ang wika ngunit Pilipinas ang bansa?Kung Pilipino ang mamamayan wika at kulturaAbay saan galing ang tawag na Filipina?Di bat mas praktikal na Filipinas ang itawag moAt sa mamamayat wikay salitang Filipino?

Lakandiwa :Matatalas at matitindi ang binitiwan nitong sang-ayonMasasangga pa ba nitong salungat sa opinyonMga ipinukol na tuntunit batasPaano babalikwas sa katwirang matatas ?

Hayo nat katwiran niyay salungatinKung di na kayay maari namang sabihinSumusuko ka nat huwag nang pakalimiinPanig moy panindigan laban kung laban.

Di Sang-ayon :Kung babaguhin man ating bansang pangalanBakit kailangang unang letra lang ang palitanDahil pagpapalit ng letray desisyong paurongIbabalik lang tayo sa nakalipas na panahon.

Ang sinasabi mong batas kanino ba nagmula?Di bat sa mamamayan din na siyang lumagdaKayat anumang bagay kung ayaw nilay walang bisaAnong ipinagmamalaki mot pinagsasasalita?

Kung nais pa ng prowebay bakit di ka manood at magbasaNang ma-update ka sa sinasabi nilaSurvey ng tv program na Umagang KaygandaAng may gustoy labing-isa, 89 porsyento ay kontra.

Kahit pa sa social media ikaw ay bumisitaAng yahoo.com nagsurvey sa prefer nilaPhilippines, Pilipinas o Filipinas bagaBaka di mo kayanin resultang nakaloloka

9 na porsyento sa Filipinas ang gusto Beinte porsyento sa Pilipinas na ipinipilit ko 71 porsyento sa Philippines ang paboritoO, ano pang hirit ang sasabihin mo?

Lakandiwa :Abay nakagugulat din pala itong di sang-ayonAkala ko pa namay wala nang maitutugonYon palay may tinatagong survey ng institusyonNa lalong nagpaapoy sa ating emosyon.

Pangatlong tindig, may aabangan pa ba?Kung may sasabihin kayoy maghanda naIbunyag ang lahat, sa nariritong balanaHuwag nang mahiya, sang-ayon umuna ka

Sang-ayon:Hindi naman basta-basta magbababa ng mandatoAng KWF kung hindi siya seryosoSa saligang batas ngay hinayaan ninyoPambansang wikay tuluyang mabago

Bakit alfabetoy di natin gamitinUpang makasabay sa kaunlaran man dinPaano na ang mga terminong pang-agham at siyensiyaKung mananatiling gamit ay abakada?

Sa buong daigdig computer na ang gamitAnong ita-type na letra kapag tumitipa?Abakada sa computer pinaglumaan naSa globalisasyoy wala, pag-iiwanan ka

Di-sang-ayon:Hindi naman kailangang alpabeto sa komersyoBakit ang Hapon at Tsina kay bilis ng asensoDi naman gumagamit ng hiram na alpabeto?Kayat di sukatan ang lenggwahe sa mundo

Wika nga natiy patuloy na nagbabagoNgunit di katwiran pagpapalit ng alpabetoKung di sumasang-ayon mamamayat linggwistaDahil yan ay minadali, hindi man lang kinonsulta

Di bat gastos lang at kalituhanAng idudulot sa ating mamamayanLagi na lang ibinababa itong ating wikaNa animoy segunda manong gamit ng madla

Sang-ayon:Ang usaping pinansyal kaya nating palitanNgunit kasaysayan ay di dapat sinasayangWika nga ni Komisyuner Virgilio AlmarioMas mahalaga ang historical kaysa pinansyal

Di-sang-ayon:Bakit ang kulit mo eh may tawag na tayoKahit anong pilit mo di nga namin gusto

Sang-ayon:Kawawa ka naman kung sarado ang isipanPara kang pagong na pinulot sa kangkunganDi-sang-ayon:Sabihin mo na ang gusto mong sabihinMagpipiket pa rin kami, kanino mang komisyunerSang-ayon:Ganyan nga ang ugali ng mababang uriIpinipilit ang mali matupad lang ang mithi

Di-sang-ayon:Sino ang mas mababa kung bansay ipapariwaraNg tulad mong kung mag-isip banyaga sa bansa

Lakandiwa:Awat na mga katoto ulo niyoy palamiginHuwag kalimutat inyong pakaisipinWala tayo rito upang kayoy pag-awayinBugso ng damdamiy inyo munang pakalmahin

Dalawang panig na narinig kapwa may katwiranSa bagay na kanilang pinagtatalunanKung nais nga namang umasenso ang bayanNararapat na bukas ang ating isipan

Ngunit kung ang pagbabago ayaw ng karamihanHuwag maging diktador sa sariling bayanPagkat ang nakikita ng iisay kahangalanTagumpay kung susundin ang mamamayan

Kayat mga kaibigan atin ng tigilanBaka san pa mapuntat kayoy magkainitanPanig niyoy naipahatid ng may kagalinganAkoy taas noong sa inyoy gumagalang

Kayat mga kaibigat buong madlang tananAkin nang winawakasan itong ating balagtasanHiling ko ngayoy magbati at magkamayanIwan ang init ng ulo ditto sa tanghalan

At bago namin lisanin itong tanghalanAng hatol ko sa dalawang nagtagisanHayaang kunin ko sa madlang nakakaalamSabay-sabay nating ibigay tropeo ng palakpakan.

Lahat:Dapat ba o di dapat palitanNg F ang P sa Pilipinas?