14
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano ka matutong magsalita ? O kaya naman nabanggit naba sa iyo ng iyong magulang kung ano ang unang salita ang nasambit mo ng matuto kang magsalita? Developmental linggwistiks ang tawag sa yugto ng pagkatuto ng pagsasalita. Marahil noong bata ka,hinahiligan mo ang manood ng komersyal , cartoon, at pambatang palabas na kung saan ginagaya mo ang sinasabi ng iyong napapanod kahit di mo ito naiintindihan…. Echoic Stage ang tawag dito pagkatuto ng wika, dahil inuulit mo lang ang iyong napakinggan kahit di- lubos ang pag-unawa.

Pagkatuto Ng Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pagkatuto ng wika

Citation preview

Page 1: Pagkatuto Ng Wika

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano ka matutong magsalita ? O kaya naman nabanggit naba sa iyo ng iyong magulang kung ano ang unang salita ang nasambit mo ng matuto kang magsalita?

Developmental linggwistiks ang tawag sa yugto ng pagkatuto ng pagsasalita.

Marahil noong bata ka,hinahiligan mo ang manood ng komersyal , cartoon, at pambatang palabas na kung saan ginagaya mo ang sinasabi ng iyong napapanod kahit di mo ito naiintindihan….

Echoic Stage ang tawag dito pagkatuto ng wika, dahil inuulit mo lang ang iyong napakinggan kahit di-lubos ang pag-unawa.

Page 2: Pagkatuto Ng Wika
Page 3: Pagkatuto Ng Wika

PAGSULYAP SA MGA BATAYANG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO

NG UNANG WIKA

Page 4: Pagkatuto Ng Wika

ANG TEORYANG BEHAVIORISM : (Pakinggan at ulitin)

Naniniwala ang mga tradisyunal na behaviorist na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya

(imitation) paulit –ulit na pagsasanay hanggang mamaster ang tamang anyo nito at positibong pidbak.

Binigyang diin dito ang pakikinig at pagsasalita

Page 5: Pagkatuto Ng Wika

Linawin natin ang paggamit sa katawagang panggagaya (imitation) at pagsasanay ( practice).

Panggagaya- tumutukoy sa salita sa salitang pag-uulit ng lahat o di kaya’y piling bahagi ng pahayag ng isang indibidwal.

Hal.Mother: Would you like some bread and butter? ( Gusto mo ba ng tinapay na may peanut butter.Katie: Some bread and peanut butter. ( Tinapay na may peanut butter)

Page 6: Pagkatuto Ng Wika

Pagsasanay- tumutukoy sa paulit-ulit na manipulasyon ng isang anyo.

Hal.

[Michael] I can handle it. Hannah can handle it. We can handle it.

( “ Kaya ko itong hawakan. Kaya itong hawakan ni Hannah. Kaya natin itong hawakan.” )

Maari rin namang “ Kaya ko ito. Kaya ito ni Hanna. Kaya natin ito.)

Page 7: Pagkatuto Ng Wika

CASE STUDY Tunghayan ang kakayahang pangwika ni Peter. Ang transkripsyon ay ginawa sa pamamagitan ng pag-rekord ng natural nitong pakikipag-usap sa nakatatanda (adult) habang naglalaro. Subuking tignan kung papaano gumana sa katauhan ni Peter ang panggaya ( imitation) at pagsasanay o

( practice).

Page 8: Pagkatuto Ng Wika

I. Si Peter noong siya’y 24 na buwan ( o dalawang taong

gulang) Kondisyon/ Sitwasyon sa Pakikipagusap: Habang

naglalaro ( Naglalaro si Peter ng kanyang laruang truck ang

dalawang nakakakatanda, Patsy at Lois – ay nakamasid sa kanya. )

Peter: Get more. Lois: You’re gonna put more wheels in the dump truck? Peter: Dump truck. Wheel. Dump truck. ( Makalipas ang ilang sandali….) Patsy : What happened to it ( the truck) Peter: ( Hinahanap ito sa ilalim ng silya ) Lose it. Dump truck ! Dump truck ! Fall Fall! Lois: Yes, the dump truck fell down. Peter: Dump truck fell down . Dump truck.

Page 9: Pagkatuto Ng Wika

II. Si Peter noong siya’y 25 na buwan ( o dalawang taong gulang at isang buwan)

Kondisyon/ sitwasyon sa Pakikipag-usap . Habang nagdrowing.

Peter : ( Isinasaad na nais din niyang mag-drowing si Patsy) Lois , Lois too. Patsy… Lois too! Patsy: You want me to make a car ? Ok ! ( Nagdo-drowing si Patsy ng maliit na kotse tulad ng kay

Lois) Patsy: Oh, you want Lois to have some paper? Peter: Lois have some paper?

( Makalipas ang ilang sandali ….) Patsy: Let’s see if I can draw what you draw. Draw

something! Peter : Draw something!

Page 10: Pagkatuto Ng Wika

ANOTASYON:

Mula sa natunghayang usapan,madaling makita kay Peter ang malimit ng panggagaya. Marapat lamang na bigyang –diin na hindi lahat ng bata ay nanggagaya nang tulad ni Peter. Kapansin-pansin ng mga 30-40 bahagdan ng pananalita ni Peter ay halaw sa panggagaya sa kanyang kausap.

Mahalaga rin na tandaan na hindi random ang panggagaya ng mga bata. Hindi lahat ng kanilang marinig ay kanilang ginagaya. Sa mas detalyadong pagsusuri makikita na tanging mga bagong salita at mga bagong salita lamang ang ginagaya ni Peter hanggang ito’maging bahagi ng kanyang sistemang pangwika.

Pakatandaan lamang na ang panggagaya ng ginagawa ng bata sa yugto o paniniwalang ito ay hindi tulad nang isang parrot na ang pamilyar na salita at kayariang kanyang nagagaya ay paulit –ulit nitong sinasabi.

Page 11: Pagkatuto Ng Wika

TEORYANG INATIVIST/ NATIVISM: Nasa isip lahat iyan

Ang teoryang ito ay binatay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “ likas na talino sa ” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky na ang kakayahan sa wika ay kasama sa pagkaanak at likas itong malilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.

Pinanghahawakan ni Chomsky ang lahat ng bata ay biologically program sa pagkatuto ng wika .

Hal:

a. Pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglakad lalo na kung nabibigyan ng tamag nutrisyon bukod pa sa maluwag siyang makakakilos at nakagagalaw.

b. Hindi siya dapat turuan sa paglalakad . Lahat ng bata ay nag-uumpisang makalakad sa halos na magkakatulad na edad at ang gawaing ito ay nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki at pag-edad.

Page 12: Pagkatuto Ng Wika

TEORYANG COGNITIVE : Mag-isip at lumikka

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika:

a. ay palaging nangangailangang mag-isip b. gawing may kabuluhan ang bagong tanggap na

impormasyon, c. alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang mga

ito upang makabuo ng orihinal na pangungusapd. Nakapag-iisip,

nakapagdesisyon ,nakapagtanong,nakapagpapaliwanag tungkol sa bagay na kanyang narinig.

Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya nama’y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga kamailian sa paggamit ng wika.

Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon . Ang pagkakamali at tinatanaw ng mga kognitibists bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.

Page 13: Pagkatuto Ng Wika

Ang paniniwalang ito ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang tao.

Dagdag pa rito mas mabilis na natutunan ng tao ang wika kung wala siyang pag-aalinlangan gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin.

Page 14: Pagkatuto Ng Wika

Sa mga paniniwalang nailahad, alin rito ang higit mong pinananiwalaan at pinaghahawakan batay sa sarili mong karanasan? Puspusang ipaliwanag ang iyong sagot at maari ding magbigay ng halimbawa.