14
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 011 Course Module PAGPAPAHAYAG NA PASULAT LAYUNIN: 1. Natutukoy ang kahukugan at kahalagahan ng pagpapahayag 2. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na pasulat 3. Nasususri ang ilan sa mga halimbawa ng paaggpapahayag na pasulat PANIMULA: Ang pagsulat ay isang paraan upang makapgahayag ang sinuman ng kanyang mga nasasaisip at mga saloobin, mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal maraming bagay ang nais nating tukasin at isa ang pagsulat sa paraan upang mailathala an gating mga natuklasan na makatutulong sa pag-unnlad, isa rin ito sa mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Tuklasin sa araling ito ang iba gamit ng pagusulat sa pagpapahayag. PAGPAPAHAYAG NA PASULAT Pagbabahagi ng mga saloobin, o mga pananaw maari itong isagawa nang pasalita o pasulat Pagpapalitan ng ng makahulugang kuro-kuro kaugnay sa isang paksa hangarin nito ang mag-ulat ng mga pangyayari, may tatlong mahahalagang sangkap ang pinakabatayang proseso, ang manunulat, ang teksto at ang mambabasa Paksa at Anyo dalawang bagay na nilalaman ng pagpapahayag na pasulat Paksa- ideya o kaisipan tinatalakay Anyo- mga alintuntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat. Kung ilalarawan ang pasulat na pagpapahayag, may tatlong mahahalagang sangkap ang pinakabatayang proseso. Ang manunulat, ang teksto at ang mambabasa. Ang manunulat ang nagpapadala ng mensahe na encoder kung tawagin. Ang teksto ang nakasatitik na mensahe na pinuprodyus

[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

  • Upload
    others

  • View
    188

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang kahukugan at kahalagahan ng pagpapahayag

2. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na pasulat

3. Nasususri ang ilan sa mga halimbawa ng paaggpapahayag na pasulat

PANIMULA:

Ang pagsulat ay isang paraan upang makapgahayag ang sinuman ng kanyang mga nasasaisip at mga saloobin, mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal maraming bagay ang nais nating tukasin at isa ang pagsulat sa paraan upang mailathala an gating mga natuklasan na makatutulong sa pag-unnlad, isa rin ito sa mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Tuklasin sa araling ito ang iba gamit ng pagusulat sa pagpapahayag.

PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

Pagbabahagi ng mga saloobin, o mga pananaw maari itong isagawa nang

pasalita o pasulat

Pagpapalitan ng ng makahulugang kuro-kuro kaugnay sa isang paksa

hangarin nito ang mag-ulat ng mga pangyayari, may tatlong mahahalagang

sangkap ang pinakabatayang proseso, ang manunulat, ang teksto at ang

mambabasa

Paksa at Anyo dalawang bagay na nilalaman ng pagpapahayag na pasulat

Paksa- ideya o kaisipan tinatalakay Anyo- mga alintuntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat.

Kung ilalarawan ang pasulat na pagpapahayag, may tatlong mahahalagang sangkap ang pinakabatayang proseso. Ang manunulat, ang teksto at ang mambabasa. Ang manunulat ang nagpapadala ng mensahe na encoder kung tawagin. Ang teksto ang nakasatitik na mensahe na pinuprodyus

Page 2: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

ng manunulat at ang mambabasa, ang nagbibigay interpretasyon at ang umuunawa sa teksto tinatawag itong decoder.

POKUS ang tawag sa pinakasentro ng atensyon sa pagsulat ng manunulat, nahahati ito tatlong kategorya, pokus sa paksa, pokus sa manunulat at pokus sa mambabasa

Anyo ng Pagsulat Pokus sa Paksa

Edukado ang uri ng pasulat sa kategoryanng ito, sulating pang-akademya. Sa pagsulat, pinakapipili ang paksa, sinisinop nang buong husay ang pananaliksik at malinaw na ipinakikilala ang nilalaman ayon sa maingat na pagbabalangkas. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay para maging kapani-paniwala sa mga mambabasa.kabilang sa ilalim ng kategoryang ito ay ang paglalarawan, pagsasalaysay.

Anyong Paglalarawan na Pagpapahayag

Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa

isang tao, sa hayop, sa isang bagay, isang pangyayari ng pamamagitan ng

makukulay at maanyong pagpapahayag

Nagpapatalas ng isipan ng mga mambabasa sa pagbuo ng larawang diwang nais

ihatid ng manunulat

Nagagawang nitong maipakita sa mambabasa ang mundo sa pamamagitan ng

paningin at pandama, nagagawang itong ipinta sa isipan ng mambabasa at

gawing konkreto sa kanilang balintataw ang mga imahe at pangyayaring

ipinahihiwatig ng manunulat.

2 Uri ng Paglalarawan

Karaniwang paglalarawan

Nagbibigay lamang ng tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang

bagay ayon sa pisikal na katangian nito.

gumagamit ito ng mga tiyak na salitang panlarawan

nagbibigay ng kaalaman ayon lamang sa nakita o nasaksihan

Halimbawa:

Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan ni Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa kanyang bahay, kaya naman siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag.

Page 3: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

Masining na Paglalarawan

Nakikita, naririnig, naamoy, nahihipo, ang mga pananalitang ginagamit dito,

mahalagang kasangkapan ang panlarawan gaya nng patambis at tayutay.

Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanandin, kaya lamang ay

kinukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling

tagapagsalaysay.

Halimbawa:

Hakbang tungo sa mabisang paglalarawan

1. Pagpili ng Paksa

Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na

ilalarawan.

Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng atensyon.

2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan

Pangkalahatang imahe ng isang tao, hayop bagay, pook o pangyayari na nais

ipaunawa sa mambabasa.

3. Pagpili ng Sariling Pananaw

Pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. sumasabay sa tila gumagapang na mga sasakyan ang tagaktak ng ulan na parang butyl ng yelo sa lamig ang pagbugsubugsong buhos sa malawak ngunit karimarimarim na paligid.

Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito, hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon.

Mula sa “Musmos”

Ni Leah V. Ca,pillanes

Page 4: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

4. Pagkakaroon ng Kaisahan

bawat bagay na babangitin sa paglalarawan ay kaisa sa pagbuo ng larawan ng

pangunahing kaisipan ng teksto.

5. Pagpili ng mga Sangkap

mahalaga sa isang teksto ang sangkap maliit man ito o malaki, ito ang basehan

ng mambabasa upang maiba-iba ang bagay na inilalarawan sa iba pang bagay

6. Pagpili ng Angkop na Pananalita

nararapat na ang manunulat ay may sapat na kasanayan sa paggamit ng salita.

ang mga salita ang siyang mag-papagalaw sa imahinasyon ng mambabasa

upang makabuo ng isang konkretong paglalarawan.

Anyong Pagsasalaysay

Magagaling sa ganitong anyo ng pagsulat ang mga kuwentista, ang mga dyornalista, at mga mananaliksik o resertser. Pag-uulat ang pangunahing layunin nang ganitong anyo ng pagpapahayag na pasulat. Hinahango ang mga datos batay sa mga nakalap na impormasyon. Ang isang pagsasalaysay ay isang pahayag kung: tumpak, tiyak at tuna yang pangyayaring naganap, nakita, napanood na sinuportahan ng ptunay.

Nauuri ang pagsasalaysay ayon sa: awtobiograpi o talambuhay, taalarawan, ala-ala, kasaysayan at pampahayagang ulat o balita. (Arrogante, 2007)

Sangkap at katangian ng Mabuting Pagsasalaysay

1. Nakagaganyak na pamagat – ang isang pamagat ay nakagaganyak kung ito’y Maikli- binubuo lamang n dalawa o tatlong salita maaring pangalan ng tao,

bagay, pook, pangyayari o maging isang sambitlang salita. May pananabik – higit na binabasa ang isang salaysay kung ang pamagat ay

kakaiba sa panlasa o dating at nakatatawag ng pansin. Orihinal – isang makatotohanang salaysay ang pagkakalikha upang maiugnay

ng mambabasa sa tunay na buhay. Hindi nagbubunyag ng wakas – ibinibitin ang kapanabikan ng mambabasa

upang maiangat ang imahinasyon nito ayon sa kaniyang malikhaing pag-iisip. 2. Mahalagang paksa – Ang paksa ay maaring hindi napapanahon ngunit nakabatay sa

pamamaraan at estilo ng pagsasalaysay. Ang mga paksa sa karanasan ng tao; ang mga may kaugnayan sa damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatwad, pagbabalik-loob; ang tagumpay at kabiguan; at mg pakikipagsaplaran ay mga paksang hindi pagsasawaang basahin ng mambabasa.

Page 5: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

3. Kawili-wiling simula – Ang simula at di- dapat maligoy, marapat na simulant ito sa kilos o galaw. Ang magandang simula ay naglalahad ng tuwiran at pinakikilos ang tauhan batay sa sariling katangian at hindi ito inilalarawan lamang.

4. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari – Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunod-sunod kung ito’y nagtatagni-tagni, malinaw at kawili-wili batay sa paksa. Kung minsa’y nilalapatan ito ng pagbabalik-gunita sa nakaraan nang sa gayon ay magkaroon agad ng simpatya ang mambabasa na basahin hanggang wakas.

5. Kapana-panabik na wakas – Ang wakas ay kailangang kapana-panabik ngunit hindi maligoy o wala nang marami pang mabulaklak na pahayag o paliwanag sa halip ay nagbibigay ng mga simbolismo at pahiwatig ang nagsasalaysay at ibinabahagi sa mambabasa ang ibang detalye.

Ang Anyo ng Pagsulat pokus sa Manunulat

Nakasentro ang atensyon ng pagsulat sa pokus na ito sa manunulat. Personal ang anyo ng pagsulat. Damdamin at kaisipang pansarili ang pinahahalagahan ditto kaya wala nang pananaliksik pang dapat isagawa. Hindi kailangan magdokumentasyon,hindi rin kailangang maglohika sa istruktura, mga karaniwang opinion lamang itong nagmumula sa mga pang-araw-araw na karanasan sa buhay ng manunulat kaya naman madali itong gawin, natural ang pagpapahayag.

Ang anyong ekspresyon- Nagpapahayag ang tao para mailabas ang mga nasasaloob na konsepto at emosyon sa layuning mapagaan ang loob sakaling pinag-uunmapawan ng saya, o kaya’y nilulukuban ng lungkot, o tinutupok ng poot , atbp. Nabibigyan nito ng pagkakataon ang manunulat na mapaunlad ang sariling katauhan at lubos na mapalalim ang karakter.

Ang anyong repleksyon – Pagsusulat ito sa paraang nakatuon ang tingin sa isang salamin at ditp pinagmamasdang mabuti upang hindi naduduble ang larawan. Hindi tulad ng ekspresyon, obhektibo ang pananaw rito.

Ang Anyo ng Pagsulat pokus sa Mambabasa

Isinasaalang-alang dito ang mambabasa sa pagsulat. Kilalanin at sanayin silang magbigay ng sariling impormasyon, edad, interes, trabaho at iba pa ang paksa at tono ng pananalita. Dalawa ang anyo ng pagsulat na nabibilang sa kategoryang ito: pagpapanuto o direksyon at panghihikayat.

Ang anyong Direksyon – lahat ng gawain ay may proseso. Ano ano ang kailangang materyal? Paano uumpisan, itutuloy at tatapusin? Mga instruksyong panggabay sa paggawa. May dalawang mahahalagang sangkap sa pagsulat ng direksyon o panuto:

Page 6: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

Una, pagbibigay-impormasyon

Pangalawa, pagsasaayos ng mga impormasyon

Ang anyong Panghihikayat – Binibigyan diin sa panghihikayat na maganyak ang mambabasang gawin ang isang bagay. Malimit gawin ito ng mga pulitiko sa panahon ng kanilang pangangampanya. Layunin ito na kunin ang pansin at kalooban at papaniwalain sa kanilang panig ang mga mambabasa.

Paglalahad tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan

Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw sa isang konsepto o

kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng mambabasa.

Ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang

bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layuni o simulain.Pagbibigay ng direksiyon

at pagpapaliwanag ng mga hakbang.

tumutugon ang paglalahad sa mga usaping napapanahon, nagiging ganap ang

pagkatuto ng mambabasa dahil sa pagkakataong inihahatid sa paglalahad

naglalahad ito ng mga kaalaman na makatutulong sa mambabasa na maunawaan

ang nagaganap sa kanilang kapaligiran.

Bahagi ng paglalahad

a) Simula- kailangan may pang-akit, ito ang nagpapasya kung itutuloy ng

mambabasa ang pagbsa sa teksto.

katanungan pangungusap na makatawag pansin pambungad na pasalaysay isang salitain isang sipi tahasan o tuwirang simula

b) Katawan- dito mababasa ang nilalaman ng pahayag

c) Wakas- maaring patanong, pabuod, paglalahad ng isang hula, pagbabaliktanaw

sa suliranin binanggit sa simula, maaring gumamit ng isang kaibihan o siniping

linya sa isang akada na angkop sa paksa.

Page 7: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

Kaanyuan ng Paglalahad

1. Paglalahad sa Anyong Panuto - pag-iisa-isang hakbangin sa paggawa ng isang

bagay

2. Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-katuturan – pagpapaliwanag ng salita o diwa

( Denotasyon at Konotasyon)

3. Paglalahad sa Anyong Interpretsyon – nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa

isang kayunin

4. Paglalahad sa Anyong Pagkilala – paglalahad sa mga kalagayang pantao

5. Paglalahad sa Anyong Editoryal – napapanahong usapin na punong-puno ng

kahulugan at pahiwatig

Pagsasalaysay

Pag-uulat ito ng mga pangayyari sa paraang matapat at makatotohanan,

hinanahgo ang mga datos sa matamang obserbasyon at masikhay na

pananaliksik

Ipinapakita ito sa iba’t ibang punto de vista o pananaw ayon sa nais ibahagi ng

manunulat na epektibo sa damdamin ng mambabasa

Mataas, maayos at malinaw ang pagpapahayag ng mga datos para epektibong

maisiwalat at maipakita ang mahahalagang insidente sa kaayusang organisado

at napapanahon.

Nagpapahayag ng mga magkakakaugnay na pangyayaring may tiyak na

pinagmula tungo sa isanng tiyak at makabuluhang wakas.

Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng

pagpapahayag.

Sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula

ang alamat, epiko at mga kwentong bayan.

Page 8: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

Halimbawa:

“Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na lampshade na bahagyang tumatanglaw sa kuwarto.

Inakala ni Carmen na tulog na si Orpha kaya hindi na siya nagtawag pang ipagbukas siya ng pinto.

Duplikado naman ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita.

Gaya ng nakaugalian na ng dalawa. may uwi silang pumpon ng mga rosas at mga kuwintas na sampagita.

Pagkalapag na pagkalapag ng mga karga-karga sa sofa, na sinabayan ni Carmen ng bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni Rosita ang altar kinuha ang Kristal na flower vase na nilaglagan na nga mga talulot ng dating nalalanta nang mga rosa, pinalitan ito ng tubig, at inilagay ang dalang rosas.

Mga Huwad na Birhen

Ni Joey A. Arogante

May napansin ka ba sa halimbawang teksto? ,aari mong isulat sa hiwalay na papel ang mga ito.

Kasangkapan ng Pagsasalaysay

a) Tema- dapat ito ay makabuluhan sa nakikinig, bumabasa o nanonood.

b) Tauhan – ang nag-iisip, kumikilos at nagbibigay buhay sa mga pangyayari

c) Aksyon o Pangyayari – ito ang nagdaragdag ng ganda at atraksyon sa isang

teksto, kadalasan din ito ang sentro ng mahahalagang sangkap upang mabuo

ang anyong kaalaman

d) Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

e) Himig – ito ay kung paano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang

material para lumabas nang naayon sa kagustuhang mangyari ng

tagapagsalaysay

Pangangatwiran

Isang anyo ng pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay

upang ang isang panukala ay maging katangap-tanggap o kapani-paniwala.

Page 9: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

Layunin nitong bigyang-paliwanag ang paksa,at maipakilalang mabuti ang

paartikular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mga pruweba at

patunay.

Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa

pamamagitan ng katwiran o rason.

ito ay sining sa paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita na

nakatutulong upang mahikayat na pakinggan,tanggapin at paniwalaan ang

pangangatwiran.

Prinsipyo ng ornaginsasyong pangkabatiran sa pamamaraang may pinag-

aralan ang idinudulog nito sa mambabasa, may dalwang batayang istruktura

na sinusunod: 1) isang pahayag na mapagtatalunan, at 2) ang katibayang

pansuporta sa binigyang-linaw na prosisyon sa pamamagitan ng pagrarason

base sa mga patunay sa lohikang sanhi at bunga.

Halimbawa:

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi

Page 10: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.

Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.

Dalawang bagay na dapat isaalang-alang para maging matagumpay ang Argumentasyon

Matibay na paniniwala- Ang kaisipang ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng isang tao na malinaw na pag-iisip na maipamalas niya sa pagbuo na mahusay na argumento upang magawa niyang umapila sa isipan ng tao.

Mahatak na Panghikayat- Ang kaisipang ito ay nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang pinaninindigang argumento na kanya namang maipapamalas sa kanyang argumento upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa.

Uri ng Maling Pangangatwiran (Bernales, et al. 2006)

Argumentum Ad Hominem

Isang nakakahiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katalo at

hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan

Halimbawa:

Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!

Page 11: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

Argumentum Ad Baculum

Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maiplano ang

argumento.

Halimbawa:

Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at ang makita mo ang hinahanap mo!

Argumentum Ad Misericordiam

Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito

sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.

Halimbawa:

Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos bilang pantawid-gutom?

Non Sequitur

Sa ingles ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa

kabila ng mga walang kaugnayang batayan.

Halimbawa:

Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. magulong paligid ang kanyang nilakhan. ano pa ang aasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!

Ignoratio Elenchi

Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ay kilala

sa ingles na Circular reasoning o paliguy-ligoy.

Halimbawa:

Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.

Page 12: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

Dilemma

Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang

at wala nang iba pang alternatibo

Halimbawa:

Upang hindi ka mapahiya sa paligsahan sa talumpatian ganito na lamang gawin mo: huwag ka nang pumunta at sa bihin mo sa iyong guro na masama ang iyong pakiramdam

Maling Paglalahat

Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong

sumasaklaw sa pangkalahatan.

Halimbawa:

Isang mag-aaral ng ADM ang nanakit ng kapawa nya mag-aaral, habang ang isa naman ay nangikil ng piso sa mas batang mag-aaral, ay naku kahit kailan talaga mga pasaway ang mag-aaral ng ADM.

Maling Paghahambing

Karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri dahil mayroon ngang

hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.

Halimbawa:

(sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? kung kayo nga ay gising pa!

Pagpapahayag

Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin, maaaring ito ay nasa anyong pasalita o pasulat.

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa pahayag ng iba.

Nakapagbabahagi rin ito ng kaalaman sa iba.

Ngunit, hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating makabuluhan, sapagkat mayroong mga pahayag na hindi pinag-iisipan kung kaya’t naghahatid ito ng negatibong impresyon para sa nagsalita.

Page 13: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK] [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

011

Course Module

May iba’t ibang uri ang pagsulat gaya ng:

Akademik na Pagsulat Ito ay may kinalaman sa akademikong sulatin na sinusuportahan ng pagsusuri upang maipakita ang kinalabasan sa paghahanap ng mga datos sa lipunan o kumonidad batay sa suliraning inihahanap ng kasagutan. Ang awtor ay sumusulat ng isang particular na paksa alinsunod sa iba’t ibang element ng kominikasyon.

Teknikal na Pagsulat Ang layunin ay makapagbigay kaalaman sa mga taong kaugnay ng makabagong henerasyon sa paggamit ng napapanahong teknolohiya. Ito’y isang pagsulat na madalas gamitin ng mga prpesyonal at negosyante.

Jornalistik na Pagsulat Layunin nitong makakuha ng isang batayan na mambabasa sa pahayagang naglalathala ng mga katotohanan sa mga pangyayari sa simpleng kaparaanan ngunit kapaki-pakinabang.

Referensyal na Pagsulat Sa uri ng pagsulat na ito, maituturing na mabusisi sapagkat humihingi ng aktuwal na katotohanan, pag-aanalisa at argumento ang halimbawa nito ay mg research, case study, book review at iba pa.

Informativ na Pagsulat Sa uring ito ng sulatin, nililinaw at binibigyang paliwanag kung paanong nabuo, gawin at gamitin ang isang bagay. Kailangan ito ay espesipik at direkta ang mga terminong ginamit. Layunin nito ang magbigay kabatiran at magturo sa mambabasa.

Page 14: [PAGPAPAHAYAG NA PASULAT 12 Pagpapahayag na... · Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan. Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng

References and Supplementary Materials

Books and Journals

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et,.al(2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbasa at Pagsulat, Cacho Hermanos Inc.

Online Supplementary Reading Material

https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag

http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html

https://beverleymendoza.wordpress.com/2013/08/16/mga-aralin-sa-masining-na-pagpapahayag/

Online Instructional Material

https://www.youtube.com/watch?v=BDeMCd6qMFg

https://www.youtube.com/watch?v=u4PtBi5AY6A&t=46s