6
Pagsisimula sa nbn network Ano ang nbn network ng Australya? 1 Ano ang mangyayari? 2 Paano mag-switch sa nbn network 3 Ano pa ang apektado? 4 Ang kailangan mong gawin pagkatapos 5

Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Pagsisimula sa nbn™ network

Ano ang nbn™ network ng Australya? 1

Ano ang mangyayari? 2

Paano mag-switch sa nbn™ network 3

Ano pa ang apektado? 4

Ang kailangan mong gawin pagkatapos 5

Page 2: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Ano ang nbn™ network ng Australya?Ang nbn™ network ang kapana-panabik na bagong teleponong landline at internet network sa Australya. Kasalukuyang lumalawak ang nararating nito sa buong Australya, at nakadisenyo ito upang bigyan ang lahat ng access sa mabilis at maaasahang internet, saan ka man nakatira.*

Humandang maranasan ang kaibhan

Ano ang mangyayari?

Matuto sa pamamagitan ng mga pamamaraang pang-edukasyon sa isang mabilis, at maaasahang network

Kumunekta sa iyong mga minamahal sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga video call na hindi laging napuputol

Makipaglaro ng mga game sa mga malalayong kaibigan nang may mabilis na koneksyon

Panoorin ang nilalaman (content) mula sa ibang bansa nang walang madalas na pagkabalam (buffering)

*Ang iyong karanasan, kasama ang mga bilis (speed) na talagang naabot sa nbn™ network, ay nakasalalay sa teknolohiyang gamit sa paghahatid ng mga serbisyo sa iyong lugar at ilang mga salik na wala na sa aming kontrol (gaya ng kalidad ng iyong kagamitan, kalidad ng signal, software, mga plano sa broadband at kung paano dinisensyo ng iyong service provider ang network nito).

1

Page 3: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Ano ang mangyayari?Ang nbn™ network ang hahalili sa karamihan ng kasalukuyang landline na telepono at internet network.*

Internet Kailangan mong i-switch ang iyong apektadong landline na internet sa nbn™ network upang manatiling gumagana ang iyong mga serbisyo.

TeleponoKailangan mong i-switch ang iyong apektadong landline na telepono sa nbn™ network upang manatili itong gumagana.

Paano mag-switch sa nbn™ network *Ang mga serbisyong ipinauubaya sa nbn™ network ay hahalili sa mga serbisyo ng telepono at internet na ipinauubaya sa karamihan ng mga umiiral na mga landline network, kabilang ang tanso at karamihan ng mga HFC network na nakapaloob sa bakas ng nakapirming linya (fixed line footprint). Ang mga serbisyong ipinauubaya gamit ang umiiral na mga fibre network (kabilang ang mga network sa loob ng gusali, mga netwrok sa kalusugan at edukasyon) at ilang serbisyong natatangi at pang-negosyo ay maaaring hindi maapektuhan. Upang alamin kung ang iyong mga serbisyo ay maaapektuhan, mangyaring kontakin ang iyong kasalukuyang provider ng telepono o internet. Ang petsa ng switch off ay maaaring magbago. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang nbn.com.au/switchoff o tawagan ang 1800 687 626.

2

Page 4: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Paano mag-switch sa nbn™ network

Ano pa ang apektado?

Kapag ang nbn™ network ay makukuha na sa inyong lugar, kailangan mong kontakin ang isang provider ng telepono o internet. Sila na ang bahalang gumawa para sa iyo, kasama dito ang:

• Tulungan kang makapili ng plano na akma sa mga pangangailangan mo

• Aregluhin ang pagkabit ng sinusuplay na kagamitang nbn™ sa iyong tahanan

• Sabihan ka kung may iba pang babayaran para sa mga serbisyong hindi kasama sa iyong libreng istandard na instalasyon, gaya ng karagdagang mga kable

• Bigyan ka ng suporta kapag konektado ka na sa nbn™ network

3

Page 5: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Ang kailangan mong gawin pagkatapos

Ano pa ang apektado?

• Gagana ba ang aking kagamitan sa nbn™ network?• Ano-ano ang mga alternatibo sa paggamit ng

koneksyon sa landline (landline connection)?• Gagana ba ang aking kagamitan kapag nawalan ng

kuryente kung nakakunekta sa nbn™ network?

Kapag nawalan ng kuryente Malamang na hindi gumana ang mga aparatong nakakonekta sa nbn™ network kapag nawalan ng koryente. Dapat mong pag-isipang magkaroon ng alternatibong uri ng komunikasyon – gaya ng kargadong mobile na telepono. Kung mayroon kang aparatong napakahalaga sa kaligtasan, gaya ng pang-medikal na alarma, alarma sa sunog o teleponong pang-emerhensiya sa elebeytor, dapat mong kausapin ang iyong provider ng aparato tungkol sa iba pang mga solusyon na gagana kung mawalan ng kuryente.

Fax machine o aparatong TTY

EFTPOS at ATMs

Pang-medikal na alarma, autodialler o buton sa pagtawag ng emerhensiya (emergency call button)

Naka-monitor na alarma sa sunog o seguridad

Teleponong pang-emerhensiya sa elebeytor

?

Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na aparato, kailangan mong kontakin ang iyong provider ng kagamitan at alamin kung ang iyong serbisyo ay gagana sa nbn™ network.

Mga tanong para sa iyong provider

4

Page 6: Pagsisimula sa nbn network · Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network

Kontakin ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete sa 131 450 upang malaman kung maaari mong i-switch ang iyong address sa nbn™ network.

Kontakin ang provider ng telepono o internet at magtanong tungkol sa pag-switch ng iyong telepono at/o internet sa nbn™ network.

Kung handa ka nang mag-switch

Ang kailangan mong gawin pagkatapos

© 2016 nbn co ltd. ‘nbn’, ‘bring it on’, ‘Sky Muster’ at ang aparatong Aurora ay mga tatak-pangkalakal ng nbn co ltd | ABN 86 136 533 741. 1630113(07/16)

5