29
Pagtatasa (Assessment) Sa Mga Gawain Sa Asignaturang Filipino Pamela C. Constantino, Ph.D. Unibersidad ng Pilipinas (Presentasyon para sa Pambansang Kumperensiya at Seminar sa Wika at Panitikan na may temang “Suri, Saliksik, Sanay 2: Pedagohiya, Teknolohiya, at Dalumat ng/sa Filipino sa Siglo 21 na itinaguyod ng PSSLF, ginanap sa Citystate Tower Hotel, Maynila, noong Oktubre 25 – 28, 2017

Pagtatasa (Assessment) Sa Mga Gawain Sa Asignaturang · PDF fileHalimbawa ng mga tanong: 1. ... piguratibong salita/pahayag/idyoma Halimbawa: makati ang dila, makati ang paa 10.Balita

  • Upload
    ngodang

  • View
    1.991

  • Download
    102

Embed Size (px)

Citation preview

Pagtatasa(Assessment) Sa MgaGawain Sa Asignaturang FilipinoPamela C. Constantino, Ph.D.Unibersidad ng Pilipinas

(Presentasyon para sa Pambansang Kumperensiya at Seminar saWika at Panitikan na may temang “Suri, Saliksik, Sanay 2: Pedagohiya, Teknolohiya, at Dalumat ng/sa Filipino sa Siglo 21 naitinaguyod ng PSSLF, ginanap sa Citystate Tower Hotel, Maynila, noong Oktubre 25 – 28, 2017

Asignaturang FilipinoA. Ano ang mga pangunahing nilalaman ng Asignaturang Filipino mula

elementarya hanggang kolehiyo?

❖ Gramatika

❖ Panitikan

❖ Komunikasyon

❖ Pananaliksik

B. Ano ang mga pangunahing kasanayang pinapaunlad dito?

❖ Pagbasa

❖ Pagsulat

❖ Pagsasalita

❖ Pakikinig

❖ Pananaliksik

❖ Kritikal at Analitikal na pag-iisip

Pagtatasa Sa Mga Gawain Sa KlasrumSa Asignaturang Filipino

I. Ano ang Pagtatasa (Assessment)?

1. Isa itong proseso ng pagkalap at pagsusuri ng impormasyon mula sa iba’t ibangbatis/paraan/estratehiya upang magkaroon ng malalim na pag-unawa ang guro sa nalalaman, naiintindihan, at magagawa ng mag-aaral sanatutuhan sa kanilang leksyon, paggawa ng gawain, proyekto, atbp. sa kanilang asignatura. (Hubra at Freed 2000)

2. Proseso ito na naglilinaw, namimili, nagdidisenyo, nagkakalap, nag-aanalisa, at nagbibigay-interpretasyon sa impormasyon para matiyak ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral at masuri rinng guro ang kaangkupan ng nilalaman at paraanng pagtuturo sa asignatura. (Erwin 1991)

3. Nagtatapos ang prosesong ito kapag ang resultaay ginamit para mabago ang mga maling akala ng mag-aaral ukol sa paksa ng pag-aaral, mapalalimat mapalawak pa ang kanilang kaalaman, at maisaayos at maiangkop ng guro ang kanyangpagtuturo ayon sa kakayahan ng mag-aaral.

II. Ano ang mga Layunin/Gamit ng Pagtatasa? (Univ. of Texas at Austin, 2009)A. Para sa Mag-aaral

1. Matulungan siya na maisaayos ang tunguhin o direksiyon ng kanyang pag-aaral at maunawaan ang sarili bilang mag-aaral

2. Mabigyan ng motibasyon at magkaroon ng kumpiyansa dahilbahagi siya ng proseso. Nakikita nila kung gaano sila umuunlad sahalip na kung gaano kahina kumpara sa mga kamag-aral

3. Mabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa mga gawain saklase

4. Mabigyang-kapangyarihan na maging mas aktibo at responsible para sa pag-aaral

5. Mapalawak at mapalalim ang pag-unawa at kakayahang mag-isip nang kritikal kaugnay ng mga pinag-aaralang konsepto

6. Mabawasan ang pakiramdam na nag-iisa at walang kontrol laluna sa malalaking klase

7. Madebelop ang atityud na nagpapahalaga sa pag-unawa at pangmatagalang pagkatuto

II. Ano ang mga Layunin/Gamit ng Pagtatasa? (Univ. of Texas at Austin, 2009)

B. Para sa Guro

1. Makabuo ng road map para sa mag-aaral na magpaplanotungo sa epektibong paraan at nilalaman ng pagtuturo

2. Makapagbigay ng angkop at karapat-dapat na grado saasignatura

3. Madalas na makapagbigay ng feedback sa mga gawainng mag-aaral

4. Magkaroon ng partnership sa pagkatuto sa pagitan ng guroat mag-aaral

III. Ano ang Dapat Tasahin sa Mag-aaral?

❖Kaalaman

❖Kakayahan / Kasanayan

❖Atityud at Pagpapahalaga

❖Asal, Kilos

IV. Ano ang mga Anyo/Uri ng Pagtatasa sa Klasrum?

A. Pormatibo o Dayagnostikong Pagtatasa (Pagtatasa ParaLalong Matuto)

Pagmonitor kung gaano na ang pagkatuto sa araw-araw napag-aaral.

Pagmonitor din upang matiyak ng guro kung ano ang natutuhan, ano ang dapat pang matutuhan, ano ang maaaring ipalit/baguhin na kaalaman/leksyon kung kinakailangan.

B. Sumatibo (Mapagbuod) na Pagtatasa (Pagtatasa ngNatutuhan)

Binibigyang-pagkakataon ang guro, mag-aaral, at mgamagulang na malaman kung gaano natapos ang mgagawain sa klasrum

Pagkakaiba ng Pormatibo sa Sumatibong PagtatasaPormatibo

(Pagtatasa Para sa Pagkatuto)Sumatibo

(Pagtatasa ng Pagkatuto)

Pagtiyak kung ano ang susunod na gagawin, pagkatapos ay magmungkahi kung ano ang gagawin

Pagtiyak kung ano na ang natutuhan

Dinisenyo para tulungan ng guro ang mag-aaralpara mapaunlad ang pagkatuto

Dinisenyo para sa kaalaman ng adminstrador, magulang, eskuwelahan maliban pa sa guro at mag-aaral

Patuloy na ginagamit para magbigay ng deskriptibong feedback

Inilalahad bilang periodic report

Karaniwang gumagamit ng detalyado, ispesipiko, at deskriptibong feedback sa pormal at di-pormal nareport

Kadalasang may iskor o marka

Di ginagamit bilang bahagi ng grado Inirereport bilang bahagi ng grado sa isang gawain

Karaniwang nakapokus sa pagpapaunlad kumparasa “dating pinakamahusay” na nagawa ng mag-aaral

Karaniwang ikinukumpara ang pagkatuto ng mag-aaral sa kamag-aral (kaya may kumpetisyon) o kaya’y sa istandard para sa isang lebel ng grado(kaya mas kolaboratibo at nakapokus sa indibidwal)

Sangkot dito ang mag-aaral Di laging sangkot ang mag-aaral

Pagtatasa Bilang Pagkatuto(Assessment As Learning)

Pinauunlad at binibigyang-suporta ang metakognitibongkakayahan ng mag-aaral.

May pagtatasa ng kamag-aral (peer), guro at ng sarili(self), kung kaya natututo silang intindihing mabuti ang impormasyon, matukoy ang kanilang kahinaan, kalakasan, at pangangailangan, iugnay ito sa dating alam o alam na, at magamit ito sa bagong matututuhan.

Napapaunlad nito sa mag-aaral ang kakayahangmatamo ang inaasahang resulta sa kanyang sariling paraan.

Mga Halimbawa ng Pagtatasa1. Mag-isip – Magpartner – Magbahagi (Think-Pair-Share) – 2 mag-aaral

ang sasagot sa tanong ng guro. Mag-uusap at magtatalakayan at magbabahagi ng mga datos, kaalaman, idea, opinyon tungkol sapaksa ng tanong. Ibabahagi sa klase ang pinagkasunduang sagot satanong.

Halimbawa ng tanong sa Filipino:

May pagkakaiba ba ang wika sa diyalekto? Ipaliwanag at magbigay ng kongkretong halimbawa.

2. Isang Minutong Sulatin (One-Minute Paper) – panimulang gawain ito sapagsulat. Isinasagawa ito pagkatapos ng isang lektyur ng guro para mapagbigay ng reaksyon, puna, idea. Isinusulat ito sa index card ng bawat mag-aaral. Nakatutulong ito sa mga mag-aaral na hindigaanong nagbabahagi ng mga idea sa harap ng klase.

3. Matriks Para Madaling Tandaan (Memory Matrix)

Halimbawa: Mga Barayti ng Wikang Filipino

Deskripsiyon Halimbawa

Linggwistikong Barayti Filipino na ginagamit bilang

pangalawang wika ng mga ispiker

na gumagamit ng unang wika.

Ilokano Filipino

Pangasinan Filipino

Maranao Filipino

Okupasyunal na

Barayti

Filipino na ginagamit sa praktis sa

propesyon

Filipino sa media

Filipino sa larangan ng Batas

Akademikong Barayti Filipino na ginagamit sa pagtuturo,

pag-aaral at pananaliksik

Pilosopiya sa Filipino

Sikolohiya sa Filipino

Matematika sa Filipino

Barayting Sosyal Filipino na ginagamit ng mga

kabilang sa iba’t ibang grupong

sosyal

Filipino ng mga beki

Filipino ng mga manlalaro sa

larangan ng isports

4. Pagmamapa ng Konsepto (Concept Mapping) – interpretasyonng isang bagong konsepto sa mga dati/ibang konsepto/idea sapamamagitan ng dayagram

Wikang Filipino

Bilang wikangopisyal

(pampamahalaan)

BilangPambansangWika (pulitikal)

Bilang konsepto(konseptuwal)

Bilang Asignatura(edukasyunal)

Bilang Lingua Franca

(komunikatibo)

5. Paligsahan sa Wika (Quiz Show) – unahan sa pagsagot ang bawat grupo (4-6 grupodepende sa laki ng klase) sa mga inihandang tanong ng guro tungkol sa nakaraangleksiyon, takdang – aralin, o binasang akda.

Halimbawa ng mga tanong:

1. Anong ahensiya ng gobyerno ang itinatag noong dekada 30 na namahala sa

pagbuo, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wikang pambansa?

Sagot: Komisyon sa Wikang Filipino

2. Ano ang huling dalawang opisyal na itinawag sa ahensiyang ito sa mga sumunodna dekada?

Sagot: Linangan ng mga Wika sa Pilipinas

Komisyon sa Wikang Filipino

6. Huling Hirit – kunwa’y programa sa burol ng mga salitang kontrobersiyal, palasak, at di-

kaaya-aya para sa mga batang pinoy.

Halimabawa: Peke, tokhang, droga

7. Paglilista ng mga negatibong salita/pahayag at paano ito gagawing positibo o di nakakasakit

Halimbawa: Ginago siya ng kaibigan. Utak – lamok

8. Sekwensiya ng Mga Pira-pirasong Papel (Strip Sequence)

Listahan ng mga idea sa pira-pirasong papel na ginulo ang ayos ng pagkaka-sunud-

sunod. Bawat pares o grupo ng mga mag-aaral ay aayusin ang mga ito sa tamang

sekwensiya.

Pinauunlad nito ang kritikal na pag-iisip at kolaboratibong pagkilos.

Halimbawa: Paksa: Probisyon Sa Wika ng Iba’t Ibang Konstitusyon Sa Kasaysayan ng

Bansa

Di Ayon Sa Sekwensiya Ayon Sa Sekwensiya

▪ Batay sa mga umiiral na wika sa bansa

▪ Tagalog Bilang Wikang Pambansa

▪ Filipino Bilang Wikang Pambansang

Pauunlarin Pa

▪ Opsyonal na Gamit ng Anumang Wika sa

Bansa

▪ Filipino Bilang Wikang Pambansa at Pauunlarin at Payayamanin pa ng mga

Wika sa Pilipinas at iba pang wika

▪ Opsyonal na gamit ng anumang wika sa

bansa

▪ Batay sa mga umiiral na wika sa bansa

▪ Tagalog Bilang Wikang Pambansa

▪ Filipino Bilang Wikang Pambansang

Pauunlarin Pa

▪ Filipino Bilang Wikang Pambansa at Pauunlarin at Payayamanin pa ng mga

wika sa Pilipinas at iba pang wika

9. Komik Strip – na ang mga tauhan ay gumagamit ng mgapiguratibong salita/pahayag/idyoma

Halimbawa: makati ang dila, makati ang paa

10.Balita sa Pahayagan – na gagamit ng maling bantas, pangungusap, na itatama. Gagawa rin ng iba’ ibang anyong pangungusap

11. Crossword Puzzle – para sa pagpapaunlad ng bokabularyo

12. Istiker sa kotse/dyip/traysikel na may islogan na makakakuhang pansin

13. Hulaan – ang makasaysayang linya ng isang talumpatitungkol sa wika, panitikan, kultura

Pagbasa ng Kuwento1. Paggawa ng mga manyikang gawa sa papel at/o pagpalit-palit ng

mga costume ng mga tauhan sa istorya

2. Pagbuo ng resipe ng maaaring nagawa kunwari ng isangnababagay na tauhan sa istorya

3. Wanted Poster ng isang kontrabidang tauhan sa istorya

Halimbawa: Padre Damaso, Doña Victorina

4. Programa sa Radyo – isang bahagi ng kuwento na kunwa’y sakasalukuyan nangyayari. Maaaring baguhin nang kaunti ang pangalan ng tauhan, lugar, panahon, dayalogo, pero hindi ang banghay

5. Paggawa ng bookmark (may sipi, drowing, atbp.) ng istoryangtinalakay sa klase

6. Pagbuo ng Family Tree ng karakter sa kuwento

Pagsulat1. Paggawa ng isang talaarawan kunwari ng isang kilalang personalidad, artista, atbp.

2. Pagbuo ng mga sipi (“quotation”), kasabihan, hugot, atbp. Na ididisenyo sa isang T-shirt

3. Dear Tita ___________,

Gagawa ng kunwa’y Advise Column sa isang di-kilalang kaibigan

4. Pagbuo ng kalendaryo o time frame ng isang proposal sa pananaliksik sawika/panitikan/kultura

5. Pagbuo ng cheer (para sa cheering squad) tungkol sa isang tao sa kasaysayan ng wika/panitikan/kultura

6. Pagbuo ng infomercial (info na parang komersiyal) tungkol sa wika/panitikan/kultura

7. Pagbuo ng collage

8. Pagbuo ng isang kanta (ng isang singing messenger) tungkol sa paksangtinatalakay/tinalakay

9. Paggawa ng brochure

Halimbawa: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik

10. Salita ng taon/buwan ng eskuwelahan, tapos ay gagawa ng graph batay sa gagawingsarbey

Rubriks• Isang anyo ito na gumagawa ng ebalwasyon ayon sa lalim

(depth), lawak (breadth), pagkamalikhain (creativity), at balangkas – konseptuwal (conseptual framework) ng sanaysay, iskit, dula, presentasyon, proyekto, portfolio, atbp.

– Batayang Pagmamarka na:

❖ Nagbubuod (summative) – nagbibigay ng impormasyon ukol sa nalalaman ng mag-aaral sa leksyon

❖ Pormatibo – kaugnay ng kalakasan at kahinaan ng mag-aaral kaugnay ng leksyon

❖ Ebalwatibo – paraan para makalikha o makabuo ng leksyon na angkop sakalikasan, katangian, pangangailangan ng mag-aaral

❖ Edukasyunal – nagpapaunawa sa mag-aaral kung paano nila matututuhanang leksyon

– Matrix na naglilinaw kung ano ang inaasahan sa sitwasyon ng pagkatuto

Dalawang Uri ng Rubrik• Holistiko – nagbibigay ng pangkalahatang ebalwasyon

Halimbawa: Lawak/Lalim ng Kaalaman sa Report

Komprehensibo (10 pts.) – may datos, atbp. Malawak. Malalim ang pagtalakay. May ilang datos na di-angkop pero di nakaapekto sa kabuuan

Sapat (7 pts.) – Di gaanong komprehensio. May ilangdatos na di-tama pero di nakaapekto sa kabuuan

Limitado (4 pts.) – marami-rami ang datos na di-tama at di-angkop

• Legend – 10 – 8 pts – Mahusay!

7 – 5 pts. – May igagaling pa!

4 – 1 pts. – Konting sikap at tiyaga lang!

• Analitikal – nagbibigay ng ebalwasyon sa ilang detalye (Hal. pananaliksik)

Halimbawa: Proseso ng Ginawang Pananaliksik

Kraytirya 4 pts. 3 pts. 2 pts. 1 pt.

May plano Malawak at

sapat ang plano

Kulang sa ilang

detalye

Maraming

kulang na

detalye

Di kumpleto

Pagkolekta ng

Datos

Iba-iba ang

pinagkunan ng

datos

Iilan ang

pinagkunan ng

datos

Konting-kontik

ang pinagkunan

ng datos

Iisa ang

pinagkunan ng

datos

Paggamit ng

Materyales

Legend: 12 – 10 pts. – Napakagaling!

9 – 7 pts. – Magaling!

6 – 4 pts. – Konting trabaho pa!

3 – 0 pt. – Kailangang tutukan ang gawain!

Disenyo ng Rubrik

1. Ano ang alam at magagawa?

2. Paano malalaman na alam at magagawa?

3. Paano epektibong maipapakita na may alam at may natutuhan?

Komon na Elemento ng Rubrik

1. Dimensiyon ng Kalidad/Kraytirya –kaalaman (knowledge)kasanayan (competencies)

2. Lebel ng Materyal –Napagaling/NapakahusayMagaling/MahusayKailangang paghusayin paDi pa natamo

3. Deskriptor/Komentaryo

4. Balangkas ng kaayusan ng Rubrik

5. Deskripsyon ng kinalabasan

Mga Hakbang1. Isipin ang kraytirya na gagamitin

2. Desisyunan ang bilang ng lebel o iskala ng paggawa/kahusayanHalimbawa:

Iskala 1 – napakahusay, mahusay, di-gaanongmahusay/idebelop pa, kailangan ang sipag at tiyaga2 – buong buo, buo, may kulang pa, maramingkulang3 – napakagaling, magaling, umuunlad, nagsisimulapa lang

3. Maglagay ng komentaryo/deskripsyon ng bawat lebel sa bawatkraytirya

• Iwasan ang mga salitang may halaga/pagpapahalaga at nanghahatolHalimbawa: mabuti

masama

Mga Halimbawa ng Rubrik

Kraytirya Mahina Mahusay-husay Mahusay Iskor

Estruktura(10 puntos)Mahina:0 – 5 puntosMahusay-husay:6 – 8 puntosMagaling:9 – 10 puntos

• Malabo ang introduksiyon

• Hindi ibinigay ang tesisna pangungusap

• Hindi malinaw ang kongklusyon

• Malinaw ang introduksiyon

• Hindi nilinaw ang tesisna pangungusap

• Malinaw ang mgatalata at kongklusyon

• Malinaw ang introduksiyon, katawan, at kongklusyon

• May tesis napangungusap naintroduksiyon

Katuwiran(20 puntos)Mahina:0 – 10 puntosMahusay-husay:11 – 15 puntosMagaling:16-20 puntos

• Hindi malinaw ang posisyon o katangian

• Simple at hindiipinaliwanag ang argumento o katuwiran

• Ipinaliwanag ang katuwiran

• Medyo pinaunlad ang katuwiran

• Malinaw nanaipaliwanag ang katuwiran

• Kompleto, pinag-isipan, masusi

Ebidensiya(10 puntos)Mahina:0 – 5 puntosMahusay-husay:6 – 8 puntosMagaling:9 – 10 puntos

• Hindi tiniyak ang mgaebidensiya

• Kulang ang ebidensiya• Hindi nasuportahan ang

katuwiran o tesis ng iniharap na ebidensiya

• May ilang tiyak naebidensiya pero hindinaipaliwanag nangmabuti

• Hindi nasuportahan ng ebidensiya ng tesis

• Tiyak at naipaliwanagang mga ebidensiya

• Sinusuportahan ng ebidensiya ang tesis

Gamit ng Wika(10 puntos)Mahina:

0 – 5 puntosMahusay-husay:6 – 8 puntosMagaling:9 – 10 puntos

• Hindi inedit• Maraming mali – bantas,

baybay, pangungusap

• May ilang mali • Inedit, walang mali

Iskor: 50 puntos

45 – 50 = Tunay ang kagalingan at kasanayanmo sa pagsulat. Mabuhay ka!

35 – 44 = Kaunti pang pagsasanay ang kailangan

0 – 34 = Kailangang bigyanng sapat na panahon, tiyaga, at pagsisikap

Rubrik ng Pagtatasa

Rubrik ng Sariling Pagtatasa (Lakbay-Sanaysay o Sanaysay)

1Hindi natugunan

2Hindi buong natugunan

3Natugunan

4

Lumampas pa nangkaunti sa inaasahan

5Sobra pang natugunan

Nilalaman o IdeyaLimitado sa datos, walang tema

Hindi malinaw. Maraming dapatsagutin

May ugnayan ang mga ideya. May ilang detalye

May pokusMay mga detalye

MalinawMay pokusNakatutulong ang mga detalye

OrganisasyonMagulo ang pagkasulat

Di malinaw at walangpokusWalang mga transisyon

MaayosMalinaw

May malakas na simula, gitna, wakas

Malakas ang simula, gitna, wakas.Malinaw ang pokus at may mga transisyon

BokabularyoDi-angkop ang

ginamit na mga salita

Di-konsistent sa gamitng salita

Nakakukuha ng atensiyonang mga salitang ginamit

Makabuluhan ang ginamit na mga salita

Mabisa at angkop ang mga salitang ginamit

Pananaw o Punto de-bistaDi-malinaw ang punto de bista.

Para kanino?

Di malinaw kung sinoang pinatutungkulan ng akda

Malinaw ang pinatutungkulang mambabasa

Malinaw ang pakikipag-komunika sa mambabasa

Mahusay ang pagkasulat kung kaya’t nakakaugnay sa mambabasa

PangungusapHindi kompleto ang mga pangungusap.

Di pinag-iiba-iba ang anyo ng pangungusap

May ibang kompletongpangungusap.

Kakaunti ang barayti ng mga anyo ng pangungusap

Gumagamit ng payak, tambalan, at hugnayang pangungusap

Madalas na iba-iba ang anyo ng pangungusap na ginamit

Maraming iba-ibang anyo ng pangungusap na ginamit

Kumbensiyon Maraming maling

baybay at bahagi ng panalita.

Walang pag-uugnay-ugnay ang mga bahagi ng panalita

May mga maling

baybay at bahagi ng panalita

May ilan lang mali.

May ugnayan ang mga bahagi ng panalita

Tama ang baybay at

gamit ng mga bahagi ng panalita

Tama ang baybay,

angkop at malikhain ang pagkasulat

Pamagat Di-makatawag pansin

Maaari pang ayusin Medyo nakatatawagpansin

Nakatatawag pansin Lubos na nakatatawagpansin

Simula

Wakas

40 – 45 –

Napakahusay!

30 – 39 – Mahusay!

20 – 29 – Konting

praktis pa!

9 – 19 – Paghandaan

at seryosihin!

Rubrik ng Sariling Pagtatasa (Pamplet/Handout)Kraytirya Deskripsyon Total na Puntos Sariling Puntos

Nilalaman • Masinop na sinaliksik ang datos

• May kritikal na pagtalakay• Wasto ang lahat ng datos

30

Organisasyon • Maayos ang pagkasulat• Lohikal ang pagkakasunod-

sunod

25

Presentasyon • Maayos at malinaw ang format

• Nakakukuha ng atensiyon• Angkop at maayos ang mga

ilustrasyon

25

Kumbensyon • Wasto ang baybay ng mgasalita

• Angkop ang bokabularyongginamit

20

100 puntos _______ puntos

100 – 90 puntos – Napakahusay! Ipagpatuloy ninyo!

89 – 75 puntos – Mahusay/Paghusayin pa para lalong gumaling!

74 – 50 puntos – Tutukan pa at magsikap para humusay!

Pamantayan Buong Puntos Sariling Pagpupuntos

Nakatukoy ng mga estratehiya sa

pagrerebyu ng gawang

akademiko

40 puntos

(5 puntos bawat estratehiya.

Inaasahang makatukoy man lang

ng 8 na katumbas ng 40 puntos;

bigyan ng dagdag na 2 puntos

ang sarili sa bawat estratehiyang

labis sa 8)

Natukoy rin nang tama kung saan

talaga makikitang ginamit ang

bawat estratehiya

8 puntos

(2 puntos bawat pagtukoy ng

tamang talata)

Naipaliwanag kung mahusay o

hindi ang rebyu

12 puntos

Kabuuan 60 puntos

55 – 60 Mahusay ka nang rebyuwer

50 – 54 Magaling na nang rebyuwer

45 – 49 Puwede ka nang rebyuwer

40 – 44 Magrebyu ka pa ng araling ito

Maraming Salamat Po!