25
Pahina 1 Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO Panimula Likas na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin, isang katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Kahit anong klase ng awitin ay tiyak na tatangkilikin ng mga Pilipino dahil ang pakikinig ng musika ay parte na ng buhay ng isang tunay na Pilipino. Bilang pagpapatunay, isa nga sa mga nakahiligang pakinggan ng mga Pinoy ay ang OPM. Ayon sa www.wikipedia.com, ang OPM o Original Pilipino Music ay mga awiting kabilang sa Pop Music na pinasikat noong 1970’s hanggang 1990’s. Ang mga awiting ito ay sinulat at inawit ng mga batikang mang-aawit sa Pilipinas tulad nina Ryan Cayabyab at Freddie Aguilar na pinasikat naman ng mga artista sa iba’t ibang larangan ng pag-awit tulad nina Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, Basil Valdez, Rey Valera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Lani Misalucha, Lea Salonga, Janno Gibbs, Noel Cabangon at ang APO Hiking Society. Sa panahon ngayon, ang OPM ay kumakatawan na rin sa kahit anong uri ng awitin na nilikha ditto sa Pilipinas o sinulat ng mga Pilipinong indibidwal, hindi alintana kung kalian ito isinulat. Hango sa http://www.music-philippines.com/history-of-philippine-music/, nagsimula ang pagbuo ng OPM sa Pilipinas noong 1970’s nang ang mga komposisyon ng mga Pilipino ay naging makabayan at maka-politika. Ang kamalayan ng mga

Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Panimula

Likas na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin, isang katangian na buhat pa sa ating mga ninuno.

Kahit anong klase ng awitin ay tiyak na tatangkilikin ng mga Pilipino dahil ang pakikinig ng musika ay parte na ng

buhay ng isang tunay na Pilipino. Bilang pagpapatunay, isa nga sa mga nakahiligang pakinggan ng mga Pinoy ay ang

OPM.

Ayon sa www.wikipedia.com, ang OPM o Original Pilipino Music ay mga awiting kabilang sa Pop Music na

pinasikat noong 1970’s hanggang 1990’s. Ang mga awiting ito ay sinulat at inawit ng mga batikang mang-aawit sa

Pilipinas tulad nina Ryan Cayabyab at Freddie Aguilar na pinasikat naman ng mga artista sa iba’t ibang larangan ng

pag-awit tulad nina Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, Basil Valdez,

Rey Valera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Lani Misalucha, Lea Salonga, Janno Gibbs, Noel Cabangon at ang

APO Hiking Society. Sa panahon ngayon, ang OPM ay kumakatawan na rin sa kahit anong uri ng awitin na nilikha

ditto sa Pilipinas o sinulat ng mga Pilipinong indibidwal, hindi alintana kung kalian ito isinulat.

Hango sa http://www.music-philippines.com/history-of-philippine-music/, nagsimula ang pagbuo ng OPM

sa Pilipinas noong 1970’s nang ang mga komposisyon ng mga Pilipino ay naging makabayan at maka-politika. Ang

kamalayan ng mga Pilipino sa isyu politika at pang makabayang paksa ay naghatid sa kanila upang ang musika ay

maging isa matibay na industriya. Sa pagdating ng 1980’s nagsimulang gamitin ang musika upang maghimagsik

laban sa gobyerno lalo na noong EDSA revolution.

Ayon sa www.opm.org.ph, noong Oktubre 27, 1989 itinatag ang isang samahan na naglalayong maisulong

at mabigyan ng proteksyon ang OPM music sa Pilipinas, ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM.

Pinamunuan ito nina Jim Paderes kasama ng mga Board of Directors.

Page 2: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 2

Taong 1990’s nagsimulang lumabas na parang kabute ang mga bandang Pinoy na hanggang sa ngayon ay

kinikilala pa rin ng mga Pilipino. Bagama’t naiiba na ang mga banda ngayon kaysa noon, nananatiling orihinal pa rin

ang mga musikang ginagawa nila. Sa kasalukuyang, marami na ang naglabasang banda at solong mang-aawit sa

ibat’ ibang sulok ng bansa na gumagamit ng iba’t ibang istilo sa pagbuo ng awit. Ilan sa mga gumawa ng pangalan

sa industriyang ito ay sina Kitchie Nadal,Yeng Constantino, Parokya ni Edgar at Kamikazee.

Sa tala ng www.kitchienadal.net, 2004 nang sumikat ang kantang “Wag na wag mong sasabihin” ni Kitchie

Nadal na nagbigay daan upang siya ay pangalanang “Manila’s Rock Princess”.

Ayon sa www.yengconstantino.org, matapos ang tv show na Pinoy Dream Academy ng isang local tv

station sa Pilipinas, nagsimulang gumawa ng pangalan si Yeng Constantino. Taong 2006 nang sumikat ang una

niyang kantang “Hawak Kamay”. Ayon sa Wikipedia.com, sa taon din na iyon sumikat ang kantang “Narda” ng

bandang Kamikaze.

Sa pahayag ni Asiñas sa www.journal.com.ph, noong 2010 itinanghal na pangulo ng Organisasyon ng

Pilipinong Mang-aawint (OPM) si Ogie Alcasid matapos ma-nguna sa bilangan ng mga ibinotong board of directors

ng samahan. Panalo rin bilang internal vice president si Gary Valenciano, external naman si Noel Cabangon habang

si Christian Bautista ang Vice president for special program.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layuning ng pagsusuring ito na mapaghambing ang makabago at makalumang OPM sa tanaw ng mga

mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT Computer Science. Sinasagot din nito ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:

1. Paano nagkakaiba ang makabago at makalumang OPM?

2. Alin sa mga musikang nakatala sa baba ang sumasaklaw sa makabagong musika? Sa makalumang

musika?

a) Hawak Kamay – Yeng Constantino

Page 3: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 3

b) Narda – Kamikazee

c) Picha Pie – Parokya ni Edgar

d) Wag na Wag mong Sasabihin – Kitchie Nadal

e) Kahit Maputi na ang Buhok ko – Noel Cabangon

f) Anak – Freddie Aguilar

g) Kay Ganda ng Ating Musika – Ryan Cayabyab

h) Batang Bata ka pa – Apo Hiking Society

3. Alin sa mga musikang nakatala sa taas ang patok pa ring pakinggan ng mga mag-aaral sa unang taon

ng PUP College of Computer Management and Information Technology Computer Science

Department?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga awiting OPM ay tuwirang tinatangkilik ng mga Pilipino. Karamihan sa atin ay naka-hiligan at

nakagawian nang makinig ng OPM at wari ba’y parte na rin ito ng pang araw-araw nating buhay.

Nais ng mga mananaliksik na tuklasin ang mga bagay na kaakibat ng makabago at makalumang OPM sa

tanaw ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP – CCMIT Computer Science Department. Ang mga impormasyong

nakolekta at katotohanang nabuo sa pag-aaral na ito ay maaring magamit sa mga pag-aaral na gagawin ng ibang

mananaliksik.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa Musikang Pilipino particular na sa Orgiinal Pilipino Music

(OPM). Bagamat ang pag-aaral na ito ay patungkol sa Original Pilipino Music, isinaalang-alang lamang ditto ang

mga musikang napapaloob sa naturang uri ng musika, at sa panahong hindi lalampas sa taong 1960 hanggang sa

kasalukuyan. Sinakupan ng pahambing na pagsusuring ito ang mga mag-aaral lamang sa unang taon ng PUP –

CCMIT Computer Science Department upang hingian ng datos sa paghahambing sa pag-aaral na ito.

Page 4: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 4

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN

Upang tuwirang makatulong sa madaling pag-unawa, ang mga salita at presang ginamit ay binigyang

katuturan ayon sa pag-aaral. Binigyang halaga ang mga sumusunod na katawagan:

PAHAMBING NA PAGSUSURI. Ayon sa Grolier New Webster’s Dictionary (1992:72), ang Pahambing na

Pagsusuri ay ang pagtangkang malaman ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa o higit pang mga bagay.

Dagdag pa ng naturang aklat, ito ay ang proseso ng pagkilatis sa pagkakatulad ng dalawa o higit pang bagay para sa

kapakanan ng pagpapaliwanag.

MAKABAGONG MUSIKA. Ayon kay Botstein (www.wikipedia.com), ang modernisasyon sa musika ay

nakikilala sa ideya ng makabagong panahon pinangingibabawan ng kaunlaran ng siyensya, teknolohiya, industriya

at ng positibismo, mekanisasyon, urbanisasyon, malawakang kultura at ng nasyonalismo.

MAKALUMANG MUSIKA. Sa mga datos na nakatala sa www.webster-online-dicitionary.org, sinasabi ditto

na ang mga makalumang musika ay ang mga musikang ginamitan ng tradisyunal na istilo ng pagsulat o pagkanta.

ORIGINAL PILIPINO MUSIC (OPM). Sa mga talang nakasulat sa www.thefreedictionary.com, tumutukoy

lamang ito sa Filipino Pop Songs na karaniwang nasa anyong ballad. Ito ay nagsimula sa Manila Sound.

MANILA SOUND. Sinasabi sa website na www.wikipedia.com, ang uri ng musikang ito ay nagsimula noong

1960’s sa kasagsagan ng Martial Law. Ito ay makikilala sa pagka-jazz at mala discong pamamaraan ng pagkakabuo

ng mga kanta. Pinasikat din nito ang paggamit ng dalawang lenggwahe sa liriko ng kanta – ang Filipino, at ang

Ingles.

Page 5: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 5

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa mga pananaliksik na ginawa, natagpuang walang gaanong pag-aaral tungkol sa OPM music, bagama’t

may iialng pag-aaral na tungkol sa kung papaano ito nabuo at napayabong bilang isang genre ng musika sa

Pilipinas. Kaya’t sa pagkakataong ito, kauna-unahang iniharap ang isang pag-aaral sa makabago at makalumang

OPM.

Ang mga natuklasang pag-aaral hinggil sa OPM music ng Pilipinas na naging inspirasyon at nakunan ng

ideya tungkol sa linggwistikang pagsusuri ay ang mga sumusunod:

Mga Kaugnay na Literatura

Pinaliwanag ni Laughey sa aklat na Music and Youth Culture (2006), na ang musika ay sinasabing

pinakamataas na uri ng sining at kultura. Pinaniniwalaan din ng marami na ang musika ay gawang ehemplo ng

kaugalian. Ang musika ay madalas ginagawa o binubuo sa kadahilanang ito ay naiimpluwensyahan ng panahon. Sa

kabilang dako, ang musika at kabataan ay madalas naipapalagay na may pagkakaugnay sa isa’t isa. Ang mga musika

ay binibenta sa mga kabataan at ito ang nagiging daan upang maging tagahanga silang ng partikular na musika.

Tinalakay ni Pen sa kanyang aklat na Introduction to Music (1992) na ang musika ay isang uri ng

lenggwahe. Ito ay ginagamit sa komunikasyon. kaya nitong apektohan at pukawin ang emosyon ng tao. sa kabila ng

kapangyarihan ng musika, hindi ito nagsasaad ng mga kongkretong bagay. Ang musika ay isang abstrak na

lenggwahe na ang kahulugan ay nagiiba-iba depende sa relasyon ng kompositor at ang mga tagapakinig.

Sinabi ni Walker sa Music education: cultural values, social change and innovation (2007), ang terminong

“popular” sa larangan ng musika ay nagpapatungkol sa pagtangkilik ng karamihan ng tao sa partikular na musika.

Sa depinisyong ito, masasabing ang Pang Siyam na Simponya ni Beethoven ay “pop music”. Ngunit, sa panahon ng

pop culture ngayon ay iilan lang ang magsasabi nito. Ito ay sa kadahilanang ang “Popular Music” sa kultura ngayon

Page 6: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 6

ay nangangahulugang musikang kumita ng malaki, nakagawa ng madaming kopya ng CD, at kinanta ng isang Pop

Idol.

Ayon kay Woods (2006) sa aklat na The Philippines: A Global Studies Handbook, 1970’s nang maging

maka-Pilipino ang musika sa Pilipinas. Nagsimula ito sa mga katutubong awitin, di kalaunan ay ang liriko ng mga ito

ay umangkop na sa mga Pilipino. Noong 1980’s, nagsimula nang gumawa ng pangalan ng iba’t ibang compositor

tulad nina Ryan Cayabyab at Freddie Aguilar. Ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar na patungkol sa isang anak na

nawala sa tamang landas ang buhay at nakalimutan ang kaniyang mga magulang, ay naging sikat sa buong Asya.

Sa tala ni Rowthorn, Bloom at Day sa aklat na Lonely Planet Philippines (2006), ang pagusbong ng

industriya ng musika sa Pilipinas ay kababalaghang nagbuo sa iba’t ibang kultura ng mga Pilipino. OPM, kung ito ay

tawagin, ay pumapalibot sa malawak na genre ng musika tulad ng rock, folk, at new-aged genre, kasama pa dito

ang pinagsamang tatlo. Naging popular sa Pilipinas ang Folk Music. Ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar na

patungkol sa relasyon ng anak sa magulang, ay nagbigay daan kay Freddie upang sumikat noong panahon ng

People Power Revolution noong 1980’s. Noong bandang huli ng 19th siglo, ang ‘Kundiman’, na may mapait at

matamis na tema tungkol sa pag-ibig, kapalaran at kamatayan ay nanatiling popular sa mga Pilipino.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Tinalakay ni Navarro sa kanyang akdang Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang Panimulang Pag-aaral sa

Musika at Lipunan (2009) na ang musika bilang isa sa mga tagapagbuo ng kultura ay may malalim na impluwensiya

sa kamalayan ng tao. Kahit sa mga naunang panahon sa ating kasaysayan, ang Kastila, Amerikano, at Hapon na

nanakop sa Pilipinas ay may paniniwala sa mabuti at masamang epekto ng musika sa tao. Sa mas makabagong

panahon, maaaring ito ay gamit upang bithayin ang saloobin ng tao sa Music Therapy. Ito ay ekspresyon naman ng

pagbubunyi sa pamamagitan ng mga martsa at makabayang awitin ng mga bansang nakamtan ang kanilang

kalayaan mula sa mga mananakop o maaaring ito’y ekspresyon lamang ng pagnanasa para sa kalayaan. Sa maikling

sabi, ang musika ay nagsisilbing gamit sa sariling ekspresyon, kolektibo man o indibidwal.

Page 7: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 7

Sinabi ni Lzra (2009), ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat na may iba’t ibang kultura at

lenggwahe. Naroon ang Tagalog, Visaya, Ilonggo, Kapampangan at iba pa. Ang pagkakaiba ng bawat isa ay nakilala

sa kanilang musika, tulad ng OPM sa tagalong at Bisrock ng mga Visaya. Ang OPM ay pinasikat ng mga Tagalog na

naninirahan sa Maynila. Naging popular ang musikang ito sa kadahilanang bantog ito sa kabisera ng bansa. Ang

mga mang-aawit at kompositor ng OPM ay tumulong upang magkaroon ng kaunlaran sa industriya ng musika sa

Pilipinas. Dagdag pa ni Lzra, bagama’t OPM na rin ang tawag sa lahat ng Musikang ginawa sa loob ng Pilipinas, ang

ilan sa mga ito na ginawa ng mga cultural groups ay hindi napapaloob sa OPM. Ang “Bisrock” ay isa sa mga popular

na genre ng musika maliban sa OPM. Karamihan sa bumubuo ng genre ng musikang ito sa Pilipinas ay binubuo ng

iba’t ibang genre ng musika at kompositor, pinapakita lang nito ang pagiging flexible ng mga Filipino pagdating sa

musika.

Sa pahayag ni Garcia (2010) sa Manila Bulletin, sinabi ni Ogie Alcasid, ang kasalukuyang presidente ng

Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, “napapahalagahan ng ibang kultura an gating sariling musika, ang OPM.

May panahong nahilig ang mga Pilipino sa samba, sa Brazilian. Ngunit hindi natin dapat itigil ang pagsusulat ng mga

kanta. Ang mga Pilipinong manunulat ay may sapat na katalinuhan sa paglikha upang maipagpatuloy ang pagsulat

ng mga nasasaloob nila… makakatulong din ng malaki ang edukasyon dahil ito ang magpapakilala ng Filipino Music

sa mga kabataan… Maganda ang musika natin”.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Legaspi (2010) sa website na http://www.pinaybroad.com/2010/11/pinoy-

music-comfort-zone-2, ang OPM para sa mga OFW ay ang nagbibigay sa kanila ng kaginhawaan habang malayo sa

kanilang kinagisnang bayan at habang nakikipagsapalaran sa lenggwahe na hindi nila nakasanayan. Sa

pamamagitan ng pakikinig sa mga kanta nila Aiza Suguerra, Paolo Santos, Lito Camo at Sarah Geronimo ay

nararamdaman nila na sila ay nasa Pilipinas lamang. Ayon kay Legaspi, mas pinipili pang pakinggan ng mga OFW

ang lumang OPM dahil ito ang nakalakihan nila at hindi pa rin kumukupas.

Ang pagsasaling likha na ginawa ni Tinio (2002) mula sa kanyang aklat na Culture and Customs of the

Philippines ang kasalukuyang musika ng Pilipinas ay buhay at patuloy na namamayagpag. Ang mga orihinal na

musika ay patuloy na tinatangkilik at nananatili sa interes ng mga mang-aawit at tagapakinig. Ang industriya ng

Page 8: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 8

Philippine Recording ay nag-ulat ng animnapung bahagdan na pumatok na musika ay mula sa mga local na mang-

aawit na taliwas sa isinagawang pag-aaral sampung taon na ang nakalilipas. Isa ang APO sa mga higit na nakagawa

ng kantang OPM, katunayan pang tatlumpung taon na nila sa industriya ng musika at noong 1998; Ang Juan de la

Cruz band ay nagkaisa sa isang presentasyon para sa kanilang mga tagahanga.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa teoretikong pananaw na sa paglipas ng panahon, dumadami at

nagkakaroon ng mga bagong OPM music na naghantong upang maipaghambing ang makbago at makalumang

OPM. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pahambing na pagsusuri ng makabagong OPM (Narda ng Kamikazee,

Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Wag na Wag mong Sasabihin ni Kitchie Nadal at Picha Pie ng bandang Parokya

ni Edgar) at ang makalumang OPM (Anak ni Freddie Aguilar, Kahit Maputi na ang buhok ko ni Noel Cabangon, Kay

Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab, at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society)

Figura 1

MODELONG DALOY NG DISENYO NG PAG-AARAL

Page 9: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 9

Sinikap sa pag-aaral na lumikom ng mahalagang tala at impormasyon tungkol sa makabago at maklumang

OPM. Tinukoy dito ang paghahambing ng dalawa ayon sa kung papaano ginamit ang musika sa buhay ng mga

Pilipino at kalian ito binuo.

Mga Hipotesis

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa mga sumusunod na palagay:

1. Kinahiligan na ng mga Pilipino ang makinig sa musika na naging parte na ng buhay nila.

2. Ang OPM ay parte ng kulturang Pilipino.

3. Ang pagsusuring ito ay nagbibigay daan upang ipakilala ang sariling musika ng Pilipino – ang OPM.

4. Sa paglipas ng panahon, madami ang naglalabasan na magagandang musika, kaakibat nito ay ang

pagkakaroon ng makauring musika sa malawakang pinapakinggan ng mga Pilipino.

5. Ang pag-aaral na ito ay may kapakinabangan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

Page 10: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 10

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAGSASALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at palalarawan sa mga hakbang na

isinakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng makabago at makalumang OPM . Matatagpuan dito ang

disenyo ng pananaliksik at ang linggwistikang pagsusuri ng makabago at makalumang OPM.

Paraan ng Panaliksik

Upang maisagawa ang linggwistikang pagsusuri sa makabago (Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Narda

ng Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal) at makalumang OPM

(Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan

Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society), ginamit sa pag-aaral na ito ang eksperimental na pagsusuri.

Ito ang naghahambing, nagsusuri, nagtatala at nagpapaliwanag ng mga kalagayang umiiral sa ngayon gamit ang

kwantitatibong lapit sa pagsusuri. Sa pagsusuring ito ay makikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng korpus na

maaaring matuklasan. Binigyang kasagutan ng pagsusuring ito ang tanong na sumasaklaw sa pagkakaiba ng

makabago OPM (Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Narda ng Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na

Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal) at makalumang OPM (Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon,

Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society)

sa tanaw ng isang daang mag-aaral sa unang taon ng PUP CCMIT, Departamento ng Computer Science. Gayundin

naman, ipinaliwanag ang tungkol sa taong sinasaklaw ng dalawang kategorya ng OPM.

Instrumento

Sa ginawang panayam ng pag-aaral na ito ay may mga katanungang pinasagutan sa isang daang mag-aaral

sa unang taon ng PUP CCMIT, Departamento ng Computer Science. Ang mga tanong na ito ay sumasagot sa mga

katanungang napapaloob sa pag-aaral na ito. Ang isang daang mag-aaral sa unang taong nga PUP CCMIT,

Page 11: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 11

Departamento ng Computer Science ay pasumalang pinili galing sa limang seksyon ng Departamento. Kinuha ang

panig ng bawat isa tungkol sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng inihandang survey forms.

Paraan ng Pagsasagawa

Ginamit sa Pananaliksik ang mga sumusunod na mga paraan:

1. Nagbuo ng pangkat buhat sa BSCS 1-4, upang maging magkakagrupo sa pag-aaral na ito.

2. Nagbigay ang bawat myembro ng grupo ng tatlong problemang maaaring bigyan ng pag-aaral ng

buong pangkat.

3. Sinuri at pinili ang mga problemang ibinigay ng mga myembro ng pangkat. Binigyan ng puntos

ang problemang naibigan ng bawat isa. Sa huli, ang mga problemang may pinakamataas na puntos ang

pinagpilian.

4. Binigyang paliwanag ang mga problemang napili at ito ang ginamit na batayan upang piliin ang

nararapat na problemang bibigyang kasagutan ng pag-aaral.

5. Binahagi sa tatlo ang grupo. Ang bawat isa sa tatlong pangkat ay magpo-pokus sa tatlong maaaring

mapagkuhaan ng mga datos – internet, dyaryo, at aklat.

6. Nagbasa ng mga aklat, artikulo, proyekto, tesis, at iba pang mga lathalaing may kaugnay sa paksa

upang makakuha ng karagdagang kaalaman sa kung saan makakatagpo ng mga datos at impormasyon

tungkol sa paksa.

7. Nagbasa ng iba’t ibang aklat tungkol sa musika, partikular na sa OPM.

8. Nakinig ng iba’t ibang musika sa OPM.

9. Nagbasa ng mga magazine tungkol sa industriya ng Musika sa Pilipinas. Dito kinuha ang apat na

awiting sumikat noong panahon ng unang yumabong ang OPM sa Pilipinas at apat din na awitin mula

sa mga makabagong kompositor at mang-aawit.

10. Sumuri ng mga datos sa internet, dyaryo, at aklat na magbibigay suporta sa pag-aaral.

11. Ginawa ang burador ng pag-aaral at masusing binasa ang bawat tala tungkol sa makabago at

makalumang OPM.

Page 12: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 12

12. Binigyang kahulugan ang mga importanteng salitang ginamit sa burador ng pag-aaral.

13. Bumuo muli ng pangkat ang grupo na siyang magsasagawa ng surbey sa isang daang mag-aaral sa

unang taon ng PUP CCMIT, Departamento ng Computer Science. Pinili ang isang daang mag-aaral at

isa-isa silang pinasagot sa mga katanungang kakailanganin upang mabuo at mabigyang kasagutan ang

pag-aaral na ito.

14. Tiniyak ng mga mananaliksik na kumpleto na ang mga datos na kakailanganin sa pagsusuri. Paulit-ulit

na binasa ang bawat datos. Tinala ang resulta ng surbey sa talahanayan at kinuha ang lahat ng

impormasyong makukuha sa talahanayan. Ito ang ginamit upang masagot ang mga katanungan sa

pag-aaral na ito.

15. Sinuri ang impormasyon na galing sa talahanayan. Binasa at nirepaso ang impormasyon. Tiniyak na

walang mali sa kalkulasyon. Inulit ang prosesong ito hanggang sa matiyak ng mga mananaliksik na

tama na ang lahat.

16. Binigyang paliwanag ang resulta ng surbey.

Page 13: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 13

Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT EBALWASYON NG MGA DATOS

Inilahad at sinuri sa kabanatang ito ang makabago OPM (Picha Pie ng Parokya ni Edgar, Wag na Wag Mong

Sasabihin ni Kitchie Nadal, Hawak Kamay ni Yeng Constantino at Narda ng Kamikazee) at ang makalumang OPM

(Anak ni Freddie Aguilar, Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan

Cayabyab, at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society).

Matatagpuan din sa kabanatang ito ang linggwistikang sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

tiyak na katanungan o suliranin:

1. Paano nagkakaiba ang makabago at makalumang OPM?

2. Alin sa mga musikang nakatala sa baba ang sumasaklaw sa makabagong musika? Sa makalumang

musika?

a) Hawak Kamay – Yeng Constantino

b) Narda – Kamikazee

c) Picha Pie – Parokya ni Edgar

d) Wag na Wag mong Sasabihin – Kitchie Nadal

e) Kahit Maputi na ang Buhok ko – Noel Cabangon

f) Anak – Freddie Aguilar

g) Kay Ganda ng Ating Musika – Ryan Cayabyab

h) Batang Bata ka pa – Apo Hiking Society

3. Alin sa mga musikang nakatala sa taas ang patok pa ring pakinggan ng mga mag-aaral sa unang taon

ng PUP College of Computer Management and Information Technology Computer Science

Department?

Page 14: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 14

Inilalahad ng mga talahanayang makikita sa kabanatang ito ang naging resulta ng surbey na ginawa sa

isang daang mag-aaral sa unang taong ng PUP-CCMIT, Departamento ng Computer Science. Ang mga talahanayang

ito ay binase sa kanilang edad.

TALAHANAYAN 1

PAGLALAHAD NG NAGING TUGON NG ISANG DAANG MAG-AARAL NG PUP-

CCMIT DEPARTAMENTO NG COMPUTER SCIENCE SA TANONG TUNGKOL SA

ANONG TAON SUMASAKLAW ANG MAKALUMANG OPM.

EDAD NG MAG-AARAL1980's 1990's Ibang Sagot

17- pababa 29 51 7

18 – pataas 4 8 1

Kabuuan: 33 59 8

Inilahad at inilarawan ng TALAHANAYAN 1, ang naging tugon ng isang daang mag-aaral sa unang taon ng

PUP-CCMIT, Departamento ng Computer Science. Batay sa TALAHANAYAN 1, limampu’t isa (51) na mag-aaral na

may edad 17 pababa ang nagsabing 1960’s hanggang 1990’s ang taong sumasaklaw sa makalumang OPM at

dalawampu’t syam (29) naman ang nagsabing 1960’s hanggang 1980’s. Apat (4) na mag-aaral na may edad 18

pataas ang nagsabing 1960’s hanggang 1980’s, at walo (8) ang sumagot na 1960’s hanggang 1990’s. Samantalang,

pitong (7) mag-aaral na may edad 17 pababa ang nagmungkahi ng ibang taon at isang (1) mag-aaral na may edad

18 pataas ang nagmungkahi din ng ibang taon. Sa kabuuan, may tatlumpu’t tatlong porsiyento (33%) ng mag-aaral

ang nagsabing ang 1960’s hanggang 1990’s ang taong sumasaklaw sa makalumang OPM. Limampu’t siyam na

porsiyento (59%) naman ang nagsabing 1960’s hanggang 1990’s. At walong porsiyento (8%) ang nagmungkahi ng

ibang taon.

Page 15: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 15

TALAHANAYAN 2

PAGLALAHAD NG NAGING TUGON NG ISANG DAANG MAG-AARAL NG PUP-

CCMIT DEPARTAMENTO NG COMPUTER SCIENCE SA KUNG ANO ANG MAS NAIS

NILANG PAKINGGAN: MAKABAGO AT MAKALUMANG OPM

EDAD NG MAG-AARAL Makabagong OPM

Makalumang OPM

17- pababa 67 23

18 – pataas 7 3

Kabuuan: 74 26

Inilahad at inilarawan ng TALAHANAYAN 2, ang naging tugon ng isang daang mag-aaral sa unang taon ng

PUP-CCMIT, Departamento ng Computer Science sa kung ano ang mas nais nilang pakinggan: makabago at

makalumang OPM. Batay sa TALAHANAYAN 2, animnapu’t pito (67) na mag-aaral na may edad 17 pababa ang

nagsabing mas nais nilang pakinggan ang mga makabagong OPM at dalawampu’t tatlo (23) naman ang mas panig

sa makalumang OPM. Samantalang, pitong (7) mag-aaral na may edad 18 pataas ang nagagalak sa pakikinig ng

makabagong OPM, at tatlo (3) naman sa makalumang OPM. Sa Kabuuan, pitumpu’t apat na porsiyento (74%) ang

nagsabing mas nais nilang pakinggan ang makabagong OPM. Samantalang, may dalawampu’t anim na porsiyento

(26%)ng isang daang mag-aaral ang mas nais pakinggan ang makalumang OPM.

Page 16: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 16

TALAHANAYAN 3

PAGLALAHAD NG NAGING TUGON NG ISANG DAANG MAG-AARAL NG PUP-

CCMIT DEPARTAMENTO NG COMPUTER SCIENCE SA MGA AWITING MAS NAIS

NILANG PAKINGGAN (Hawak Kamay, Narda, Picha Pie, Wag na Wag Mong

Sasabihin, Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, Anak, Kay Ganda ng Ating Musika,

Batang Bata Ka Pa)

17 - pababa 20 12 15 14 15 5 7 218 - pataas 1 1 1 0 5 0 1 1

Kabuuan: 21 13 16 14 20 5 8 3

PUP-CCMIT Department of Computer Science

Inilahad at inilarawan ng TALAHANAYAN 3, ang naging tugon ng isang daang mag-aaral sa unang taon ng

PUP-CCMIT, Departamento ng Computer Science sa tanong na tungkol sa piling awitin na mas nais nilang

pakinggan (Hawak Kamay, Narda, Picha Pie, Wag na Wag Mong Sasabihin, Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, Anak,

Kay Ganda ng Ating Musika, Batang Bata Ka Pa). Ayon sa TALAHANAYAN 3, may dalawampu’t isang porsiyento

(21%) ng mga mag-aaral ang mas nais pakinggan ang awiting Hawak Kamay ni Yeng Constantino. Labing tatlong

porsiyento (13%) ang sa Narda ng Kamikazee. Labing anim na porsiyento (16%) sa Picha Pie ng Parokya ni Edgar.

Labing apat na porsiyento (14%) sa Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal. Dalawampung porsiyento (20%)

sa Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon. Limang porsiyento (5%) naman sa Anak ni Freddie Aguilar.

Walong porsiyento (8%) sa awiting Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab. At tatlong porsiyento (3%)

naman ang may nais pakinggan ang awitin ng Apo Hiking Society na Batang Bata Ka Pa.

Page 17: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 17

Kabanata 5

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad ng huling kabanatang ito ang tungkol sa buod, kongklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral.

Buod

Ang isinagawang pag-aaral na ito ay patungkol sa makabago (Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Narda ng

Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal) at ang makalumang

OPM (Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating Musika ni

Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society).

Gayundin, binigyang kasagutan ng mga datos na nakalap ang katanungan tungkol sa pagtangkilik ng mga

mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT Departamento ng Computer Science sa makabago at makalumang OPM.

Makikita sa Talahanayan I, Talahanayan II at Talahanayan III ang mga datos na nakalap sa isang daang mag-aaral ng

PUP-CCMIT Departamento ng Computer Science.

Gayundin, tinalakay ang pinagmulan ng OPM sa ating bansa, ang mahahalagang pangyayaring

nagpayabong sa industriya ng musika sa Pilipinas at ang relasyon ng musika sa sosyolohikal at sikolohikal na

aspeto.

Mga Natuklasan

Naglalahad ang isinigawang pag-aaral ng makabago (Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Narda ng

Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal) at ang makalumang

OPM (Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating Musika ni

Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society).

Page 18: Pahambing Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM

Pahina 18

Pagkatapos ng maingat na pagtalakay at pagsuri sa mga datos ng pagasaliksik, inilahad ang mga

sumusunod na natuklasan: na limampu’t siyam (59%) ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT

Departamento ng Computer Science ang nagsabing 1960’s hanggang 1990’s ang taon kung saan sumasaklaw ang

makalumang OPM; makabagong OPM ang mas nais pakinggang ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT

Departamento ng Computer Science na nakalikom ng pitumpu’t apat na porsiyento (74%) na tugon, karamihan sa

mga mag-aaral na ito ay may edad na labimpito (17) pababa; na ang awiting Hawak Kamay ni Yeng Constantino ang

mas nais pakinggan ng nakararami na pinanigan ng dalawampu’t isang porsiyento (21%) ng tugon kumpara sa pito

pang mga awiting pinaghahambingan (Narda ng Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar, Wag na Wag Mong

Sasabihin ni Kitchie Nadal, Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng

Ating Musika ni Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society)

Rekomendasyon

Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa ikauunlad ng pananaliksik pangmusika,

iminumungkahi ang mga sumusunod: na dapat ipagpatuloy ang pagtangkilik sa OPM; na paunlarin at pagyabungin

ang sariling atin; na dapat ipagmalaki ang mga awiting Pilipino; na ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mga

mag-aaral, guro at iba pa sa kanilang pag-aaral at pagsusuri sa Original Pilipino Music.