9
Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang pintuan sa iyong bagong panimula sa Canada. Scotia advisor MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang · PDF filemga pampinansiyal na mga layunin. 2 3 ... • Sulat mula sa iyong pinaglilingkuran sa Canada ... account sa pag-iipon ng

Embed Size (px)

Citation preview

Pahintulutan ang Scotiabank

tulungan buksan ang pintuan sa

iyong bagong panimula sa Canada.

Scotia advisor

MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Maligayang Pagdating sa Canada maligayang pagdating sa Programa Scotiabank StartRight ®

Maligayang bati. Ikaw ay gumawa ng malaking desisyon na lumipat sa isang bagong bansa, o

maaaring naririto ka na at handa ka nang mamalagi. Habang sinisimulan mo ang iyong bagong

buhay sa Canada, makikita mo na maraming mga gawaing kailangan mo kaagad pansinin. Ang

pamamahala ng iyong pananalapi ay maaaring nasa ibabaw ng listahan.

Ang Scotiabank StartRight ® Programa¹ ay idinisenyo tiyakang para sa mga bagong dating upang

gawing mas madali ang paninirahan sa Canada. Ito ay nakakatulong na magbukas ng mga pinto

sa iyong bagong pagsisimula, sa pamamagitan ng simpleng mga produktong solusyon upang

makapagsimula ka at mas kumprehensibong mga solusyon upang matulungan ka sa bawat yugto ng

iyong buhay sa Canada.

Nauunawaan namin ang mga hamon sa pagsisimula at pag-mamalagi sa isang bagong bansa.

Marami sa aming mga tagapayo ay dumaan sa kaparehong paglalakbay at sila ay maaring unalok sa

iyo mga tamang solusyon at payo upang magtayo ng mas masagana na buhay para sa iyo at sa iyong

pamilya. Kami ay naririto upang tumulong sa bawat hakbang ng daan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Programa na Scotiabank StartRight, bisitahin ang

scotiabank.com/startright, sa iyong pinakamalapit na sangay ng Scotiabank , o tumawag sa

1-866-800-5159.

Talaan ng Nilalaman

PAKSA PAHINA

Maligayang Pagdating 1

Pagsisimula 2-5

Lakas Pambuong Daigdig, Pag-aabot sa Komunidad 6-7

Pag-mamalagi 8-10

Talahulunganan ng mga Katawagan 11-12

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang Scotiabank StartRight, bisitahin ang scotiabank.com/startright, tumawag sa 1-866-800-5159

(North America lamang - Ingles, Pranses, Cantonese, Mandarin, Punjabi at Espanyol) o bisitahin ang pinakamalapit na Scotiabank branch sa iyo. 1

Ang iyong mga unang araw sa Canada ay maraming gawain at kaguluhan habang kaikaw at ang iyong pamilya ay bumagay sa inyong bagong buhay. Maaaring naghahanap ka ng trabaho o nagsisimula ka ng iyong sariling negosyo, naghahanap ng matitirahan, o humingi ng mga opisyal na dokumento tulad ng iyong Social Insurance Number (SIN) at ng iyong health kard.

Bilang isang bagong dating, kailangan mo ang tamang payo upang makapagsimula. Sa Scotiabank StartRight na Programa, ikaw ay makakatanggap ng payo at mga solusyon mula sa aming mga iba`t ibang kultura na Tagapayo na may kaalaman upang matulungan kang makapagsimula at maabot ang iyong mga pampinansiyal na mga layunin.

2 3

Ang Pagsisimula Mga pahiwatig para sa mga bagong dating sa Canada

PABAHAYMakipag-usap sa aming mga maalam na mga Taga-payo. Bisitahin rin ang website ng Canada Mortgage and Housing Corporation para sa Bagong Dating para sa mahalagang mga mapagkukunan tungkol sa pangungupahan o pagbili ng isang bahay, cmhc.ca/newcomers.

SOCIAL INSURANCE NUMBERKakailanganin mo ang isang Social Insurance Number (SIN) para makapagtrabaho sa Canada at magsalansan ng isang income tax return. Gumawa ng mga plano para humiling ng Social Insurance Number para sa iyong sarili at sa mga miyembro ng iyong pamilya sa oras na ikaw ay makarating. Para sa karagdagang impormayon tungkol sa pagkuha ng isang SIN kard, mangyaring bisitahin ang servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin/index.shtml.

PAG HIHILING NG ISANG HEALTH INSURANCE KARDKailangan mong humiling ng isang health insurance kard sa oras na ikaw ay makarating sa Canada. Bawat miyembro ng iyong pamilya, kahit ang mga sanggol, ay kailangang magkaroon ng kanilang sariling health insurance kard. Lahat ng mga mamamayan ng Canada at mga permanenteng residente/mga imigrante humantong ay karapat-dapat para sa Medicare. Para mag-apply ng isang health insurance kard, makipag-ugnay sa Ministri ng Kalusugan sa iyong probinsiya o teritoryo kung saan ikaw ay nakatira.

EDUKASYON PARA SA MGA BATAAng pampublikong edukasyon ay pinalalakad ng probinsya at mga teritoryo at binabayaran sa pamamagitan ng iyong mga buwis. Ang pampublikong edukasyon ay libre at naroroon para sa lahat ng bata sa Canada. Kailangang iparehistro ng mga magulang ang mga bata sa lokal na paaralan o opisina ng lupon ng paaralan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang cic.gc.ca/english/newcomers/after-education.asp. MGA SAMAHAN SA CANADA NA TUMUTULONG SA MGA BAGONG DATINGAng Canada ay may daan-daang mga samahan na tumutulong sa mga bagong dating na makapanirahan sa buhay sa Canada. karamihan sa mga ito ay kumakatawan sa iba’t-ibang multikultural na mga ahensiya at mga asosasyon, upang makatulong sa iyo sa maraming mga paraan. Sila ay maaring magbigay sa iyo ng pagsasanay sa wika, o tumulong sa iyo para makahanap ng matitirahan o ng isang trabaho. Bisitahin ang listahan ng mga organisasyon ng Citizenship and Immigration Canada sa cic.gc.ca/english/department/partner/host-spo.asp.

LISENSYA PARA SA NAGMAMANEHOAng isang balidong lisensya para sa nagmamaneho ay kinakailangan para makapagmaneho ng isang sasakyan sa Canada. Ang iyong lisensyang banyaga ay maaring maging balido para sa maikling panahon lamang. Ang karagdagang impormasyon ay maaring makuha mula sa iyong Provincial Motor Vehicle Licensing Agency.

LIBRENG SALIGAN NA MGA KLASE SA INGLES AT PRANSESAng pagtuturo ng wika sa mga bagong dating sa Canada ay isang programang makukuha sa buong bansa para sa mga permanenteng residente/humantong na imigrante. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang servicecanada.gc.ca/eng/goc/linc.shtml.

NGA SERBISYONG PAGTATASA NG KATIBAYAN SA CANADAKaramihan ng mga taong nagbabalak na pumunta sa Canada upang permanenteng manirahan at na nais pumasok ng trabaho ay kinakailangang alamin ang halaga ng edukasyon, pagsasanay at karanasan na nakuha nila sa labas ng Canada. Ang Canadian Information Centre for International Credentials (CICIC) ay isang sentral na mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo at mga organisasyon sa buong Canada na maaring makatulong sa pagtatanggap ng mga kasanayang nakuha sa ibang bansa. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita lamang ang website sa cicic.ca.

Ano ang kailangan mo?

Mga humantong na imigrante

• DokumentongPaghahantongngIImigrasyo[Immigration Landing Document (IMM 5292)] o Kard ng Permanenteng Residente• BalidongIDnamaylarawankatuladngisangpasaporte ng ibang bansa o lisensya sa pagmamaneho na inisyu sa CanadaMga Banyagang Manggagawa

• Isangkasalukuyangbalidongpasaporte• permitPermisosaPagtratrabho• SulatmulasaiyongpinaglilingkuransaCanadaMga Internasyonal na mga Mag-aaral

• Isangkasalukuyangbalidongpasaport• Sulatnapagkatanggapmulasaisanginstitusyonngpag- aaral sa Canada• PermisonaMag-aral(IMM1442angpinakakaraniwang ginagamit na pormularyo)

Ang pagbukas ng iyong unang bank account

Ang isang bank account sa Canada ay makakatulong sa iyo na mapamahalaan ang iyong pang-araw-araw na mga transaksyon sa bangko. Ito rin ay tutulong sa iyo kung kailangan mong maglipat at magdeposito ng mga pondo mula sa iyong pinagmulang bayan patungo sa Canada. Sa Scotiabank, ikaw ay makakagawa ng gayong mga paglilipat patungo sa isang Canadian, U.S. na Dolyar o Euro na bank account. Ang isang bank account ay makakatulong rin sa iyo na maitago ang iyong pera sa isang ligtas na lugar, magbayad ng anumang mga bayarin at magdeposito ng mga tseke kung ikaw ay makakatanggap ng anumang mga bayad.

Kapag nagbukas ka ng iyong account sa Scotiabank, ikaw ay makakakuha ng isang ScotiaCard® banking na kard. Makakatanggap ka rin ng isang Personal Identification Number – o PIN. Ang kard na ito at PIN ay mahalaga at dapat pangalagaan para may ligtas at lihim mula sa ibang mga tao. Maari mong gamitin ang ScotiaCard para bumili ng mga paninda at mga serbisyo nang direkta mula sa iyong mga piniling mga bank account. Maari mo ring gamitin ang iyong ScotiaCard upang kumuha ng pera sa mahigit sa isang milyong mga ABM sa130 mga bansa sa buong mundo na nagpapakita ng simbulo ng VISA* o PLUS*,24orassaisangaraw,7arawsaisanglinggo.

Hindi mo kailangan ng isang kasaysayan ng utang, lpangunang deposito o maging empleyado upang makapagbukas ng iyong bank account sa ilalim ng Scotiabank StartRight na Programa. Sa Scotiabank, nais naming makasiguro na ang pagbubukas ng isang account ay pinakamadaling gawain sa iyong listahan.

Ang pag-gagawa ng tama sa maliliit na mga bagay ang pinakamahusay na paraan upang magsimula, at ang paggawa ng iyong kasaysayan sa pag-utang ay ang unang hakbang itayo ang iyong pundasyon sa pananalapi. Ang iyong kasaysayan sa pag-utang sa Canada ay isang sukat ng iyong pagiging karapat-dapat na umutang – ang iyong reputasyon sa pagbabayad ng utang.

Paano ka makakagawa ng isang mabuting marka sa pangungutang? • Maagapnamagbayadngiyongmgabillbayarin,lalung-lalo na ang mga credit card

• Umutanglamangngiyongkailanganatkayangbayaran

•Magbayadlagingiyongmgautangpautang sa oras

Ang Scotiabank StartRight Program ay nag-aalok ng isang credit card2 upang mabigyan ka ng isang pampinansiyal na pagsisimula sa Canada. Ang isang mabuting kasayayan ng utang mula sa isang credit kard, kard sa gas o maging mga tinginan na retailertindahan, ay maaring makapagbigay sa iyo ng paraan upang makagamit ng maraming mga serbisyo sa Canada, katulad ng pagkuha ng koneksyon ng telepono o humiram ng pera para sa isang bahay o bagong negosyo. Maari kang makipag-usap sa isang kinatawan ng Scotiabank para malaman mo kung paano maaring makakuha ng iyong unang credit card sa Canada.

Tandaan: Ang iyong kasaysayan ng utang mula sa isang kard na ibinigay mula sa iyong inang bayan ay hindi kinikilala sa Canada. 54

Mga WireTransfer

Isang mahusay na paraan upang magpadala at tumanggap ng pera mula sa ibang bansa ay sa pamamagitan ang tradisiynal na mga serbisyo ng wire payment na ibinibigay ng Scotiabank. Maaaring gawin ng iyong sangay na Scotiabank isang wire payment sa loob ng Canada o kahit saan sa mundo

sa iba’t-ibang mga pera ng mundo.

Western Union®† Money Transfer

Ang mga serbisyo ng Western Union Money Transfer ay makukuha sa pamamagitan ng mga kalahok ng sangay ng Scotiabank online sa pamamagitan ng Scotia OnLine® Financial Services at sa pamamagitan ng mobile banking.3

Kapag kailangan mong magpadala ng pera sa mga pamilya at mga kaibigan sa buong mundo, asahan ang mga serbisyo ng Western Union Money Transfer

na gawin ito nang madalian at maaasahan. Mapapanatag ang iyong loob dahil nalalaman mong ang iyong pera ay hinawak ng Western Union, isang kompanya na may higit sa 135 taong karanasan, na may serbisyo sa higit sa 200 bansa at mga teritoryo sa buong mundo.

Mga account para sa Dolyar ng U.S.o Euro

Kung madalas kang magbiyahe sa U.S., o gumawa at tumanggap ng mga pagbabayad sa dolyares ng U.S., iwasan ang mga gastos sa pagpapapalit ng pera sa Scotia® U.S. Dollar Daily Interest Account.

Ang Scotia® Euro Daily Interest Savings Account ay isang account sa pag-iipon ng Euros na pinapayagan ka mag deposito at kumuha4 ng Euros sa iyongsangay na hindi kailangan palitan sa o mula sa mga dolyares ng Canada

Ang isang deposito sa isang Scotia U.S. Dollar Daily Interest Account o Euro Daily Interest Savings Account ay hindi bumubuo ng isang deposito na naka-seguro sa ilalim ng Deposit Insurance Corporation (CDIC) Act.

Pananatili ang iyong mga mahalagang gamit ligtasKapag lumipat ka sa Canada, maaaring mayroon ka mga maha agang dokumento at mga mahalagang gamit na gusto mong manatiling ligtas. Sa isang Scotiabank safety deposit box, ang iyong mga mahalagang gamit ay nasa isang ligtas na lugar na madaling puntahan. Kami ay umaalok ng safety deposit boxes na iba’t-iba ang laki para sa iyong mga indibidwal na pangangailangan. Tanungin tungkol sa kakayahang magamit sa iyong pinakamalapit na sangay na Scotiabank.

Ang Pagpadala at Pagtanggap ng PeraMaaaring napalayô ka sa iyong mga kaibigan, mga miyembro ng pamilya at mga kanegosyo sa iyong bayan dahil sa iyong paglipat sa Canada. Kaya ang iyong kakayahang makapagpadala o makatanggap ng pera nang madali at nang ligtas ay napakahalaga.

Ang Scotiabank ay gumagawa ng paglilipat ng mga pondo sa loob ng Canada o sa ibang bansa ng mabilis, maginhawa at ekonomiko kapag ikaw ay mayroon bank account sa amin. Matutulungan ka ng isang kinatawan ng Scotiabank na magpadala at tumanggap ng pera sa alinman sa mga madali at ligtas na paraang ito.

Pagtatatag ng iyong kasaysayan sa pag-utang sa Canada

Ang pinaka-internasyonal na bangko sa Canada

Kinikilala ng mga Canadian bilang pinaka-kagalang-galang na bangko sa Canada‡

Kabilang na isa sa Pangunahing 10 pinakamatatag na mga Bangko sa Mundo §

Nangangako sa mga prinsipyo ng lakas, katapatan at serbisyo nang higit sa 179 na taon

Isa sa pinakamalaking mga negosyante sa mundo ng ginto at iba pang mga mahalagang metal

Isa sa mga pinak unahing pinansiyal na institusyon sa North America

Ang Scotiabank Group at ang mga kasapi nito ay nagsisilbi ng higit sa 18.6 na milyong mamimili sa mga 50 bansa sa buong mundo

Ang maraming-channel na lambat-lambat ng paghahatid na may halos 1,000 mga sangay at 3,000 automated banking machines (ABMs) sa buong Canada

70,000 mga empleyado sa Scotiabank Group, marami sa kanila ay maaaring nagsasalita ng iyong wika

Kompletong mga solusyon na pinansyal para sa mga indibidwal, mga negosyo na maliliit at katamtaman, mga korporasyon, mga gobyerno, at mga institusyon

7

Scotiabank Corporate Headquarters, Scotia Plaza, Toronto

Lakas ng Mundo, pag-aabot sa komunidad

Paninirahan

9

Pagbbibili ng isang kotse

Kapag ang mga bagong imigrante at mga banyagang manggagawa unang dumating sa Canada, ang pagbili ng kotse ay isang pangunahing pagbili para sa aramihan. Ang Scotiabank ay ipinagmamalaki maipakilala ang StartRight Auto Loan Program, na nagbibigay ng mga solusyon pampuhunan sa pagbili ng auto sa mga bagong dating.6 Ang programa ay kasalukuyan makukuha sa pamamagitan ng napili mga prankisya na nagbebenta ng kotse sa Canada na kagaya ng Kia, Chrysler, Hyundai, Volvo, Mazda, Mitsubishi at Jaguar/Land Rover. Mangyaring bumisita sa iyong pinakamalapit na prankisya na nagbebenta ng kotse para sa karagdagang impormasyon o scotiabank.com/startright.8

Hindi magtatagal oras na kailangan mo ng isipin ang iyong mga

pangmatagalan na plano na pinansiyal para ma-seguro ang iyo

kinabukasan. Gusto mong mag-pocus sa mga produkto at mga

serbisyo na makakatulong sa iyo makamit ang iyong mga pinansiyal

na layunin, tulad ng pagbili ng bahay, mag-ipon para sa edukasyon ng

iyong mga anak, magplano ng kasal o ang mamuhunan para sa iyong

pagreretiro. Ang Scotiabank ay naririto upang tulungan kang matupad

ang mga pangarap na ito.

Mamuhunan para sa iyong kinabukasan

Upang tulungan kang matupad ang iyong mga pangarap na magkaroon ng masaganang kinabu-kasan, para sa iyo at sa iyong pamilya, ito ay pinakamahusay magsimula mamuhunan kaagad-agad. Matutulungan ka ng Scotiabank na maabot ang iyong mga pinansiyal na layunin sa pamamagitan ng mga ekspertong payô at mga sadyang ginawang mga solusyon.Ang iyong Scotia® tagapayo ay makapagbibigay ng payô sa maraming mga opsyon sa pamumuhunan na makukuha mo para sa maikli at pangmatagalang pamumuhunan.

Tax-Free Savings Account

Ang isang TFSA ay isang account pag-iipon na tamang-tama para sa lahat ng layon na nagbibigay sa iyo ng kumpletong pleksibilidad para makapag-ipon para sa maraming mga gamit sa isang account. Ang iyong mga inipon ay lumalaki sa loob ng panahon – libreng buwis – na nakakatulong sa iyo upang marating nang mas mabilis ang iyong mga layunin, at maari kang kumuha ng iyong pera kapag kinailangan mo ito.

Ang interes, mga dibidendo at mga capital gain na kinita sa isang TFSA ay libreng-buwis para sa habang- buhay. Ang iyong TFSA savings ay maaring makuha mula sa iyong account sa anumang oras, para sa anumang dahilan, at ang lahat ng mga nakuha ay libreng-buwis.7

Ikaw ay maaring mamili mula sa malawak na mga uri ng mga pamumuhunan tulad ng mutual funds, mga savings account at mga GIC. Mayroong kahit anumang bagay para sa lahat sa isang TFSA at ang iyong tagapayo sa Scotia® ay maaring makatulong sa iyo upang maintindihan kung paano makakatulong ang TFSA na matugunan ang iyong mga layunin.

Pagmamay-ari ng bahay sa Canada

Alam mo na ikaw tunay namamalagi kapag binili mo ang iyong unang bahay. Ang Scotiabank ay may matagal at maipagmamalaki na kasaysayan ng pagtulong sa mga Canadian na maging may-ari ng mga bahay. Mayroon kami mga ilan mga solusyon sa pagsasangla upang makatulong ang mga mamimili ng bahay maghanap ng pera kinakailangan upang tustusan ang kanilang unang bahay sa Canada.5

Tanungin ang isang tagapayo ng Scotia® tungkol sa aming sadyang ginawa mga pagsasanla para sa mga bagong dating.

Maaaring balik-aral ng isang tagapayo ng Scotia® ang iyong mga pangangailangan at ipakita sa iyo ang mga simpleng paraan mag-simula mamuhunan para sa pagreretiro walang inaalala.

Ang pagsimula ng isang maliit na negosyo Maaaring gusto mong simulan ang iyong sariling negosyo sa Canada. Matutulungan ka ng Scotiabank sa pamamagitan ng praktikal na impormasyon, mga gamit sa online at mga solusyon sa pagbabangko na magtatag ng isang matagumpay na pagsisimula na negosyo. Ang pakete sa pagbabangko ng Scotia Running Start para sa negosyo™ ay magbibigay sa iyo ng lahat ng kinakailangan mo, kabilang ang savings sa bundled personal at mga serbisyo sa pagbabangko para sa negosyo at iba pang mga inaalok na espesyal.

Kung iniisip mong magsimula ng iyong sariling negosyo, kausapin ang isa sa aming mga tagapayo para sa negosyo na maliit na magagawa nila mas mabilis at mas maginhawa para sa iyo na makuha ng tulong na kailangan mo.

Talahulugan ng mga Pagpapahayag

Mga Makina na Automatiko Pagbabangko [Automated Banking Machines (ABMs)]Mga makina pang serbisyo sa sarili na nagpapahintulot sa iyo magsagawa ng pang-araw-araw na pangunahing mga transaksyon pagba-bangko. halimbawa, mga deposito, mga paglabas ng pera, pagbayad ng mga bayarin at mga paglilipat dalawang account ginagamit ang isang bank kard. Ang Scotiabank ay may higit sa 2,850 ABMs (tinatawag ding Automated Teller Machines) sa buong Canada.

Bank KardIbang pangalan para sa isang debit kard na nagpapahintulot sa iyo gamitin ang iyong mga account. Maaaring gamitin mo ito sa mga ABM o magbayad sa mga binili sa mga tindahan sa paggagamit ng serbisyo sa pagbabayad ng deretso.

Bank DraftIto ay isang tseke na inisyu ng isang bangko pagkatapos kinarga ang account ng nagbabayad na customer. Ito ay itinuturing na isang siguradong anyo sa pagbabayad. lan sa mga bansa, ito rin ay tinatawag na Banker’s Draft o Cashier’s Cheque.

Tseke [Cheque]Isang pormal na nakasulat na tagubilin sa isang bangko na ilipat ang nakapahayag na halaga mula sa account ng nagbabayad sa taong babayaran na nakapangalan sa tseke.

Pagpigil sa Tseke [Cheque Hold]Ang isang pagpigil sa deposito sa tseke ay inilalagay upang siguraduhing ang pinansiyal na institusyon kung saan nanggagaling ang tseke ay hindi magsasauli ng tseke. Walang mga pagkuha o pag-aareglo ng halagang ipinapakita sa tseke na maaring gawin hanggang maalis ang pagpipigil.

Chequing AccountIto ay isang uri ng account na makukuha mo ang iyong pera kapag kailangan mo. Dapat siguraduhin mo na lagi kang may sapat na pera sa iyong chequing account para sa mga tsekeng inisyu mo.Para magbigay ng karagdagang proteksyon laban sa hindi sapat na mga pondo, maaari kang humiling ng Overdraft Protection sa iyong chequing account. I lan sa mga bansa, ang uri ng account na ito ay tinatawag rin na Current Account.

Mga Kard Pnagkredito [Credit Card]Ang mga kard pangkredito na katulad ng isang VISA kard ay nagpapahintulot sa humahawak nito na magbayad ang mga binili sa halip na magbayad ng pera. Kadalasan, walang interes na isinisingil sa mga bagong binili kapag ang buwanang balanse ay nabayaran nang buo bawat buwan sa taning na panahon (maliban lamang sa mga paunang bayad, mga paglipat ng balanse at mga tseke ng Scotia® VISA).

Kasaysayan ng Kredito [Credit History]Ang kasaysayan ng iyong kredito ay isang talaan ng anuman utang o pautang na mayroon ka, na mayroon ka dati, o hiniling mo. Kabilang rin ang mga hangganan ng kredito ng mga utang, mga pautang o mga garantisadong utang at ang iyong kasaysayan sa

pagbabayad. Ito rin ay ginagamit ng mga nagpapahiram bilang bahagi ng paraan ng pagpasiya kapag tinatasa kung magbibigay ng bago o karagdagang kredito sa isang humihiram. Ang iyong kasaysayan ng kredito ay iniipon ng mga pangunahing kawanihan ng kredito sa Canada. (Equifax, TransUnion)

Hanganan ng Kredito [Credit Limit]Ang pinakamataas na balanse na maaari mong ilista sa isang credit card o hiramin mula sa isang linya ng kredito.

Markahan ng Kredito [Credit Rating]Isang pag-tatasa na ginawa ng isang indibidwal na tagapagbigay ng kredito sa pagiging karapat-dapat na pag-utang ng isang tao upang tantiyahin ang kanyang kakayahan at kagustuhang magbayad sa mga obligasyon sa kredito. Sumang-sangguni ang mga bangko at mga pinansiyal na organisasyon ang mga marka ng kredito kapag isinasangalang-alang ang mga aplikasyon para sa mga pautang at mga kredit kard.

Kinatawan ng Serbisyo sa Mamimili [Customer Service Representative]Ang mga empleyado nasa unang linya ng bangko na tumutulong sa iyong mga katanungan sa pagbabangko at nagbibigay ng mga serbisyo ng bangko. hal. tumatanggap/nagbabayad ng pera, nagpapalit ng mga pera, nag-i-isyu ng mga draft at mga wire transfer, atbp. Ayon sa kaugalian, sa ibang mga bansa, sila rin ay tinatawag na mga Teller ng Bangko.

Kard na Pagkarga ng Utang [Debit Card]Ibang pangalan para sa isang kard ng bangko na nagpapahintulot sa iyo na gamitin ang iyong mga account. Maari mong gamitin ito sa mga makina ng pagbabangko o para magbayad ng mga pinamili sa mga tindahan sa pagga gamit ng serbisyo sa pagbabayad ng deretso.

Mga Sertipiko ng Garantisadong Puhunan [Guaranteed Investment Certificates (GICs)]Tinatawag ring Term o mga Fixed Deposit, Ang mga GIC ay isang puhunan na nagdedeposito ka ng pera, sa isang takdang panahon, at binabayaran ng isang takdang bayad ng interes. Ang pagpalit sa pera ng GICs ay naibabagay sa pangyayari sa paglilipat ng lahat o bahagi ng iyong mga pondo bago dumating ang maturity ng walang multa (maaaring isagawa ang ilan mga kondisyon ).

Interes [Interest]Ang interes ay isang bayad na binabayarand sa hiniram na mga pondo. Halimbawa, kung ang pera ay hiram sa isang bangko sa anyô ng isang pautang o linya ng kredito, ang bangko ay maniningil ng interes para sa paggamit ng pera na iyon. Hindi kabilang anumang ibang gastos o bayad na idinulot ng pautang.

Pagba-bangko sa Internet/Online [Internet/Online Banking]Ang pagba-bangko ng online ay nagpapahintulot sa mga kliente na makaka gamit sa internet at awtorisasyon mula sa kanilang(mga) bangko na pamahalaan ang kanilang mga transaksyon sa

pagbabangko sa paraan de koryente. Magagamit ito para pagsuri ang account sa bangko at mga balanse ng credit card, paglipat ng mga pondo, pagbabayad ng mga bayarin at humiling ng mga bagong produkto at mga serbisyo. Ang Scotiabank ay nag-aalok ng libreng pagba-bangko sa internet – Scotia OnLine® Financial Services – sa kanilang mga kliente.

Pagbabangko sa pamamagitan ng Mobile [Mobile Banking]Ang pagbabangko sa gamit ng Mobile ay nagpapahintulot sa iyo makapagbangko kahit saan, anumang oras sa paggagamit ng iyong aparato na mobile. Maari mong isuri ang iyong mga balanse, ilipat ang iyong pera, bayaran ang iyong mga bayarin at marami pang iba depende sa uri ng aparato na ginagamit mo. Maari mong gamitin ang anuman sa iyong pang-araw-araw at maliit na negosyong mga account, VISA, at mga linya ng kredito. Maari mong makita ang mga balanse ng iyong mga account sa sangla at brokerage.

Hiro Postal [Money Order]Katulad ng isang bank draft, ang hiro postal ay isang kautusan para magbayad ng isang takdang halaga na inisyu ng isang institusyon.

Sangla [Mortgage]Isang pautang na naka-seguro sa pamamagitan ng ari-arian. Madalas ito ay ibinibigay upang bumili ng isang bahay. Ian sa mga uri ng sangla ay ipinaliwanag sa ibaba:

•Tradisyonal na Sangla [Conventional Mortgage] - Pautang pansangla na hindi hihigit sa 80% ng mas kaunti sa hinalaga o presyo ng pagbili ng ari-arian.

•Sangla Nakapirmi ang Singil [Fixed Rate Mortgage] - Ang singil ng interes at halagang babayaran ay nakapirmi sa isang tiyak na panahon.

•Sangla Nagbabago ang Singil [Variable Rate Mortgage] – Ang sangla nagbabago ng singil ay kung saan ang singil ng interes ay nagbabago kapag ang kalakasan ng singil ng nagpapahiram ay nagbago, karaniwan hindi hihigit sa isang beses sa isang buwan. Depende sa mga tuntunin ng pansangla, ang mga kabayaran ay maaaring baguhin bawat oras nagpalit ang interes ng singil o ang pagbabayad ay maaaring maaayos sa lahat o bahagi ng tuntunin ng sangla.

Nagpapahiram at Humihiram [Mortgagee at Mortgagor]Ang nagpapahiram ay ang mortgagee at ang humihiram ay ang mortgagor.

Walang Sapat na mga Pondo [Non-Sufficient Funds (NSF)]Isang tseke ay itinuturing na NSF, ay nagpapahiwatig na ang mga pondo sa account sa bangko pinanggalingan ng tseke ay mas kaunti kaysa sas halaga ng tseke.

1110

Ang iyong puhunan sa isang RRSP ay makakatulong

din sa iyong mag-ipon para sa iyong unang bahay sa

pamamagitan ng paggamit ng Home Buyer’s Plan.8

Pag-iipon para sa edukasyon ng iyong mga anak

Habang libre sa Canada ang matrikula para sa elementarya at ekundaryong edukasyon, hindi libre ang edukasyon pagkatapos ng sekundaryong edukasyon ( kolehiyo at unibersidad). Ang isang Registered Education Savings Plan (RESP) ay isang walang katulad ng account para sa pag-iipon na makakatulong sa iyo, sa iyong pamilya, o sa iyong mga kaibigan na maagang makapag-ipon para sa edukasyon ng iyong anak.

Ang Scotia® RESP ay maaaring makakatulong na maging totoo ang makapag-kolehiyo o unibersidad ang iyong anak. Kung mayroon kang isang RESP, ang iyong benepisyaryo ay maaaring karapat-dapat din maging karapat-dapat para sa mga pinansyal na pamigay mula sa pamahalaan ng Canada sa ilalim ng Canada Education Savings Program.

Pag-iipon para sa iyong pagreretiro

Pag-iipon ng sapat para sa pagreretiro ay mahalagang layunin na pinansiyal. Sa Canada, ang isa sa mga pinamahusay na paraan bawasan ang iyong buwis sa kita at mag-ipon para sa isang komportableng pagreretiro ay ang mag-kontribyute sa isang Registered Retirement Savings Plan (RRSP). Ang mga RRSP ay makakatulong sa iyo na mamuhay sa magandang pagreretiro ng iyong pangarap. Maramin g kabutihan ang mga RRSP.

•Angmgakontribusyonaymababawassabuwisat maaaring magresulta sa isang pagbabalik ng buwis.

•AngmgakinitasamgapinuhunansaRRSPaynaiipon sa isang batayan na ipinagpaliban na buwis sa loob ng isang plano

Ang Iba’t-ibang Kultura sa Scotiabank ay nakikita sa lugar ng trabahoAng Scotiabank ang pinaka-internasyunal na bangko ng Canada sa isa sa pinakamultikultural na mga bansa sa mundo.

Sa paggalang ng mga natatanging perspektibo ng bawat empleyado, ang Scotiabank ay patuloy na lumalaki bilang isang

nakikibagay, dinamikang organisasyon. Ang amin pagkakaiba-iba-ng talino ay nakagagawa sa Scotiabank na makapagtayo

ng isang mapagkumpitensya kalamangan upang makapaglingkod sa aming mga empleyado, mga kliente at mga komunidad

sa isang pambihirang antas.

Niyayakap namin ang pagkakaiba-iba sa lahat ng mga katangian nito, at ang isang kultura ng pagsasama na ang puso

ay ang ating pambuong-daigdig na komunidad ng mga nagbabangko sa Scotiabank. Hinihimok namin ang bukas na

komunikasyon at pag-unlad sa karera at kinikilala at ginagantimpalaan ang pagganap sa tungkulin.

Para sa mga pantrabahong oportunidad sa Scotiabank, bumisita sa scotiabank.com/startrightwww.startright

Talahulugan ng mga Pagpapahayag

12

Proteksyon sa Utang sa Bangko [Overdraft Protection]Ang Overdraft Protection ay isang kasunduan sa bangko na pansamantalang nagbibigay nag pahintulot sa iyo na kumuha ng halaga na higit sa iyong balanse sa bank account hanggang sa paunang na aprubahan na hangganan. Bukod sa sinisingil na interes, ang mga bangko ay karaniwan sumisingil ng buwanang bayad para sa serbisyong ito.

PassbookIsang libreto na ibinibigay ng bangko sa kahilingan ng isang kliente, kung saan ang lahat ng mga transaksyon sa isang bank account ay binabanggit.

Numero Personal na Pagkakakilanlan [Personal Identification Number (PIN)]Isang kakaiba na numero o kodigo para sa madaling pagkuha na may katiwasayan na ginawa ng gagamit. Ito’y ginagamit upang maggamit ang bank account kasama ang bank kard kapag ginagamit ang isang Automated Banking Machine o transaksyon sa punto-ng-pagbenta o mga transaksyon sa pagbabangko sa internet at telepono.

Plano sa Pag-ipon sa Nakarehistro Edukasyon [Registered Education Savings Plan (RESP)]Ang RESP ay idinisenyo upang tulungan kang mag-ipon para sa kolehiyo o unibersided na edukasyon ng isang bata. Bagamat ang mga RESP na kontribusyon ay hindi nagbabawas ng buwis, pinahihintulutan ang mga inipon madagdag at lumago sa isang batayan sa pagpapaliban ng buwis hanggang ang mga pondo ay kinuha para sa isang kwalipikadong programa na edukasyon.

Plano para sa Nakarehistro Pag-ipon Pangretiro [Registered Retirement Savings Plan (RRSP)]Ang mga nakarehistro pag-ipon account ay nagpapahintulot sa iyong mag-ipon para sa pagreretiro. Ang income at capital gains mula sa iyong mga pinuhunan ay na-iipon, walang buwis sa kita, hanggang ikinuha sa account. Ang income at capital gains na kinita sa mga accounts na ito ay magbabayad ng buwis bilang regular na kita kapag kinuha.

Account sa Pag-iipon [Savings Account]Ang uri ng bank account na ito ay karaniwang nagbabayad ng interes sa mga

pondo dineposito at nagbibigay ng madaling pagkuha sang inyong pera, bagamat walang ibinibigay na libretto pang-tseke.

Pagba-bangko sa pamamagitan ng Telepono [Telephone Banking]Sa serbisyong ito, nagagawa mo ang mga transaksyon sa bangko nang malayo, sa pamamagitan ng telepono. Ang Scotiabank ay nag-aalok ng libreng kagamitan sa pagbabangko sa telepono – TeleScotia telephone banking – sa kanyang mga kliente.

Takdang Panahon [Term]Ang panahon na ang isang puhunan o isang pautang ay nananatiling may bisâ.

Transaksyon [Transaction]Isang aktibidad sa isang bank account. Maaari ito maging isang deposito, pagkuha ng per, debit card o pagbabayad ng bayarin, pagbayad ng serbisyo o bayad ng interes.

Paglipat sa pamamagitan ng de koryente[Wire Transfer]Ang paglipat de koryente ay ang paglilipat ng pera mula sa isang bank account papunta sa ibang account na pareho o sa ibang institusyon/bansa. Sa ilan mga bansa, ito rin ay tinatawag din na Telegraphic Transfer.

Your name and address

Payment description

Sample Canadian Cheque

Scotiabank branch address

Enter name of person or business to whom payment is being made

Cheque Number

Numeric dollar amount

Date

Your signature

Written dollar amount

Cheque Number

Scotiabank Transit Number

Scotiabank Institution Code

Your Scotiabank Account Number

1. Ang Scotiabank StartRight na Programa na ginawa para sa mga Imigrante Humantong sa Canada na nanirahan nang mula 0-3 taon sa Canada, mga Internasyonal na Mag-aaral at mga Banyagang Manggagawa. Ang Scotiabank StartRight Programa Pansangla, na ginawa para sa mga Imigrante Humantong sa Canada at mga Banyagang Manggagawa na nanirahan nang mula 0-5 taon sa Canada.

2. Sumasailalim sa pagtupad sa mga hinihingi na kriterya sa kredito at garantiya ng Scotiabank. Ang isang hindi sieguradong VISA kard ay maaring makuha hanggang sa tiyak na mga hangganan na kredito; ang isang seguradong VISA kard ay nangangailangan ng isang garantiya na katumbas ng 100% na aprubadong hangganan na kredito para sa mga Banyagang Manggagawa at mga Permanenteng Residente at 120% ng aprubadong hangganan na kredito para sa mga Internasyonal na Mag-aaral. Ang garantiya para sa VISA kard ay maaring maging garantiyang salapi, AngCanada Savings Bonds o Guaranteed Investment Certificate. Bilang karagdagan, upang maging karapat-dapat para sa isang produkto pang personal na paghihiram, ikaw ay dapat isang residente ng Canada at nasa hustong.

3. Ang Scotiabank ay isang awtorisadong ahente na nagbibigay ng mga serbisyo ng Western Union Money Transfer. Ang mga kabayaran ng Western Union Money Transfer ay batay sa halaga na ipinapadala at destinasyon. Ang impormasyon tungkol sa mga kabayaran ng Western Union Money Transfer ay maaring makuha sa isang kalahok na sangay ng Scotiabank. Ang kakayahang magamit ng mga pondo ay mapapailalim sa mga tuntunin at mga kondisyon ng serbisyo,kabilang ang lugar ng ahente, mga oras ng operasyon at pagkakaiba ng oras ng pook. Kinakailangan ang Scotiabank acount pang-araw-araw pagbabangko para magamit ang mga serbisyo ng Western Union Money Transfer mula sa isang kalahok na sangay ng Scotiabank.

4. Ang mga serbisyo ng ABM, telepono at pagbabangko sa, direktang pagbabayad na mga transaksyon, mga pagbabayad ng bayarin, mga pribilehiyo sa pagsusulat ng tsekeng at proteksyon sa utang sa bangko ay hindi pinapayagan sa ganitong account.

5. Naaangkop sa pang-residensiyal na mga sangla lamang at sumasailalim sa kriterya ng paghiram ng Scotiabank para sa mga residensyal na mga ari-arian. Ang pagseguro sa di-makabayad ng sangla ng CMHC/Genworth FinancialCanadaaymaaringkailanganparasaLoantoValueratios(LVRs)[panumbasannghalagangpautang]namahigitsa50%hanggangsapinakamataasna95%.AngpinakamataasnamgaLVRnamakukuhaaymaaring maging mas mababa sa 95%.

6. SakasalukuyanangProgramasaPaghiramparasaSasakyan[AutoLoanProgram]aymagagamitsapamamagitanngmganapilingnagbebentangkotse.AngProgramangitoaymagagamitlamangngmgaimigrantehumantong at mga Dayuhan Manggagawa. Sumasailalim sa mga tuntunin na pinansyal at mga kondisyon ng Scotiabank. Kailangan ang downpayment.

7. Ang mga halaga na pera inilabas ay maari lamang muling puhunan pagkatapos ng taon inilabas.

8. Dapat isang residente ng Canadian at may balidong Social Insurance Number (SIN).

® Mga Rehistradong tatak ng The Bank of Nova Scotia.™ Mga tatak ng The Bank of Nova Scotia. Ang Scotiabank Group ay tumutukoy sa The Bank of Nova Scotia, Scotia Capital Inc, The Bank of Nova Scotia Trust Company at Scotia Securities Inc.* VISA Int./Lic. User The Bankof Nova Scotia.®† Ang pangalan ng WESTERN UNION, logo at kaugnay na mga tatak at mga markahan ng serbisyo, na pag-aari ng Western Union Holdings, Inc, ay inirehistro at /o ginagamit sa U.S. at iba pang mga bansa at ginagamit na may pahintulot.‡ Nirangguhan ng Canadian Business magasin at ng Reputation Institute.§ Nirangguhan ng International Consulting Firm, Oliver Wyman, 2009.¶ Ang Scotiabank Group ay tumutukoy sa The Bank of Nova Scotia, Scotia Capital Inc., The Bank of Nova Scotia Trust Company at Scotia Securities Inc.

Start Right Here.Bisitahin ang scotiabank.com/startright

Tumawag sa 1-866-800-5159 (North America lamang– Ingles, Pranses, Cantonese, Mandarin, Punjabi at Espanyol)

Bumisita sa iyong pinakamalapit na sangay ng Scotiabank

Plinano mo ang iyong paglipat.

Hayaan mo kaming tulungan kang

planuhin ang iyong kinabukasan.

9097258 (03/12)