4
VOLUME 1 ISSUE NO. 3 NOBYEMBRE 2011 OPISYAL NA LATHALAIN NG TANGGAPAN NI BOARD MEMBER ROLANDO E. BONOAN, JR. Pogs, mapapalaban na naman ang Palawan sa mga dayuhan! May recall daw? korek ka Tags, pero d tayo papayag maging dayuhan sa sariling bayan! No to RECALL! Official Brand ng Lalawigan, Isinulong ni BM Boy Bonoan ‘PALAWAN, EVERY ISLAND AN ADVENTURE’ MOA sa Pagbubukas ng Cuyo Technical- Vocational High School PAHINA 2 Suportado ng League of Provinces ang Laban ng Palawan sa Malampaya PAHINA 4 INIHAIN ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika- 27 ng Setyembre, 2011 ang ordinansa na naglalayong i-adopt ang ‘Brand’ na “PALAWAN, EVERY ISLAND AN ADVENTURE”. Sa kanyang pahayag, tinuran ng Board Member na malaki ang benepisyo at kaibahang maidudulot ng pagkakaroon ng opisyal na brand o trademark na nagpapahayag ng katangian at sariling pagkakakilanlan ng Palawan. Ani BM Bonoan, malaking bentahe ito lalo na sa pagpapakilala at kampanya ng lalawigan sa nasyunal at pandaigdigang merkado partikular sa industriya ng turismo. ________________________________ SUNDAN SA P. 3

‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’ Official Brand ng ... filena Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong

  • Upload
    vandieu

  • View
    242

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’ Official Brand ng ... filena Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong

VOLUME 1 ISSUE NO. 3 NOBYEMBRE 2011OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO E. BONOaN, JR.

Pogs, mapapalaban na naman ang Palawan sa mga dayuhan! May recall daw?

korek ka Tags, pero d tayo papayag maging dayuhan sa sariling bayan! No to RECALL!

Official Brand ng Lalawigan, Isinulong ni BM Boy Bonoan

‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’

MOA sa Pagbubukas ng Cuyo Technical-Vocational High School

pahina 2

Suportado ng League of Provinces ang Laban ng Palawan sa Malampaya

pahina 4

InIhaIn ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-27 ng Setyembre, 2011 ang ordinansa na naglalayong i-adopt ang ‘Brand’ na “PaLaWan, EVERY ISLanD an aDVEnTURE”.

Sa kanyang pahayag, tinuran ng Board Member na malaki ang benepisyo at kaibahang maidudulot ng pagkakaroon ng opisyal na brand o trademark na nagpapahayag ng katangian at sariling pagkakakilanlan ng Palawan. ani BM Bonoan, malaking bentahe ito lalo na sa pagpapakilala at kampanya ng lalawigan sa nasyunal at pandaigdigang merkado partikular sa industriya ng turismo.

________________________________

sundan sa p. 3

Page 2: ‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’ Official Brand ng ... filena Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong

2 I BONOAN REPORT NOBYEMBRE 2011

EDITORYAL

For Feedback and suggestion, kindly contact us.

address: OffIcE Of BM rOlandO BOnOan, Jr.capitol complex, legislative Bldg, fernandez st., PPc, Palawan

Website: www.bonoanreport.weebly.com email: [email protected]

InIhaIn ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang resolusyong nagbibigay kapangyarihan kay Governor Mitra upang pumasok at lumagda sa Tripartite Memorandum of agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, Palawan State University (PSU), at Department of Education (DepED).

Ito ay matapos lagdaan ng Gobernador ang naunang resolusyong inihain ni BM Bonoan na humihiling kay Dr. Sinforosa a. Guiñares, OIC-Regional Director ng DepEd-Region IV B-MIMaROPa na aprobahan ang muling pagbubukas ng Cuyo Technical Vocational high School sa Munisipyo ng Cuyo.

Matatandaan na isang pagpupulong ang isinagawa sa gusaling kapitolyo noong ika-14 ng hunyo, 2011 na pinangunahan ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan, at dinaluhan ni Dr. Guiñares, mga opisyales ng Palawan State University sa pangunguna ni PSU-OIC, Dr. Erlinda Ganapin, DepED-Palawan, Lokal na Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong ipinahayag ni Dr. Guiñares ang kanyang suporta na muling buksan ang Cuyo Technical Vocational high School. nagkasundo ang mga dumalo sa pagpupulong na bumalangkas ng isang kasunduan para sa pagsasakatuparan nito.

Matatandaan na nagsara ang dating Palawan State University-Palawan College of arts and Trade o PSU-PCaT sa bayan ng Cuyo dahil sa kautusan ng Commission on higher Education o ChED noong 2008 kaya napilitang lumipat ang halos isandaang (100) apektadong estudyante sa Cuyo national high School, dalawang kilometro ang layo mula sa kabayanan na lubhang nagpapahirap sa mga mag-aaral sa kanilang pagpasok.

Umaasa si BM Bonoan na sa bagong kaganapan ay tuluyan ng maiibsan ang kabigatan ng may kasalukuyang bilang ng mahigit dalawang-daang (200) mga mag-aaral at makakatulong na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabayanan. ang naturang resolusyon ay agad na inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan.

MOA sa Pagbubukas ng Cuyo Technical-Vocational High School

Dahil sa mabilis na pagkalat ng mga nakamamatay na sakit at upang magkaroon ng angkop na polisiya sa pag-kontrol ng mga nakakahawang sakit, inihain ni Board Member Bonoan ang isang resolusyon na humihiling sa Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan na itatag ang Provincial Epidemic Management Committee na siyang

Pagtatatag ng Prov’l Epidemic Management Commitee

sundan sa pahina 3

Isinulong ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang isang panukalang ordinansa na inaasahang magpapalakas sa pagkakakilanlan ng Palawan hindi lamang sa ating

bansa kundi sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Kamakailan ay inilunsad ng Palawan Tourism Council sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang tinaguriang Palawan brand: Palawan, Every Island an adventure.

ayon kay BM Bonoan, panahon na upang higit na maipakilala ang lalawigan hindi lamang sa mga probinsya kundi sa iba’t-ibang bansa at maisulong ang higit na pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa lalawigan. Malaki ang maitutulong ng isang tatak na ekslusibo sa Palawan at magtataguyod ng bukod-tanging katangian ng Palawan sa lahat ng mga panauhin, turista, biyahero at maging mga negosyante. Makakatulong ang “brand” o tatak na eksklusibo para sa lalawigan para madaling maalala ang pangalan at imahe ng Palawan bilang isang lugar na may magagandang dalampasigan, mapuputing buhangin, mayamang karagatan, makukulay na gasangan, luntiang kagubatan at mayamang likas-yaman.

Ito ang mgagiging daan upang higit na umunlad ang industriya ng turismo sa lalawigan. Marami sa ating mga kababayan ang mabibigyan ng hanapbuhay at tataas ang antas ng ekonomiya ng lalawigan na magbubukas sa iba pang oportunidad sa mga pangkaunlarang kabuhayan.

Iminumungkahi ni BM Bonoan sa kanyang ini-akdang ordinansa na i-adopt o gamitin ng lubusan ang nasabing tatak ng Palawan sa lahat ng materyales na pang-komunikasyon, sa sasakyang pang-turismo, establisiyemento, billboard at iba pang uring pang-komunikasyon ng lahat ng mga namumuhunan sa industriya ng turismo sa buong lalawigan ng Palawan. Kailangang magkaisa ang lahat sa tamang paggamit ng naturang “brand” ayon sa porma at estilo kung paano ito isinulat batay na rin sa pag-aaral ng Palawan Tourism Council.

Kailangang maitaas na ang antas ng promosyon ng Palawan bilang isang pangunahing destinasyong pang-turismo sa ating bansa. Magagawa ito kung ang lahat ng nasa sektor ng turismo, pamahalaan at iba ay nagkakaisa at nagkakasundo sa ilalim ng iisang Palawan brand.

Palawan Brand

Page 3: ‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’ Official Brand ng ... filena Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong

BONOAN REPORT I 3NOBYEMBRE 2011

Official Brand ng Lalawigan...mula sa pahina 1

Matatandaan na kamakailan ay inaprobahan at inilunsad ng Palawan Tourism Council sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Baham Mitra ang ‘Brand’ na “PaLaWan, EVERY ISLanD an aDVEnTURE” kalakip ang mga ‘specifications’ nito. Ang disenyo ng naturang ‘Brand’ ay mula sa alpabetong alibata-isang primitibong alpabeto na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagtuturo sa kanilang mga anak at kasalukuyan pa ring ginagamit ng mga katutubo sa ibang bahagi ng lalawigan. ang disenyo ay nagpapahayag ng paggalang at pagpupugay sa iba’t-ibang kultura at pamanang tradisyon ng mga Palaweño.

Sa kanyang ordinansa, hinihikayat ni BM Bonoan ang publiko, mga lokal na pamahalaan, ang Provincial Tourism Office, mga establisiyemento at organisasyong

pangturismo, mga institusyon ng pamahalaan, establisiyementong pang-komersyo, non-Governmental Organizations (nGOs), at ang pribadong sektor na gamitin ang nasabing ‘Brand’ sa lahat ng mga uri ng komunikasyon at pang-promosyon na materyales katulad ng billboard at signage, mga sasakyang pang-turismo, at mga gusali kung saan maaring i-imprinta ang naturang ‘Brand’.

naniniwala si BM Bonoan na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

sariling ‘Brand’ na madaling tandaan at nagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Palawan ay higit na mapapalakas ang paghihikayat sa mga turista na bumisita sa ating lalawigan.

Si Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ay Chairman ng Cultural heritage and Tourism Development ng Sangguniang Panlalawigan at Co-Chairman ng Management Committee ng Palawan Tourism Council. ang naturang ordinansa ay aprubado na ng Sanggunang Panlalawigan.

luBos na ikinagalak ni Board Member Bonoan matapos ang matagumpay na pagdaraos ng licensure Examination for Teachers o lET sa holy Trinity university, lungsod ng Puerto Princesa noong ika-25 ng setyembre, taong kasalukuyan na umabot sa 1,098 ang kumuha ng lET mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

ani BM Bonoan, malaking tulong ang pagsasagawa ng lET sa Palawan dahil nakaiwas ang mga examinees sa malaking

gastusin kung sa Kamaynilaan isinagawa ang naturang pagsusulit.

sa kanyang resolusyon ay hiniling ni BM Bonoan sa Philippine Regulatory Commission o PRC na muling ibalik ang pagsasagawa ng pagsusulit sa Palawan matapos ipag-utos ng naturang ahensya ang pagpapatigil ng lET sa lalawigan dahil sa diumano’y naganap na pandaraya sa naunang pagsusulit noong ika-9 ng oktubre, 2009. Kaugnay nito ay hiniling din

ni BM Bonoan na paimbestigahan ang naturang alegasyon ng pandaraya at papanagutin ang dapat managot ngunit aniya, hindi ito dapat maging dahilan para tuluyan ng ikansela ang Palawan bilang lET Testing Center.

sa tulong at matagumpay na pakikipag-ugnayan ni Governor Mitra sa pamunuan ng PRC at suporta ng sangguniang Panlalawigan ay naisakatuparang muli ang pagkakaroon ng pagsusulit ng lET sa lalawigan.

Matagumpay na licensure Examination for teacher

Pagtatatag ng Prov’l Epidemic Management... mula sa pahina 2

sa kanyang resolusyon, tinuran ni BM Bonoan na ang pagtatatag ng Provincial Epidemic Management Committee ay isa sa mga tungkulin na iniatas sa lokal na Pamahalaan sa pagpapatupad ng Philippine integrated Disease surveillance and Response (PiDsR) Framework upang matugunan nang maayos ang mga sakit na naturan. Magiging daan din ito ani BM Bonoan para maitatag din ang mga Municipal Epidemic Management Committee. Kaugnay nito, hiniling ni Board Member Bonoan na makipag-ugnayan ang Provincial Health Office sa Regional Epidemic Management Committee para sa epektibong pag-oorganisa ng naturang

komite sa lalawigan. at upang matiyak ang implementasyon ng nasabing panukala, hiniling ni BM Bonoan kay Gob. Mitra na maglabas ng Executive order para sa pagsasakatuparan nito.

Naniniwala si BM Bonoan na ang pagtatatag ng Provincial Epidemic Management Committee ay higit na magpapalakas sa kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsugpo at pagpigil sa pagkalat ng mga nakakamamatay na sakit sa buong lalawigan at sa pagtataguyod ng mabuting kalusugan sa ilalim ng hEaT program ni Gob. Mitra at ng Pamahalaang Panlalawigan.

mangangasiwa sa pagpigil sa pagkalat ng mga nakakahawang sakit at tumulong sa epektibong pagpapatupad ng Philippine integated Disease surveillance and Response (PiDsR) framework sa buong lalawigan.

ayon kay BM Bonoan, napapanahon ang pagtatatag ng naturang komite dahil sa dumaraming kaso ng iba’t-ibang sakit sa lalawigan na kailangang tugunan ng mga ahensya ng kalusugan lalo na ang mga sakit na mabilis kumalat tulad ng kolera, diarrhea, TB, gayundin ang malaria at dengue. Dagdag pa dito, aminado ang Doh na hindi naipapatupad nang lubos ang disease surveillance system sa buong bansa.

Page 4: ‘Palawan, EvEry Island an advEnturE’ Official Brand ng ... filena Pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay, upang talakayin ang naturang usapin. Sa nabanggit na pagpupulong ay positibong

4 I BONOAN REPORT NOBYEMBRE 2011

PInaSaLaMaTan ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang Liga ng mga Lalawigan sa Pilipinas matapos magpasa ng resolusyon ang national Executive Board ng naturang liga kamakailan na nagpapahayag ng suporta sa lalawigan ng Palawan kaugnay sa bahagi nito mula sa kita ng pamahalaan sa Camago-Malampaya natural Gas Project.

Sa naturang resolusyon, tinuran ng LPP na may karapatan ang Palawan mula sa kita ng Malampaya base sa isinasaad ng Konstitusyon at Local Government Code. Kaugnay nito, hiniling ng LPP kay Pangulong aquino na atasan ang mga kinauukulang ahensya na ibigay na ang legal na bahagi ng Palawan mula sa kita ng

Suporta ng League of Provinces sa Laban ng Palawan sa Malampaya

Malampaya.Dahil dito, isang resolusyon ang

inihain ni Board Member Bonoan bilang pasasalamat sa naging suporta ng LPP sa Palawan dahil ani BM Bonoan, ang resolusyon ng LPP ay higit na nagpalakas at nagpatibay sa pakikipaglaban ng Palawan sa karampatang bahagi nito sa kita ng Malampaya.

Sa kanyang resolusyon, hiniling ni BM Bonoan kay Pangulong aquino at sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan partikular ang lalawigan ng Palawan at sundin ang isinasaad ng batas tungkol sa mga pambansang yaman na

matatagpuan sa hurisdiksyon ng lokal na pamahalaan.

Sa pagkakataong ito ay umaasa si Board Member Bonoan na tutugunan na ng Pamahalaang nasyunal ang panawagan ng Palawan na ipagkaloob ang bahagi ng lalawigan mula sa kita ng Malampaya matapos manawagan ang League of Provinces of the Philippines sa Pangulo na atasan ang mga kinauukulang ahensya na ibigay na sa Palawan ang bahagi nito mula sa kita ng Malampaya.

ang naturang resolusyon ay agad na inaprobahan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Martes, ika-9 ng agosto, taong kasalukuyan.

InIhaIn ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang resolusyong naglalayong palakasin at patatagin ang pwersa ng kapulisan at mga pribadong ahensyang pangseguridad sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa mga pangunahing destinasyong pang-turismo sa buong lalawigan.

ani BM Bonoan, lubhang napakahalaga at napapanahon ang higit na pagpapatatag ng seguridad pangturismo sa buong lalawigan dahil sa dumaraming bilang ng mga turista at panauhin na pumupunta sa lalawigan.

Pagpapalakas ng tourist Police force sa Buong lalawiganayon kay BM Bonoan kinakailangang

maging sapat ang presensya ng mga opisyal at kawani na tagapagpatupad ng kapayapaan at seguridad katulad ng Philippine national Police (PnP) para tugunan ang seguridad sa mga mahahalagang destinasyong pangturismo.

Kaugnay nito, hinihikayat ni BM Bonoan ang PnP, mga pribadong ahensyang pangseguridad, mga lokal na pamahalaan, mga pangunahing establisyementong pangturismo, mga konseho at mga organisasyon na suriing mabuti at magsagawa

ng pagpaplano at palakasin ang programang pangseguridad.

ani BM Bonoan, “Mahalaga ang seguridad ng isang lugar sa pagpapa-unlad ng turismo, dahil dito nakasalalay ang tiwala at pagtangkilik ng mga turista at mga negosyante at organisasyong nais mamuhunan sa industriya ng turismo sa lalawigan.”

Umaasa si BM Bonoan na positibong tutugunan ng mga kinauukulan ang kanyang panukala para sa tuloy-tuloy na tagumpay at paglago ng industriya ng turismo sa Palawan.

Pinasalamatan ni Board Member Rolando Bonoan

Si BM Bonoan habang nakipag-

ugnayan sa public hearing

na kanyang pinangunahan sa bayan ng Narra nooong ika-28 ng Setyembre

kaugnay sa usapin ng live

fish trading, regulasyon sa

paggamit ng plastic bags,

at paglagay ng mga pesticide containers sa tamang lugar.