52
PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON KAAYUSAN NG PANALANGIN SA TAKIPSILIM TUWING HUWEBES PAROKYA NG MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO LOPEZ, QUEZON

PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

  • Upload
    lykien

  • View
    412

  • Download
    38

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PANALANGIN NG MGA

KRISTIYANO SA MAGHAPON

KAAYUSAN NG PANALANGIN

SA TAKIPSILIM TUWING HUWEBES

PAROKYA NG MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO

LOPEZ, QUEZON

Page 2: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PANALANGIN PATUNGO SA PAGIGING

PAROKYA NG MGA MABUBUTING KATIWALA

Ama naming Makapangyarihan at Mapagmahal, nagpapasalamat po kami

bilang sambayanang pinagpala kay Maria.

Bilang tugon sa Iyong kagandahang-loob,

turuan mo kaming magkaroon ng matatag na pananampalataya at pag-ibig sa Iyo.

Magtalaga nawa kami ng aming sarili

bilang tagapamahala at tagapagmana ng lahat ng kagalingan ng Iyong nilikha dito sa lupa.

Ibinigay Mo po sa amin ang karapatang pamahalaan

ang kayamanang ginawa Mo

sa mundong aming ginagalawan ngayon. Matuto nawa kaming magpasalamat

sa lahat ng Iyong kagandahang-loob

at magtalaga ng panahon, talino at yaman tungo sa pangarap naming maging parokya

ng mga Mabubuting Katiwala.

Hinihiling po namin ito

sa ngalan ng aming Panginoong Jesu-Kristo, kaisa ng Espiritu Santo

at panalangin ni Mariang aming Ina,

magpasawalang hanggan.

Amen.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,

ipanalangin mo kami.

Page 3: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

1

Panginoon, turuan ninyo kaming manalangin...

Page 4: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: Sa ngalan ng Ama…

N: Binati ng anghel ng Panginoon si Ginoong Santa Maria.

L: At siya‘y naglihi lalang ng Espiritu Santo.

N: Aba Ginoong Maria…

L: Santa Maria, Ina ng Diyos…

N: Narito ang alipin ng Panginoon.

L: Maganap nawa sa akin ayon ayon sa wika mo.

N: Aba Ginoong Maria…

L: Santa Maria, Ina ng Diyos…

N: At ang Salita ay nagkatawang-tao.

L: At nakipamuhay sa gitna natin.

N: Aba Ginoong Maria…

L: Santa Maria, Ina ng Diyos…

N: Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos.

L: Nang kami ay maging marapat sa mga pangako ni Jesu-

Kristong aming Panginoon.

N: Manalangin tayo.

L: Panginoon naming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga

kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa pa-

mamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni

Jesu-Kristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal na pagpapakasa-

kit at pagkamatay Niya sa krus, ay pakinabangin Mo kami sa

Kanyang pagkabuhay na mag-uli, sa kaluwalhatian sa langit, sa

pamamagitan ni Jesu-Kristong Panginoon namin. Amen.

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen. (3x)

ANGELUS

Page 5: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: Sa ngalan ng Ama…

N: O Reyna ng langt, magalak ka! Aleluya!

L: Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan,

Aleluya!

N: Ay nabuhay na mag-uli, gaya ng Kanyang sinabi! Aleluya!

L: Ipanalangin mo kami sa Diyos! Aleluya!

N: Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria! Aleluya!

L: Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon! Aleluya!

N: Manalangin tayo...

L: O Diyos na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng Iyong

Anak na si Jesu-Kristong Panginoon namin, ay minarapat Mong

paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa Iyo, na alang-alang

sa Birheng Maria na Kanyang Ina, ay makamtan namin ang

kaligayahan sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan din ni

Jesu-Kristong Panginoon namin. Amen.

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen. (3x)

O REYNA NG LANGIT (Regina Coeli)

Page 6: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan
Page 7: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

BALANGKAS AT KAAYUSAN NG PANALANGIN SA

TAKIPSILIM

1. PASIMULA

(Nakatayo ang lahat sa pagsisimula ng Panalangin.)

N: O Diyos, halina at ako‘y tulungan. (Ang lahat ay magkrukrus.)

L: O Panginoon, magmadali ka sa Iyong pagdamay

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. (Maaaring

yumukod nang bahagya sa bahaging ito.)

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen. (Aleluya) (Idinadagdag ang Aleluya maliban kung

Panahon ng Kuwaresma.)

2. AWIT

(Aawitin o dadasalin ang awit o anumang angkop na awitin.)

3. MGA ANTIPONA AT SALMO

(Binubuo ito ng dalawang Salmo at isang Papuring awit

mula sa Bagong Tipan at ng mga angkop na antipona. Matapos

banggitin ang unang antipona ay maaari nang maupo ang lahat.

Bibigkasin ng tagapamuno lamang ang unang linya ng Salmo o

Papuring Awit at matapos ito’y sasabay naman ang mga nasa

kanyang panig, i.e. kung siya’y nasa kanan o kaliwa man. Mata-

pos ang unang taludtod ay bibigkasin naman ng kabilang panig

ang kasunod na taludtod at magsasalitan ang dalawang panig

hanggang sa matapos ang Salmo sa pamamagitan ng pagdarasal

ng Papuri sa Ama. Uulitin ang antipona at pasisimulan ang pan-

galawang Salmo tulad rin ng sa una. Gayon din ang gagawin sa

Papuring Awit mula sa Bagong Tipan. Ang mga tandang “—” sa

hulihan ng ilang linya ay nangangahulugang bahagi pa rin ng

3

Page 8: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

taludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.)

4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS

(Matapos ang salteryo ay susundan ito ng maikling

pagbasa mula sa Bagong Tipan. Sa hulihan ay maaaring sabihin

ang sumusunod:)

Tagabasa: Ito ang Salita ng Diyos.

Lahat: Salamat sa Diyos.

(Maaari ring magkaroon ng sandaling katahimikan mata-

pos ang pagbasa upang magbigay-daan sa pagninilay.)

5. TUGUNAN (Tugon sa Salita ng Diyos)

6. PAPURING AWIT NI MARIA (Lk 1:46-56)

(Sisimulan sa pamamagitan ng angkop na Antipona)

Tingnan sa unang pahina.

(Uulitin ang antipona)

7. PANGKALAHATANG PANALANGIN

(Maaaring isagawa ang Pangkalahatang Panalangin sa

dalawang pamamaraan: Una, bibigkasin ng tagapamuno ang

unang bahagi ng bawat panalagin samantalang itutugon ng lahat

ang ikalawang bahagi nito. Pangalawa, bibigkasin ng tagapamu-

no ang buong panalangin samantalang isasagot naman ng lahat

ang tugon na nasa unahan ng mga panalangin. Bago bigkasin

ang huling panalangin na laan para sa mga yumao ay maaaring

bigyang daan ang mga personal at pangkalahatang panalangin

na hindi pa nabanggit sa mga nauna nang ipinanalangin e.g.

para sa bokasyon, para sa ikatatagumpay ng anumang gawain

etc. Sinuman ay maaaring manalangin sa bahaging ito at isasa-

got naman ng lahat ang tugon gaya ng sa pangalawang pamama-

raan.)

8. AMA NAMIN

(Dadasalin o kaya ay aawitin ang Ama Namin)

9. PANGWAKAS NA PANALANGIN

4

Page 9: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

(Isusunod agad ng pari ang Pangwakas na Panalangin na hindi

pinapangunahan ng mga katagang, “Manalangin tayo. . .”. Kung

wala ang pari ay ang lahat ang mananalangin.)

10. PAGHAYO

(Kung may pari o diakono)

Sumainyo ang Panginoon

— at sumainyo rin.

Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at

Espiritu Santo.

— Amen.

(Maari ring gamitin ang ibang anyo ng pagbabasbas katulad

nang sa Misa. Kung wala nang kasunod na gawain matapos ang

panalangin, maaari ding idagdag ng pari:)

Humayo kayong mapayapa.

— Salamat sa Diyos

(Kung walang pari o diakono)

Pagpalain nawa tayo ng panginoon, iligtas tayo mula sa lahat

ng kasamaan at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

— Amen.

5

Page 10: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

6

APAT NA LINGGONG SALTERYO

Page 11: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: O Diyos, halina at ako‘y tulungan.

L: O Panginoon, magmadali ka sa Iyong pagdamay

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

(Aleluya)

AWIT

Salamat sa ating D‘yos, sa biyayang kaloob,

Sa tanim, mga ani, bungang nakabubusog.

Sumisibol ang laki, habang ang tao ay tulog,

Kailangan ng bukas, D‘yos ay di lumilimot.

Sundin ang kalooban ng Diyos nadakila,

Sa gampaning tumulong, kailangan ang kapwa,

May pagkain ang gutom, kung mayro‘ng maaawa,

Kung lahat may pag-ibig, di lamang sa salita.

Sa D‘yos ay pasalamat, sa kanyang kabutihan,

Kaloob n‘ya sa tao, ani ng kalikasan,

Sa ati‘y pinahayag, plano‘t katotohanan,

Na tayo‘y mahal niya, sa lahat ng nilalang.

ANTIPONA 1: Nanikluhod ako sa‘yo, Panginoon, at ako‘y pina-

galing mo; pupurihin kita magpakailanman.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Ang kalumbayan ko‘y ginawa

mong kagalakan, aleluya.

Salmo 30

(Pasasalamat sa pagkaligtas sa kamatayan)

O PANGINOON ko,

Sa iyong ginawa, kita‘y pinupuri‘t ako‘y iniligtas, —

7

HUWEBES SA UNANG SANLINGGO

Page 12: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwa‘t magalak.

Ako ay dumaing,

At sa pagtawag ko,

Tinulungan ako ng PANGINOONG aking Diyos,

Pinagaling ako sa taglay kong sakit, ako ay ginamot.

Mula sa libingang

Daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;

Ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

Purihin ang PANGINOON,

Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang,

Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,

Ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!

Hindi nagtatagal

Yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya‘y walang wakas.

Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,

Sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

Kaya‘t sa nadamang

Pagkalinga niya‘y nagtiwala akong hindi maaano,

At aking nawika sa aking sarili:

―Kahit na kailan hindi matatalo.‖

Kay buti mo, PANGINOON!

Ako‘y iningatan sa kutang matibay na animo‘y bundok,

Subalit nang ika‘y lumayo sa akin ako ay natakot.

Tinawag ko ikaw,

At aking hiniling sa iyo, O PANGINOON, na ako‘y tulungan.

Anong kabutihan

Ang maidudulot kung ako‘y mamatay?

Kung ako‘y malibing, anong pakinabang ang iyong kakamtan?

Magpupuri pa ba ang mga wala na, matapos pumanaw?

Maihahayag ba ng mga patay na, ang ‗yong kabutihan?

Kaya‘t ako‘y dinggin,

Ikaw ay mahabag sa akin, O PANGINOON, ako ay pakinggan;

Mahabag ka, PANGINOON! —

8

Page 13: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.

Iyong pinawi na,

Itong aking lungkot, sumasayaw ako sa galak at tuwa!

Nadama ko‘y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.

Di ko titigilan

Yaring pagpupuri, di ako titigil sa aking pag-awit,

Ang pasasalamat sa iyo, O PANGINOON, ay di mapapatid.

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 1: Nanikluhod ako sa‘yo, Panginoon, at ako‘y pina-

galing mo; pupurihin kita magpakailanman.

ANTIPONA 2: Siya na walang kasalanan sa mata ng Panginoon

ay tunay na mapalad.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Nakapagbalik-loob tayo sa

Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak na si He-

sus, aleluya.

Salmo 32

(Mapalad silang pinatawad sa kanilang mga sala)

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,

At nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;

Mapalad ang taong sa harap ng PANGINOON ay di naparatangan

Dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nanlinlang.

Noong hindi ko pa naipapahayag yaring kasalanan,

Sa buong maghapon, ako‘y nanangis sa matinding lumbay;

Sa araw at gabi, bigat ng kamay mo ang nararamdaman,

Anupa‘t wala nang nalalabi akong lakas sa katawan,

Hamog ang kaparis na dagling natuyo sa sikat ng araw.

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala‘y inamin,

Ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;

Pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo‘y idaing,

At aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.

9

Page 14: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Ang lahat ng tapat, sa panahong gipit dapat manalangin,

Upang bumugso man ang malaking baha‘y di sila abutin

Kublihan ko‘y ikaw, ikaw ang sasagip kung nababagabag,

Aking aawitin ang pagkakalinga at ‘yong pagliligtas.

Ang sabi ng PANGINOON, ―Aking ituturo ang ‗yong daraanan,

Ako ang sa iyo‘y magbibigay-payo, kita‘y tuturuan.

H‘wag kang tumulad sa iyong kabayo o sa iyong mola,

Na para tumigil ay kailangan pang hatakin ang renda.‖

Mapaparusahan, tiyak magdurusa yaong masasama,

Wagas na pag-ibig ang dulot ng PANGINOONG nagtitiwala.

Lahat ng matuwid at tapat sa PANGINOON, magalak na lubos,

Dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos;

Sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya‘y sumusunod!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 2: Siya na walang kasalanan sa mata ng Panginoon

ay tunay na mapalad.

ANTIPONA 3: Ipinagkaloob ng Ama kay Kristo ang lahat ng ka-

pangyarihan, karangalan at paghahari. Ang lahat ay tatalima sa

kanya.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Panginoon, sino ang makaka-

pantay sa iyong kapangyarihan? Sino ang katulad mo, na marin-

gal sa kabanalan, aleluya.

AWIT: Pahayag 11:17-18; 12:10b-12a

(Ang hatol ng Diyos)

PANGINOONG Diyos na Makapangyarihan sa lahat,

Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraaan,

Nagpapasalamat kami na ginamit mo

Ang iyong walang hanggang kapangyarihan —

10

Page 15: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

At nagpasimula ka nang maghari!

Nagngingitngit ang mga ‗di kumikilala sa Diyos.

Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot,

Ang paghatol sa mga patay,

At ang pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo,

At sa iyong mga hinirang,

Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma‘t hamak.

Panahon na upang lipulin mo ang mga nagpapahirap sa sanlibu-

tan.

Dumating na ang pagliligtas ng Diyos!

Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari!

Ipinamalas na ng Mesiya ang kanyang karapatan!

‗Pagka‘t pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga

kapatid natin.

Nagtagumpay sila laban sa diyablo

Sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

At ng kanilang pagsaksi sa katotohanan;

Hini sila nanghinayang sa kanilang buhay.

Kaya‘t magalak kayo, kalangitan,

At lahat ng naninirahan diyan!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 3: Ipinagkaloob ng Ama kay Kristo ang lahat ng ka-

pangyarihan, karangalan at paghahari. Ang lahat ay tatalima sa

kanya.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (1 Pedro 1:6-9)

Ito‘y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring mag-

danas muna kayo ng iba‘t ibang pagsubok sa loob ng maikling

panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang

11

Page 16: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong

pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinaraan sa pagsubok

upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo‘y papupuri-

han, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-

Kristo. Hindi ninyo siya nakita kailanman, ngunit siya‘y inibig na

ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita magpahanggang ngayon,

ngunit nananalig na kayo sa kanya. Dahil dito‘y nag-uumapaw na

sa inyong puso ang kagalakang ‗di kayang ilarawan sa salita.

Sapagkat inaani na ninyo ang bunga ng inyong panananam-

palataya – ang inyong kaligtasan.

TUGUNAN

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa pin-

akamagandang trigo.

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa

pinakamagandang trigo.

Para sa ikagagalak ng ating puso,

ang tinapay mula sa pinakamagandang trigo.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa

pinakamagandang trigo.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Ibinagsak ng Diyos ang mga hari mula sa kanilang

trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

PANGKALAHATANG PANALANGIN

Ang pag-asa natin ay nasa Diyos, nagbibigay sa atin ng tulong.

Tumawag tayo sa kanya at wikain:

Panginoon, lingapin mo kaming iyong mga anak.

12

Page 17: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Panginoon, aming Diyos, gumawa ka ng walang hanggang tipan

sa iyong sambayanan,

ipaalala sa amin tuwina ang iyong wagas na kabutihan.

Tulutan mong umunlad tungo sa ganap na pag-ibig ang iyong

mga ministrong hinirang,

at panatilihing nagkakaisa ang iyong sambahayan sa buklod

ng kapayapaan.

Samahan kami sa pagtatayo ng isang makataong pamayanan,

sa pagtatayo nito, ang hirap namin ay huwag nawang ma-

sayang.

Sa iyong ubasan magpadala ka ng mga manggagawa,

at papurihan ang iyong ngalan sa lahat ng mga bansa.

Tanggapin upang makapiling ng mga banal, ang mga yumaong

mahal namin sa buhay,

upang makihati kami sa kanilang kasiyahan balang araw.

Ama Namin. . .

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama,

pinagliliwanag mo ang gabi

at sa bukang liwayway, pinangangalat mo ang dilim.

Tulutan mong lumipas itong magdamag

nang ligtas at malayo sa kapangyarihan ni Satanas,

at upang purihi’t mapasalamatan ka namin

pagdating ng bukas.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristo,

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

13

Page 18: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: O Diyos, halina at ako‘y tulungan.

L: O Panginoon, magmadali ka sa Iyong pagdamay

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

(Aleluya)

AWIT

Lahat kayong nabubuhay, ngayon ay mag-awitan,

Pasalamatan ang Diyos, na sa ati‘y lumalang.

Lagi siyan kasama, at inaalagaan,

Hanggang sa huling araw, tayo‘y ginagabayan.

Ilaw n‘ya‘y nangunguna, tanglaw sa hating-gabi,

Pinapawi ang dilim, anino‘y walang silbi,

Batas ay katarungan, kalikasan ang saksi,

Araw, bundok at dagat, siya ang sinasabi.

Tayo‘y dapat umawit, galak ay ipahayag,

Siya‘y ating sambahin, siya‘y purihin ng lahat,

Tao ay magkaisa sa pagpapasalamat,

Osana at papuri, sa Diyos na ating lakas!

ANTIPONA 1: Ginawa ko kayong ilaw ng lahat ng mga bansa

upang dalhin ang dulot kong kaligtasan hanggang sa dulo ng

daigdig.

HUWEBES SANTO: Hinirang tayo ni Jesu-Kristo, ang panganay

mula sa mga patay at Hari ng mga hari sa sangkalupaan, bilang

maringal na bayan upang ang kanyang Diyos at Ama ay ating

mapaglingkuran.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Itinalaga siya ng Diyos bilang

hukom ng mga buhay at ng mga patay, aleluya.

14

HUWEBES SA IKALAWANG SANLINGGO

Page 19: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Salmo 72

(Ang maringal na kapangyarihan ng Mesiyas)

I

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran,

Sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya‘y bahaginan;

Upang siya‘y maging tapat mamahala sa‘yong bayan,

At pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Ang lupain nawa niya‘y umunlad at managana;

Maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap

At ang mga taong wala‘y pag-ukulan ng paglingap;

Yaon namang nang-aapi ay malupig at bumagsak.

Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,

Hangga‘t mayro‘ng namamalas na sikat ng buwa‘t araw.

Hari nila ay matulad sa ulan ng kaparangan;

Bumubuhos kung dumating sa lupain yaong ulan.

Yaong buhay na mat‘wid sa kanyang kapanahunan,

Madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.

Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,

Mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Sa harap n‘ya ay susuko yaong mga nasa ilang;

At ang mga kaaway n‘ya‘y mahihiga sa lansangan.

Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya,

Maghahandog ng kaloob, ihahain din sa kanya;

Pati yaong mga hari ng Arabia at Etiopia,

May mga kaloob ding taglay nilang alaala.

Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya,

Mga bansa‘y magpupuri‘t maglilingkod tuwina.

(Papuri sa Ama at. . .)

15

Page 20: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

ANTIPONA 1: Ginawa ko kayong ilaw ng lahat ng mga bansa

upang dalhin ang dulot kong kaligtasan hanggang sa dulo ng

daigdig.

ANTIPONA 2: Ililigtas ng Panginoon ang mga anak ng mga

dukha at iaahon sila sa pagkaalipin.

HUWEBES SANTO: Ang Panginoon ay magiging tagapagtanggol

ng mahihina; pagpapalain niya mula sa kamay ng mga maka-

pangyarihan ang mga dukha.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Pagpapalain ang lahat ng bansa

sa pamamagitan niya, aleluya.

II

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,

Lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;

Sa ganitong mga tao siya‘y lubhang nahahabag;

Sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas,

Sa kanya ang buhay nila‘y mahalagang hindi hamak.

Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay!

At magbuhat sa Arabia‘y magtamo ng gintong-yaman;

Sa tuwina siya nawa‘y idalangin nitong bayan,

Kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay.

Sa lupai‘y sumagana nawang lagi ang pagkain;

Ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim

At matulad sa Libano na mauunlad ang lupain.

Yaong kanyang mga lunsod, dumami ang mayayaman,

Sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan.

Nawa yaong kanyang ngalan ay h‘wag nang malimutan,

Manatiling laging bantog na katulad nitong araw;

Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, —

16

Page 21: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

At sa Diyos, silang lahat dumalanging: ―Harinawa

Pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.‖

Ang PANGINOON, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;

Ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.

Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,

At siya ay dakilain nitong buong sanlibutan!

Amen! Amen!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 2: Ililigtas ng Panginoon ang mga anak ng mga

dukha at iaahon sila sa pagkaalipin.

ANTIPONA 3: Nagsimula na ngayon ang matagumpay na

paghahari ng Diyos.

HUWEBES SANTO: Nagwagi ang mga banal laban sa kamatayan

sa pamamagitan ng dugo ng Korderong banal at sa katotohanang

kanilang pinanindigan.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Si Kristo ay di-nagbabago:

kahapon, ngayon at sa habang panahon, aleluya.

AWIT: Pahayag 11:17-18; 12:10b-12a

(Ang hatol ng Diyos)

PANGINOONG Diyos na Makapangyarihan sa lahat,

Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraaan,

Nagpapasalamat kami

Na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan

At nagpasimula ka nang maghari!

Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos.

Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot,

Ang paghatol sa mga patay,

At ang pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo,

At sa iyong mga hinirang, —

17

Page 22: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma‘t hamak.

Dumating na ang pagliligtas ng Diyos!

Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari!

Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!

‗Pagka‘t pinalayas na sa langit

Ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.

Nagtagumpay sila laban sa Diyablo

Sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

At ng kanilang pagsaksi sa katotohanan;

Hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay.

Kaya‘t magalak kayo, kalangitan,

At lahat ng naninirahan diyan!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 3: Nagsimula na ngayon ang matagumpay na

paghahari ng Diyos.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (1 Pedro 1:18-23)

Alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang ka-

buluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magu-

lang. Ang itinubos sa inyo‘y ‗di mga bagay na nasisira o nauubos,

paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa

krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na

siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at

alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan

ng panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanya‘y

muling bumuhay at nagparangal, anupa‘t ang inyong pananam-

palataya at pag-asa ay nasa Diyos.

Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa

katotohanan, anupa‘t naghahari na sa inyo ang tapat na pag-

iibigan bilang magkakapatid, nawa‘y maging maalab at taos sa

puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang,

18

Page 23: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang

kamatayang salita ng Diyos.

TUGUNAN

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

Handog niyang himlayan sa aki‘y sariwang pastulan,

hindi ako magkukulang.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Kung nauuhaw kayo sa kabanalan, pupunuin ng

Diyos ang inyong pagnanasa, tamang sukat at umaapaw pa.

PANGKALAHATANG PANALANGIN

Itinataas natin ang ating mga puso sa ating Panginoon at

Tagapagligtas, na nagkakaloob sa kanyang bayan ng bawat

pagpapalang espirituwal. Taimtim nating hilingin:

Basbasan mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Maawaing Diyos, patatagin mo ang aming Santo Papa

____________ at ang aming Obispo _______________,

ilayo mo sila sa lahat ng ligalig.

Kalingain mo, Panginoon, ang aming bansa,

iadya mo kami sa lahat ng masama.

Tawagin mo ang kalalakihan upang maglingkod sa iyong altar,

at masundan ka sa kalinisan, karukhaan at pagkamasunurin.

Pangalagaan mo ang mga kababaihang nagpanata ng kanilang

sarili sa iyo,

19

Page 24: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

upang saan ka man papunta’y makasunod sa iyo, O banal na

Kordero.

Makatagpo nawa ang mga yumao ng kapahingahang walang

hanggan,

at maging matibay na bigkis na nag-uugnay ng pagbabahagi-

nan ng mga biyayang espirituwal.

Ama Namin. . .

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama,

pakinggan mo ang aming panalangin sa takipsilim

at panatilihin ang alab ng pag-ibig sa ‗yong atas.

Akayin kami sa gitna ng dilim ng gabi

hanggang sa sumapit kami sa walang hanggang liwanag.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristo

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGHAYO

20

Page 25: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: O Diyos, halina at ako‘y tulungan.

L: O Panginoon, magmadali ka sa Iyong pagdamay

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

.

AWIT

Salamat sa ating D‘yos, sa biyayang kaloob,

Sa tanim, mga ani, bungang nakabubusog.

Sumisibol ang laki, habang ang tao ay tulog,

Kailangan ng bukas, D‘yos ay ‗di lumilimot.

Sundin ang kalooban ng Diyos na dakila,

Sa gampaning tumulong, kailangan ang kapwa,

May pagkain ang gutom, kung mayro‘ng maaawa,

Kung lahat may pag-ibig, di lamang sa salita.

Sa D‘yos ay pasalamat, sa kanyang kabutihan,

Kaloob n‘ya sa tao, ani ng kalikasan,

Sa ati‘y pinahayag, plano‘t katotohanan,

Na tayo‘y mahal niya, sa lahat ng nilalang.

ANTIPONA 1: Magalak ang iyong bayang banal, O Panginoon,

habang pumapasok sa iyong tirahan.

DISYEMBRE 17-23: O Panginoon, ang kaluluwa ko‘y sa iyo ko

itinaas; halina‘t sagipin ako sapagkat ikaw ang aking tanggulan at

aking lakas.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Ang Panginoon ang nagbigay sa

kanya ng trono ni David na kanyang ama, aleluya.

21

HUWEBES SA IKATLONG SANLINGGO

Page 26: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Salmo 132

(Ang mga pangako ng Diyos sa angkan ni David)

I

Huwag kalilimutang gunitain, PANGINOON, ang lingkod mong

si David;

Huwag mong lilimutin ang kanyang ginawang pagpapakasakit.

Alalahanin mo ang kanyang pangakong ginawa sa iyo,

O Dakilang Diyos ng bansang Israel, wika n‘ya‘y ganito:

―Di ako uuwi, nanananto ako na hindi hihimlay,

Hangga‘t ang PANGINOON ay wala pang lugar na matitirhan,

Isang templong laan sa Diyos ni Jacob na Makapangyarihan.‖

Aming nabalita na nasa Betlehem ang Kaban ng tipan,

Sa bukid ng Jaar naming nasumpungan.

Ang aming sinabi, ―Ang templo ng PANGINOON ay puntahan

natin

Sa harap ng trono siya ay sambahin!‖

Sa iyong tahanan, PANGINOON, pumasok ka kasama ang kaban,

Ang kabang sagisag ng kapangyarihan.

Ang mga saserdote, bayaang maghayag ng ‗yong pagliligtas,

Ang mga hinirang sumigaw sa galak!

Sa lingkod mong si David, may pangako ka, Panginoon naming,

Ang piniling hari, ay huwag mong itakwil.

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 1: Magalak ang iyong bayang banal, O Panginoon,

habang pumapasok sa iyong tirahan.

ANTIPONA 2: Pinili ng Diyos ang Sion bilang kanyang tahanan.

DISYEMBRE 17-23: Panginoon, ang mga naghihintay sa iyong

pagdating ay dulutan ng pagpapala; mangyaring ang iyong mga

propeta‘y mapatunayang tama.

22

Page 27: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PANAHON NG PAGKABUHAY: Ang kapangyarihan ni Jesu-

Kristo ang pinakadakila. Siya ay Hari ng mga hari at Panginoon

ng mga panginoon, aleluya.

II

Ang iyong pangako sa lingkod mong si David, huwag mong

bawiin,

Ganito ang iyong pangakong habilin:

―Isa sa mga anak mo ang gagawing hari upang mamahala,

Matapos na ikaw‘y pumanaw sa lupa.

Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan,

At ang utos ko ay igagalang,

Ang mga anak mo‘y pawang maghaharing walang katapusan.‖

Pinili ng PANGINOON na maging tahanan ang Lunsod ng Sion,

Ito ang wika niya:

―Doon ako titira panghabang-panahon,

Ang paghahari ko‘y magmumula roon.

Ang lahat ng bagay na hingin ng Sion, aking ibibigay,

Hindi magugutom ang dahop sa buhay.

Mga saserdote, papaghayaging ako‘y nagliligtas,

Aawit ang madla‘t sisigaw sa galak.

Sa lipi ni David, ako ay kukuha ng haring dakila,

Upang maingatan ang pagpapatuloy ng pamamahala.

Yaong kaharian niya ay uunlad at mananagana,

Ang kaaway niya‘y mangapapahiya.‖

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 2: Pinili ng Diyos ang Sion bilang kanyang tahanan.

ANTIPONA 3: Ipinagkaloob ng Ama kay Kristo ang lahat ng ka-

pangyarihan, karangalan at paghahari. Ang lahat ay tatalima sa

kanya.

23

Page 28: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

DISYEMBRE 17-23: O Panginoon, lumingon ka sa amin at ang

pagtulong mo sa iyong bayan ay iyong madaliin.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Panginoon, sino ang makaka-

pantay sa iyong kapangyarihan? Sino ang katulad mo, na marin-

gal sa kabanalan, aleluya.

AWIT: Pahayag 11:17-18; 12:10b-12a

(Ang hatol ng Diyos)

Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,

Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraaan,

Nagpapasalamat kami na ginamit mo

Ang iyong walang hanggang kapangyarihan

At nagpasimula ka nang maghari!

Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos.

Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot,

Ang paghatol sa mga patay, at ang pagbibigay ng gantimpala

Sa mga propetang lingkod mo, at sa iyong mga hinirang,

Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma‘t hamak.

Dumating na ang pagliligtas ng Diyos!

Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari!

Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!

Pagkat pinalayas na sa langit

Ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.

Nagtagumpay sila laban sa Diyablo

Sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

At ng kanilang pagsaksi sa katotohanan;

Hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay.

Kaya‘t magalak kayo, kalangitan,

At lahat ng naninirahan diyan!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 3: Ipinagkaloob ng Ama kay Kristo ang lahat ng ka-

pangyarihan, karangalan at paghahari. Ang lahat ay tatalima sa

24

Page 29: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

kanya.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (1 Pedro 3:8-9)

Sa wakas, magkakaroon kayo ng pagkakaisa, at magtingi-

nan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid,

maging maunawain at mababang-loob. Huwag ninyong gantihan

ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong

alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, ipanalangin ninyong

sila‘y pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng

pagpapala ng Diyos.

TUGUNAN

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa

pinakamagandang trigo.

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa

pinakamagandang trigo.

Para sa ikagagalak ng ating puso,

ang tinapay mula sa pinakamagandang trigo.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkain, ang tinapay mula sa

pinakamagandang trigo.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Ibinagsak ng Diyos ang mga hari mula sa kanilang

trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

PANGKALAHATANG PANALANGIN

Tawagan natin si Jesus, ang Mabuting Pastol na naparito upang

tulungan ang kanyang bayan:

25

Page 30: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Dinggin mo kami, O Panginoong aming tanggulan.

Papuri sa iyo, Panginoon, dahil tinawag mo kami upang mapa-

bilang sa iyong banal na Simbahan,

panatilihin kami sa iyong Simbahan hanggang kamatayan.

Ipinagkaloob mo ang pangangalaga ng buo mong Simbahan sa

aming banal na Papa ______________,

bigyan mo siya ng matatag na pananampalataya, magiliw na

pag-ibig at buhay na pag-asa.

Gawaran mo ng biyaya ng pagbabalik-loob ang mga makasa-

lanan,

at ng biyaya ng tunay na pagsisisi ang sangkatauhan.

Niloob mong mamuhay na isang banyaga sa aming mundo,

alalahanin mo ang mga tao na napawalay sa kanilang mag-

anak at bayan.

Sa lahat ng yumao na ikaw lamang ang inaasahan,

pagkalooban mo ng walang hanggang kapayapan.

Ama Namin. . .

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama,

dahil sa iyong paggabay,

pinasasalamatan ka naming sa buong maghapong gawain.

Sa iyong awa, patawarin mo ang aming kasalanan

na aming nagawa dahil sa angking kahinaan.

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristo

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGHAYO

26

Page 31: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

N: O Diyos, halina at ako‘y tulungan.

L: O Panginoon, magmadali ka sa Iyong pagdamay

N: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

(Aleluya)

AWIT

Lahat ng nabubuhay, ngayon ay mag-awitan,

Pasalamatan ang Diyos, na sa ati‘y lumalang.

Palagi siyang kasama, at inaalagaan,

Hanggang sa huling araw, tayo‘y ginagabayan.

Ilaw n‘ya‘y nangunguna, tanglaw sa hating-gabi,

Pinapawi ang dilim, anino‘y walang silbi,

Batas ay katarungan, kalikasan ang saksi,

Araw, bundok at dagat, siya ang sinasabi.

Tayo‘y dapat umawit, galak ay ipahayag,

Siya‘y ating sambahin, siya‘y purihin ng lahat,

Tao ay magkaisa sa pagpapasalamat,

Osana at papuri, sa Diyos na ating lakas!

ANTIPONA 1: Sa Diyos na aking kaginhawahan at aking sang-

galang ako ay nagtitiwala.

DISYEMBRE 17-23: O Panginoon, ang kaluluwa ko‘y sa iyo ko

itinataas; halina‘t sagipin ako sapagkat ikaw ang aking tanggulan

at aking lakas.

PAHANON NG PAGKABUHAY: Ang Panginoon ang aking

tanggulan at ang aking tagapagligtas, aleluya.

27

HUWEBES SA IKAAPAT NA SANLINGGO

Page 32: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Salmo 144

(Panalangin para sa tagumpay at kapayapaan)

I

Purihin ang PANGINOON, na aking sanggalang,

Sa pakikibaka, ako ay sinanay;

Inihanda ako, upang makilaban.

Matibay kong muog at Tagapagligtas,

At aking tahanang hindi matitinag;

Tagapagligtas kong pinagtitiwalaan,

Nilulupig niya ang sakop kong bayan.

Ano ba ang tao, PANGINOON namin?

Siya‘y tao lamang na ‗yong pinapansin.

Katulad ay ulap na tangay ng hangin,

Napaparam siya na tulad ng lilim.

Langit mong tahanan ay iyong hubugin,

PANGINOON, lisanin mo‘t bumaba sa amin;

Mga kabundukan ay iyong hipuin,

Lalabas ang usok, aming mapapansin.

Ang maraming kidlat ay iyong suguin,

Lahat kong kaaway, iyong pakalatin;

Sa pagtakas nila ay iyong tudlain!

Hawakan mo ako at iyong itaas,

Sa kalalimang tubig ako ay iligtas;

Ipagsanggalang mo‘t nang di mapahamak

Sa mga dayuhang may taglay na lakas,

Ubod sinungaling na walang katulad,

Kahit ang pangako ay sumpaing lahat.

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 1: Sa Diyos na aking kaginhawahan at aking sang-

galang ako ay nagtitiwala.

28

Page 33: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

ANTIPONA 2: Mapalad ang bayang ang Diyos ay ang

Panginoon.

DISYEMBRE 17-23: O Panginoon, ang mga naghihintay sa

iyong pagdating ay dulutan ng pagpapala; mangyaring ang iyong

mga propeta‘y mapatunayang tama.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Salamat sa ating Diyos na

nagkaloob sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng aming

Panginoong Jesu-Kristo, aleluya.

II

O Diyos, may awitin akong bagong-bago,

Alpa‘y tutugtugin at aawit ako.

Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,

At iniligtas mo si David mong lingkod.

Sa mga malulupit na aking kaaway,

Iligtas mo ako; sa kapangyarihan

Ng mga banyaga ay ipagsanggalang;

Sila‘y sinungaling, di maaasahan,

Kahit may pangako at mga sumpaan.

Ang mga lalaki nating kabataan,

Lumalaking matatag tulad ng halaman.

Ang kadalagaha‘y magandang adorno,

Kahit saang sulok ng isang palasyo.

At nawa‘y mapuno, mga bangan natin

Ng lahat ng uri ng mga pagkain;

At ang mga tupa‘y magpalaanakin,

Sampu-sampung libo, ito‘y paramihin.

Sana‘y dumami rin yaong kawan natin,

At huwag maagas ang kanilang supling;

Sa ating lansangan, sana‘y mawala na

Ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!

Mapalad ang bansang ito‘y nangyayari —

29

Page 34: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Mapalad ang bayang ang Diyos ang PANGINOON!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 2: Mapalad ang bayang ang Diyos ay ang

Panginoon.

ANTIPONA 3: Nagsimula na ngayon ang matagumpay na pa-

ghahari ng Diyos.

HUWEBES SANTO: Nagwagi ang mga banal laban sa kamatayan

sa pamamagitan ng dugo ng Korderong banal at sa katotohanang

kanilang pinanindigan.

PANAHON NG PAGKABUHAY: Si Kristo ay di-nagbabago:

kahapon, ngayon at sa habang panahon, aleluya.

AWIT: Pahayag 11:17-18; 12:10b-12a

(Ang hatol ng Diyos)

Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,

Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraaan,

Nagpapasalamat kami

Na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan

At nagpasimula ka nang maghari!

Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos.

Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot,

Ang paghatol sa mga patay,

At ang pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo,

At sa iyong mga hinirang,

Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma‘t hamak.

Dumating na ang pagliligtas ng Diyos!

Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari!

Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!

‗Pagkat pinalayas na sa langit

Ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.

Nagtagumpay sila laban sa Diyablo

30

Page 35: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

At ng kanilang pagsaksi sa katotohanan;

Hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay.

Kaya‘t magalak kayo, kalangitan,

At lahat ng naninirahan diyan!

(Papuri sa Ama at. . .)

ANTIPONA 3: Nagsimula na ngayon ang matagumpay na

paghahari ng Diyos.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Colosas 1:21-23) Dati, kayo‘y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil

sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa

niya kayong kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang

kapintasan, banal at walang batik. Subalit kailangan kayong man-

atiling tapat at matatag sa pananampalataya at huwag bayaang

mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong

narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapan-

garal ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao.

TUGUNAN Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

Handog niyang himlayan sa aki‘y sariwang pastulan,

hindi ako magkukulang.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Kung nauuhaw kayo sa kabanalan, pupunuin ng

Diyos ang inyong pagnanasa, tamang sukat at umaapaw pa.

31

Page 36: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PANALANGING PANGKALAHATAN

Manalangin tayo kay Kristo, ang liwanag ng mga bansa at kagala-

kan ng bawat nilalang:

Panginoon, bigyan mo kami ng kaliwanagan, kapayapaan at

kaligtasan.

Maningning na Liwanag at Salita ng Ama, bumaba ka sa lupa

upang iligtas ang mga tao,

akayin mo ang mga nagnanais maging kaanib ng iyong Sim-

bahan sa liwanag na dulot mo.

Iyo nang limutin, Panginoon, ang aming mga kasalanan,

pagkat ikaw ang pinagmumulan ng kapatawaran.

Panginoon, niloob mo na gamitin ng tao ang kanyang isip upang

malaman ang hiwaga ng kalikasan at mamahala sa sandaigdigan,

makapagdulot nawa sa iyo ng dangal ang sining at agham at

makapagbigay lugod sa sangkatauhan.

Kalingain ang mga nag-alay ng kanilang buhay para sa pagliling-

kod sa kapwa,

maisakatuparan nawa nila ang kanilang mga gawain nang

ganap at malaya.

Panginoon, binuksan mo ang pinto ng kaligtasan at walang sinu-

mang makapagpipinid nito kailanman,

akayin sa iyong kaluwalhatian ang mga yumaong umaasa ng

muling pagkabuhay.

Ama Namin. . .

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama,

pakinggan ang aming panalangin sa takipsilim

na sa iyong harapan ay aming ihahain.

Tulungan kaming masundan ang iyong Anak

upang umunlad sa paggawa ng kabutihan

nang may tiyaga at pananampalatayang matibay.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristo

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGHAYO

32

Page 37: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

HANAY NG MGA PANAHON

33

Page 38: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Santiago 5:7-11)

Magtiyaga kayo, mga kapatid hanggang sa pagdating ng

Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang

hinihintay ang mahalagang bunga ng bukirin, at ang pagpatak ng

una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo

ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng

Panginoon. Huwag kayong maghinanakitan¸mga kapatid upang

hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang

Hukom. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita

sa ngalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahira-

pan. Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis.

Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa

kanya ng Panginoon sa bandang huli. Ito‘y nagpapakilalang

mabuti at mahabagin ang Panginoon.

TUGUNAN

Halina‘t kami‘y palayain, Panginoong Diyos na makapangyari-

han,

Halina’t kami’y palayain, Panginoong Diyos na maka-

pangyarihan,

Pasinagin sa amin ang iyong mukha at kami‘y maliligtas,

Panginoong Diyos na makapangyarihan.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo

Halina’t kami’y palayain, Panginoong Diyos na maka-

pangyarihan.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Pinagpala ka sa lahat ng babae at pinagpala rin ang

dinadala mo sa iyong sinapupunan.

34

PANAHON NG ADBIYENTO

Page 39: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PANALANGING PANGKALAHATAN

Kay Kristo, ang dakilang liwanag na ipinangako ng mga propeta

sa mga nabubuhay sa lilim ng kamatayan, dumalangin tayo:

Halina, Panginoong Hesus

Salita ng Diyos, sa pasimula‘y nilalang mo ang lahat ng bagay, at

nakiisa sa aming kalagayan sa takdang panahon,

halina’t iadya kami sa kamatayan.

Tunay na Liwanag, nagniningning sa sangkatauhan,

halina’t puksain ang aming kadiliman.

Bugtong na Anak ng Diyos, na sa puso ng Ama‘y nananahan,

halina’t sabihin sa amin ang kabutihan ng Diyos na mapag-

mahal.

Dumating ka sa amin bilang Anak ng Tao, O Kristo Hesus,

panibaguhin mo ang mga nakakikilala sa iyo upang maging

mga anak ng Diyos.

Tinatangkilik mo ang mga tumatawag sa iyo na nasa kagipitan,

dalhin ang mga nagmamakaawa sa pintuang nanabik maka-

pasok sa piging na pangkasal sa kalangitan.

Ama namin…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Amang makapangyarihan,

kailangan namin ang iyong tulong.

Palayain mo kami mula sa kasalanan at bigyang-buhay

at itaguyod nawa kami ng iyong kapangyarihan

sa pamamagitan ni Hesukristo

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

35

Page 40: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

AWIT

KORO: Ipahayag sa kabundukan

Sa mga gulod kahit saan

Ipahayag sa kabundukan,

Na ang Kristo ay isinilang

Noong ako ay nag-aaral,

Ang hanap ko sa gabi‘t araw;

Hiling sa Diyos ako‘y tulungan,

At ituro n‘ya ang daan. (Koro)

Habang pastol ay nagbabantay

Isang gabi sa mga kawan;

Biglang litaw sa kalangitan

Ag isang liwanag na banal. (Koro)

At nang ito ay masilayan

Yumukod sila at nagdasal;

Sama-sama nilang nilakbay

Lugar ng batang isinilang. (Koro)

ANTIPONA 1: Mula sa iyong pagsilang ay pinagkalooban ka ng

mga handog na maringal; at bago pa man magbukang-liwayway

sa lupa, ika‘y akin nang hinirang sa walang hanggang kalu-

walhatian.

Salmo 110:1-5, 7

Sinabi ng Diyos sa hari ko‘t Panginoon,

―Maupo ka sa kanan ko, hanggang ang kaaway mo

Ay lubos na mapasuko, pagkat iyong matatalo.‖

36

PANAHON NG PAGSILANG NG PANGINOON

Page 41: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Magmula sa dakong Sion

Ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;

―At lahat ng kaaway mo‘y sakupin at pagharian,‖

Gayon ang kanyang utos.

Sasamahan ka ng madla

Kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;

Magmula sa mga bundok,

Lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

Ang Diyos ay may pangako

Na ito‘y mangyayari, ganito ang kanyang saysay;

―Katulad ni Melquisedec ,

Gagawin kang saserdote na hindi wawakasan.‖

Ang Panginoon ay naroroong

Nakaupo sa kanan mo, at ‗pag siya ay nagalit,

Ang lahat ng hari ay tiyak na malulupig.

Sa batis sa lansangan,

Itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan;

Sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.

Papuri sa Ama …

ANTIPONA 1: Mula sa iyong pagsilang ay pinagkalooban ka ng

mga handog na maringal; at bago pa man magbukang-liwayway

sa lupa, ika‘y akin nang hinirang sa walang hanggang kalu-

walhatian.

ANTIPONA 2: Sa Panginoon ay walang kabiguan ang pag-ibig;

dakila ang kapangyarihan niyang sumagip.

Salmo 130

Sa gitna ng paghihirap tinawag ko‘y Panginoon. —

37

Page 42: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Kaya, Panginoon, ako‘y dinggin pagka ako‘y tumataghoy,

Dinggin mo ang pagtawag ko‘t paghingi ng iyong tulong.

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan,

Lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan.

Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot,

Pinatawad mo nga kami upang sa‘yo ay matakot.

Sabik akong naghihintay sa tulong mo Panginoon,

Pagkat ako‘y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa

Sa serenong naghihintay sa pagsapit ng umaga.

Magtiwala ka Israel, magtiwala sa iyong Diyos,

Matatag at ‗di kukupas ang pag-ibig niyang dulot,

Lagi siyang nahahandang sa sinoman ay tumubos.

Ililigtas ang Israel, yaong kanyang hirang,

Ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

Papuri sa Ama …

ANTIPONA 2: Sa Panginoon ay walang kabiguan ang pag-ibig;

dakila ang kapangyarihan niyang sumagip.

ANTIPONA 3: Sa pasimula bago pa magkapanahon, ang Salita

ng Diyos na; siya ngayon ay isinilang, ang Tagapagligtas ng san-

libutan.

Papuring Awit (Colosas 1:12-20)

Magpasalamat kayo sa Ama,

Sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang

Na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan.

Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman —

38

Page 43: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

At inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.

Sa pamamagitan ng Anak, tayo‘y pinalaya

At pinatawad sa ating mga kasalanan.

Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita,

At siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.

Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa,

Nakikita man o hindi,

Pati ang mga naghahari at namamahala,

Mga namumuno at may kapangyarihang espiritwal

Ay pawang nilikha ng Diyos

Sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Siya ang una sa lahat, at sa kanya nakasalalay

Ang kaayusan ng lahat ng bagay.

Siya ang ulo ng Simbahan na kanyang katawan.

Siya ang Una, ang Panganay na Anak -

Ang unang nabuhay na muli upang siya

Ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay.

Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan

Ay manatili rin sa Anak, at inibig niyang

Ang sandaigidigan ay makipagkasundo sa kanya

Sa pamamagitan ng Anak.

Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa Krus,

Nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha

Sa langit at lupa.

Papuri sa Ama …

ANTIPONA 3: Sa pasimula bago pa magkapanahon, ang Salita

ng Diyos na; siya ngayon ay isinilang, ang Tagapagligtas ng san-

libutan.

39

Page 44: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (2 Pedro 1:3-4)

Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ni

Kristo ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay

nang tapat sa Diyos. Ito‘y dahil sa ating pagkakilala kay Hesus,

na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karan-

galan at kapangyarihan. Sa pamamagitan nito, nangako siya ng

mga bagay na mahalaga upang makaiwas tayo sa mapanirang

simbuyo ng kahalayang umiiiral sa mundong ito, at makahati sa

kanyang kalikasan bilang Diyos.

TUGUNAN

Ang Salita‘y naging tao, alelulya, aleluya.

Ang Salita’y naging tao, alelulya, aleluya.

At nakipamayan sa atin,

alelulya, aleluya.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo,

Ang Salita’y naging tao, aleluya, aleluya.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Umaawit kami ng papuri sa iyo, banal na Ina ng

Diyos. Ikaw ang nagluwal sa aming Tagapagligtas na si Hesus.

Patnubayan mo ang sa iyo‘y dumudulog.

PANALANGING PANGKALAHATAN

Buong galak nating ipahayag si Kristo, na ipinanganak sa Betle-

hem, Judea, dahil sa dulot niyang kasaganaan at paggabay sa

kanyang bayang banal:

Panginoon, mapasaamin nawa ang iyong pagkalinga

Kristong Manunubos na hangad ng mga bansa, ang iyong

40

Page 45: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Mabuting Balita sa mga lugar na hindi pa nararating ng Salitang

nagbibigay-buhay ay palaganapin mo,

akitin ang lahat ng tao patungo sa iyo.

Kristong Panginoon, paunlarin ang iyong Simbahan at palawakin

ang kanyang nasasakupan,

hanggang ito’y sumakop sa lahat ng tao, lahi, at kulay.

Hari ng mga hari, gabayan ang puso at isipan ng mga namamaha-

la,

upang hanapin ang katarungan, kapayapaan, at kalayaan pa-

ra sa lahat ng bansa.

Makapangyarihang Puno, lakas ng mahihina, itaguyod ang mga

nasa tukso, ibangon ang naduhagi, at ipagsanggalang ang mga

nasa panganib,

aliwin ang mga nabibigo, bigyang-pag-asa ang mga nasa

mabigat na karamdaman, at palakasin ang mga may agam-

agam.

Karamay ng mga namimighati, pag-asa ng mga nasa bingit ng

kamatayan,

akayin sila sa bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.

Ama namin…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Amang makapangyarihan,

tulutan mong ang pagsilang bilang tao ng iyong Anak

ang magpalaya sa amin

mula sa salang sa ami‘y bumihag

at akayin kami sa bagong buhay na ganap,

sa pamamagitan ni Hesukristo,

kasama ng Espiritu Santo magpasawalng hanggan.

41

Page 46: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Santiago 4:7-10)

Pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at la-

layuan niya kayo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo.

Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan!

Linisin ninyo ang inyong mga puso, kayong pabago-bago ng isip.

Mamighati kayo, maghinagpis at tumangis! Palitan ninyo ng pag-

luha ang inyong kagalakan! Magpakababa kayo sa harapan ng

PANGINOON at itataas niya kayo.

TUGUNAN

O Panginoon, ang dalangin ko‘y ang awa mo.

O Panginoon, ang dalangin ko’y ang awa mo.

Pagalingin ang aking kaluluwa, dahil ako‘y nagkasala sa iyo.

ang dalangin ko’y ang awa mo.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.

O Panginoon, ang dalangin ko’y ang awa mo.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Humingi kayo at kayo‘y bibigyan, humanap kayo at

kayo‘y makatatagpo, kumatok kayo at ang pinto‘y bubuksan para

sa inyo.

PANALANGING PANGKALAHATAN

Binigyan tayo ni Kristong Panginoon ng isang bagong utos, ng

pag-ibig sa isa‘t isa. Manalangin tayo sa kanya:

42

PANAHON NG KUWARESMA

Page 47: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Panginoon, itaguyod ang iyong sambayanan sa pagmamahalan

Mabuting Guro, turuan mo kaming mahalin ka sa aming kapwa

tao,

at sa paglilingkod sa kanila’y ang makapaglingkod sa iyo.

Sa krus, iyong hiningi ang kapatawaran para sa mga taong sa

iyo‘y nagpahirap,

bigyan mo kami ng lakas na mahalin ang aming mga kaaway

at ipanalangin ang sa ami’y umuusig at humahamak.

Sa pamamagitan ng misteryo ng iyong katawan at dugo, palalimin

mo ang aming pagtitiyaga, ang aming pagtitiwala, at ang aming

pagmamahalan,

palakasin mo ang mga nanghihina, aluin ang mga nahahapis,

at bigyan ng pag-asa ang mga nasa bingit ng kamatayan.

Ilaw ng sanlibutan, ibinigay mo ang liwanag sa taong isinilang na

bulag nang siya‘y maghilamos sa batis ng Siloam,

liwanagan ang mga tatanggap ng binyag sa pamamagitan ng

tubig at ng salita ng buhay.

Ipagkaloob sa mga yumao ang ganap na kasiyahan ng iyong wa-

lang hanggang pagmamahal,

at kami rin ay ibilang sa iyong mga hinirang.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Amang makapangyarihan,

kung wala ka‘y wala kaming magagawa.

Sa tulong ng iyong Espiritu,

tulungan mo kaming malaman ang tama

at maging masigasig na ang iyong kalooban ang aming magawa,

sa pamamagitan ni Hesukristo,

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

43

Page 48: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (1 Pedro 3:18, 22)

Sapagkat si Kristo‘y namatay para sa inyo. Namatay siya

dahil sa kasalanan ng lahat – upang iharap kayo sa Diyos. Siya‘y

namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.

Naghahari Siya roon sa mga anghel at mga kapangyarihan at

lakas na panlangit.

TUGUNAN

Ang mga alagad ay nagalak, aleluya, aleluya.

Ang mga alagad ay nagalak, aleluya, aleluya.

Nang ang Panginoong muling nabuhay ay kanilang nakita.

aleluya, aleluya.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.

Ang mga alagad ay nagalak, aleluya, aleluya.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Ang inyong kalungkutan ay magiging kagalakan, at

ang kagalakang ito‘y hindi maaagaw ninoman, aleluya.

PANALANGING PANGKALAHATAN

Itinatag ng Ama kay Kristo ang sandigan ng lahat ng ating pag-

asa at saligan ng ating pagkabuhay. Magalak tayo kay Kristo at

dumalangin sa kanya:

Hari ng kaluwalhatian, dinggin mo kami

44

PANAHON NG PAGKABUHAY NG PANGINOON

Page 49: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Panginoong Hesus, sa pamamagitan ng iyong pagkabuhay, pu-

masok ka sa banal na pook ng kalangitan upang ialay ang dugo ng

iyong sariling paghahandog,

akayin kaming kasama mo sa kaluwalhatian ng Ama.

Sa pamamagitan ng iyong pagkabuhay, pinatibay mo ang

pananampalatayang iyong mga alagad at isinugo sila sa buong

mundo,

gawin mong ang mga obispo at mga pari ay maging matapat

na tagapangaral ng Ebanghelyo.

Sa pamamagitan ng iyong pagkabuhay, ikaw ay naging sanhi ng

aming pagbabalik-loob, at kapayapaam,

pag-ugnayin mo ang lahat ng mga binyagan sa ganap na

pagkakaisa ng pananampalataya at pagmamahalan.

Sa pamamagitan ng iyong pagkabuhay, pinagaling mo ang pilay

sa pintuan ng templo,

tunghayan ang mga maysakit at ipadama sa kanila ang ka-

pangyarihan ng kadakilaan mo.

Ikaw ay naging panganay mula sa mga patay, ang unang ani ng

muling pagkabuhay,

ipagkaloob sa mga yumaong umasa sa iyo ang pakikibahagi

sa iyong kaluwalhatian.

Ama namin…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama,

lagi nawa kaming magpasalamat sa iyo

dahil sa muling pagkabuhay sa kaluwalhatian

ng aming Panginoong Hesukristo

sapagkat kami ang kanyang bayan

na nakikibahagi sa kanyang tinamong kaligtasan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

45

Page 50: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan
Page 51: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Loobin ninyong ang inyong mga pari ay lumapit dahil sa pagmamahal sa Iyo, O

Panginoon; hindi lamang

kapag sila ay nadadapa at hindi makabangon.

Loobin ninyong lakaran nila ang landas ng kapayakan

hindi lamang ang pagpapahayag tungkol sa kalangitan.

Loobin ninyong madama nila ang kalayaang dulot ng

inyong kapatawaran; hindi lamang ang lungkot ng

pagkalugmok dahil sa kanilang kasalanan.

Loobin ninyong sila ay maging masayang

tagapagtaguyod ng pag-asa na makapagpapabanal sa

puso ng bawat isa.

At loobin ninyong sila sa amin ay tumanggap para sa

katuparan ng iyong mga pangarap.

Hayaan ninyong mamuhay sila sa kalayaan at masigasig

na maglingkod para sa iyong kaharian.

Nawa‘y ibigin mo silang lagi, O Pastol ng mga Pari, at mamuhay sila nang may ibayong kabanalan na iyo nang

ipinagkaloob noong sila ay inordenan.

Amen.

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Page 52: PANALANGIN NG MGA KRISTIYANO SA MAGHAPON · PDF filetaludtod ang susunod na mga linya sa kabilang pahina.) 4. MAIKLING PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Matapos ang salteryo ay susundan

Kami, sa Diyosesis ng Gumaca bilang tugon sa tanda ng panahon

ay nagtatalaga na maging sambayanang maka-Diyos at nakikisangkot ang lahat. Sa pamamagitan ng: Pagsasabuhay ng Salita ng Diyos;

Pangangalaga sa pamilya at kabataan, kultura at kalikasan.

Pagmamalasakit sa kapwa lalo’t higit sa mga dukha;

At pagpapalaganap ng K-MSK. Kaisa ng Banal na Santatlo kasama si Maria,

ang aming huwaran.

PANANAW NG DIYOSESIS NG GUMACA