Upload
others
View
96
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Kagawaran ng Edukasyon
MTB-MLE 2 Panghalip at Pagsulat ng Talata
Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Gemma L. Fontanilla Manunulat
Ester A. Dungca
Maria Hazel B. Hernandez Mga Tagasuri
Reynaldo O. Comisario, Rhodora V. Mandap, Melesa L. Calapano Mga Validator
Marissa S. Muldong Tagapangulo-Katiyakan sa Kalidad
Pangunahing konsepto ng aralin na mapatnubayan ka
tungkol sa panghalip. Bibigyang diin sa araling ito ang pagsulat ng
talata, gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip.
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
Nakasusulat ng talata gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa
iba’t ibang kumbinasyon ng pagsulat (MT2 CIIa-12:2)
a. Nagagamit ang ibat’ibang uri ng panghalip sa
pangungusap
b. Nakikilala ang paksang pangungusap sa talata
Panuto: Bilugan ang wastong panghalip na nasa loob ng
panaklong.
Buhay Eskwela sa Bagong Normal
Ganito ang buhay eskwela sa bagong normal. Araw-araw
ay maagang gumigising sina Jun, Kaye at Alex para maghanda sa
pag-aaral. Ika-5 ng Oktubre ngayon kaya nararapat na 1. (kami,
tayo, sila) ay gumising nang maaga upang maligo, magbihis,
kumain at tumungo sa kanilang itinakdang sulok ng bahay kung
saan 2. (sila, ikaw,tayo) ay mag-aaral. Pagbaba ay nakita 3. (kami,
nila, sila) ang kanilang nanay na magsisilbing kanilang guro.
“Magandang umaga po Nanay,” ang bati ng mga bata,
“Magandang umaga din sa inyo. Mabuti at maaga 4. (kayo, tayo,
sila) ngayon,” ang bati sa 5. (kanya, kanila, iyo).
Panuto: Piliin ang angkop na panghalili sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Oo (siya, ako, kami) ang kaklase niya dahil nasa iisang
seksyon lang kami.
_______2. Hawakan (mo, ako, niya) ang malamig na yelo.
_______3. (Siya, Ka, Mo) ang aking matalik na kaibigan.
_______4. Kailan (ikaw, ka, mo) pupunta sa SM?
_______5. (Ikaw, Ka, Mo) ang pinakamaganda sa lahat.
Mayroon ka bang katangian na dapat ipagmalaki? Anu-
anong mga ugali ang mayroon ka na wala ang iba? Basahin ang
talata at sagutin ang mga katanungan sa baba.
Si Ana
Si Ana ay batang magalang. Gumagamit siya ng po at opo
kapag nakikipag-usap. Humahalik din siya sa kamay ng mga
magulang bago umalis at pagdating ng bahay. Pinalaki siya ng
kanyang mga magulang na magalang at marunong makipag-
kapwa tao.
1. Ano ang pamagat ng talata?
2. Tungkol saan ang talata?
3. Saang parte ng talata makikita ang paksang
pangungusap?
4. Ano ang pangunahing ideya sa talata?
Ang pangunahing ideya ang tumutukoy sa isinasaad sa
talata. Ito ay sinusuportahan ng mga pangungusap na
nagbibigay ng detalye. Tinatawag itong Paksang Pangungusap
na nagsasaad ng pangunahing diwa. Ito ay matatagpuan sa
unang pangungusap, sa gitna o hulihan ng talata.
Halimbawa:
Si Julie ay may bag. Binili ito ng kanyang tatay na galing sa
Singapore. Ito ay kulay rosas na may nakaguhit na Hello Kitty.
Malaki at magara ito na gustung gusto niya. Bago siya pumasok
sa paaralan ay pinupunasan muna niya ito. Halos magkatulad sila
ng bag ng kanyang kaibigan na si Cathy kaya’t madalas silang
napagkakamalang kambal sa kanilang paaralan.
1. Ano ang paksang pangungusap sa talata?
Sagot: Si Julie ay may bag. (makikita sa unahan ng talata)
2. Anu ano ang mga pangungusap na sumusuporta sa
pangunahing diwa o paksang pangungusap?
Sagot:
A. Binili ito ng kanyang tatay na galing sa Singapore.
B. Ito ay kulay rosas na may nakaguhit na “Hello Kitty”.
C. Malaki at magara ito na gustong gusto niya.
D. Bago siya pumasok sa paaralan ay pinupunasan niya ito.
E. Halos magkatulad sila ng bag ng kanyang kaibigan
kaya’t madalas silang napagkakamalang kambal sa
kanilang paaralan.
3. Anu ano ang mga panghalip na binanggit sa bawat
pangungusap?
Sagot: ito, siya, kanya, sila at niya
Pagsasanay 1
Ayusin at gawing talata ang mga sumusunod na pangungusap.
A. Si Mario ay may lapis. Ito ay napakagara.
B. Siya ay binigyan ng kanyang tiya na taga Australia.
C. Sa kanya naibigay ang paborito niyang kulay.
D. Gustong-gusto niya ito dahil matibay at matigas.
E. Ipinagmamalaki niya ito sa kanyang mga kaibigan sapagkat
ito ay may kalidad.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang talata at isulat ang letra ng tamang sagot.
Ang mag-anak na Fabian ay nagtanim ng mga gulay na mabilis
anihin sa kanilang bakuran dahil sa inanunsiyong lockdown sa
buong NCR noong ika-15 ng Marso 2020. “Kailangan nating
magtanim, upang kahit sa loob ng mahigit isang buwan lang ay
may kakainin tayo”, sabi ni Tatay Fidel. “Tama, ang sobrang gulay
ay ititinda ko naman para meron tayong pambili ng iba pa nating
pagkain”, ang sabi naman ni Nanay Sonya. Sa loob ng mahigit
isang buwan ay umani na sila ng pechay, spinach, dahon ng
kamote, talong, sibuyas, kamatis, at kalabasa. Kailangan nating
maging masipag at maparaan upang mabuhay kahit na may
pandemya.
1. Ano ang paksang pangungusap sa talata?
A. Kailangan nating magtanim upang kahit sa loob ng
mahigit isang buwan lang ay kakainin tayo.
B. Ang mag-anak na Fabian ay nagtanim ng mga gulay na
mabilis anihin sa kanilang bakuran dahil sa inanunsiyong
lockdown noong ika-15 ng Marso,2020.
C. Kailangan lamang nating maging masipag at maparaan
upang mabuhay kahit na may pandemya.
D. Lockdown sa NCR noong ika-15 ng Marso 2020.
2. Ilang pangungusap sa talata ang sumusuporta sa paksang
pangungusap?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
3. Anong panghalip ang ginamit sa pangalawang
pangungusap?
A. kami, natin C. tayo, sila
B. natin, tayo D. natin, sila
4. Ano ang binanggit na panghalip ni Nanay Sonya sa
pangatlong pangungusap? Magbigay ng dalawa sa mga ito.
A. ko B. natin C. tayo D. ni
5. Anong panghalip panao ang binanggit sa huling
pangungusap?
A. nating B. tayo C. akin D. kanila
A. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang sinasabi sa bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Ang Pangunahing ideya ang tumutukoy kung ano ang
isinasaad sa talata.
2. Kalimitan ito ay makikita sa o
3. ng isang talata
4. Ang ay salitang
ipinanghahalili sa pangalan.
5. Ang Panghalip ay ginagamit na
panghalili sa ngalan ng tao, tulad ng ako,ikaw, siya, kami,
tayo, at sila.
6. Ang Panghalip ay nagpapakita ng
pag-aari.
Halimbawa: akin, iyo, kanya, inyo, atin, natin, naming.
7. Ang Panghalip ay
ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, lugar o pangyayari.
Malalaman ang layo o lapit ng itinuturo. Halimbawa ito, iyan,
iyon dito, doon.
A. Unahan E. Panao
B. Hulihan F. Panghalip
C. Paksang Pangungusap G. Paari
D. Pamatlig
A. Panuto: Isulat ang angkop na panghalip sa bawat
pangungusap.
1. Si Carmi ay may alagang tuta. _________ ay laging masaya
kapag kasama ang kanyang alagang tuta.
A. Ikaw B. Kami C. Siya D. Tayo
2. _________ ay mataba at masigla.
A. Iyan B. Ito C. Siya D. Ka
3. Ang kulay ________ay puti at itim.
A. mo B. iyo C. nito D. kami
4. _________ ay laging magkasama sa saya at lungkot.
A. Sila B. Kami C. Tayo D. Nila
5. Kasama ________ ito sa tuwing papasyal sa parke.
A. siya B. niya C. kami D. mo
B. Panuto: Basahin ang talata at pansinin ang ginuhitang
panghalip at tukuyin kung anong uri ng panghalip ang
ginamit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Si Mang Cardo at ang kanyang pamilya ay may malawak na
bukirin. Magbubukang liwayway pa lang ay pumapasyal na siya sa
bukid para bisitahin ang kanyang mga pananim. Sagana sila sa
lahat ng bagay lalo na sa mga gulay at prutas pati na pang-ulam
sa araw-araw dahil may palaisdaan pa sila. “Bagama’t kami ay
malayo sa syudad wala kaming suliranin sa aming pang araw-araw
na pangangailangan”, wika ni Mang Kardo. “Tunay nga talagang
masarap mabuhay sa kanayunan. Hindi ko ito ipagpapalit sa kahit
na anong lugar sa Pilipinas” dagdag pa niya.
1. Anong uri ng panghalip ang kanyang?
A. panghalip panao C. panghalip paari
B. panghalip pamatlig
2. Anong uri naman ng panghalip ang siya?
A. panghalip panao C. panghalip pamatlig
B. panghalip paari
3. Ang sila ay anong uri ng panghalip?
A. panghalip panao C. panghalip pamatlig
B. panghalip paari
4. Alin sa uri ng panghalip kabilang ang ito?
A. panghalip paari C. panghalip pamatlig
B. panghalip panao
5. Ano ang paksang pangungusap sa talata? ___________________________________________________________
_
Basahin ang mga pangungusap, pagsunud sunurin ang paksang
pangungusap at ang mga pangungusap na sumusuporta sa
pangunahing ideya sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang sa
patlang. Isulat ang mga ito upang maging isang talata.
_______A. Bagaman iyon ang kanilang sitwasyon ay taos-puso pa
rin ang kanilang paglilingkod mapagsilbihan lang ang kanilang
mga kababayan.
_______B. Ang Kabayanihan ay nananalaytay na sa dugo ng mga
Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya.
_______C. Hindi nila alintana ang panganib na kanilang sinusuong
dahil sa mga pasyente nilang may Covid-19.
_______D. Si Michelle at Mikoy ay parehong nars sa Ospital ng
Maynila.
_______E. Ang tawag sa kanila ay mga frontliner na tinuring na mga
bayani sa kasalukuyan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Sanggunian
https://images.app.gooo.gl/GSGU7p4p
https://images.app.goo.gl/goQXRMal
Pag-alam sa Natutunan:
A.
1.C
2. B
3. C
4. A
5. B
B.
1. C
2. A
3. A
4. C
5. Si Mang Kardo at ang
kaniyang pamilya ay
malawak na bukirin.
Pangwakas na Pagsusulit
Si Michelle at Mikoy ay parehong nars sa Ospital ng maynila. Ang tawag sa kanila ay mga
frontliner na tinuring na mga bayani sa kasalukuyan. Hindi nila alintana ang panganib na
kanilang sinusuong dahil sa mga pasyente nilang may Covid-19. Bagaman iyon ang
kanilang sitwasyon ay taos-puso pa rin ang kanilang paglilingkod mapagsilbihan lang ang
kanilang kababayan. Ang kabayanihan ay nananalaytay na sa dugo ng mga Pilipino lalo
na sa panahon ng pandemya. https://images.app.goo.gl/q5qzzpxtk
https://images.app.goo.gl/CZTXqWe
https://images.app.goo.gl/AGyoEMkg
Ang Bagong Batang Pinoy ph.148-150
Ang Bagong Batang Pinoy ph. 164-165
Susi sa Pagwawasto
Gawain
Pagsasanay 1
Si Mario ay may lapis. Ito ay
napakagara. Siya ay binigyan ng
kanyang Tiya na taga Australia. Sa
kanya naibigay ang paboritong
kulay na asul. Gustong- gusto niya
ito dahil matibay at matigas.
Ipinagmamalaki niya ito sa kanyang
mga kaibigan sapagkat ito ay
mahal at may kalidad.
Pagsasanay 2
1. b
2. d
3. b
4. a, b
5. a
B. 1. Panao C. 4 A.
2. paari 5 B.
3.pamatlig 3 C.
4. tama 1 D.
5. tama 2 E
Unang Pagsubok
1. sila
2. sila
3. nila
4. kayo
5. kanila
6. akong
7. ka
8. Ikaw
9. ako
10. tayo
Tandaan
1.Paksang Pangungusap
2.unahan
3.hulihan
4.panghalip
5.panghalip panao
6.panghalip paari
7.panghalip pamatlig
Balik-tanaw
1. Ako
2. Mo
3.Siya
4.Ka
5.ikaw