Upload
love-bordamonte
View
803
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
• kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot• tinatawag na Sentence sa wikang Ingles
PAKSA O SIMUNO• bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap• Subject sa wikang Ingles• maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa
Ito ay maaaring:• simunong pangngalan• simunong panghalip• simunong pang-uri• simunong pandiwa• simunong pang-abay• simunong pawatas
• simunong pangngalan– Si Cathy ay may bagong payong.
• simunong panghalip– Sila ay umalis kaninang madaling araw
• simunong pang-uri– Pinili nila ang mga magaganda.
• simunong pandiwa– Ang mga tumakbo ay natakot sa sigaw.
• simunong pang-abay– Ang matakaw kumain ay walang kabusugan.
• simunong pawatas– Hindi matapus-tapos ni Andy ang paglalaba.
PANAGURI• bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa• Predicate sa wikang Ingles• naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno
Ito ay maaaring:• panaguring pangngalan• panaguring panghalip• panaguring pang-uri• panaguring pandiwa• panaguring pang-abay• panaguring pawatas
Halimbawa:• Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.
(pangngalan)• Sila ang aawit sa misa. (panghalip)• Malulusog ang anak niyang kambal. (pang-
uri)• Naglalaba ang kanyang ina. (pandiwa)• Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat.
(pang-abay)• Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan
niya. (pawatas)
• nauuna ang panaguri sa pangungusap
Hal.Bumili ng damit si Elena.Nanood ng sine ang magkapatid.
• nauuna ang simuno sa pangungusap
Hal.Si Elena ay bumili ng damit.Ang magkapatid ay nanood ng sine.
PAGSASANAYPANUTO: Isulat sa patlang ang K kung
karaniwang ayos o DK kung di-karaniwang ayos ang sumusunod na pangungusap. Isulat muli ang mga pangungusap sa kabaligtarang ayos nito.
__ 1. Ang aking alagang aso ay matapang. __ 2. Madalas umuwi ng probinsya ang
anak ni Mang Jose.__ 3. Nagluluto ng masarap na pagkain
siNanay para sa amin.__ 4. Si Rico at Mon ay nagtatrabaho sa
pabrika. __ 5. Malaki at malawak ang mga taniman
sa Central Luzon.
__6. Ang ating kapaligiran ay dapat nating panatilihing malinis.
__7. Sila ay mga maralitang tao rin.__8. Hindi nababahala si Mang Carlos sa
ingay ng mga sasakyan.__9. Maraming pangarap si Anton na nais
niyang makamit.__10. Ang lider ng ating bansa ay dapat
maging huwaran at matapat.
• nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan• nagtatapos sa bantas na tuldok (.)
Hal.Bumili ng damit si Elena.Nanood ng sine ang magkapatid.
• naghahayag ng utos o kahilingan• nagtatapos din sa bantas na tuldok (.)
Hal.Dalhan mo ako ng pasalubong.Pakikuha ng isang basong tubig.
• nagsasaad ng isang katanungan• nagtatapos sa tandang pananong (?)
Hal.Kumain ka na ba?Hindi ka ba papasok?
• nagpapahayag ng matinding damdamin• nagtatapos sa tandang padamdam (!)
Hal.Naku, nasusunog ang bahay!Tulungan n’yo kami!
PAGSASANAYPANUTO: Basahin ang bawat
pangungusap. Lagyan ng angkop na bantas. Tukuyin ang uri nito (Pasalysay, Patananong, Padamdam, Pautos).
_____1. Nais mo bang makilala ang nagbigay sa iyo ng mga regalo
_____2. Pakikuha mo ang sapatos ko sa kwarto
_____3. Bukas natin malalaman ang dahilan ng pagkagalit ni Itay
_____4. Magkano ang kwintas na ito _____5. Aray, nadapa ako
____6. Magmano ka sa iyong lola at lolo ____7. Wow, ang taas ng lipad ng
saranggola mo ____8. Bakit biglang huminto ang kanta ____9. Ay, nabasag ang baso ____10. Itatanong ko una kay Kuya Lito
kung maari na akong maglaro
Halimbawa:
Ang bata ay kumakain ng kanin.
Halimbawa:
Si Patrick ay mabait at masunurin.
Halimbawa:
Si Karl at Luis ay mahusay magpinta.
Halimbawa:
Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at magkaibang bansa.
Apat na kayarian ng pangungusap
– Payak– Tambalan– Hugnayan– Langkapan
Tambalan
- ang pangungusap ay tambalan kung binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa.
HalimbawaAng iba sa kanila ay nagbabasa samantalang ang karamihan ay nagsusulat.
Hugnayan- Kapag binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na di makapag-iisa ang pangungusap ay tintawag na hugnayan.
Halimbawa Ang mag-aaral na pinarangalan dahil sa kanyang halaman sa bakuran ay si Apolinario.
Langkapan
binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa higit pang sugnay na hindi makapagiisa.
Halimbawa:Tayong mga mag-aaral ay kailangang magtulungan para mabilis nating malinis ang ating silid-aralan.
Pop Quiz
Panuto:Sabihin kung ito ay Payak, Tambalan, at Hugnayan.Piliin ang tamang sagot..
Good luck..,
1. Nakaalis ng uhaw ang malamig na tubig.
a. Tambalan
b. Hugnayan
c. Payak
Mali!! Ulitin mo!!!
Magaling!!!Ipagpatuloy mo!!!
Pindutin
2. Naglalakad ang magkapatid.
a. Tambalan
b. Hugnayan
c. Payak
Sorry mali ka!!!
Nakuha mo…!!!
3. Nais niyang makatulong sa kanyang kapwa subalit siya’y kapwa kapos sa buhay.
a. Payak
b. Hugnayan
c. Tambalan
Aaaayyy…Mali ka!!!Subukan ulit!!!
Oooyy..!!Tumpak..!!
4. Ang kagandahang loob niya ay labis na gusto ng kanyang kaibigan ngunit wala namang
nagbago.
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
Ooooppss.!.Di mo nakuha.!.
May tama ka…Star para sa iyo!!!
5. Ang guro ay masipag at matiyaga.
a. Tambalan
b. Hugnayan
c. Payak
Mali ang sagot mo…!!!
Wow…Ang galing, nakuha mo…!
6. Siya ay maganda.
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
Bheelat..!mali ang sagot mo..!
Tsamba…!Tama…!
7.Malaki na ang alaga niyang aso nang bigla itong namatay. a. Hugnayan
b. Tambalan
c. Payak
Eeeekkk...Mali ang sagot mo...!
Nakuha mo...!!
Good job
Maraming salamat po sa pakikinig…!!!
Have a nice day…