Upload
enye
View
351
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
PANIMULANG GAWAIN. 1. Ilarawan ang paraan ng kanilang paglalahad ng saloobin ? 2 . Sa iyong pananaw , makatwiran bang pairalin ang ganitong uri ng panitikan ? Bakit ? - PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
PANIMULANG GAWAIN1. Ilarawan ang paraan ng kanilang paglalahad ng saloobin ?2. Sa iyong pananaw, makatwiran bang pairalin ang ganitong uri ng panitikan? Bakit?3. Sa iyong palagay, ano ang higit na karapat-dapat panatilihin sa ating panitikan, pasalita man o pasulat? Bakit?
THINK PAIR SHARE1. Ilarawan ang paraan ng kanilang paglalahad ng saloobin ?2. Sa iyong pananaw, makatwiran bang pairalin ang ganitong uri ng panitikan? Bakit?3. Sa iyong palagay, ano ang higit na karapat-dapat panatilihin sa ating panitikan, pasalita man o pasulat? Bakit?
Isang makabago at sikat na porma/ sining pampanitikan lalo na sa URBAN POOR na komunidad
Walang malinaw na paksa
Kadalasang nauuwi sa pisikal na panlalait o pang-iinsulto sa panlipunang uri na pinagmulan ng kalahok
PAMANTAYANG LAYUNIN
Nasasabi nang maayos ang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa mga pangangatwirang narinig
PAMANTAYANG LAYUNIN
Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng paghatid ng mensahe
•Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa• Ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga TUGMA sa huli
Balagtasan
Balagtasan•Nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas
Balagtasan• Iminungkahi ni Patricio Dionisio na hanguin sa pangalan ni Balagtas at ipalit sa duplo.•Si Dionisio ang sumulat ng kauna-unahang iskrip ng balagtasan.• Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan sa Instituto de Mujeres.
Balagtasan•Si Jose Corazon de Jesus ang unang itinanghal na Hari ng Balagtasan. Nang namatay si De Jesus noong 1932, itinuring itong simula ng panlulupaypay ng balagtasan.
Balagtasan•Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae)
Balagtasan• Patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari rin itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag
LAKANDIWA/LAKAMBINI
•Nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya rin(1) ang unang magsasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood, (2) ang pormal na magbubukas ng balagtasan,
LAKANDIWA/LAKAMBINI
(3) ang magpapakilala sa dalawang magtatalo, (4) ang magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtatalo ang nagwagi, at (5) ang magpipinid ng balagtasan.