Upload
patdabz
View
516
Download
5
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Sayings, Proverbs, Pilipino, Panitikan, Sawikain with Meaning
Citation preview
Iba't ibang Sawikain
1. ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
2. anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay
alilang-kanin lang."
balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na
lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
bukal sa loob---taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
busilak ang puso---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng
Cebu.
di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.
di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
haligi ng tahanan---ama
ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng
tahanan, ay dapat nating mahalin.
isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.
itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang
paraan, itaga mo sa bato.
itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit
kakaning-itik pa rin ang kinikita.
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa
niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana.
Iyan ay luha ng buwaya.
(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o
asawang lalaki")
Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.
mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.
malakas ang loob---matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong
dyip.
makapal ang bulsa---mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging
makapal ang bulsa.
makapal ang palad---masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.
magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.
pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.
pagiisang dibdib---kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.
pusong-bakal---hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim
ng galit sa kapwa?
tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.
tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo
naman ang mga pulitiko.
bungang-tulog---panaginip
maamong kordero---mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.
butas ang bulsa---walang pera
mababaw ang luha---iyakin
Halimbawa":
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.
kabiyak ng dibdib---asawa
mabigat ang dugo---di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang
probinsiyana.
maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti
maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.
mahabang dulang---kasalan
malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
namamangka sa dalawang ilog---salawahan
makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa:
Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo.
nagbibilang ng poate---walang trabaho
malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami
kang malalaman.
nakahiga sa salapi---mayaman
mapurol ang utak---bobo
Halimbawa:
Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na
taon.
nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga
masama ang loob---nagdaramdam
Halimbawa:
Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal.
naniningalang-pugad---nanliligaw
matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa:
Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.
sira ang tuktok---gago, luko-luko
Halimbawa:
Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan.
takaw-tulog---mahilig matulog
Halimbawa:
Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?
Mga Halimbawa ng Salawikain (Tagalog Proverbs)
Salawikain
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga
gintong aral. Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na
nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon. Nabuo ang mga
salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at
nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga
pamantayan ng pamumuhay. Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga
kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa
paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilikha.
Mga Halimbawa ng Salawikain
Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao. 1. Puri sa harap, sa likod paglibak
2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat
10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
12. Sagana sa puri, dukha sa sarili
Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba
at pag-ingat. 1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman
3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung
matinik ay malalim
Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya. 1. Buhay-alamang, paglukso ay patay
2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
7. Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
8. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
9. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
10. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
11. Ang lakas ay daig ng paraan
12. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
13. Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
14. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
15. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
16. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
17. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
18. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
19. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
20.Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan
Mga salawikain patungkol sa pagtitiis 1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
2. Pag may hirap, may ginhawa
3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan
5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
7. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
8. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
9. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
Mga iba pang Salawikain Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang taong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Kung may tinanim, may aanihin.
Huli man daw at magaling, naihahabol din.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda.
Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
Malaking puno, ngunit walang lilim.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.
Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Malakas ang bulong kaysa sigaw.
Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat.
Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.
Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
Ang araw bago sumikat nakikita muna'y banaag.
Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.
Ang taong tamad, kadalasa'y salat
Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
Sagana sa puri, dukha sa sarili
Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
Batang puso madaling marahuyo.
Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Buntot mo, hila mo.
Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
Lahat ng gubat ay may ahas.
Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
Nasa taong matapat ang huling halakhak.
Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.
Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.
Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.
Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
Huwag magbilang ng manok hanggat hindi napipisa ang itlog.
Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.
Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.
Ang iyong hiniram, isauli o palitan.
Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.
Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.
Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.
Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
Madaling pumitas ng bunga,
kung dadaan ka sa sanga.
Ibong sa hawlay ikinulong nang mahigpit, kapag nakawalay hindi na babalik.
Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit
pag itoy nadarang sa init, sapilitang magdirikit.
Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
Kung may hirap ay may ginhawa.
Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
Ano man ang tibay ng piling abaka
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.
Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.
Matutuyo na ang sapa ngunit hindi ang balita.
Madali ang maging tao,
mahirap magpakatao.
Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay kuwago
mabuti pa ang bahay kubo,
ang nakatira ay tao.
Kung pukulin ka ng bato,
tinapay ang iganti mo.
Balat man at malinamnam,
hindi mo matitikman.
Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
Batang puso,
madaling marahuyo.
Kung saan nahihilig,
duon din nabubuwal.
Naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.
Ang bulsang laging mapagbigay,
hindi nawawalan ng laman.
Ubus-ubos biyaya,
maya-maya ay nakatunganga.
Kung ano ang sukat ng ohales
iyon ding ang laki ng butones.
Nasa tao ang gawa
nasa Diyos ang awa.
Kung binigyan ng buhay,
bibigyan din ng ikabubuhay.
Ang iyong kakainin,
sa iyong pawis manggagaling.
Kung nasaan ang asukal,
naruon ang langgam.
Walang mapait na tutong,
sa taong nagugutom.
Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
Ang tao kapag mayaman,
marami ang kaibigan.
Kapag may isinuksok,
may madudukot.
Magkulang ka na sa magulang,
huwang lamang sa biyenan.
Nakikita ang butas ng karayon,
hindi makita ang butas ng palakol.
Hampas sa kalabaw,
sa kabayo ang latay.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Kung ano ang itinanim,
iyon din ang aanihin.
Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
Pili nang pili,
natapatan din ay bungi.
Huwag magbilang ng manok,
hangga't hindi napipisa ang itlog.
Kung sino ang unang pumutak,
siya ang nanganak.
Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantimpala.
Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
Ang bungang hinog sa pilit,
kung kainin ay mapait.
Walang humawak ng lutuan,
na hindi naulingan.
Sala sa lamig,
sala sa init.
Ang sakit ng kalingkingan,
damdamin ng buong katawan.
Ang mabigat ay gumagaan,
kapag pinagtulung-tulungan.
Sa larangan ng digmaan,
nakikilala ang matapang.
Ang pag-ilag sa kaaway,
ang tunay na katapangan.
Ano man ang tibay ng piling abaka,
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
Ang taong mainggitin,
lumigaya man ay sawi rin.
Sa taong may tunay na hiya,
ang salita ay panunumpa.
Walang matiyagang lalake,
sa pihikang babae.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang puri at ang dangal,
mahalaga kaysa buhay.
Mabuti't masamang ginto
Sa urian natatanto.
Sa maliliit na damp
nagmumula ang dakila.
Ang bayaning masugatan
nag-iibayo ang tapang.
Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Ang isip ay parang itak, Sa hasa tumatalas.
Kuwarta na, naging bato pa.
Bibig na natatakpan, hindi papasukin ng langaw
Kung anong bukang-bibig ay siyang nilalaman ng dibdib.