Upload
rainier-amparado
View
2.042
Download
58
Embed Size (px)
Citation preview
Parabula ng mga Talento(Matteo 25:14-30)
May isang mayamang lalaking papaalis ng bansa.
Tinawag niya ang kaniyang mga alipin
Ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian.
Ibinigay niya sa isang alipin ang limang talento
Sa isa pang alipin ay dalawang talento
Sa isa pang alipin ay isang talento Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayanan.
Siya ay umalis agad ng bansa.
Siya na nakatanggap ng limang talento
ay nangalakal at tumubo ng lima
pang talento.
Gayundin ang nakatanggap ng
dalawang talento, siya ay tumubo ng dalawa pa
Ngunit siya na nakatanggap ng isang
talento ay umalis.
Siya ay naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang
panginoon.
Pagkatapos ng mahabang panahon,
dumating ang Panginoon ng mga
aliping iyon at sila ay nagbigay-sulit sa
kaniya.
Dumating ang nakatanggap ng limang talento at
nagdala siya ng lima pang talento.
Sinabi niya: Panginoon,
ipinagkatiwala mo sa akin ang limang
talento. Narito, bukod dito ay
tumubo pa ako ng lima.
Sinabi ng kaniyang panginoon sa
kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at
tapat na alipin.
Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok
ka sa kagalakan ng iyong panginoon.
Dumating din ang nakatanggap ng
dalawang talento. Sinabi niya:
Ipinagkatiwala mo sa akin ang
dalawang talento.
Tingnan mo, bukod dito ay tumubo pa
ako ng dalawa.
Sinabi ng kaniyang panginoon sa
kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at
tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay.
Pamamahalain kita sa maraming
bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.
Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya:
Panginoon, kilala kita na ikaw ay
isang malupit na tao. Umaani ka sa hindi mo inihasik at nagtitipon sa
hindi mo ikinalat.
Dahil sa takot, ako ay umalis at itinago ang iyong talento
sa lupa. Narito ang para sa iyo.
Sumagot ang kaniyang
panginoon: Ikaw ay
masama at tamad na
alipin! Nalalaman mo
na ako ay umaani sa hindi ko
inihasik at nagtitipon sa
hindi ko ikinalat.
Nararapat sana na inilagay mo
ang aking salapi sa mga
mamamalit ng salapi. At sa
aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na may
tubo.
Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may
sampung talento. Ito ay sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng
sagana.
Ngunit sa kaniya na wala,
maging ang nasa kaniya ay
kukunin sa kaniya.
Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa
labas. Doon ay may pananangis at pagngangalit
ng mga ngipin.