16

PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph
Page 2: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

Ano ang amag? Ito ay karaniwang nakikita sa lumang tinapay, sa panis na kanin o sa nabubulok na kahoy. Marahil, ang sasabihin ng karamihan ay isa itong bagay na nagdudulot ng perwisyo sa tao. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay may iba't-ibang klase ng amag at hindi lahat ng amag ay nakakasama. Ang pampaalsa ng tinapay o lebadura at ang Penicillin, isang antibayotikong gamot sa maraming sakit ay mga uri ng mabuting amag na ipinagkaloob ng Diyos para sa ikabubuti ng tao. Bukod dito, may isa pang uri ng amag na may mabuting dulot sa atin. Ito ang kabute.

Ang kabute ay isang uri ng amag na maaaring kainin at kayang patubuin sa sariling bakuran sa bawat tahanan. Ito ay masustansya sapagkat ito ay nagtataglay ng iba't-ibang uri ng bitamina kagaya ng Potassium, Iron, Calcium, at iba pa. Ito ay makakatulong para maibsan ang malnutrisyon lalo na sa mga kabataan.

Ang dayami, kusot at dahon ng saging ay ilan sa mga karaniwang materyales na ginagamit sa pagpaparami ng kabute. Sa halip na itapon o sunugin, ang mga patapong bagay na ito ay maaaring pagkakaitaan at gawing kapakipakinabang. Bukod dito, ang pagpaparami ng kabute ay maaaring pang makapagbigay ng dagdag na pangkabuhayan lalo na sa mga magsasaka.

Ang kabute ay unti-unti ng nakikilala sa merkado kaya naman ang pangangailangan ay unti-unti ring tumataas. Ang mataas na pangangailangan ay nagbibigay ng magandang presyo ng kabute kaya naman ito ay isang negosyo na magandang pagkakitaan. Bukod sa bunga nito, may iba't-iba pang mga produkto na pwedeng pagkakitaan mula sa pagkakabute.

Ang kakayahang makalikha ng pagkain sa sariling bakuran ay makakatulong sa pagkakaroon ng sapat at masustansiyang pagkain para sa bawat Pilipino na siyang layunin ng Kagawaran ng Agrikultura. Kaugnay nito, ang ATI ay tumutulong sa paraan ng pagtuturo ng mga makabagong kaalaman at pagbibigay ng tamang kasanayan. Ang kabute ay isang masustansiyang pagkain na madaling patubuin. Angkop ng tamang kasanayan, ito ay maaaring paramihin nino man at kayang makapagbigay ng biyaya sa lahat. Ito ay isa sa mga mabuting kaloob ng Diyos kaya naman ito ay dapat nating paglinangin.

PAUNANG SALITA

Page 3: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

ANO ANG KABUTE

Ang kabute ay isang uri ng amag na pwedeng kainin. Ito ay karaniwang tumutubo sa mga nabubulok na organikong material.

MGA PARTE NG KABUTE

SIKULO NG BUHAY NG KABUTE

Page 4: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

Lupa:pinagtutubuan ng halaman

PAGKAKAHALINTULAD NGKABUTE SA HALAMAN

SA HALAMAN MAYROONG:

Ugat, Sanga, Dahon:kumukuha ng sustansiya mula sa araw at lupa

Bulaklak at bunga:lumalabas kapag nagmature o nasa reproductive stage ang halaman

Buto o seeds:ginagamit sa pagtatanim ng bagong halaman

Kabutehang Kaloob ng Diyos

Page 5: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

Substrate:nabubulok na bagay kung saan tumutubo ang kabute

SA HALAMAN MAYROONG:

Amag o Mycelia:ito ang nagsisilbing ugat, dahon at sangay ng kabute

Kabute o Mushroom:Ito ay lumalabas kapag nagmature na ang amag

Spores:ito ay mala-alikabok na lumalabas mula sa kabute na siyang natural na paraan ng pagkalat ng kabute

Page 6: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

MGA URI NG KABUTENGTUMUTUBO SA PILIPINAS

LARAWAN PANGALAN

KABUTENG PAYONGSTRAW MUSHROOMVolvariella volvaceae

KABUTENG PAMAYPAYOYSTER MUSHROOM

Pleurotus ostreatus

MILKY MUSHROOMCalocybe indica

BUTTON MUSHROOMAgaricus bisporus

WOOD EAR MUSHROOM

Auricularia spp.

LING ZHI MUSHROOMGanoderma lucidum

SHIITAKE MUSHROOMLentinus edodes

Kabutehang Kaloob ng Diyos

Page 7: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

TEMPERATURA SUBSTRATE

28 °C - 38 °C

24 °C - 30 °C

30 °C - 38 °C

16 °C - 21 °C

20 °C - 25 °C

20 °C - 25 °C

7 °C - 21 °C

dayami, dahon ng saging

dayami, kusot

dayami, sinunog na apa ng palay

dayami at pinatuyong dumi ng hayop

kahoy, kusot

kahoy, kusot

kahoy, kusot

Page 8: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

Kaaya-ayang Kondisyon

MGA PANGUNAHING PANGANGAILAN SA PAGPAPATUBO NG KABUTE

MGA DAPAT IBIGAY SA KABUTE PARA TUMUBO NG MABUTI

TamangHumidity

Binhi

Substrate

1 2TamangTemperatura

Sapat na Sustansiya3 4Hustong Liwanag

at Tamang Bentilasyon

Kailangan ng Kabute5Tamang

Pag-aalaga

Page 9: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

PROSESO NG PAGPAPATUBONG KABUTE

MGA BENEPISYO NG PAGPAPARAMI NG KABUTE

Paggawa ng tissue culture

Paggawa ng binhi

Paghahanda ng substrate at pagtatanim ng

binhi

Pagpapabunga

1 Gumagamit ng mga patapong bagay mula sa agrikultura

2 Ang kabute ay masustansiyang pagkain

3 Mataas na pangangailangansa merkado

4 Magandang presyo sa merkado

5 Nagbibigay ng dagdag na kita

Page 10: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

MGA SUSTANSIYANG MAKUKUHA SA KABUTE (OYSTER MUSHROOM)

• B Complex Vitamins(B1, B2, B3, B5, B9)

• Vitamin D• Vitamin H• Potassium• Iron• Calcium• Zinc• Sodium• Magnesium• Selenium• Ergothioneine

Page 11: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

MGA BASURA MULA SA BUKID NA MAAARING GAMITIN SA PAGKAKABUTE

Dayami

Kusot

Tuyong dahon ng saging

Water Hyacinth

Busal ng mais

Mga tuyong damo

Ipa ng palay

Pinagputulan ng kahoy

Pinatuyong dumi ng hayop

Page 12: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

Tissue culture at Binhi

Bukod sa bunga, ang paggawa ng binhi ay maaring magbigay ng karagdagang kita. Ang ibang nagpaparami ng kabute ay wala nang oras na gumawa ng binhi dahil sa mahabang proseso na kailangang pag daanan kaya bumibili nalang sila mula sa mga gumagawa ng spawn. Ito ay karaniwang binebenta ng naka bote o nakalagay sa PP bag.

Fruiting bags

Kung may kakayanang gumawa ng fruiting bag ngunit walang growing house, maaaring ibenta ang mga fruiting bags sa mga nagkakabute na walang oras at kakayanang gumawa nito. Ang karaniwang fruiting bags na binebenta ay puti na, isasabit nalang at hihintaying bumunga.

Bunga

Ito ang pangunahing pwedeng pagkakitaan sa pagkakabute. Ito ay maaring ibenta sa kapitbahay palengke o sa mga nag poproseso. Pwede ring kumita sa pamamagitan ng pagiging trader.

Mga na prosesong produkto mula sa kabute

Ang kabute ay mabilis masira, kaya naman kung hindi ito nabenta, pwede ito iproseso at maging bagong produkto upang tumaas ang halaga nito at maibenta. Maraming mga produkto ang kayang gawin sa mula sa kabute kagaya ng mushroom chicharon, mushroom burger, mushroom ice cream, chili paste, iba't-ibang sauce at kung anu-ano pa.

MGA MAAARING PAGKAKITAANSA PAGKAKABUTE

Page 13: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph
Page 14: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

MGA KINAKAILANGAN PARA SA PAGNENEGOSYO KABUTE

OrasKagaya ng anumang negosyo, ang pagkakabute ay nangangailangang paglaanan ng sapat na oras at enerhiya upang matutunan ang iba't-ibang aspeto sa negosyong ito at mabigyan ng agarang solusyon ang anumang suliraning maaaring dumating.

Tamang attitudeMaaring makaranas ng iba't-ibang problema bago maging matagumpay sa negosyo ng pagkakabute. Kaylangan ang positibong pagtingin at lakas ng loob upang sumubok muli hanggang sa magpagtagumpayan at mapaunlad ang negosyo.

Magandang stratehiya sa pagmamarketIpakilala ang iyong produkto sa pamamagitan ng pagbebenta sa “KKK” o Kamaganak, Kapitbahay, Katrabaho hanggang sa dumami ang makaalam nito. Ang "word of mouth” ay mabisang stratehiya sa pag-aadvertise ng produkto, siguraduhin lamang na dekalidad ang produkto.

Wastong pamamahalaKagaya ng kahit na anong negosyo, ang tamang pamamahala ng mga tao, kagamitan at iba pang "resources" ay kailangan upang mapaunlad ang negosyong ito.

Page 15: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

References:

Corales, R. G., Sajor, J. T., Corales, A. M., Rivera, J. M., & Catalon, A. F. (2018). Rice Based Mushroom Production Manual. Philippine Rice Research Institute (PhilRice). 2018. ISBN: 978-621-8022-36-2

Stamets, P. & Chilton, J. (1983). The Mushroom Cultivator. Olympia: Agaricon Press

Kwon, H. J. & Kim, B. S. (2004). Oyster Mushroom Cultivation. Mushroom Growers Handbook. Mushworld

Ahlawat, O. P. & Tewari, R. P. (2007). Cultivation Technology of Paddy Straw Mushroom. National Research Centre for Mushroom (ICAR). Chambaghat, Solan – 173 213 (HP), INDIA

Quimio, T. H., Chang, S. T., & Royce, D. J. (1990). Technical Guidance for Mushroom Growing in the Tropics. FAO Bull. No. 106

Page 16: PAUNANG SALITA - ati.da.gov.ph

May Pera sa Kabute

Ang Agricultural Training Institute-Regional Training Center III (ATI-RTC III) ay ang pangunahing ahensya ng Kagawaran ng Pagsasaka

sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at pagpapalaganap ng iba pang extension programs sa Gitnang Luzon. Ang ATI-RTC III rin

ang tagapanguna sa pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng pagsasanay at extension services para sa mga magsasaka at mangingisda

sa rehiyon. Kabilang ang ATI-RTC III sa 16 na naitayong sentrong pangsanayan sa buong bansa. Sa kasalukuyan, ang punong

himpilan nito ay matatagpuan sa San Ramon, Dinalupihan, Bataan. Maliban ditto, matatagpuan naman sa Brgy. Singalat, Palayan City,

Nueva Ecija ang satellite training center ng ATI-RTC III.

Ang sentrong pangsanayan sa Gitnang Luzon ay nabuo sa pagsama-sama ng tatlong provincial training centers sa rehiyon. Ito ay

Nueva Ecija, Pampanga at Bataan. Sa tulong nito, mas napabilis ang pagbibigay serbisyo ng ahensya sa kanyang nasasakupan. Sa

kasalukuyan, tinutugunan ng ATI-RTC III ang mga pangangailangan sa pagsasanay at iba pang extension services ng mga sumusunod na probinsya: Nueva Ecija; Tarlac; Pamapanga; Bulacan; Bataan;

Zambales; at Aurora.

Bilang tagapanguna sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at extension services ng Kagawarang ng Pagsasaka, ang ATI-RTC III rin ang pangunahing ahensyang naatasan sa pagpapalawak ng e-Extension services sa rehiyon. Katuwang ditto ang iba’t-ibang

ahensya ng Kagawaran ng Pagsasaka. Ito ay upang mas mapalawak pa ang paggamit ng makabagong teknolohiya sap ag-abot at pagbibigay serbisyo sa mga magsasaka at mga mangingisda.

Para sa karagdagang impormasyon,makipag-ugnayan lamang sa:

Ang ATI sa Gitnang Luzon

Deparment of AgricultureAGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE

REGIONAL TRAINING CENTER IIISan Ramon, Dinalupihan, Bataan

Contact Nos.: (047) 240-5035 | (+63) 939-927-1886E-mail: [email protected]

Website: www.ati.da.gov.ph/ati-3/Facebook: facebook.com/aticentralluzon

Twitter/Instagram: @aticentralluzon