2
Nilagdaan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang “Balangkas ng Kasunduan sa Bangsamoro” (Framework Agreement on the Bangsamoro) noong Oktubre 2012, isang kasunduan sa pagtutulungan ng dalawang panig hanggang sa eleksyon ng 2016. Sa bahagi naman ng National Democratic Front (NDF), naging urong-sulong (mas urong kaysa sulong) ang negosasyong pangkapayapaan sa mga nakaraang taon. Tatlo ang magkakaugnay na layunin sa pakikipagtrabaho namin sa mga grupong magkatunggali at sa mga apektadong komunidad: 1. Suportahan ang pagpapatupad ng kasunduan sa Mindanao. 2. Maghanap ng mga paraan upang mapalakas ang prosesong pangkapayapaan sa NDF. 3. Mag-ambag upang maging makabuluhan ang partisipasyon ng kababaihan sa prosesong pangkapayapaan. Batay sa mga layuning ito, nakikipagtrabaho ang Conciliation Resources sa lahat ng mga bahagi ng lipunang Pilipino, mula sa masa sa komunidad hanggang sa mga makapangyarihan sa pulitika. Pagsulong sa pagkakaunawa sa mapayapang mga paraan ng pagresolba sa tunggalian Dagdag na halaga ng Conciliation Resources para sa Pilipinas ang kakayahan na ipaghambing ang mga pandaigdigang kalakaran at pagsulong sa mga prosesong pangkapayapaan. Kasama rito ang malalim na kaalaman ukol sa partikular na kalagayan sa Pilipinas, at ang malawak na saklaw ng ugnayan namin sa mga kalahok sa proseso. Tigib rin sa tiwala ang ugnayang ito. Nag-aalay kami ng napapanahon at akmang mga sangguniang pandaigdigan sa pamamagitan ng mga discussion papers na may katuturan para sa Pilipinas. Kinakalap rin namin ang mga inobasyon at ibang natutunan sa Pilipinas at ibinabahagi sa mga nagpapanday ng kapayapaan sa pandaigdigang komunidad sa pamamagitan ng mga practice papers. Naglathala na rin kami ng mga artikulong kuro-kuro sa media at sa sarili naming seryeng publikasyon, ang Accord. Kasama rito ang masusing dokumentasyon ng prosesong pangkapayaan sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa Mindanao at isang bagong ulat tungkol sa prosesong pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Paglikha ng mga oportunidad para sa pag-uusap sa pagitan ng mga komunidad na may hidwaan Sa pamamagitan ng aming Dialogue Series, dinadala namin sa Pilipinas ang mga indibidwal na may praktikal na karanasan sa ibang konteksto ng tunggalian. Ibinabahagi nila rito ang kanilang mga pagninilay sa mga paksa na may katututuran sa mga peace panel, civil society groups, panseguridad at pribadong sektor, at mga akademiko. www.c-r.org/philippines Nagbibigay ang Conciliation Resources ng suportang istratehiko sa kababaihang Moro, na nag-uugnay sa amin sa ibang international stakeholders, at nagbibigay ng kaalaman mula sa mga natutunang aral sa ibang lugar. PILIPINAS Sa apat na dekada, dalawang matinding armadong tunggalian ang naranasan sa Pilipinas: una, ang rebelyong komunista na may pambansang saklaw, at ikalawa, ang pakikibaka ng mga Muslim (o Moro) para sa sariling pagpapasiya (self-determination) sa Mindanao, sa timog ng Pilipinas. Raissa Jajurie, lider-kababaihan ng mga Moro Image © Mhodz Suga Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: cr@c-r.org Web: www.c-r.org Twitter: @ CRbuildpeace

PILIPINAS - c-r.org · PDF filekabuluhan ng mga prosesong pangkapayapaan sa daigdig. Kaya’t lumalahok ang Conciliation Resources sa mga mapagbagong pagsasagawa at itinataguyod ang

  • Upload
    lyphuc

  • View
    246

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PILIPINAS - c-r.org · PDF filekabuluhan ng mga prosesong pangkapayapaan sa daigdig. Kaya’t lumalahok ang Conciliation Resources sa mga mapagbagong pagsasagawa at itinataguyod ang

Nilagdaan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang “Balangkas ng Kasunduan sa Bangsamoro” (Framework Agreement on the Bangsamoro) noong Oktubre 2012, isang kasunduan sa pagtutulungan ng dalawang panig hanggang sa eleksyon ng 2016. Sa bahagi naman ng National Democratic Front (NDF), naging urong-sulong (mas urong kaysa sulong) ang negosasyong pangkapayapaan sa mga nakaraang taon.

Tatlo ang magkakaugnay na layunin sa pakikipagtrabaho namin sa mga grupong magkatunggali at sa mga apektadong komunidad:

1. Suportahan ang pagpapatupad ng kasunduan sa Mindanao.2. Maghanap ng mga paraan upang mapalakas ang prosesong

pangkapayapaan sa NDF.3. Mag-ambag upang maging makabuluhan ang partisipasyon

ng kababaihan sa prosesong pangkapayapaan.

Batay sa mga layuning ito, nakikipagtrabaho ang Conciliation Resources sa lahat ng mga bahagi ng lipunang Pilipino, mula sa masa sa komunidad hanggang sa mga makapangyarihan sa pulitika.

Pagsulong sa pagkakaunawa sa mapayapang mga paraan ng pagresolba sa tunggalian

Dagdag na halaga ng Conciliation Resources para sa Pilipinas ang kakayahan na ipaghambing ang mga pandaigdigang kalakaran at pagsulong sa mga prosesong pangkapayapaan. Kasama rito ang malalim na kaalaman ukol sa partikular na kalagayan sa Pilipinas, at ang malawak na saklaw ng ugnayan namin sa mga kalahok sa proseso. Tigib rin sa tiwala ang ugnayang ito.

Nag-aalay kami ng napapanahon at akmang mga sangguniang pandaigdigan sa pamamagitan ng mga discussion papers na may katuturan para sa Pilipinas. Kinakalap rin namin ang

mga inobasyon at ibang natutunan sa Pilipinas at ibinabahagi sa mga nagpapanday ng kapayapaan sa pandaigdigang komunidad sa pamamagitan ng mga practice papers. Naglathala na rin kami ng mga artikulong kuro-kuro sa media at sa sarili naming seryeng publikasyon, ang Accord. Kasama rito ang masusing dokumentasyon ng prosesong pangkapayaan sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa Mindanao at isang bagong ulat tungkol sa prosesong pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Paglikha ng mga oportunidad para sa pag-uusap sa pagitan ng mga komunidad na may hidwaan

Sa pamamagitan ng aming Dialogue Series, dinadala namin sa Pilipinas ang mga indibidwal na may praktikal na karanasan sa ibang konteksto ng tunggalian. Ibinabahagi nila rito ang kanilang mga pagninilay sa mga paksa na may katututuran sa mga peace panel, civil society groups, panseguridad at pribadong sektor, at mga akademiko.

www.c-r.org/philippines

Logo using multiply onlayers

Logo drawn as seperate elementswith overlaps coloured seperately

“Nagbibigay ang Conciliation Resources ng suportang istratehiko sa kababaihang Moro, na nag-uugnay sa amin sa ibang international stakeholders, at nagbibigay ng kaalaman mula sa mga natutunang aral sa ibang lugar. ”

PILIPINAS

Sa apat na dekada, dalawang matinding armadong tunggalian ang naranasan sa Pilipinas: una, ang rebelyong komunista na may pambansang saklaw, at ikalawa, ang pakikibaka ng mga Muslim (o Moro) para sa sariling pagpapasiya (self-determination) sa Mindanao, sa timog ng Pilipinas.

Raissa Jajurie, lider-kababaihan ng mga Moro

Image © Mhodz Suga

Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: [email protected] Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace

Page 2: PILIPINAS - c-r.org · PDF filekabuluhan ng mga prosesong pangkapayapaan sa daigdig. Kaya’t lumalahok ang Conciliation Resources sa mga mapagbagong pagsasagawa at itinataguyod ang

Conciliation Resources Charity registered in England and Wales (1055436) Company limited by guarantee registered in England and Wales (03196482)

Hanggang 2016, isusulong namin ang partisipasyon ng publiko bilang istratehikong paraan sa matagumpay na pagpapatupad ng kasunduang pangkapayapaan. Tutuunan namin ng pansin ang pagpapalakas ng kakayahan ng civil society upang makalahok ito sa pagbabalangkas ng Saligang Batas ng Bangsamoro, makatukoy ng pamantayan para sa repormadong kapulisan, at mamanmanan ang pagpapatupad ng kasunduan. Higit kailanpaman, magtatagumpay lamang ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao kung magkaisa at magtulungan ang tatlong grupo ng tao doon (Muslim, katutubo at settler) tungo sa mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Dalawang exchange visit sa pagitan ng mga delegasyon mula sa Pilipinas at Colombia ang inorganisa ng Conciliation Resources, na may koordinasyon sa mga lokal na partner. Nanggaling sa iba’t-ibang pinagmulan na panlipunan, pampulitika at panunungkulan ang mga lumahok sa exchange.

Dalawang delegasyon na tanging babae lamang (sampu mula sa bawat bansa) ang lumahok sa exchange noong 2011. Ibinahagi ang karanasang ito noong 2012 sa isang tour ng Europa upang isulong ang pagpapalitan ng pagsasagawa, patakaran at teorya sa pagpapalakas ng papel ng kababaihan sa pagpapanday ng kapayapaan.

Pagpapahusay ng mga patakaran at pagsasagawa sa pagpapanday ng kapayapaan

Batid ng Conciliation Resources na sa nakaraang 20 taon, marami nang naranasang mahahalagang mga pag-uunlad sa larangan ng conflict transformation. Gayunpaman, kailangan pa ring pahusayin ang kalidad at pangmatagalang kabuluhan ng mga prosesong pangkapayapaan sa daigdig. Kaya’t lumalahok ang Conciliation Resources sa mga mapagbagong pagsasagawa at itinataguyod ang talakayan sa pagitan ng patakaran, pagsasagaw, at teorya.

Mula 2009, may ginampanan kaming papel sa pormal na negosasyong pangkapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng International Contact Group (ICG). Binuo ang ICG upang itaguyod ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF. Ito ang kaisa-isahang contact group sa buong daigdig kung saan nagtutulungan ang mga internasyonal na NGO kaakibat ng mga diplomat bilang bahagi ng pormal na istrukturang nagtatrabaho para sa kapayapaan. Humugot ang Conciliation Resources sa praktikal at mapanuring karanasan namin sa ibang bansang may tunggalian upang ibahagi ito sa mga peace panel at facilitator.

Naninindigan ang Conciliation Resources na makakatulong ang peminista at post-kolonyal na pagsusuri at mga paraan. Kaya’t binibigyan namin ng diin ang pagsusuporta sa empowerment ng kababaihan sa tatlong antas: sa usapang pangkapayapaan, sa pambansang antas sa Pilipinas, at sa hanay ng pandaigdigang komunidad.

Pagsusuporta sa tao sa pagpanday ng kapayapaan

Makikita sa Pilipinas ang pinakaaktibo at pinakamapanlikhang kilusang pangkapayapaan sa mundo. Nariyan ang mga inisyatiba

tulad ng ‘sona ng kapayapaan’ (peace zone), pagbubuo ng grupong sibilyan upang manmanan ang tigil-putukan, malawakang konsultasyon sa publiko, interfaith dialogue o pag-uusap ng mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon, at mga pangkat-kababaihan para sa proteksyon ng sibilyan. May malakas na dating ito sa labas ng Pilipinas. Sa napaka-aktibong kontekstong ito, kumikilos ang Conciliation Resources bilang isang kawing na kumokonekta sa mga taong nagpupunyagi para sa kapayapaan sa Pilipinas sa ibang mga tao sa palibot ng mundo na nakakaranas ng kasintulad na kalagayan at hamon. Isinusulong namin ang comparative learning, exchange projects, exposure visit, at dagdag na pagsasanay para sa mga nagpapanday ng kapayapaan.

Naniniwala ang Conciliation Resources na ang mga lipunan na nagdurusa sa armadong tunggalian ang siya rin mismong makakahanap ng mga solusyon na angkop sa mga suliranin nito. Kabilang na rito ang mga samahan ng kababaihan, grupong katutubo at mga komunidad sa kanayunan. Pinagtutuunan namin ng partikular na pansin ang pagkilala at pagdinig sa mga tinig na madalas ay hindi pinakikinggan.

“Naibahagi ng Conciliation Resources sa MILF at Gobyerno ang kaalaman ng mga internasyonal na dalubhasa– lalaki at babae– mga konsepto, ideya, at dokumentong hinugot mula sa maraming taon nang karanasan sa mga prosesong pangkapayapaan sa buong daigdig. ”Mohaghuer Iqbal, pinuno ng Moro Islamic Liberation Front peace panel

Sa pamamagitan ng papel namin sa International Contact Group,

nakakatulong kami sa pagtitiyak na sumusulong ang pormal na

usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas

at MILF. Nag-aambag kami ng mga praktikal na mungkahi at ideya,

at umaalalay na malampasan ang mga sagabal sa proseso.

Pinahusay namin ang pagtatampok at suporta sa mga kababaihan

mula sa mga lugar na apektado ng armadong tunggalian –

tampok ang mga kababaihang Muslim. Inanyayahan namin sila

sa mga pandaigdang pagtatanghal sa Maynila at Brussels. Sa

pagsusulong ng dialogo sa hanay ng mga kababaihan mula sa iba’t

ibang perspektibang kultural, relihiyoso at pulitikal, naisusulong

rin namin ang mga pamantayang pandaigdigan sa kababaihan,

kapayapaan, at seguridad na tumutugon sa lokal na konteksto.

Pinangungunahan ng Conciliation Resources ang isang mapagbagong

inisyatiba na isulong ang International Action Plan (INAP) on

Women, Peace and Security. Nakatutok ito sa pagkakamit ng isang

magkasanib na pagpupunyagi ng mga internasyonal na kalahok

(mga embahada, donor agency, organisasyong pandaigdigan, at NGO)

na tumugon sa mga binubuong pamantayan ng United Nations at

sa Philippines National Action Plan, na pinagpatibay noong 2011.

Nakatulong ang mga exchange visit sa Colombia at Pilipinas

upang maging mas malikhain ang mga kalahok nito sa pag-isip

ng mga solusyon sa mga hamon sa pagpapanday ng kapayapaan,

tulad ng kung paano mapapalahok ang mga kababaihan sa

isang paraan na makabuluhan. Nakatulong din ito upang

magpanday ng tiwala sa mga tao na may iba’t ibang pinagmulan

na propesyon at pulitika. Tatlo sa mga Pilipino na kalahok rito

ang umuupo na sa mga peace panel ng gobyerno at MILF.

Mga bagong tagumpay 2

2

2

2