Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    1/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    2/12

    Miyerkules - HuwebesOktubre 30 - 31, 20132 Isyu

    Ang mga pahayag sa mga kolum ayopinyon at paninindigan lamang ng mga

    kolumnista at hindi ng diyaryong ito.

    Inilalathala Lunes hanggang Biyernesng Republika Publishing Co., Inc.,na mayeditorial at business offices sa

    46-D Mapagbigay St.Brgy. Pinyahan, Quezon City

    Tele / fax # 709-8725Email Add. [email protected]

    UNITEDPRINTMEDIAGROUP

    Aproudmemberof

    RAIMUND C. AGAPITO, Ph.D.Publisher / Editor-in-Chief

    DANILO JAIME FLORESEntertainment Editor

    JUSTINIANO ADRALES JR.Advertising / Circulation Coordinator

    Larawan ng Katotohanan

    MemberofCMAP

    WALA PA ring matukoy na mga suspekat motibo ang mga awtoridad tungkol

    sa pag-ambush at pagpaslang kay PoliceChief Inspector Romeo Ricalde Jr., ang

    chief ng Special Operations Unit (SOU) ngNorthern Police District (NPD). Bago napun-ta sa SOU si Ricalde, siya ay nagkapagsilbirin bilang hepe ng District Anti-Illegal Drugs(DAID) ng NPD.

    Ayon sa mga report, si Ricalde aypapauwi na ng kanyang bahay mula sakanyang opisina, sakay ng kanyang SUV,nang tambangan ng riding-in-tandem ng

    dalawang di pa nakikilalang tao sa Quezon City noong Biyernes. Ilangbala ng M-16 riffle ang na-recover sa crime scene.

    Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Super-intendent Richard Albano, si Ricalde ay may dalang cash na nagkaka-halaga ng P199,000.00, US$401.00, at 100.00 Euros nang siyay tam-bangan. Ito ay hindi raw pinakialaman ng mga salarin at nai-turnover

    din sa misis ni Ricalde, ayon pa rin kay Albano.

    ISANG MAPAGKAKATIWALAAN source sa NPD ang nagsabi saakin na nakasisiguro siyang may kinalaman sa kanyang trabaho angmotibo sa pagpaslang kay Ricalde.

    Bagamat maraming malalaking kaso ang hinawakan at ki-nasangkutan ni Ricalde at ng kanyang grupo sa SOU partikular nanoong siyay nasa DAID pa, dalawang kaso ang dapat daw silipin ngmga awtoridad.

    Ang isang kaso raw na ito ay tungkol sa mga tauhan ni Ricalde saDAID na nasangkot sa pagdukot ng kanilang asset nitong taon at pag-salvage umano rito para patahimikin. Nabuhay raw ang nasabing as-set at nagsumbong ito sa kamag-anak na isang pulis din pala.

    At ang pangalawang kaso ay ang tungkol daw sa mga tauhan niRicalde sa SOU naman na tumawid ng Maynila at pumunta ng Binondo

    para kalawitin ang isang negosyanteng Chinese doon. Pinakawalandin daw ang Chinese matapos nitong makapagbigay umano ng ka-lahating milyong piso. Ang nasabing Chinese ay may isang kaibigandaw na taga-NBI na siyang nag-udyok dito na magsumbong kay Di-rector General Marcelo Garbo Jr., ang chief ng National Capital RegionPolice Office (NCRPO).

    HINDI KOna mabilang ang dami ng mga sumbong na aking natatang-gap sa Wanted Sa Radyo (WSR) hinggil sa mga miyembro ng DAID nanasasangkot sa panghuhulidap, at kung minsan pa nga, pagpaplantang droga sa kanilang mga biktima para pasukahin ng pera.

    May ilang pagkakataon pa nga na ang magandang asawa olive-in partner ng kanilang hinuling tao ay napagdidiskitahan at mi-nomolestya bago nila pinakakawalan ang kanilang biktima ito aymatapos na sila ay tumanggap na ng hinihinging pera at naipa-deedof sale na rin nila sa pangalan ng kanilang asset ang motorsiklo ngbiktima.

    Marami sa mga taga-DAID na ito at least 80 percent ay mga taga-NPD.At ang 20 percent ay paghahatian na ng QCPD at Southern Police District (SPD).

    Notorius talaga ang mga taga-DAID ng NPD sa gawain na kungtawagin sa police lingo ay tawid-teritoryo ang paghuli sa mgaumanoy drug pusher sa ibang lugar na hindi nila sakop nang walangkaukulang coordination.

    Ang kanilang pakay talaga rito ay hulidap. Kadalasan, kapag pumuntaat nagsumbong ang kanilang biktima sa kinauukulan, mahirap silangmatukoy dahil wala nga sila sa gallery ng mga litrato ng mga pulis nglugar na nakasasakop sa kanilang pinagkalawitan ng kanilang biktima.

    Pero may ilang sumbong na rin akong natanggap tungkol sa mgamiyembro ng SOU ng NPD na nanghuhuli umano ng mga deliverytruck na may mga lamang kargamento at ikinukulong ang driver atpahinante sabay na ini-impound ang truck sa di malamang violation.

    Saka pa lamang pinakakawalan daw ang mga ito kapag pumuntaang may-ari sa presinto para makipag-usap at makipag-areglo.

    MAKAILANG BESES ko nang iminungkahi sa aking programangWSR, maging sa espasyong ito, na dapat ang mga miyembro ng Anti-Illegal Drugs ng ating kapulisan ay sumailalim sa periodic randomdrug testing at lifestyle check.

    Kailangan din na huwag silang tumagal sa kanilang puwesto paramaiwasan na makapag-establish para di matukso dahil maramingpera sa droga. May alam akong mga pulis na napababalitang pag-katapos ng ilang taong pagsilbi sa Anti-Illegal Drugs, silay nakapag-pundar ng mga KTV bar, restaurant, ilang unit ng taxi, rental apartmentcomplex, pawnshop at lending company na nagpapautang sa highrollers ng mga casino.

    AYON SA COMELEC,naging matagump-

    ay ang pagdaraos ngkatatapos lamang naBarangay Elections.Bukod sa mataas naporsyento ng mga reh-istradong botante ang

    pumunta sa mga presinto para makila-hok sa pagpili ng kanilang mga susunodna barangay leaders, bumaba rin umanoang insidente ng karahasan na kaugnayng nasabing eleksyon. Ganunpaman, ta-lamak pa rin ang pamimili at pagbebentang mga boto. Marahil, isa na talaga itong

    kultura dahil nararamdaman ng mga ma-mamayan na tuwing eleksyon lamang silamay pagkakataon na makinabang sa mgatiwali nilang mga lingkod-bayan. Sabi ngang isang botante, tatlong taon kami ni-nanakawan eh, tuwing eleksyon lang na-man kami nakakabawi nang bahagya.

    Noong mga nakaraang panahon, peraang ginagamit sa pamimili ng mga boto.Ngayon, dahil sa lubos na kahirapan, pu-

    mapatol na sa instant noodles, tinapay atkape ang mga mamamayang nagbebenta

    ng kanilang mga boto. Ang pinakamasa-ma pa, maraming nahuling kandidato naShabu ang ipinamimigay sa mga taongnililigawan nila ang boto. Isipin na lang,ipinagpapalit nila sa usok ng iligal nadroga ang kanilang karapatan na pumiling mga taong mamumuno sa kanila sasusunod na tatlong taon. Ibinoboto nilabilang lingkod-bayan ang mga kandidatona mismong naging instrumento para lalosilang magumon sa kanilang mga iligal nagawain. Bahala na, pare-pareho lang na-man lahat yan eh, ang sabi pa ng isang

    botante.Kapag nakaupo na ang kanilang mgahalal, hahanapin na nila ang serbisyo naipinangako ng mga ito noong kampanya.Hindi nila ito makikita. Aangal sila sa daming basurang nagkalat, sa madalas na kri-men sa kanilang lugar, sa taas ng presyong mga barangay certificate at clearance.Wala namang mangyayari. Dahil wala si-lang nakikitang pagbabago sa kanilang lu-

    gar, puro reklamo ang lalabas sa kanilangmga bibig. Aakusahan nila ng katiwalianat pagnanakaw ang kanilang mga halal.Walang nakikinig. Hindi man tuwirangmasabi, tila ba ang sagot ng mga opisyal

    na ito ay, relax lang, nag-iipon namanako ng noodles, tinapay, kape at Shabupara sa inyo. Malapit na ulit.

    Kadalasan, naghahanap tayo ng tu-nay, epektibo, at tapat na serbisyo mulasa ating mga halal na opisyal. Mula sapinakamataas na posisyon, hanggangsa mga kagawad ng barangay. Pero na-kalilimutan natin na sa simula pa lang,wala naman tayo talagang maaasahan naganito mula sa kanila dahil naging partetayo ng isang mali at iligal na sistema ngpagpili. Ibinebenta natin ang ating mga

    karapatan, ang ating boto, ang ating pag-katao at kaluluwa sa sinumang demonyona handang mag-alok ng katumbas nahalaga. Tapos, umaasa tayo na ang mgataong ito ay biglang magbabago ang pusoat magiging matuwid kapag naluklok na sakapangyarihan? Huwag na tayong umasa.Simple lang, huwag tayong maghanap ngmga anghel, kung sa impyerno tayo na-katambay.

    Barangay Impyerno

    Atty. Reynold Munsayac

    SAMPAL-

    TUBIGTUBIG

    Sino ang nag-ambush kay Ricalde?

    BUMABA ANG approvalratings ni Pangulong Be-nigno Noynoy Aquino IIIsa pagkilos nito laban sakorapsyon.

    Base sa survey ngPulse Asia na isinagawanoong Setyembre 14hanggang 27, bumabasa 47% ang datiy 59%

    na approval ratings ngpunong ehekutibo noongMarso.

    Sinasalamin namannito ang pagtaas ng dis-approval ratings na mulasa 11% ay umakyat sa27% o katumbas ng 16-percentage points.

    Lumalabas din sa na-

    sabing survey na tumaasang ratings ng korapsyonsa pamahalaan nang lu-mutang ang isyu ng Pri-ority Development Assis-tance Fund (PDAF). Mulasa 31% noong Hunyo,48% na ito o katumbas ng17% na pagtaas.

    Binabanggit din sa sur-

    vey na pinaka-concern angmga Pilipino sa paglabanng pamahalaan sa kora-psyon (48%) at pagkontrolsa inflation (48%) o pag-taas ng bilihin, pagtaas ngpasahod (46%), at paglikhang trabaho (42%).

    (PARAZZI REPORTO-RIAL TEAM)

    Sa pagsugpo ng korapsyonRATINGS NI PNOY, BUMABA

    KUMBINSIDO ANG Pa-lasyo na hindi ang Peo-ples Initiative (PI) angpinakamainam na pan-gontra laban sa porkbarrel system sa Pilipi-nas. Maaalala na pus-pusan ang pagsusulongdito ni dating Chief Jus-tice Reynato Puno paratuluyang mabasura angPDAF.

    Ayon kay Communi-cations Sec. Sonny Co-loma, maraming ibangalternatibong paraangmagawa ang lehislaturapara makapagpatupadng reporma sa pagkak-agamit sa pondo ng pa-mahalaan.

    Sinabi ni Coloma

    na bagamat nakikiisaumano sila sa advocacyng mga nagtutulak ngtransparency at ac-countability, naniniwalasilang kailangan angmas malalim na pag-aaral bago magtungo samasalimuot na proseso.

    We share commonground with advocatesof reform towardsgreater transparencyand accountability inthe use of public funds.However, while we rec-ognize that peoplesinitiative is a valid exer-cise of citizens demo-cratic rights under the1987 Constitution, webelieve that it is not the

    only available option atthis time and all otheroptions need to be con-sidered thoroughly asthis will have far-reach-ing implications on ourpeople.

    A peoples initia-tive presupposes thatthe Legislative and theExecutive branches ofgovernment are unwill-ing to enact and imple-ment laws that willprevent the misuse ofpublic funds. We believethere are sufficient av-enues for legislative re-form and that Congressis prepared to enactlaws to institutionalizethese reforms.

    The administra-tion is supportive oflegislative reforms andis prepared to adopton its own appropri-ate measures that willsafeguard the integrityof public funds. The Su-preme Court decisionon pending issues pro-vides an opportunity forbringing greater clar-ity on the separation ofpowers provision in theConstitution. Such clar-ity will strengthen thesystem of checks andbalances and thus fos-ter good governance,pahayag ni Coloma.

    (PARAZZI REPOR-TORIAL TEAM)

    Palasyo, di OK sa PeoplesInitiative vs PDAF

    KUMPIYANSA ANG Pa-lasyo na tutuparin niSen. Jinggoy Estradaang binitiwang pangakona babalik sa bansa.

    Maaalala na planong mambabatas nabumiyahe ng US upangpatingnan ang bukol ngkanyang misis sa dibdibnito.

    Ayon kay Commu-nications Group Sec.

    Sonny Coloma, pinang-hahawakan nila angpangako ng senador samga panayam ng mediana hindi ito tatakas athaharapin ang kasongplunder hinggil sa P10bilyong pork barrel fundscam.

    Samantala, una nangidinepensa ng Palasyoang hakbang ni JusticeSec. Leila de Lima naipakansela sa DFA ang

    pasaporte ni Estrada sapagsasabing naaayonito sa itinatadhana ngPhilippine Passport Actat upang masiguro nagugulong ang hustisyasa anomalya sa pag-gamit ng PDAF.

    (PARAZZI REPOR-TORIAL TEAM)

    Jinggoy,babalik Malacaang

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    3/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    4/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    5/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    6/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    7/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    8/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    9/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    10/12

    Miyerkules - HuwebesOktubre 30 - 31, 201310 Usapang Paratsi

    SEMPLANG QUEEN ang taguringayon kay Marian Rivera dahilnga sa pagbagsak sa takilya ng pelikulangpinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas, angKung Fu Divas. Ito nga raw ang maituturing napinaka-flop na pelikulang ginawa ni Ai-Ai delas

    Alas na sinasabing nahila pababa ni Marianpagdating sa box-office appeal.

    Hindi man nga raw aminin ni ComedyConcert Queen Ai-Ai ang kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng kanilang pelikula

    ni Marian, pihadong nagsisisi raw ito sakanyang desisyon na makatrabaho ang itinuturing naReyna ng GMA-7.

    Kung titingnan nga raw sa naging resulta sa takilyang mga pelikula ni Ai-Ai, halos lahat ng mga ito aycertified box-office hits at kung minsan ay sumisira pa

    ng record sa laki ng kinikita.First time nga raw na

    gumawa si Ai-Ai ng pelikulangtalaga namang nilangaw satakilya. Kaya naman kahitanong sabi nitong okey langsa kanya ang naging resultasa box-office ng movie nilani Marian, alam naman daw

    ng marami na sa puso nito aynalulungkot siya sa kinasapitanng kanilang pelikula.

    AT 14 ay dalagang-dalaga nang tingnanang newest Kapuso star na siKate Lapuz na napapanood everyMonday to Friday sa Pyrabilangsi Sha-Sha at every Saturdaymidnight naman sa Walang TuluganWith The Master Showmanbilangco-host ni Kuya German Moreno.

    Ayon nga kay Kate, gustonitong makatrabaho sa teleseryeng GMA-7 ang ilang teen actors ngKapuso Network like Jake Vargas,Kristoffer Martin, Teejay Marquez,Hiro Peralta, Derrick Monasterio,atbp.

    Happy nga raw si Kate dahil

    bago man siya sa showbiz na almost a month pa langay sunud-sunod na kaagad ang kanyang trabahongnatatanggap like nakagawa na siya ng indie film, ang

    Ati, kasama ang kapatid ni Gerald Anderson, MerwynAbel (3G) at Aldrich Darren at nakapag-guest na rin saLove Hotline.

    Bukod sa acting ay magaling ding umawit si Katena ang paborito niyang singer ay ang sinasabing look-

    a-like niyang si Julie Anne San Jose na ayon dito aysobrang galing kumanta at magaling ding umarte.

    PAGBATI: NAIS naming i-congratulate si Roselio TroyBalbacal na nanalo bilang pinakabagonghalal na kagawad ng Luntal, Tuy, Batangas.Nais din nitong pasalamatan ang lahatng mga taong bumoto, nagtiwala atsumuporta sa kanyang laban, katuladnina Mayor Jay Cerrado, Mr. Jospeh andElizabeth Uy ng Double JD Enterprises andTarpaulin Printing, Dennis Atijera at kayKapitan Randoll Catapang.

    Nais din naming i-congratulate angdaddy at kapatid ng UPGRADE member

    na si Miggy San Pablo na parehongnanalo, sila ay sina Kapitan DelfinDem San Pablo na nanalong muli atKagawad Tikboy San Pablo ng Malhacan,Meycauayan , Bulacan.

    HINDI RAW kumbinsido si Sam Pinto kapag maymga nagsasabing pam-beauty queen din angkanyang dating. Noon pa man daw nga ay maramina ang nag-i-encourage sa kanya pero hindi siyanaengganyo na sumali sa beauty pageant.

    Ang dami rin ngang nagtatanong sa akin, whydont I join? Eh, feeling ko naman, Im too short. Imonly 5 5. At saka may tattoo ako. Alam ko bawal, eh.

    Never talaga akong nagkaroon ng interest sasumali sa beauty contest. Feeling ko lang kasi, itsreally not for me. Feeling ko, masaya na ako samodelling. Yong ganon. Hindi ko talaga naging dreamna maging beauty queen.

    May mga nagsasabi na may hawig sa kanya siBb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida. Napangiti

    naman ang seksing Kapuso actress nang matanonghinggil dito.

    Really? tila nagulat na reaksiyon ng seksingKapuso actress. Grabe naman! Talaga bangmagkahawig kami? nangiting din niya. I have to seeher yet.

    May boyfriend si Sam ngayon. At masaya raw siyana tahimik lang ang kanyang lovelife.

    Kasi I guess dahil non-showbizsiya. So, wala sigurong paki angmundo! natawa ulit na sabi niya.

    Ni minsan, hindi nga siya na-link sasinumang guy from showbiz. Pero hindinaman daw ibig sabihin non ay masgusto niyang hindi artista ang kanyang

    maging karelasyon.Sa akin, kahit ano naman.

    Nagkataon lang na non-showbiz siya.Three months pa lang yong relationshipnamin. Bago pa lang kami. And hesactually very different from all the guys that Ive dated.Kasi, he takes care of me. As in he really takescare of me. Sabi ko nga may ganyang guy pa palangayon! Hes a businessman. Chinese. Thirty yearsold siya.

    Is he the one na kaya? I dont know. Uhm I planto get married at thirty. Im twenty three ngayon. So,medyo matagal pa yon! Wala pang plano talaga sangayon.

    Importante ba ang kasal para sa kanya? Kasi may

    ibang okey na live in na lang. Importante pa rin forme ang marriage. Oo naman! I think, as of now!Happy sa kanyang lovelife. At masaya rin daw

    siya sa takbo ng kanyang career ngayon. Im justconcentrating in Bubble Gangand Sunday All Stars.

    And then marami akongregional shows forGMA.

    Ilang pelikula narin ang nagawa niSam. Pero wish dinumano niyangmabigyan ngchance namakaga-wa rinsiya ngisangindiefilm.

    Gustoko becauseits different fromkunwari yong mgacommercial na movies.Yong sa indie, youcan do whatever you

    want. You caninterpret it inyou own way.Hindi yong kung ano ang gusto ngmasa. Kundi iba naman.

    May pagka-sexy ang image napinu-project niya. At game din ngasiya in doing sexy pictorials o kaya ay

    maging sexy cover girl ng mga mensmagazine. Pero sa pelikula, hindi pasiya nakagagawa ng role na talagangdaring. Open ba siya na magpa-sexy rinonscreen?

    Puwede naman. Pero hindi ko kaya yongsuper-sexy. As in magpapakita ng anything. Icannot.

    What about doing love scenes? Ive done thatna with Cesar Montano. Don sa movie na Hitman.

    Tame naman yong love scene nilang iyon niCesar. Hindi masasabing talagang daring talaga.Hanggang doon lang ang kaya ko! sabay tawaulit ni Sam.

    Takot siya na baka mag-react o tumutol ang

    boyfriend niya? Hindi naman. Ewan ko. Lagi konamang ini-explain sa kanya na work naman to,eh. At naiintindihan naman niya. Yeah! At sakalahat naman, tina-try kong i-explain.

    Ganyan?

    JOHN FONTANILLA

    Ai-Ai delas Alas,

    minalas kayMarian Rivera

    Bad Mood ang Song Bird

    Bad mooddaw ang Song

    Bird? Ayawsana namingmaniwala eh,

    pero kitang-kita,o hehe!

    Kahit sa pagho-host,halatang bad mood

    si Regine V. Di kayastress lang si mare,alam nyo naman sa

    showbiz sandamakmakang intriga sa kanya

    teka, sandamakmaknga ba? Chos!

    Baka sa sobrangbad mood ni ateng,

    maipukpok niyasa kung kaninoang hawak na

    microphone malasang mabibiktima,

    hekhek!

    Nyay, kahit sa

    pagngiti, may bahidpa rin ng pagka-badmood ang plastik!

    Darlingnaman,tigilanmo ngayangbad

    mood mokaya kabina-bash

    eh...

    O, pwedena ba todarling?

    Parang walanamang nagbagoteh, halatang badmood pa rin, hehe,

    charot!

    Photos by LUZ Candaba, RONNIE Bernaldo & PARAZZI Wires Text by MKCaguingin

    Sam Pinto, di raw nag-ambisyongmaging beauty queen

    KATE Lapuz

    MARIAN Rivera

    AI-AI delas Alas

    SAM Pinto

    OGIE

    Alcasid

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    11/12

  • 7/27/2019 Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 135 October 30 - 31, 2013

    12/12