2
Plano para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad Pag-aaral para sa Pagpapahusay ng Alemany Interchange Talaan ng mga Datos HULING BINAGO Oktubre 2016 SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY Mga Katuwang sa Pag-aaral na Ginagawa para sa Pagaplano (Planning Study Partners) Nagtalaga na si Commissioner Campos (Distrito 9) ng pondo para sa Programa para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad (Neighborhood Transportation Improvement Program, NTIP), at nang makapagbigay ng suporta sa Alemany Interchange Improvement Study na piamumunuan ng Transportation Authority. Itinatag ang NTIP bilang programang nagbibigay ng pondo para sa mga pagsusumikap na isinasagawa ng magkakalapit-bahay at naka-base sa komunidad, lalo na sa mga pamayanan at lugar kung saan naninirahan ang mga taong “vulnerable” (tumutukoy sa mga taong mababa ang kita, walang seguro, nakatatanda, walang tahanan, kasama sa mga minoridad dahil sa lahi at etnisidad). Mahigpit na nakikipag-ugnay ang Caltrans Distrito 4 at ang San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) sa Transportation Authority bilang mga katuwang sa pag-aaral. Mga Nalalapit na Pagtitipon/Kontakin Kami Sa pakikipagtulungan sa mga organisasyong nakabase sa komunidad, kagaya ng PNA, nakagawa na ng planong outreach (pag-abot sa higit na nakararami sa komunidad) ang Transportation Authority, at kasama sa planong ito ang pagkakaroon ng mga pulong sa komunidad at sa mga may kinalaman sa usapin, at mga gawaing tulad ng pag-a- outreach sa Alemany Farmer’s Market. Maghahanda ng mga abiso at materyales na nasa iba’t ibang wika para maabot ang mga populasyong binubuo ng iba’t ibang etnisidad sa kalapit na mga komunidad. Magsisimula ang proseso ng pag- a-outreach sa komunidad sa Marso 2016, at makukumpleto ang pinal na plano sa Disyembre 2016. Bumisita sa website ng proyejto para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nalalapit na pagtitipon at para magpalista para sa email newslettter ng Alemany Interchange Improvement Study: http://www.sfcta.org/alemany-interchange-improvement- study Background ng Proyekto Nagdudulot ng malaking problema sa kaligtasan at maayos na daraanan ng mga naglalakad at nagbibisikleta ang Alemany Interchange, kung saan nagtatagpo ang US 101, I-280, Alemany Boulevard, Bayshore Boulevard, San Bruno Avenue, at iba pang mga lokal na kalye. Bukod rito, madalas na mahirap at nakalilito ang Alemany Interchange para ligtas na makapagmaniobra ang mga nagmamaneho. Bukod sa bulubunduking topograpiya, nagsisilbing hadlang ang mga freeway sa mga kalapit nakomunidad, kung saan iilang lugar lang ang puwedeng matawiran. May potensiyal ang interchange na magkaloob ng mga kritikal na koneksiyon sa pagitan ng mga magkakatabing komunidad na Bernal Heights, Portola, Silver Terrace, at Bayview, at pati na rin sa mga paroroonan na lampas sa mga lugar na ito. Gayon pa man, kailangang magpasikot-sikot pa ang mga naglalakad, nagbibisikleta at gumagamit ng pampublikong transportasyon sa mga nakalilitong kalye at rampa kung saan mabibilis ang takbo ng mga sasakyan. Mahalagang usapin ang kaligtasan sa lugar ng interchange, dahil nitong nakaraang mga taon, nagkaroon ng ilang banggaan at aksidente sa mga kalye kung saan naroroon o malapit ang interchang, at humantong ito sa kamatayan o malalang kapansanan. Naitalaga na ng Vision Zero initiative ng Lungsod ang mga koridor ng Alemany Boulevard, San Bruno nasa likod ang pagpapatuloy Alemany Farmer’s Market Kuha ang larawan ni Bettinche, Flickr commons, https://flic.kr/p/7AhJuZ (Iminumungkahing Plano para sa Paglalagay ng mga Linya) IPINAPAKITA SA IBABA ANG MGA DETALYE SA LUGAR

Plano para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad ... · komunidad, lalo na sa mga pamayanan at lugar kung saan naninirahan ang mga taong “vulnerable” (tumutukoy sa mga

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Plano para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad ... · komunidad, lalo na sa mga pamayanan at lugar kung saan naninirahan ang mga taong “vulnerable” (tumutukoy sa mga

Plano para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad

Pag-aaral para sa Pagpapahusay ng Alemany Interchange

Talaan ng mga DatosHULING BINAGO

Oktubre 2016SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY

Mga Katuwang sa Pag-aaral na Ginagawa para sa Pagaplano (Planning Study Partners)Nagtalaga na si Commissioner Campos (Distrito 9) ng pondo para sa Programa para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad (Neighborhood Transportation Improvement Program, NTIP), at nang makapagbigay ng suporta sa Alemany Interchange Improvement Study na piamumunuan ng Transportation Authority. Itinatag ang NTIP bilang programang nagbibigay ng pondo para sa mga pagsusumikap na isinasagawa ng magkakalapit-bahay at naka-base sa komunidad, lalo na sa mga pamayanan at lugar kung saan naninirahan ang mga taong “vulnerable” (tumutukoy sa mga taong mababa ang kita, walang seguro, nakatatanda, walang tahanan, kasama sa mga minoridad dahil sa lahi at etnisidad). Mahigpit na nakikipag-ugnay ang Caltrans Distrito 4 at ang San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) sa Transportation Authority bilang mga katuwang sa pag-aaral.

Mga Nalalapit na Pagtitipon/Kontakin KamiSa pakikipagtulungan sa mga organisasyong nakabase sa komunidad, kagaya ng PNA, nakagawa na ng planong outreach (pag-abot sa higit na nakararami sa komunidad) ang Transportation Authority, at kasama sa planong ito ang pagkakaroon ng mga pulong sa komunidad at sa mga may kinalaman sa usapin, at mga gawaing tulad ng pag-a-outreach sa Alemany Farmer’s Market. Maghahanda ng mga abiso at materyales na nasa iba’t ibang wika para maabot ang mga populasyong binubuo ng iba’t ibang etnisidad sa kalapit na mga komunidad. Magsisimula ang proseso ng pag-a-outreach sa komunidad sa Marso 2016, at makukumpleto ang pinal na plano sa Disyembre 2016.Bumisita sa website ng proyejto para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nalalapit na pagtitipon at para magpalista para sa email newslettter ng Alemany Interchange Improvement Study:http://www.sfcta.org/alemany-interchange-improvement-study

Background ng ProyektoNagdudulot ng malaking problema sa kaligtasan at maayos na daraanan ng mga naglalakad at nagbibisikleta ang Alemany Interchange, kung saan nagtatagpo ang US 101, I-280, Alemany Boulevard, Bayshore Boulevard, San Bruno Avenue, at iba pang mga lokal na kalye. Bukod rito, madalas na mahirap at nakalilito ang Alemany Interchange para ligtas na makapagmaniobra ang mga nagmamaneho. Bukod sa bulubunduking topograpiya, nagsisilbing hadlang ang mga freeway sa mga kalapit nakomunidad, kung saan iilang lugar lang ang puwedeng matawiran.May potensiyal ang interchange na magkaloob ng mga kritikal na koneksiyon sa pagitan ng mga magkakatabing komunidad na Bernal Heights, Portola, Silver Terrace, at Bayview, at pati na rin sa mga paroroonan na lampas sa mga lugar na ito. Gayon pa man, kailangang magpasikot-sikot pa ang mga naglalakad, nagbibisikleta at gumagamit ng pampublikong transportasyon sa mga nakalilitong kalye at rampa kung saan mabibilis ang takbo ng mga sasakyan. Mahalagang usapin ang kaligtasan sa lugar ng interchange, dahil nitong nakaraang mga taon, nagkaroon ng ilang banggaan at aksidente sa mga kalye kung saan naroroon o malapit ang interchang, at humantong ito sa kamatayan o malalang kapansanan. Naitalaga na ng Vision Zero initiative ng Lungsod ang mga koridor ng Alemany Boulevard, San Bruno nasa likod ang pagpapatuloy

Alemany Farmer’s Market

Kuha ang larawan ni Bettinche, Flickr commons, https://flic.kr/p/7AhJuZ

(Iminumungkahing Plano para sa Paglalagay ng mga Linya)

IPINAPAKITA SA IBABA ANG MGA DETALYE SA LUGAR

Page 2: Plano para sa Pagpapahusay ng Transportasyon sa Komunidad ... · komunidad, lalo na sa mga pamayanan at lugar kung saan naninirahan ang mga taong “vulnerable” (tumutukoy sa mga

Avenue, at Bayshore Boulevard na nagtatagpo sa Alemany Interchange bilang Pedestrian High Injury Corridors (Lugar Kung Saan Madalas ang mga Aksidente sa mga Naglalakad).

Deskripsiyon ng ProyektoNakagawa na ang mga magkakalapit na komunidad, sa pamumuno ng Portola Neighborhood Association (PNA), ng dalawang ispisipikong mungkahi na magpapahusay pa sa multimodal connectivity and safety (pagkakaroon ng koneksiyon at kaligtasan gamit ang iba’t ibang pamamaraan) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga koneksiyon para sa mga naglalakad at nagbibisikleta sa interchange:

• Bagong north-south pathway (daanan na pahilaga-pantimog) para sa mga naglalakad at nagbibisikleta, na kumokonekta sa San Bruno Avenue sa Alemany Farmer’s Market.

•Mga bagong daanan ng bisikleta sa Alemany Boulevard sa pagitan ng Putnam Street at Bayshore Boulevard.

Benepisyo sa Proyekto •Mapahusay pa ang mga tawiran para sa mga naglalakad•Muling makonekta ang mga komunidad sa pamamagitan ng mas mahuhusay na

pasilidad para sa mga nagbibisikleta at naglalakad. •Magkaloob ng direktang daraanan papunta sa Alemany Farmer’s market mula sa

mga kalapit na komunidad•Magkaroon ng higit na kaligtasan ang mga naglalakad at nagbibisikleta sa kabuuan

ng Alemany Interchange

Gastos sa Proyekto• Bahagi 1: Paglalagay ng mga linya para sa pagpapahusay na nakatuon sa mga

naglalakad at nagbibisikleta: Tinatayang kabuuang halaga na humigit-kumulang $250K

•Bahagi 2: Multi-use Path (Daan na marami ang gamit) Tinatayang kabuuang halaga: $2–$3M

Mga Posibleng Oportunidad na Mapagkukunan ng Pondo:•Mga Pangkalahatang Pondo•Pondo sa Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for

Clean Air, TFCA)•Programa para sa Aktibong Transportasyon (Active Transportation Program, ATP)•One Bay Area Grant (OBAG)•Kalahating Sentimo na Buwis sa Pagbebenta na para sa Transportasyon mula

sa Prop K (Capital Funding [ipinauutang na halaga para sa lupa, mga gusali o kagamitan] para sa NTIP Distrito 9)

Mga Isinasaaalang-alang sa Disenyo

1455 Market Street, 22nd Floor, San Francisco, CA 94103tel 415.522.4800 fax 415.522.4829 email [email protected] web www.sfcta.org

SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY

MGA BIKE LANES NA BUFFERED

KALIGTASAN SA MGA INTERSEKSIYON

MULING PAGKOKONEKTA AT PAGBAWI SA ALEMANY

Pho

to: S

FBC

MULTI-USE PATH (DAAN NA MARAMI ANG GAMIT)

Timeline (Nakatakdang Panahon ng Pagpapatupad) ng Proyekto 2015 2016NOB DIS ENE PEB MAR ABR MAY HUN HUL AGO SEP OKT NOB DIS

Pamamahala sa ProyektoPag-abot sa Higit na Nakararami sa Komunidad*

Pagsusuri sa mga Kasalukuyang KondisyonPagsusuri sa Trapiko

Disenyo at Tinatayang GastusinPagpopondo at mga Stratehiya para sa Implementasyon

Pinal na Ulat*—Ipinapakita ng kulay na mapusyaw na asul o light blue ang patulay na pag-a-outreach (mga pinakabagong impormasyon sa website, pahayagang palihan o newsletter, pagtugon sa pamamagitan ng email/telepono). Ipinapakita ng malamlam na asul o dark blue ang mga buwan sa pagdaraos ng mga pulong para mag-outreach.