Prelim Fil101 Qstn Tri

Embed Size (px)

DESCRIPTION

.

Citation preview

Table of Specifications

EXAM QUESTIONNAIRES

PRELIM2nd Trimemester, SY 2014-2015Course Code:

FIL 101 Credit Unit(s): 3

Lecture Unit(s): 3Lab Unit(s): 0

Course Title: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINODate Issued:

3 October 2014Page 1 of 5

1.Ito ang katangi-tanging katangian sa pamamaraan at paggamit ng wika ng isang

indibidwal.

a. Dayalekto

b. Kolokyal

c. Balbal

d. Idyolek

2.Ang Cebuano, Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Waray ay mga halimbawa ng

a. Pidgin

b. Pambansang wika

c. Dayalekto

d. Idyolek

3. Ang mga etnolinggwistikong grupo ang tiyak na gumagamit ng iba-ibang

a. Wika

b. Pambansang wika

c. Dayalekto

d. Idyolek4. Ang magkaibigan ay parehong galing sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng

a. Idyolek

b. Dayalekto

c. Creole

d. Pidgin

5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa

a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.

b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.

c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.

d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paaralan.

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?

a. pakikipag-usap sa tindera b. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa

c. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada

d. panonood ng pelikula7. Patuloy na naghihirap ang bansang Filipinas dahil sa mga buwaya sa katihan . Ang pahayag na ito ay may antas ng wika na

a. balbal

b. kolokyal

c. lalawiganin

d. pampanitikan

8. Nasan na ba sya? Meron ka bang makakain dyan? Ang pahayag na ito ay may antas ng wika na

a. balbal

b. kolokyal

c. lalawiganin

d. pampanitikan

9. Ang salitang yosi, ermat, erpat at tol ay maaari mong marinig sa wikang

a. Dayalekto

b. Kolokyal

c. Pidgin

d. Idyolek

10. Magkaiba ang barayti ng wika sa magkaibigan sa barayti ng wika sa pagpupulong pampaaralan, dahil sa aspetong

a. Heyograpikal

b. Sosyal

c. Sosyo-sikolohikal

d. Okupasyunal

11. Kung ikaw ay naninirahan sa Bacolod at naisipang mag-aral sa Maynila, ano ang dapat isaalang-alang na kaisipan sa pagtukoy ng wika?

a. Sosyal dahil ibang tao na ang iyong makasasalamuha

b. Heyograpikal dahil naiba na ang iyong tirahan

c. Okupasyunal dahil ikaw ay malapit ng magtrabaho

d. Sosyo-sikolohikal dahil iba na ang takbo ng iyong isipan

12. May bunga ang okupasyunal na aspeto sa pagkakaroon ng barayti ng wika gaya ng

a. Pagkakaiba ng wika ng isang manggagamot at isang manananggol

b. Pagbabago ng wika sa tuwing ang kausap ay mga kaibigan

c. Pagkakaiba ng wika ng Kabikulan sa Kailikanuhan

d. Pagbabago ng wika sa mga babasahin

13. Alin ang aspeto sa barayti ng wika ang dapat isaalang-alang sa pagpunta sa ibang lalawigan

a. Sosyal

b. Okupasyunal

c. Heyograpikal

d. Heyometrikal14. Di naming kayo tatantanan! Ito ang natatanging pananalita ni Mike Enriquez sa kaniyang pagbabalita. Ang halimbawang pahayag ay nagpapakita ng barayti ng wikang

a. dayalek

b. idyolek

c. sosyolek

d. pidgin

15. Pre, mukhang olats ka na naman kasi wala ka ng datung.Humingi ka na lang muna sa ermat mo. Ang pananalitang ginamit ay nagpapakita ng status o kalagayan ng tao sa lipunan na may barayti ng wikang

a. dayalek

b. idyolek

c. sosyolek

d. pidgin

16.Tinatawag na punto o paraan ng pagsasalita ng tao ang sosyolek. Ang pahayag ay

a. hindi ko maintindihan

b. maaaring tama

c. walang katotohanan

d. may katotohanan

17. Aling pangyayari sa ibaba ang hindi katatagpuan na konsultatib na rehistro ng wika?

a. Pagtatanong komyuter sa drayber

b. Pagbili ng damit ng isang babae

c. Pagbibigay proyekto ng guro sa mga mag-aaral

d. Paghingi ng payo ng anak sa magulang

18. Sa larangan ng musika ang salitang komposisyon ay nangangahulugang piyesa o awit samantalang sa lenggwahe , ito ay nangangahulugang_____

a. pinagsama-samang elemento

b. sulatin

c. pangungusap

d. talata

19.May lihim na sinabi sa iyo ang iyong nakatatandang kapatid na ayaw iparinig sa iba, kaya ano ang rehistro ng wika niya?

a. Intimate

b. Statik

c. Consultative

d. Formal20. Ito ang rehistro ng wika na bihirang mangyari dahil piling sitwasyon lamang ang kinabibilangan nito.

a. Intimate

b. Konsultatib

c. Formal

d. Statik

21.Saang pangyayari sa ibaba ang maaari mong kasangkutan kung formal na rehistro ang maririnig?

a. Pagtatalumpati mo bilang isang panauhin

b. Pamamaalam sa iyo ng kamag-anak na mangingibang bansa

c. Pag-uusap ninyo ng isang doktor

d. Pagkukuwentuhan ninyong magkakaklase

22.Alin sa mga sumusunod makikita ang statik na rehistro ng wika?

a. Pagpasa ng isang panukalang batas

b. Pagbati sa kaarawan ng mga kapamilya

c. Pagtitinda sa pamilihan

d. Pagtatanong sa guro

23.Ang salitang ISYU sa larangan ng pulitika ay may rehistrong

a. paglabas ng pahayagan

b. usaping pang-showbiz

c. mga tsismisan

d. usaping pampulitika

24.. Ito ang tawag sa listahan o pangkat ng wika na alam at sanay gamitin ng isang indibidwal.

a. Rehistro

b. Barayti

c. Wikain

d. Domeyn

25. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tiyak na kasanayan sa domeyn ng wika?

a. Nakakakilala at nakakabasa ng ibang wika

b. Nakikipagtalastasan sa kapwa Ilocano

c. Nakaaangkop sa kultura at wika ng ibat ibang lugar o tao

d. Wala sa nabanggit

26. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng

komunikasyon?

a. Ito ay sining ng pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik

b. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal

o di-berbal.

c. Ito ay pagbuo ng kaisipan sa ating sarili.

d. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa ating paligid.

27. Ang salitang komunikasyon ay hinango sa salitang Latin na communis (komon) na ang kahulugan ay pagkakatulad, ibig sabihin ay

a. posible ang pag-iral ng komunikasyon kung may katulad na paraan ng pakikipagtalastasan dito.

b. paulit-ulit lamang ang nagaganap sa komunikasyon

c. nagkakaiba ang paraan ng pakikipagtalastasan

d. may pagbabago sa paraan ng pakikipagtalastasan

28.Alin ang hindi maaaring maging katangian o kahulugan ng komunikasyon?

a. Pakikipagtalastasan

b. Sistematikong proseso

c. Paggamit ng salita

d. Pagpapalit ng panahon

29.Ang taoy nabubuhay hindi lang para sa kaniyang sarili. Noon pa man ay kaakibat na ng pamumuhay ng tao ang pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ang ipinapahiwatig ng pahayag ay

a. Mahalaga ang ating kapwa sa buhay ng tao.

b. Ang pakikipagtalastasan ay hindi ganap kung wala an gating kapwa.

c. Ang komunikasyon ay bahagi ng pamumuhay ng tao sa mundo.

d. Walang nabubuhay sa mundo na mag-isa lamang.

30.Ayon sa kaniya, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

a. Bernalesb. Tanawan

c. Word

d. Rankin

31.Ang komunikasyon ay sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita lamang. Ang pahayag ay

a. hindi ko maintindihan

b. maaaring tama

c. walang katotohanan

d. may katotohanan

32.Labis na nangungulila si Irma sa pagkawala ng kaniyang lola kayat dinamayan siya ng kaniyang kaibigan sa pamamagitan ng pakikinig at paghaplos sa likuran nito. Ang uri ng komunikasyong di berbal na ipinapakita ng pahayag ay

a. oras

b. espasyo

c. pandama

d. kulay

33. Ang komunikasyong berbal ay higit na makikita sa

a. pag-awit sa harap ng salamin

b. pagkaway sa paparating na kaibigan

c. pagsali sa patimpalak ng masining na pagkukuwento

d. pagguhit sa isang isang patimpalak pagpinta34. Ito ang maituturing na kaluluwa ng berbal na komunikasyon.

a. Mensahe

b. Wika

c. Bansa

d. Modelo

35. Ang pagyakap ng ina sa anak ay nagpapakita ng komunikasyong

a. berbal

b. di berbalc. pormald. di pormal36. Mahalaga ang komunikasyong di berbal dahil: a. inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. b. nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

c. naipahahatid ang ibang mensaheng di kayang sabihin nang personald. nagiging malakas ang loob ng tao na magawa ang isang bagay.37.Ang pakikipag-usap sa telepono ay higit nagpapakita ng komunikasyonga. berbal

b. di berbalc. pormald. di pormal38. Alin sa mga sumusunod ang daloy ng modelo ng komunikasyon ni Berlo?

a. nagsasalita, ang sinasabI, ang nakikinig

b..pinagmumulan, mensahe, tsanel at tagatanggap c. pinanggalingan, tagapaghatid , senyas , tagatanggap ng pahatid

d. encoding, mensahe, decoding

39. Batay sa pag-aaral ni Shanman at Weaver, ang komunikasyon ay mayroong pinagmulan ng mensahe . Ang ikalawa ay

a. sino ang tagapaghatid ng mensahe ?

b. saan nagdadaan ang mensahe?

c. ano ang paraan ng pagbuo ng mensahe?

d. paano makakarating ang mensahe?

40. Saan makikita ang paggamit ng tsanel sa komunikasyon?

a. Ang pagbabayad ng pamasahe sa driver

b. Ang paghingi ng tulong sa mga dumaraan

c. Ang pakikipanayam sa telepono

d. Ang pagkuha ng naiwang gamit sa bahay

41.Proseso sa modelo ni Blaine Goss na kung saan pinag-iisipan ang sasabihin batay sa kaniyang layunin

a. Encoding

b. Decoding

c. Interpretasyon

d. Ugnayan

42.Alin sa mga elemento ng Modelo ni Aristotle sa komunikasyon ang hindi kasama?

a. Nagsasalita

b. Ang sinasabI

c. Ang Nakikinig

d. Tsanel

43. Ang pagtitimbang ng sariling desisyon at pagbubulay-bulay ay mauuri sa anong antas ng komunikasyon?

a. Interpersonal

b. Intrepersonal

c. Intropersonal

d. Intrapersonal

44. Ang usapan sa pagitan ng dalawang mangangalakal ukol sa isyung pangnegosyo ay nasa tipo ng komunikasyong

a. Impormal

b. Pormal

c. Malawak

d. Makitid

45. Ang mga pagtatanghal na makabansa/makaPilipino at natutunghayan ng ibang lahi ay nasa antas ng________________.

a. Komunikasyong Pangmasa

b. Komunikasyong Pang-internasyunal

c. Komunikasyong Pang-organisasyon

d. Komunikasyong Pangkultural

46.Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging daluyan sa komunikasyong pangmasa?

a. Teleponob. Telebisyon

c. Radyo

d. Pahayagan

47.Ano ang pinakaepektibong gamitin upang maipaabot ang paghingi ng tawad sa kasintahan?

a. Intrapersonal na Komunikasyon

b. Interpersonal na Komunikasyon

c. Komunikasyong Pang-organisasyon

d. Komunikasyong Pangkultural48. Pre, alam mo ba may nakita akong masarap na pulutan sa may kanto.

May tokneneng akong nakita. Wehdi nga? . Ang tipo ng komunikasyon na

nangingibabaw sa usapan ay

a. pormal

b. pabalbal

c. impormal

d. abnormal49.Gamit ang wikang pampanitikan, ano ang maaaring maging bunga ng iyong likha?

a. Jejemon na usapan

b. Teknikal na mga terminolohiya

c. Akdang Panliteratura

d. Diksyunaryong Cebuano

50.Ang iyong pamilya ay taimtim na nanonood ng balita sa telebisyon tungkol sa pagbaha sa Maynila. Ang antas ng komunikasyon na nagaganap ay

a. intrapersonal

b. pampubliko

c. pangmasa

d. pangkaunlaran