Upload
jovis-malasan
View
57.341
Download
19
Embed Size (px)
Citation preview
DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay
pinamagatang, “Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa
Edukasyon Sa Bansang Pilipinas”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik
na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng
mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli
Institution of Quezon City, SY 2010-2011
Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at
inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.
Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan
sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)
_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMATPASASALAMAT
Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa pagbibigay ng suporta upang aking mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:
- Unang- una ako’y nagpapasalamat sa Diyos na maykapal sa pag-gabay sa
akin sa paggawa ng pananaliksik na ito at maisakatuparan ang mga bagay
upang mabuo ito.
- Sa aming butihing guro na si Bb. Jessilyn Ranges, sa pagtulong at pagbibigay
ng mga ideyang makakatulong sa paggawa ng pananaliksik na ito.
- Sa mga awtor, mga teorista at iba pang mga mananaliksik na aking
kinuhanan ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aking paksa.
- Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga tanong para sa sarbey
at interbyu na nakatulong ng malaki upang mas maging epektibo ang
pananaliksik na ito.
- Sa aking pamilya at kaibigan, na naniwala sa akin sa pagtapos ng
pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng suporta na nakatulong rin sa akin
para maisagawa ng tama ang aking pananaliksik.
MARAMING SALAMAT PO.
TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT
KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D. SAKLAW AT LIMITASYON
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
F. PARADIGM
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”
KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
D. TRITMENT NG DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”
KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”
A. LAGOM
B. KONKLUSYON
C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga
estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang
tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad. Ngunit kay
raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na
nga rito ang Edukasyon. Isang problemang nais ng matuldukan ng ating
gobyerno.
Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan
na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Ang
pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap
ang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi
nakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiya
sa mga kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at
ang iba’y napapabarkada.
Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng
pagtuturo. Dahil nga sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mga
kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang epektibo at magandang
kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga
kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling asignatura.
Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na
sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito,
hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito’y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng
mga mamamayan ng bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa
ating bansa. Itatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibong
solusyon sa mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang mga
impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang
mas epektibong proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na
ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa isang masagang buhay at kinabukasan.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga researcher. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para
makalikha pa siya ng mga impormasyon at makagawa ang isang researcher
ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang mas
maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila
para malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon.
Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang makuro na may malaking
kinakaharap na problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon.
Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng
mga magulang upang kanilang madalumat ang katotohanang malaki ang
problema ng ating bansa lalong-lalo na sa Edukasyon.
Sa pamahalaan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa
pamahalaan upang mas mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan at
hanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at paraan upang
masolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral na
ito’y makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa ating
bansa.
Sa komunidad. Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan
na maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa ng mga iba’t ibang
kuro-kuro para makatulong sa estado ng Edukasyon ng ating bansa.
D. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa
ng mga kongkretong impormasyon at datos na ukol sa mga Problema sa
Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang. Ako’y mangangalap ng mga datos
sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don Fabian, Commonwealth
Ave. Q.C. na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ng ating
bansa tungkol sa Edukasyon.
Sa pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mga
tanong:
1. Ano ang Edukasyon? Paano ito nakakatulong sa isang bansa?
2. Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa Edukasyon ng
ating bansang pilipinas?
3. Malaki ba ang nagiging epekto nito sa ating bansa?
4. Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga problemang ito?
F. PAGPAPAKITA NG PANANALIKSIK SA PAMAMAGITAN NG PARADIGM
Problemang Panlipunan : Mga Problema sa Edukasyon sa Bansang Pilipinas.
Kakulangan ng Kagamitan
Kulang na pondong ibinibigay ng gobyerno.
Mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral
Hindi natututukan ang edukasyon sa mga liblib na
lugar.
Kakulangan ng klasrum.
Kakulangan ng aklat at iba pang kagamitang pang-eskuwela tulad ng lapis at mga kwaderno.
Dulot ng lubhang kakapusan sa buhay (kahirapan).
Pagrerebelde
Kawalan ng atensiyon ng mga magulang.
Impluwensiya ng masasamang barkada
Natututong magbisyo
Korupsiyon
Maling paggamit
ng pondo ng gobyerno.
Ginagamit ng pulitiko ang pondo ng gobyerno para sa kanyang sariling kadahilanan.
Kalayuan ng pook.
Kakulangan ng mga titser na nais magboluntaryo.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba
pa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng
classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa
private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyon
ang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public
school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na
estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga
estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na
ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na
bilihin (Ellen Tordesillas, journalist).
Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa
bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng
hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos
na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa
edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang
Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,
Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng
Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon
sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang
matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng
pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon (Mylene
Padua).
Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay
mayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at
pribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu’t apat. Sa kabuuang
ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mga
paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng
silid, ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t
dalawang estudyante (cyndi18) .
Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sa
sinasabing subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na
“basic tool subject” katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,
at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,
pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansa bilang
Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upang maging
mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob at labas ng bansa. Ngunit kung
“short cut” ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila, hindi malayong
“bansot” din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mga sarili.Bukod pa
rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sa sinasabing pagsasama-
sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas ng bagong babasahin at
educational aides na aakma sa tinaguriang “revised subject
nomenclature.”Ito’y ilan lamang sa kagyat na makikitang problema sa
solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa badyet
para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng
pamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009).
Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansa
ang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi ang
pagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ng
isang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral sa
isang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito,
kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na ang
mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-
aralan at mga guro (Bernard Taguinod, 2010)
Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabing
ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng
edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na mas
mahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyon
sa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon
ng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng
66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyo ay
para lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulang pa
din ng 61,343 na classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 na silya
para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing room only o
SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa sahig ang maraming estudyante.
Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi ni Mrs. Arroyo sa
Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung kayat 54,060 guro ang
kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ng estudyante, para bang
sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ng mahigit dalawang
milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si
Mrs. Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa 2,000 punong-guro.
Ngunit ang pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538 na punong-
guro(Jejomar Binay).
Out of School Youth
Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,
walang trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng
852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994
(NSO,1994)
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saan
inilalahad ang mga sanhi at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon.
Pang-edukasyon na pananaliksik na sinasakupan kung paano natututo ang
mga tao.
B. MGA RESPONDENT
Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga
kalalakihan at mga kababaihan na edad 12-42 na may sapat na kaalaman sa
mga nangyayaring problema sa Edukasyon sa ating bansa ngayon.
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap
ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga aklat, diyaryo, dokumento, at
ng internet.
D. TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner na
ipinamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing
paksa. Ang pagkuha ng porsiyento at bahagdan ay batay at ang basehan ay
ang mga sagot ng aking mga respondente sa aking mga nagawang
kwestyoner.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NGMGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG PANANALIKSIKPANANALIKSIK
Ano ang pinakamalaking sanhi ng problema sa edukasyon?a. Kahirapanb. Kakulangan ng pondoc. Hindi ginagawang prayoridad ang edukasyon ng ating pamahalaan.d. Wala sa nabanggit / Iba pa
Sa labing-siyam na aking nasarbey Anim ang sumagot ng titik A.
Siyam ang sumagot ng titik B .Lima naman sa titik C at dalawa sa D. Ayon sa
mga datos na ito karamihan sa kanila ay naniniwala na ang problema sa
Edukasyon ay ang lubhang kahirapan ng bansa. Dahil nga maraming
nagsisipaglipat na mga estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan sa
mga pampublikong paaralan (ayon na rin kay Ellen Tordesillas).
Sa tingin niyo ba may ginagawang proyekto o programa ang ating pamahalaan sa ganitong isyu?
a. Meronb. Wala
Ayon sa aking sarbey sa labing siyam, labing-isa ang sumagot ng titik
A na kung saan ang pamahalaan ay mayroong isinasagawang mga
programa’t proyekto na nakakatulong sa bansa at walo ang sumagot sa titik
B na kung saan walang programang isinasagawa ang pamahalaan. Ayon sa
grap ipinapakita na mas nakakalamang ang titik A. Sa katotohanan ito’y
totoo kay raming mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan tulad ng
pagpapagawa ng mga silid-aralan at mga pampublikong paaralan ayon na
rin sa mga sagot ng aking mga nasarbey.
Bakit sa tingin niyo may mga estudyante o kabataang hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral?
a. Dulot na rin ng kahirapan
b. Dahil sa Pagrerebelde
c. Natututong Magbisyo dahil sa barkada
d. Iba pa.
Ayon sa aking nakalap na datos, sa labing siyam na aking nasarbey,
walo ang sumagot ng titik A. Walang pumili sa titik B. Anim naman ang
sumagot ng titik C. Lima naman ang pumili sa titik D. Lahat ng nasa
pagpipilian ay nagiging dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindi
nakakapagtapos. At ayon sa aking datos pareho ang bilang ng pumili sa titim
Titik A at C.
Sa tingin mo, sino ang dapat sisihin kung bakit nagkakaroon ng
problema sa Edukasyon?
[ ] Mag-aaral
[ ] Guro
[ ] Gobyerno
[ ] Lahat ng ito
[ ] Iba pa.
Sa labing- siyam na aking nasarbey tatlo ang nagsasabing mag-
aaral ang dapat sisihin sa mga problema ng edukasyon. Tatlo naman ang
sumagot ng titik B. Anim ang sumang-ayon at pinili at titik C. Samantala ang
lima ang nagsasabing dapat mag-aaral, guro at gobyerno ang dapat sisihin
sa mga problema ng edukasyon. Batay na rin sa aking pananaliksik lahat ng
ito ay nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga problema sa ating
bansa sa larangan Edukasyon.
Sa tingin mo, maganda ba ang kalidad ng pagtuturo sa
kasalukuyan?
[ ] Oo
[ ] Hindi
Sa labing siyam na aking nasarbey, Sampu ang sumagot ng Oo at
sumasang-ayon na maganda pa rin ang kalidad ng pagtutro sa panahon
ngayon. Walo ang sumagot na hindi maganda ang kalidad ng pagtuturo at
may nag-iisang nagsabi na depende ito sa eskuwelahan. Sa problemang ito
naman ang guro an gating problema dahil sa kanilang pagtuturo o dahil sa
kurikulum ng isang eskuwelahan.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-
edukasyon ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit
nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o nakakaganda sa
isang bansa. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na
magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kuro
na nanggaling sa aking nasarbey.
A. KONKLUSYON
Maraming problemang pang-edukasyon an gating bansa isa na rito ang
mga mag-aaral na di nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,
problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas.
May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon
at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng
kagamitan at pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyon
ng ating bansa nagkukulang ang mga kagamitang ito tulad ng mga libro,
kwaderno, bolpen maging silid-aralan o kaya’y paaralan. Kung nagkukulang
ang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.
Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ng
maling pagkatuto nito. Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ng
mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga Estudyante ngunit sa
panahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang natuturo ng mga
ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon
sa mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ng
mga titser na nais magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo
nito.
B. REKOMENDASYON
Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng
isang mas epektibong pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ng
ating bansa upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga
tao tungkol na rin sa Problemang Pang-edukasyon na nararanasan ng ating
bansang Pilipinas.
BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA
http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm
http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/
Edukasyong_Pilipino_Binabaliwala_Misedukasyon.
http://www.ellentordesillas.com/?p=279
http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.htm
http://www.abante.com.ph/issue/jan2410/op_jb.htm
PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTORI. Contact Information
Pangalan : John Kevin S. BaldovinoTirahan : 2146 Don Fabian St. Commonwealth Avenue Q.C.Telepono/Cellphone Number : 430-60-54/09997158010E-mail Address : [email protected]
II. Personal na Datos Edad: 15Kapanganakan : Hunyo 27, 1995Lugar ng Kapanganakan : Quezon City, Metro ManilaLahi : FilipinoKasarian : LalakiPangalan ng Ama : Joel C. BaldovinoPangalan ng Ina : Vivian S. Baldovino
III. Educational BackgroundPaaralan :
Preparatorya : Immaculate Mother School Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City
IV. Mga interes at pangarap
Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak ay makapanggamot ng kapwa. Nais ko rin makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating bansa o kung papalarin ay sa buong mundo upang lumawak ang aking kaalaman. Nais kung magkaroon ng masayang buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at makabuo ng isang pamilya. Sa aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao na makakatulong sa pagkamit ng mga pangarap na aking inaasam.