12
BRIEFER FOR Philippine National Action Plan For Family Farming (PAP4FF) Mula sa patuloy na pagdami ng populasyon na nakakapagdulot ng pagkakasira ng kapaligiran at ang pagkakaranas ng abnormal na pagbabago sa klima, o climate change, at hanggang sa dinudulot nito na hindi pagkakapantay-pantay sa panlipunan at pang-ekonomi- yang estado sa pamumuhay, patuloy na nakakaranas ang sector ng agrikultura ng magkakaugnay na pagsubok. Dahil rito, nagiging pagsubok din ang pagpapanatili ng produksyon ng pagkain sa mga komunidad. Kasama ang Pilipinas sa mga bansang nakakaranas sa mga problemang kagaya nito. Ilan sa mga nararanasan ng sektor ng agrikultura sa bansa ay ang mataas na poverty incidence o kahirapan sa pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda, walang katiyakan sa sapat na pagkain, limitadong pagpapalawig ng sakahan, pagbaba sa pagiging produktibo, at lantad sa panganib mula sa climate change o pagkasalanta na dulot ng mga natural na sakuna. Isa pa sa mga kinahaharap ng sektor ng agricultura ng Pilipinas ay ang pagtanda ng populasyon ng mga magsasaka at mangingisda, na ang edad ay mula 57 hanggang 60 taong gulang. At kaakibat din nito ay ang kawalan ng interes ng kabataan sa agrikultura bilang isang propesyon. Ang family farming ay tumutukoy sa lahat ng gawaing pang- agrikultural -- pagsasaka, pangingisda, pagpapastol, paggugubat, at aquaculture -- na pinapangasiwaan at ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya. Ibig sabihin, ang babae, lalaki, at kabataang miyembro ng pamilya ay may papel sa mga gawaing pang-agrikultural. Bilang walompu’t porsyento o 80% ang iniaambag ng family farming sa pagkain ng buong mundo, itinuturing itong pangunahing paraan sa produksyon ng pagkain. Ano-ano ang mga pagsubok na kinahaharap ng sektor ng agrikultura? Ano ang family farming? 1 Filipino Translation

produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

Philippine National

Action Plan For Family

Farming (PAP4FF)

Mula sa patuloy na pagdami ng populasyon na nakakapagdulot ng pagkakasira ng kapaligiran at ang pagkakaranas ng abnormal na pagbabago sa klima, o climate change, at hanggang sa dinudulot nito na hindi pagkakapantay-pantay sa panlipunan at pang-ekonomi-yang estado sa pamumuhay, patuloy na nakakaranas ang sector ng agrikultura ng magkakaugnay na pagsubok. Dahil rito, nagiging pagsubok din ang pagpapanatili ng produksyon ng pagkain sa mga komunidad.

Kasama ang Pilipinas sa mga bansang nakakaranas sa mga problemang kagaya nito. Ilan sa mga nararanasan ng sektor ng agrikultura sa bansa ay ang mataas na poverty incidence o kahirapan sa pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda, walang katiyakan sa sapat na pagkain, limitadong pagpapalawig ng sakahan, pagbaba sa pagiging

produktibo, at lantad sa panganib mula sa climate change o pagkasalanta na dulot ng mga natural na sakuna. Isa pa sa mga kinahaharap ng sektor ng agricultura ng Pilipinas ay ang pagtanda ng populasyon ng mga magsasaka at mangingisda, na ang edad ay mula 57 hanggang 60 taong gulang. At kaakibat din nito ay ang kawalan ng interes ng kabataan sa agrikultura bilang isang propesyon.

Ang family farming ay tumutukoy sa lahat ng gawaing pang-agrikultural -- pagsasaka, pangingisda, pagpapastol, paggugubat, at aquaculture -- na pinapangasiwaan at ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya. Ibig sabihin, ang babae, lalaki, at kabataang miyembro ng pamilya ay may papel sa mga gawaing pang-agrikultural. Bilang walompu’t porsyento o 80% ang iniaambag ng family farming sa pagkain ng buong mundo, itinuturing itong pangunahing paraan sa produksyon ng pagkain.

Ano-ano ang mga pagsubok na kinahaharap ng sektor ng agrikultura?

Ano ang family farming?

1

Filipino Translation

Page 2: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

nito -- na pagmamay-ari ng mga katutubo, ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), at mga natamo o nakuhang lupa.

Narito ang napagkasunduang kahulugan ng family farming sa konteksto ng Pilipinas:

Sa Pilipinas, ang konsepto ng family farming ay nakabase sa kultura at pangagasiwa ng pamilya, kung saan binibigyang halaga ang papel na ginagampanan at mga pangangailangan ng mga pamilyang magsasaka, mga katutubo, mangingisda, kababaihan, at kabataan; ang suporta para sa mga nangungupahang pamilyang magsasaka at trabahador sa sakahan upang makapagmay-ari ng sariling sakahay ay nakabase sa mga batas ng asset reform at pagsulong ng gobyerno ng Sino ang family famers o

pamilyang magsasaka?

2Maliban dito, mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng family farming sa pag-unlad ng lipunan, ekonomiya, kapaligiran, at kultura. Dahil sa likas nito na pagsakop sa iba’t ibang aspeto ng produksyon sa pagkain, nagagampanan din ng family farming ang pagkamit ng labingpitong (17) Sustainable Development Goals ng United Nations (UN) 2030 Development Agenda. Halimbawa na lamang, sa pagkamit ng layunin nito na isang mundong walang nagugutom (SDG 2), nagbibigay din ito ng paraan para makamit ang magandang kalusugan at mabuting kapakanan (SDG 3).

Sa Pilipinas, ang family farming ay binubuo ng mga miyembro ng pamilya na nagsisilbi ring magsasaka, mangingisda, mga indigenous peoples o mga katutubo, at mga naninirahan sa kabundukan na nagsasanay ng mga gawaing pang-agrikultura. Ito rin ay kilala sa mga kultural o katutubong mga pamamaraan, kasanayan at sistema sa pagsasaka. Kabilang din dito ang mga lupain -- anuman ang laki

pagpapangkat ng produksyon; at ang kontribusyon nito sa pagpapanatili at pamamahala ng lupain at katubigan upang magampanan ang makaturungan, pangkalahatan, at pangmatagalang kaunlaran.

Base sa sunod-sunod na konsultasyon tungkol sa family farming, ang mahinang pagpapatupad ng mga polisiya at programa para mga pamilyang magsasaka, pati ang kakulangan sa pagkakaroon ng kagamitan at serbisyo ang ilan sa mga humahamon at mas nakakapaghina pa ng abilidad at kapasidad ng mga pamilyang magsasaka. At dahil dito, nalilimitihan din ang pagkakaroon ng epektibong samahan at pagtutulungan ng gobyerno at ng mga pamilyang magsasaka.

Ang family farmers o pamilyang magsasaka ay binubuo ng food producers tulad ng mga magbubukid,

Page 3: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

3Bilang kanin ang pangunahing pagkain sa Pilipinas, malaki ang naiaambag ng pamilyang magsasaka ng bigas o rice family farmers sa pag-unlad ng agrikultura at sa pagpapanatili ng seguridad ng pagkain. Dahil dito, malaki rin ang kanilang naiaambag sa paglago ng ekonomiya at pagbaba ng kahirapan sa bansa.

Ang ikalawang karaniwang ani sa Pilipinas ay ang niyog, at isa rin ito sa pangunahing kalakal ng bansa. Mayroong 3.5 milyong pamilyang magsasaka ng niyog o coconut family farmers sa Pilipinas, at naitalang 3.6% ang kanilang naiambag sa gross value-added ng agrikultura. Sa kabila nito, sila ang isa sa pinakamahirap na magsasaka sa bansa, kung saan kumikita sila kada-taon ng PHP 18,000 kada-tao. Isang maaaring kadahilanan nito ay ang kawalan ng sariling lupa

mamamastol, mangingisda, manggugubat, mga katutubo, mga magsasaka sa kabundukan, at iba pa.

Sa kanila nagmumula ang karamihan ng pagkain sa mundo, kaya malaki ang ginagampanan nilang trabaho sa pagpapanatili ng seguridad at nutrisyon ng pagkain.

Karamihan sa pamilyang magsasakang Pilipino ay kabilang sa pinakamahirap na antas ng lipunan at walang pinagkukunang proteksyon laban sa mga karamdaman at sakit at iba pang sosyo-ekonomikong suliranin. Ang national poverty incidence rate o ang rate ng kahirapan sa Pilipinas ay 16.6%, ngunit ang rate ng kahirapan ng magsasaka at mangingisda ay naitalang mas mataas pa: 31.6% para sa mga magsasaka, at 26.2% para sa mga mangingisda.

Ang karaniwang uri ng pamilyang magsasakang Pilipino ayon sa ani ay ang pamilyang magsasaka ng bigas, pamilyang magsasaka ng niyog, at mangingisda.

kahit na may Comprehensive AgrarianReform Program (CARP).

Isa sa mga nangungunang producer ng isda sa buong mundo ay ang mga mangingisdang Pilipino. Naitala ring 1.3% ang kanilang naiambag sa gross domestic product o GDP ng bansa. Ang mga mangingisdang Pilipino ay binubuo ng tatlong sektor:

1. Municipal fisheries: Sila ang pinakamalaking sektor na binubuo ng 1.93 milyong mangingisda ngunit sila rin ang may pinakamahihirap na mangingisda kung saan 34.3% ay naninirahan sa ilalim ng poverty line;

2. Aquaculture: Sila ang may pinakamalakas na produksyon ng isda na pinagmumulan ng 51% na kabuuang produksyon ng isda;

3. Commercial fisheries

Page 4: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

Bilang tugon sa mga hamon na kinahaharap ng sektor ng mga pamilyang magsasaka, isinusulong ng UNDFF ang pangkabuuang perspektibo sa pagpapaunlad ng pangmatagalang buong sistema sa produksyon ng pagkain sa buong mundo. Kasabay ng pagkamit ng UN Sustainable Development Goals, nais nitong makamit ang isang angkop kapaligiran para sa mga pamilyang magsasaka kung saan maaaring magkaroon ng “isang mundo na kung saan lumalago ang magkakaiba, malusog, at pangmatagalang sistema para sa pagkain at agriukultura, kung saan ang mga matitibay na kanayunan at kalungsuran ay nagtatamasa ng isang mataas na kalidad ng buhay na may dignidad, katarungan, at malaya sa gutom at kahirapan.”

4

Mas nakilala ang family farming nang itinalaga ng United Nations General Assembly ang taong 2014 bilang International Year of Family Farming (IYFF). Layunin nito na bigyan ng pagpapahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pamilyang magsasaka sa kaunlarang pang-agrikultura, pang-kapaligiran, at panglipunang polisiya sa mga pambansang usapin. At isa nga sa mga balangkas na nagpapapahalaga ng familyfarming ay ang UN Decade of Family Farming (UNDFF).

Kaya naman noong ika-17 ngDisyembre, idineklrara ng United Nations General Assembly ang mga taong 2019 hanggang 2028 bilang UNDFF. Ito rin ang parehong taon kung kailan inilunsad ang kampanya sa IYFF+10.

Binuo ng UNDFF ang Global Action Plan bilang gabay sa pagpapanukala ng mga konkreto at hustong hakbang para mapagtagumpayan ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng mga pamilyang magsasaka. Hinahangad din nitong mapagtibgay ang kapasidad ng pamilyang magsasaka sa pamumuhunan, at makamit ang mga potensyal na benepisyo ng kanilang mga kontribusyon para sa ikauunlad ng lipunan. Ang Global Action Plan ay nagmumungkahi ng iba’t ibang hakbang upang 1) maging handa ang mga pamilyang magsasaka bilang pangunahing aktor at kalahok at 2) makabuo ng mga nauukol na patakaran at pamamaraan para makamit ang layunin ng UNDFF.

Ano ang Global Action Plan?

Ano ang United Nations Decade of Family Farming (UNDFF)?

Page 5: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

5Haligi 6 — Pagsulong sa likas-kayang pagsasaka o sustainable agriculture para sa produksyon ng pagkaing matatag sa harap ng pagbabago ng klimaHaligi 7 — Pagpapalakas ng mga papel ng pamilyang magsasaka upang makalikha ng makabagong ideya tungo sa pagpapaunlad ng mga teritoryo at mga sistema ng produksyon ng pagkain na mapag-alaga sa likas na yaman, kalikasan, at kultura

Gamit ang Global Action Plan bilang gabay, binuo ng Pilipinas ang Philippine Action Plan for Family Farming noong taong 2020 upang magtatag at magpatupad ng mga pambansang polisiya, programa, at iba pang mga inisyatibo na susuporta at tutupad sa hangarin ng UNDFF sa Pilipinas. Ito rin ay naging posible sa pagiging miyembro ng bansa sa International Steering Committee (ISC) ng UNDFF.

Sa taong 2028, hangarin ng Pilipinas ang isang bansa na may

Ang pundasyon ng Global Action Plan ay ang tinatawag na Pitong Haligi ng Dekada ng Pamilyang Magsasaka:

Haligi 1 — Paggawa ng mga polisiya na nagpapalakas sa mga pamilyang magsasakaHaligi 2 — Pagsuporta sa kabataan at pagsiguro sa kinabukasan ng mga pamilyang magsasakaHaligi 3 — Pagsulong ng katarungan batay sa kasarian at pagkilala sa papel ng kababaihan bilang lider sa kanayunanHaligi 4 — Pagpapalakas ng mga samahan ng mgapamilyang magsasaka at kanilang kakayahang lumikha ng kaalaman, katawanin ang mga magsasaka, at magbigay-serbisyo sa loob at pagitan ng kanayunan at kalunsuranHaligi 5 — Pagpapabuti sa antas sosyo-ekonomiko, pagkamatatag, at kapakanan ng mga pamilyang magsasaka, mga sambahayan at komunidad sa kanayunan

matatag at masigasig na mga pamilyang magsasaka na nagsasanay at nakakasabay sa mga sustainable na pamamaraan at teknolohiya sa agrikultura, pangingisda, at paggugubat. Kaya naman, naglalaman ang PAP4FF ng mga stratehiya at focus areas upang makamit ang layunin nito na “Masaganang Ani, Mataas na Kita, at Marangal na Buhay ng Pamilyang Magsasaka.”

Nakaangkla ang PAP4FF sa Theory of Change o Teorya ng Pagbabago para sa pagkamit ng layunin nito. Ang Teorya ng Pagbabago ay nagbibigay-diin sa magkakaugnay na papel ng mabuting pamamahala, organisado at kumpyansa na pamilyang magsasaka, pakikipagsosyo, at pakikipag-ugnayan upang lutasin ang gutom at kahirapan ng mga pamilyang magsasaka. Alinsunod sa teoryang ito ang mga sumusunod na bahagi ng PAP4FF:

Ano ang Philippine Action Plan for Family Farming?

Paano natin makakamit ang layunin ng PAP4FF?

Page 6: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FORC. Pitong Focus Areas o Key Result Areas. Ang PAP4FF ay may pitong focus areas o key result areas upang masiguro na ang bawat polisiya o programa ay sumusuporta sa pagkamit ng layunin nito. Ang mga ito ay alinsunod sa pitong haligi ng Global Action Plan, gayundin sa Philippine Development Plan (PDP) at sa Eight Paradigms of New Thinking Agriculture ng Kagawarang Pang-agrikultura.

Haligi 1: Ang tagumpay ng mga programa para sa pamilyang magsasaka ay nakaangkla sa isang enabling policy environment o angkop na kapaligiran para sa pagpapatupad ng polisiya na sumusuporta sa layunin nito. Kung kaya’t ang unang haliging ito ay nananawagan sa matibay na dedikasyong pampulitika para makabuo ng mga polisiya na magsusulong sa mga panukalang

6A. Sustainable Development Goals. Binibigyang diin ng PAP4FF ang una at pangalawang Sustainable Development Goals o SDGs sa pagtalakay ng problema sa gutom at kahirapan ng pamilyang magsasakang Pilipino.

B. Tatlong Strategic Action Areas. Tinatalakay ng PAP4FF ang mahinang pamamahala, pagkamamamayan, at pakikipagsosyo na kinakaharap ng pamilyang magsasakang Pilipino, sa pamamagitan ng:

gawain para sa pamilyang magsasakang Pilipino. Ang pagbuo ng mga polisiya atprograma ay dapat naaayon sa husto, nauukol, patas, at tiyak na datos. Mahalaga rin ang palagiang pakikipag-usap sa mga pamilyang magsasaka sapagkat sila ang mas nakakaintindi ng mga suliranin at oportunidad sa kani-kanilang mga komunidad.

Haligi 2: Ang kabataan ang pag-asa ng bayan — at ng pamilyang pagsasaka. Gayunpaman, isa isa pangunahing suliranin ng sektor na ito ay ang pagtanda ng mga kasalukuyang magsasaka, na may karaniwang edad na 57–60 taong gulang. Dagdag pa rito, malaki ang kakulangan sa pagsasalin ng mga gawing pagsasaka sa mga kabataan. Dahil dito, ang haliging ito ay nagtataguyod ng mga programa at kampanya na makapaghihikayat sa mga kabataan na pasukin ang pagsasaka habang pinoprotektahan ang kanilang

Sustainable Development Goal 1. No poverty o walang kahirapan. Tapusin ang lahat ng uri ng kahirapan.

Sustainable Development Goal 2. Zero hunger o walang kagutuman. Tapusin ang kagutuman, kamtan ang seguridad at nutrisyon ng pagkain, at itaguyod ang likas-kayang pagsasaka.

Enabling policy environment o angkop na kapaligiran para sa pagpapatupad ng polisiya;

Organisadong pamilyang magsasaka; at

Makabuluhang pakikipagsosyo sa iba’t ibang kalahok.

Ano-ano ang Pitong Focus Areas ng PAP4FF?

Page 7: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

7pansin ang kanilang mga kontribusyon at pangangailangan. Isinusulong ng haliging ito na talakayin ang hindi pantay na pagkilala sa mga kababaihan, na isang balakid sa likas-kayang kaunlaran. Ang pagsulong sa katarunganbatay sa kasarian ay katumbas ng pagtaguyod ng kabutihan at karangalan ng mga kababaihan.Layunin ng haliging ito na pataasin ang porsyento ng mga kababaihang benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Layunin din nito na pataasin ang access ng mga kababaihan sa impormasyon at mga pautang na serbisyo at pasilidad, at pataasin ang kanilang kita.

Haligi 4:Ilan sa mga samahan ng mga pamilyang magsasaka ay ang mga sumusunod: Samahan ng mga pamilyang magsasaka ng niyog Samahan ng mga pamilyang magsasaka ng bigas Mga organikong pamilyang magsasaka Mga pamilyang magsasaka na

mga karapatan (hal. pagtatapos ng pag-aaral). Nananawagan din ang haliging ito sa mga polisiya na tatalakay sa pangignibang-bayan o pangingibang-bansa ng mga kabataan sa kanayunan. Isinusulong din nito ang pagsama ng pamilyang pagsasaka sa kurikulum ng lahat ng antas ng edukasyon bilang isang malakihang kampanya para sa dagdag-kamalayan ng kabataan tungkol sa pamilyang pagsasaka.

Haligi 3:Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2012, mayroong 2.3 milyong kababaihang magsasaka saPilipinas, at 87% sa kanila ay may-ari ng sinasakang lupa. Gayunpaman, maraming suliraning pang-katarungan batay sa kasarian ang kinakaharap ng mgakababaihang magsasaka. Ilan na rito ay ang mababang kita, kakulangan ng access sa pangunahing serbisyo, at kawalan ng kontrol sa mga kagamitan kumpara sa mga kalalakihan. Kadalasan ding hindi nabibigyang

benepisyaryo ng Agrarian Reform Mga pamilyang magsasaka sa mataas na lupa o upland Family Farmers Federations

Ang samahan ng mga pamilyang magsasaka ng niyog ang may pinakamaliit na bilang ng miyembro, na hindi aabot salimang porsyento ng 3.5 milyong pamilyang magsasaka. Ang samahan ng mga pamilyang magsasaka ng bigas naman ang pinakamalaking samahan na binubuo ng 1.1 milyong miyembro. Ang mga samahan tulad ng mga naitalang ito ay nagsisilbing koneksyon ng iba’t ibang pamilyang magsasaka, na siyang nakatutulong para mas mapabuti ang kanilang pagsasaka at ang kanilang ani. Nagsisilbi rin itong kawing sa iba’t ibang serbisyo, kagamitan, pagsasanay, at ibang pang-kaunlarang programa, na kadalasang mahirap makuha sa labas ng organisasyon. Itinataguyod ng haliging ito ang pagbibigay-kakayahan sa mga samahan ng pamilyang magsasaka upang mapagbuti ang kanilang ani at kita,

Page 8: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

mahalagang agenda upang makamit ito: 1. Pagsuporta sa Indigenous Peoples o mga katutubong grupo ng pamilyang magsasaka (hal. pagkilala sa kanilangmga kontribusyon at pangangailangan); at 2. Pagpapalakas ng pangkabuuang kaunlaran ng pamilyang magsasakang Pilipino.

Layunin ng unang agenda na pataasin ang pagkakakilala ng lipunan sa kontribusyon ng mga katutubong grupo upang mapadali ang kanilang aktibong partisipasyon sa pag-unlad ng ekonomiya ngbansa. Layunin naman ng ikalawang agenda na mapaghusay ang pamantayan ng pamumuhay ng mga pamilyang magsasaka.

Haligi 6:Dahil sa mga hindi inaasahan na pangyayari na maaaring idulot ng pagkasira ng kapaligiran

8yumabong sa merkado, at mamuno sa komunidad. Nananawagan din ang haliging ito sa karagdagang pananaliksik tungkol sa mga matagumpay na samahan ng mga pamilyang magsasaka, na maaaring pagtularan ng Pilipinas.

Haligi 5: Sa kabila ng mga mahahalagang kontribusyon ng pamilyang magsasaka, karamihan sa kanila ay kabilang sa pinakamahirap na antas ng lipunan at walangpinagkukunang proteksyon laban sa mga karamdaman at sakit at iba pang sosyo-ekonomikong suliranin. Sa paglutas ng kahirapan ng pamilyang magsasaka, pundasyon ang pagkakaroon ng access sa mga pangunahing serbisyo tulad ng pagkakaroon ng kasiguruhan ng kanilang ani, buhay, at kalusugan o ang mga tinatawag na crop, life, at health insurances. May dalawang

at mga hamon sa lipunan at ekonomiya, higit at agarang kinakailangan ng sistema sa produksyon ng pagkain na maging matatag sa klima para maipagpatuloy ang paghatid ng pagkain sa mga komunidad. Kaya naman, binibigyang halaga ng haligi na ito ang pagbibigay ng kaalaman at kakayahan angmga pamilyang magsasaka na makagamit at masanay angteknolohiya sa kanilang pagsasaka. Bilang digital infrastructures ang sentro ng haligi na ito, makakapagbigay din ito ng mga oportunidad sa mga pamilyang magsasaka na lumago, maging makabago sa mga gawi sa pagsasaka, mas palawakin ang naaabot na merkado, at mamuhunan.

Sa tulong ng mga oportunidad gaya nito, mabibigyan ang mga pamilyang magsasaka ng kakayanan, kapasidad, at kumpyansa na makagawa at kumita ng mas marami sa mas maiksi at madaling pamamaraan. Kasama na rin dito ang pagiging matatag sa mga hindi inaasahang pagsubok na maaari

Page 9: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

9pamilyang magsasaka, mangingisda, at mga naninirahan sa kabundukan na nagiging makabago sa mga pamamaraan sa pagsasaka at nakakapagsanay na sa pagiging digital at pati sa paggamit ng mga climate-resilient technologies o mgateknolohiya para mas maging matatag laban sa pabago-bagong klima.

Haligi 7: Dahil sa maraming papel ang ginagampanan ng mga pamilyang magsasaka sa kanilang mga pamilya at higit pa sa sektor ng agrikultura, kinakailangan ng isang komunidad kung saan ang mga ginagampanang papel na ito ay nasusuportahan at nakikilala sa pagkamit ng sustainable food systems o pagpapanatili ng buong sistema sa produksyon ng pagkain, pati na rin sa pagpapaunlad pa ng sektor ng agrikultura.

nilang maranasan sa kanilang kabuhayan. Maliban dito, binibigyang-diin din ng haligi na ito ang pangangailangan ng suporta galing sa at pamamagitan ng gobyerno para mas palawakin pa ang naaabot ng mga pamilyang magsasaka na mga serbisyo, kagamitan, at kasanayan sa mga digital infrastructure.

Sa pamamagitan din ng mga sumusunod na indicative action points, layunin ng pang-anim na haligi na ito na:

Magkaroon ng pagtaas sa proporsyon ng mga pamilyang magsasaka na nagsasanay ng Sustainable Land Management (SLM) at Integrated, Diversified, Organic Farming System (IDOFS);

Magkaroon ng limampu’t pursyento (50%) na pagtaas sa bilang ng mga pamilyang magsasaka na may direktang kaugnayan sa mga lokal na mga mamimili o konsyumer;

Magkaroon ng walompu’t pursyento (80%) ng mga

Kaya naman, itinataguyod ng haligi na ito ang samahan na epektibo, pangkalahatan, makabago, napapanatili, at nakakapagbigay ng pangmatagalang pagbabago. Ang ganitong klaseng samahan ay makakapagbigay ng kumpyansa at kasiguruhan sa mga pamilyang magsasaka na ang mga polisiya, inisyatibo, pagbabahagi ng kaalaman, at mga kampanya ay para mas maisulong at makamit ang layunin ng UN Decade of Family Farming. Binibigyang-diin din ng haligi na ito ang papel na ginagampanan ng national multi-stakeholder partnership kung saan ang mga pangpubliko at pribadong sektor, mga civil society organizations, at family farmer organizations ang nangunguna sa buong proseso sa kahit ano mang inisyatibo tungkol at para sa family farming.

Ang pagsulat at pagpapatupad ng PAP4FF ay naisagawa sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng bansa.

Sino ang bahagi sa pagbuo ng PAP4FF?

Page 10: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

e. Iba’t ibang kilalang samahan ng pamilyang magsasaka, samahan ng lipunang makabayan o sibil, at mga samahang hindi pampamahalaan o non-government organizations (NGOs) sa Pilipinas.

2. Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI): Bilang lider ng National Committee on Family Farming (NCFF), ang DA-ATI ay nagsisilbing tampulan na pangkat ng gobyerno na nangangasiwa ng pag-unlad, pagpapatupad, pagtataguyod, at pakikipag-ugnayan na kailangan para sa mga polisiya at programa ng PAP4FF. Ang NCFF ay binubuo rin ng mga sumusunod na komite: a. National Steering Committee (NSC); b. National Technical Working Group (NTWG); c. Thematic Task Forces on Family Farming; d. Joint Secretariat; at e. Ang lokal na mga katapat ng NCFF.

10Aktibo ring nakilahok ang mga samahan ng pamilyang magsasaka, samahan ng lipunang makabayan o sibil, at mga kasosyong pangkaunlaran sa pagbuo at pagsasakatuparan ng PAP4FF.

1. Agriculture and Rural Development Knowledge and Policy Platform (ARDKPP): Sinimulan ng ARDKPP ang pagbuo ng PAP4FF noong taunang pagpupulong o annual conferences noong 2019 at 2020. Ang ARDKPP ay binubuo ng mga sumusunod na grupo: a. International Fund for Agricultural Development (IFAD); b. Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO-UN); c. Department of Agriculture (DA) o Kagawaran ng Agrikultura; d. Department of Agrarian Reform (DAR) o Kagawaran ng Repormang Pansakahan; at

2006: Simula ng taon na ito, nag-oorganisa na ng mga national conferences patungkol sa family farming sa pamamagitan ng Knowledge and Learning Market (KLM). Ang KLM ay isang taunang usapan para sa pagbabahagi ng kaalaman kung saan ang mga iba’t ibang miyembro o departamento ng gobyerno gaya ng DA, DAR, DENR, DTI, at mga civil society organizations ay nagpupulong para sa mga diskusyon na pinangunuhan ng IFAD Philippines.

2012: Pinasimulan ng jointadvocacy ng mga farmers federations, civil organizations at ng DA ay Draft UN Resolution ng taong 2012.

November 26, 2014: Matapos maging miyembro ng International Steering Committee (ISC) para sa International Year of Family Farming (IYFF), pinangasiwaan ng Pilipinas ang seremonya ng pagtatapos sa pagdiriwang ng IYFF.

ICYMI: Ang nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan ng PAP4FF

Page 11: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

11konsultasyon, pagpaplano, workshops, at mga pagpupulong para mas mapagbuti pa ang PAP4FF, pati na rin upang masuri ang pangdaigdigan, pangrehiyon at pangnasyonal na pagpapatupad ng UNDFF. Isinagawa ito kasama ang mga multi-stakeholders o iba’t ibang kalahok sa gobyerno, organisasyon ng mga magsasaka, at mga civil society organizations.

January 2021: Natapos at pinresenta na ang PAP4FF sa isang workshop na pinangunahan ng DA-ATI.

May 27, 2021: Opisyal na inilunsad ang PAP4FF sa culminating activity ng Farmers’ and Fishers’ month na pinanguhan naman ng DA.

July 21, 2021: Muling ilulunsad ang PAP4FF at ipapalabas sa opisyal na Facebook page nito.

2014: Upang maitugma ang mga palitan ng kaalaman sa taunang Knowledge and Learning Marketsa mga diskusyon sa IYFF, pinalitan ito ng pangalan mula sa “Knowledge and Learning Market” at naging “Knowledge Learing Market-Policy Engagement 2014 (KLMPE 2014). Sa pagdaraos na ito, pinag-usapan din ang mga karaniwang mga isyu patungkol sa mga polisiya sa family farming ng Pilipinaas.

2019: Naging mga miyembro ang Pilipinas at ang AFA sa International Steering Committee bilang parte naman ng UNDFF sa pagkakataon na ito.

2019: Nagsimula ang pandaigdigang pagpapatupad ng UNDFF sa Pilipinas sa pamamagitan ng KLMPE: IYFF+5. Sa pagdaraos na ito, pinagtibay at idineklara ang mgainisyatibong pang-lokal, mga stratehiya, at mga key result areas para sa PAP4FF.

September to December 2020: Nagdaos ng sunod-sunod na mga pagtitipon para sa

1. Maging maalam. Kaalaman ang pundasyon ng isang kumpyansa na pamilyang magsasaka. Hindi maaaring itaguyod ngisang tao ang isang bagay kung hindi siya maalam tungkol dito. Hindi maaring maipaglaban ng isang tao ang kanyang mga karapatan kung wala siyang kamalayan sa mga polisiya nasumusuporta rito. Nagsisimula ang lahat ng ito sa pagiging maalam.

Maging at manatiling maalam sa pamamagitan ng pagsunod ng mga online accounts ng PAP4FF. Mayroong mga impormasyon at balita na matatagpuan sa mga sumusunod na plataporma:

Website: pap4ff.comFacebook: facebook.com/undff.pap4ff YouTube: Twitter: twitter.com/undff_pap4ffYouTube: Twitter: twitter.com/undff_pap4ff

May papel ka ring ginagampanan sa PAP4FF!

Page 12: produktibo, at lantad sa panganib pagsubok na kinahaharap

BRIEFER FOR

dumarami kapag ito ay iyong ibinabahagi sa ibang tao. Kinakailangan mo ng ibang tao para mas matuto at mas makapagpalitan pa ng mga karanasan, na siya namang makakatulong sa iyo na mas maintindihan, mas mapagbuti, at maisulong pa ang family farming sa bansa.

Kaya naman, ang PAP4FF ay pinakamagandang ipagdiwang, maranasan, at ipaglaban kasama ang iba pang kapwa pamilyang magsasaka at mga kababayan!

4. Ibahagi ang iyong mga kwento bilang isang pamilyang magsasaka at bigyan ng inspirasyon ang iba!Bawat kwento ay mahalaga. Kahit ang iyong kwento. Ang iyong mga nararanasang hamon, mga tagumpay, at mga aral na natutunan mula sa iyong sariling mga karanasan o sa ibang tao ay maaaring makatulong at makapagbigay ng inspirasyon sa iyong mga kapwa pamilyang magsasaka at sa iyong mga kababayan para masuportahan at maisulong

122. Sumali sa mga inisyatibo ng at tungkol sa PAP4FF. Ang pagiging maalam ay kapaki-pakinabang lamang kung ito ay tatapatan ng aksyon. Sulitin ang mga programa at iba pang mga inisyatibo na isinasagawa ng PAP4FF. Makakatulong ito para linangin pa ang iyong mga kapasidad bilang isang pamilyang magsasaka, para makapagbukas ng mga networks at koneksyon sa iba pang mga pamilyang magsasaka, at para makapagbigay ng suporta para isulong ang isang dekada na inilalaan para sa family farming dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

3. Hikayatin ang ibang pamilyang magsasaka na sumali. Sabi nga sa isang kilalang kasabihan, “No one is an island” (“Walang sinuman ang namumuhay para sa sarililamang na parang isang isla”). Kapareho nito ang PAP4FF. Ang halaga ng pagiging maalam ay mas nagiging mataas at lumalago pa habang ito ay

ang family farming sa isa o iba pang paraan. Ika nga, ang pagbabahagi ay pagmamala-sakit din na maituturing!

At sa panahon ngayon, mas naging posible na ang pagbabahagi sa pamamagitan ng iba’t ibang mga plataporma sa online gaya ng Facebook, YouTube, Twitter, Instagram at iba pa. Maaari mo na ring simulan ang pagbabahagi ng iyong mga kwento sa mga opisyal na social media channels ng PAP4FF!

‘Wag magpahuli sa mga gawain at mga inisyatibo ng PAP4FF!

I-follow ang PAP4FF sa:

Philippine Action Planfor Family Farming

@undff_pap4ff

Contact us on:

[email protected]